AWIT PANG INDAKAN NI SANTA MARIA MAGDALENA

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 5 фев 2025
  • Titik ni: Reb. Padre Alfredo Meneses Jr.
    Musika ni: Sem. Danne Steven Galve
    Salamat po sa pagtitiwalang lapatan ng tono ang indakan para kay Sta. Maria Magdalena. Viva Sta. Maria Magdalena!
    Ut in omnibus glorificetur Deus!
    LYRICS
    Tayo'y umindak, sumayaw kasabay ang mahal na Patrona
    Santa Maria Magdalena nang masayang harapin ang hamon ng buhay.

    Santa Maria Magdalena aming Mahal na Patrona
    Santa Maria Magdalena, alam nami'y ika'y masaya
    Muli mong nasilayan si Hesus na 'yong minahal
    Mga mata noo'y matamlay, ngayon naman ay masigla
    Santa Maria Magdalena namimintuho ang bayang Pililla
    Tayo'y umindak, sumayaw kasabay ang mahal na Patrona
    Santa Maria Magdalena nang masayang harapin ang hamon ng buhay.
    Tayo'y umindak, sumayaw kasabay ang mahal na Patrona
    Santa Maria Magdalena aming Mahal na Patrona
    Santa Maria Magdalena pagtangis mo'y napawi
    Sa pagbati sayo ni Hesus nabuksan ang 'yong puso't isip
    Tinawag ka N'ya sa pangalan pinuno ka ng kagalakan
    Santa Maria Magdalena nagagalak ang bayang Pililla
    Tayo'y umindak, sumayaw kasabay ang mahal na Patrona
    Santa Maria Magdalena nang masayang harapin ang hamon ng buhay.
    Tayo'y umindak, sumayaw kasabay ang mahal na Patrona
    Santa Maria Magdalena aming Mahal na Patrona
    Santa Maria Magdalena isipan mo'y nagliwanag
    Nang si Hesus sayo'y nangusap
    Salitang binitiwan Nya'y paindak mong ibinalita
    Santa Maria Magdalena naiindak ang bayang Pililla.
    Tayo'y umindak, sumayaw kasabay ang mahal na Patrona
    Santa Maria Magdalena nang masayang harapin ang hamon ng buhay.
    Tayo'y umindak, sumayaw kasabay ang mahal na Patrona
    Santa Maria Magdalena aming Mahal na Patrona
    Santa Maria Magdalena aming Mahal na Patrona

Комментарии • 1

  • @riuchadricmagat7188
    @riuchadricmagat7188 3 года назад +1

    Napakagandang awiting alay para sa mahal na patronang Sta. Maria Magdalena... VIVA MAGDALENA!