Pagkakaiba ng TITP at SSW VISA | Pros & Cons

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 21 окт 2024

Комментарии • 164

  • @valentinorossi7662
    @valentinorossi7662 2 года назад +4

    Nice vlog hanga kami sayo kahit mag isa ka lang dyn kayang kaya mo at isa pa sa hospital kpa nag wowork during covid 19 pandemic hindi ka natatakot.

  • @bossjohnardtv3
    @bossjohnardtv3 8 месяцев назад

    Next naman, pakiVlog naman ng SSW vs Engineering Visa

  • @tiffanygrey1396
    @tiffanygrey1396 Год назад

    Ang Ganda Naman Ng MGA reports vid mo ate. Clear or klaro Siya talaga na maiintindihan Ng manonood. Yung ibang RUclips maker vids parang may tuying Lang Hindi maganda mag paliwanag. Ang dami satsat e iisa Lang ang hanap Namin Yung exact details LNG about the job. Next na Yung Kung ano anong anik sa buhay 😑

    • @aquarius00700
      @aquarius00700  Год назад

      Hahhaa true. Ganyang paliwanag din kasi hinahanap ko sa mga vid kaya ganyan din ako magpaliwanag. Direct to the point. Pero nung umpisa nahihirapan din ako magpaliwanag, ngaun mejo nasasanay na po

    • @tiffanygrey1396
      @tiffanygrey1396 Год назад

      @@aquarius00700 Keep it up honey! and god bless you always 🤗😇🙏🍀🍀🍀

  • @lawlysupnet3482
    @lawlysupnet3482 Год назад

    Thank you so much sa information. Helpful talaga.♥️🎉🙏

  • @joannesarabia5527
    @joannesarabia5527 5 дней назад

    Hi Ma'am sana po mapansin. Ma'am ask ko lang po pag TITP po ba sa apartment is panay lang babae or may mga kasama din pong lalaki?

  • @sakshidutt932
    @sakshidutt932 Год назад

    Hey nice video, i have a question that if i don't like the workplace so can i change it in between the contract? Like after 1 year? Basically ssw program contract is for 3 years

  • @mariko791
    @mariko791 2 года назад +1

    1st..! ☺️Hello po senpai👋 isa po ako sa mga subscriber nyo po ni senpai pamela ... 🥰 Kakapasa ko lang po sa Prometric nursing skill test both english & japanese po... 👏🎉🥰

    • @aquarius00700
      @aquarius00700  2 года назад +1

      Wow. Salamat po sa pagsubscribe. Congrats po sa pgkapasa nyo sa exam. 😊

    • @princediana8430
      @princediana8430 2 года назад +1

      Congratulations po sa pagkakapasa. plano ko din po mag take nang exam. tips nman po dyan.. thank you in advance

    • @mariko791
      @mariko791 2 года назад

      @@princediana8430 helloo po👋 ohayou☺️ ahh... Mmhh.. kc po dahil self study lng ako,.. hindi ko po sya minadali.. i take it slowly pra di po ako mapressure.. mag laan po kau ng oras para mag basa para maging familiar po kau sa mga vocabs po.. good luck po☺️

    • @princediana8430
      @princediana8430 2 года назад +1

      @@mariko791 Tama po kayo! Don't pressure and keep on reading. Thank you, sis❤⚘

    • @princediana8430
      @princediana8430 2 года назад

      @@mariko791 Sis, sa english prometric nursing exam possible makapasa pag self study pero pag Japanese kasi mukhang mahihirapan. What do you think?

  • @cessmine4512
    @cessmine4512 Год назад +1

    Hello po Ms. Catherine, if under titp ako then ngresign ako after 6mos. and uwe na ako s pinas depnde po b s compny if mgbbgay sila penalty and need ko mgbyad for the apartment fee?

    • @aquarius00700
      @aquarius00700  Год назад +2

      Kung uuwi kana at ndi kana babalik ng Japan at valid naman reason mo baka payagan ka ng employer. Kaya lang kung may balak ka mag apply ulit sa Japan, makikita nila ung bad record mo na nag resign ka

    • @cessmine4512
      @cessmine4512 Год назад +1

      Salamat po ☺️

  • @Mariyaligaya13
    @Mariyaligaya13 2 года назад +8

    Trainee ako for 5 years. After ng 3 taong kontrata ko nagbakasyon ako sa pinas ng 2 mos pag balik ko 3go na(trainee visa parin) after nung yung ika6 na taon ko, ssw na ko. Kaso walang nagbago sa mga rights namin. Di kami pinayagang maghanap ng sarili naming tirahan. Bawal pa nga kami lumabas kahit off namin, tapos may curfew pa kami. Ung sabi nila pag ssw magiging malaya ka na, pero mas lalo silang naghigpit. Hindi rin nila sinusunod ung +25% kapag OT na. Tapos diba may +100 yen per hour(min wage + 100yen) hindi agad binigay yun sa amin. As a senpai, ako ang nakipag usap sa sensei namin(kumiai) at sa shachou namin. Ibinigay naman yun plus 100yen pero di na nila sinunod yung +25% pag OT na. In short inabuso kami. Kaya ang ending, nagresign ako nung may natitirang pang 4mos ung visa ko(SSW). At nag apply ako sa eikaiwa. Ngaun working visa na ako. Nagchange ako from SSW visa to Specialist in Humanities Visa. Pero di ako umuwi ng pinas. Mageexpire ssw visa ko ng march 5, Feb 8 nakuha ko na bago kong visa. ☺️

    • @aquarius00700
      @aquarius00700  2 года назад +1

      Salamat po sa mahabang comment mo hehe. Binasa ko talaga.
      1. Dec.2019 lang nacreate ang SSW Visa, Sept 2020 lang naroll-out, nalate dahil sa gawa ng corona virus. Kung nakatapos ka ng 5 yrs, baka po kaya trainee kapa din nung bumalik ka dto kasi ndi pa naroroll out yang SSW. Anong yr ka po ba nagstart at natapos maging trainee?
      2. Alam mo ganyan kadalasan naririnig ko sa mga trainee na kouhai ko at ibang kabatch ko na ndi umalis ng kaisha nila. Ung mga nagtuloy tuloy lang sa same kaisha , parang visa lang ang binago sa kanila pero ung pamamalakad ng agency nila ganun padin. Parang trainee padin turing sa kanila. Kaya mas ok talaga na lumipat ng company lalo kung ndi maganda makitungo ang agency.
      3. WALA DAPAT AGENCY ANG SSW. Kasi direct na sila sa company. Ang meron lang dapat sila ay SUPPORTING ORGANIZATION. Maglalakad lang ng mga docs nila at update ng situation natin na SSW dito. Meron silang documentation every 3 mos na need daw ipasa sa Philippine side. Un ang ininform sakin ng S.O ko . Ndi ko daw sila agency kaya ndi nila ako hawak sa leeg.
      (Ung mga SSW na mang gagaling sa Pinas, baka sila iba ang kondisyon pa sa kanila, ako kasi dto na ko nag apply ng SSW sa Japan)
      4. CONGRATS sayo at least ndi ka na nagpatuloy jan. Bibihira lang kagaya mo kasi ang dami ko kilala na trainee dati na naging SSW na ayaw sila payagan lumipat ng company. Ang masaklap pa, pag nalaman na nag aapply sila, sinisiraan sa bagong company kaya ang ending ndi nlng itutuloy ang pag hire sa kanila. Oh dba ang galing

    • @aquarius00700
      @aquarius00700  2 года назад +1

      Ask lang po, ano po mga work na ginagawa kapag ganyang humanities visa ang hawak? Yan po ba ung mga english teacher?

    • @mamhejoysebastian
      @mamhejoysebastian 2 года назад +1

      November 2015-2018 una kong contract. Tapos bago kasi ako umuwi ng Nov 2018 nakapirma na ako ng bagong contract para habang nasa pinas ako on process na yung papers ko(trainee pa rin 3go). And yes that time di pa ata naprubahan ang ssw. Kaso nung meron ng ssw, di pa tapos yung 2 year contract ko kaya nung natapos ko yung contract ko (2 year contract) saka lang ginawang ssw. Feb 2021-Feb 2022. Kasi nagkavisa lang ako nung march 5, 2021. Kaso nga di ko tinapos. Nagresign ako hehe. Abusado sila eh. Yes po. English teacher na ako now.

    • @mamhejoysebastian
      @mamhejoysebastian 2 года назад +1

      Marami kasi akong nababasa sa tiktok, fb posts na mahirap nga daw magchange ng visa need pa umuwi ng pinas. Pero hindi po. Pwedeng pwede. Naaprubahan naman po ako. O dahil malinis din records ko. Bayad ako sa lahat e. Kahit wala akong work kumuha ako ng national insurance ( 3 buwan din akong nabakante nung nagresign ako e) tapos pumunta ako sa city hall para ayusin ung nenkin ko. Ininform ko sila na resigned ako. Tapos nakita rin siguro sa immigration na wala akong bad record at matagal na akong di nauwi ng pinas. Tapos swerte ko rin na nakahanap ako ng company na magsponsor ng visa ko bago pa ito maexpire. And yes po pala wala na kami kumiai nung ssw na. SO na nga po. Kaso un nga tinuturing pa rin kaming trainee. Mas humigpit pa sila

    • @aquarius00700
      @aquarius00700  2 года назад +1

      @@mamhejoysebastian un nga po pangit kasi ndi sila makaalis dun sa dating agency eh. Ganyan din po ininform sakin ng immigration nung nagresign ako pero SSW na ko nun. May 3 mos. Period daw na pede pa ako magstay. Swerte mo padin po kasi andto ka. Ndi ka na umuwi ng Pinas. Hirap pa naman makabalik ngaun dto.

  • @LoukasBringer
    @LoukasBringer 9 месяцев назад

    Yung sinasabi mo na 180,000 Trainee Visa cguro sagad na yun sa OT, malinis na yun. Pero sa SSW kasi 180,000 Gross palang yun. edi mga estimate 140,000 yung makukuha mo. wala pang OT yun. kasi sabi mo kasi mas malaki sahod ng Trainee kay sa SSW. yun lng po.

    • @aquarius00700
      @aquarius00700  8 месяцев назад

      Sa trainee kasi 18 lapad pero malinis na un., kaltas na lahat ng bills.
      Sa ssw, sa 18 lapad dun kapa kukuha ng pambayad mo ng bills sa kuryente, tubig, wifi, at apartment. Matitira nasa 10 or 11 lapad nlng. Sa malaki pa din ung sa trainee.

    • @LoukasBringer
      @LoukasBringer 7 месяцев назад

      @@aquarius00700 malinis na nga ung trainee 18 lapad.pero halos araw2 overtime nila kay umabot ng 18 lapad.kung walang OT nasa 11 or 12 lapad lng. kasi trainee din ako dati naging ssw na. ung 18 lapad ng ssw kaltas payan ng babayarin.so nasa 14 lapad malinis sayo.pero wala pang overtime yan.medyo relax lng.pero pag mg overtime ka araw2 aabot ng 24-25 lapad

    • @aquarius00700
      @aquarius00700  7 месяцев назад

      @@LoukasBringer iba iba po kasi tau ng sitwasyon. Siguro ang masasabi ko na lang, maswerte ako sa company na napuntahan ko nung trainee ako.

  • @xandravlogs1487
    @xandravlogs1487 Год назад

    napaka swerte mo mam kung mas malaki sahod mo po nung trainee ka vs sa ssw..nung trainee kami 120kyen lang takehome namin 7 lapad lang..

    • @aquarius00700
      @aquarius00700  Год назад

      sa totoo lang po mas malaki talaga sahod ko nung trainee pa ako. kaltas na lahat pero 20 lapad pa takehome ko. un nga lang paguran sa OT un.

  • @rogelieocampo1564
    @rogelieocampo1564 Год назад +1

    good pm po ask klng po pg,n4 passer kpo, anu anung work po possitive? and anu anu pong negative ? my ng,alok po kc n n4 55days lng po then exam.. mhirpa po kya ung exam pg,n4???

    • @aquarius00700
      @aquarius00700  Год назад +1

      N3 passer na po ako. Nung nagtake kasi ako ng N4 eh nasa mahigit 1yr na ako sa Japan. Puro pa japanese ang gamit namen sa work kasi 4 lang kaming pinay dun. Kaya nasanay na ako ng kaunti sa Japanese. Ndi na ako masyado nagreview for n4 pero nakapasa naman. Kung kau po na expose din po kau ng matagal sa Japanese, tingin ko kaya nyo din po maipasa. Pero kung zero knowledge po kau at 55 days lang kau mag aral, kaya din naman po siguro basta tutok kayo dapat sa pag aaral. Mejo mabibigla po kasi kayo sa dami ng aaralin na words at letters.

  • @georgealas162
    @georgealas162 3 месяца назад

    Hm un salary mo now as ssw at san prefecture k madam sa japan un expenses sa apartment n solo din po?

  • @アチャコソメイジン
    @アチャコソメイジン 2 года назад +1

    Hi po, curious lang po. Need po ba malinaw ang mata sa medical? Thank you!

    • @aquarius00700
      @aquarius00700  2 года назад +1

      Depende kung san ka nag aapply. Kung nasa Pinas kapa, pati linaw ng mata chinicheck pa nila.. pero kung andto kana sa Japan at dito kana mag aapply, wala na sila paki sa height, weight, age at linaw ng mata mo.
      May mga nakawork nga ako mga chinese sa dating work ko malalabo ang mata at nakasalamin lang pero nakawork dto. Pinas lang kasi ang dami daming nirerequire.

  • @micamantes9471
    @micamantes9471 2 года назад +1

    Hi ms. Catherine, eligible po bang mag take ng kaigofukushishi ang mga TITP holder? Or SSW visa lang?

    • @aquarius00700
      @aquarius00700  2 года назад +2

      Titp na caregiver po. Pede po un. Basta ang nirerequire nila, may 3 yrs experience sa caregiving job.

    • @micamantes9471
      @micamantes9471 2 года назад +1

      @@aquarius00700 thank you ms. Catherine

  • @_nara6768
    @_nara6768 2 года назад +1

    Hi po, kahit po freelance lang yung part time is hindi rin pwede? Kunwari data entry tas yung client is from another country pa.

    • @aquarius00700
      @aquarius00700  Год назад +1

      Meron po kasing yearly tax adjustment ang ginagawa na nakabase sa yearly income ang ssw visa holder. Kapag po nakita dun na 2 source of income ay pede po yan questionin.

  • @ma.francescachanelleaguilu1061
    @ma.francescachanelleaguilu1061 Год назад +1

    Hello po, need po ba mag aral muna ng caregiving sa Pinas before applying as Kaigo TITP? No caregiving background po kasi iba ang Graduate course hehe. thank you po

    • @aquarius00700
      @aquarius00700  Год назад +1

      Pag sa pinas ka manggagaling, nirerequired yan ng agency na mag aral muna sa tesda ng nc2 caregiving

    • @Atetinchannel86
      @Atetinchannel86 Год назад +1

      Paano po naka graduate na SA ibng bansa as caregiving, mag Aral pa BA Ng caregiver SA pnas? Thnks

    • @aquarius00700
      @aquarius00700  Год назад +1

      @@Atetinchannel86 kung ano ang tatanungin, dapat ndi ka kasi may certificate kana eh. Kaya lang kasi ung agency sa pinas po ang magdedecide nean.

  • @michellehocena3777
    @michellehocena3777 Месяц назад

    question po, meron po bang time na ang maiissue agad sayo pag alis ng pilipinas ay ssw na? If yes, ano ano po yung mga instances na yun? Salamat po

    • @aquarius00700
      @aquarius00700  Месяц назад

      @@michellehocena3777 ahm, yes po. actually sa pagkakaalam ko last yr pa ata or last last yr nag start na sila mag hire ng ssw kahit ndi na dumaan sa trainee visa .. un nga lang need ng jlpt at prometrics (depende sa work na aapplayan mo)
      Tsaka tinanggal na din ang trainee visa dto sa Japan kaya baka sa mga susunod na taon, SSW na agad ang iissue nila, wala ng trainee visa( ung mga may hawak at naprocess nlng ng trainee visa ang may hawak nun ngaun pero moving forward aalisin na nila trainee visa)

  • @chinxberry1059
    @chinxberry1059 Год назад

    SSW holder also..
    Di po bwal ang mg.partime job here f ssw holder ka po as long as same skills lng.stated in our contract.

    • @aquarius00700
      @aquarius00700  Год назад

      kung pinayagan po kau ng employer nyo swerte nyo po. kasi sa rules ng ssw bawal talaga.

  • @iskothree8397
    @iskothree8397 2 года назад +1

    Hello po ask ko lang po kung hindi ka po bigyan ng explanation letter ng dati mong kumiai para po maka renew ng visa possible pa din po ba na maging ssw holder ka? By the way po tapos na po ako 3 yrs contract

    • @aquarius00700
      @aquarius00700  2 года назад +1

      Explanation letter? Ndi ko po alam un. Ndi nman ata need nun. Ung bagong kaisha na aapplayan mo pag ndi nila hiningi un, ndi nman kailangan un ibig sabihin

  • @zimmores1039
    @zimmores1039 2 года назад +1

    Dpende po pala sa agency maam if papayagan ka mag change from titp to ssw? Yan kasi plan ng partner ko. Titp muna tapos pag malapit na matapos contract eh hanap na ng ibang company na mag susupport ng ssw visa. Thanks po.

    • @aquarius00700
      @aquarius00700  2 года назад +1

      Yes po, ung iba titp iniextend ng kaisha sa ssw. Kaso ung iba ndi na. Kaya gaya ko nag apply sa ibang kaisha nga pasikreto muna kasi alam ko haharangin ako.

  • @princediana8430
    @princediana8430 2 года назад +2

    Ma'am bago ka po ba maging trainee dyan sa Japan, you still need to pass the prometric and JLpt exam? thank you in advance

    • @aquarius00700
      @aquarius00700  2 года назад +3

      Ndi po. Dumating ako dto sa Japan na wala ako nean. Nag aral lang po ako 5 mos ng Japanese sa Pinas

    • @princediana8430
      @princediana8430 2 года назад +1

      ​​@@aquarius00700 mostly po kasi na agency na natatanungan ko is under SSW visa. haven't heard about the TITP kaya maraming salamat po for sharing

    • @noufahmohamad889
      @noufahmohamad889 Год назад

      ito un same question na hanap ko thank you sa explaination

    • @aquarius00700
      @aquarius00700  Год назад

      may plan po kasi na alisin na ung titp kaya siguro puro ssw visa nlng ang inooffer sa pinas ngaun

  • @jocelyncruz9564
    @jocelyncruz9564 2 года назад +1

    Ate good eve..tatanung lng po if Panu po kau nkpag apply as SSW?bka po ma help nyo din aq ..gusto ko pa po mgpatuloy mg work dto sa japan..Isa po akung factory workers..gawaan ng part ng sasakyan….mg limang taon na po aq dito sa japan ngayun December..at di man lng nkpagbakasyon sa pinas..isa po akung trainee visa at gustong mg apply as SSW pero di ko po alam kung panu..sna po mabasa nyo at ma tulungan nyo ko 🙏🙏Salamat po ng madami

    • @aquarius00700
      @aquarius00700  2 года назад +1

      Trainee din po ako dati. Plastic molding sa pagawaan ng sasakyan. Kung lilipat ka ng same category, maghahanap ka lng ng agency. Pero kung gaya ko na tumalon sa careworker, need ng prometric test at jlpt n4

  • @allancordova2317
    @allancordova2317 4 месяца назад

    Mas mataas po sahod ng ssw kesa sa titp

  • @jelfrias1583
    @jelfrias1583 Год назад

    Correct me if im wrong.. pag SSW ka kung ano sahod ng citezen nh japan ganun din ang sasahurin mo tapos kapag ssw2 ka na pede kana magapply ng permenent visa

    • @aquarius00700
      @aquarius00700  Год назад

      About sa sahod po, nakadepende padin sa location at type of work yan. Wag na po natin ikumpara sa sahod ng japanese. Kapag ssw2 ka naman, need mo muna makapag work ng 10 yrs. After that, saka ka pede mag apply ng permanent visa. Ndi po agad agad un pagkakuha ng ssw2 eh mag apply kana agad ng PR

  • @genbaylon4409
    @genbaylon4409 2 года назад +2

    Hello po , ask ko lang po if trainee po , possible po ba lumipat ng company if hindi maganda ang pamamalakad nila?

    • @aquarius00700
      @aquarius00700  2 года назад +1

      Pag trainee kasi ndi pede magresign basta basta lalo kung ndi naman ganun kagrabe ung rason mo. Need talaga tapusin ung kontrata mo na 3 yrs

    • @jhon4051
      @jhon4051 2 года назад +1

      tawag ka po sa otit maam

    • @jhon4051
      @jhon4051 2 года назад

      marami kasing company din sa japan na hindi maganda palakad yung dun sa handbook na binigay dun ang number nila

  • @patty1474
    @patty1474 2 года назад

    Totoo po yan as ssw.. never been a trainee po ako diretso na po ako ssw1. Sa sahod namin as caregiver 14lapad-15 lapad po wala pong OT pag ssw caregiver … less pa po yan sa mga gas at kureynte at tubig. Hehehhe.. mas okay pa yata pag trainee kasi may OT. :(

    • @aquarius00700
      @aquarius00700  2 года назад +1

      True . Nung wala pa covid , trainee din ako pero sa factory. Palong palo OT namen dun . Madalas malinis na 18-20 kalapad.

  • @jennelynhamada6864
    @jennelynhamada6864 2 года назад +1

    Sa prometric exam po English 60 min. And 30 min.? Separate payment po ba ito?

    • @aquarius00700
      @aquarius00700  2 года назад +1

      Anung 60 mins at 30 mins? Skill at language exam po ba?

    • @jennelynhamada6864
      @jennelynhamada6864 2 года назад +1

      @@aquarius00700 opo

    • @aquarius00700
      @aquarius00700  2 года назад +1

      @@jennelynhamada6864 opo hiwalay po payment nun.

  • @karaqrym2291
    @karaqrym2291 2 года назад +1

    Hello senpai. Ask ko lang nung umalis ka sa company nung trainee kapa. May matatanggap ba na separation fee or ibibigay ba nila ng cash yung pamasahe sana sa airplane pauwing pinas?

    • @aquarius00700
      @aquarius00700  2 года назад +1

      Wala po separation fee kahit matapos ung 3 taon. Sagot lng nila tiket pauwi

    • @karaqrym2291
      @karaqrym2291 2 года назад +1

      @@aquarius00700 thank you senpai

  • @almagarcia9339
    @almagarcia9339 Год назад

    Hello can I ask a favor kase un nice ko dating student visa at nagchange ng SSW 2 bale mag 2 yrs na ngyn gustong umuwi ng pinas ano bang dapat gawin pra makakuha OEC need pa ba ng Promotion or agency sa pinas pra makuha lng ng OEC

    • @almagarcia9339
      @almagarcia9339 Год назад

      hello miss any comments regarding this matter

    • @aquarius00700
      @aquarius00700  Год назад +1

      Naku, sa employer nya po dapat iask yan. Tsaka kapag ssw eh need talaga na may partner agency sa pinas side ang employer or agency nya dto sa Japan dahil requirement ng POLO un. Isa yan sa rason kung bakit ndi makauwi ang ibang ssw visa holder, ndi kasi registered sa polo mga employer nila dto . Sa japan side, wala prob un. Sa Pinas lang, ang dami kasi hinihingi requirements sa pinas.

    • @almagarcia9339
      @almagarcia9339 Год назад +1

      may alam kba na agency pwdeng lapitan pra mag assist ng endoursement ng contract

    • @aquarius00700
      @aquarius00700  Год назад +1

      @@almagarcia9339 naku pasensya na wala ako alam na agency nag aasikaso nean

  • @yanchan915
    @yanchan915 2 года назад +1

    Thanks for this video nagkaidea ako about ssw, nagcomment ako sa isa vlog about dun sa pagchange kaisha pagssw , pwede ba mask ano yun supporting organization mo sa Japan balak ko din magchange company and hirap ako makahanap actually . Thank you ☺️

    • @aquarius00700
      @aquarius00700  2 года назад +1

      Thank you for supporting ny vlog po. Sa fb po madaming posting actually. Ano po ba hanap nyo work?

  • @danielescober1115
    @danielescober1115 Год назад +1

    Maam paano po mag apply ng farmer sa japan

  • @joshuacruz204
    @joshuacruz204 2 года назад +1

    Hi po ilang years po ung ssw visa renewalble b ung visa

    • @aquarius00700
      @aquarius00700  2 года назад +1

      Hello po, ang ssw1 ay may maximum stay na 5yrs po

  • @markvincedelacruz4902
    @markvincedelacruz4902 2 года назад +2

    Lodi magkano bonus nio every yer??

    • @aquarius00700
      @aquarius00700  2 года назад +2

      Ranging from 40~50 lapad po. Depende padin sa performance kasi un kaya ndi ko mabigay ang exact amount.

    • @markvincedelacruz4902
      @markvincedelacruz4902 2 года назад +1

      @@aquarius00700 slamat Lodi Sana kami din magkabonus ng ganyan

    • @mMierful
      @mMierful Год назад

      May bonus din po pag titp?

    • @aquarius00700
      @aquarius00700  Год назад

      @mMierful sa pagkakaalam ko po wala bonus ang mga trainee, pero ung iba binibigyan sila pero nasa isa o dalawang lapad lang. lugi dba.

  • @athy4988
    @athy4988 2 года назад +1

    hi po ate catherine, aspiring careworker po ako na gusto mag work sa japan. i just want to ask po if as a first timer ano po kayang mas maganda titp or ssw po? kasi im qualified for both po. kung as a trainee po ba pwede rin po kaya ako mag take ng kaigofukushishi? Kunyari po nakapasok po ako under TITP, in a year po kaya pwede ko machange into ssw yung visa ko while nasa japan na po? Complete reqs for ssw visa and for titp na po. salamat po ate catherine always take care.

    • @aquarius00700
      @aquarius00700  2 года назад +2

      Kung pasok ka naman sa ssw, then go kana dun. Ang titp 3yrs lang,, bibihira ang maextend hanggang 5 yrs. Ang ssw, 5yrs maximum

    • @athy4988
      @athy4988 2 года назад +1

      @@aquarius00700 thank you po ate catherine. ❤️

    • @aquarius00700
      @aquarius00700  2 года назад +1

      @@athy4988 welcome

  • @dute007
    @dute007 2 года назад +1

    Pag po ba ssw na visa mo yung parin po ba ang trabaho ninyo?

    • @aquarius00700
      @aquarius00700  2 года назад +2

      Depende po sau kung lilipat ka ng field of work.

    • @dute007
      @dute007 2 года назад +2

      @@aquarius00700 ok po salamat, ingat oo kayo diyan 👍

  • @trailblaze1990
    @trailblaze1990 Год назад

    Pag TITP po diba 3years yubs, pwede po ba magbakasyon within those years?

    • @aquarius00700
      @aquarius00700  Год назад +1

      Magbakasyon po saan? Lalabas ka po ng Japan? Nung trainee pa kasi ako dati, hindi payag ang agency na uuwi na pinas ang trainee habang ndi pa tapos ang 3 yrs, maliban nlng kung may ndi maganda nangyare sa kailangan asikasuhin sa Pinas. Ewan ko nlng po sa ngaun kung pinapayagan na ung mga trainee na umuwi na Pinas. Depende padin po ata sa agency at kaisha nyo, kasi ung iba kakilala ko naman nakakabakasyon sila. Ung agency lang namen talaga ang ayaw

    • @trailblaze1990
      @trailblaze1990 Год назад

      Sa Pinas po, yung husband ko kase TITP sya by december na ang alis or January.. salamat sa pagsagot sa concern ko 😊

    • @aquarius00700
      @aquarius00700  Год назад

      Depende po kung papayagan sya umuwi ng employer at agency nya para magbakasyon sa loob ng 3 taon. Kung nasa 1 month kasi ang ibabakasyon nya, ndi papayag un sila. isakto nya sa mga long holidays ng Japan, ung iba kasi rest day nun mga 1week na wala pasok, ung mga nagwowork sa factory. Pag food ang work nya, may pasok padin un sila

  • @garrylouietv9685
    @garrylouietv9685 2 года назад

    kelanagn po ba umuwe para mkalipat ng ssw from trainee visa
    may required po b na edad pag lilipat ng ssw?

    • @aquarius00700
      @aquarius00700  2 года назад +1

      Ang age requirement po nakadepende sa aapplayan nyong company.
      About sa pag uwi naman po, nung 2020 po kasi ako nagchange into ssw, ndi na ako umuwi after ng 3 yr contract ko. Kasagsagan din kasi ng corona virus un kaya wala pumapasok na worker sa Japan . Kaya pinayagan nilang direct mag apply. Sa ngaun po, ndi ko alam kung may binago na rules.

  • @kristinejoyasilo6888
    @kristinejoyasilo6888 2 года назад +1

    Ibg sbhn po sis mas okay ang sahod sa TITP?

    • @aquarius00700
      @aquarius00700  2 года назад +1

      Sa case ko ah. Madalas kasi OT nung trainee ako. Wala pa kasi covid nun. Ngaun 8hrs nlng mga factory kaya mababa na din ung sahod

  • @mitchmanzano7246
    @mitchmanzano7246 2 года назад

    hi.. pag po ba TI di pwedeng kumuha ng dependent visa for spouse? sana po mapansin nyo ito.. thankyou..

  • @japanrobotbackyard4641
    @japanrobotbackyard4641 Год назад

    Paano po pag natapos na ang 5 years ng ssw po ma eextend pa po ba yun or hindi na?

    • @aquarius00700
      @aquarius00700  Год назад +1

      maximum na po ng ssw1 ung 5yrs. pero sa bagong rule na gagawin ng Japan, 9 categories ung pede mag advance sa ssw2. it means, pede na kahit matagal as long as may work ka. un nga lang ndi pa alam kelan maaapprove un

  • @lornilleangel855
    @lornilleangel855 2 года назад

    What if di mo kayang tapusin ang 3 years na contract as ssw, pwede po ba yon? Wala po bang bayaran? Hehehe Thank you po😅

  • @ANTONIOGENTAPA
    @ANTONIOGENTAPA Год назад

    Maam titp po ako at hindi ko tinapus contract ko sa kdahilanan na sobrang warui ng senpai ko at sensei ngayun planu ko umalik sa ibang company at may nag recommend sa akin nanjan na cya sa japan nanirahan makakabalik pa buh ako

    • @aquarius00700
      @aquarius00700  Год назад +1

      yes po, hanap ka lang ng agency na tatanggap sau. or ask mo ung nagrecommend sau na kakilala mo kung anu agency nya sa Pinas.

    • @mangyanokinawajapan
      @mangyanokinawajapan 9 месяцев назад

      Maam tapos na po ako ng 3yrs as titp at nkabalik po ako ulit for 2 yrs .okay lang po kaya na 1 yr lang yung tapusin ko . At kong sakali po na mag apply ako ulit sa japan as ssw wala po kaya magiging problema khit 1 yr lang tapusin ko instead 2yrs ?

    • @aquarius00700
      @aquarius00700  9 месяцев назад

      @mangyanokinawajapan yes pede naman po. kasi yearly naman ang renewal ng contract.

    • @songsofmyheart6826
      @songsofmyheart6826 3 дня назад

      Pano po kung hindi pumasa sa final exam makaka balik pa ba ex trainee po ako hindi ako nag extend

  • @CorneliusMLN
    @CorneliusMLN Год назад

    Pwede po ba na ssw na ang kukunin kaysa sa training visa?

    • @aquarius00700
      @aquarius00700  Год назад +1

      Pede naman po. Need mo nga lang makapasa ng jft or jlpt n4 muna para makapg apply ng ssw

  • @rubiinjapan
    @rubiinjapan Год назад

    tinapos mo ba yung 3 years titp mo, or puwede 1 year trainee ka lang tapos apply ka na ng ssw po

    • @aquarius00700
      @aquarius00700  Год назад

      Tinapos ko po ung 3 yrs ko

    • @mangyanokinawajapan
      @mangyanokinawajapan 10 месяцев назад

      Pano po pag natapos na yung 3yrs trainee tapos kababalik lang po ng japan tapos trainee p din pwede na din po ba mag apply ng ssw ?

  • @jasonochoco4352
    @jasonochoco4352 Год назад

    Ma'am pag ma titp pba pwdi walanq experience?

    • @aquarius00700
      @aquarius00700  Год назад

      Hello po, ang titp po kasi need dumaan ng agency para makapag apply ng visa. At ung agency po ang magsasabi kung tumatanggap sila ng kahit wala experience sa work.

  • @hanzXhanz21
    @hanzXhanz21 2 года назад +1

    Mam may idea po ba kayo about sa pagapply sa ssw visa from ph? need pa ba ng experience or certification sa tesda?

    • @aquarius00700
      @aquarius00700  2 года назад +1

      Need po ng jlpt or jft at prometric test

  • @twinklesienadizonnapoles2467
    @twinklesienadizonnapoles2467 2 года назад +1

    Hello po, ano pong name ng agency nyo diito sa pinas?

  • @runimace3974
    @runimace3974 2 года назад

    ano po S.O nyo ?

  • @senpaitv5251
    @senpaitv5251 2 года назад +1

    pwede b mg apply sa puso mo haha sa ssw po

  • @menchdoctora5809
    @menchdoctora5809 2 года назад

    hi po titp po ako my ma lilipatan po sana ako na kumiai kasu wala pong partner agency sa pinas

    • @aquarius00700
      @aquarius00700  2 года назад +1

      Hello po, requirements po kasi sa Philippine side na dpat may affiliate sila na agency sa Pinas , kau lang din po mahihirapan kapag umuwi kau ng pinas para magbakasyon, baka ndi kau makabalik sa Japan

  • @monkgres
    @monkgres 2 года назад

    para sa akin not advisable mag solo ng apartment unless kukunin mo immediate family maxadong magastos

    • @aquarius00700
      @aquarius00700  2 года назад +1

      Depende po kasi. Mahirap may kasama sa apartment lalo kung iba iba sched ng pasok nyo. Ndi ka makagalaw ng ayos kasi baka makaistorbo ka ng tulog. Yan ang kadalasan pa naman pinag uumpisahan ng away.

    • @aquarius00700
      @aquarius00700  2 года назад +1

      Naexperience ko na din po kasi sa 3 yrs na 4 kami sa apartment. Iba iba desisyon sa buhay tsaka mahirap makatulog pag may maingay. Usually naman nasa 2 lapad per head ang apartment dto tas 3-4 sa ibang bahay. Ung apartment ko po na solo nasa 24,000 yen lang. halos same lang din pag shared apartment kaya mas ok ako sa solo.

    • @monkgres
      @monkgres 2 года назад +1

      @@aquarius00700 kung same lng dn sa may kasama pwedeng pwede pero d2 sa amin kahit province mahal n rn 2LDK 6.5 lapad kaya naabot gastos ko sa apato at utilities around 9 lapad.

    • @aquarius00700
      @aquarius00700  2 года назад +1

      Grabe napakamahal naman jan. Nasa tokyo ba kau?

    • @monkgres
      @monkgres 2 года назад +1

      @@aquarius00700 niigata ung 6.5 lapad mo sa tokyo 1k size apato lng yun

  • @cerocastillo3634
    @cerocastillo3634 2 года назад

    Hello po, first timer lang po. Ask ko lang po if need po talaga mag-undego as trainee para maging eligible for SSW, paano rin po pala malalaman if eligible ako to apply for SSW?
    Then tumingin po kasi ako ng mga industry under SSW2, mayroon po ako nakitang Aviation industry under SSW2. BS Air Transportation fresh graduate po ako kaya medyo related naman po sa field ko. Ask ko lang po if mailap po ba talaga ang job hiring/opening na related sa aviation or sa airport?
    Sana po masagot. Thank you and ingat po kayo diyan sa Japan. God bless.

    • @aquarius00700
      @aquarius00700  2 года назад

      Ang alam ko pede na mag direct apply jan as ssw pero mas mataas nga lang ang requirements kumpara sa trainee.

    • @cerocastillo3634
      @cerocastillo3634 2 года назад +1

      @@aquarius00700 Thanks po sa pagsagot. Ask ko na rin po, ‘yung promtetic exam po ba para siyang skill/practical test? Parang hands on test po?
      Dito rin po ba sa Philippines ginagamap ang prometric exam?

    • @aquarius00700
      @aquarius00700  2 года назад

      Ndi po un practical test. Sa computer lang kau magsasagot

    • @aquarius00700
      @aquarius00700  2 года назад

      Ndi po un practical test. Sa computer lang kau magsasagot

    • @aquarius00700
      @aquarius00700  2 года назад

      @@cerocastillo3634 ndi po practical test. Sa computer lng kau magsasagot

  • @DeathSythez
    @DeathSythez Год назад

    This video is for xtrainee ng japan.
    Not for new applicant