Paano gumaling ang Ubo/Hirap sa paghinga dahil sa fluids sa loob ng lungs ang Aso ko |

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 17 дек 2022
  • Paano gumaling ang Ubo/Sipon at Hirap sa paghinga dahil sa Fluids sa loob ng lungs ng Aso ko. Bacterial Pneumonia
    Nagkaroon ng malubhang Ubo at Sipon ang Aso ko na si Orie, na ikinamatay nya last Month Oct. 14. Ginamot ko pa cya pero hindi na nakayanan ng kanyang katawan at bumigay na ito, yun ang sanhi ng kanyang pagkamatay.
    Si Bruno ang panganay kung aso, simula nung nawala si Orie ay subra itong na depressed,
    Wala na cya ganang kumain, at nagkaroon din cya ng Ubo, subrang pagngangayat na nia at hirap na din cya huminga, subrang takot ko kaya dinala ko agad sa Vet pra mabigyan ng gamot.
    Sa awa ng diyos at ito ay gumaling sa sakit niya🙏🏻
    Thank you for watching!!!
    Lady and the Paws❤️
    #doglover
    #petlover
    #pneumoniafordogs
    #doxycycline
    #docraydogandcatclinic
    #500subs
    #viralvideo
    #dogslover
  • РазвлеченияРазвлечения

Комментарии • 203

  • @longfinslim6837
    @longfinslim6837 9 месяцев назад

    I'm Happy to see him run and play at the end. Beautiful dog :)

  • @seamanlalakbaytv
    @seamanlalakbaytv 4 месяца назад

    god bless

  • @nickamagtaas9190
    @nickamagtaas9190 10 месяцев назад +2

    Hi, may halak po puppy ko. Pinainom ko na po siya ng broncure twice a day for 7 days pero hindi pa rin po nawawala ang halak niya. Magana naman po siya kumaen at masigla. Yung halak lang talaga niya ang prob. 4months ambull, 12kls, ano pa po kaya dapat gawin bukod sa vet?

  • @honeymylovesosweet4711
    @honeymylovesosweet4711 8 месяцев назад

    Goodam po, ask ko lang po pano po kapag hinihingal lang ganyan ganyan po ung doh hinihingal pero wala naman pong uno

  • @nidalynquiamco2209
    @nidalynquiamco2209 4 дня назад

    At num 1 po nano silver proven po tlaga yan gamit q dapat po meron tau stock sa bahay pra f mgkasakit ang mga dogs natin maagapan agad nasa shoppee po at lazada

  • @user-dc6nt1vw5b
    @user-dc6nt1vw5b 4 месяца назад

    Pwede Malaman ku ano gamot na antibiotic ang pinainum mu kay Bruno yung dog ko ganyan ang sakit niya ngayon pwede muba ako matulungan wala ipavet sa ang pinapainum ku lang Broncure 7 days na siya ngayon Ganon pa rin ang sitwasyon naawa ko sa alaga ko

  • @user-zj6jq3wk7h
    @user-zj6jq3wk7h 5 месяцев назад

    Ganun din yung puppy ko hirap huminga.hindi ba yun sign nang rabies?naplaybite kc niya anak ko 1 week ago.

  • @gabrieeeelaaaaa2497
    @gabrieeeelaaaaa2497 11 месяцев назад +4

    Hala gantong ganto po nangyari sa isang aso namen di man lang namen nagwan ng paraan! 😭 halos mamghula kami ano bang sakit nya kasi as in ganto una para syang may gusto iluwa akala nga namn un time na un isda ulam at nasubuan ko sya ng tinik pero ganto tlga un tas parang may gusto sya iluwa na di nya maluwa luwa laging matamlay at nayuko lang tas mainit buong katawan nya wala man lang kami ngawa saktong wla pera nun kaya di natingen sa vet😭 tapos ngayon itong anak nya nagiisa nlng to sana lord gumaling po sya 🙏🙏🙏

    • @ladyandthepaws1531
      @ladyandthepaws1531  11 месяцев назад +2

      Hello, pwede nyo po dalhin aso nyo sa CIty Vet nyo dyan pra ma check free po cla pra ma bigyan ng resita at mkainom ng gamot👍

    • @desiree6246
      @desiree6246 5 месяцев назад

      saan po banda yung City Vet? huhuhu sana mareply-an po pls

    • @jolibeesicabalo5593
      @jolibeesicabalo5593 21 день назад

      ​@@ladyandthepaws1531location puh maam

    • @jolibeesicabalo5593
      @jolibeesicabalo5593 21 день назад

      ​@@ladyandthepaws1531location puh ng city vet

    • @ladyandthepaws1531
      @ladyandthepaws1531  21 день назад

      @@jolibeesicabalo5593 location ko po tagum city davao del norte, meron na nmn po mga City Veterinary Office kahit san lugar po. libre po ang kanilang check up.

  • @jollybeemargrace4770
    @jollybeemargrace4770 Год назад +1

    Ano po ung antibiotic na itinurok?at pno po praan ng pg inom nung bronchure at doxycycline?

    • @ladyandthepaws1531
      @ladyandthepaws1531  Год назад

      Hello po, d q po natanong kung anong antibiotic yung tinurok, basta cnabi lang sakin pra mabilis umeffect yung gamot. Doxycycline po 2x po pinainom, broncure 2x din po.

  • @TUBETRENDS18
    @TUBETRENDS18 10 месяцев назад

    helloo po sano po mapansin. puwede po kaya ung broncure saka ung zinc po na binigay ninyo se pet ninyo sa aso po namin na buntis? buntis po kasi kaya nagaalangan kami na bigyan kung ano ano na gamot
    salamat po and God bless

    • @ladyandthepaws1531
      @ladyandthepaws1531  10 месяцев назад

      Hello po, PAPI OB Syrup po yung binigay ko na Vitamins sa Aso kong buntis dati at pwede din nmn yung broncure kung may ubo herbal din nmn yun.

  • @nidalynquiamco2209
    @nidalynquiamco2209 4 дня назад

    Maganda po ang broncure sa ubo kapag hnd na po kumakain iparis nyo lng po ang doxycycline antibacterial

  • @samanthabuizon-ne6ej
    @samanthabuizon-ne6ej Год назад +1

    hi po can I ask kung sabay sabay na gamit niyo po pinapainom sa dog yon?

    • @ladyandthepaws1531
      @ladyandthepaws1531  Год назад

      Hi po yes sabay2x ko po pinainom. yung antibiotic 2days 10ml pero hindi ko agad binigla sinusuka nia kasi yung gamot kaya pa unti-unti yung bigay ko basta 10ml.
      Tapos yung broncure 4ml Once a day lang po. Meron din Vitamins Zinc Once a day lang din.

  • @josegabrielfelices4815
    @josegabrielfelices4815 8 месяцев назад

    Hello same po nangyayari sa dogs ko pwede kopoba malaman kung ilang beses myo po pinapainom nyo ng mga gamot gaano po kadami at ilang days bibili den po sana ng kaparehong gamot

    • @ladyandthepaws1531
      @ladyandthepaws1531  8 месяцев назад +1

      Hello po, yan po yung niresita sa kanya ng VET
      DOXYCYCLINE LC-DOX 2x a day 10ml
      nasa 18kg po xa nung time na yung at biglang bagsak tlaga katawan nia.
      Note: hindi ko po binigla painom sa kanya ng 10ml agad kasi dinudura lang nia sinusuka nia kaya ang ginagawa ko 5ml muna pahinga saglit tapos 5ml na naman hanggang sa mainom nia talaga yung gamot kasi sayang lang at ma consume nia yung 10ml yan po ginagawa ko umaga at gabi.
      Broncure 5ml 2x a day din po same lang din pa unti2x lang yung painom ko sa kanya hanggang sa maubos nia lahat.
      Tyagain mo po pra mainom nia lahat ng gamot. pa unti2x din ang bigay mo ng pagkain kasi d tlaga cla nakain gawa nung nahihirapan xa huminga.
      Bili ka din nung NUTRI-PLUS Gel na Vitamins para kahit papano meron xa vitamins.
      Lagi nio din po cla kausapin at yakapin pra maramdaman nila nakakatulong din yun sa kanila. praying for your baby for fast recovery po🙏🏻❤️

  • @rhinadeluna6433
    @rhinadeluna6433 5 месяцев назад

    Ganito sakit mg baby ku si Lucky .namaga Yung lungs nya and Yung back nya .kka check up lng nya then my gamot na .Sana gumaling sya

    • @ladyandthepaws1531
      @ladyandthepaws1531  5 месяцев назад

      Hello po, praying for fast recovery po ng baby mo. Tiyagaan tlga cla pag mag sakit.❤️🙏🏻

  • @christineborilla8677
    @christineborilla8677 6 месяцев назад

    ganto din ung puppy ko.. malalim at hirap sa paghinga..😢😢😢

  • @maricelibobobier6108
    @maricelibobobier6108 Год назад +1

    Good eve po, ask ko lang po bumubula din po ba bibig ng aso nyo habang hinihingal cya? Ganon kc aso ko po ngayon.nong nkaraan may ubo at lagnat cya ngayon po hingal na hingal cya at ayaw humiga.

    • @ladyandthepaws1531
      @ladyandthepaws1531  Год назад

      Hello Gudeve, d nmn nabula bibig ng Aso ko, hingal na hingal lang tlaga xa nun. at pag pinapainom ko xa ng gamot may mga bula na nalabas gawa ng prang niluluwa nia yung gamot.
      At hindi tlaga nila kaya humiga kasi nahihirapan na cla huminga.
      Pag ganyan po dalhin muna sa Vet or d kaya dalhin mo sa CityVet pra mabigyan ng resita ng gamot

  • @khayocampo448
    @khayocampo448 Год назад +1

    Hello po.. hirap lang pong huminga Ang baby qo pro Wala Naman Syang ubo. May fever din po sya ano kayang pwedeng maging first aid sa kanyan? TIA..

  • @Live-xe7cd
    @Live-xe7cd Год назад

    Hello po! Yung plema nya po ba na nilabas may dugo din po ba?

    • @ladyandthepaws1531
      @ladyandthepaws1531  Год назад

      Hello po, wala pong nailabas na plema sa kanya dati nasa loob po lahat kaya hirap cya huminga. at nung nag start pa cya mag ubo wla nmn po akong napansin na may dugo po.

  • @lovelyerodistan1717
    @lovelyerodistan1717 7 месяцев назад

    Sa ganyan din namatay senior dog ko nito lang year skbrang sakit🥺 Napavet ko pa siya kaya lang kinaumagahan bonawi nadin sakin

    • @KaSikap98
      @KaSikap98 4 месяца назад

      Same po ganyan din naging sakit ng aso namin tagal namin ginamot ubo nya hanggang sa nawala, tas puro hingal naman sya saka sipon hanggang sa binawian na ng buhay di na nya kinaya.🥲

  • @cabralalonajanel.3526
    @cabralalonajanel.3526 Год назад +1

    Hello po paano po yung pagpapainum ng gamot?after Po bang kumain or Kahit Walang laman pwede po ?

    • @ladyandthepaws1531
      @ladyandthepaws1531  Год назад

      hello po, opo kahit wlang laman tiyan nia, painomin mo parin xa ng gamot, 2x ko pinapainom ng antibiotic. yung aso ko nyan hindi xa nakain, tubig na may dextrose powder lagi ko din pinapainom ko sa kanya.

    • @jonalyndivinagracia6383
      @jonalyndivinagracia6383 Год назад

      Ano po yung antibiotic na pinapainom mam

  • @user-ws8so3og9l
    @user-ws8so3og9l 5 месяцев назад

    Ganyan ang sakit ng aso q ngaun

  • @JESSIEboyTv
    @JESSIEboyTv Год назад

    😢😢❤❤❤❤

  • @lindsaynicolas9289
    @lindsaynicolas9289 10 месяцев назад

    Hi po gud pm, 1week npo may ubo ang lhasa apso ko, 3months old npo sya.
    Wla nman po issues sa pagkain at inom ng tubig nya pero mabilis po paghonga nya..
    Bukod sa broncure pwede ko po ba painumin ng honey or katas ng oregano or lagundi.

    • @ladyandthepaws1531
      @ladyandthepaws1531  10 месяцев назад +1

      Pwede nmn po pero pina check nio na po ba xa sa vet? pra po mabigyan ng tamang gamot. meron nmn po sa mga CityVet libre po cla doon ng check up magbibigay lang cla ng resita tapos kayo na bumili.

    • @barbs2540
      @barbs2540 5 месяцев назад

      San po yung cityvet?

  • @rhuelamaeroquio3850
    @rhuelamaeroquio3850 Год назад +1

    Hi san po kayo pede imessage may question lang po sana . Sana po manotice god bless po

  • @charizamendozayambao2029
    @charizamendozayambao2029 4 месяца назад

    Ask ko lang Po ganyan din Po huminga yung aso ko pero naubo Po sya tas may lumalabas ng buo plema na konti sa kanyan.

    • @ladyandthepaws1531
      @ladyandthepaws1531  4 месяца назад

      Hello po, kung d mawala sa simpleng home remedy, dalhin nyo na agad sa vet ng mabigyan ng antibiotic pra sa plema

  • @ninoemmanuelcaperlac2489
    @ninoemmanuelcaperlac2489 Год назад

    Mag kano po pa vet at injection my ubodin aso ko. At. Dumadahak. Dumi nya my fleam

    • @ladyandthepaws1531
      @ladyandthepaws1531  Год назад

      hello po, kasama na po yun sa pagpapa check up ko 200 po check up.

  • @lhynejean9302
    @lhynejean9302 Год назад +3

    Sana po mapansin mo po Tanong ko.....naaawa na po Kasi ako sa aso namin sobrang nahihirapan na po siyang huminga

    • @ladyandthepaws1531
      @ladyandthepaws1531  Год назад +2

      Hello po, may ubo din po aso nio? painomin nio po cya ng broncure mabibili lang po yan sa pet store po, pero mas maganda mabigyan cya ng antibiotic.
      Try nio din po ipa concult sa CityVet free po doon reresitahan lang kayo ng gamot. sana po maging ok na bebe nio.🙏🏻❤️

    • @elsafrancisco4611
      @elsafrancisco4611 3 месяца назад

      Nireseta po sakin ni doc prednisone 10mg then citirizin at antibiotic try nyo

  • @aloha4102
    @aloha4102 5 месяцев назад

    Pano po pag di tlga nya iniinom matigas kase ulo, pwede ihalo sa food nyA?

    • @ladyandthepaws1531
      @ladyandthepaws1531  5 месяцев назад

      Hello, pwede nmn po. sakin tlaga iniunti unti ko lang pag papainom sa knya pra tlaga hindi masayang.

  • @sushi68
    @sushi68 Год назад +2

    Helo po. Mga ilang araw mo sya pina inom ng broncure?..

    • @ladyandthepaws1531
      @ladyandthepaws1531  Год назад

      Hello po, mga 3 weeks din po yun.

    • @sushi68
      @sushi68 Год назад

      @@ladyandthepaws1531 bali dalawang beses ka bumili ng bottle ng broncure?..ako kasi 7 days palang gina gamot ko sipon ng aso ko ngayun..

    • @ladyandthepaws1531
      @ladyandthepaws1531  Год назад

      @@sushi68 yes po dlawang beses ako bumili, matigas kasi masyado yung ubo nia non kaya nka dalawang bote ako painom sa kanya hanggang sa lumambot na xa.

    • @sushi68
      @sushi68 Год назад

      @@ladyandthepaws1531 maraming salamat po godbless

    • @ladyandthepaws1531
      @ladyandthepaws1531  Год назад

      @@sushi68 Welcome po, sana gumaling na din bebe mo. mahirap pa nmn pag nagkasakit mga aso kawawa😞.

  • @danielvhonsandalo3969
    @danielvhonsandalo3969 2 месяца назад +1

    Vetracin Gold lang katapat nyan mga boss proven na proven sa pitbull ko.

    • @ladyandthepaws1531
      @ladyandthepaws1531  2 месяца назад

      Yes po, yan din gamit kong home remedy sa mga alaga ko. kaso sa kanya tlga lumala na kaya dnala ko na agad sa vet at now masiglang masigla na po alaga ko. 👍

  • @LanieRoseLanguido-dj5jk
    @LanieRoseLanguido-dj5jk Год назад +1

    Kumakatok po ako sa inyong mga puso po na sana matulungan nyo pinansyal ang aking alagang aso🥺 ganun din po ang nangyari sa kanya, higit pa po ay na paralyzed po yung alaga kong aso🥺 gusto ko po sanang makabili ng gamot tulad nung nasa video pero wala po akong pera kasi estudyante palang po ako🥺 mahal ko po yung aso koo. Halos walang araw po na hindi ako umiiyak kapag inaalagan ko po yun🥺 nakakaawa po kase hindi ko yun kayang mawala🥺

    • @ladyandthepaws1531
      @ladyandthepaws1531  Год назад

      Hello po, nakakaawa tlga pag nagkasakit ang ating alagang aso.
      Pwede nio po dalhin ang alaga nio sa CityVet sa inyong lugar libre po doon yung check up. nagbibigay din cla ng gamot pag merong available subukan nio po. Praying for your alaga po for fast recovery.

    • @julieannvlog9825
      @julieannvlog9825 Год назад

      Sana Ako din matulungan nio gnian din ung aso ko.kaso Wala pa Po Ako Pera pang pa checkup Po nia.naawa na Po Ako sknya pinanuod ko Po ung video binilihan ko Po sxa Ng broncure.pero 3days na Po sxa nainom Ng ganun bat prang ganun padin Ang pag hinga Nia Po...

    • @ladyandthepaws1531
      @ladyandthepaws1531  Год назад

      @@julieannvlog9825 Hello po, need ng antibiotic yung aso mo po. Punta ka sa City Vet ng lugar nyo meron po clang free check up don, pra mabigyan ng reseta alaga mo.

    • @ricamaetabachoy913
      @ricamaetabachoy913 Год назад

      Hello poh magkano poh bayad sa chick up ng bronu ninyo

    • @ricamaetabachoy913
      @ricamaetabachoy913 Год назад

      Bka pwede poh akong matulongan para sa temac ko kc prang kapereho ni doggie ninyo ung sakit ng alaga ko, kso poh wla akong pang vet wla poh akong trabaho pok, pa help naman poh!! Plsss!!!

  • @samanthabuizon-ne6ej
    @samanthabuizon-ne6ej Год назад +1

    lumabas po ba yung plema ng nung dog niyo? kasi ganyang ganyang rin po yung baby ko naawa na po kasi akk

    • @ladyandthepaws1531
      @ladyandthepaws1531  Год назад

      Hindi nia nalabas plema nia nasa loob lang ng lungs kaya hirap xa huminga naipon lahat doon.

  • @hannahgracepurisima2444
    @hannahgracepurisima2444 10 месяцев назад

    Hello Po ano po yung mga tatlong gamot na nasa screen?

    • @ladyandthepaws1531
      @ladyandthepaws1531  10 месяцев назад

      Hello po, Doxycycline LC-DOX for anti bacterial, Broncure sa ubo po,
      at Ascorbic Acid Zinc (PetSure) Vitamins po para mas lalong lumakas ang katawan ng alagang Aso.

  • @Maderaajhay
    @Maderaajhay Год назад +1

    Hello po ilang ml po pina Inum nyo sa aso nyo gamit ang LC dox? Large kase dog ko nsa 20kg d ko alam kung ilang ml dpat ipa Inum..?

    • @ladyandthepaws1531
      @ladyandthepaws1531  Год назад +1

      Hello po Ms. Aj 10ml po binigay ng doctor 2x a day, nong d pa nagkasakit aso ko tumimbang po cya non ng nasa 18kg mahigit tapos nung nagkasakit na xa nasa 16kg nlng gawa ng dna kumakain.

    • @Maderaajhay
      @Maderaajhay Год назад +1

      @@ladyandthepaws1531 thank you po🙏☺️

    • @ladyandthepaws1531
      @ladyandthepaws1531  Год назад

      @@Maderaajhay welcome po. nagkasakit din aso mo tulad nung sa aso ko?

    • @Maderaajhay
      @Maderaajhay Год назад

      @@ladyandthepaws1531 yes po ilang araw n po Wla gana kumain at inuubo bumabahing dn sya..

    • @ladyandthepaws1531
      @ladyandthepaws1531  Год назад +1

      @@Maderaajhay ay kawawa nmn, sana gumaling na aso mo. 🙏🏻👍

  • @RonelynMolina
    @RonelynMolina Месяц назад

    Wala kaseng vet dito saamin ma'am

  • @user-fq8gu4wb2p
    @user-fq8gu4wb2p 2 месяца назад

    Hi po mga ilng balik po kyo s vet pra mturukan po sya?gnyn din ngyn aso ko nag nebulizer sya ngyn sobrang dikit plema nya.pls reply po.nkpg antibiotic n din sya at ambroxol bngy ng vet d p din gumaling.hnggng ngyn vits nlng at ngtry ako oregano

    • @ladyandthepaws1531
      @ladyandthepaws1531  2 месяца назад

      Hello po, 3x lang kami bumalik sa vet, yung 2nd time namin na balik yun na yung time na may tinurok sa kanya na antibiotic yun pra daw mabilis yung response ng gamot kasi subrang lala nya noon, tapos yung pang 3x na namin na balik bali follow up check up nlng yun at meron nmn nag improve sa kanya kya still pinapainom ko parin xa nung antibiotic, at vitamins pra tlga maging ok ang kanyang immune system pra d agad xa manghina.
      Mga more than 3 weeks ko din xa pinapainom ng antibiotic, hanggang nwla na

    • @user-fq8gu4wb2p
      @user-fq8gu4wb2p Месяц назад

      Pwd ko kya itry ung antibiotic mo kc s ngyn ngtry ako broncure,vitc,at pinpainom ko ng immunol since senior n dog ko.hnggng ngyn mplema hirp sya tlga lalo pg iinom ng tubig.2x n din xa na injectionan d pko bumblik ulit.gusto ko try ko mga gnwa mo since ngppsinom nko s knya ng broncure isabay ko n ung doxy icheck ko nlng ung dosage noh.naawa nko sa furbaby ko d nkkpgphinga kc nga ubo ng ubo mdikit plema lawit n dila nya kkaubo taginit p nmn.salmt s pgreply mo God bless

    • @ladyandthepaws1531
      @ladyandthepaws1531  Месяц назад

      @@user-fq8gu4wb2p yes po try nyo bumili ng LC-Dox. 10ml yung binigay ni Doc base sa kanyang timbang at 2x a day po

    • @user-fq8gu4wb2p
      @user-fq8gu4wb2p Месяц назад

      Hi pinainom ko ung doggy ko awa ng Diyos malaki improvement.gya ng cmbi mo tinuloy mo ung LC dox 3weeks ok lng b yn?gnun din ggwin ko kc me ubo p din sya pero mlki pgbbgo.dti halos hirp n hirp sya huminga iyak nko ng iyk.tuloy tuloy ko lng din b ung bronchure ksbay ng antibiotic?d b masama un?pinapainom ko din sya ng ascorbic at immunol kx senior n din sya.maraming salamat tlga at npanuod ko video mo.God bless ❤

    • @ladyandthepaws1531
      @ladyandthepaws1531  Месяц назад +1

      @@user-fq8gu4wb2p hello mabuti nmn at meron ng improvement👍 oo continuous mo lang yung gamot hanggang sa maging ok na alaga mo. ganyan din aso ko nung na fully recover na xa hininto ko na at Vitamins na lang pinapainom ko. lagi mo din xa kauspin pra lumaban. Godbless po🙏🏻❤️

  • @jollybeemargrace4770
    @jollybeemargrace4770 Год назад

    San pong vet kyo ngpunta po,ano po name ng clinic?

  • @sheryllacarle8486
    @sheryllacarle8486 10 месяцев назад

    Ang alaga ko same case binili ko gamot pero nd p rin gumaling meron sya ubo saka parang halak tapos pihikan na sa lahat ng pag kain lagin tulog saka mainit katawan

    • @ladyandthepaws1531
      @ladyandthepaws1531  10 месяцев назад

      hello po, nka ilang days na po xa nag take ng gamot? sa alaga ko more than 3weeks din yung gamotan bago talaga unti2x nwala yung ubo nia. wag po kayo mwlan ng pag asa. gagaling po yan yung alaga mo kausapin mo lagi na lumaban xa.

    • @darenanastacio3131
      @darenanastacio3131 10 месяцев назад

      Ganyan din po ung Aso namin ngaun ..dipo namin alam ano po ggwin sknya .. Kung ano po dpat na gamot .. mainit buong katawan nya ayaw na kumain .. lage nalang tulog .. ano po pwd ipainum sknya na gamot

    • @ladyandthepaws1531
      @ladyandthepaws1531  10 месяцев назад

      @@darenanastacio3131 D nio po nadala sa Vet pra ma check at mabigyan ng gamot

  • @lhynejean9302
    @lhynejean9302 Год назад +1

    Saan po pwede maka bili Ng broncure? Available po ba sa boutique?

  • @jolibeesicabalo5593
    @jolibeesicabalo5593 21 день назад

    Mgknu ngastos m ma'am pg pgamot

    • @ladyandthepaws1531
      @ladyandthepaws1531  21 день назад

      hello po, yung gamot nasa 1,200, consultation d na kami pinabayad.

  • @shaekeiki
    @shaekeiki 6 месяцев назад

    tuwing anong oras niyo po pinapainom yung broncure kay doggy? 🙁

  • @catacutanapriljoyces.1548
    @catacutanapriljoyces.1548 Месяц назад

    ilan po dosage ng Antibiotics po

  • @paultv9788
    @paultv9788 7 месяцев назад

    Kamukha nya yunga aso ko si Bruno dn name nya nawala na po sya huhuhu ginawa ko lahat intake po sya big Lang bumagsak Yung panahon na Yun dugo Lang nya Kaya Kong ipachck up Wala Kong ibang Pera noon Kaya Pina dextrose ko na Lang muna sya binawalan ako na painumin Yung aso ko ng tubing dahil naka dextrose naman na dn daw pero Alam ko sa sarili ko na mas nagagamot ko sya sa paraan ng dextrose powder pero mas pinili ko sundin Yung nurse na vet parang Hindi ko matanggap Yung mangyare huhuhh huling hininga nya nakatingin sya sakin 😭😭😭

    • @ladyandthepaws1531
      @ladyandthepaws1531  5 месяцев назад

      Hello po, nakakalungkot nmn same din pala cla ng name ng alaga ko. nakakaawa tlaga cla pag nagkasakit. kaya ako pag hanggat kaya ko pa ang home remedy, pero pag hindi na talaga dinadala ko na agad sa vet pag alam kong malala na.

    • @estersy1130
      @estersy1130 4 месяца назад

      Naiyak nmn aq sa cnvi.mo na nktingin.sau bgo ito mwala, prng ibg sbhn.nun.tulungan mo at ayw pa nya mmatay
      Nmtayan nrin kmi ng aso pinavet nmin kla q ggaling na un pla iiwanan din kmi.Nkkaiyak tlga pg namtyAn ka ng alaga 😢

  • @RonelynMolina
    @RonelynMolina Месяц назад

    Ma'am patulong po 3 day's na syang d kumakain ayaw uminom😢

    • @ladyandthepaws1531
      @ladyandthepaws1531  Месяц назад

      Hello po, try nyo po vetracine gold, itimpla mo sa bote na 500ml wag mo lang punuin yung tubig lagyan mo ng 3 kutsarang asukal ihalo mo sa vetracine gold. painomin mo ng 4ml pag adult 3x a day gang 7days yan.
      Pero pag d parin po xa naging ok maaring dalhin mo agad xa sa vet ng mabigyan ng antibiotic. Sana po makatulong

  • @jonalyndivinagracia6383
    @jonalyndivinagracia6383 Год назад

    Mam pina xtray mo po ba siya para makita kung ano sakit niya?

    • @jonalyndivinagracia6383
      @jonalyndivinagracia6383 Год назад

      Sana po mapansin mo mam message ko

    • @ladyandthepaws1531
      @ladyandthepaws1531  Год назад

      @@jonalyndivinagracia6383 hello po, d ko na po pina xray sinabi lang po ng vet na maraming plema sa kanyang lungs kaya hirap xa huminga.

    • @noahalcazar7372
      @noahalcazar7372 7 месяцев назад

      Ang galing naman ng vet nyo mam..ako pina cbc pa tapos sinabihan pa na epa Xray at blood test kaso sa cbc pa lng at gamot umabot na ng almost 3K eh yung xray at bloodtest nya mahal kasi nasa privince pero sa city mas nakamura..dox tabs yung sa kanya for 1 week di ko na binalik kasi epa Xray at bloodtest buti n lng nakita ko eto..nag brincure na ako lng bumjlj kasi dox lng at nacalvit c tpos may pan liver protection pag nag dox kc senior ang nireseta sakin may tinurok djn 1st day at may pan prevention sa suka din binigay kasj sumusuka qst visit namjn

  • @renadnarim8809
    @renadnarim8809 11 месяцев назад

    Mam panu po pag 3 month old puppy ilan ml po ng broncure?

  • @user-lw6oq5ci4t
    @user-lw6oq5ci4t 9 месяцев назад +1

    Saan po nabibili ang bronchure

  • @ryanlachica9540
    @ryanlachica9540 11 месяцев назад

    Alin po ang injectable dito sa mga gamot niya?

    • @ladyandthepaws1531
      @ladyandthepaws1531  11 месяцев назад

      hello po, yung doctor lang po nag inject sa aso ko.

  • @RonelynMolina
    @RonelynMolina Месяц назад

    Pinipilit ko syang painomin dahil ayaw niyang uminom,Pato kumain ayaw niya ang bilis ng kanyang paghinga nakaupo o nakatayo lang Siya

    • @nidalynquiamco2209
      @nidalynquiamco2209 4 дня назад

      Maam painumin nyo po ng broncure at doxycline antibacterial yan po nkapagpagaling sa aso q at num 1 po nano silver pamalakas ng immusystem nasa shopee at lazada

  • @user-nw2cq3fx6j
    @user-nw2cq3fx6j 10 месяцев назад

    meron pobayan sa mga pharmacy?

  • @annecee-sittv3087
    @annecee-sittv3087 5 месяцев назад

    Magkano po nagastos ninyo sa vet, including po yung ininject sa kanya? (Wag na po isali yung mga prescripted na gamot) Please sana manotice.

    • @ladyandthepaws1531
      @ladyandthepaws1531  5 месяцев назад

      Hello po, 200 po yung consultation fee pero d na po kami pinabayad.ibili na lang daw namin ng gamot

  • @baesuzy571
    @baesuzy571 Год назад

    hello ate, ilang ml po ng doxycycline at broncare ang pinainom nyo sa fur baby ninyo??

    • @ladyandthepaws1531
      @ladyandthepaws1531  Год назад

      hello po, depende po sa timbang ng aso, yung binigay na ml sa knya ng Vet is 10 ml po 2x a day. broncure 4ml once a day

    • @baesuzy571
      @baesuzy571 Год назад

      @@ladyandthepaws1531 25kg po ang dog ko. thank you ate. grabe ang ubo nya. tapos nakainom pa sya ng tubig s ilog nong dinala namin sya para maligo after nun Lagi na sya hinihingal at grabe ubo nya sa gabi.

    • @ladyandthepaws1531
      @ladyandthepaws1531  Год назад

      @@baesuzy571 nasa 18kg ata nung timbang nang aso ko non. marami fluids yung aso kaya hingal tlga xa tas plema pa

    • @baesuzy571
      @baesuzy571 Год назад

      @@ladyandthepaws1531 ilang days lang po Bago gumaling? ipinaubos nyo po ba yong 2 gamot?

    • @ladyandthepaws1531
      @ladyandthepaws1531  Год назад

      @@baesuzy571 mga aabot po yun ng 3 weeks. nka ubos din ng dalawang doxycycline at broncure.

  • @pearlynnisperos9500
    @pearlynnisperos9500 6 месяцев назад

    Mag kano Po Ang bayad mga paturok Ng antibiotics

    • @ladyandthepaws1531
      @ladyandthepaws1531  6 месяцев назад

      Hello po, Yung sa aso ko kasama na po yun sa check up nya 200 po check up. meron po nyan sa City Vet may mga libre po cla doon ng check up.

  • @coleencadiente6681
    @coleencadiente6681 Год назад +3

    Hello po. Ask ko lang po if magkano po yung nagastos niyo lahat lahat nung dinala niyo po fur baby niyo sa vet clinic? yung furbaby ko po kasi ganiyan din case niya, hindi ko siya madala sa vet kase nag aalangan po ako baka sobrang mahal po wala po kasi kaming budget

    • @ladyandthepaws1531
      @ladyandthepaws1531  Год назад

      Hello po, unang dala ko po sa vet is 200 po yung check up. pero undas kasi nung time na yun nilibre kami ng vet sa check up. gamot lang yung binayaran namin sa kanilang store. nasa 500 lahat yung nabili kong gamot yung ( Antibiotic and Broncure) tapos e keep mo lang yung reseta pra pag naubos muna ang gamot bili ka uli ipakita mo lang yung reseta pra mka save ka uli sa check up.

    • @ladyandthepaws1531
      @ladyandthepaws1531  Год назад

      Tapos po, yung pangalawang bili ko uli ng gamot nadagdagan ng Ascorbic Zinc Vitamins nasa 200 ata yung Vitamins. yung lang po yung nagastos ko at tyagaan din sa pagpapainom.
      Sana po maging ok na din yung aso mo.🙏🏻❤️

    • @emzsuliva8765
      @emzsuliva8765 Год назад

      Kasalukuyang ganito Ang saglit Ng bebe ko ngaun😢 Sana gumaling n dn sya Wala po kaso vet dito samin ei 😭

    • @ladyandthepaws1531
      @ladyandthepaws1531  Год назад

      @@emzsuliva8765 hello po, hirap tlaga pag may sakit mga alaga natin bili ka po broncure. mganda kasi pag nabigyan aso mo ng antibiotic. try nio po sa mga City Vet may libre po doon.

  • @carljasonarbolario9679
    @carljasonarbolario9679 Год назад +1

    Magkano po gastos nyo lahat ?

    • @ladyandthepaws1531
      @ladyandthepaws1531  Год назад

      Hi Carl, unang dala ko sa vet check up is 250 pero nilibre po kami ni doc non. bali ang nagastos ko sa gamot is nasa 550 lahat.
      Tapos po yung Nutrigel is 600
      Dalawang beses ako bumili ng
      LC- DOX (antibacterial)
      Broncure

  • @emmanuelruperez9066
    @emmanuelruperez9066 Год назад

    sa tantsa nyo po magkano po nagastos nyo pangpa vet?

    • @ladyandthepaws1531
      @ladyandthepaws1531  Год назад

      Hello po, nasa 2thousand po yung nagastos ko. nka dalawang bili ako ng LC-Dox at Broncure. yung nutri-gel yung nasa 600 hindi rin kami pinabayad sa Vet’s fee

    • @julieannvlog9825
      @julieannvlog9825 Год назад

      Ano Po ung LC dox para saan Po yan

    • @ladyandthepaws1531
      @ladyandthepaws1531  Год назад

      @@julieannvlog9825 Antibacterial po to treat bacterial infections and infections caused by microorganisms po.

  • @samdimas3378
    @samdimas3378 Год назад

    Hello po ask ko lng po kung di rin ba mkatulog yung aso nyo dahil sa hirap sya sa pag hinga ? Tsaka malaki din ba yung tyan nya or dibdib dahil sa dami ng plema nya ? Salamat

    • @ladyandthepaws1531
      @ladyandthepaws1531  Год назад

      Hello po! Oo hirap xa mkatulog dahil nahihirapan xa huminga lagi nka open yung bibig nia, at d rin xa nahiga non nka upo lang or nka tayo xa, hindi nmn masyado lumaki tyan ng aso ko dati,

    • @samdimas3378
      @samdimas3378 Год назад

      @@ladyandthepaws1531 pano po sya nkakatulog pag gnun sitwasyon nya ? Yung sa dog ko kc sa awa ng dyos nkatulog nmn sya sa comfortable nyang higaan kung saan sya nkasanayang humiga

    • @ladyandthepaws1531
      @ladyandthepaws1531  Год назад

      @@samdimas3378 nkakatulog nmn xa d lang tlaga himbing na tulog gawa ng sa paghinga at ubo nia. pero now po ok na po yung aso ko malakas na ulit.❤️👍🙏🏻
      Kamusta na po aso nyo?

    • @samdimas3378
      @samdimas3378 Год назад

      Sorry marami akong tanong nag aalala lng kc ako sa aso ko pero nung npanoon ko yung video nato nabuhayan ako ng pag asa, salamat dib sa sharing kung pano sya gumaling

    • @samdimas3378
      @samdimas3378 Год назад

      Tsaka tanong ko din kung yung aso mo nung una bkita sya namatay ? Di ba sya naagapan kagad ? Tsaka mga ilang linggo bago sya unang nagamot ??

  • @hanifaampatuan7911
    @hanifaampatuan7911 Год назад +1

    Saan po makakabili ng gamot??

  • @johncarloorbiso2561
    @johncarloorbiso2561 10 месяцев назад +1

    Ano name ng gamot aso

    • @ladyandthepaws1531
      @ladyandthepaws1531  10 месяцев назад

      hello po, Doxycycline HCI LC-DOX (antibacterial) at Broncure

  • @andreaviernes4575
    @andreaviernes4575 10 месяцев назад

    Hello po sana makita agad itong reply ko...paresponse po asap.
    Paano po pag sobrang nahihirapan huminga yung aso? Yung aso po kasi namin ay gumagalaw ang tyan halatang sobrang nahihirapan pong huminga....nagbula po kasi yung bibig nya pero injection napo namin ng DEXTROSE.
    at may sakit po sya sa paa..hindi nya po magalaw...
    Ano po gagawin ko para hindi na po sya mahirapan huminga at para gumaling na po sya????😢😢

    • @ladyandthepaws1531
      @ladyandthepaws1531  10 месяцев назад

      hello po bumobula yung bibig nya po? indoor po ba yung aso nyo or outdoor? bka po nalason bka may nakain po xa na masama. ilang araw na po xa ganyan?

  • @magichandsf
    @magichandsf Год назад +1

    Magkanu po yung anti biotics na injection

  • @user-ic5jp1wm3p
    @user-ic5jp1wm3p 11 месяцев назад

    Nakamag kano po kayo sa vet?

    • @ladyandthepaws1531
      @ladyandthepaws1531  11 месяцев назад

      Hello po, wala po akong binayad na vet’s fee non nilibre po sakin ng Vet, ipambili ko nlng daw po ng gamot sabi sakin kaya ang nagastos ko lang nun sa gamot is nasa 1k mahigit

  • @rosaliesalonoy3454
    @rosaliesalonoy3454 Год назад

    Mag Kano yang gamot.nya maam

  • @user-qu3nc9me9r
    @user-qu3nc9me9r 7 месяцев назад

    Magkano po pa vet?

    • @ladyandthepaws1531
      @ladyandthepaws1531  7 месяцев назад

      Hello po, yung bayad po ng Vet fee dito is 200 pero nka free po kami nun. gamot lang po binayaran namin

  • @kirstenramos9951
    @kirstenramos9951 Год назад

    hello po lhat po ba ito ay pnainom nyo sa aso nyo ??

    • @ladyandthepaws1531
      @ladyandthepaws1531  Год назад

      yes po

    • @kirstenramos9951
      @kirstenramos9951 Год назад

      . sabay saby po or may interval .. nagsusuka din po ba ang aso nyo after kumaen or uminom . ? tpos ang suka mas mdami ang tubig

    • @ladyandthepaws1531
      @ladyandthepaws1531  Год назад

      @@kirstenramos9951 Hello po, yung antibiotic po 2x a day 10ml. Broncure po 1 a day
      D po nasuka yung aso ko d lang po xa nakain at nahihirapan cya huminga mabilis yung hinga nia.

  • @desiree6246
    @desiree6246 5 месяцев назад

    saan po yung City Vet?

    • @ladyandthepaws1531
      @ladyandthepaws1531  5 месяцев назад

      Hello po Miss Desiree dito po yan sa Davao Del Norte City Veterenarian

    • @desiree6246
      @desiree6246 5 месяцев назад

      @@ladyandthepaws1531 nadiagnosed po ba si Bruno ng Kennel Cough tapos naging Pneumonia?

    • @ladyandthepaws1531
      @ladyandthepaws1531  5 месяцев назад

      @@desiree6246 Nung una ko xa dinala sa Clinic sabi sakin ng Vet meron xa Pneumonia may bacterial infections sa lungs nia, meron ding plema kaya hirap din xa huminga nun.

    • @desiree6246
      @desiree6246 5 месяцев назад

      ma'am saan ko po kayo pwede i-PM? may tanong lang po ako

    • @ladyandthepaws1531
      @ladyandthepaws1531  5 месяцев назад

      @@desiree6246 hello po ano po msngr. name nio po

  • @honeymylovesosweet4711
    @honeymylovesosweet4711 8 месяцев назад

    Ubo*

  • @JulianoTwo935
    @JulianoTwo935 7 месяцев назад

    Wala naman mbilihan na gamot Dito

  • @user-dc6nt1vw5b
    @user-dc6nt1vw5b 4 месяца назад

    Pwede Malaman ku ano gamot na antibiotic ang pinainum mu kay Bruno yung dog ko ganyan ang sakit niya ngayon pwede muba ako matulungan wala ipavet sa ang pinapainum ku lang Broncure 7 days na siya ngayon Ganon pa rin ang sitwasyon naawa ko sa alaga ko

  • @user-dc6nt1vw5b
    @user-dc6nt1vw5b 4 месяца назад

    Pwede Malaman ku ano gamot na antibiotic ang pinainum mu kay Bruno yung dog ko ganyan ang sakit niya ngayon pwede muba ako matulungan wala ipavet sa ang pinapainum ku lang Broncure 7 days na siya ngayon Ganon pa rin ang sitwasyon naawa ko sa alaga ko

    • @ladyandthepaws1531
      @ladyandthepaws1531  4 месяца назад

      Hello po Doxycycline LC-DOX po. meron din nmn sa City Veterenarian free po cla doon