Daluyong ng Protesta

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 18 сен 2024
  • Daluyong ng Protesta (2020)
    Likha ng #sinesanyata
    (May available subtitles kung nais.)
    Sukdulan na ang pag-atake ng pasistang rehimen ng diktador na si Duterte sa sambayanang Filipino. Wala itong humpay sa patuloy na pambubusabos sa hanay ng mga nasa kilusang mapagpalaya sa partikular at sa kabuuan ng mamamayan sa pangkalahatan.
    Bukod sa walang malinaw na tugon ang reaksyonaryong rehimen sa patuloy na paglala ng kaso ng COVID 19 liban sa pagpapatuloy ng taktikang militaristiko ay sablay at inutil din ang tugon nito sa mga mamamayang Filipinong sinalanta ng kalamidad. Patunay ito na ang kasalukuyang rehimen ay walang malasakit sa kanyang mamamayan bukod pansariling interes nito at ang pagbubulsa ng kaban ng bayan sa ngalan ng pandemya at sakuna.
    Wala ding humpay ang pasistang estado sa kanilang taktikang "red baiting" upang patuloy na selyuhan ang pinaiiral nilang kultura ng pananakot at kawalang pananagutan.
    Patuloy ang ratsada ng rehimeng Duterte laban sa mga pwersa ng kilusang mapagpalaya. Nakasentro ang rehimeng Duterte sa malawakang kampanya nito upang walang humpay na dahasin, supilin, at paslangin ng walang pakundangan ang mga mamamayang bahagi ng mga organisasyong nagtataguyod ng karapatang pantao at panlipunang pagbabago.
    Ganito katakot ang pasistang rehimen sa mamamayang Filipino. Ang hindi alintana ng pasistang estado ay hindi nito kailanman masusupil ang nagkakaisang tnig at pagkilos ng mamamayan upang maitaguyod ang isang lipunang malaya at may kalayaan. Hindi kailanman matatakot ng sinomang tirano kasama ng kanyang mga berdugo ang hanay ng mga nasa pwersa ng pagbabago sapagkat hanggat may inhustisya, kahirapan, at paghahari ng iilan ay mayroon at mayroong magiging mga bagong sibol na anak ng bayan.
    Ang Daluyong ng Protesta ay bahagi ng serye ng mga kagyat na likha ng Sine Sanyata. Sa loob ng bidyo na ito, naipapamalas na lagi't laging nagpapatuloy ang himagsikan hanggat may nananaig na tunggalian sa lipunan.
    Ang bidyo ding ito ay alay namin sa Ama ng Himagsikang Filipino na si Gat Andres Bonifacio. Alay din namin ito sa lahat ng mamamayang nag-alay ng buhay upang patuloy na maisulong ang tunay, makabayan, at rebolusyonaryong pagbabago ng lipunang Filipino.
    Tandaang lagi't laging makatwirang maghimagsik!
    Makibaka, Huwag Matakot!
    Taas kamaong pagpupugay sa lahat ng Anak ng Bayan!
    Oust Duterte!
    #OustDuterte
    #bonifacioday
    #covid

Комментарии •