🔥 LOTUS-300A VS PIXPRO-200A | WELDING MACHINE CHALLENGE!

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 14 окт 2024
  • Waazzz Up mga kabakal, ngayon panibagong challenge na naman ang gagawin natin, Ito naman ang tapatan ng LOTUS-300A versus PIXPRO-200A Welding Machine. Sino kaya mas maganda pag dating sa larangan ng pag hihinang??? Halika panooring Natin.!!!
    #lotus
    #pixpro
    #challenge
    #LotusWeldingMachine
    #PixproWeldingMachine
    #fyp #fypシ #foryourpage #trending #viral
    Welding Machine and Power Tools:
    PIXPRO MMA/TIG 200A: bit.ly/3mNOER0
    PIXPRO Auto-Darkening Helmet: bit.ly/3zjogTZ
    Lotus MMA-300A: bit.ly/3qHTu3e
    WAIT!!!! Before you leave just HIT SHARE, LIKE AND THE SUBSCRIBE BUTTON AND THE NOTIFICATION BELL So you will be notified of all new upcoming videos.
    Thank you and God Bless!
    BUSINESS:
    For Product Promotion, Unboxing, Test, and Reviews
    Contact Us: 📩 fabandweld21@gmail.com
    Be a PATRON: / fabandweld
    LIKE US: / fabandweld2021
    SUBSCRIBE: bit.ly/306X8dG

Комментарии • 240

  • @mixbox2313
    @mixbox2313 2 года назад +3

    iba talaga pag professional ang naag explain.... detalyado... salamat sir, balak ko kasi bumili ng weldiong machine... sana may review din ng pixpro sa tig welding

  • @lilibethfabroquez3153
    @lilibethfabroquez3153 Год назад

    thank u para makapili magandang performance machine

  • @johntuazon6462
    @johntuazon6462 2 года назад +2

    Buti n lng nag pop up tong video n to, may natutunan ako. Thank you po sir for this video.

  • @deonilolumen-yx5tf
    @deonilolumen-yx5tf Год назад

    maraming salamat sir sa demo nyo rgarding jan sa dalawang machine.

  • @limwelcalixtro9123
    @limwelcalixtro9123 2 года назад +1

    Bosing ganyan talaga ang katumbas ng isang unit ng pixpro dalawang lotus 300 amps..salamat sa videos mo boss

  • @alvinm.3277
    @alvinm.3277 11 месяцев назад +2

    boss ano pong difference sa paggamit ng 200a vs 300a? anong mas better? balak ko po kasing bumili for personal use lang sa bahay. salamat.

    • @FabandWeld
      @FabandWeld  11 месяцев назад

      Pinagkaiba lang nila boss ay amperage capacity sa 200A max electrode na pwede mo gamitin ay 3.2mm sa 300A Naman up to 4.0mm Lalo na kapag 7018 kailangan mo mas malakas na amperage depende sa kapal ng bakal na I we-welding mo.

  • @CecilioBudiongan
    @CecilioBudiongan 7 месяцев назад

    Salamat po sir nag tatanung talaga Ako kung anung magandang welding machine salamat sir bibile Kasi po Ako sir salamat po

  • @quintanoferdinando9400
    @quintanoferdinando9400 Год назад +1

    Sir ask klang po kung ano recommended brand ng MIG ARC or MIG TIG ARC na welding machine? Nice video po..

    • @FabandWeld
      @FabandWeld  Год назад +1

      Kung gusto mo po budget wise at pang shop na gamit pang welding ng mga Fabrication Materials meron dyan si Powerhouse yung Evopro Synergic Series may MIG Co2/ MIG Gasless / TIG / MMA na nasa 20K ang price.
      Kung below 10K around 7K meron din GASLESS MIG/TIG/MMA yung Migtech Series. Basta marunong kana sa MIG process boss ok na ok Yan.

    • @quintanoferdinando9400
      @quintanoferdinando9400 Год назад

      Sir, Thank you.. 👍👍👍.Si Powerhouse pba yung kanyang rated power ay OK pba?

  • @tsdj3585
    @tsdj3585 2 года назад +2

    next vid po sana try nyo,din contender vs any inverter machine,mag.umpisa po kayo sa 30 amps

  • @FerdinandMarcos-vy4pe
    @FerdinandMarcos-vy4pe Год назад

    Ask lang sir,,,bibili po kz aq ng welding machine,ask q lng po maliban sa fixpro ano pa po kaya ang magandang welding machine brand,,,,salamat po

  • @edwincofino7534
    @edwincofino7534 24 дня назад +1

    I'm interested how to apply for welder training school sir. Dito hb may welder school in Valenzuela City.. I'm from Valenzuela City..

    • @FabandWeld
      @FabandWeld  23 дня назад

      Meron po mga TESDA School dyan sa Valenzuela City sir, check nyo sa Google map Type TESDA ACCREDITED SCHOOL VALENZUELA CITY, or Visit TESDA WEBSITE and hanapin ang listahan ng mga accredited school.

  • @rheamaecarandang9009
    @rheamaecarandang9009 2 года назад +1

    Ganda talaga ng pixpro, meron dn ako nyan, begay ng tesda,, smoth sya gameten,,,,

  • @Heavyequipmentunit
    @Heavyequipmentunit 12 дней назад

    Sir review ka ng tig weld sa pixpro,

  • @aztigkabai501
    @aztigkabai501 2 года назад +1

    anong magandang klase na inverter sir na ma e recomend mo na matibay gaya nyan salamat

    • @FabandWeld
      @FabandWeld  2 года назад +1

      Pwede sir yung Hyperseries ni Powerhouse halos katapatan nito ni PIXPRO.

    • @aztigkabai501
      @aztigkabai501 2 года назад

      @@FabandWeldkaya ba palitan ng mahabang cord 10 mtrs lang sir diba mag bago ang takbo ng pag hinang salamat

  • @justinepearlcasil3232
    @justinepearlcasil3232 8 месяцев назад

    ano po ba ang mas maganda na welding machine Lotus or Ingco? plss help

  • @juliusserquina6383
    @juliusserquina6383 2 года назад +2

    Sir,pixpro din po gamit ko pero nakita ko po sa user manual is the same po ang set up ng tig at smaw.ang pag kaalam ko po kc sa smaw is DCEP.dapat po bang sundin ko yung nasa manual kung smaw gagamitin ko.?

    • @FabandWeld
      @FabandWeld  2 года назад

      Sa SMAW process pwede ang DCEP at DCEN depende sa gamit mong electrode ex: 6013/7018/6011 pwede sila sa dcep at dcen polarity Pero 6010 DCEP lang. Yung sa PIXPRO mo ok yung sa manual pwedw sundin or follow your knowledge as per standard welding procedure. Kumbaga yung manual ni PIXPro pang formality lang just saying may manual na kasama ang machine pero kung may knowledge ka sa welding equipment you can disrgard that manual. Yung sa Machine ng PIXPRo may yung nakalagay sa icon ng TORCH/ELSCTEODE HOLDER yan ang Negative at yung may icon ng Ground Clamp yun ang Positive para sa TIG polarity kasi yan dahil sa TIG ang polarity ay DCEN.

  • @arjaygarbin3848
    @arjaygarbin3848 2 года назад +1

    Lotus 300 amps din welding machine ko. Pareho nyan gamit nyo.. 50 to 65 amps lang gamit ko sa pag welding ng mga tubular na maninipis... 75 to 85 amps sa gi pipe... 90 to 115 amps sa angle bar at flat bar. 160 to 170 amps pambutas at pamputol ng angle bar, rebar at square bar. E6013 ang welding rod.

    • @FabandWeld
      @FabandWeld  2 года назад

      Ok naman si lotus sa 6013 Electrode pero hirap sa 6010/6011/7018 iba na kasi composition ng mga yan di tulad ni 6013 napaka general ng flux composition nya kaya madalu syang gamitin sa kahit na anong machine.

  • @salvadorgiovanniesales9279
    @salvadorgiovanniesales9279 2 года назад +1

    Thanks for the review. Very technical

  • @vjrperalta6321
    @vjrperalta6321 2 года назад

    salamat for tutorial

  • @yvessalido1718
    @yvessalido1718 7 месяцев назад

    Greenfield po ba nakagamit na po kayo? Ok din pi ba arc

  • @mariocaasi3770
    @mariocaasi3770 2 года назад +1

    Sir saan b makabibili Ng pixpro 300 amp inverter welding machine

  • @tesorla4002
    @tesorla4002 2 года назад +1

    Sir tanong ko lng po kung round bar na no:12 ano po gagamitin n welding rod..salamat po..

    • @FabandWeld
      @FabandWeld  2 года назад

      Pwede dyan kahit 6010/6011/6013/7018 2.4 or 3.2mm Mag depende ka nalang sa presyo at kung ano mas available sa lugar nyo. kadalasan 6013 2.4mm laging available yung tawagin natin Special 6013 ng NIHONWELD.

  • @caronankerwin8714
    @caronankerwin8714 2 года назад +2

    Quality Ang Pixpro KC Pina Biding Yan Ng Tesda ...baka lahat Ng machine nag test Sila ...Yung Lang po salamat

  • @gracemejares7789
    @gracemejares7789 2 года назад +1

    bosss tanong ko lang po, ang cable ba ng lahat ng inverter ahyy pareho lang po?

    • @FabandWeld
      @FabandWeld  2 года назад

      Depende po... kadalasab sa 200A nasa 1x25mm2 kung susundin ng manufacturer yung standard. Sa 300A heavy duty mas malaki nasa 1x35mm2.
      Yung kalimitan na mabibili mong inverter nasa 1x15mm2 lang ang cable size kaya mabilis mag init at maluto ang copper sa loob dahil manipis.
      So kung nakuha mo 1x15mm2 palitan mo nalang ng 1x25mm2 para safe at iwas overheat.

  • @angeljack9750
    @angeljack9750 2 года назад +1

    Salamat lods tagal ko research na nagustohan ko na machine mukhang pixpro na balak Kong bilhin

    • @FabandWeld
      @FabandWeld  2 года назад

      Panalo ka dyan sir TRU-RATED yan meaning kung ano Amperahe ng Electrode yun din ang Set sa Machine, Pero wala ka pong mabibili sa LAZADA or SHOPEE, hanap nalang kayo sa FB Market Place marami mga TESDA Scholar Benibenta yung Nakuha nilang machine mula sa TESDA, kasi ang nabigyan nyang Package ng PIXPRO is TESDA Scholar Batch 2020 NC1/NC2 Pero na release lang ng TESDA last year Sept/October yung kumuha ng NC1 at NC2 Dalawang SET/Package ang Nakuha na Machine, Grinder, Helmet Puro PIXPRO Brand kaya yung nakakuha ng Dalawa Benta nalang yung isang set, yung iba naman dahil sa tagal na release iba na mga work ayaw na mag welding or may nabili nang machine kaya benta narin. Makukuha nyo lang yan ng mura sa mga Scholar ang Bentahan nila ngayon 4500 to 5000 Isang Set na yun Machine, Grinder, Helmet. Pero kahit yung machine lang makuha nyo sa halagang 4500/5000 Panalo parin kayo kasi yang PIXPRO hindi yan tulad sa ibang brand ng Inverter sa market.

  • @amateurboxing4806
    @amateurboxing4806 2 года назад

    ganun din ang lotus 300A arc inverter na bagong bili ko boss, 6013 3.2 matutunaw nya ng maayos sa 130A hindi accurate, medjo may pag sisisi sa pag bili, kaso na bili na.

  • @garryaragon2233
    @garryaragon2233 2 года назад +1

    Sir anon mairerekominda niyo na magandang brand na inverter welding machine...

    • @FabandWeld
      @FabandWeld  2 года назад +1

      Kung hanap mo sir yung 99% Quality Welding Machine meron tayo mga Local brand. NIHONWELD, KORWELD, ELECTROWELD, pero ang presyo nyan medyo may kamahalan. Kung tamang kalidad lang at pasok sa budget mo ito si Powerhouse, Ingco, Pixpro, KYK brand yung output nyan solid at quality din lalo na sanay kana mag welding at gumamit ng ibat ibang klase ng welding machine.

    • @garryaragon2233
      @garryaragon2233 2 года назад

      @@FabandWeld Salamat sir.

  • @mariopepito7769
    @mariopepito7769 2 года назад +5

    Ang demo na Pixpro may two knob na pang adjust, ang Lotus na demo one knob lang. Baka ang 2knob na Pixpro ay mayroon pang adjust sa Arc force pero ang Lotus na 1knob ay walang pang adjust sa Arc Force kaya palagi nadikit pag ginagamit kahit taasan ang Current Force.

    • @FabandWeld
      @FabandWeld  2 года назад +8

      Knob po yun para sa Supply ng ARGON dahil ang PIXPRO dual function STICK at TIG walang kinalaman sa output ng STICK welding kaya pareho natin ginamit yung function nya sa STICK at sa LOTUS, just imagine yung LOTUS 350A samantalang si PIXPRO 200A lang pero hindi rin yung ang pinag basehan natin kung ang WELDING CAPABILITY NYA SA PAREHONG SETTINGs ng dalawang machine. if you been welding for a while and focus ng only how to weld but also how the functionality of different machine in the market mas mauunawaan natin kung paano natin malalaman kung anong machine ang maganda hindi sa ganda ng design o mura o mahal at brand kundi sa kanyang ouput.

    • @michaelpascual7681
      @michaelpascual7681 2 года назад +2

      Sir mas maganda ba Ang combo welding machine or single lmg

    • @mannyhegan4139
      @mannyhegan4139 2 года назад

      Magkano Kya pixpro

    • @dionisiotalidano9199
      @dionisiotalidano9199 Год назад

      Maaari yan sir

    • @rexbryanbinay699
      @rexbryanbinay699 10 месяцев назад

      Sir sa tig at mig welding alin ang pinakamaganda gamitin by ranking? Powercraft, powerhouse, lotus, fixpro, daiden, mailtank, hitbox, hitronic

  • @marvinbaldemor4312
    @marvinbaldemor4312 8 месяцев назад

    Sir matanong ko lang po saan po pwede makabili po ng PIXPro? Sana mapansin niyo po itong tanong ko po sir salamat po

  • @garryfrancisco1577
    @garryfrancisco1577 Год назад

    may panlaban ako s pixpro mu.. c POWER CRAFT ko....

  • @chimeragaming56
    @chimeragaming56 2 года назад

    quality pala talaga ang product ng pixpro. graduate ako ng tesda at pixpro ang bigay nilang starter toolkit at may ISO tag pa. kaya napa youtube ako ng mga reviews. quality pala talaga thanks sa review na ito sir.

  • @rickygania4686
    @rickygania4686 Год назад

    Good pm po sir nada magkano naman po kaya ang presyo ng fix pro

  • @joeybonillo3174
    @joeybonillo3174 2 года назад +1

    Bakit kasi ngayon ko lang nakilala si pixpro kung kelang may ingco nako.. Anyway., nice review boss. Napaka ganda pala talaga ng pixpro. Tapos meron pa syang secret sa loob. Heheh!😁👍

    • @dharylovey
      @dharylovey 2 года назад +1

      Meron ako nito bigay sa tesda 😁

  • @romelgargallo8179
    @romelgargallo8179 2 года назад +1

    Sir ask ko lng ung welding machine ko kc n nabili sa raon n kawasaki kapag nagweld ako kahit anung adjust ko nang amperahe ung beads nya is parang hilaw hondi po sya dumidikit parand hilaw?

    • @FabandWeld
      @FabandWeld  2 года назад +1

      Anong unit/model sir? Anong electrode nasubukan nyo? 6013 2.4mm Special ganun din ba parang umuupo lang sa ibabaw ng bakal?

    • @diegorosana1240
      @diegorosana1240 9 месяцев назад

      Fake po kc yan makita hindi japan..made in china lng

  • @RMQ23
    @RMQ23 9 месяцев назад

    saan po nabibili yan Pixpro

  • @seikatsu2991
    @seikatsu2991 2 года назад +1

    Sir magandang araw po pwde magtanong saan po kaya may smaw nc2 scholarship program ngayon sa binan

    • @FabandWeld
      @FabandWeld  2 года назад +1

      Check nyo po sa JACOBO-TESDA sa may Barangay San. Antonio Malapit sa Lumang Municipal Health Office. Ask nyo lang mga Trycicle Driver Alam nila yun lahat pag sinabe mong TESDA-JACOBO. Then kung taga Santa. Rosa kayo sa Santa. Rosa Manpower - TESDA Tabi ng Baragay Hall at Health Center Tapat ng PUP Santa. Rosa

  • @nekramvlog5719
    @nekramvlog5719 2 года назад +1

    Sir ? Maganda rin ba ang pixpro na grinder at circular ?.

    • @FabandWeld
      @FabandWeld  2 года назад

      Im not sure sa Circular kung meron sila pero sa Grinder uu ok naman at pino naman ang tunog hindi rin mainit ang gear head habang ginagamit. yung ibang grinder kasi maingay na parang makalansing tapos mainit agad yung parteng gear cap eh.

    • @nekramvlog5719
      @nekramvlog5719 2 года назад

      @@FabandWeld dami kasi tools ko na pixpro . From tesda . Ganda din ng handrill .hindi maingay

    • @charliedelgado3186
      @charliedelgado3186 2 года назад

      @@nekramvlog5719 piro omiinet.

  • @officialtv2915
    @officialtv2915 2 года назад

    mas ok pixpro sir kaysa lotus humihinto malamang sa hilaw ang weld niya hirap tunawin stick weld na.6011 niya malamang hindi magdidikit ung bakal na iweweld,.better si pixpro maganda video mo sir accurate siya

  • @jeffcanoy1398
    @jeffcanoy1398 2 года назад +1

    Ireview nyo naman po ung ingco 320A kung true rated po ba un gamitin thanks po..

    • @FabandWeld
      @FabandWeld  2 года назад +3

      Hindi sila True Rated plus 10/15/20 Amps ka sa Settings lagi pag gamit ng mga Inverter Welding machine Tulad ng INGCO, DAIDEN, KAWASAKI, and Others Like Powerhouse Plus 10/15 Amps sya pero dahil maganda ang build ng Components nya sa Loob like INGCO they can Weld using Electrode na ginagamit ng mga Welder natin dito sa pinas like 6010,6011,6013,7018,7012,7024 kaya nya yan with 10/15/Compensation of the Amperage. Si Powerhouse kaya nya yan mga Electrode nayan ng walang ARC Discrepancy or nag ko Collapse ang Arc habang nag we-Welding kay yung tipong pa patay patay ang ARC ng Electrode mo kahit sanay kang mag weld at tama ang Disctance ng Rod mo sa Metal. Isa pa yan sa Sina- Suggest ko sa Powerhouse to Develop TRUE RATED WELDING MACHINE but like Well known brand dito sa PINAS na KORWELD, NIHON, ELECTROWELD, or MILLER, ESSAB, LINCOLN, mga TRUE RATED yan meaning kung 100A settings mo 100A din ibabato sayo ng current supply. PERO ang PRESYO Malamang hindi na ma AFFORD ng Ordinaryong Welder kaya kung pag aaralan nyo kung bakit nasa Worth 5K to 10K lang mga presyo ng Welding Machine dahil yan sa Output. Samin naman na mga Welder hindi masyadong issue yun kasi we can compensate the output ng amperahe sabi ko nga need mo lang mag add ng 10/15/20A para ma reach mo yung Amperage requirements ng Electrode para maayos kang makapag welding.

    • @jeffcanoy1398
      @jeffcanoy1398 2 года назад

      @@FabandWeld ah ganun pla thanks po

  • @johnchristopherdavid4151
    @johnchristopherdavid4151 2 года назад +2

    Kabakal. Kakabili ko lang knina ng pixpro dto sa bataan. Baka pwede nyo po itry sa 7018 na rod. At pati sa tig nya.. Nabili ko. 5500.ksma mask. Ok na kesa sa iba.

    • @FabandWeld
      @FabandWeld  2 года назад

      OK po yan sir... Kayo na mismo mag test para kayo mismo malaman nyo na ok ang unit. Gamit kayo ng Electrode 6013 2.4mm set Amps to 40A up to 90A then 7018 3.2mm Set Amps to 100 up to 150A and 6011 3.2mm set the Amps 75A up to 125A . Lahat yan try nyo at kapag sa mababang amps palang nalapag weld na sya meaning Ok at tama ang out put ng machine.

    • @johnchristopherdavid4151
      @johnchristopherdavid4151 2 года назад

      @@FabandWeld wla pa akong. Boss. Baka dyan. Meron. Para makita lahat ng may pixpro

  • @geraldgonzagasantos7447
    @geraldgonzagasantos7447 Год назад +1

    Sir saan makakabili ng pixpro balak ko kasi mag tesda

    • @FabandWeld
      @FabandWeld  Год назад

      Kung mag aral ka po sa TESDA under Scholarship Prgram meron po kayong matatanggap na TOOLKIT yang PIXPRO isang Machine, Grinder, at Autodarkening Helmet.
      Mag inquire po kayo sa malapit ng TESDA Training School sa Lugar nyo or sa mga Private Training Center at kunin nyo ay Scholarship para may kasama ng Toolkit.
      Kung bibili naman po kayo mag check kayo sa FB market place marami nag bebenta nyan na mga dating scholar ng TESDA karamihan yung mga nakakuha ng dalawang unit for NC1 at NC2.
      Ang presyuhan nyan ay nasa 4500/5000 po. Make sure na malapit sa lugar nyo ang ang bebenta para ma check nyo muna ang items bago nyo bilhin.

  • @rhemzcabaltera8794
    @rhemzcabaltera8794 Год назад +1

    May fix pro po ako bigay ng tesda . Magkano kaya price nyan kpg benebenta

    • @FabandWeld
      @FabandWeld  Год назад

      nasa 4500 to 5000 Kapag Machine lang pero kapag kasama yung Buong Toolkit na Machine/Grinder/Helmet Pwede mo benta 7K to 8L. Kasi po sa Market Machine palang nasa 8K to 12K yung ganyan TIG/MMA na Welding machine. Depende po sa inyo magkano nyo Gusto Ibenta.

  • @bucksworks2278
    @bucksworks2278 2 года назад +1

    Boss 2in 1 ba yang pixpro salamat sa sagot in advance God bless!

    • @FabandWeld
      @FabandWeld  2 года назад +1

      Yes boss pang SMAW/GTAW kompleto din mga gamit nyan.

  • @jerelportugal7397
    @jerelportugal7397 2 года назад +1

    Ganyan din po ba matatanggap ko ?tapos din po kc ako sa tesda TVET batch19/20 ng smaw nc1,nc2.salamat po

    • @FabandWeld
      @FabandWeld  2 года назад +1

      Siguro po kasi yan po ang kinuhang supply ng TESDA batch 2020 at 2021

    • @jerelportugal7397
      @jerelportugal7397 2 года назад

      @@FabandWeld tnx

  • @jaimechua3490
    @jaimechua3490 Год назад +1

    Sir, sana gumawa ka rin ng video tungkol sa fake na bosch vs sa ibang brand.

    • @FabandWeld
      @FabandWeld  Год назад

      Early next year po pag dating ko sa pinas gagawa ulit tayo mga video tulad ng request nyo.😉

  • @anthonyferrer-qt9kw
    @anthonyferrer-qt9kw 4 месяца назад

    Saan makabili sir

  • @enricogirao1656
    @enricogirao1656 Год назад

    idol saan pede maka bili or order ng pixpro 200A

    • @FabandWeld
      @FabandWeld  Год назад

      Search nyo po sa FB market place marami nag bebenta nyan mga Welding scholar ng TESDA nasa 4500/5000 ang presyo hanapin nyo lang yung malapit sa lugar nyo para makita nyo personal bago nyo kunin.

  • @yuzuhikokun-D1319
    @yuzuhikokun-D1319 Год назад

    Nice vid sir

  • @victorcelestial9052
    @victorcelestial9052 2 года назад

    sir kung bibili po ako ng welding machine na pweding pang heavy duty , ano pong welding machine brand po mairerekomenda nyo po, balak ko po kasing bumili, thank u po

    • @jesuscastaneto5453
      @jesuscastaneto5453 2 года назад

      Miller sir kaso mahal.,pero kung pang budget lng mag powercraft kna sir.

  • @ronielacea5511
    @ronielacea5511 Год назад

    Magkano any price 300 ampers wilding machi
    Ne

  • @luredeekruser5849
    @luredeekruser5849 2 года назад

    paps, made in which country po ang pixpro

  • @bryanboregon6891
    @bryanboregon6891 2 года назад +3

    Idol did you ever try to show us ang supply? Kase pede namin masasabing you used a different kind or different voltage sa supply, may reduction din kase Yan, example weak ang supply NG isang welding machine Kaya ang mangyayare tataasan MO talaga ang amperahe NG Isa, show us Para walang duda idol salamat.

    • @FabandWeld
      @FabandWeld  2 года назад +2

      Common supplt gamit namin dyan sa school sir 220V naka separate lang ang breaker nyan with 100A safety fuse sa breaker nya minimum 60A sa residential need nyo din yung pag sasaksakan nyp solong supply wag yung may ibang naka saksak sa outlet at yung breaker nyo above 30A kung 60A mas ok to avoid tripping NG BREAKER. Common naman ang power supply ng mga inverter natin sa market 220V meron naman mas mataas mga 230V or 440V 3 phase industrial type na yun.

    • @bryanboregon6891
      @bryanboregon6891 2 года назад +1

      Kaya nga idol tutal naman anjan kanaman na nag review NG dalawang welding machine ipakita mopo isang outlet Lang tanggalin ang Isa sa pagkasaksak sa outlet after nyo pong magamit ang Isa, at ang Isa naman ang ipalit Para walang duda, pede po ba idol?

    • @FabandWeld
      @FabandWeld  2 года назад +1

      @@bryanboregon6891 next time po ipakita ko kapag nakabalik ako sa school.

    • @bryanboregon6891
      @bryanboregon6891 2 года назад +1

      Salamat idol, planning kase to buy arc welding machine Kaya Lang hindi ako bihasa sa Kung anong brand, parehong brand parehong amperahe but different price. Patulong naman idol, 200amps Lang Sana any recommendations thanks.

  • @donromantico3517
    @donromantico3517 2 года назад

    Ang ganda pala nyang pixpro mo sir. Yugong sir na try ko maganda din

  • @edwinaninon9032
    @edwinaninon9032 2 года назад +1

    Morning sir well said..magkano yung pixpro 200A and lotus300A?

    • @FabandWeld
      @FabandWeld  2 года назад +1

      Yung 300A na Lotus sa main store nila sa Lazada nasa 9600 ang price pero sa ibang distributor nasa 5K plus lang. Si PIXPRO wala ka mabibili sa LAZADA or hardware sa labas meron sa mga dating scholar ng TESDA marami nyan nag bebenta ngayon sa Facebook market place kasi yung nabigyan nyan ng mga estudyante batch 2020 pero na release yung mga unit last Oct 2021 lang. Bentahan nila ngayon 4500/5000 pesos!

  • @tonyverdadero5791
    @tonyverdadero5791 2 года назад +1

    san po pwde omorder ng fixpro inverter portable welding machine

    • @FabandWeld
      @FabandWeld  2 года назад

      Unfortunately sir wala pa pong available sa market eh Direct Supply po sya ng PIXPRO Phils. sa TESDA makaka bili po kayo check nyo sa Facebook Market Place or TYPE nyo sa lang sa SEARCH boc ng FB yung PIXPRO WELDING MACHINE FOR SALE, lahat po nag bebenta nyan ngayon mga dating SMAW Scholar ng TESDA bacth 2020 kasi nabigay lang ng TESDA yung mga Machine last year lang Oct/Nov 2020 kaya yung kumuha ng NC1 at NC2 Dalawang Unit ang Nakuha kaya marami ng bebenta ngayon dahil siguro hindi Welding ang Work nila. LEGIT naman po yun galing sa mga nag Bebenta nyan lahat yan galing sa TESDA at gumagana!

    • @johnstevenbustamante8890
      @johnstevenbustamante8890 2 года назад

      Sir AKO may pix pro welding machine binebenta ko Lang SYA Ng 5k brand new pa dalawa na Kasi pix pro ko eh Di ko Naman magagit Yung isa Kaso Batangas pa Loc ko en hehe

  • @josejayveluz5332
    @josejayveluz5332 Год назад

    San po nakakabili pixpro welding machine

  • @cajleantv
    @cajleantv Год назад +1

    Next time sir yung ingco 320amps nman ireview mo

  • @hobbiesdiy4644
    @hobbiesdiy4644 2 года назад +1

    Sir dinig na yung lakas ng kuryente ni lotus at tsaka mabilis ma tunaw kasi malakas yung arc force ni lotus kailangan lang ni lotus good position

    • @FabandWeld
      @FabandWeld  2 года назад +2

      Sa welding machine technology po kasi marami po talagang machine especially sa Inverter ang mahina pag dating sa mga complex na electrode ang issue kasi dyan yung flow ng Current from from Negative to Positive Polarity kaya namamatay ang ARC kasi nag ko Collapse or interrupted ang daloy ng current sa electrode dahil sa dun sa klase ng Coating (FLUX) ng ROD, 6011 po ay ibang materials ang flux hindi tulad ng 6013, ganun din ang 7018, kaya mag kakaiba ang characteristic nila at usage sa pag we-welding, dahil dyan iba din ang characteristic nila kapag dinadaluyan ng current mula sa machine. Marami po sa machine na inverter na gawang china ay hindi kayang mag welding gamit ang 6011, 7018, hirap sila i welding hindi tulad ng 6013 na very common at easy to use kaya yun ang gamit ng mga maker to test their machines para mapakita sa tao na gumagana ang machines pero kapag isasalang mo na sa actual na weldingan at gagamitan mo na ng electrode tula dng 6011, 7018, 6012, 7024 etc.. maliban sa 6013 Hirap na ang makina minsan yung ibang machine ok naman ang daloy ng Current pero under rated naman 6011 dapat nasa 60/70 up to 110/130 lang yan pero kadalasan nasa 140/150/160A ka sa 3,2mm bago ka makpaag welding nag maayos which is hindi po yun ang tama. Kaya pinapakita namin sa inyo para malaman ninyo ang kaibhan ng bawat machine at yung mga kakayahan nya.

  • @Renren_vlogg
    @Renren_vlogg 2 года назад +1

    San po pwede bumili Ng pixpro?

    • @FabandWeld
      @FabandWeld  2 года назад

      Check po kayo sa Facebook Market Place type nyo lang PIXPRO WELDING MACHINE FOR SALE.
      wala po sa lazada at shopee nyan Direct supoly kasi sya sa TESDA for Scholar welders at yung ibang naka kuha ng 2 Unit for NC1 at NC2 Yung iban benibenta na yung isang unit.
      Ang bentahan po nyan ay 4500/5000 kasama na yung grinder/helmet/machine pero yung iba naman machine lang same price.

  • @jay-jayrasonable1774
    @jay-jayrasonable1774 2 года назад +1

    Idol pwde gawa kang video ung laman loob ng fixpro??

    • @FabandWeld
      @FabandWeld  2 года назад +1

      Wala akong video sir Picture po meron, pwede ko sayo i share sa FB PM ka po sa Page natin (facebook.com/fabandweld2021/)

  • @celestinopestano5654
    @celestinopestano5654 2 года назад +1

    Sir baka pwede malaman ang mga price sa market ng bawat brand model at mas recommended para sa gusto bumili...

    • @FabandWeld
      @FabandWeld  2 года назад

      Kung mga light welding process at mga pang maliitan lang na welding works you can start with this kind of machine or lower entry level tulad ng Kay power House or dun sa ibang brand with good review from end user itself. Lagi nyo lang tandaan na ang welding machine is not about the AMPS capacity like yung iba gusto nila yung 300A sa halagang 3000 to 5000 kasi malakas daw amperahe tapos mura, pero ang totoo po ay yung 300A ang output nun is nasa 150 lang or below kaya kung nakaranas na kayo na sagad kana sa 300 saka palang kaya mag weld using 3.2mm electrode. Inverter welding machine can cost from about 3500 up to 10K with only 200A depende sa brand at model. some machine can cost at about 20K with with 200A Capacity. those 300/500A machine na worth 5K is a bugos then pag hawak mo ang gaan gaan... Pag nag buy kayo sa market double lagi ang mga comparison at review nya or ask your welder friend who know about machine technicality to guide on how to choose and buy better machine.

    • @clemlabonete
      @clemlabonete 2 года назад

      So sir ano recomended nyo na swak at legit ang amperahe ?

  • @tonyverdadero5791
    @tonyverdadero5791 2 года назад +1

    san po pwde omorder ng fixpro portable welding machine?

    • @FabandWeld
      @FabandWeld  2 года назад

      Wala po kasi sya store at di rin available kahit sa Lazada kasi exclussive supply lang sya kay TESDA pero makakabili po kayo nyan sa mga Scholar ng TESDA na nabigyan ng machine. Search nyo sa FB market place marami mas mabuti kung maka tyempo kayo malapit lang sa area nyo. Search nyo PIXPRO WELDING MACHINE then LOCATION NYO para yun ang ilabas ni FB sa search results.

    • @kaelmmkheyel212
      @kaelmmkheyel212 2 года назад

      Meron ako pixpro bagong bago interested ka ba

  • @reypalabao986
    @reypalabao986 Год назад

    Hello boss dapat ginamit mo na Lotos yong dalawadin Ang kontrol Ng Lotos kaparoho Ng Isa unit boss para Naman Makita natin Ang dimo mo jan

  • @johnhenlyortiz787
    @johnhenlyortiz787 2 года назад +1

    KUYA VASHLENG TANONG KO LANG PO
    MAGKANO KAYA IF KUNG IBEBENTA YUNG TOOLKITS NA PIXPRO SET?
    #FAB&WELD

    • @FabandWeld
      @FabandWeld  2 года назад +1

      Ang bentahan ngayon nasa 4500/5000 kung ikaw mag bebenta ok na yun kung ikaw ang bibili panalo kana kasi yung machine palang nasa 8-9K na. Yung Angle Grinder 1000/1500 yung Helmet 1000/1500 din. Pero dahil free nyo naman nakuha sa Tesda kaya naging kalakaran na yung bentahan isang set 4500/5000 nalang.

  • @CGSurvivalPH2022
    @CGSurvivalPH2022 Год назад +1

    sir powerhouse namn po vs pixpro

  • @leonardmontebon2
    @leonardmontebon2 2 года назад +1

    Sir from san pedro lang po ako, mag iinquire lang po ako kung kelan ulit magkakaroon ng training sa tesda binan thanks

    • @FabandWeld
      @FabandWeld  2 года назад +1

      Yes sir... On going po ang Enrollment natin ngayon para sa SMAW NC1 at NC2 Mag punta nalang po kayo sa School para makapag inquire at makapag pa-register na kayo kasi by batches po at limited nalang ang slots for both courses.

    • @leonardmontebon2
      @leonardmontebon2 2 года назад

      Thankyou po sir

    • @leonardmontebon2
      @leonardmontebon2 2 года назад

      Godbles po

    • @leonardmontebon2
      @leonardmontebon2 2 года назад +1

      Sir ask ko lang po saang training center po kayo? Galing po ako dito sa jacobo wala daw po sila slot for nc1. Thanks

    • @FabandWeld
      @FabandWeld  2 года назад +1

      Naku Naubusan kayo? Di kayo nag palista kasi minsan yugn iba nag ba backout para naka line up sana kayo' sa Santa Rosa po ako sa CFC Senior High, Try nyo po sa may Canlalay sa LTO Compound (Arreza) meron dun mga Training Center. Or Santa Rosa Manpower

  • @martinaudio5598
    @martinaudio5598 2 года назад +1

    Alin po Mas maganda NG lutos at power house

  • @renatoneri3620
    @renatoneri3620 2 года назад +1

    Hello po magkano Po Ang PIXPRO 200AMPS

    • @FabandWeld
      @FabandWeld  2 года назад

      Mag check po kayo sa Facebook Market place Type nyo lang PIXPRO WELDING MACHINE FOR SALE.
      Mga TESDA Scholar po ang nag bebenta nya yung mga nakakuha ng 2 machine NC1 at NC2 ang bentahan po nyan ay nasa 4500/5000 kasama na yunh grinder/helmet/machine yung iba naman machine lang po.

  • @ninodomingo5886
    @ninodomingo5886 2 года назад +1

    May pixpro din ako sir from TESDA, maganda din talaga ang performance niya...

    • @FabandWeld
      @FabandWeld  2 года назад

      Kung isa lang sir nakuha mo ako na nag sasabi sayo wag mo ibenta wala ka makukuhang libreng machine na True Rated walang sinabe dyan ibang Inverter sa market. Need mo lang palitan dyan ay yung cable nya clamp at electrode holder kasi maliit 1x15 m2 lang dapat at least 1x25 m2 or 1x35 m2

    • @charliedelgado3186
      @charliedelgado3186 2 года назад

      @@FabandWeld dol normal lang ba na mag stop2 sya... Reply sad

  • @dayangdayang3914
    @dayangdayang3914 3 месяца назад

    malakas talaga c pixpro nagulat nga ako jan. kla mhinang klase lang. kaya po 2 knob yan para po sa tig ung isa knob pang adjust ng gas

  • @jacklyn8
    @jacklyn8 2 года назад +1

    Sir. Saan nyo po nabili yang pixpro at magkano po? Tnx

  • @QUAKE-IT
    @QUAKE-IT 2 года назад

    thank you sir..

  • @medpenzerlimpahan1574
    @medpenzerlimpahan1574 2 года назад

    Nabigyan ako sa tesda ng pixpro fko pa nagamit kahit isa.hehehe

  • @maiduron2850
    @maiduron2850 2 года назад

    Sir saan mo binili ang PIXPRO? hindi available sa Lazada kasi. thank you for this video.

    • @FabandWeld
      @FabandWeld  2 года назад

      Sa Facebook market place ka po mag hanap sir, Galing po kasi s TESDA yan bigay sa mga NC1/NC2 scholar kaya yung ivang estudtante na kumuha ng NC1/NC2 dalawa ang unit na nakuha kaya benta na nila yung isa. Presyuhan po nyan nasa 4500/5000 kasama yung Machine/Grinder/at Autodarkening Helmet. Pero kung makakuha ka ng Machine lang sa halagang 5000 Ok na din lasi TIG/Stick welding po yang machine.
      Check mo sa FB and check mo kung yung seller malapit lang sa lugar nyo para ma check mo muna anh unit bago mo bayaran at kunin.

    • @arwinbartolata8739
      @arwinbartolata8739 Год назад

      ​@@FabandWeld mahal sa marketplace

  • @tonyverdadero5791
    @tonyverdadero5791 2 года назад +1

    hm po yan pixpro san po pwde omorder

    • @FabandWeld
      @FabandWeld  2 года назад

      Wala pong available yan sa mga Hardware, Lazada at Shopee. Exclusive na Supply po kasi yan ng PIXPRO Phils sa TESDA, kaya kung gusto nyo makabili ng ganyang unit mag search nalang po kayo sa FB dyan sa malapit sa area nyo marami pong naka sale ngayon yan sa FB, yung isang nag tanong din last week nakuha nya yung unit kahapon worth 5K kasama yung Machine, Grinder, at Helmet. Package Toolkit po kasi yan ng TESDA sa mga Scholar ng SMAW NC1 at NC2 Batch 2020 Pero na release lang yan last October 2021 kaya yung makukuha nyo kung sakali mga bago payan. kaya lang Benibenta noong mga naka tanggap dahil yung iba na kumuha ng NC1 at NC2 dalawang Package ang Nakuha. Avail nyo na sayang yung mga unit nayan TRUE RATED pa naman di tulad sa ibang inverter na palyado ang amperahe.

  • @armandbroqueza3528
    @armandbroqueza3528 2 года назад +1

    Sino po pwede maging scholar sa Tesda sa welding Tuwing kailan po nag eenroll

    • @FabandWeld
      @FabandWeld  2 года назад +1

      Under TESDA scholarship program kahit po sino pwede basta 17-65 years old po physically fit grauate or under graduate pwede po. Mag inquire lang po kayo sa pinaka malapit na TESDA training center sa lugar nyo para mabigyan kayo ng kompletong detalye.

  • @dannyfausto5524
    @dannyfausto5524 2 года назад +1

    Sir Next po Pixpro vs powerhouse turbomaxx 300. Thank you

    • @FabandWeld
      @FabandWeld  2 года назад

      No Problem boss basta my dumating at available na unit i test natin yan!

  • @reynantecastro9973
    @reynantecastro9973 Год назад

    Saan po address ng school ng weld

  • @RamonMendozaJr.-wh8he
    @RamonMendozaJr.-wh8he 8 месяцев назад

    Power plus vs yamato nman sir

  • @jhunrabs8751
    @jhunrabs8751 2 года назад

    Ser sana ipakita nyp po ang loob ng pix pro inverter ser idol

  • @reccasalido2327
    @reccasalido2327 2 года назад +1

    San makabili ng pixpro na welding machine na Yan sir..?

    • @FabandWeld
      @FabandWeld  2 года назад +3

      Wala po available sa Hardware or Lazada nyan sir kasi Exclusive Supply sya ng PIXPRO Phils sa TESDA lang. Pero makaka bili kayo nyan ngayon sa Facebook Market Place dahil marami nag bebenta nyan ngayon na mga TESDA Scholar na nakatanggap nyan noong Oct/Nov 2021, and kaya po yung mga dating Scholar ng TESDA ibinibenta na nila yung machine dahil BATCH 2020 at Early 2021 po yung binigyan nyan so yung iba may nabili ng machine mula sa Toolkit allowance nila na 5K at nakatanggap pa sila ng FREE Toolkit na late lang na release kaya ang siste doble doble na mga machine nila. Kung ako sa inyo Hanap kayo sa FB marami nyan check nyo lang kung malapit sa lugar nyo ang presyuhan nila nasa 4500/5000 kasama yung Machine, Grinder, at Auto Darkening Helmet. pero kung ibigay sa inyo Machine lang ng worth 4500/5000 Kunin nyo na panalo parin kayo dun dahil ang presyo ng ganyang unit machine palang nasa 8/9/155 depende sa Brand at si PIXPRO True Rated hindi tulad sa iba na under rated ang Ouput.

    • @kaelmmkheyel212
      @kaelmmkheyel212 2 года назад

      Meron ako pixpro diko ginamit bagong bago interested ka ba

  • @reynaldopinon784
    @reynaldopinon784 2 года назад +1

    fs pix pro 2 in 1 inverter welding machine 200amps may kasama na grinder

  • @gioserdiads803
    @gioserdiads803 2 года назад

    Sir, ask lang po ako, nag bibinra b kyo ng prixpro online?

    • @gioserdiads803
      @gioserdiads803 2 года назад +1

      Nagbibinta b kayo ng prixpro online?

    • @gioserdiads803
      @gioserdiads803 2 года назад

      Pixpro pala sir?

    • @FabandWeld
      @FabandWeld  2 года назад

      Sa Facebook market place po kayo makaka bili sir kasi mga TESDA scholar po nag bebenta nyan mga libre na nakuha nila sa Tesda Smaw training ang bentahan nyan 4500/5000.

  • @wanderingandroid
    @wanderingandroid 2 года назад

    sir, ilang amps dapat ang kaya ng outlet para sa mga ganito?

    • @FabandWeld
      @FabandWeld  2 года назад +1

      Kung repair repair lang po or light welding works 30A Circuit Breaker ok na basta yung mga wiring ng outlet nyo standard for equipment. Kung mga maghapon hapon naman at may mga i fullweld kayo but not maximum 3 rods per running 40A/60A up to 100A and dapat naka hiwalay na from meter base yung supply para solo lang nya yung supply to avoid drop voltage.

    • @ernestosicat3318
      @ernestosicat3318 2 года назад

      Sir magkano ba ang pixpro 300 amps.blak ko bumili ng bago kc may WM ako powerhouse 200amps nasira sabi ng technician sira na transformer wala naman mabili ngpiyesa, wala panv 2 taon yong weld machine pang sariling gamit lang.sa bahay.

  • @johnmartinvilleno7906
    @johnmartinvilleno7906 2 года назад +1

    Powerhouse vs. Lotus nga jan 😁

    • @FabandWeld
      @FabandWeld  2 года назад +1

      Sa sunod boss Pag tapatin natin yan, San pusta nyo Powerhouse 200A or Lotus 300A? 😜😜😜

    • @johnmartinvilleno7906
      @johnmartinvilleno7906 2 года назад +1

      @@FabandWeld pareho ko pa hindi nahahawakan ung powerhouse at lotus. Hehe

    • @FabandWeld
      @FabandWeld  2 года назад

      @@johnmartinvilleno7906 watch nyonpo lahat ng unboxing at weld test natin dito sa channel gamit ang Powerhouse, 200A/250A/300A/500A/ mula sa pinaka maliit na machine hanggang sa pang heavy duty kaya nila sumunog ng 6011/7018/6013 3.2mm from 90/100/115/120A pero si lotus 300A umabot nako ng 135A saka lang nag ok pero putol putok parin ang current kaya di pwede gamitin sa 6011 pang rootpass.

  • @allanabejero8502
    @allanabejero8502 2 года назад

    pixpro pala maganda,tlg kaya lng d ata available s market

  • @rheasamaniego6114
    @rheasamaniego6114 2 года назад +1

    Saan po pwede mabili ang pixpro?

    • @FabandWeld
      @FabandWeld  2 года назад

      Sa Facebook market place po kayo makakabili nyan mam sa mga scholar po ng tesda na nakakuha ng 2 unit yung isang package yun mha benibenta nila or yung iba hindi na welding ang gusto kasi yan po ay bigay sa mga Scholar ng tesda smaw scholar batch 2020 pero nabigay lang yung mga toolkit last oct/nov 2021 lang kaya po halos dina inasahan ng mga scholar tapos dipa nila alam na yung machine ay maganda ang performance. Nasa 4500/5000 po bentahan nila kasama yung grinder, at auto darkening helmet. Check nyo po sa FB marami po yan.

    • @jay-arcastillo1185
      @jay-arcastillo1185 2 года назад

      Ma'am meron po akong ganyan naka stock lang po sa BAHAY minsan ng NAGAMIT po galing tesda ganyan din po PIXPRO SMAW/TIG INVERTER

  • @rodolfovelarde1295
    @rodolfovelarde1295 2 года назад

    SAAN Po ba sa binan yang Lugar NYO. Gusto ko mkbili ng machine pls

    • @FabandWeld
      @FabandWeld  2 года назад

      Sir wala ka po mabibili sa mga shop nyan kahit sa lazada, gawin nyo po hanap kayo sa Facebook marami po ng bebenta nyan na galing sa TESDA lalo na yung 2 ang nakuha sa NC1 at NC1 yung isa bini benta na nila, Type nyo lang sa Search Tab ng Facebook "PIXPRO Welding Machine For Sale" Lalabas na dyan yung mga on sale, makakakuha kayo 4500 kasama yung Grinder nasa 5000/6000 kasama pari helmet kahit 6000 Panalo parin kayo sa unit kasi yung price ng ganyang Machine nasa 9/15K Machine lang yun wala pang kasamang Grinder at Helmet kasi yung grinder nasa 1000/1600 yung Helmet nasa 1200/1900 kaya kung may mag bigay sa inyo all in yung tatlo 5000/6000 Ok parin panalo parin kayo. Kung yung Unit lang 4500/5000 Ok parin.

  • @florantemariano6219
    @florantemariano6219 2 года назад

    Magkano nman po bossing yan pixpro 200A

  • @joyvillamor4372
    @joyvillamor4372 2 года назад +1

    magkano ang Pixpro welding machine

    • @FabandWeld
      @FabandWeld  2 года назад

      Mag check po kayo sa Facebook Market place doon po kayo makakahanap ng mga nag bebenta nyan na mga dating Scholar/trainees ng TESDA. TESDA Lang po kasi sinuply yan kaya wala kayo mabibili sa Lazada at mga welding or hardware store.
      Nasa 4500/5000 po bigayan nyan kasama ang Welding Helmet/Grinder/Machine. Pero yung iba naman Machine nalang sa ganun din na presyo.
      Make sure lang na malapit lang sa lugar nyo yung mabibilhan nyo para ma test nyo muna ang machine kung gumagana bago nyo bilhin.

  • @jacoblasta4910
    @jacoblasta4910 2 года назад +1

    Ang dami pa namang nag recommend sa lutos, Lalo na sa you tube.

    • @FabandWeld
      @FabandWeld  2 года назад

      Ok naman po sya sa 6013 lalo na yung special na 2.4mm pero kapag 6011/7018 gapang kaya hindi yan ginagamit pag assessment sa school kasi di kayang pang rootpass kahit naka 150A na putol putol parin ang arc.

    • @froilanrodulfa9744
      @froilanrodulfa9744 2 года назад

      Mas malakas talaga kapag dual Tig and arc welding kc accurate Kaisa sa single arc lang, Ang dual Tig Ang and arc marami Ang capacitor Ng dual napaka Hina mo Namanng welder

    • @FabandWeld
      @FabandWeld  2 года назад

      @@froilanrodulfa9744 Ask lang kita po kita sir' Welder po ba kayo or technician? Sa Welding Process po ba ano ang basehan para i timpla ang Amperaheng gagagamitin mo para makapag welding ka ng maayos at tuloy tuloy? Dapat ba marami ang Capacitor ng Machine para makapag produce ng Sapat na Amperahe na kailangan sa pag we-welding? Paki sagot naman po para madag dagan kaalaman namin at ng ibang mga kabakal nati dyan. Salamat!

  • @michaeldelacruz5261
    @michaeldelacruz5261 2 года назад +1

    Sir ask lng magkano ung prize NG pixpro???

    • @FabandWeld
      @FabandWeld  2 года назад

      Ang bentahan po ngayon nyan sa Facebook Market place mula sa mga Scholar ng TESDA ay 4500/5000 yung iba machine lang yung iba naman kasama na yung MACHINE, Grinder, Auto Darkening Helment. Pero kahit yung machine lang makuha nyo sa halagang 5000 panalo na po kayo dun. Search nyo nlang sa FB type "PIXPRO WELDING MACHINE FOR SALE" kasi wala po kayong mabibili sa lazada na from company kung meron man ay galing nayun sa TESDA Scholar, REASON bakit nila binibenta matapos nila makuha ng LIBRE? kasi po yung unang release ng PIXPRO Toolkit ay ginawa lang almost 1 year na after mag graduate yung mga SCHOLAR sa SMAW at ibang KURSO sa TESDA, October 2021 lang halos pinamigay yan pero ang mga nakakuha halos BATCH 2020 pa. kaya yung iba halos dina na nila kailangan yung unit dahil siguro may mga nabili na sila dun sa nakuha nilang allowance na 5K noong nasa Training pa sila kaya po kung nag tataka kayo kung bakit madami nag bebenta nyan online na mga scholar ng TESDA ay yan ang Dahilan.

  • @JacobLasta
    @JacobLasta 2 месяца назад

    Dapat pagandahin pa ni lotus mga produkto nila. Gaya nito, hirap makatunaw ng 6011.

  • @valerianosarcida6740
    @valerianosarcida6740 2 года назад +1

    Magkano Lotus welding machine niyo

  • @gioserdiads803
    @gioserdiads803 2 года назад

    Magkano ang price ng pixpro 300amp. Sir?

    • @FabandWeld
      @FabandWeld  2 года назад

      Diko po sure sir kung may 300A na ang PIXPro kasi yan lang nasa website nila.

  • @tektoneoragontv
    @tektoneoragontv 2 года назад +1

    Good job lodi...

    • @FabandWeld
      @FabandWeld  2 года назад +1

      Salamat lods, Kumusta mga uragon tang kabakal sa kabikolan?

    • @tektoneoragontv
      @tektoneoragontv 2 года назад +2

      Ayos man lodi may natanggap rin sila na welding machine, grinder, at auto darkening mask..

    • @FabandWeld
      @FabandWeld  2 года назад +1

      @@tektoneoragontv yown ayos na ayos tuloy ang laban sa hinangan😁

  • @jhazniGuiterrez
    @jhazniGuiterrez Год назад

    delixi 200a vs pixpro 200a naman po sir

  • @paomor7779
    @paomor7779 2 года назад +1

    Sir how about sa Tig ni pixpro Plano ko po bumili pagawa Naman Ng review salamat po

    • @FabandWeld
      @FabandWeld  2 года назад

      No Problem sir, I test din po namin yun maybe this coming week!

  • @jokit3175
    @jokit3175 2 года назад +1

    Idol? Sino pong mas accurate? C pixpro o c powerhouse?

    • @FabandWeld
      @FabandWeld  2 года назад +1

      Si PIXPRO... si Powerhouse naman ok lang maganda at quality ang mga machine at pasado naman welding output nya kaya kahit noon pa Powerhouse na gamit kong machine...

  • @JinefiSoliano
    @JinefiSoliano Год назад

    Pila mn na inyong bosch