Panalangin: Mahal na Poong Nuestro Padre Jesus Nazareno • Tagalog Prayer with Voice

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 10 сен 2024
  • PANALANGIN PARA SA MAHAL NA POONG JESUS NAZARENO
    Tagalog Prayer with Voice / Audio Narration
    ✝️ Nobena, Panalangin at Pagdedebosyon sa Mahal na Poong Nazareno • Nuestro Padre Jesus Na...
    Katamis-tamisan naming Mahal na Poong Jesus Nazareno
    Diyos at manunubos ko,
    na naglalakbay sa Kalbaryong
    pasan-pasan mo ang krus
    na pagpapakuan sa iyo.
    Akong abang makasalanan,
    na naging dahilan
    ng iyong di-masayod na hirap
    ay nagpupuri sa iyo at nagpapasalamat,
    na bilang maamong Kordero
    ay buong hinahong tinaggap mo
    sa iyong balikat
    ang kahoy ng iyong kamatayan
    upang doon mawakasan
    ang aking mga kasalanan
    at ng sandaigdigan.
    Patawarin mo ako, O butihing Jesus;
    inaamin ko ang aking mga sala
    at ako'y nananalig
    na dahil sa kabutihan mong
    walang hanggan
    ay huhugasan mo ang mga ito
    ng iyong Dugo.
    Iniibig kita ng higit sa lahat,
    ipinangangako ko
    na ako'y magiging matapat
    hanggang sa oras ng aking kamatayan.
    Patnubayan mo ako, Diyos ko,
    ng iyong biyaya at ihatid mo ako
    sa landas ng iyong mga utos
    diyan sa iyong langit na kaharian.
    Amen.
    📖Mula sa Straight From the Heart: Kaagapay sa Pagdarasal (Filipino Edition) ni. Rev. Fr. Mario Jose C. Ladra, 2011.
    Please LIKE, SUBSCRIBE, and SHARE.
    📄 Website: tagalog.awitatp... • www.awitatpapur...
    Awit at Papuri Communications
    Tagalog Catholic Mass Readings • Tagalog Gospel Reading
    🌍 Web: www.awitatpapur...
    🖥 Facebook: / awitatpapuri
    Awit at Papuri Communications is a Philippine-based Catholic new media organization sailing on the digital sea and giving soul to the Internet by making Jesus Christ and His Good News known to Filipinos all over the world. Subscribe to our channel for Tagalog Catholic Mass Readings, Prayers, Novena, Catechism and many more Catholic content!

Комментарии • 130