Catholic Mass Today Live at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. 07 Oct 2024 7a.m.

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 6 окт 2024
  • Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Mass Today Begins
    Lunes ng Ika-27 na Linggo sa KARANIWANG PANAHON. October 07, 2024
    Paggunita sa Mahal na Birheng Maria ng Rosario
    UNANG PAGBASA
    Galacia 1, 6-12
    Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia
    Mga kapatid, nagtataka ako kung bakit kay dali ninyong tinalikdan ang Diyos na tumawag sa inyo sa pamamagitan ng pag-ibig ni Kristo at bumaling kayo sa ibang mabuting balita. Ang totoo’y walang ibang mabuting balita; lamang, may mga nanliligalig sa inyo at nagsisikap na baguhin ang Mabuting Balita tungkol kay Kristo. Maging kami o isang anghel man mula sa langit ang mangaral sa inyo ng iba kaysa Mabuting Balitang ipinangaral namin, pakasumpain siya! Sinabi na namin, at inuulit ko: kung may mangaral sa inyo ng iba kaysa Mabuting Balitang tinanggap ninyo, pakasumpain siya!
    Ngayon, nangangahulugan bang ang hinahangad ko’y papuri ng tao? Hindi! Ang papuri ng Diyos ang hinahangad ko. Sinisikap ko bang magbigay-lugod sa tao? Kung iyan lamang ang hangad ko, hindi na sana ako naging alipin ni Kristo.
    Ibig kong malaman ninyo, mga kapatid, na hindi katha ng tao ang Mabuting Balitang ipinangaral ko. Hindi ko ito tinanggap mula sa tao, ni itinuro sa akin ng tao. Si Hesukristo ang nagpahayag nito sa akin.
    Ang Salita ng Diyos.
    SALMONG TUGUNAN
    Salmo 110, 1-2. 7-8. 9 at 10k
    Pangako ng Poon nati’y
    lagi nating gunitain.
    Buong puso siyang pasasalamatan,
    aking pupurihin sa gitna ng bayan
    kasama ng mga lingkod na hinirang.
    Napakadakila ang gawa ng Diyos,
    pinananabikan ng lahat ng lingkod.
    Pangako ng Poon nati’y
    lagi nating gunitain.
    Ang gawa ng Diyos, matuwid at tapat,
    at maaasahan lahat niyang batas.
    Ito ay lalagi at di magwawakas,
    pagkat ang saliga’y totoo’t matapat.
    Pangako ng Poon nati’y
    lagi nating gunitain.
    Kaligtasa’y dulot sa mga hinirang,
    may ipinangakong walang hanggang tipan;
    banal at dakila ang kanyang pangalan;
    at pupurihin pa magpakailanman.
    Pangako ng Poon nati’y
    lagi nating gunitain.
    ALELUYA
    Juan 13, 34
    Aleluya! Aleluya!
    Bagong utos, ani Kristo,
    mag-ibigan sana kayo
    katulad ng pag-ibig ko.
    Aleluya! Aleluya!
    MABUTING BALITA
    Lucas 10, 25-37
    Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
    Noong panahong iyon, may isang eskribang lumapit kay Hesus upang siya’y subukin. “Guro,” aniya, “ano ang dapat kong gawin upang magkamit ng buhay na walang hanggan?” Sumagot si Hesus, “Ano ang nakasulat sa Kautusan? Ano ang nababasa mo roon?” Tumugon siya, “‘Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong lakas, at nang buong pag-iisip’; at ‘Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.’” “Tama ang sagot mo,” wika ni Hesus. “Gawin mo iyan at mabubuhay ka.”
    Sa hangad ng eskriba na huwag siyang lumabas na kahiya-hiya, tinanong niya uli si Hesus, “Sino naman ang aking kapwa?” Sumagot si Hesus: “May isang taong naglalakbay buhat sa Jerusalem, patungong Jerico. Hinarang siya ng mga tulisan, kinuha pati damit sa katawan, binugbog at halos patay na nang iwan. Nagkataong dumaan doon ang isang saserdote at pagkakita sa taong nakahandusay, siya’y lumihis at nagpatuloy ng kanyang lakad. Dumaan din ang isang Levita, ngunit tiningnan lamang niya ito at nagpatuloy ng kanyang lakad. Ngunit may isang Samaritanong naglalakbay na naparaan doon. Nakita niya ang hinarang at siya’y nahabag. Lumapit siya, binusan ng langis at alak ang mga sugat nito at tinalian. Saka isinakay ang tao sa kanyang sinasakyang hayop, dinala sa bahay-panuluyan, at inalagaan doon. Kinabukasan, dumukot siya ng dalawang denaryo, ibinigay sa may-ari ng bahay-panuluyan at sinabi, ‘Alagaan mo siya, at kung magkano man ang kakulangan niyan, babayaran ko sa aking pagbabalik.’ Sino ngayon sa palagay mo ang nagpakita ng kanyang pakikipagkapwa sa taong hinarang ng mga tulisan?” tanong ni Hesus. “Ang nagpakita ng habag sa kanya,” tugon ng eskriba. Sinabi sa kanya ni Hesus, “Humayo ka’t gayun din ang gawin mo.”
    Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
    #onlinemass #livestreammass #padrepiomass
    Roman Catholic Archdiocese of Lipa (RCAL)
    Parish and National Shrine of Saint Padre Pio - Batangas

Комментарии • 21

  • @shienarosemendoza7968
    @shienarosemendoza7968 Час назад +2

    Padre Pio salamat po s araw n ito.Slamat po s panibagong pagpapala at biyaya n inuo pong kaloob.Ilayo mo po kami s anumang kapahamakan.Pagalingin mo po ang anumang karamdaman s aming katawan.Pagalingin ang anumang sakit s aming katawan.Mairaos po sana nmin ang lahat ng mga gastusin s araw araw.Pagbutihin ang aming mga trabaho.Amen

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 8 минут назад

    Saint Padre Pio Please Guide My Daughter Amen 🙏 Enlighten Her Heart And Mind, Erase All Hatered And Her Mind And Heart, Thank You Mama Mary Please Heal Her Amen 🙏 Please Help Me Back My Daughter To Us, Padre Pio Please Guide Me Give Strength And Hope Amen 🙏

  • @eduardrivera1851
    @eduardrivera1851 31 минуту назад

    Maraming salamat po mahal naming Panginoon Hesus Cristo Nazareno pinupuri ka po namin Panginoon Diyos at sinasamba holy Mama Mary of Manaoag Mother of God, sto. Rosary mother of God, Saint Joseph, Saint Padre Pio ipanalangin nyo po kami at ilayu sa kapahamakan at mga sakit at gabayan araw araw at pagpalain mo po kami Amen Aleluya lord 🙏 ❤️ 💛

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 14 минут назад

    Saint Padre Pio Thank You For Everything You Given To Us , Please Pray For Us My Children My Grandchildren Protect Guide All Of Us, Forgive Our Sins We Commit Amen 🙏 Please Pray For My Son To Rebuild His Self And Family, Guide Protect Keep Him Safety, Padre Pio Please Help Me To My Children My Family To Be Together Again, Padre Pio Please Hear My Prayers And My Intention Amen 🙏 Padre Pio Bless All Of Us Amen 🙏

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 Минуту назад

    Lord Jesus Christ, Padre Pio, You Are My Light, My Strength, My Hope, And My Salvation, Please Help Me And My Daughter Amen 🙏

  • @carmencitademesa1127
    @carmencitademesa1127 57 минут назад

    Mama Mary and Padre Pio please pray for me to our God the Father and Our Lord Jesus to heal me completely of all my illnesses including all who are sick 🙏🙏🙏

  • @MjDelosSantos-vi8zp
    @MjDelosSantos-vi8zp 10 минут назад

    Padre Pio, thank you daily needs hopeful accomplish 3weeks rehab. Heal me so i can be productive .

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 39 секунд назад

    Saint Padre Pio Be Centre Of Our Life Amen 🙏 Thank You For The Gift Of Our Life Amen 🙏

  • @JenniferJones-x7m
    @JenniferJones-x7m Час назад

    Lord Jesus I Trust In You, ikaw na po ang bahala sa Amin at thank you so much for all the blessings. Padre PIO patnubayan nu po kmi palagi. Amen.

  • @allanbaldecanas9898
    @allanbaldecanas9898 10 минут назад

    ...praying for the speedy recovery of Kuya JB Mesias Peralta and batchmate Ana Marie De Jesus, and also praying for my personal intentions, Saint Padre Pio, hear our prayers. Amen.

  • @RositaAmistoso
    @RositaAmistoso Час назад

    gabay mo po aking pamilya all day all the time thank god❤❤❤❤❤❤

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 11 минут назад

    Saint Padre Pio Please Pray For Me And Help Me To Heal My Whole Body, Touch Me With Your Hailing Hands Amen 🙏 Please Help My Son In Law To His Sickness Amen 🙏 Please Pray And Heal My Brother Sister To There Sickness, Please Pray And Heal Baby Faith And Gigi Nowen Nene, Please Help My Friend And Ray To There Eyes, Padre Pio Please Heal All Of Us Amen 🙏

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 9 минут назад

    Diyos Ay Makapangyarihan, Banal Ang Kanyang Pangalan Amen 🙏

  • @MayethWatanabe
    @MayethWatanabe Час назад

    Padre pio tulongan mo po Ako gumaling sa akin sakit sa kidney 😢Amen🙏

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 2 минуты назад

    Panginoon, Dinggin Mo Po Ang Aming Panalangin Amen 🙏

  • @shienarosemendoza7968
    @shienarosemendoza7968 21 минуту назад

    Salamat po Padre Pio.Amen

  • @RositaAmistoso
    @RositaAmistoso Час назад

    ❤❤thank you god for everything

  • @RositaAmistoso
    @RositaAmistoso Час назад

    thank you po padre pio sahat amen po

  • @johnf.deleon57
    @johnf.deleon57 Час назад

    In Jesus Name Amen

  • @alexanderbartolome9510
    @alexanderbartolome9510 Час назад

    Amen