Fabriano gas range Matte black color
HTML-код
- Опубликовано: 28 авг 2020
- Tutorial in using gas range
Please watch and subscribe
#Jonelyne Channel
If you have question you can also message in FB @ Jonel A Rubin
You can also watch other tutorial videos:
• Gas range na malaki 60... - 90cm big oven
• Fabriano gas range ang... - 50cm stainless Steel
• How to use Fabriano ga... - 50cm 3 gas plus 1 electric plate
• How to use gas range s... - 60cm with 4 gas burners
• Fabriano gas range ove... - 60cm new model color RED
• How to use built in oven - built-in oven Хобби
Hello new subriber po ako nagandahan po ako sa unit at maganda ang review mo sir malinaw po at na iintindihan tamang tama para sa bagohan na katulad ko ask ko lang po kung mag kno at san pwde mabili location ko po north caloocan near fairview gusto ko po bumili sir
Hello Boss Chikoy, sa kservico fairview po or Western appliances sa may Ayala Terraces 2nd floor, ang SRP nito ay 12, 995. Thanks
thank u po sa reply God Bless
@@jonelynechannel6591 ĺhello po subscriber po ako sa inyo sa pag gamit ng oven kelangan po ba nakasaksak or steady nakaplug yong sa kuryente at the same time naka open yong gas..thànk you sana replyan nyo po ako
@@marlecayomo8876 Hi Marle, yes po kailangan naka plug siya lagi kasi electric ignition po ito, pero gas po ang gamit sa pagluluto, check niyo po sa other video para sa ibang tutorial po. Thanks
Sir, di po pwede gamitin sa gas stove ung oven.
I purchased y'day. Ayoko magbasa sa manual..this video really helps me.. thanks po
Thank you for sharing on how to use this kind of Gas Range kuya. 😊
Hi Renelyn, your welcome po, thanks for visiting the video
Salamat po sa demo maliwanag super helpful.
Thank you for sharing this video
Ang ganda po ng paliwanag nyo, ganun pala ang tamang paggamit. Salamat sir
very informative thank for this video
Galing mo magpaliwanag kuya. Thank you! ❤
Good job kuya👏👏... clear explanation
Thank you po sir sa malinaw at maayos Kung paano gamitin un fabriano gas range. Stay safe po...
Hi Federico, thank you.
Thank you for this video! Super helpful. The manual of the unit is very confusing.
Kpupurchase q lng poh netong unit ...matte black fabriano....nd d q mgets ung manual..so big help poh etong video nyo....malinaw nd naintindihan q....slamat poh....
Hi brian, thanks for viewing the video.
Wow..thank you po.. mas naiintundihan ko na paano gamitin.. ganito din po kasi kinuha ko.. last July . 😊
Paki check niyo po itong video para sa mga bagong model, kung ang unit niyo ay may deflector na kasama, ruclips.net/video/ttQg9lAvCP8/видео.html
Oks din kuya haha, halos 2yrs na oven namin na di nagagamit. Salamat!
Hi Emman, thanks for visiting the video.
New user of fabriano gas ranges ka bibili ko lng po nung linggo at nagustuhan naming pamilya will recommend for our family this brand.
Hi Winnie, thanks for visiting the video.
Thank you so much po!
Gdam. Hi po sir nakabili na po ko un 1st week Ng Dec...many thanks
Okay pa po ang lights nyu sir? Ang sa amin hindi na mag on
@@dermamatuguina3518 okay nmn po sir pinalitan pero di parte ng warranty....thanks po
Done subscribe po.. buti talaga nag search ako.. kubg hindi ewan ko nalang.. GODBLESS
Thank you po.
Hello po new subscriber din po, sana po mag tutorial din po kayo ng mga iba pang appliances,like sa pagbili ng Airconditioning Trade,appliances trade,plumbing Trade, heat trade,electrical trade, at iba pang item na matuttuto po kmi,thank you so much 😊
Sir mabuti pa Po kau naipaliwanag nio halos laht Ng kailangan gawin sa bagong bili...dun sa binilhan ko..Mali Ang turo..kawawa nmn Yung bibili Kung naniwla agad sa knya..mabuti nlng Po nag search muna ako...Kay'a salamat Po talaga..malaking tulong Po..God Bless Po!🙏
Hi cherovi, yan po bang nabili mo may kasamang metal sheet yong kulay itim po? kung wala dapat sarado po ang oven kapag nag grill kayo, pero kung mayron, ganito po ang paglagay: ruclips.net/video/ttQg9lAvCP8/видео.html . thanks
Wla Po sir..thanks po
Thank you po
Thank u po,kahit papano alam q n😂
Panalo boss slamt po malking tulong po sa amin🥰😇 godbless boos
Big help po ty
Hi Ria, thanks for visiting my video.
pwede ba gamitin ng sabay ang oven at stove?
Pwd pow ba isaksak yan maski sa extension cord lng..tnx pow
Di mo Po nabanggit pg nag brown out pano gamitin or sindihan Yan pra mkaluto.thanks
Hello, we just bought the same oven po.
Sorry po pero yung pag ignite po ng burner, mas madali kapag pinihit muna yung knob counterclockwise to High then push the igniter once. Umaapoy sha kaagad. Para kc na sstress yung igniter kpag long press muna sha bago yung knob. 😆 Siguro yung salesman sa pinagbilhan namin nanuod lang din ng tutorial sa inyo kc ganyan yung tinuro sa amin. Napatunayan ko lang kc huli na nung binasa ko yung manual na tama pala yung sinabi ko na huli dapat yung igniter pinupush at once lang. Not holding it for too long. isang pitik lang dapat.
Pero other than that. Wala akong masabi. Salamat po sa video.
Yes po, pwede naman yan na mauna knob bago ignition, basta importante lang hindi matagal yong pag pihit mo ng knob, hindi lang kasi safe lalo na kung matagal mo mapihit ang knob at marami ng gas ang lumabas sa burner, pwede po itong mag liyab kagad. Thanks
Ah okay po. Dapat rin mabilisan. Thank you
Timer for oven
Hi po sir. Thanks po sa clear explanation. My branch po ba sa tarlac?
Hi Happylee, visit niyo lang po store ng kservico, mayron sila stock nito, thanks
Hello po sir ask ko lng po kung normal lng po ba mag heat yung buttons nyaa kapag ginagamit
Pano pag mag grill ng beef... Ilang minutes ba. Automatic ba sya mag stop? Ganyan yung nabili ko fabriano black...
Hi ask ko lang po my C or F conversion for baking
Hello Rikka, hindi po malinaw sa akin ang tanong mo, yes po may conversion naman po online from Celsius to Fahrenheit, pero kung tinatanong mo kung anong gamit ng temp. nito, Celsius po ang gamit ng fabriano gas range, sana nakatulong sayo. Thanks
Hello po , ganyan din po oven ko kakabili lang po, nagbake po ako tapos natuluan po ng oil yung tray po ng oven ,ask ko lang po bakit po kaya nagtuklap yung pintura ng tray doon po sa part ng natuluan ng oil ? MARAMING SALAMAT PO
Ganitong ganito yung gas range na nabili namin.Nahihirapan lang po ako sa temp.paano pp kaya maging stable? Saka pwede po ba magroast dito ng chicken?thanks po ulit sa video.More tutorial pls sa gas range model na to.Thanks!
Wala siyang accessories for roasting, pero pwede kayo mag roast dahil mayron itong grill function, babaliktarin nyo nga lang, thanks
What is the use of the right button sir?
Right button is for igniter, left button is for oven light. Thanks
hello po! I have a concern. same model po yung sa amin and yung glass lid po niya is tinatanggal ko po siya mga twice a week para hugasan then kahapon po nung binalik ko na siya, ang hirap na niya po i-down kasi natatanggal po talaga siya pag i-down ko. ano pong pwede ko gawin?
Hi kuya. Ano po pwde gwin pg prang napundi n ang ilaw..san po nakkabili nito at paano alisin tnx po
Pwede po ba pag sabayin ang pag luto ng pag kain at pag luto sa oven?
Yes po pwede. Thanks
Boss, ask ko lang kung pwedeng gamitan ng socket yung plug?
Hello Mart Anne, yes ok lang po na gamitan niyo ng adaptor kung hindi tatlo yong butas ng saksakan niyo po. Thanks
E2 ung nabili q at hnd q alam pano gamitin ung oven😂 taz bt wla ung pantusok xa manok😂
yung pinaka ilalim niyan parang drowel oano bayan gamitin
Sir ung Isang burner sa itaas ngn kahit nka full na pra sa apoy hndi parin lumalaki, paano po linisin?thank you
wala na po ba pwede ihina yung oven?or adjuster bukod sa knob? nasa low lang pero naabot pa rin sa 250 degrees yung temperature.
Bumili ka ng oven thermometer para makuha mo tamang temp. Thanks ruclips.net/video/ttQg9lAvCP8/видео.html
Kabibili lang namin ng ganitong oven..mdyo hesitant ako sa manual na temperature..
Hi Emcris, yes po manual lang ang temperature ng ganitong model, may mga model naman po na with temp. knob and timer po. Thank you
Ano po bang mas mgnda, stainless or ung matte? Hndi po ba mattuklap ung matte? Thanks in advance po
Hi Ana Maria, kung pang matagalan po, dapat stainless ang bilhin niyo, kasi ang matte black kapag medyo matagal na natutuklap po, lalo na king hindi linisan pagkatapos gamitin. Thanks
Hi sir ask lng po bukod po sa saksakan kailangan din po Ng gas para magmit Ang oven
Hi Rengie, ang gamit po ng oven is gas, yong electric po is for igniter and light only. Sana nakatulong sayo. Thanks
Sir tanong ko lang po diba magffalied yung color black nya s ibabaw?
Kailangan lang po linisan lagi at huwag pabayaan na basa para hindi mag iba ang kulay, gumamit lamang ng malinis na basahan huwag punasan ng mga liquid detergent. Thanks
Good eve Sir.ask ko lang po kung pwede itabi lpg gas sa gas range.thank you
Hi Christina, yes ok lang po na nasa tabi or likod ang LPG tank ng gas range mo. Thanks
Thank you Sir.
Hello po safe pob n sabay ng gas at s electric 1st time klng po gamitin. 1 yr n poh skn 2 dhl d q po kaya gamitin
Hi Charlene, gas lang naman po ang gamit nito, wla namang electric yan maliban sa igniter, ano pong ibig mong sabihin na sabay ang gas at electric? Thanks
kahit anong klaseng hose pra sa LPG pwde d2?
Yes po, basta ang importante fit sa regulator. Thanks
Hi po nagro rotate po ba ang roteserie nya pag nag ihaw example ng chicken? Thanks
Hello Myra, kulay black po yang gas range niyo?kasi wala pong rotisserie ang ganitong model, ang mayron po is mga stainless steel na model po. Thanks
Hello sir ano po yung parang buhok ng kulay dilaw or parang cotton na nakikita ko sa oven at ano po ang gamit non.thanks
Hi po. After po ba gamitin ang igniter pwede na po ba iunplug from electric connection? Thanks.
Hello Lorie, pwede naman po, pero hindi na advisable na tanggalin mo pa sa saksakan at hindi naman mag cost ng kuryente po yan, kadalasan po kasi yan ang magiging cause ng pag spark ng outlet kapag bunot saksak po. Thanks
Hello sir. Pano po kaya macontrol ang proper temperature ng oven?..halimbawa po na 180degress lang ang need for baking..kahit po kasi nakalow fire lang nag iincrease po ang temperature up to maximum..
Bili kayo ng external oven thermometer po mura lang sa shopee yon nasa 120 pesos lang or less depende sa klase. Thanks
Hi sir ask ko lang po if dapat ba lagi nakasaksak ang plug or pedeng tanggalin at isasaksak nalang ulit pag gagamitin?
Hello Tasic, pwede din po tanggalin sa saksakan, pero kahit nka plug lang po lagi, safe naman yan kasi naka design talaga yan na electric ignition. Pwede kasi mag spark or lumuwag ang outlet kapag bunot at saksak lagi. Thanks
Thank u po for sharing...san po makakabili nyan?at hm po?
Hi Joana Mae, 12,995 po ang SRP nito, saan po ang area niyo? Thanks
@@jonelynechannel6591 Valenzuela po
@@joanamaeagustin8974 Sa kservico Valenzuela po mayron niyan. Thanks
@@jonelynechannel6591 thank u po sir!!!👌🏼👌🏼👌🏼
hello po pwde po ba extention ang gamitin na saksakan ng range
Yes po. Thanks
Sir... kailangan po ba lagi nakasaksak ang igniter...
Yes po, dapat naka plug lang lagi at safe naman yan at hindi rin mag consume ng current yan. Thanks
Pwede bang sabay taas at baba? Sa rotisserie ba taas lng may apoy o sabay taas at baba.
Kung black color yang unit mo, hindi pwede ang sabay, either taas or baba lang, pero may model na pwede ang sabay, check niyo dito. ruclips.net/video/qpsC496OqII/видео.html
okay lng po ba ilagay ito sa location na nauulanan konti?, o talgang dry space po? Salamat po sa sagot.
Hindi po pwede sa nababasa po, dapat sa loob ng bahay po. Thanks
paki explain nga po sir pag gazul ang gamit namin hindi nag auto ignite kailangan pa bang isaksak sa kuryente sir thank you😊
Hi Jeric, hindi nyo po yata pinanood at pinakinggan ang tutorial, kasi ang tanong mo ay nasa video ang sagot. thanks
sir/mam wala po bang ilaw pg ng ooven n po ang Fabriano?
Mayron po, pindutin niyo yang push button para sa ilaw, dapat po naka plug sa electric. Thanks
Hi Sir tanong ko lang po kung pupwede ba sabay gamitin ang oven at burner? Takot po ako pagsabayin Sir eh. Hope to receive your reply. Thank you 😊
Yes po, pwede sabay yan
Thanks
Hello po sir. Ask ko lng po if pwede po ba gamitin ang kuryente lng n pagluto jan kahit wala ung tank ng gas?
Hindi po, gas lang ang gamit para sa model na yan, mayron namang model na electric ang gamit. Thanks
Hi po. Ask lang po ako ng advice. Kasi kakabili ko lang po ng ganto for nanay. Kaya lang yung sa isang electic plate pag mainit na bigla na lang tumatalsik yung switch knob. Ano po kaya inig sabihin nun? Baka kasi serious case pala or medyo di lang maganda pagkakabit ng switch knob?
Hello Bea, anong model po yang gas range mo? Kasi itong model na nakita mo ay wala naman itong electric plate. Thanks
Pano po gamitin ung pggrill ng manok or baboy..oven namin my ihawan po.brand fabriano
Check niyo po sa channel yong model ng gas range niyo po, halos nandiyan naman po yong model ng mga fabriano, sundan niyo lang po yong tutorial. Thanks
Hello po new subscriber here.. wanna ask something lang po.. If pwede po bang tanggalin ung electric pag nakapagsendi kana??
Pwede naman po, pero hindi na advisable na tanggalin pa sa saksakan, safe naman yan na naka plug lang lagi at hindi naman yan mag consume ng kuryente. Thanks
ask lang po yong burner ba gasul ang gamit nya? yong electric pang ignite lang?... tnx
Yes po
Hello po sir,,,ask ko lng po sna kung ano pwede Gawin sa pihitan Ng oven...mtgal ko n po sya ginagmit,,,ngaun po kapag inoopen ko n sya Ng open Naman po..pero kapag bibitawan ko n ung pihitan...namamatay na po
Ngayon lang po nagka ganyan na namamatay yong apoy ng oven? Thanks
question lng sir last year ko p binili yung gas range nmin n same brand dn,but now ko plng mtry.yung oven ginawa ko nmn yung nsa tutorial but everytime n bibitawan ko n yung knob nya namamatay dn yung apoy ng oven kht more than 15sec.ko sya hawak bgo bitawan,gnun po b tlaga yun?
Hello Irish, try niyo po lagi 10times or more lalo na matagal mong hindi ginamit ang oven, kailangan kasi ma detect ng safety device na may apoy o init para hindi nito i cut ang gas valve. Thanks
Hello.. Ask ko lang kasi d gumagana yong oven at grill kapag gasul ang ginagamit.. D ko pa natry sa kuryente pero since gasul ginagamit namin kaya yun triny ko.. Ganyan din mismo yong samin e.
Hindi po gumagana sa electric yan at gasul talaga ang gamit ng oven at grill, check niyo po other videos para malaman kung paano gamitin lalo na yong igniter niya. Thanks
Pwede mo ba di buksan yung light habang nag babake ,bubuksan ko lang po pag malapit na maluto ?
Yes pwede po, at pwede din naman na naka bukas lang lagi. Thanks
Question po... Un metal plate po ba ibabaw ng burner for oven for baking eh dapat na nakalagay pag nagbibake? Or dapat nakatanggal xa na kitang kita un apoy? Ty po.
Or ipinakita nyo lng pano pagtanggal.... D ko po kinabit nun nag bake ako tas mdyo sunog kinalabasan nun banana cake na binake ko. Salamat po
@@agnespascual5500 Hindi po tinatanggal yon panoorin niyo po ng buo ang video at pakinggan ang mga sinasabi, pinakita ko lang para alam na diyan galing ang apoy. Thanks
@@jonelynechannel6591 salamat ng marami sa pagsagot. First time ko po kc gnamit knna eh my tumunog na prang pumuputok mahina lng nmn at natakot ako hehe kya tinanggal ko nlng. Tnx po
Maganda po ba tong brand and unit nato? Pang mtagaln din ba?
Yes po 100% made in Europe po ang fabriano. Thanks
sir question. halimbawa lasagna ano apoy gagamitin ilalim or taas? at sa lechon manok ano apoy gagamitin taas or ilalim?
For baking, cake, lasagna, tinapay,cookies dapat sa baba ang apoy, for grilling roasting dapat sa taas ang apoy. Thanks
Sir good day! Normal po ba na kusang tumitigil yung griller na umiikot sa oven po o may sira na po ba?
Hi Alger, hindi po tumitigil ang rotisserie ng griller, unless pindutin niyo po yong push button sa may left side po to on/off. Thanks
Panu linisin yung oven
Hi sir ask ko lang pano ba yan e open sa ibaba kong lilinisin na
Hello Josephine, panoorin niyo po ng buo ang video, nandiyan po ang sagot sa tanong mo, tinuturo diyan kung paano buksan yong ilalim. Thanks
Sirrrr ask ko nga if anung bulf pwd ipang replace sa ilaw ? Napundi kse agad ung amin
May nabibili niyan sa labas, dalhin mo lang sample. Thanks
@@jonelynechannel6591 pinipihit lng ba sir para maalis ung cover ng light?
hi sir ganito po gamit kung gas range matte black kaso lagpas 1 year ko po bago nabilihan ng gas, tpus now n nabilihan ko na po napansin ko may mga lumalabas na parang yellow na cotton sa likod ska dun sa griller aalisin ko po ba yun o hindi na,?
Hello Verdz, huwag niyo po galawin, dapat ipa check niyo po sa technician, para malaman kung bakit lumabas yong insolation foam, ireport niyo po kung saan mo nabili yong unit para matingnan ng technician. Thanks
Good evening sir sak ko lng po , anu pong possible n dahilna ng pag usok ng oven pga grill nag gamit.
Wala usok dapat kapag maliban kung may mga naiwan na pagkain at nasunog. Thanks
I was planning to buy one pero Im confused between this Model and Whitewesting. Alin po sa dalawa ang mas madali gamitin?
Hi Angeline, fabriano maganda dahil made in Europe at madali lang i operate, check niyo po yong other videos sa channel, kasi maraming model po itong fabriano. Thanks
@@jonelynechannel6591 ganun po ba. ganyang model din po yung nakita ko.. Sa DES marketing dito samin... around 12k po yung srp nya.
@@jonelynechannel6591 sir ano nga pong model nito?
@@angelinedigal3662 nasa pinaka unang portion ng video ang model po. Thanks
Hello po kapag nag bake po ba kelangan ba nakasaksak yong sa kuryente at the same time open yong gas..pls.reply po
Hi Marle, for igniter at ilaw lang po ang gamit ng electric, pero ang nagpapaluto po is gas, check niyo po other videos para sa karagdagang kaalaman. Thanks
Ok Lang po bah mgluto sa stove nya while ngbabake po sa baba? Tanong Lang bago Pa po kac nkabili nito. 😊
Salamat po
Yes po
Paano po nd ngspark ang lighter ng 1 burner saan po b pwd mkpgpaayos, 1month q p lng bnili s warehouse
Nasa resibo po yong contact number ng service center, pwede niyo itawag para mag schedule sila ng punta sa bahay niyo po. Thanks
Hello po. Kamusta na po fabriano nyo po ngayon?
Hello po. Pag gagawa po ako ng lechon belly ano po dapat kong gamitin sa un nasa taas na apoy or un baba na apoy? Thanks sa sasagot. God bless!
Hi Arron, kapag grill po dapat sa taas, yong baba po for baking naman, pwede mo gamitin ang baba din kapag nag grill pero matagal po maluto. Thanks
Gudev po Sir saan po mgbabase kc yung fabriano black WLA po syang timer d tulad ng iba..ano po ang substitute pra s timer
Pwede kayo gumamit ng cellphone po para sa timer, yong mga 60cm po kasi ang may timer. Thanks
Hm
Hindi b pwede mag sabay ang grill saka oven
Hi Frank, hindi pwede na sabay naka bukas ang oven at grill, oven is for baking ang grill is for roasting. Thank you
sir pag nka plug na po pla xa automatic po na aapoy xa ?pag di nman po sinaksak gagamitan pa po ng lighter?
so dpat pla sir hindi na po xa tatangalin sa saksak...isasarado na lng po ba ung sa lpg?
@@juliebongon3871 huwag na po tanggalin sa saksakan, at i off nalang ang tangke kapag hindi ginagamit, pakinggan niyo po ang tutorial marami diyan sa channel po. Thanks
Fabriano gamit ko sir cash ung pag bili ko pero ung nag ka problem ang oven ko Di nila makayang ausin nai is ako dapat may warranty pa dipa nag 1 Yr sa amin
May pumunta na po na service center sa inyo? Impossible po na hindi nila magawa kung service center ng fabriano ang pumunta sa inyo, ano po ba ang problem ng oven?
Hi Sir good afternoon. Ask ko lng po pwede po bng sabay gamiting ung apoy sa oven (ung taas at baba po)?
Hello Sean, since gas ito, hindi pwede na sabay ang oven at grill function, ang pwede po na sabay is yong electric oven, pero pwede mo gamitin ang oven at ang mga burner sa taas ng sabay. Thanks
@@jonelynechannel6591 Oks po. Thank you sir. Sir sorry po last question na po. Pano po pla if ever sir na masira or need po ng technician. Meron po bng service center ang fabriano?
Yes po, ireport niyo lang sa tindahan kung saan niyo nabili yong unit, para sila makipag coordinate sa service center ng supplier. Thanks
Sir saan po kayo ako bibili ng bulb bah yun sa oven po kasi hindi na nag light?
Sa service center po pwede bilhin ang bulb or pwede sa dealer kung saan mo nabili ang unit report mo lang sa kanila para i coordinate nila sa supplier po. Thanks
Tanung lang po saan pwede bumili or mag papalit ng ilaw sa oven??? Salamat po!.
Tanggalin niyo lang yong ilaw at dalhin sa hardware para makita ang sample or sa Pasig main warehouse po. Thanks
Saan pong store yan or warehouse?
GE appliances - 103 Mercedes Avenue brgy. San Miguel Pasig
Sir pano po gamitin Yung sa tip grill, Kaka bili ko lang po di po tumutuloy Yung apoy sa top grill.
Hold mo muna yong knob 10 to 15 seconds bago bitawan para hindi mamatay yong apoy. Thanks
@@jonelynechannel6591 Ganon na po ginawa namin sir. ayaw parin po. di po nag tatagal ung apoy.
@@shielafabellon7950 ulitin niyo lang po para umiinit, kailangan kasi ma detect ng safety device na may poy para hindi mag cut off yong gas. Thanks
Kuya pademo naman ako paano gamitin ung bonston bay na. Walang termostat
Hi Mary Rose, hindi po ako familiar sa mga knobs ng ganyang brand po. thanks