'Balik Ilog', dokumentaryo ni Kara David (Full episode) | I-Witness

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 17 окт 2024
  • Aired (April 2, 2022): 2014 nang unang narating ni Kara David ang Sitio Naswak sa Mindoro Oriental para sa kanyang dokumentaryong "Daang Ilog". Dito, nakilala niya sina Erwin at Ligawon, mga batang nagpapaanod ng kalakal sa rumaragasang ilog para maibaba ito ng bundok at maibenta sa bayan. Makalipas ang walong taon, naipagpatuloy kaya nila ang kanilang pag-aaral? #IWitness #BalikIlog #GMANetwork #GMAPublicAffairs
    ‘I-Witness’ is GMA Network's longest-running and most awarded documentary program. It is hosted by the country’s top documentarists --- Howie Severino, Kara David, Sandra Aguinaldo, and Atom Araullo. ‘I-Witness’ airs every Saturday, 10:30 PM on GMA Network. #GMAPublicAffairs #GMANetwork
    GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
    GMA Network upholds ethical standards of fairness, objectivity, accuracy, transparency, balance, and independence.
    Walang Kinikilingan, Walang Pinoprotektahan, Serbisyong totoo lamang. #GMAPublicAffairs #KapusoStream #GMANetwork
    Subscribe to the GMA Public Affairs channel: / gmapublicaffairs
    Visit the GMA News and Public Affairs Portal: www.gmanews.tv
    Connect with us on:
    Facebook: / gmapublicaffairs
    Twitter: / gma_pa

Комментарии • 392

  • @manuelitaconvicto
    @manuelitaconvicto 4 месяца назад +43

    Iba Talaga Ang impact pag si Ms. Kara Ang nag do-docu. ❤ damang dama Ang istorya.
    Praying for Erwin na matapos Ang kurso nya 🙏

    • @arnelneil
      @arnelneil 3 месяца назад

      GRABE NAPAKA DELIKADO DIN NG MGA DINODUCUMENT NYA PERO ANDUN TALAGA SYA SA EKSENA LIKE TINATRY NYA TALAGA ON HER OWN HINDI LANG STA BASTA NAGSASALITA❤

  • @jobswolfboiser
    @jobswolfboiser 4 месяца назад +14

    Pag tingin ko s RUclips pag dukomentary at Kara David click ko talaga agad.....ibang iba ka mam Kara pag mag documentary sarap panuorin at pakinggan

  • @eternallight351
    @eternallight351 4 месяца назад +18

    Kara, i hope ikaw ang maging daan to progress sa bayan nila!
    this documentary is really an eye opener.. thanks for sharing and keep up the good work!

  • @Eyfryl
    @Eyfryl 4 месяца назад +28

    Si Erwin is part of Project Malasakit ni Ms. Kara. Taking up BSED major in Math❤

  • @jenniferrojo0601
    @jenniferrojo0601 4 месяца назад +22

    Lagi Kong pinapanood sa mga alaga ko Ang mga documentary na ganito para maintindihan nila gaano cla kaswerte sa buhay na meron cla , minsan kapag maiinis ako dahil mga pihikan or Minsan nagsasayang ng pagkain lagi Kong pinapaalala sa Kanila Ang ganitong sitwasyon sa buhay 😢🥺

  • @akoalbayano4011
    @akoalbayano4011 4 месяца назад +62

    Ms kara after 4 years aabangan namin ang documentation ng pagtatatapos ni erwin..

    • @rosebagas3048
      @rosebagas3048 4 месяца назад

      𝓠𝓺𝓸 rin po❤❤

    • @josefinalansangan878
      @josefinalansangan878 4 месяца назад

      🙏🙏🙏

    • @pincode608
      @pincode608 3 месяца назад

      Replay na lang to

    • @ronaldgarcia8101
      @ronaldgarcia8101 3 месяца назад +4

      Erwin is ma'am Kara David's scholar right now and looking forward for his documentary featuring his graduation

  • @ma.helengraceriano2620
    @ma.helengraceriano2620 4 месяца назад +21

    Waiting for ERWIN SA graduation nya after 4 years 😊😊😊 Good luck and God Bless Erwin. Laban lang para sa pangarap.

    • @jenelleescoses8045
      @jenelleescoses8045 4 месяца назад

      2022 pa to inere, mukhang 2 years nalang iintayin natin

  • @yzabelleordanel0219
    @yzabelleordanel0219 4 месяца назад +9

    Maraming2 salamat sa mga documentary Ms Kara❤...mga kwento na bihira lng ang nkakaalam..sana po ay Yan ang mapagtuunan ng pansin ng ating gobyerno at Hindi ung sariling pagppayaman lng😑....God bless always po...ingat kayo palagi😊

  • @hannahellainedayag107
    @hannahellainedayag107 4 месяца назад +48

    Datig mga vlogger pinapanuod ko pero ngayon i witness na pero c ms kara parin ako mas mahusay cyang mag docu❤❤

    • @myrnamaglasang9208
      @myrnamaglasang9208 4 месяца назад

      Ako din GUSTO ko tlaga c ms KARA DAVID SUPER galing nya magdumentary ang lamig ng boses EXCELLENT LOVE you Ms KARA 💖❤️💖❤️

    • @joelrodaje47
      @joelrodaje47 4 месяца назад

    • @HannahBravo
      @HannahBravo 3 месяца назад

      I agree po napapanood ako kpag c ms. Kara ❤❤❤❤

  • @PostMalonee-oy4jg
    @PostMalonee-oy4jg 4 месяца назад +12

    "Sana, wala nang bata pa ang kailangang magbuwis ng kapalaran para lang umukit ng kinabukasan."💔

  • @HonestoTolentino-my2ck
    @HonestoTolentino-my2ck 4 месяца назад +8

    Maraming tao ang panay reklamo, pero sila buwis buhay para kumita at patuloy na mabuhay ng may dangal.... Ito dapat mga pinalalabas sa tv, para mamulat ang sangkarauhan, salamat miss Kara, eye opener ito sa lahat

  • @AbdulWahab-rg4kw
    @AbdulWahab-rg4kw 4 месяца назад +5

    Maliit na halaga pero napakasaya nila..sana ganito din mindset ko..nakakalimot ako minsan dahil sa pera..peor pag may mga ganitong napalanood,pinapaalala sayu na pahalagahan mo ang bawat oras at trabaho mo.balang araw makakaahkn djn kayo promise..god is watching.

  • @marjorieolor6732
    @marjorieolor6732 4 месяца назад +7

    Dong Erwin I'll include you in my prayers. Patuloy lang sa pag abot ng pangarap. Wag matakot lumapit sa panginoon.❤Looking forward na maging licensed teacher ka din after 5 years.😊

    • @margilynramaclenuar9523
      @margilynramaclenuar9523 4 месяца назад +1

      Repost nato 2022 pato baka 2nd yr college na si erwin ngayon kung nakapag aral man sya ❤

  • @maidaquesada5380
    @maidaquesada5380 4 месяца назад +5

    Ito pinaka paborito kong documentary journalist...magaling!

  • @JuliusCGomez
    @JuliusCGomez 4 месяца назад +2

    "..maging kaunaunahang guro" and as a teacher, my heart melts.

  • @markpinagpala2784
    @markpinagpala2784 4 месяца назад +14

    Mag vlog kayo mga tropa!!
    LIFE SA PROVINCE LETS GO!
    kaya niyo yan!
    Godbless

  • @manangmjtv1115
    @manangmjtv1115 4 месяца назад +5

    Grabe napanood ko dati nung maliliit pa sila. Sana magtagumpay ang mga d nawalan ng pag-asa sa buhay at siyang nagpursige para sa kani-kanilang pangarap 🙏

  • @Gamboa-zd9gj
    @Gamboa-zd9gj 4 месяца назад +3

    8 taon n ang lumipas. Pero ung ganda ni ma'm Kara David hndi kylan man ngbago .still young ❤

  • @StiffDatuin
    @StiffDatuin 4 месяца назад +118

    Sana maam Kara e scholar mo c erwin para mkatapos xa sa pag aaral matupad nya ang kanyang pangarap pls...tulongan mo cla salamat po.

    • @virgiesagay8283
      @virgiesagay8283 4 месяца назад +5

      @stiffdatuin, bakit kailangan si karen pa, di ikaw na lang.

    • @evo_anton
      @evo_anton 4 месяца назад +4

      scholar na nya yan

    • @gamernurse_siri
      @gamernurse_siri 4 месяца назад +3

      Repost nalang to. Malamang nyan graduating na yan si Erwin or baka nakatapos na

    • @kuyajmags2289
      @kuyajmags2289 4 месяца назад +1

      2022 pa yata. REpost na po ito

    • @triskelionwolf305
      @triskelionwolf305 4 месяца назад +6

      ​@@virgiesagay8283tanga ka din noh knino ba kumita si Cara diba sa nga bata

  • @linnalopez631
    @linnalopez631 4 месяца назад +4

    lahat ng dokumentaryo mo ms kara pinapanood ko talaga , favorite ko talaga sa lahat

  • @ayahmayramirez8375
    @ayahmayramirez8375 3 месяца назад

    Grabe talaga c Ms. kara mag Documentary, tagos sa puso👏👏👏. Good Job po Mam Kara. Sana mkatapos ka Erwin 👏👏🙏🙏🙏

  • @rachelannignacio3127
    @rachelannignacio3127 4 месяца назад +3

    grabe yun tig 3h lang silang lahat sakit sa puso

  • @joellabesores61
    @joellabesores61 4 месяца назад +2

    God bless Philippines. Thank you ma'am Kara sa mga buwis Buhay mong documentary para maipaabot ang kalagayan ng ating mga kababayan sa bawat sulok ng ating mahal na bayan. Piliin padin natin ang Pilipinas 💞🙏☝️

  • @CapitanTiago
    @CapitanTiago 3 месяца назад

    grabe hinding hindi nako mag rereklamo sa trabaho ko … salamat this is an eye opener maapreciate mo yung blessings pag nakikita mo na may mas mahirap pa pala na kalagayan sana maka ahon din sila sa kahirapan

  • @tarzaninpalawan283
    @tarzaninpalawan283 4 месяца назад +1

    Sanay na sanay si maam Kara sa mga ganitong lakaran subrang dami na nyang mga ginawang mas mga dilikado pang adventure documentary

  • @mylynlumod6533
    @mylynlumod6533 3 месяца назад

    The best talaga pag si Ma'am Kara na 🙂🙏 Praying for the success of Erwin and the whole tribe 🙏

  • @ryanfrancisco8592
    @ryanfrancisco8592 4 месяца назад +2

    Galing mo po tlaga ms kara mg docu,,kaya po subrang idol po kita,,taga mindoro dn po ako

  • @EdwinPatilano-p8h
    @EdwinPatilano-p8h 4 месяца назад +7

    Grabe nakakaiyak...sana matulongan cla...maswerte padin tau..cla sobrang pagcckap at delikado ang ginagawa para lang kumita...naway gabayan kau ng poong may kapal

  • @noelmacatangay4011
    @noelmacatangay4011 4 месяца назад

    The Best Documentarist po kayo Ma’am Kara David….talagang naihahatid nyo yung totoong kalagayan ng lipunan na inyong pinupuntuhan para sa kamalayan ng lahat…
    Aa kabilang banda sana po makapag bigay kayo ng update tungkol kay Erwin,.sya po kase para sa akin ang kumakatawan para sa hinaharap ng tribu nya…
    Salamat,Godbless po sa inyong team

  • @DanVillacrusis
    @DanVillacrusis 2 месяца назад

    isa rin ako sa nakaranas ng ganyang uri ng hanap buhay. mula panluan hanggang lisap. para lang makatapos ng pag aaral. sana may tumulong sa mga katutubo. salamat mam kara david.

  • @AdrianSarza-m9q
    @AdrianSarza-m9q 3 месяца назад

    NUNG UNA KONG NAPANOOD TO WAY BACK 2014 MASAKIT NA SA DAMDAMIN. NGAYON LALO AKOONG NAHABAG SA KANILA. WALANG NAGBAGO SA PAMUMUHAY NILA

  • @boss-j9538
    @boss-j9538 28 дней назад

    Di tlga patas ang Buhay .. kahit gaanonka kasipag barya lng ang kapalit.. tama yan Erwin pag butahan mo ang pag aaral para mas madami Kang matulungan.. salute sainyo kabayan👊👊✊

  • @chrismangawang980
    @chrismangawang980 4 месяца назад +1

    Yung mga ganitong klase sana itinutuon ng gobyerno ang pera, hindi sa walang katuturan na gyera!

  • @manoypinoybikeandchill5017
    @manoypinoybikeandchill5017 4 месяца назад

    Salamat Kara sa pagbubukas ng mga mata ng lipunan ng mga katutubong Mangyan ng Or. Mindoro! Sana nga sa mga susunod na serye mo may malalaki ng pagbabago! Salamat muli.

  • @lheojuco4676
    @lheojuco4676 4 месяца назад +3

    Pagpatuloy mo erwin ! , saludo.

  • @margaritasierte1498
    @margaritasierte1498 3 месяца назад

    Tumutulo luha ko habang nsnonood nito. Grabeng hirap nila. Ramdam ko.

  • @genspear3930
    @genspear3930 3 месяца назад +1

    Sa mga politiko sana bigyan nyo nman ng konting halaga ang mga ganyan mga katutubo ntin... bigyan nyo nman ng khit konting proyekto khit man lng daan at tulay

  • @sparksegaya4196
    @sparksegaya4196 3 месяца назад

    cant help to cry watching this documentary. Sa talamak na nakawan sa government natin, marami sana ang napupuntahan nang perang bayan kung ginagamit lang nang tama. God bless Philippines!

  • @HannahBravo
    @HannahBravo 3 месяца назад

    Mas gusto q po itong panoorin ang mga gnitong klaseng documentary at c ms. KARA DAVID ❤❤❤

  • @armanasiritofficial2044
    @armanasiritofficial2044 3 месяца назад

    1 year from now magtatapos na si Erwin,. hoping may docu sa kanya ms. kara.. God Bless

  • @chozen1849
    @chozen1849 4 месяца назад

    Go after your dream, Erwin! Believe in yourself and never give up. Stay focused motivated, and keep moving forward. You've got!

  • @yellyaasco
    @yellyaasco 4 месяца назад

    Manifesting for Erwin's completion of education at sa iba pang mga bata na patuloy pa rin na nagsisikap para lang makapag-aral. Mabigyan pa sana to ng mas maiging atensyon ng gobyerno para na rin sa safety ng mga tao sa pangangalakal. 🙏🏼✨

  • @GemmalynDeJesus
    @GemmalynDeJesus 4 месяца назад

    Hello mam Kara napakaganda Ngdocumentaryo nyo at totoong Buhay Ng mga taong mahirap Ang itong kwento nakakatuwang isipin Po na nakarating kyo sa Lugar Kong saan di alm Ng ibang tao na my ganyang mahihirap na kailangan Makita Ng buong Mundo

  • @lowkey_nars6838
    @lowkey_nars6838 4 месяца назад

    Everytime na nag sasawa ako sa kung anong meron na ako ngayon, hindi man mayaman pero maayos na trabaho at tirshan, lagi ako nanunuod ng docu ni mam kara, at laging eye opener padin sakin na maging grateful. Dahil kung hirap at sawa na ako, mas madaming hirap sa buhay at nag susumikap na mabago ang kinamulatang buhay. 🥺🥺🥺

  • @rosesalvacion5479
    @rosesalvacion5479 4 месяца назад

    grabe npaka tapang ni kara david, grabe dedication nya s work

  • @marygraceroxas533
    @marygraceroxas533 4 месяца назад +2

    Sana makapagtapos ng guro si Erwin in the name of Jesus. At sa mga tao sa tribo ng Bangon mangarap pa kayo lalo. Sana matapos na din yung school para sa magkaroon na ng High school. In the name of Jesus, Amen.

  • @SaintIsidoreph
    @SaintIsidoreph 4 месяца назад +1

    Salamat po Ms. Kara David 👍

  • @Batang1990
    @Batang1990 4 месяца назад +1

    Sana sa sunod na punta mo sakanila teacher na si Erwin 😢😊 dabest ka Mrs Kara david❤

  • @ronaldipanag2672
    @ronaldipanag2672 4 месяца назад

    walang kupas kara david. thank you sa mga ganitong doku

  • @jeniraymundo4104
    @jeniraymundo4104 4 месяца назад +3

    Grabe. Buwis buhay para lang makarating sa kabisera tapos 200 lang ang kita.

  • @AbdulWahab-rg4kw
    @AbdulWahab-rg4kw 4 месяца назад

    Grabeng sakripisyo😢saludo sa inyo mga kapatid.sana lahat ng mahihirap na gaya natin ganito mag isil di puro kuda at reklamo

  • @bidolschannel732
    @bidolschannel732 4 месяца назад

    Lodi ko talaga so ms kara... Mag doccu... Na iintindihan ko nang maayos.

  • @felixbertodelapena1091
    @felixbertodelapena1091 16 дней назад

    MBUHAY KA KARA DAVID. GOD BLESS

  • @bangkarottv.8036
    @bangkarottv.8036 4 месяца назад

    Ang galing mo talaga maam kara,mabuhay po kayo at sana gabayan kayo ni lord palagi,❤❤❤❤

  • @CrisAnino
    @CrisAnino 4 месяца назад

    Dati mga vlogger pinapanood ko pero ngayon i witness na,galing ni maam kara mag documentaryo,mapapaluha ka mga kwentong pinapalabas nya,

  • @kyrieeleisonszaimanalo697
    @kyrieeleisonszaimanalo697 3 месяца назад

    Sana biyayaan nyo sila sa views palang nito malaki laki nang tulong ang maibibigay.

  • @annabelmanalo7288
    @annabelmanalo7288 4 месяца назад

    Iba talaga mag documents si ma'am Kara kaya gstong gusto ko talaga manuod kapag sya ung ng ngllahad

  • @HannahBravo
    @HannahBravo 3 месяца назад

    Enjoy po pro nkakatakot nman ang agos ng tubig xka mabato qng hindi ka magaling jan madidigrasya ka tlga wag nman po 😢 Lagi kayong kagabayan ni Lord 🙏❤️

  • @japorms-j2u
    @japorms-j2u 4 месяца назад

    salamat po teacher sa tulong nyo sa kanya.
    sana makatapus si erwin sa pagiging guro🙏

  • @friedtaco2019
    @friedtaco2019 4 месяца назад

    Walang Kupas si Ms Kara David sa Dokumentaryo...

  • @ChellRapsingChell1985
    @ChellRapsingChell1985 4 месяца назад

    Grabi nkakaiyak ang presyo ng mga kalakal nila🥲🥲

  • @lorsmpvlogs2885
    @lorsmpvlogs2885 4 месяца назад

    Habang bumabaybay sila sa ragasa ng tubig, kinikilabutan ako at tumutulo ang luha sa awa at hanga ako sa lakas ng loob nila sa hamon ng buhay. Dalangin ko na umasenso naman kayo sa buhay.

  • @mhajcartel4868
    @mhajcartel4868 4 месяца назад

    Ito yung pinapanuod kung subrang nakakaiyak dhil nakikita ko ang subrang hirap ng pinag dadaanan nila pra lng mag karoon sila ng pera,dumaan ako sa kahirapab pero hindi sa ganitong situation,nakaka inspired ang kwento nila,

  • @SleepyBoombox-hn2od
    @SleepyBoombox-hn2od 3 месяца назад

    Godbless you brother ptutupad mo ang mga pngarap mo🎉🎉🎉❤❤❤❤

  • @tetulozano
    @tetulozano 4 месяца назад

    Sana nmn.. mabigyan sila ng pangkabuhayan sa lugar nila. Pero saludo ako sa mga ganitong kabataan,napaka sipag 👍👍👍

  • @airapiloton5324
    @airapiloton5324 4 месяца назад

    My heart aches for how life has been so tough to them😢

  • @martensalou1665
    @martensalou1665 4 месяца назад

    I love you Kara David 😍😍😍😍 best documentary ka ssakin Wal ka arte arte God bless you mam kara🥰

  • @bugartable
    @bugartable 4 месяца назад +1

    okey yan mahirap but healthy life....proud..

  • @giorgioacevb5030
    @giorgioacevb5030 4 месяца назад

    Bigyan sana ng pansin ng ating gobyerno particular sa lgu ng Oriental Mindoro na bigyan ng tulong ang ating mga kapatid na mangyan na mas nauna pa sa mga kastila sa lalawigan ng Mindoro..bigyan ng maayos na transportation upang mas madaling maibenta ang kanilang mga kalakal at maging patas ang mga halaga nito..attention national & lokal government esp sa governor & congressman ng second district...tulong po sa mga kapatid na mangyan.

  • @Encee_c
    @Encee_c 4 месяца назад

    Napanood ko ito noon..mga bata pa sila noon..ngayon may pamilya na ang ilan sa kanila❤

  • @lovehate5307
    @lovehate5307 4 месяца назад

    From Bansud ako ms Kara. Thanks sa documentary na ganito

  • @sheilamaeorquin1116
    @sheilamaeorquin1116 4 месяца назад

    Naiyak po ako🥲I pray na matupad ni Erick ang pangarap niya 🙏🙏

  • @ChriseldaRodriguez-yb8ex
    @ChriseldaRodriguez-yb8ex 4 месяца назад +2

    Sana yung nasa gobyerno mapanood nla maawa nman po kayo.!!!!

  • @melindaasperin260
    @melindaasperin260 4 месяца назад

    ❤❤❤ang hirap ng buhay nila pero hindi sila sumusuko sana makaahon sa kahirapan God is good keep praying 🙏 🤲

  • @mariceldequito7209
    @mariceldequito7209 4 месяца назад

    Grabe naiiyak tlga ako habang pinapanood ko 😪 ung subrang pagod Nila tas tig 3h lng sila.

  • @mauriciofuyon4469
    @mauriciofuyon4469 4 месяца назад

    Hays,nakakainspire na nakakaiyak 😢

  • @MaricelSeletaria
    @MaricelSeletaria 4 месяца назад +1

    Naalala ko ung kua ko .na gusto NIA makatapos.naging school boy po CxA pero kinuha ng nanay namin .kaya mahirap din ung magulang nawalang pangarap para sa anak.
    Nakikitira KMI sa ibang tao para makapag tapos ng pag aaral kahit highschool.
    Sana matulungan c erwin.may magandang loob n sumuporta sa knya.

  • @PedritoAnos
    @PedritoAnos 4 месяца назад

    Yan Ang dapat tulongan ND ung may pangalan na😢❤❤laban lng Erwin💪💪

  • @Rolandomorales570
    @Rolandomorales570 4 месяца назад

    The best documentaries miss Cara David..medyo naluluha ako habang pinapanuod KO ..😄😄😄👍

  • @alv1nr3yes
    @alv1nr3yes 4 месяца назад

    yes na panuod ko yan dukomentaryo na sinasabe niya .....favorite ko si kara david...siya yon babaing walang ka arte arte sa katawan...kaya gusto ko siya .,..mabuhay kapo ms kara..watching from rome italy sana makarating kapo dito at makita sa personal....thank you po...ingat pong palage....

  • @IsiahSon
    @IsiahSon 4 месяца назад

    Kara is d best❤

  • @KikzGalang
    @KikzGalang 4 месяца назад

    Laban Erwin! Maraming Salamat teacher Rhoda! Nawa’y dumami😂pa po mga katulad nyo. ❤

  • @mauriciofuyon4469
    @mauriciofuyon4469 4 месяца назад

    Good luck erwin,, thank you sa teacher na tumulong

  • @the3cjs442
    @the3cjs442 3 месяца назад

    Hndi ko alam bakit habang pinapanood ko tumutulo luha ko

  • @jonathantuibeo4279
    @jonathantuibeo4279 4 месяца назад

    Laban lng Erwin, God bless 🙏 you Sana makapag tapos k at maabot ang iyong pangarap

  • @publishedpixels0114
    @publishedpixels0114 3 месяца назад

    God bless you Erwin🥺🥺🥺

  • @imeldafarahsotingco6749
    @imeldafarahsotingco6749 4 месяца назад +1

    sana my mkpanood mam Karin sa ibang bansa bgyan cla ng tulong na mkakatulong sa transportation ng kalakal nla.pag my maitutulong lng ako ky mam karin ko ibbgay cgurado mkakarating😊

  • @maidaquesada5380
    @maidaquesada5380 4 месяца назад +1

    Ang ganda mag adventure jan ah

  • @saboandres9719
    @saboandres9719 4 месяца назад

    Huwag kng sumuko sir ang sarap nyan pag ikaw mag tagumpay sa pangarap mo.

  • @wengthoughts
    @wengthoughts 4 месяца назад

    Nakakalungkot isipin na gusto nila mag aral pero wala pagkakataon yun mga bata naman na may access at may kakayanan mag aral sila pa yun di nagpupursige. Sana po matulungan sila kahit mga solar panel at mga gamit sa school❤

  • @charitodelossantos3597
    @charitodelossantos3597 4 месяца назад

    Me asawa at mga anak nsi LIGAWON
    Nkakalungkot nman..sna meron mktulong sa pmilya ng mga gya ni Ligayon. 😢😢😢

  • @undefeated0-0-09
    @undefeated0-0-09 26 дней назад

    Sana pagdating ng araw wala ng batang maiiwan na salat sa kaalaman

  • @teacherv6877
    @teacherv6877 3 месяца назад

    Godbless, Erwin. 😇😇🙏🤲📿

  • @raeikate
    @raeikate 4 месяца назад

    Naiyak naman ako sa kwento ni erwin at teacher salute para kay teacher at kay erwin…

  • @paularciga7685
    @paularciga7685 4 месяца назад

    Nakakaiyak sobra 😢

  • @JoyceSantos-ui8zn
    @JoyceSantos-ui8zn 3 месяца назад

    Ang mamahal ng benta dito satin pero sa kanila ang mura bilhin jusko ang tindi ng hirap ng dinadanas nila 😭sana makapagtapos ka at matupad mo ang pangarap mo

  • @MintyDEE-vz4xz
    @MintyDEE-vz4xz 4 месяца назад

    replay na pla to napanood ko na sana mabalikan ulit sila..

  • @elnarico312
    @elnarico312 4 месяца назад

    sana mabigyan ng pansin ng ating gobyerno ang mga liblib na lugar na kung saan naghihirap ang ating mga kababayan.LGU na may sakop sa kanila sana mabigyan sila ng tulong...
    nakakalungkot na madami nakikinabang na mga corrupt na opisyalis samantalang madaming tayong naghihirap na mga kababayan.

  • @ReymartRomero-fe8ru
    @ReymartRomero-fe8ru 4 месяца назад +2

    Only in the Philippines.....walang pagpapahalaga sa mga farmers

  • @jocelynalonsabe3057
    @jocelynalonsabe3057 4 месяца назад

    Sana makapag tapos c erwin siya lang ung nakapag aral sa kanilang apat. ❤❤Sana next nito kapag nakapgtapos na siya ma ere ulit sa I witnessed