Ito na ang pinakamalinaw na explanation regarding MP2, pra sa mga conservative investors like myself. We should learn the power of compounded interest pra hindi tyo shopping ng shopping. Sa panahon natin ngyon, mas wais sana tayo sa pinagla2gakan ng ating pinaghirapan. Ako nga pinagta2wanan kc ang cp ko raw ay parang my disco lights. Nasura kc ang LCD dahil nabagsak na to twice. Kesto palitan ko na raw. Pero everytime na naka2ipon ako, nanghi2nayang ako, palibhasa naranasan ko ang mawalan, as in walang-wala. Kaya from there on, natuto na ako. Wait ko na lng magmura ang price ng LCD ng unit ko bago ko palitan. Save muna for the future.😊
@@igocanovlogsate pwede ka maghulog anytime at any amount po ganun kasi pagkakaintindi ko sa video like example ngayon nag monthly ka ng 500 then nag stop ka after a year ka ulit nagka pera pwede ka mag hulog ulit kahit magkano kunware 10k then next year di ka ulit naghulog ok lang yun kasi depende naman sa halaga ng pera na nasa mp2 mo yung makukuha mo ding dividend basta after 5years mo pa siya mawithdraw
so if nag hulog ka ng 14.120 monthly for five years, kikita ka ng 153,118.07. Bale tutubo ang 14,120 mo ng more or less 2,551.96. Hindi ka kikita ng 1 million but rather maiipon yung monthly na hinuhulog mo na 14,120 at magtototal ng 847,200 in 5 years, at tutubo ito ng more or less 153,118.07 kaya 1,000,318.07 ang posible na balik sayo ng 847,200 in 5 years.
Isa ako sa mga student na huminto muna pagkagraduate ng Senior Highschool, para po makatulong sa magulang ko. Matagal na po akong nag-iipon, pero 'yong mga naiipon ko sa baon ko noon ay nagagamit namin kapag emergency at kapag kulang sa budget. Interesado po akong mag-ipon ulit lalo, dahil kahit papaano nakahanap po ng trabaho kahit na minimum wage. Mas lalo akong namangha na malaman na may ganito palang savings na isang investment talaga. Kasi kapag nag-iipon ako sa notebook ko lang tinatago at ganoon pa rin ang value hehe. Iniisip ko po na sa 10% na kikitain ko sa kinsenas ay itatabi ko. 'Yong 5% nito itatago ko for investment at 'yong 5% for emergency naman. So tig 10% percent sila kapag isang buwan. Maaaring simulan ko na siya kapag naka 2 months na ako sa pagtago ng pera. Nakakamotivate po na manood ng mga ganitong video! Salamat po. ❤
Good na din. Consider trying 75-15-10. 75% - Expenses 15% - Investment 10 - Savings / Emergency Funds Everytime na sasahod ka. Kung may computer ka or kahit smartphone, pwede mo sya i-plot sa excel or google sheet to keep track na din. Of course di naman strictly dapat sundin yung percentages. Kung kailangan mo taasan yung expenses dahil, pwede naman din basta i-sure mo lang na malilista mo.
Ngaung 33 yrs old nko bago plang ako nag start mag invest d2. Hirap pla pag kulang sa financial education, hndi q cgro maiisip to kung dko npanuod sa utube mga financial advice. Hahabulin ko makaipon hanggang pagtanda
ako nga din 48 years old na. dinedma ko lang kasi dati yung fiancial literacy at nahumaling sa lotto. haaiisstt. need na talaga mag umpisa at seryosohin ang financial literacy. magiipon nna talaga ako at amg iinvest
marami pa rin sa OFW ang ayaw mag ipon kahit may MP2 na kasi hindi talga nila priority ang bawasan muna ang sahod, iuna muna ito bago magpadala! it is all about habit na. katwiran kasi lagi hindi kasya ang sahod, pero may pambili ng kubg anu ano pero yung 500 lng nmn ayaw ugaliin hhah
Napakaganda tong investment d katulad sa stock investment na napundar naminn hulog kami ng hulog after 10years akala namin tumataas ang figure sa perang na invest namin ....yan ang pinakasakit nalugi kami halos kalahati sa pera ay nawala. Pina terminate ko agad upany makinabangan pa...buti pa itong MP2 makatulong talaga.God bless sa lahat na nag MP2
6% yearly which is 0.5% monthly divided. Inflation lang kalaban mo still better than bank tho. Kung kaya niyo invest sa Real Estate then mag-inviest kayo kc mas hamak na mas malaki ang return niyo at safe din siya. Pwd kayong kumita sa land niyo (Equity), cashflow (rentals) and pwd niyo pa ito gamitin pang loan (collateral property).
Mp2 is just like saving not literally an "investment" but still better than put your money in the bank real state Definitely a passive income ofc but kailangan mo talaga ng malaking pera to start or high credit score (na sa banko ka din mag loloan)
Wala ka talagang magagawa sa inflation kasi mangyayari at mangyayari yan. The best talaga ay consistency sa pag i invest. Yung presentation nya na kung P14,120 monthly na paghuhulog, within 5 years ay 847, 200. let's say regular ka naghuhulog nyan. Taz 6%, 7%, and 8% dividend rate within those five years. Bale ang total na pera mo ay P1,000200. Taz ang kinita mo dun ay P153,000. Not bad kesa naman nakatengga lang sa bangko na walang nagyayari. Pero apart from that maganda rin talaga yung may business ka kasi mas malaki ang balik nyan. kaya maganda talag kapag meron kang multiple investments at multiple sources of income.
Aku din 40yrs old na, dati kung nlman ku lng Yan laki na sana maiipon, bumalik ulet aku dto sa abroad, kkblik ku lng nitong January,. Last 2013 pa nuon aku ngabroad umuwe ng pinas 2016
@@joelmarte4108di pa huli pwde pa kyo mag voluntary contribution sa pag ibig lakihan nyo lng monthly contribution nyo kng kaya nyo 1k or 2k para pag 60 yrs old kyo malaki makukuha nyo, yan po is kng dati n kyong member
Parang Philhealth lang din to...pag na bankrupt kukunin din sa tao...sample sa mga ofw dati. Pasensya na. Pero mahirap magtiwala ng Pera lalo sa government ng Pilipinas. Hindi malayong maraming Pilipino ang kakagat dito, Pag malaki na ang dividends sa dami ng members nito after how many Years. Doon na lalabas yung small chance ng Risk nito. Pwedeng palabasin nalang na nalugi ang Mp2. Mabuti pang itabi ko nalang ang sarile kong pera at ako mismo magpapalago nito.
sobrang informative. tagal ko ng sinasabi to sa mga kakilala ko pero nauunahan sila ng katamaran or ung pg iisip ng short tern. masyado daw matagal ung balik etc.
@@melvinrobles5843 punta ka na lang sa pagibig office sa may St. Peter's Church sa commonwealth mas magandang dun ka mismo mag inquire at magbayad para iwas scam online
@@maryrosebaligad3391 Mag pa member ka po muna sa Pag ibig 1, pwede mo Rin pagasabayin. Download ka Ng form tas fill upon mo tas punta ka sa malapit na branch Ng Pag ibig sa inyo. Pwede ka mag advance Ng 2months na hulog tas mag apply ka ulit sa MP2..
Mag open ka nalang maliit na sari sari store may 20 k ka kita every month. Depende sa diskarte mo. 20k x 12 = 240,000 For one year. 2,561 lng kita mo every month for 5 years sa 14k na nilagay mo. Magamit mo yung 14k sa small business o pandagdag ng capital sa maliit mong tindahan.. pero nasa inyu parin disisyon pera niyo naman po yan.. hehhe. Dont hate me po sana. 😊 Just explaining.. healthy convos lng
okay nga naman po yan maam pero ung sa mp2 naman un lang kung may extra ka , so pinaka savings mo na din siya in the future na hindi mo siya magagalaw in 5 yrs.
😮not guarantee din po na kikita at may ma save ka araw araw lalo pa kung jan kukunin ung pang araw araw na pang gasto ng pamilya nag tindahan na din ako dati pero hnd talaga sya nag work ou
Nakakahiya man aminin, pero now ko lang naeexplore to sa tagal ko nang nagwowork. Thank you sa pagshare ng info sir. I will surely consider this investment. Safe at hindi complicated.
Maganda talaga ang MP2, same sa amin sa PNP merong AFPSLAI Capcon savings na 16% ang annual dividend or 4% per quarter. After nung training ko nun naghuhulog ako ng 25k per month sa AFPSLAI then after 3yrs and 4 months may 1M na ako.. 40k natatanggap ko every quarter (Jan.Apr.Jul.Oct). plano ko din mag capcon sa PSSLAI kasi 18% sila pero twice a year lang magbigay (jan&july) or 9% semi annually. Sa mga bagong graduates jan mag take kayo ng CSE or Board exam or napolcom then apply kayo sa PNP, AFP, BJMP, BFP or CG then try this financial plan. Ang AFPSLAI (1972) at PSSLAI ay regulated Ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
P14,120 monthly na paghuhulog, within 5 years. Taz ang kinita ay P153,000. Not bad kesa naman nakatengga lang sa bangko na walang nagyayari. Pero apart from that maganda rin talaga yung may business ka kasi mas malaki ang balik nyan. kaya maganda talag kapag meron kang multiple investments at multiple sources of income.
Hi mam. Good morning! Gusto niyo Po about insurances? Sa International Marketing Group Po or IMG Meron na Yan lahat, as in from your health care, life protection and investment. Total solution na talaga. Actually Ang concept ng IMG is to educate people by giving the right information about financial literacy 🥰🥰🥰
Dpo ako mahilig mag save sa banko pero may napanuod ako na mag saving ng 1000/day, sa 100 day may 100k kana isipin mo nlng kung 1yir napanuod ko dto yung 10x dati ang isipin mo sa pag iipon, yun po ang ginagawa ko ngayon..depende nalang po siguro kung ano maganda iba iba naman tau ng plano sa buhay
Thank you po. Na-appreciate ko po ang video. Question po: what if namatay ka before 5 years? Ano mangyayari sa savings? May option ba na kapatid ang pwede kumuha?
....Investing in the stock-market and crypto-market is the best option to make a passive income. Virtually all the markets are crazy, most people pay more attention to the shiniest position on the graph, I'm keeping a diversified portfolio......!!!!
You're right, a huge part of my portfolio growth has come during this bear market. I've been able to scale from $120K to $370K in a short period of time. I basically was just following the steps and guideline from my financial advisor as long as you've professional help, you're good to go
My adviser is *PATRICIA DRITA JOSEFINA* the analyst/brokerage-adviser. She has been of great help and her tutelage has brought me to a higher understanding of profit generation. She Understands the job perfectly."" ""!!
Kapag dumating yung Time na kukunin mo na,ibibigay kaya ng Pag-Ibig na hindi ka pahihirapan,baka pag kukunin mo na pera mo parang ayaw nilang ibigay dahil kung anu-anong papeles hinihingi
Ingat! Hanggang ngayon hindi pa nag re-reflect yung MP2 Dividend for 2023. Kung hindi pa nila binibigay ang MP2 dividend for December 2023, pano nila mako-computer yung dividend for the whole year. ano problema Pag-ibig bakit wala pa rin ang dividend ng 2023? Balewala din pag iipon sainyo.
Same feeling ..tapos na kami sa invest na insuramce i tot makkuha namin or my monthly hehehe walq pla..ung mga benefactors lng ung makakuha.ok nlng din para sa mga anak ko.
Wow thanks for sharing this info, actually I am already a member of MP2. And I am sharing too because maganda ang paliwanag mo, madaling intindihin. Salamat ng marami. More power and more subscribers to your channel❤
Ang tanong ko ho,makukuha ba ang Capital na 847,000 plus the dividend na 1million na sinasabi mo upon maturity of five years??kung dividend lang ang makuha ?? Wala parin yan.
Same lang pla Eh..magcmula ka 10k. Tapus. Maghu2log ka monthly. Let say 2k. Computin lang nla sa 5years. Ganun pa din pla. Inigosyo mo na lang. Sa iba. Xempre ga2mitin nla yang savings mo.
Pagibig Fund s Logo p lang then savings FOR BAHAY or to own or have a HOUSE and LOT ang "program" yata dapat po Ksi meron n iba "program" for retirement and health concerns
Salamat po sa informative videos. Ask ko lng po para lng ba yan sa member na dapat naghuhulog ng contribution. Pano po kung freelancer nlng at gusto magmp2 kailangan po ba bumisita sa branch o pede magregister online
Ako may IMG ako pero n stop ngayon s paghulog kasi ,huminto din ako s work simula nong n buntis ako.Pero plano ko p rin maghulog ulit,maganda din ang IMG for future.Naghulog n din ako ng MP2,kaya simulan m n din para din sayo.
Hi po.. salamat po sa impormation ,tanong ko lang po. Paano po kung dati ng pag ibig member at dating empleyado tpos tumigal na magwork at hindi na nahulugan pwede po bang ilipat un sa MP2 at sa MP2 na ituloy hulugan?
Mp2 in short pang tamad 😂 mas ok ng matuto mag trade kesa mag settle sa maliit na percentage per year hahaha mas ok mag invest muna sa sarili kesa umasa sa iba. Madaming di sasang-ayon sa comment na to lalo na mga tamad 😂
Ma'am Rachel 62 free benifits na Po Ang IMG. The best company na nagtuturo about Financial Literacy education, para knowledgeable tyo about investment, build Solid Financial Foundation never ma scam pag sa IMG ka at marami pa.
Idol ung dividend ba naka base sa monthly savings lang or sa total savings? Ksi in one year na consistent ung monthly savings malaki na pera mo don....hal:500pesos minimum contribution ko. 500 x interest or 6000 x interest per Year...tnx
😭😭😭Pinahirapan ako nito sa pag withdraw😣 Madaling mag process ng pag deposit ng Mp2 Pag-ibig account pero ang masakit pag wi withdrawhin mo na paiyakan hnd lng halos ayaw na nila ibigay ang sarili mong pera... totoo eto , base po sa personal kong experience, halos one month mahigit na hnd ko pa rin nakukuha kahit un sarili ko na lng pera kahit wag na un tubo eh 😭😭😭
para sa ordinaryong mamamayan di kakayanin hang hulog na 14k monthly lalo kung minimum wage earner ka hirap kapa sa limang daan. pang hakot lng ng member yang milyon na term. parang paluwagan lng na may tubo. at may risk. maiigi pa magtayo ng maliit na negosyo baka mas kikita. o kaya educational plan ng mga anak mag invest. kung hulog mo 1k monthly tutubo in 5yrs ng kulng 10k. at in 5yrs mo pa pwedeng makuka😂 5yrs na 1k ipon plus tubo na 10k. yun makukuha.
Thank you po sir sa pag share ng video na ito at pg bahagi sa amin about mp2.mabuti naka start ako last 2019 kaya mag pa 5 years nadin ako member.yan nlang pinkang savings ko palaguin.nkakatakot nadin mg invest ngayon dami scamers.thank you so much sir God bless 🙏
Hello po. Tanong ko lang. Pag once gusto ko nang withraw ang pera ko sa MP2 example 100,000 ako good for 1 yr + interest. Pwede ko ba ma withdraw ang 100, 000 at interest ko ??
Ask ko lang kuya, example lang, nag deposit ako ng 50k, at hindi ko na nasundan ang contribution ko nagkaroon ako ng issue, nawalan ako ng trabaho, wala ako balak kunin ang 50k, at hindi ko nakukuha ang dividend ko every year, ano kahihinatnan ng pera ko in 5yrs? Thank po.
Sayang ang pera dyan tama na yung may contribution ka lng sa sahod n meron ka parang Phil health lng yan gagamitin sa korapsyon tapos bandang huli wala ka makuha.maging matalino din sana kayo mga kababayan
you can also apply po online or punta kayo sa PAGIBIG branch nearest you. mabilis po kasi di kayo isasali sa pila. requirement po ay two valid IDs and your PAGIBIG membership number po
Pangit din pala Mp2 kasi po just imagine 14,120 pesos per month hulog contribution mo tapos ..sa loob ng 5 years ay 153K lang Ang tubo ....samantala 800K plus lahat hulog mo ....ito pa, what if sa 4 years and 11 months hulog mo ..tapos bigla Kang naaksidente at namatay ka ....sino kukuha sa Pera mo na hinulog mo sa mp2 na good for 4 years and 11 months...diba Wala ? ....sisigaw talaga Yung palaka or frog ...Sabi Ng palaka na KWITS ....ayun KWITS ..nga daw Sabi Ng palaka
Hindi mo po naintindihan yung explanation? Ang pagkakaintindi ko anytime pwede ka maghulog sa loob ng 5yrs pwede isang beses lang or monthly kasi nakadepende sa amount na naipasok mo yung dividend na makukuha,pero after 5years mo pa siya ma withdraw yung sinasabi mo kung namatay yung member na naghuhulog before ng 5yrs ay mawiwithdraw padin ng beneficiaries nya pero after 5years pa ganun po pagkakaintindi ko
Grabe Naman ...galit ka ata eh...Hindi Naman sa pinipilit ako ...Ang sa akin Lang ay advance lang ako mag isip ...Yun bang mga possible na mangyayari...ganun po
Nice po.. very Useful dagdag Kaalaman ko na nman dhil sa lods nadagdagan ko ung plano para sa ganitong investment strategy. Slmat lods dhil napanood ko itong vlog mo😊
@@ernelorosaldes4730 same thing din Amman po dito sa US wala din fix return ang mga S&P500 na yan Pero Karamihan dito mag retire ng maaga dahil nga sa 4 percent return
@@embitious630 ma'am mayron pa mas mataas interest na investment opportunities, at dto din nag invest Ang Pag ibig, gaya ng MP savings. We are affiliated with WSB and WFG, kung sa US ka man I hope you know theses companies marami Filipino Ang members dyan
@@embitious630 as members of company we are investing at minimum interest na 10%, pero ako nag invest sa aggressive type of investment na mayron minimum return na 12%, SSS at mga bangko ay dto nag invest
Lagay kayo 10M dyan then annually nyo kunin ung interest, dun lang buhay na kayo. hhahahah...Kahit di na magtrabaho may passive income ka na yearly na 500k+ pesos if ever 5% or more ung interest.
Ito na ang pinakamalinaw na explanation regarding MP2, pra sa mga conservative investors like myself. We should learn the power of compounded interest pra hindi tyo shopping ng shopping. Sa panahon natin ngyon, mas wais sana tayo sa pinagla2gakan ng ating pinaghirapan. Ako nga pinagta2wanan kc ang cp ko raw ay parang my disco lights. Nasura kc ang LCD dahil nabagsak na to twice. Kesto palitan ko na raw. Pero everytime na naka2ipon ako, nanghi2nayang ako, palibhasa naranasan ko ang mawalan, as in walang-wala. Kaya from there on, natuto na ako. Wait ko na lng magmura ang price ng LCD ng unit ko bago ko palitan. Save muna for the future.😊
Sana napanood ko to bago yung isa na video 😢 nakapag down na ako 500 a month, 38 monts 19K chekkss nag annual nalang sana ako 12K
@@igocanovlogsate pwede ka maghulog anytime at any amount po ganun kasi pagkakaintindi ko sa video like example ngayon nag monthly ka ng 500 then nag stop ka after a year ka ulit nagka pera pwede ka mag hulog ulit kahit magkano kunware 10k then next year di ka ulit naghulog ok lang yun kasi depende naman sa halaga ng pera na nasa mp2 mo yung makukuha mo ding dividend basta after 5years mo pa siya mawithdraw
@@카리도징키mawiwithdraw n po b lahat un kasama ng kinita mo sakali?
so if nag hulog ka ng 14.120 monthly for five years, kikita ka ng 153,118.07. Bale tutubo ang 14,120 mo ng more or less 2,551.96. Hindi ka kikita ng 1 million but rather maiipon yung monthly na hinuhulog mo na 14,120 at magtototal ng 847,200 in 5 years, at tutubo ito ng more or less 153,118.07 kaya 1,000,318.07 ang posible na balik sayo ng 847,200 in 5 years.
Panoorin Nyo po si bigotilyo brothers nakuha nya na ang invest nya sa MP2 almost 700k nakuha nya
Oo npnuod ku din ung Kay bigotilyo,mgknu Kya nhuhulog nia buwan buwan
Depends po yn sa magiging currency ng pinas every year pa bago bago
Isa ako sa mga student na huminto muna pagkagraduate ng Senior Highschool, para po makatulong sa magulang ko. Matagal na po akong nag-iipon, pero 'yong mga naiipon ko sa baon ko noon ay nagagamit namin kapag emergency at kapag kulang sa budget. Interesado po akong mag-ipon ulit lalo, dahil kahit papaano nakahanap po ng trabaho kahit na minimum wage. Mas lalo akong namangha na malaman na may ganito palang savings na isang investment talaga. Kasi kapag nag-iipon ako sa notebook ko lang tinatago at ganoon pa rin ang value hehe.
Iniisip ko po na sa 10% na kikitain ko sa kinsenas ay itatabi ko. 'Yong 5% nito itatago ko for investment at 'yong 5% for emergency naman. So tig 10% percent sila kapag isang buwan.
Maaaring simulan ko na siya kapag naka 2 months na ako sa pagtago ng pera.
Nakakamotivate po na manood ng mga ganitong video! Salamat po. ❤
Good na din.
Consider trying 75-15-10.
75% - Expenses
15% - Investment
10 - Savings / Emergency Funds
Everytime na sasahod ka.
Kung may computer ka or kahit smartphone, pwede mo sya i-plot sa excel or google sheet to keep track na din.
Of course di naman strictly dapat sundin yung percentages. Kung kailangan mo taasan yung expenses dahil, pwede naman din basta i-sure mo lang na malilista mo.
Ngaung 33 yrs old nko bago plang ako nag start mag invest d2. Hirap pla pag kulang sa financial education, hndi q cgro maiisip to kung dko npanuod sa utube mga financial advice. Hahabulin ko makaipon hanggang pagtanda
ako nga din 48 years old na. dinedma ko lang kasi dati yung fiancial literacy at nahumaling sa lotto. haaiisstt. need na talaga mag umpisa at seryosohin ang financial literacy. magiipon nna talaga ako at amg iinvest
Same
Sa mismo po ba branch kayo nag invest po?
Sameee.. we need to plan for our future. ako 31 na.. started WISP plus too on top of WISP ko sa SSS. then plan ko din to MP2 HAHAHA.
@@jenjayosabel3386 pwede po yan online. from opening the account hanggang payment
Galing maganda to sa mga OFW na ang tatagal umuwi nang pilipinas 😊 5 years maturity and astig noon..
marami pa rin sa OFW ang ayaw mag ipon kahit may MP2 na kasi hindi talga nila priority ang bawasan muna ang sahod, iuna muna ito bago magpadala! it is all about habit na. katwiran kasi lagi hindi kasya ang sahod, pero may pambili ng kubg anu ano pero yung 500 lng nmn ayaw ugaliin hhah
Hello po...pano po mgp member sa pag'ibig??dto po aq Riyadh Saudi@@emmytrips
Napakaganda tong investment d katulad sa stock investment na napundar naminn hulog kami ng hulog after 10years akala namin tumataas ang figure sa perang na invest namin ....yan ang pinakasakit nalugi kami halos kalahati sa pera ay nawala. Pina terminate ko agad upany makinabangan pa...buti pa itong MP2 makatulong talaga.God bless sa lahat na nag MP2
6% yearly which is 0.5% monthly divided. Inflation lang kalaban mo still better than bank tho. Kung kaya niyo invest sa Real Estate then mag-inviest kayo kc mas hamak na mas malaki ang return niyo at safe din siya. Pwd kayong kumita sa land niyo (Equity), cashflow (rentals) and pwd niyo pa ito gamitin pang loan (collateral property).
Mp2 is just like saving not literally an "investment" but still better than put your money in the bank real state Definitely a passive income ofc but kailangan mo talaga ng malaking pera to start or high credit score (na sa banko ka din mag loloan)
this is a way to preserve your money essentially. kaw na mismo nagsabi there IS inflation every year, so technically di naman tumaas pera mo.
Wala ka talagang magagawa sa inflation kasi mangyayari at mangyayari yan.
The best talaga ay consistency sa pag i invest.
Yung presentation nya na kung P14,120 monthly na paghuhulog, within 5 years ay 847, 200. let's say regular ka naghuhulog nyan. Taz 6%, 7%, and 8% dividend rate within those five years. Bale ang total na pera mo ay P1,000200. Taz ang kinita mo dun ay P153,000. Not bad kesa naman nakatengga lang sa bangko na walang nagyayari.
Pero apart from that maganda rin talaga yung may business ka kasi mas malaki ang balik nyan. kaya maganda talag kapag meron kang multiple investments at multiple sources of income.
@@LifeOdysseyMotivationTama Po kyo. Advisable to
@@michaelnicholaslim9709 😲
40 yrs old n aq ngaun sana noon pa aq nagkaroon ng financial education
Aku din 40yrs old na, dati kung nlman ku lng Yan laki na sana maiipon, bumalik ulet aku dto sa abroad, kkblik ku lng nitong January,. Last 2013 pa nuon aku ngabroad umuwe ng pinas 2016
@@joelmarte4108di pa huli pwde pa kyo mag voluntary contribution sa pag ibig lakihan nyo lng monthly contribution nyo kng kaya nyo 1k or 2k para pag 60 yrs old kyo malaki makukuha nyo, yan po is kng dati n kyong member
@@joelmarte4108 Bago lang naman mayron ang mp2
Parang Philhealth lang din to...pag na bankrupt kukunin din sa tao...sample sa mga ofw dati.
Pasensya na. Pero mahirap magtiwala ng Pera lalo sa government ng Pilipinas.
Hindi malayong maraming Pilipino ang kakagat dito, Pag malaki na ang dividends sa dami ng members nito after how many Years. Doon na lalabas yung small chance ng Risk nito.
Pwedeng palabasin nalang na nalugi ang Mp2.
Mabuti pang itabi ko nalang ang sarile kong pera at ako mismo magpapalago nito.
Dyan tayo magling s pagiging nega Wala namang OPTION n binibigay na mas mahusay
maaga ako nagtrabaho, matagal nakapag asawa at nag pamilya. sana noon ko pa na natutunan mga to.
Hindi pa po huli ang lahat, kung may extra go!
sobrang informative. tagal ko ng sinasabi to sa mga kakilala ko pero nauunahan sila ng katamaran or ung pg iisip ng short tern. masyado daw matagal ung balik etc.
wala nman po sa google playstore
panu po ba mkpg download ng MP2.?🙏
@@melvinrobles5843 punta ka na lang sa pagibig office sa may St. Peter's Church sa commonwealth mas magandang dun ka mismo mag inquire at magbayad para iwas scam online
Pro-rated pala ang dividend sa MP2.. so dpat pala January ka magsimula para buo mo mkuha yung div. mo for that specific yr. 😔
Ok na din kesa mag antay. March ata ko nakapagstart 😅
Walang best month or year, Basta may pera ka hulog muna, NOW NA!!
Proud MP2 member here, Salamat Po Mang Jani
Paano po mgaply sa mp2 pagibig
@@maryrosebaligad3391 Mag pa member ka po muna sa Pag ibig 1, pwede mo Rin pagasabayin. Download ka Ng form tas fill upon mo tas punta ka sa malapit na branch Ng Pag ibig sa inyo. Pwede ka mag advance Ng 2months na hulog tas mag apply ka ulit sa MP2..
Pwede ba one time deposit?
PANO po mag apply
straight to the point and ang ganda ng animation 👏🏻👏🏻
Napakainformative ng video nyo paano pala since naghuhulog ako ng pagibig as voluntary at need ko lumipat sa MP2
I super recommend MP2 compared to PESO fund of SSS , lalo na sa mga beginners and non risk takers
wala ka pong talo sa mp2, dividend rates lang ung nagbabago taon taon pero ung princincipal mo safe pa..mas mataas pa sa time deposits
@@jeyprocketeeryes po, totally agree.
where to apply po
@Nina pwede po ba ang mp2 sa mga non Pag-ibig members?
@@imee5708 need po na member po kayo
Mag open ka nalang maliit na sari sari store may 20 k ka kita every month. Depende sa diskarte mo.
20k x 12 = 240,000
For one year.
2,561 lng kita mo every month for 5 years sa 14k na nilagay mo. Magamit mo yung 14k sa small business o pandagdag ng capital sa maliit mong tindahan.. pero nasa inyu parin disisyon pera niyo naman po yan.. hehhe. Dont hate me po sana. 😊
Just explaining.. healthy convos lng
okay nga naman po yan maam pero ung sa mp2 naman un lang kung may extra ka , so pinaka savings mo na din siya in the future na hindi mo siya magagalaw in 5 yrs.
😮not guarantee din po na kikita at may ma save ka araw araw
lalo pa kung jan kukunin ung pang araw araw na pang gasto ng pamilya
nag tindahan na din ako dati pero hnd talaga sya nag work ou
Hnd rin Naman lahat marunong magbsnes Kya ok Yan para sa gayam ko
Hindi po lahat ay para sa pagnenegosyo.
Yan ang the best at matalinong paraan para sa darating na panahon.Ok ako sa MP2 na makakatulong sa bawat isa.
Nakakahiya man aminin, pero now ko lang naeexplore to sa tagal ko nang nagwowork. Thank you sa pagshare ng info sir. I will surely consider this investment. Safe at hindi complicated.
Welcome
Maganda talaga ang MP2, same sa amin sa PNP merong AFPSLAI Capcon savings na 16% ang annual dividend or 4% per quarter. After nung training ko nun naghuhulog ako ng 25k per month sa AFPSLAI then after 3yrs and 4 months may 1M na ako.. 40k natatanggap ko every quarter (Jan.Apr.Jul.Oct). plano ko din mag capcon sa PSSLAI kasi 18% sila pero twice a year lang magbigay (jan&july) or 9% semi annually. Sa mga bagong graduates jan mag take kayo ng CSE or Board exam or napolcom then apply kayo sa PNP, AFP, BJMP, BFP or CG then try this financial plan. Ang AFPSLAI (1972) at PSSLAI ay regulated Ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Kung hinulogan ako ng mama ko simula naging ofw sya year 2004 sigurado my million na kami
July1 2024....babayran na natin ang ating Pag -ibig....slmat sa video very informativ❤❤
Laking help neto naghahanap ako ng pag iinvest ng pera ko although low risk investor ako, buti n lang meron neto. Thanks
Until now wla pdin po b?
P14,120 monthly na paghuhulog, within 5 years. Taz ang kinita ay P153,000. Not bad kesa naman nakatengga lang sa bangko na walang nagyayari.
Pero apart from that maganda rin talaga yung may business ka kasi mas malaki ang balik nyan. kaya maganda talag kapag meron kang multiple investments at multiple sources of income.
Ang linaw ng explanation thank you will start today
Thank you po sir marami po akong natutunan! Magagamit ko sa reporting namin❤️
Salamat sa nag Content nato now kolang nalaman na ganito pala ang MP2 ❤😊 god bless po🥰
Hi mam. Good morning! Gusto niyo Po about insurances? Sa International Marketing Group Po or IMG Meron na Yan lahat, as in from your health care, life protection and investment. Total solution na talaga. Actually Ang concept ng IMG is to educate people by giving the right information about financial literacy 🥰🥰🥰
Tanong lng.. meron din 500 a month po?
@@glendamariesasan4965 LOL
Why go for middleman? IMG is middleman.
Salamat sa Blogger na inexplain masyado ang Mp2 nag open lang ako nito pero diko naman inunawa basta sabi savings e hulog lng ako ng hulog eh😂
thank u for the info... interesado po ako s MP2 mabuti po at gumawa kau ng content rgarding dto.. god bless po..
Salamat Po sa.inyong topic napakalaking kaalaman ito sa akin at para sa.aking pamilya.Mabuhay Po kayo!
Yes it is good for all especially those people who earned less they save and earned.
Dpo ako mahilig mag save sa banko pero may napanuod ako na mag saving ng 1000/day, sa 100 day may 100k kana isipin mo nlng kung 1yir napanuod ko dto yung 10x dati ang isipin mo sa pag iipon, yun po ang ginagawa ko ngayon..depende nalang po siguro kung ano maganda iba iba naman tau ng plano sa buhay
Ano po yan sir share mo po
Ang galing. Dapat eto na pinanuod ko dati eh. Na gets ko agad.
Thank you po. Na-appreciate ko po ang video.
Question po: what if namatay ka before 5 years? Ano mangyayari sa savings? May option ba na kapatid ang pwede kumuha?
Oo nga noh ? Sana my sumagot
@@miszehLwla pdin nsagot?
Beneficiary po ang mkakakuha po
....Investing in the stock-market and crypto-market is the best option to make a passive income. Virtually all the markets are crazy, most people pay more attention to the shiniest position on the graph, I'm keeping a diversified portfolio......!!!!
Investing in stock is a good idea, a good trading system would put you through many days of success.
You're right, a huge part of my portfolio growth has come during this bear market. I've been able to scale from $120K to $370K in a short period of time. I basically was just following the steps and guideline from my financial advisor as long as you've professional help, you're good to go
@@yahayaabdullahi5474 That's impressive! I could use the expertise of this advisor, my portfolio has been stagnant..... Who's the person guiding you?
@@yahayaabdullahi5474 please how can I reach this advisor guiding you, I'm just a beginner investing into stock .!!!!!!
My adviser is *PATRICIA DRITA JOSEFINA* the analyst/brokerage-adviser. She has been of great help and her tutelage has brought me to a higher understanding of profit generation. She Understands the job perfectly."" ""!!
Galing po ng presentation....i am enlightened...God Bless u more sir
Back to Financial Discipline, Thank you Lord I'm back Sir in Savings and Investing😇🙏
Keep it up
@@JanitorialWriter hanggang ilan pede iopen sa isang member
Kapag dumating yung Time na kukunin mo na,ibibigay kaya ng Pag-Ibig na hindi ka pahihirapan,baka pag kukunin mo na pera mo parang ayaw nilang ibigay dahil kung anu-anong papeles hinihingi
Nice content! Maayos mong ipinaliwanag yung mga pros at cons ng MP2! New subscriber here!
Try ko inquire dito hk.
Nagkainterest tuloy ako
Ako dn nagkron ako ng interest,volantary meber ako ng pag ibig
Ingat! Hanggang ngayon hindi pa nag re-reflect yung MP2 Dividend for 2023. Kung hindi pa nila binibigay ang MP2 dividend for December 2023, pano nila mako-computer yung dividend for the whole year. ano problema Pag-ibig bakit wala pa rin ang dividend ng 2023? Balewala din pag iipon sainyo.
wla pdin po?
Meron na nong April 2024 😊
Wow! Dahil sa video na to. Mas lalong di na ako kukuha ng Insurance with Investment.
Same po sising Sisi ako kumuha Ng insurance 😂😂😂
Same feeling ..tapos na kami sa invest na insuramce i tot makkuha namin or my monthly hehehe walq pla..ung mga benefactors lng ung makakuha.ok nlng din para sa mga anak ko.
Parang gusto kona din mag apply o mag umpisa dito sa pag ibig Mp2 saving ...
Thank you sa pag explain ❤️
Wow thanks for sharing this info, actually I am already a member of MP2. And I am sharing too because maganda ang paliwanag mo, madaling intindihin. Salamat ng marami.
More power and more subscribers to your channel❤
Salamat po sa info. Dahil po sa Video mo naintindihan ko kung ano ang MP2.
Very informative salamat po mag bago ulit kaming learnings ❤️
Sir papano po ako makakaopen dito ako dubai now
How to apply??
I'm already 69 years old. Pwede pa bang makapag invest sa MP2 sa age ko ngayon?
God Bless Po❤
Very informative ng mga content mo👍👏
Maganda talaga siya lalo na pag 1k contribution mo for 5 yrs. Sa 1k na yan pwedi maging 6m sa 5 yrs
Salary Deduction po yan.... Maganda yan kung nasa GOVERNMENT EMPLOYEE ka. Maging Contractual o Regular employee... 3yrs lang yung maturity po sir....
ang galing ng paliwanag neto napaka linaw Thankyouuu sir 💓🙏
Thanks Abegail
Thank you po mang jani, very informative
Galing nyo po mag explain ♥️
Ang tanong ko ho,makukuha ba ang Capital na 847,000 plus the dividend na 1million na sinasabi mo upon maturity of five years??kung dividend lang ang makuha ?? Wala parin yan.
Pano po mag register sa mp2 interesado po Ako help me Po pls gusto ko talaga mag ipon Ng pera salamat po
@@pingzcagz3487 natural. Makukuha mo ung nilagay mo + dividendo
Same lang pla Eh..magcmula ka 10k. Tapus. Maghu2log ka monthly. Let say 2k. Computin lang nla sa 5years. Ganun pa din pla. Inigosyo mo na lang. Sa iba. Xempre ga2mitin nla yang savings mo.
Pagibig Fund s Logo p lang then savings FOR BAHAY or to own or have a HOUSE and LOT ang "program" yata dapat po
Ksi meron n iba "program" for retirement and health concerns
Very informative Sir god blessed po.
sana po magawan nyo po ng tutorial kung pano Ang pag fill up sa app ng mp2 .. tnx po ang more power .
punta lng po kayo sa any pag ibig branches at mag enroll mag open account madali lng po yan minimum deposit onlny 500 pesos
@@allancanada2467 salamat po
You should be a PAGIBIG MP1 Member with minimum contribution of 12 months before investing to MP2
Pwede po online, punta ka Lang sa original Website nila, Doon ako nag enrol.
@@jipsydanger4734 hello,itanong kolang po kong meron minimum ang pag ibig sa bagong member?🙂
Very informative! Nice content
Glad it was helpful!
Kung di ka pa member pano po magapply to be a member at qng ano ang needs to do
@@JanitorialWriterpano p0 sumali 0 mag hulog
paano po mag apply sir
Tayo nalamg mag ipon at mag rolling ng pera ang hirap na magtiwala ng pera pinaghirapan natin
Maganda sa mp2 ay isang malaking bagsakan ng pera kasi sa umpisa ng hulog malaki na agad ang makukuhang dividends
Salamat po sa informative videos. Ask ko lng po para lng ba yan sa member na dapat naghuhulog ng contribution. Pano po kung freelancer nlng at gusto magmp2 kailangan po ba bumisita sa branch o pede magregister online
Pwede po magmember kahit freelancer.Visit Pag ibig branche nearest to your place and bring 2 valid ID's money for initial deposit.
May mistake po sa 4th item sa intruction po sa sheet, dapat B:5 - G:16.
But overall this is very helpful
Thank you po. Very informative.
Welcome!
Sana po magawan din ng video yung IMG . THANKS
Ako may IMG ako pero n stop ngayon s paghulog kasi ,huminto din ako s work simula nong n buntis ako.Pero plano ko p rin maghulog ulit,maganda din ang IMG for future.Naghulog n din ako ng MP2,kaya simulan m n din para din sayo.
ganda ng video. sobrang daling maintidihan. thank you!
Welcome po
14K contribution monthly na consistent sa loob ng 5 years haha. Mga mayayaman lang kaya mag ambag ng ganiyan.
Hi po.. salamat po sa impormation ,tanong ko lang po.
Paano po kung dati ng pag ibig member at dating empleyado tpos tumigal na magwork at hindi na nahulugan pwede po bang ilipat un sa MP2 at sa MP2 na ituloy hulugan?
paano po mag invest s MP2 savings ofw po from saudi
gawa kalang po ng MP2 account then start ka na maghuhulog tru gcash na
Hello, sir ano po ang name Ng APPS nitong PAG-IBIG MP2 na maaari o pwdeng makapagsign-up?
Thanks po
Sir gawa mo kayo like insurance sunlife pru life
Isa nnmn itong kaalaman kung paano palaguin ang pera natin sa pagibig mp2 katulad kong bago lang mag hulog sa mp2
Mp2 in short pang tamad 😂 mas ok ng matuto mag trade kesa mag settle sa maliit na percentage per year hahaha mas ok mag invest muna sa sarili kesa umasa sa iba. Madaming di sasang-ayon sa comment na to lalo na mga tamad 😂
Paano po mka invest sa mp2 sa pag ibig?
Thank you, very well explained! ❤
Glad it was helpful!
@@JanitorialWriter may pag ibig po ako sir ask ko lsng po pwedi po ba lipat sa mp2
Interested how to start. 😊
Hello po. Ask lang, paano kung walang work pero voluntary contribution? Pwede pa din po ba makapag MP2?
Pwede po
@@jasonparaiso9667 salamat po.
Wala po akong Pag ibug
Pwedi po ba akong mg MP2?
Kailangan mo magkaroon muna ng pagibig p1.
@@floresarodriguez5961 dapat po umibig muna kayo.
wow ang galing po ng paliwanag ninyo maraming salamat po sa paliwanag mabuhay po kayo
Going abroad soon isa ito sa list ng investment ko.. While working abroad, Tamang tama 5 years Yong contract.
IMG has 48 benefits that you will love🥰
give detail about IMG
Heromining is the best...
@rachel arandia details, please.
Details bwt IMG po. Pls pm me. Ty po
Ma'am Rachel 62 free benifits na Po Ang IMG. The best company na nagtuturo about Financial Literacy education, para knowledgeable tyo about investment, build Solid Financial Foundation never ma scam pag sa IMG ka at marami pa.
Idol ung dividend ba naka base sa monthly savings lang or sa total savings? Ksi in one year na consistent ung monthly savings malaki na pera mo don....hal:500pesos minimum contribution ko. 500 x interest or 6000 x interest per Year...tnx
Inaapply po ang dividend on a yearly basis. Di po monthly
Very Impomative content blogger
Congrats sir road to 1m sub's 🎉🎊
😭😭😭Pinahirapan ako nito sa pag withdraw😣 Madaling mag process ng pag deposit ng Mp2 Pag-ibig account pero ang masakit pag wi withdrawhin mo na paiyakan hnd lng halos ayaw na nila ibigay ang sarili mong pera... totoo eto , base po sa personal kong experience, halos one month mahigit na hnd ko pa rin nakukuha kahit un sarili ko na lng pera kahit wag na un tubo eh 😭😭😭
Naptapos mo Po ba Ang 5yrs?
Really. In my experience Pag-IBIG is the most efficient and fast institution to deal with.
para sa ordinaryong mamamayan di kakayanin hang hulog na 14k monthly lalo kung minimum wage earner ka hirap kapa sa limang daan. pang hakot lng ng member yang milyon na term. parang paluwagan lng na may tubo. at may risk. maiigi pa magtayo ng maliit na negosyo baka mas kikita. o kaya educational plan ng mga anak mag invest. kung hulog mo 1k monthly tutubo in 5yrs ng kulng 10k. at in 5yrs mo pa pwedeng makuka😂 5yrs na 1k ipon plus tubo na 10k. yun makukuha.
Sir ask lang, annual ba computation ng interest not monthly?
Parang annual po ito yta
Salamat sa info Idol💪
Hello po, ang ganda ng videos niyo, pwede ko po bang malaman anonh platform po gamit niyo sa pageedit po ng gantong mga video?
Pwede pa ba kahit retired ka na?
Thank you po sir sa pag share ng video na ito at pg bahagi sa amin about mp2.mabuti naka start ako last 2019 kaya mag pa 5 years nadin ako member.yan nlang pinkang savings ko palaguin.nkakatakot nadin mg invest ngayon dami scamers.thank you so much sir God bless 🙏
Hello mam, pabalita Naman kung nawidraw nyo? Kasi may sasbai dito na mahirap daw makuha Ang pera after 5 years
@@jonaally hi maam hindi pa ako na widraw maam kc pa lakihin ko pa hehe .hindi nman cguro mahirap maam
Ito Ang dapat sating lahat ,ipon at safe
Hello po. Tanong ko lang. Pag once gusto ko nang withraw ang pera ko sa MP2 example 100,000 ako good for 1 yr + interest. Pwede ko ba ma withdraw ang 100, 000 at interest ko ??
5 years. Pag winithdraw mo ng di pa hinog ½ lang ng pera mo makukuha mo.
Ask ko lang kuya, example lang, nag deposit ako ng 50k, at hindi ko na nasundan ang contribution ko nagkaroon ako ng issue, nawalan ako ng trabaho, wala ako balak kunin ang 50k, at hindi ko nakukuha ang dividend ko every year, ano kahihinatnan ng pera ko in 5yrs? Thank po.
Sir paano mag apply at anong requirements at ilang taon bayaran gusto kong mag apply paano kong sa ibang bansa anong requirements para mkaaply sa MP2
Sayang ang pera dyan tama na yung may contribution ka lng sa sahod n meron ka parang Phil health lng yan gagamitin sa korapsyon tapos bandang huli wala ka makuha.maging matalino din sana kayo mga kababayan
Maganda to.kung alam q lang to noon.nka pag invest sa q kahit maliit lang meron n sana aq nga ung makukuha
Sir anong gamit mong app sa presentation mo, pabulong naman maraming salamat
Ako rin sir anung apps ba yan.
Hahahhah
Ano po requires. Para makasali sa mp2 savings at ano ages po kailangan Para makasali
you can also apply po online or punta kayo sa PAGIBIG branch nearest you. mabilis po kasi di kayo isasali sa pila. requirement po ay two valid IDs and your PAGIBIG membership number po
Pangit din pala Mp2 kasi po just imagine 14,120 pesos per month hulog contribution mo tapos ..sa loob ng 5 years ay 153K lang Ang tubo ....samantala 800K plus lahat hulog mo ....ito pa, what if sa 4 years and 11 months hulog mo ..tapos bigla Kang naaksidente at namatay ka ....sino kukuha sa Pera mo na hinulog mo sa mp2 na good for 4 years and 11 months...diba Wala ? ....sisigaw talaga Yung palaka or frog ...Sabi Ng palaka na KWITS ....ayun KWITS ..nga daw Sabi Ng palaka
Hindi mo po naintindihan yung explanation? Ang pagkakaintindi ko anytime pwede ka maghulog sa loob ng 5yrs pwede isang beses lang or monthly kasi nakadepende sa amount na naipasok mo yung dividend na makukuha,pero after 5years mo pa siya ma withdraw yung sinasabi mo kung namatay yung member na naghuhulog before ng 5yrs ay mawiwithdraw padin ng beneficiaries nya pero after 5years pa ganun po pagkakaintindi ko
😊
Di wag ka maghulog! Pinipilt kb?
Grabe Naman ...galit ka ata eh...Hindi Naman sa pinipilit ako ...Ang sa akin Lang ay advance lang ako mag isip ...Yun bang mga possible na mangyayari...ganun po
Nega Kasi Ng sinabi mo eh, ..
Lods thank you talaga atleast nagka interest ako sa investing ngayun.
Nice po.. very Useful dagdag Kaalaman ko na nman dhil sa lods nadagdagan ko ung plano para sa ganitong investment strategy. Slmat lods dhil napanood ko itong vlog mo😊
How to apply the 4 percent rule strategy in MP2 ?
Ang MP2 .saving investment ay walng fix interest Po kc Po nag depend Po Yan sa market performance
@@ernelorosaldes4730 same thing din Amman po dito sa US wala din fix return ang mga S&P500 na yan Pero Karamihan dito mag retire ng maaga dahil nga sa 4 percent return
@@embitious630 ma'am mayron pa mas mataas interest na investment opportunities, at dto din nag invest Ang Pag ibig, gaya ng MP savings. We are affiliated with WSB and WFG, kung sa US ka man I hope you know theses companies marami Filipino Ang members dyan
@@embitious630 as members of company we are investing at minimum interest na 10%, pero ako nag invest sa aggressive type of investment na mayron minimum return na 12%, SSS at mga bangko ay dto nag invest
@@ernelorosaldes4730 ganon po ba ? Wala po ako idea. Pag ibig kasi it’s safe and guaranteed. Not FDIC
Kaso di pwed dito Kung not, employed ka di pwed ang individual p2era nalang Kung dati ka employed ioatuloymo nalang after no work na
well explained, naintindihan ko na ung sinasabi ng sister ko.
pupunta ako sa Pag ibig sa feb.19 - mag oopen ako ng mp2,
You can open and pay your MP2 account po online if meron ka nang regular PagIbig Contributions account so kahit hindi na pumunta sa PagIbig office :)
Top up na lng guro sa 7/11@@NicaAnneMaeCabaltera
Lagay kayo 10M dyan then annually nyo kunin ung interest, dun lang buhay na kayo. hhahahah...Kahit di na magtrabaho may passive income ka na yearly na 500k+ pesos if ever 5% or more ung interest.
wow salamat lage ako manood ng program mo, salamat po.