Nasa will lang po ng tao yan. Sa amin pong mga muslim isamg buwan po namin yan ginagawa pag ramadan from 4:30 am till 6:30 noon kahit tubig wala. Diabetic pa po ako at may hypertension pero kinakaya ko. My health benefit din sya na pa flush toxins sa katawan
Ang IF ay hindi sa wlang mkain, kundi meron kang mkakain pero restricted ang oras para kumain..mgka iba po yan.. research research din… wag kumain pag hindi gutom. Un lang
7 months ago i used to watched yung ganitong kind of vids from GMA. Weight ko noon is 114 kg. Ngayon im happy and proud dahil nagawa ko sya yung mag papayat enjoying and trusting the process talaga. Now, my weight is 84 kg. Heheeh more pa to lose. Diet ko now is cal def im doing cardio din and strength exercise.
Wow!!! U lost 30 kg. Ang laking bawas den yan. Keep up d good work sir. Wag ka na aatras para di masayang ang effort mo. Tuloy2 lng. Kaya mo yan. Medyo mahabang journey pa but u will be happy sa result eventually.
I've been doing this all my life without realizing it then I started eating more than 3 times a day that is when all my health problems started nandyan ang HTN, bloating, sluggish etc etc. So I started IF and now my bloating and hypertension are all behind me now and I am 😊
@Peanutshell ako rin over pero kulang naman ako sa exercise, walking ang only way. Kasi 55 kilos ako at ang main target 40 therefore kailangan mag bawas ng 15 kilos.🤣🤣🤣🤣😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂
Intermittent fasting works and is actually beneficial not just for people who are trying to maintain their weight but also those who want a healthy lifestyle. Just keep in mind to do it right and plan it well. There are countless resources out there that one can find on how to simply apply it and find healthy options. Eat healthy and meditate. Fasting doesn’t mean Starving. There’s a difference.
Self discipline lang naman talaga kung gusto mong pumayat..Me I'm 65 kg before but now I'm already 45 kg or sometimes 44 +kg..I eat 3 times a day but only a little amount of food and I'm always drink warm water especially in the morning when I wake up..👍👍👍
IF promotes lowering of insulin caused by eating in general. So it makes sense na kapag hindi ka kumain, nagagawang gamitin ng katawan mo ung fats mo for energy. Insulin prevents your body from accessing fat reserves. Source: Dr Berg & Dr. Jason Fung Snacking is what kills weight loss. Sobrang winowork on ko to. dahil although nag IF ako, di parin ako dapat mawili mag snack excessively in between my big meals during my eating window. ALSO, para sa mga mag sasabi na ang lungkot naman mabuhay ng ganito, malungkot din yung feeling mo na wala kang control sa pagkain mo and you feel crap afterwards. Pareho mahirap, and para sakin, dun nalang ako sa mahirap na makakabuti para sa katawan ko. Pag naging habit naman na siya, wala na yung essence ng pagiging mahirap. It just becomes your life.
Agree. Pag sanay na sa IF at low carb hindi naman laging gutom. Kahit ako never kong na imagine na kaya ko palang hindi kumain every 3 or 4 hours. Hindi ko pa kayang alisin ang rice kaya ni reduce ko na lang to less than 1/4 ng dati kong consumption. At least 5 cups a day ba naman ibang usapan pa pag paborito ko ang ulam. 😂Nag stop na din sa chichirya pero syempre may cheat day. 😅 I do 18:6, pero madalas umaabot ng 20 hours.
I just started my Keto and Intermittent Fasting to heal my body and become fit. My dad died of stroke. Last year I was having so many pains every time I wake up and then my cholesterol and blood pressure are very high. Im on my 7th day today and I feel really good! I’ll share my new look with this 90-day challenge but I can see my belly fat is getting smaller.
Effective po siya with proper diet and proper calorie deficit depending on what your body needs. I made a mistake last 2020 na nasobrahan ako sa kaka ganito nag collapsed na ako at sinugod sa hospital kaya balance is the key.
In my opinion, combining IF with HIIT and strength training is the most effective way to maintain this kind of lifestyle in the long run. I have been doing it for more than a year and my weight is constantly within the normal range of my BMI.
Effective sya not just for weight loss but for overall health. I do intermittent fasting regularly. I fast for 19 hours and would only have two meals a day, sometimes only one as I don't feel hungry anymore and feel so strong even without food I could still exercise and do work and chores! Not only did it help me lose weight but also contributed to me being healthy and rarely get sick.
@@cielopajartin5694 depende KC Yan sa Tao eh. You don't have to follow ung kdlasan gngawa Ng IBA na kumakain at 12noon then dpat stop na Ng Kain by 8pm. Aq KC I start eating at 11am then stop na Ng Kain by 7pm. KC auko Ng masyado kumain Ng late bigat SA pakiramdam q. Atleast I do 16hours fast when I started. Hanggang SA nasanay na ko to the point na one meal a day nlang at nkakapag fasting na Ng mas mhabang oras kdlasan 19-21hours pa. KC hndi na q nkakaramdam Ng gutom.
Ganun din ako nag umpisa sa 16:8 ngayon 19:5 kc mas mabilis ang resulta dating mataas ang blood pressure ngayon nag normal na sya at nakakaranas nadin ako dati ng early symptoms ng diabetes ngayon nawala na at mas matagal nadin gutumin at mapagod,dating 86 kilos ngayon 73, sa loob lang ng 6 months kasabay ang workout napaka effective nya desiplina lang tlaga kc ang hirap bitawan kung ano ang nakasanayan,
Ano po kinakain nyo non? Rice pa din po ba kahit 1meal nalang kayo per day. If 11am to 7pm. Anong oras po talaga kayo nag sstart talaga kumaen ng meal non? naguguluhan po kasi ako e kung buong 8hrs ba kumakaen or talagang isang beses pa din sa 8hrs hehe. Salamat po.
@@maryroseampo7356 what 16:8 ratio in IF means sa loob po ng 8 hours pwede na po kayo kumain ng foods na gusto niyo, with moderation. Then pag natapos na ung 8 hours niyo po, then dun na magsisimula 16 hours na walang kain at tubig lang ang alternative if ever nakakaramdam kayo ng gutom. Kunwari, sakin po 9am to 5pm ang 16:8 ko. Sa loob ng 9-5 kumakain po ako ng foods na normally lang kinakain ng mga kasama ko sa bahay (nakain pa din ng kanin, pero minimal na lang and more on fruits and veggies). Then after 5pm, di na po ako kakain and kakain na lang po 9am the next day. :) Bali ung foods lang na kinakain ko minimal lang like kung hanggang saan at ilang amount lang kayang kainin mo. And avoid junk foods, sweets, fatty foods and sweet drinks that could hinder your eagerness to fast. Water is really effective for weight loss and fasting. Right now, I'm at 79.5 kilos :)
@@rodrigoduderti3874 as long as ung kinain mo rin hindi acidic and you take more water din during meal. Magfasting ka po also in a balanced diet. Better po magpacheck sa dietitian for your own food meal plan for week
@ITZY thank you. 16:8 ang fast ko. Pero ung 1st 3 mos tlga disciplined ako. Inalis ko added sugar, no instant or processed food sa diet. Caloric deficit pero Nde ako nag ka count calories kse ang hassle. 1 cup of rice lng a day no break fast, black coffee lng. Tapos salad sa gabi. Gradual ang weightloss 0.4 to 0.6 weekly lng. I drink green tea everyday it helps with metabolism. After a few months binalik ko din paunti unti ung mga food na iniwasan ko. Sa pag me maintain nmn caloric deficit lng Pero kumakain na ko ng gusto ko. Basta maintain lng 16:8 na fasting window.
Tama ka.. from 50 kg. Naging 63 kg na ako.. after ko managanak. Di na bumalik timbang ko. Ng try ako mag IF mga 4 days lang.. 1.5kg agad nawala sakin. 16:8 din. Di naman ako nahirapan since ganito nman talaga eating pattern ko bago ako manganak dati. Ewan ko ba at bakit panay kaen ko after ko manganak.. naka 1 yr na ehh.. pero panay padin kain ko.. Sa IF ung ginawa ko is from 2pm-10pm lang ako kumakaen. Tas the rest. Water nlng.. at 1 time ako mg green tea with mint,with yamang bukid na turmeric, honey at lemon... the rest mg 8 hrs. 1 time lang ako mg rice.. tas walang juice and softdrinks.. Pero saklap. Ngkasakit ako. Mga day 5. Hahaha. Kaya tinigil ko muna. Sobrang sama pakiramdam ksi ngka flu ako. Baka humina resistensya.. kaya kumaen nlang muna ako. Pero nasa 62 parin nman timbang ko.. kasi i started 63.5kg eh.. baka after 2 days pag ok na ako mg IF na uli. Hirap pa sa schedule ko ksi nurse ako at shifting ang duty. Pag mornjng duty ako 6am. Papasok ako walang kaen. Tas mag tea lang ako mga 8am.. tas 2pm na ako kakaen.. imagine. Ngbubuhat ako ng pasyente.. active ksi work ng nurse. Palakad lakad kung saan2x. Mgbigay gamot. Orthopedic unit pa ako. Tulungan mo pa pasyente pumunta banyo. Hehe.. di ko alam paano ko nakakaya pero halos di nmn ako nakakaramdam ng gutom.
@ITZY Kaya yan! In 3-4 mos mafifeel mo na ang results. Basta pag ntetempt ka isipin mo nlng alam mo na lasa nian. Kse pde mo nmn ibalik yan paunti unti din. Ngaun kumakain na ko ulet ng mga gusto ko. Pero mejo iwas tlga sa mga matatamis. Pag nag cheat ako back to fasting lng din. Eto so far na maintain ko and nag lu-lose pa din. Kse target ko is 51! Good luck po!
@@TheMaskofLife101 mejo mahirap po tlga pag ang work is physically draining. Ako po kse desk job lng. Wag lng po tlga mag give up! Kaya po nten. Basta po calorie deficit and balanced diet pde nmn Khit 3x a day ang kain.
@ITZY para mkita mo progress mo mag selfie ka weekly. Ganun ginawa ko na icompare ko before so lalo nakakainspire na makita ung progress. Ung eating window tinapat ko sa sleep. Ung 1st meal of the day inadjust ko based dun. For example 11am ang first meal ko, until 6 pm or 5pm ang last meal ko.
Medyo katakot yung small frequent feeding, kasi it will keep your glucose high all day, and when you maintain this glucose level on a higher level, if prolonged, it can cause insulin resistance. Its better to eat three times a day if you cannot follow an IF. Avoid too much carbs and sugar - stick to just three meals, no snacking in between. Our body maintains an optimal amount of blood sugar level to function efficiently and to keep you alive. When you eat - even if a bit, our body will respond by activating insulin to regulate your blood sugar, now if you eat FREQUENTLY of carbs and sugar - the body will then matabolize it and break it down to simple elements - during this phase when you intake more food there will be no time for your blood sugar to regulate to an optimatimal level. The amount of time your blood sugar is elevated compared to when it is low is also equivalent to the amount of time your body is storing all the excess sugar and convert it into FATS. The more you eat, the more your body is working hard to keep up with the amount of sugar flooding in your body and wont be able to settle down to enter the cycle of using the stored fats from all the feeding you jus tdid. The reason why we need to lessen the frequency of our food and drink intake (except for those that dont have calories such as water) is for our body to rest and enter the stage of when it can reverse the fed state and start the RECYCLING STAGE, when it can ACCESS the stored FATS to use it aa energy source to burn. It usually reach this stage at around 12-18 hrs, therefore, the more you maintain this time the longer your body burns the fats you just stored from all the eating. So yes, because of that, IF is really effective for the body to access all the stored fats and recycle it into your energy source, therefore, you are burning excess fats more efficiently. But ofcourse, you still need to consult your doctor if you would want to know more and other contraindications.
True! Ewan ko ba mali mali din itong mga "expert" in my case, pag round the clock ako kumain hindi ako maka number 2 and lagi mo gusto kumain. Pag IF, mas naging regular then walang crave
tama ka, mali yung expert na kinuha nila. naku di man lang nag research ulit para maka sure sa sinasabi nya. Dapat manood sya kay Dr. Jason Fung and Dr. Berg
@@abdulrahmancastro4613 Ang pagfafast-ting ng mga Muslim ginagawa nila para maipakita Ang pagsamba Kay Allah at para maranasan Rin ng mga mayayamang Muslim Ang nararanasan ng mga mahihirap
I'm doing 18:6 IF, after 3 days hindi na ako ginugutom. Sobrang sarap sa pakiramdam and most importantly nawala hormonal imbalance ko which is nagccause ng acne ko. I'm not an overweight person, medyo tinataasan ko lang yong calories intake ko para ma maintain weight ko
Ako din. Dati mainitin ako. Sobrang pawisin pero nong nag start akong mag intermittent fasting I noticed na balance n yong body heat ko. I feel hot lang kapag mainit ang panahon pag malamig naman I feel cold din. Di gaya dati kahit full blast na yong AC I feel hot pa rin.
@@charlesmorningstar5430 meaning 16 Hrs Kang Hindi kakain water, geentea, black coffee Lang pwede mong inumin no sugar Kasi Yun Yung mag brebreak Ng fasting mo and then Yung 8hrs ngayon don kalang kakain Ng solid food hope it helps.
As in! It helped me with my hormonal acne too. I do 16-20 hrs depende lang. I also tried light work outs before mag end ang fast and it totally made a difference
Ang bata pa nung expert na tinatungan ninyo,pero old parin ang approach at pag intindi niya sa intermittent fasting. 1.) sabi niya sa long term daw pwede ka daw bumaba yung sugar.. what? Iho kakain ka prin within 24 hours, maraming good benefits ang fasting, naglilinis ng mga ugat, ginagamot nito ang diabetes in long term, nakakahaba ng buhay.. Alam nyo ba na sa mga studies kung bakit mahaba ang buhay ng mga matatanda dati ay dahil konti lang sila kumain. Dahil ang katawan natin ay nag fofocus lang ayusin ang lahat ng nasisira sa katawan dahil sa pagtanda bawat araw . Kung marami kang kinakain nauubos na ang oras ng cell mo para tunawin at istored ang mga kinain mo. Imbes na nasa ay nagpapa function ang cell para mag ayus ng sira ng katawan ay hindi na nito nagagawa ang kanyang tungkulin. 2.) Sa lalo mo lang daw ginugutom ang sarili mo at lalo kang mag crave at ang return daw ay mas marami kang kakainin at mag gain pa ng weight. Mali yan, kung paano mo sinanay ang sarili mo magiging habit na yun at iyon na ang hahanapin ng katawan mo. Nag intermittent fasting ako at inaral kong maigi ito. Dati akong matakaw pero nung nasanay na ang katawan ko kumain ng konti, nasusuka na ako kapag kumakain ako ng marami kasi lumiit na ang tiyan ko, at alam na katawan ko na hindi yun ang ginagawa ko.
Try nya manood sa youtube like dok josephine chua rojo,sten ekberg,eric berg,jason fung,ken berry,mendy pelz,lahat ng low carb dok kung gaano ka epektibo yong fasting,lalo na kung may metabolic syndrome ka..
It works you can start with 12:12 which is very easy till you can do the ideal 16:8 after you got used to it you actually don't feel hungry anymore when you are in fasting state
As we grow old our metabolism weaken, to cope up with this I embrace IF. Started for 12 hours, now im on my 2nd mos. Of my 16:8 and aiming for 20 hrs.and planning to start to combine it with exercise. One thing that I really like with IF it kills my appetite no more binge eating. It works for me, hopefully it works with a lot of people too.
Super effective ! Last year, nawalan ako ng 10kg in just a month because of Intermittent Fasting. Be consistent lang talaga ans pag time mo na to eat, make sure kumain ka.
Proper/balanced diet together with exercise will give you good benefits. In my experience, I gain weight and reached 55kls from the usual 48kls. But when I decided to have a proper diet, less sugary foods/drinks and exercise, in just 4months from 55kls down to 45kls. And now, I'm still maintaining it.
sa 4 na beses ko kumain sa isang araw ngayon, 1 x a day nalang ako kumain. with 3 liters of water a day. intermittent fasting nag work talaga sakin. nakakababa ng blood pressure at cholesterol level. mas payat mas healthy. love yourself🙂
IF makes sense in a very sedentary and modern lifestyle. We simply carried over the old custom of eating 3 times a day because our ancestors have to work hard out on the field and they can burn those calories rather quickly. We don't need that anymore because our lifestyle involves very little physical work.
Parang hindi ako agree sa almost lahat ng sinabi ng Nutritionist. I have been into Intermittent Fasting for 3 years na. And in fasting state we should remember that we can only take 3 types of fluids: green tea, black coffee and water (no creamer and no sugar) Intermittent fasting is not a fad diet as you have said it is only a meal pattern, it is a lifestyle.
IF & Lean Diet ginagawa ko dating 85kg now 60kg sorbang laki ng pagbabago talaga. Dati din High blood & 2 maintence in age of 22 yrs old. Marami na din mga pagkain na di na kinakain mostly mga oily foods, junk foods, processed foods & softdrinks As of now I am Naturopathic Practioner kya thankful & grateful
Nag-IF Ako for a year and from 90kg, bumaba talaga ang timbang ko to 67 kg. Effective siya pero nagmukha akong matanda and dry yung skin ko. Kasi pulus diet at Jogging lang ginagawa ko. Now sinasabayan ko na siya ng workout sa gym to build some muscles and I like my body physique now.
I watch Dr. Jason Fung, a kidney specialist and Dr. Jamnadas, a cardiologist on intermittent fasting. Last week I did 20/4 fasting and feasting. This week, I will do one meal a day. I'd say, listen to them and learn how to manage eating. As Dr. Jamnadas said, eating small meals frequently is not good for the insulin because it makes insulin levels always raised all the time. I am also trying my best to eliminate flour products. So far I lost some weight - not much - I am not weighing myself. I feel the loss in the way my clothes fit. My clothes no longer feel so snug. I am doing it with the end goal of losing anti-cholesterol med.
i was able to do fasting back in summer of 2017, 14 yrs old ako back then. i was able to lose weight from 66 kgs to 56 kgs. nagawa ko yun before dahil siguro bata pa ko and wala pa gaanong iniintindi. ngayon, 19 yrs old na ko and gusto ko pa rin magtry ng fasting pero mahirap kapag nagtatrabaho ka na. hehe
Yes, super effective. Doing 16:8 fast in a month na. Minsan 24 hours once a week. Aside sa weight loss, aiming for its health benefits depende sa stages ng fasting na gingawa mo. Iwasan lang ang sugar at high carbs na pagkain.
@@user-rm7od8xu8u meaning 16 hours d ka pwede kumain. Water, green tea or black coffee lang pero walang halong sugar or calories kasi yun ung mag brebreak ng fast mo. Then yung 8 is yung oras na pwede kang kumain ng solid food
Ung gusto ko e achieve kaya ako ng fafast is yung autophagy. 38 hours yung pinaka mahaba ko na fast. Gusto ko ma achieve yung 72 hours sana para sa stem cell regeneration at new immune cells sa katawan. Pero paalala lang bago mag prolonged/extended fasting research po muna kung ano dapat gawin at dapat kainin during fast and after fast.
@@jastyel3473 ung 16hrs na fasting kahit 3 in 1 na kape or bear brand milk hindi pwede? Parang diko keri paano? Ung 8 hours ba in moderation parin ung food intake or kahit ano?
I used the calorie deficit method and it works pretty well, I only consume 800 calories per day, only 1/4 of rice, from 195-145, after working out for 6 months straight, btw. my exercise are shadow boxing (cardio) and jogging, the total duration of my workout everyday averages between 1-2 hrs and it is worth it, no side effect or whatsoever.
Intermittent fasting yes for me I use 8-16 window 3 months kona Ito ginagawa , from 63kg now I’m 59kg in my eating window I also cut out carbs on my diet . Pero lahat ng gusto kong kainin nkakain ko padin pero in small portion na .
Galing naman nitong mag advise kain pakunti kunti hindi nga pwede???? Kunting Almusal Snack kunting Lunch kunting snack uli, Kunti Dinner kunting snack bago tulog ilang bisis tayong kumakain yan anim na bisis sus yumayaman negosyanti sa pagkain.. dito. Tayong mga normal na tao kain ng kain hangat nagkakasakit tuwa tuwa naman si Doctor at si Botika..
Me from 87 kg to 77 kg in just a month. 24 hrs+ fasting (1 meal a day). Now im still doing fasting while working out na. Hirap nako mag bawas ng timbang at bumagal na since nag bubuhat ako. Most ng fats ko replacing na ng muscles I guess sobrang bilis pa rin ng metabolism ko. 🤷 Road to 68-70kg and 12% body fat
madami health benefits ang IF hindi lang weight loss.. controlled blood sugar, joint pains etc. dati pag gising ko umaga medyo hirap ako maglakad o tumayo dhil sa joint pain sa paa.. pero nung nag IF ako tska no sugary drinks nawala. pati yung parang bloated feeling o may pressure sa right abdomen ko nawala. 16:8 ako, mahirap lang talaga sa umpisa kasi para kang nahihilo at gutom pero pag naka 1 week kana magiging komportable na stomach mo at ma decrease din hunger issues mo. Natawa ako kay doc na mag 2-3 hrs small frequent eating daw hehe, very old practice na yan at pede kapa mag binge eat lalo pag ganyan.
Good job! I’m at 900 days Keto/carnivore IF OMAD 23:1 everyday myself. Every beginning of the month I do a 168hr prolonged fast! Lost 100lbs & stopped all maintenance pills. You don’t need kanin at asukal in life, that’s a myth! You need to o get fat adapted and ketones are the preferred fuel for the brain, not glucose!
3yrs na akong IF natotonan ko yan sa. Kaka search ko dr.Ekberg da best galing nya mgpaliwanag b4 55kg ako sa hight kong 4'11 now maintain ko ang 43kg low carb pati ako minsan keto din.omad works for me one meal a day. Sunday sempre cheat day 🤣🤣
Bawasan ang calories na intake in a day more water at exercise ng balance. At di maglaylay ang excess na taba..im 84 kilos a while now im 52 kilos.. Waistline q is 34 inch now 28 already. And im so happy na achieved q un goals q na weight lose..
8:16 is really effective though if you do much things like heavy lifting jobs or something that will make you tired up fast i think you should eat more in 8 hrs focus on more vegetables,fruits,beef and other healthy foods and also remember when you are in fast drink water or something that'll keep your body and mind good condition while fasting
I agree. Mag invest sa fruits and veges. Iwasan ang junk foods, street foods at yong mga convenient foods. Kumakain naman Ako ng mga pinagbawal pero once a month lang at kunti lang. Too much of a good thing is really bad.
Ako naman from 90kg to 58kg nalng ang ginawa ko naman calorie deficit lang at super effective tlga... Although mayroon kaming fasting sa isang buwan tuwing buwan ng ramadan mas lalo pang nakdagdag ..pero tootoo tlga need mong disiplina sa sarili kayalngan iwasan ang maraming rice sweets...soda drinks sugary..un lng super effective
The "expert" is obviously misinformed and holds on to outdated beliefs about eating and weight loss. I suggest that he watch the videos of Dr Berg and Dr Fung so he can update his knowledge.
I hope the program invited a registered physician who is an expert on IF. There are a lot of new studies now that promotes IF and caution about frequent meals. There are also a lot of benefits of IF that were not diacussed.
agree. yung tinuturo dati sa college na small frequent meals is not for everyone and may studies na din to back the benefits of IF. I'm a Registered Nutritionist Dietitian and I believe it's time for us to be open to studies about different types of diet. which diet really works and which does not.
Effective ang IF kung sasabayan ng tamang diet... Carbs and sweets should be cut until you reach your goal weight... Then limit na lang for maintenance... Kailangan lang talaga ng matinding motivation mga besh! Me doin low carb eating 6days+1day cheat day w/o IF dahil bf mom ako😃 Still loosing weight, slowly but still I'm happy. Just trust and enjoy the process. Self discipline is a must!
Maling mali ka ma'am, we should not demonise sugar which is carbs. The one that should be "cut" is fat, the fat you eat is the fat you wear. Fat which is: milk (why would you even drink milk when you're an adult, and the milk powder mom's give to their children nowadays is not even necessary and healthy, breast fed milk is good enough), oil, butter, margarine, pork, beef, chicken, nuts, avocados, eggs, bacon, burger, french fries, do you get what I'm saying? Instead we should eat more sugars, which again is carbs: rice, potatoes, kamote, fruits, mangos, bananas, bread, etc... But do you know why? It's because sugars which again is carbs is 4 calories per gram compare to fat which is 9 calories per gram, so what does this mean? It means that you can eat double the amount of sugars compare to fat for the same amount of calories. So if you eat sugars (carbs) you will be easily satisfied and end up consuming much lower calories, which is the goal of weight loss than when you eat fats. When I'm talking about sugars I'm not saying eat more donuts, chocolate, I emphasize this because when you see on tv when they're talking about sugars, I guarantee you, you will see donuts, you know what's wrong with donuts? It's not the sugar, it's not the bread, it's the oil used to cook that bread.
Carbs actually healthy cus thats our fuel to our cell... sya ung nag eenergize satin. I think what you mean is REFINED CARBS like white rice, bread and pasta anything white carbs is not good cus it causes inflammation.
Don't do the small intake of foods, do the small calorie foods, like for example: greens, oats, etc. This is effective, because I do this everyday, in 2-3 weeks I lose 3 kg, also take water everyday. 🙂
Frequent small meals will trigger constant elevation of insulin. Hyperinsulinemia can cause a lot of problems and diseases. Hormone inbalance yan. During the stone age and even millions years ago, humans did not eat frequently. We either have none to eat or we feast. The best way for a healthier body is IF with low carb and periodic extended fasting. Moderate to high healthy fat, medium protein and low carb are proven to be the best
Fasting has a fear factor and stigma affiliated to it. If done right, fasting has numerous benefits not just from losing weight stance. It’s proven to reverse diabetes (pre-diabetic and even insulin-dependent diabetic) lowers BP, reduces inflammation, improves digestive functions and bowel movement, increases Growth hormone up to 2000 percent, improves patients with heart problems, improves allergies, improves mental clarity and focus and overall mental health, can help avoid neuro problems like Alzheimer’s and dementia fr elderly, improves our microbiomes functions, AUTOPHAGY, mitophagy, and can possibly reverse aging, and the lists can go on and on… Like the experts said, we have our own doctor in our body, and fasting might be the answer. Yes with a typical 3 meals with snacks in between or kahit sabihin mo pa frequent “small” meals, that can result in insulin presence and that can cause most of the problems above.
@@user-rm7od8xu8u ...means bawasan mo ung dating taas ng calorie na tinitake ko. . .kung 3 cups rice ka dati eh mag 1 cup or 1/2 cup ka lng...GOODLUCK🤗
Super effective sya.. Im doing 16/8 ika 20 days ko na ngayon from 57kg now 53.3kg nlng di na ako kumakain ng mga sugary food breakfast ko is oats sometimes rice tpos dinner ko fruits nlng pero nag eexercise din ako kasabay ng IF every morning exercise and 8 glasses of water everyday
The nutritionist is so WRONG in so many levels. Intermittent Fasting is SAFE(except for diabetics) and proven to be EFFECTIVE! The "eating frequent meals" is not a good advice especially at this age and time. It is actually primitive to be honest and may increase insulin in a bad way. With IF, you can prevent hypertension and weight gain and so many more illness so i advice people to try it for themselves. I would just like to point that the "feasting" period DOEST NOT mean you can eat ANYTHING! You should still mind the things that you eat. IF is a tool to hasten and help you lose weight in a safe and fast way. That is all there is to it!
I guess it is very effective coz from 60 kilos ay naging 46 kilos nalang ako ngayon. I started intermittent fasting late 2019 and after 4 months nabawasan po ako ng 7 kilos. Tapos dahan2 na talag akong nabawasan ng timbang hanggang na maintain ko na po ngayon ang timbang ko sa 46 kilos. I'm only 5 ft so ideal po sa height ko ang 46 kilos.
@@loveholic1182 Hi. I just eat whatever in my window time. 12 hours to 16 hours ako usually nagfafasting. Usually sa gabi, 10pm to 10am or 12pm then after that from 12pm to 10pm, kakain ako ng kahit ano at maramihan pa nga.
A piece of advice… don’t look according to how others want you to look. Better yet, do not rely on how you look or what you look like. Instead, focus on how your inner self (attitude, respect for others, compassion, love) toward other people.
Focus also to be responsible to live healthy body because a healthy being reflects on how you truly love, respect and take care of your inner self like a temple.
2000 calories a day ako at regular exercise 1000 cals sa Umaga 1000 cals sa Gabi and effective in just 1 month I loss 7 kilo gram and my exercise atlis 1 hour a day. My meal is egg, chicken breast , broccoli , for my low carbs corn and green vegetables I did not eat junk foods and My source of fats is avocado, peunut and fish salmon or tuna
i’ve been doing OMAD for 3 months now and i must say that it’s very effective. i lost 60lbs in total. i’m doing this because i’m suffering from severe arthritis. and in a way, it helped
Almost 8+ years na din ako nag fafasting, base on my experience eh legit sya na macocontrol mo yung weight mo HOWEVER need mong sanayin yung body mo na hindi kumain ng umagahan at tanghalian, bali kape, tubig maga ganyan lang kainin mo then sa hapon bago matulog, pwede kang kumain ng KAHIT NA ANONG GUSTO MO. Dipende kasi sa katawan ng tao kung gaano kabilis mag adapt sa fasting, sakin kasi umabot ng buong 2 months bago nasanay yun metabolism ka na hindi magutom ng umagahan at tanghalian.
@@akio_1400 i walk 8k steps per day but after i got to 90kg i stop because got lazy. After that i only eat one meal a day and drink green tea everyday so i only eat from 12pm to 1pm. And take vitamins also
Ang mga Muslim pa fasting 17 hours in 30 and 10 days kabuoan 40 days no food no water at ang ating mahal na Hesus fasting din 40 days Kaya walang delikado itoy gawain ng mga nauna sa atin para sa kanila physical at spiritual benefits
Hnd porket effective sa knya ang intermittent fasting, effective sa lhat ng tao, Importante discipline and determination. Meron kc kpg ginutom, nahihilo at sumasakit ulo.
tips ko lang sa gustong pumayat...bawasan ang pagkain ng maraming starchy foods tulad ng (kanin, tinapay at noodles) at matatamis lalo na mga drinks na matatamis yan ang main contributor ng pag taba tsaka mamantikang pagkain(fried foods)....minsan minsan ok lang pero dapat ilimit lang un quantity ng pagkain....dapat sanayin kumain ng balance para di na bumalik un katawan sa dati....mahirap magrebound....self discipline and change of lifestyle parin talaga..napagdaanan ko din yan....maganda ang ginawa niya di madaliang papayat mas magiging longterm ang dahan dahan pag payat kaysa sa biglaan...
@@reignlopez5094 actually u can start intermittent fasting but still eating the same food. Pag nasanay ka na sa routine, you can change naman the type of food gradually like no softdrinks no ice cream etc etc
Ewan ko po kung tama ang ginagawa ko...pero effective naman...11:00 am start ako kumain...hanggang mag alas 7:00 ng gabi jan ako di na nag te take ng food...yung between 11 am to 7 pm jan ako kumakain ng madami pero more on gulay ako at may meat din...tuwing morning naman jan ako nag eexercise.
I do OMAD, 17y/o ako, then I do 1 hour of strength training, kaso kettlebell lang gamit ko pero goods na, from 72.87-67.50 ako, thou mukha naman akong payat, gusto ko rin maging lean and fit, may mga bibil ako sa gilid ng tyan ko before, ngayon lumiliit na
IT more on sa hormonal benefits like insulin sensitivity pero pagdating sa paglose ng timbang ang basics paren na dapat mas less ang calories ng cinoconsume mo kaysa sa binuburn mo
The only effective diet I had wasn't even planned. I went to a secluded island - for a camping with 2 other friends when a storm broke out and eventually became a typhoon. One friend who was the only one that can pilot the boat said it'll be really risky to sail cuz' I can't swim plus the fact that the wind, the rain and the wave was on it's peak. We stayed in that islet for like 2 weeks, plus additional week when we realized that the reserved gas was actually used up for cooking, and for starting fire to keep as somehow dry and warm for days. We only had food good for 2days- and we stretched it to 3 weeks, we even tried fishing, we ate birds, and actually refused to eat the frog that we cooked 😅 we survived on coconuts, kamatsili? Dunno' the spelling lol, unriped papaya and sweetpotato leaf.. and the shells we got along side the rocks near the cove. On the 18th day, uncle of our friend came searching for us, we didn't even realized we've lost so much weight. Adding the fact that 2 of us got bronchitis for staying wet for days. Was so tired, and was sick but that 3 weeks was worth it 🤣 thrifting escapade wasn't always safe but it does do wonders- at times lol I've lost roughly 5kilograms in 18days. 😅 wasn't it great?
Sa mga nag uumpisa plang mag fasting tlagang makakaramdam kau ng gutom,ako kc sanay na sa fasting at npapahaba ko pa fasting ko ng hnd ako nagugutom,.minsan nga OOMAD lng ako kc pgnakakain nko nun tagal kong busog,3 30 or 4 na ng hapon madalas kong kain nian ,.tas pagkatapos nun kinabukasan ulit ng ganung oras .
I was 85 Kilos July last year before I started Intermittent Fasting, Fast forward June 2024 Im only 63 Kilos Pasok na sa BMI ko sa height na 5’4. I am now planning to sustain I also changed na to Brown Rice from White Rice, I also started doing exercise to make my body stronger.. Unang 2 buwan nakaka gutom talaga but after 3 months masasanay kana, napansin ko din na nawala na yung pagiging mabigat ng katawan ko or parang laging pagod..Mas naging Ok dij mood ko at mas naging energetic pa nga ako unlike noong napaka taba ko pa..I can say na effective talaga sya, lalo na kung like me pamilya kayo ng hypertensive at diabetic magandang umpisahan nyo na..Same din naman pagdadietin kadin ng doctor kapag highblood or diabetic kana..so bakit mo pa aantayin yun kung habang maaga pa agapan mo na..
Mas effective ang intermittent fasting 8/16 method kung everyday may activity gaya ng pagpasok sa trabaho. Lalo na kung pag-uwi galing work ay mag-exercise pa kahit 6 minutes. Sa mga first timer 1 Linggo mag-adjust ang katawan mula sa tatlong beses na kain kada araw meaning mahihirapan talaga sa umpisa. Recommended nga pala na mag cheat meal once a week. You might find inspiration and motivation from the YT content creators Beard Meets Food and Matt Stonie. Sa trabaho magbaon na lang ng nilagang itlog at kape or gatas (customized intermittent fasting 8/16 method - ito ang ginagawa ko)
Effective po siya hehe, I started last year nung 18th bday ko. Pero alongside IF May HIIT din me. May workout apps na para dun. Maganda ung may progression ung workout mo. Pero, after nun magwawant k n kumain ng marami. Kaseeee sobrang payat ako after 5months. Madali na ko mapagod. So ngaun nakain na ko ng normal.
Super effective po ang IF jan po ako pumayat from 86-68 kg in just 8months po. Pero syempre healthy food din po ang kailangan kainin at totoo un pakonti konti lang. Pag nagutom uminom nalang ng madaming tubig hehe. Ngayon nakakaya ko na mag 1 meal a day😁
I don't do fasting, pero I limit myself to eat 3x a day. Mataba din ako. Pumayat lang ako matapos akong sabihan ng kaibigan ko: 1. 1 rice to no rice a day 2. Iwasan ang 3M's - Maalat, matamis, mamantika 3. drink a lot of water 4. Bawasan talaga ung calorie in take. Iwasan ang mga tinapay or dairy products, noodles, processed food, mas damihan ang gulay, fruits and proteins, itlog, fish chicken & meat
Fasting is the best. Specially if you are eating the right food and be active. Be consistent katulad nitong si kuya sa Video. ❤️ Na try ko na yung, small frequent eating. Jusko mas lumubo ako! siguro kasi, may insulin resistance ako dahil sa PCOS ko. Sorry sa mga dietitian po, siguro dahil 21st century na po, iba na yata ang diet na mas nagwork po sa karamihan. Iba iba po kasi ang underlying causes of weight gain. Siguro lang po ang hindi pwede sa fasting ay yung may type 1 diabetes, pero kaming type 2, ay aba dapat lang siguro pababain namin sugar levels namin. 😂
October 2021 ang waist ko is 43 inches then as of now 35 inches dhil una is nag calorie counting lng ako snsulat at log in ko lhat ng knakain ko then I am on my 3 weeks of intermittent fasting diet nag start ko this month lng at I feel good since nag bbreastfeeding ako ang gngwa ko lng is snasbay ko sa tulog ang fasting. Basta 14-10 ang oras ko. Bsta wag mo deprived srli mo sa food at never ever ka dpt mag crashed diet.
DISIPLINA, eto ang pinakaimportante kahit anong weight loss diet at exercise p yan. at dapat combination lagi ndi pwedeng magbabawas k lng s pagkain mag expect kn agad ng weight loss. combination ng DISIPLINA, HEALTHY DIET AT EXERCISE. ndi rin dapat mag set ng time limit kung kailan mo gusto pumayat. dapat pangmatagalan n gawing routine pr mas effective.
Losing weight is different from losing fat.. pwede kang mag lose ng weight pero the unwanted fats nandon pa din like sa belly, arms and thigh. Kaya if you chose IF make sure you do weights din para you build muscles and lose fats. Kasi once you lose weights our skin is elastic so it can cause loose skin which is in my opinion is yucky.
Ito ang dapat Ipalabas sa TV lagi para matulongan yung mga kababayan natin.
Nasa will lang po ng tao yan. Sa amin pong mga muslim isamg buwan po namin yan ginagawa pag ramadan from 4:30 am till 6:30 noon kahit tubig wala. Diabetic pa po ako at may hypertension pero kinakaya ko. My health benefit din sya na pa flush toxins sa katawan
Sa hirap ng buhay ngayon mapapa fasting ka talaga.
Yung wala kang ibang pagpipilian 😆
May choice po tayo. Choice na wag kumain kasi walang pagkain. Hahahahahha saklap
Sa mga tamad laang ung walang makain..
haha sa taas ng bilihin kamo mapapa fasting kana ng kusa 🤣🤣
Ang IF ay hindi sa wlang mkain, kundi meron kang mkakain pero restricted ang oras para kumain..mgka iba po yan.. research research din… wag kumain pag hindi gutom. Un lang
7 months ago i used to watched yung ganitong kind of vids from GMA. Weight ko noon is 114 kg. Ngayon im happy and proud dahil nagawa ko sya yung mag papayat enjoying and trusting the process talaga. Now, my weight is 84 kg. Heheeh more pa to lose.
Diet ko now is cal def im doing cardio din and strength exercise.
Wow!!! U lost 30 kg. Ang laking bawas den yan. Keep up d good work sir. Wag ka na aatras para di masayang ang effort mo. Tuloy2 lng. Kaya mo yan. Medyo mahabang journey pa but u will be happy sa result eventually.
Good to hear po, Gano po kahaba exercise niyo kada araw? Balak ko rin po kasi mag papayat huhu btw 85.4kg ako now😭
@@albinjamero8940 on average mga 45 mins to 1 hour
@@arnielloyd2879 Nag gym po ba kayo or May app po kayo sinusundan?
I've been doing this all my life without realizing it then I started eating more than 3 times a day that is when all my health problems started nandyan ang HTN, bloating, sluggish etc etc. So I started IF and now my bloating and hypertension are all behind me now and I am 😊
@Peanutshell ako rin over pero kulang naman ako sa exercise, walking ang only way. Kasi 55 kilos ako at ang main target 40 therefore kailangan mag bawas ng 15 kilos.🤣🤣🤣🤣😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂
Haha me too been doing without knowing it.. at never ako tumaba, at the age of 30 napapagkamalan akong teenager.. so I started working out na
YES. When you eat less, papayat ka talaga.
Maganda ang IF. Di complicated. Tapos pag sanay kana di kana mabilis gutumin.
Intermittent fasting works and is actually beneficial not just for people who are trying to maintain their weight but also those who want a healthy lifestyle. Just keep in mind to do it right and plan it well. There are countless resources out there that one can find on how to simply apply it and find healthy options. Eat healthy and meditate. Fasting doesn’t mean Starving. There’s a difference.
I agree fasting no food starving lack of food see the difference..
Self discipline lang naman talaga kung gusto mong pumayat..Me I'm 65 kg before but now I'm already 45 kg or sometimes 44 +kg..I eat 3 times a day but only a little amount of food and I'm always drink warm water especially in the morning when I wake up..👍👍👍
IF promotes lowering of insulin caused by eating in general. So it makes sense na kapag hindi ka kumain, nagagawang gamitin ng katawan mo ung fats mo for energy. Insulin prevents your body from accessing fat reserves. Source: Dr Berg & Dr. Jason Fung
Snacking is what kills weight loss. Sobrang winowork on ko to. dahil although nag IF ako, di parin ako dapat mawili mag snack excessively in between my big meals during my eating window. ALSO, para sa mga mag sasabi na ang lungkot naman mabuhay ng ganito, malungkot din yung feeling mo na wala kang control sa pagkain mo and you feel crap afterwards. Pareho mahirap, and para sakin, dun nalang ako sa mahirap na makakabuti para sa katawan ko.
Pag naging habit naman na siya, wala na yung essence ng pagiging mahirap. It just becomes your life.
Well said
Agree. Pag sanay na sa IF at low carb hindi naman laging gutom. Kahit ako never kong na imagine na kaya ko palang hindi kumain every 3 or 4 hours. Hindi ko pa kayang alisin ang rice kaya ni reduce ko na lang to less than 1/4 ng dati kong consumption. At least 5 cups a day ba naman ibang usapan pa pag paborito ko ang ulam. 😂Nag stop na din sa chichirya pero syempre may cheat day. 😅 I do 18:6, pero madalas umaabot ng 20 hours.
Fasted for 1 month straight, lost 9.5kg. Di ka mamamatay. Your body is way smarter than some doctors!
I just started my Keto and Intermittent Fasting to heal my body and become fit. My dad died of stroke. Last year I was having so many pains every time I wake up and then my cholesterol and blood pressure are very high. Im on my 7th day today and I feel really good! I’ll share my new look with this 90-day challenge but I can see my belly fat is getting smaller.
Care to update? 😊
Yess! Super effective! I can attest to this. Iba ung tawag dati, after 6, ata tawag dyan.. sabayan mo ng exercise. Mabilis ang shedding ng timbang..
Effective po siya with proper diet and proper calorie deficit depending on what your body needs. I made a mistake last 2020 na nasobrahan ako sa kaka ganito nag collapsed na ako at sinugod sa hospital kaya balance is the key.
True during early lockdown i was stress eating due to the lockdown. And you should do it on. A caloric deficit
Pwede ba mag rice pg break NG fasting
Same here po ma'am. Nasobrahan sa fasting then 4 months after more than 2 weeks akong nagkasakit. Ngayon, tumaba na naman po ako. 🙏🏽🥺
Bawal 3 meals a day. 1 or 2 meals is acceptable.
@@janinearandilla3031 3 meals a day ang problema.
In my opinion, combining IF with HIIT and strength training is the most effective way to maintain this kind of lifestyle in the long run. I have been doing it for more than a year and my weight is constantly within the normal range of my BMI.
ABSOLUTELY!
Agree.
Thank you for answering my question. I currently weigh 80 kg, and im aim for 63 kg. I believe with HIT and IF i can reduce my weight in 3months.
Agree!!
What is HIT po?
Effective sya not just for weight loss but for overall health. I do intermittent fasting regularly. I fast for 19 hours and would only have two meals a day, sometimes only one as I don't feel hungry anymore and feel so strong even without food I could still exercise and do work and chores! Not only did it help me lose weight but also contributed to me being healthy and rarely get sick.
Anong oras bh mg start Ng fasting 16 hours
@@cielopajartin5694 depende KC Yan sa Tao eh. You don't have to follow ung kdlasan gngawa Ng IBA na kumakain at 12noon then dpat stop na Ng Kain by 8pm. Aq KC I start eating at 11am then stop na Ng Kain by 7pm. KC auko Ng masyado kumain Ng late bigat SA pakiramdam q. Atleast I do 16hours fast when I started. Hanggang SA nasanay na ko to the point na one meal a day nlang at nkakapag fasting na Ng mas mhabang oras kdlasan 19-21hours pa. KC hndi na q nkakaramdam Ng gutom.
Ganun din ako nag umpisa sa 16:8 ngayon 19:5 kc mas mabilis ang resulta dating mataas ang blood pressure ngayon nag normal na sya at nakakaranas nadin ako dati ng early symptoms ng diabetes ngayon nawala na at mas matagal nadin gutumin at mapagod,dating 86 kilos ngayon 73, sa loob lang ng 6 months kasabay ang workout napaka effective nya desiplina lang tlaga kc ang hirap bitawan kung ano ang nakasanayan,
Ano po kinakain nyo non? Rice pa din po ba kahit 1meal nalang kayo per day. If 11am to 7pm. Anong oras po talaga kayo nag sstart talaga kumaen ng meal non? naguguluhan po kasi ako e kung buong 8hrs ba kumakaen or talagang isang beses pa din sa 8hrs hehe. Salamat po.
@@maryroseampo7356 what 16:8 ratio in IF means sa loob po ng 8 hours pwede na po kayo kumain ng foods na gusto niyo, with moderation. Then pag natapos na ung 8 hours niyo po, then dun na magsisimula 16 hours na walang kain at tubig lang ang alternative if ever nakakaramdam kayo ng gutom.
Kunwari, sakin po 9am to 5pm ang 16:8 ko. Sa loob ng 9-5 kumakain po ako ng foods na normally lang kinakain ng mga kasama ko sa bahay (nakain pa din ng kanin, pero minimal na lang and more on fruits and veggies). Then after 5pm, di na po ako kakain and kakain na lang po 9am the next day. :) Bali ung foods lang na kinakain ko minimal lang like kung hanggang saan at ilang amount lang kayang kainin mo. And avoid junk foods, sweets, fatty foods and sweet drinks that could hinder your eagerness to fast. Water is really effective for weight loss and fasting. Right now, I'm at 79.5 kilos :)
Been doing IF, 16:8, for more than three years. I can say that it is sustainable. I also have weekends as my cheat days.
hindi ba nakaka tubo ng galstone ang IF sir?
@@rodrigoduderti3874 as long as ung kinain mo rin hindi acidic and you take more water din during meal.
Magfasting ka po also in a balanced diet. Better po magpacheck sa dietitian for your own food meal plan for week
Yung iba kasi nagfafasting but still eating unhealthy foods.
@@katesteinlyricsvideo how about lemon water in the morning? hindi po ba makaka acid yun or apple cider po?
For me IF is effective and sustainable. I’ve been doing it for a year. I started at 70kgs I’m down 54 kgs now, I’m not active.
@ITZY thank you. 16:8 ang fast ko. Pero ung 1st 3 mos tlga disciplined ako. Inalis ko added sugar, no instant or processed food sa diet. Caloric deficit pero Nde ako nag ka count calories kse ang hassle. 1 cup of rice lng a day no break fast, black coffee lng. Tapos salad sa gabi. Gradual ang weightloss 0.4 to 0.6 weekly lng. I drink green tea everyday it helps with metabolism. After a few months binalik ko din paunti unti ung mga food na iniwasan ko. Sa pag me maintain nmn caloric deficit lng Pero kumakain na ko ng gusto ko. Basta maintain lng 16:8 na fasting window.
Tama ka.. from 50 kg. Naging 63 kg na ako.. after ko managanak. Di na bumalik timbang ko. Ng try ako mag IF mga 4 days lang.. 1.5kg agad nawala sakin. 16:8 din. Di naman ako nahirapan since ganito nman talaga eating pattern ko bago ako manganak dati. Ewan ko ba at bakit panay kaen ko after ko manganak.. naka 1 yr na ehh.. pero panay padin kain ko..
Sa IF ung ginawa ko is from 2pm-10pm lang ako kumakaen. Tas the rest. Water nlng.. at 1 time ako mg green tea with mint,with yamang bukid na turmeric, honey at lemon... the rest mg 8 hrs. 1 time lang ako mg rice.. tas walang juice and softdrinks..
Pero saklap. Ngkasakit ako. Mga day 5. Hahaha. Kaya tinigil ko muna. Sobrang sama pakiramdam ksi ngka flu ako. Baka humina resistensya.. kaya kumaen nlang muna ako. Pero nasa 62 parin nman timbang ko.. kasi i started 63.5kg eh.. baka after 2 days pag ok na ako mg IF na uli.
Hirap pa sa schedule ko ksi nurse ako at shifting ang duty. Pag mornjng duty ako 6am. Papasok ako walang kaen. Tas mag tea lang ako mga 8am.. tas 2pm na ako kakaen.. imagine. Ngbubuhat ako ng pasyente.. active ksi work ng nurse. Palakad lakad kung saan2x. Mgbigay gamot. Orthopedic unit pa ako. Tulungan mo pa pasyente pumunta banyo. Hehe.. di ko alam paano ko nakakaya pero halos di nmn ako nakakaramdam ng gutom.
@ITZY Kaya yan! In 3-4 mos mafifeel mo na ang results. Basta pag ntetempt ka isipin mo nlng alam mo na lasa nian. Kse pde mo nmn ibalik yan paunti unti din. Ngaun kumakain na ko ulet ng mga gusto ko. Pero mejo iwas tlga sa mga matatamis. Pag nag cheat ako back to fasting lng din. Eto so far na maintain ko and nag lu-lose pa din. Kse target ko is 51! Good luck po!
@@TheMaskofLife101 mejo mahirap po tlga pag ang work is physically draining. Ako po kse desk job lng. Wag lng po tlga mag give up! Kaya po nten. Basta po calorie deficit and balanced diet pde nmn Khit 3x a day ang kain.
@ITZY para mkita mo progress mo mag selfie ka weekly. Ganun ginawa ko na icompare ko before so lalo nakakainspire na makita ung progress. Ung eating window tinapat ko sa sleep. Ung 1st meal of the day inadjust ko based dun. For example 11am ang first meal ko, until 6 pm or 5pm ang last meal ko.
Medyo katakot yung small frequent feeding, kasi it will keep your glucose high all day, and when you maintain this glucose level on a higher level, if prolonged, it can cause insulin resistance. Its better to eat three times a day if you cannot follow an IF. Avoid too much carbs and sugar - stick to just three meals, no snacking in between.
Our body maintains an optimal amount of blood sugar level to function efficiently and to keep you alive. When you eat - even if a bit, our body will respond by activating insulin to regulate your blood sugar, now if you eat FREQUENTLY of carbs and sugar - the body will then matabolize it and break it down to simple elements - during this phase when you intake more food there will be no time for your blood sugar to regulate to an optimatimal level. The amount of time your blood sugar is elevated compared to when it is low is also equivalent to the amount of time your body is storing all the excess sugar and convert it into FATS.
The more you eat, the more your body is working hard to keep up with the amount of sugar flooding in your body and wont be able to settle down to enter the cycle of using the stored fats from all the feeding you jus tdid.
The reason why we need to lessen the frequency of our food and drink intake (except for those that dont have calories such as water) is for our body to rest and enter the stage of when it can reverse the fed state and start the RECYCLING STAGE, when it can ACCESS the stored FATS to use it aa energy source to burn. It usually reach this stage at around 12-18 hrs, therefore, the more you maintain this time the longer your body burns the fats you just stored from all the eating.
So yes, because of that, IF is really effective for the body to access all the stored fats and recycle it into your energy source, therefore, you are burning excess fats more efficiently. But ofcourse, you still need to consult your doctor if you would want to know more and other contraindications.
True! Ewan ko ba mali mali din itong mga "expert" in my case, pag round the clock ako kumain hindi ako maka number 2 and lagi mo gusto kumain. Pag IF, mas naging regular then walang crave
Maling Mali yung pagkaen ng every 2 to 3 hours sarap batukan ng nutritionist kuno na yan
Up nice explanation
@@yyhann8243 minsan nga hindi na ako naniniwala sa mga experto kasi puro theory lang ang alam wala pa masyado napatunayan
tama ka, mali yung expert na kinuha nila. naku di man lang nag research ulit para maka sure sa sinasabi nya. Dapat manood sya kay Dr. Jason Fung and Dr. Berg
kaming mga muslim nag fasting kami 14 to 15 hours araw araw sa loob ng 30 days sa buwan ng Ramadhan plus 3 days per week kapag di Ramadhan
Kaso diba grabe nmn ang pagkain nyo after fasting ganun din
Walang nagtatanong
kayo di nag fasting. nag fasting lang para sakit
@@cutiecat4746 respeto naman
@@abdulrahmancastro4613 Ang pagfafast-ting ng mga Muslim ginagawa nila para maipakita Ang pagsamba Kay Allah at para maranasan Rin ng mga mayayamang Muslim Ang nararanasan ng mga mahihirap
I'm doing 18:6 IF, after 3 days hindi na ako ginugutom. Sobrang sarap sa pakiramdam and most importantly nawala hormonal imbalance ko which is nagccause ng acne ko. I'm not an overweight person, medyo tinataasan ko lang yong calories intake ko para ma maintain weight ko
Ako din. Dati mainitin ako. Sobrang pawisin pero nong nag start akong mag intermittent fasting I noticed na balance n yong body heat ko. I feel hot lang kapag mainit ang panahon pag malamig naman I feel cold din. Di gaya dati kahit full blast na yong AC I feel hot pa rin.
Ano pong 18:6?
@@charlesmorningstar5430 meaning 16 Hrs Kang Hindi kakain water, geentea, black coffee Lang pwede mong inumin no sugar Kasi Yun Yung mag brebreak Ng fasting mo and then Yung 8hrs ngayon don kalang kakain Ng solid food hope it helps.
@@johnpaolobaldonado8313 korek. You can have liquids during the 16 hours time but no sugars or anything sweets.
As in! It helped me with my hormonal acne too. I do 16-20 hrs depende lang. I also tried light work outs before mag end ang fast and it totally made a difference
Ang bata pa nung expert na tinatungan ninyo,pero old parin ang approach at pag intindi niya sa intermittent fasting.
1.) sabi niya sa long term daw pwede ka daw bumaba yung sugar.. what? Iho kakain ka prin within 24 hours, maraming good benefits ang fasting, naglilinis ng mga ugat, ginagamot nito ang diabetes in long term, nakakahaba ng buhay..
Alam nyo ba na sa mga studies kung bakit mahaba ang buhay ng mga matatanda dati ay dahil konti lang sila kumain.
Dahil ang katawan natin ay nag fofocus lang ayusin ang lahat ng nasisira sa katawan dahil sa pagtanda bawat araw .
Kung marami kang kinakain nauubos na ang oras ng cell mo para tunawin at istored ang mga kinain mo. Imbes na nasa ay nagpapa function ang cell para mag ayus ng sira ng katawan ay hindi na nito nagagawa ang kanyang tungkulin.
2.) Sa lalo mo lang daw ginugutom ang sarili mo at lalo kang mag crave at ang return daw ay mas marami kang kakainin at mag gain pa ng weight.
Mali yan, kung paano mo sinanay ang sarili mo magiging habit na yun at iyon na ang hahanapin ng katawan mo.
Nag intermittent fasting ako at inaral kong maigi ito.
Dati akong matakaw pero nung nasanay na ang katawan ko kumain ng konti, nasusuka na ako kapag kumakain ako ng marami kasi lumiit na ang tiyan ko, at alam na katawan ko na hindi yun ang ginagawa ko.
Dama maraming study sa US mga scientist at doctor. Tapos sasabihin nya masama sa long term Ang IF
Hahahha oo nga 😅
Try nya manood sa youtube like dok josephine chua rojo,sten ekberg,eric berg,jason fung,ken berry,mendy pelz,lahat ng low carb dok kung gaano ka epektibo yong fasting,lalo na kung may metabolic syndrome ka..
@@eugenepancho5796 si eric berg ang pinaka favorite ko.
@@jeshurunvalerio4802 tama long term tlga ang IF... Calorie in and out ang hindi long term di ata napanoud si dr berg or dr jason fung
I'm 206lbs now or 93kgs i started my 18:6 IF yesterday I'll comeback here after a month please pray for me 😊😇
Did you see any result yet?? Hope you're doing well man.
Update?
Works for me.
From 68kg to 56kg in 3months time. So yes for me.
fromb what time kayo nag start ng 16/8 intr fasting
did u do HIT workout?
It works you can start with 12:12 which is very easy till you can do the ideal 16:8 after you got used to it you actually don't feel hungry anymore when you are in fasting state
As we grow old our metabolism weaken, to cope up with this I embrace IF. Started for 12 hours, now im on my 2nd mos. Of my 16:8 and aiming for 20 hrs.and planning to start to combine it with exercise. One thing that I really like with IF it kills my appetite no more binge eating. It works for me, hopefully it works with a lot of people too.
Super effective ! Last year, nawalan ako ng 10kg in just a month because of Intermittent Fasting. Be consistent lang talaga ans pag time mo na to eat, make sure kumain ka.
Wow that's a lot but that's not healthy since the ideal is to lose 1k per week.
Naku! Effective but it may not be sustainable in the long run. Balanced eating is key.
Proper/balanced diet together with exercise will give you good benefits. In my experience, I gain weight and reached 55kls from the usual 48kls. But when I decided to have a proper diet, less sugary foods/drinks and exercise, in just 4months from 55kls down to 45kls. And now, I'm still maintaining it.
How do u do IF po? Everyday ba? Same weight tayo. I was 56-55 before, now I’m around 49. Target ko is 45. Any tips? :)
@@denieceanneramosbabiera69 proper diet kasama exercise ang ginagawa nya hindi IF,mas safe kasi ang magdiet (good diet) at samahan ng exercise kesa IF
sa 4 na beses ko kumain sa isang araw ngayon, 1 x a day nalang ako kumain. with 3 liters of water a day. intermittent fasting nag work talaga sakin. nakakababa ng blood pressure at cholesterol level. mas payat mas healthy. love yourself🙂
IF makes sense in a very sedentary and modern lifestyle. We simply carried over the old custom of eating 3 times a day because our ancestors have to work hard out on the field and they can burn those calories rather quickly. We don't need that anymore because our lifestyle involves very little physical work.
Parang hindi ako agree sa almost lahat ng sinabi ng Nutritionist. I have been into Intermittent Fasting for 3 years na. And in fasting state we should remember that we can only take 3 types of fluids: green tea, black coffee and water (no creamer and no sugar) Intermittent fasting is not a fad diet as you have said it is only a meal pattern, it is a lifestyle.
Yes, napa-eye roll nga ako sa sinabing nyang fad diet daw. 🙄
PM mo po sha and sabihin mo mali sha.
Yung mga doctor din di mo mapagkskatiwalaan. Sila mismo nag smoke, bad diet. Lahat ng gamot puro side effects
@@stanbalo isumbong mo yan kay idol raffy. Kaso dapat bai may ibidinsya ka.
I agree with you, it’s not a fad diet at all. Napataas yung kilay ko e 🤨😊
IF & Lean Diet ginagawa ko dating 85kg now 60kg sorbang laki ng pagbabago talaga. Dati din High blood & 2 maintence in age of 22 yrs old. Marami na din mga pagkain na di na kinakain mostly mga oily foods, junk foods, processed foods & softdrinks
As of now I am Naturopathic Practioner kya thankful & grateful
2months nakung fasting laki talaga ng pinayat ko ..laking tulong ng fasting
Nag-IF Ako for a year and from 90kg, bumaba talaga ang timbang ko to 67 kg. Effective siya pero nagmukha akong matanda and dry yung skin ko. Kasi pulus diet at Jogging lang ginagawa ko. Now sinasabayan ko na siya ng workout sa gym to build some muscles and I like my body physique now.
I watch Dr. Jason Fung, a kidney specialist and Dr. Jamnadas, a cardiologist on intermittent fasting. Last week I did 20/4 fasting and feasting. This week, I will do one meal a day. I'd say, listen to them and learn how to manage eating. As Dr. Jamnadas said, eating small meals frequently is not good for the insulin because it makes insulin levels always raised all the time. I am also trying my best to eliminate flour products. So far I lost some weight - not much - I am not weighing myself. I feel the loss in the way my clothes fit. My clothes no longer feel so snug. I am doing it with the end goal of losing anti-cholesterol med.
Fasting promotes self disciple, healthy lifestyle and financial stability.
Also promotes uncrease in stomach acids with no food to burn
i was able to do fasting back in summer of 2017, 14 yrs old ako back then. i was able to lose weight from 66 kgs to 56 kgs. nagawa ko yun before dahil siguro bata pa ko and wala pa gaanong iniintindi. ngayon, 19 yrs old na ko and gusto ko pa rin magtry ng fasting pero mahirap kapag nagtatrabaho ka na. hehe
Been fasting since 2019.
@@NeoMLBB false
Yes, super effective. Doing 16:8 fast in a month na. Minsan 24 hours once a week. Aside sa weight loss, aiming for its health benefits depende sa stages ng fasting na gingawa mo. Iwasan lang ang sugar at high carbs na pagkain.
Paano ung 16:8? Ano food kinakain mo? I mean in moderation parin ba?
@@user-rm7od8xu8u - Iwasan ang process carbs and sugary drinks. Eat until full during your eating period. Avoid snacking between meals.
@@user-rm7od8xu8u meaning 16 hours d ka pwede kumain. Water, green tea or black coffee lang pero walang halong sugar or calories kasi yun ung mag brebreak ng fast mo. Then yung 8 is yung oras na pwede kang kumain ng solid food
Ung gusto ko e achieve kaya ako ng fafast is yung autophagy. 38 hours yung pinaka mahaba ko na fast. Gusto ko ma achieve yung 72 hours sana para sa stem cell regeneration at new immune cells sa katawan. Pero paalala lang bago mag prolonged/extended fasting research po muna kung ano dapat gawin at dapat kainin during fast and after fast.
@@jastyel3473 ung 16hrs na fasting kahit 3 in 1 na kape or bear brand milk hindi pwede? Parang diko keri paano? Ung 8 hours ba in moderation parin ung food intake or kahit ano?
I used the calorie deficit method and it works pretty well, I only consume 800 calories per day, only 1/4 of rice, from 195-145, after working out for 6 months straight, btw. my exercise are shadow boxing (cardio) and jogging, the total duration of my workout everyday averages between 1-2 hrs and it is worth it, no side effect or whatsoever.
Intermittent fasting yes for me I use 8-16 window 3 months kona Ito ginagawa , from 63kg now I’m 59kg in my eating window I also cut out carbs on my diet . Pero lahat ng gusto kong kainin nkakain ko padin pero in small portion na .
Galing naman nitong mag advise kain pakunti kunti hindi nga pwede???? Kunting Almusal Snack kunting Lunch kunting snack uli, Kunti Dinner kunting snack bago tulog ilang bisis tayong kumakain yan anim na bisis sus yumayaman negosyanti sa pagkain.. dito. Tayong mga normal na tao kain ng kain hangat nagkakasakit tuwa tuwa naman si Doctor at si Botika..
Hahah yari metabolism mo jan bka nka calorie in out yung nag sabi
Not just weight loss but skin regeneration and Longevity!
I beg to disagree with the nutritionist claiming that IF is NOT sustainable
Me from 87 kg to 77 kg in just a month. 24 hrs+ fasting (1 meal a day). Now im still doing fasting while working out na. Hirap nako mag bawas ng timbang at bumagal na since nag bubuhat ako. Most ng fats ko replacing na ng muscles
I guess sobrang bilis pa rin ng metabolism ko. 🤷
Road to 68-70kg and 12% body fat
Same here
@@hai5379 goodluck po! Sana maging successful pa yan mam/sir
Anung edad mo sir? Pag bata pa oks yang mabilis.
@@Tekillyah 21 ako sir.
Mas healthy yan boss. Kita mo naman yan pag tumingin ka sa salamin kahit di na nababawasan kg mo.
madami health benefits ang IF hindi lang weight loss.. controlled blood sugar, joint pains etc. dati pag gising ko umaga medyo hirap ako maglakad o tumayo dhil sa joint pain sa paa.. pero nung nag IF ako tska no sugary drinks nawala. pati yung parang bloated feeling o may pressure sa right abdomen ko nawala. 16:8 ako, mahirap lang talaga sa umpisa kasi para kang nahihilo at gutom pero pag naka 1 week kana magiging komportable na stomach mo at ma decrease din hunger issues mo.
Natawa ako kay doc na mag 2-3 hrs small frequent eating daw hehe, very old practice na yan at pede kapa mag binge eat lalo pag ganyan.
Good job! I’m at 900 days Keto/carnivore IF OMAD 23:1 everyday myself. Every beginning of the month I do a 168hr prolonged fast! Lost 100lbs & stopped all maintenance pills. You don’t need kanin at asukal in life, that’s a myth! You need to o get fat adapted and ketones are the preferred fuel for the brain, not glucose!
3yrs na akong IF natotonan ko yan sa. Kaka search ko dr.Ekberg da best galing nya mgpaliwanag b4 55kg ako sa hight kong 4'11 now maintain ko ang 43kg low carb pati ako minsan keto din.omad works for me one meal a day. Sunday sempre cheat day 🤣🤣
Bawasan ang calories na intake in a day more water at exercise ng balance. At di maglaylay ang excess na taba..im 84 kilos a while now im 52 kilos.. Waistline q is 34 inch now 28 already. And im so happy na achieved q un goals q na weight lose..
8:16 is really effective though if you do much things like heavy lifting jobs or something that will make you tired up fast i think you should eat more in 8 hrs focus on more vegetables,fruits,beef and other healthy foods and also remember when you are in fast drink water or something that'll keep your body and mind good condition while fasting
ive done this for many years.... super effective at tlga nakaka tipid din... kc super magastos aq s food.. tpos now i focus more on fruits veggies
Okay po maam. Kumain ka na po?
I agree. Mag invest sa fruits and veges. Iwasan ang junk foods, street foods at yong mga convenient foods. Kumakain naman Ako ng mga pinagbawal pero once a month lang at kunti lang. Too much of a good thing is really bad.
@@honeyletaquino8810 naku Ate, keysa naman mabulok bigas nyo, ipamigay nyo n lang po.
Ako naman from 90kg to 58kg nalng ang ginawa ko naman calorie deficit lang at super effective tlga... Although mayroon kaming fasting sa isang buwan tuwing buwan ng ramadan mas lalo pang nakdagdag ..pero tootoo tlga need mong disiplina sa sarili kayalngan iwasan ang maraming rice sweets...soda drinks sugary..un lng super effective
The "expert" is obviously misinformed and holds on to outdated beliefs about eating and weight loss. I suggest that he watch the videos of Dr Berg and Dr Fung so he can update his knowledge.
I totally agree. I can’t believe he’s promoting small frequent meals. Seriously? Eating every 2-3 hours? Are you kidding me.
👍💯
Agree! He should do more research before presenting his "expert" opinion😁.
I totally agree .. hey “expert” watch the video of Dr Pradip Jamnadas
I hope the program invited a registered physician who is an expert on IF. There are a lot of new studies now that promotes IF and caution about frequent meals. There are also a lot of benefits of IF that were not diacussed.
Exactly. 👍
agree. yung tinuturo dati sa college na small frequent meals is not for everyone and may studies na din to back the benefits of IF. I'm a Registered Nutritionist Dietitian and I believe it's time for us to be open to studies about different types of diet. which diet really works and which does not.
ganito din ginagawa ko, effective tlaga siya, 16:8 din ako nagsimula, pumayat tlga ako, wala kapang exercise na ginagawa, fasting lng. papayat kana,
Effective ang IF kung sasabayan ng tamang diet... Carbs and sweets should be cut until you reach your goal weight... Then limit na lang for maintenance... Kailangan lang talaga ng matinding motivation mga besh!
Me doin low carb eating 6days+1day cheat day w/o IF dahil bf mom ako😃 Still loosing weight, slowly but still I'm happy. Just trust and enjoy the process. Self discipline is a must!
Maling mali ka ma'am, we should not demonise sugar which is carbs. The one that should be "cut" is fat, the fat you eat is the fat you wear. Fat which is: milk (why would you even drink milk when you're an adult, and the milk powder mom's give to their children nowadays is not even necessary and healthy, breast fed milk is good enough), oil, butter, margarine, pork, beef, chicken, nuts, avocados, eggs, bacon, burger, french fries, do you get what I'm saying? Instead we should eat more sugars, which again is carbs: rice, potatoes, kamote, fruits, mangos, bananas, bread, etc... But do you know why? It's because sugars which again is carbs is 4 calories per gram compare to fat which is 9 calories per gram, so what does this mean? It means that you can eat double the amount of sugars compare to fat for the same amount of calories. So if you eat sugars (carbs) you will be easily satisfied and end up consuming much lower calories, which is the goal of weight loss than when you eat fats. When I'm talking about sugars I'm not saying eat more donuts, chocolate, I emphasize this because when you see on tv when they're talking about sugars, I guarantee you, you will see donuts, you know what's wrong with donuts? It's not the sugar, it's not the bread, it's the oil used to cook that bread.
Carbs actually healthy cus thats our fuel to our cell... sya ung nag eenergize satin. I think what you mean is REFINED CARBS like white rice, bread and pasta anything white carbs is not good cus it causes inflammation.
“Small and frequent feeding”? Really? This would literally spike your glucose level all day.
Exactly, that was bs advice. 😑
Don't do the small intake of foods, do the small calorie foods, like for example: greens, oats, etc. This is effective, because I do this everyday, in 2-3 weeks I lose 3 kg, also take water everyday. 🙂
I agree. Kain talaga ng healthy foods. I gree with Oats.
Depende po yan cguro sa tao kasi mas lalo ako nagugutom pag nag oats.
Tama, try ko ulit pumayat. Kc dati sinubukan ko ngkakasakit naman ako
Hindi po ba nakaka laki ng tiyan ang maraming pag inom ng tubig
Frequent small meals will trigger constant elevation of insulin. Hyperinsulinemia can cause a lot of problems and diseases. Hormone inbalance yan. During the stone age and even millions years ago, humans did not eat frequently. We either have none to eat or we feast. The best way for a healthier body is IF with low carb and periodic extended fasting. Moderate to high healthy fat, medium protein and low carb are proven to be the best
Totally agree on this
Hindi daw sustainable yung IF according to the nutritionist resource person nila... I beg to disagree
@@carlodurian3730 tama. Bagito ata nakuha nilang nutritionist. Di alam ang concept ng autophagy
@@JayJay-tk5jp Mukhang hindi sya updated... hehehe...
Fasting has a fear factor and stigma affiliated to it. If done right, fasting has numerous benefits not just from losing weight stance. It’s proven to reverse diabetes (pre-diabetic and even insulin-dependent diabetic) lowers BP, reduces inflammation, improves digestive functions and bowel movement, increases Growth hormone up to 2000 percent, improves patients with heart problems, improves allergies, improves mental clarity and focus and overall mental health, can help avoid neuro problems like Alzheimer’s and dementia fr elderly, improves our microbiomes functions, AUTOPHAGY, mitophagy, and can possibly reverse aging, and the lists can go on and on…
Like the experts said, we have our own doctor in our body, and fasting might be the answer. Yes with a typical 3 meals with snacks in between or kahit sabihin mo pa frequent “small” meals, that can result in insulin presence and that can cause most of the problems above.
IF + Calorie Deficit + Exercise = Goal :)
Paano calorie deficit?
@@user-rm7od8xu8u
...means bawasan mo ung dating taas ng calorie na tinitake ko. . .kung 3 cups rice ka dati eh mag 1 cup or 1/2 cup ka lng...GOODLUCK🤗
@@claire2470 Thank you. Sorry dami ko tanong✌️
@@user-rm7od8xu8u
...don't be. . .ok lang po un. .
it means intresado ka talaga kung nagtatanong ka kaya Goooooo!🤗...
@@claire2470 oo lalo na ngeon wfh nadagdagan tlga timbang ko and need ko tlga magbawas na🙏
Super effective yan kc Yan Ang diet ko tapos ginawa ko ng lifestyle
1 month doing intermittent fasting 16:8 + Calorie deficit maintaining 1500 calorie intake a day.
Super effective sya.. Im doing 16/8 ika 20 days ko na ngayon from 57kg now 53.3kg nlng di na ako kumakain ng mga sugary food breakfast ko is oats sometimes rice tpos dinner ko fruits nlng pero nag eexercise din ako kasabay ng IF every morning exercise and 8 glasses of water everyday
I'm rooting for you kabayan,keep going and inspire people along the way.
6:10 Sustainable sya, mamsh. Change of lifestyle sya, just know how to balance it depending sa needs ng katawan mo
I’m so proud of YOU keep it up!
Old school ways na masyado yun Dietician. Earing every 2-3 hours can lead ti Hyperinsulinemia or Type 1 Diabetes.
The nutritionist is so WRONG in so many levels. Intermittent Fasting is SAFE(except for diabetics) and proven to be EFFECTIVE! The "eating frequent meals" is not a good advice especially at this age and time. It is actually primitive to be honest and may increase insulin in a bad way.
With IF, you can prevent hypertension and weight gain and so many more illness so i advice people to try it for themselves. I would just like to point that the "feasting" period DOEST NOT mean you can eat ANYTHING! You should still mind the things that you eat. IF is a tool to hasten and help you lose weight in a safe and fast way. That is all there is to it!
Agreee
It worked for my friend who is Diabetic. And she’s on Keto.
I guess it is very effective coz from 60 kilos ay naging 46 kilos nalang ako ngayon. I started intermittent fasting late 2019 and after 4 months nabawasan po ako ng 7 kilos. Tapos dahan2 na talag akong nabawasan ng timbang hanggang na maintain ko na po ngayon ang timbang ko sa 46 kilos. I'm only 5 ft so ideal po sa height ko ang 46 kilos.
Do you do keto also? Or just eat whatever in your window time
@@loveholic1182 Hi. I just eat whatever in my window time. 12 hours to 16 hours ako usually nagfafasting. Usually sa gabi, 10pm to 10am or 12pm then after that from 12pm to 10pm, kakain ako ng kahit ano at maramihan pa nga.
Calorie deficit lng do workouts. Discipline, motivation, Consistency is the key.
A piece of advice… don’t look according to how others want you to look. Better yet, do not rely on how you look or what you look like. Instead, focus on how your inner self (attitude, respect for others, compassion, love) toward other people.
Focus also to be responsible to live healthy body because a healthy being reflects on how you truly love, respect and take care of your inner self like a temple.
2000 calories a day ako at regular exercise 1000 cals sa Umaga 1000 cals sa Gabi and effective in just 1 month I loss 7 kilo gram and my exercise atlis 1 hour a day. My meal is egg, chicken breast , broccoli , for my low carbs corn and green vegetables I did not eat junk foods and My source of fats is avocado, peunut and fish salmon or tuna
Mahirap sa umpisa but Very effective! tried and tested. Samahan ng proper research at exercise at discipline.
i’ve been doing OMAD for 3 months now and i must say that it’s very effective. i lost 60lbs in total. i’m doing this because i’m suffering from severe arthritis. and in a way, it helped
What is OMAD bro?
@@WendelenPaneda One Meal a day baby. bale naka fast ka ng 23 hours at 1 hour ka lang kakain
@@WendelenPaneda One Meal a Day
One Meal A Day😊
Almost 8+ years na din ako nag fafasting, base on my experience eh legit sya na macocontrol mo yung weight mo HOWEVER need mong sanayin yung body mo na hindi kumain ng umagahan at tanghalian, bali kape, tubig maga ganyan lang kainin mo then sa hapon bago matulog, pwede kang kumain ng KAHIT NA ANONG GUSTO MO. Dipende kasi sa katawan ng tao kung gaano kabilis mag adapt sa fasting, sakin kasi umabot ng buong 2 months bago nasanay yun metabolism ka na hindi magutom ng umagahan at tanghalian.
Its really effective..its good for body cleansing.😀
I've been doing it for 3 years from 125kg to 78kg (。・ω・。)ノ♡
are you doing lots of exercise? if yes,what kindd?
@@akio_1400 i walk 8k steps per day but after i got to 90kg i stop because got lazy. After that i only eat one meal a day and drink green tea everyday so i only eat from 12pm to 1pm. And take vitamins also
Wala bang side effects?
Ang mga Muslim pa fasting 17 hours in 30 and 10 days kabuoan 40 days no food no water at ang ating mahal na Hesus fasting din 40 days Kaya walang delikado itoy gawain ng mga nauna sa atin para sa kanila physical at spiritual benefits
Hnd porket effective sa knya ang intermittent fasting, effective sa lhat ng tao, Importante discipline and determination. Meron kc kpg ginutom, nahihilo at sumasakit ulo.
tips ko lang sa gustong pumayat...bawasan ang pagkain ng maraming starchy foods tulad ng (kanin, tinapay at noodles) at matatamis lalo na mga drinks na matatamis yan ang main contributor ng pag taba tsaka mamantikang pagkain(fried foods)....minsan minsan ok lang pero dapat ilimit lang un quantity ng pagkain....dapat sanayin kumain ng balance para di na bumalik un katawan sa dati....mahirap magrebound....self discipline and change of lifestyle parin talaga..napagdaanan ko din yan....maganda ang ginawa niya di madaliang papayat mas magiging longterm ang dahan dahan pag payat kaysa sa biglaan...
Parang wala na akong kakainin nyan.
@@reignlopez5094 wala naman akong sinabi wag kang kumain sabi ko bawasan or ilimit lang
@@reignlopez5094 actually u can start intermittent fasting but still eating the same food. Pag nasanay ka na sa routine, you can change naman the type of food gradually like no softdrinks no ice cream etc etc
works for me.. also lessen your carbs, sweets and junk food intake
It works for me. OMAD. From 73 down to 59kl
Been doing since 2020! Effective! Just trust the process, keep moving :))
Ewan ko po kung tama ang ginagawa ko...pero effective naman...11:00 am start ako kumain...hanggang mag alas 7:00 ng gabi jan ako di na nag te take ng food...yung between 11 am to 7 pm jan ako kumakain ng madami pero more on gulay ako at may meat din...tuwing morning naman jan ako nag eexercise.
I do OMAD, 17y/o ako, then I do 1 hour of strength training, kaso kettlebell lang gamit ko pero goods na, from 72.87-67.50 ako, thou mukha naman akong payat, gusto ko rin maging lean and fit, may mga bibil ako sa gilid ng tyan ko before, ngayon lumiliit na
IT more on sa hormonal benefits like insulin sensitivity pero pagdating sa paglose ng timbang ang basics paren na dapat mas less ang calories ng cinoconsume mo kaysa sa binuburn mo
The only effective diet I had wasn't even planned. I went to a secluded island - for a camping with 2 other friends when a storm broke out and eventually became a typhoon. One friend who was the only one that can pilot the boat said it'll be really risky to sail cuz' I can't swim plus the fact that the wind, the rain and the wave was on it's peak. We stayed in that islet for like 2 weeks, plus additional week when we realized that the reserved gas was actually used up for cooking, and for starting fire to keep as somehow dry and warm for days. We only had food good for 2days- and we stretched it to 3 weeks, we even tried fishing, we ate birds, and actually refused to eat the frog that we cooked 😅 we survived on coconuts, kamatsili? Dunno' the spelling lol, unriped papaya and sweetpotato leaf.. and the shells we got along side the rocks near the cove. On the 18th day, uncle of our friend came searching for us, we didn't even realized we've lost so much weight. Adding the fact that 2 of us got bronchitis for staying wet for days. Was so tired, and was sick but that 3 weeks was worth it 🤣 thrifting escapade wasn't always safe but it does do wonders- at times lol
I've lost roughly 5kilograms in 18days. 😅 wasn't it great?
blessing in disguise? haha
Sa mga nag uumpisa plang mag fasting tlagang makakaramdam kau ng gutom,ako kc sanay na sa fasting at npapahaba ko pa fasting ko ng hnd ako nagugutom,.minsan nga OOMAD lng ako kc pgnakakain nko nun tagal kong busog,3 30 or 4 na ng hapon madalas kong kain nian ,.tas pagkatapos nun kinabukasan ulit ng ganung oras .
Very effective! from 140 kilos to 80 kilos :)
I was 85 Kilos July last year before I started Intermittent Fasting, Fast forward June 2024 Im only 63 Kilos Pasok na sa BMI ko sa height na 5’4. I am now planning to sustain I also changed na to Brown Rice from White Rice, I also started doing exercise to make my body stronger..
Unang 2 buwan nakaka gutom talaga but after 3 months masasanay kana, napansin ko din na nawala na yung pagiging mabigat ng katawan ko or parang laging pagod..Mas naging Ok dij mood ko at mas naging energetic pa nga ako unlike noong napaka taba ko pa..I can say na effective talaga sya, lalo na kung like me pamilya kayo ng hypertensive at diabetic magandang umpisahan nyo na..Same din naman pagdadietin kadin ng doctor kapag highblood or diabetic kana..so bakit mo pa aantayin yun kung habang maaga pa agapan mo na..
Nasubukan ko na po iyan, for two weeks, effective po. Kaso, hindi ko lang talaga seneryuso.
Mas effective ang intermittent fasting 8/16 method kung everyday may activity gaya ng pagpasok sa trabaho. Lalo na kung pag-uwi galing work ay mag-exercise pa kahit 6 minutes. Sa mga first timer 1 Linggo mag-adjust ang katawan mula sa tatlong beses na kain kada araw meaning mahihirapan talaga sa umpisa. Recommended nga pala na mag cheat meal once a week. You might find inspiration and motivation from the YT content creators Beard Meets Food and Matt Stonie. Sa trabaho magbaon na lang ng nilagang itlog at kape or gatas (customized intermittent fasting 8/16 method - ito ang ginagawa ko)
Effective po siya hehe, I started last year nung 18th bday ko. Pero alongside IF May HIIT din me. May workout apps na para dun. Maganda ung may progression ung workout mo. Pero, after nun magwawant k n kumain ng marami. Kaseeee sobrang payat ako after 5months. Madali na ko mapagod. So ngaun nakain na ko ng normal.
Super effective po ang IF jan po ako pumayat from 86-68 kg in just 8months po. Pero syempre healthy food din po ang kailangan kainin at totoo un pakonti konti lang. Pag nagutom uminom nalang ng madaming tubig hehe. Ngayon nakakaya ko na mag 1 meal a day😁
I don't do fasting, pero I limit myself to eat 3x a day. Mataba din ako. Pumayat lang ako matapos akong sabihan ng kaibigan ko:
1. 1 rice to no rice a day
2. Iwasan ang 3M's - Maalat, matamis, mamantika
3. drink a lot of water
4. Bawasan talaga ung calorie in take. Iwasan ang mga tinapay or dairy products, noodles, processed food, mas damihan ang gulay, fruits and proteins, itlog, fish chicken & meat
In 5 months, from 82kgs nging 69kgs nlng ako.
take note, wala akong cardio exercise. Jogging lang 30mins 3x a week
Jogging is a cardio exercise na po
Fasting is the best. Specially if you are eating the right food and be active. Be consistent katulad nitong si kuya sa Video. ❤️
Na try ko na yung, small frequent eating. Jusko mas lumubo ako! siguro kasi, may insulin resistance ako dahil sa PCOS ko. Sorry sa mga dietitian po, siguro dahil 21st century na po, iba na yata ang diet na mas nagwork po sa karamihan. Iba iba po kasi ang underlying causes of weight gain. Siguro lang po ang hindi pwede sa fasting ay yung may type 1 diabetes, pero kaming type 2, ay aba dapat lang siguro pababain namin sugar levels namin. 😂
October 2021 ang waist ko is 43 inches then as of now 35 inches dhil una is nag calorie counting lng ako snsulat at log in ko lhat ng knakain ko then I am on my 3 weeks of intermittent fasting diet nag start ko this month lng at I feel good since nag bbreastfeeding ako ang gngwa ko lng is snasbay ko sa tulog ang fasting. Basta 14-10 ang oras ko. Bsta wag mo deprived srli mo sa food at never ever ka dpt mag crashed diet.
Intermittent fasting ay normal na s Pinoy dahil s hirap ng buhay, pero di big sabihin magpapagutom ka. Wag i deprive ang sarili at balance diet.
I skip breakfast and I see great results...madali pa i-maintain.
I benefit greatly from IF + exercise. Tipid p s budget dahil ntrain katawan ko kumain ng kelangan lng nya
Yess it's effective! Yan nga ang advise ng mga health experts. That is proven also by myself and of course it needs a balance-healthy diet..
DISIPLINA, eto ang pinakaimportante kahit anong weight loss diet at exercise p yan.
at dapat combination lagi ndi pwedeng magbabawas k lng s pagkain mag expect kn agad ng weight loss.
combination ng DISIPLINA, HEALTHY DIET AT EXERCISE.
ndi rin dapat mag set ng time limit kung kailan mo gusto pumayat.
dapat pangmatagalan n gawing routine pr mas effective.
Losing weight is different from losing fat.. pwede kang mag lose ng weight pero the unwanted fats nandon pa din like sa belly, arms and thigh. Kaya if you chose IF make sure you do weights din para you build muscles and lose fats. Kasi once you lose weights our skin is elastic so it can cause loose skin which is in my opinion is yucky.
better have loose skin than short life.