Reel Time: Salat | Full Episode

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 11 окт 2024
  • Salat man sa buhay ang pamilya ng 10 anyos na si Mary Rose Navarro, tinitiyak pa rin ng kaniyang ina na mapakain silang anim na magkakapatid na may kani-kaniyang karamdaman. Paano kaya nila nakakayang makaraos sa buhay kung minsan, walang laman ang kanilang mga tiyan? #GMAPublicAffairs #StreamTogether
    Watch this video and more exclusive full episodes of GMA shows on www.gmanetwork....
    Watch ‘Reel Time’, Saturday nights at 9:15 PM on GMA News TV.
    Subscribe to us!
    www.youtube.com...
    Find your favorite GMA Public Affairs and GMA News TV shows online!
    www.gmanews.tv/...
    www.gmanews.tv/...

Комментарии • 1,2 тыс.

  • @kyliejenner5406
    @kyliejenner5406 5 лет назад +721

    pag feeling down ako. Pag feeling ko wala akong kwentang tao, pag feeling ko walang kwenta buhay ko na ang malas malas ko. Nanunuod lang ako ng mga ganto dahil nagiging inspirasyon ko sila para mabuhay. Kahit gaano kasakit ng buhay , Kahit gaano nakaka depress, manunuod lang ako para maisip na swerte pa pala ako. dapat wag akong mag inarte, dahil mas madaming kapos sa hirap hndi nakakaen, hirap sa buhay tapos ako konteng hirap lang depress agad. Nakaka inspired sila dahil kahit gaano kahirap lumalaban sila, kaya naiisip ko bkit ko ititigil buhay ko sa mga problema ang duwag ko naman. Ang tamad ko pa, maluho ,magastos,maarte sa pagkaen tapos sila laban lang sa buhay walang reklamo. patuloy lang buhay kahit ang hirap na. Wala naman tayong choice kundi mabuhay hndi naten pwedeng itigl ang buhay kahit mahirap. Sila nga matapang lumaban tayo pang maayos ang buhay nakakaen ng tatlong beses sa isang arw, may nattulugang maayos na bahay.

    • @jmdelossantos9119
      @jmdelossantos9119 5 лет назад +18

      Kylie Jenner ganyan talaga pag may depression...na sayo na ang lahat pero di ka parin masaya..

    • @mushroompizza5804
      @mushroompizza5804 4 года назад +7

      Tama yan. Mas marami ang nag hihirap sa mundo. Ang gawin mo mag share ka. Hindi kita pini pressure ha. Hindi naman pera agad. Time sa tao ganon.

    • @pinoyrapandlovesong7157
      @pinoyrapandlovesong7157 4 года назад +2

      Tama po. Ganyan din po ako. Hilig ko po manuod ng mga ganito.

    • @BBREMINDER
      @BBREMINDER 4 года назад +2

      Ikaw na ikaw ako hayss

    • @kyliejenner5406
      @kyliejenner5406 4 года назад +9

      jV ramos it’s been 1 year ng pinost ko to. Wala pa din akong permanenteng trabaho. 😰 grabe ang hirap. Pero kaya yan. May awa ang diyos makakaraos tayong lahat 🙏🏻

  • @Raegrae13
    @Raegrae13 4 года назад +225

    This is one of my favorite docu na napapa nood ko. Unique kasi walang narrator, yung subject mismo yung nagkikwento ng buhay nila. Kudos to the team. Made me cry.

  • @anjelicalykaroxas4646
    @anjelicalykaroxas4646 4 года назад +33

    my heart melts sana naman maicip din ng mga magulang ang mga batang magugutom bago gumawa ng gumawa ng bata

  • @arbolenteblaireangeld.
    @arbolenteblaireangeld. Год назад +36

    I feel bad seeing comments saying na kapag they feel down or nalulungkot sila, they just watch videos like these to be inspired. These are documentaries, hindi movies for you to get inspiration from. These are real people living difficult lives and they need serious help! These documentaries are meant to be an eye-opener for us to be aware that these problems exist in our country and all over the world. Hindi sila nabuhay sa mundo para maging inspirasyon sainyo, to make you feel better about yourselves or about your lives. They're not here for you to compare your lives with. Hindi dapat niroromanticize yung buhay nila, na kesyo bilib kayo sa kanila kasi lumalaban sila sa buhay kahit mahirap. Other people's suffering shouldn't be an inspiration. HIndi naman nila pinili yung ganyang buhay eh, they just have no choice, and you're out here watching them just to make you feel better?

    • @jennybotones7659
      @jennybotones7659 3 месяца назад +5

      finally, may nakapagsabi rin! They don't need to be glorified, or to be an inspiration, they need help!

    • @jeromearquilla9471
      @jeromearquilla9471 2 месяца назад

      @@jennybotones7659 I agree to you ...

    • @buratsikol
      @buratsikol Месяц назад

      real shi

    • @zpontaneous
      @zpontaneous Месяц назад

      Tbh if may choice lang sila agad agad di nila papangarapin maging mahirap. Sana nga matuto yung mga tao na huwag romansahin ang kahirapan kasi literal na walang nakakatuwa kapag nasa ganyang kalagayan. Sana man lang matutunan ng iba na hindi nilagay ang mga mahirap sa mundong ito para pangarapin at gawing pampalipas oras para pagaanin ang loob nila pag depress sila.

  • @enyaissad8422
    @enyaissad8422 4 года назад +121

    “Pangarap ko pong makakain ng manok.”
    Sobra sobrang pasasalamat ko na hindi hinayaan ng mga magulang kong hindi kami makakain tatlong beses isang araw.

  • @lykamhaegelio4179
    @lykamhaegelio4179 2 года назад +10

    Family planning is really important. We cannot break this chain if people were still uninformed up to this day. Hays. :(((

  • @glennjohn9987
    @glennjohn9987 5 лет назад +44

    ang matured mag isip ng bata mabait sya marunong mag Po, sana neng maka tapos ka para matulungan mo mga kapatid mo matalino ka goodluck neng godbless.

  • @greendestinyph
    @greendestinyph 3 года назад +58

    One of my favorite documentaries ever. GMA really does a good job with documentaries. I still cry when I see this, it truly is heartbreaking for the kids. Hope they are in a better state now.

  • @joymaggay3843
    @joymaggay3843 6 лет назад +424

    matagal na Ito Okey na buhay nila may magandang tirahan na cla kumakain na cla 3 times a day, Yung mga batang Yan na payat nuon matataba na cla pati Yung nanay nila tumaba narin, tinulungan cla Ng mag asawang taga USA. ito Yung iniyakan ko ng husto habang nanonood

    • @alleng.4310
      @alleng.4310 5 лет назад +11

      nasaan ang proof kung tumaba na sila?picture pls.

    • @dioralisasanantonio708
      @dioralisasanantonio708 5 лет назад +6

      Joy Maggay
      Parehas tayo dami kong iyak
      God is good mabuti natulungan sila

    • @renceaclesteban9211
      @renceaclesteban9211 5 лет назад

      Joy Maggay 🤓🤓🤓🤓🤓🤓🤓🤓🤓🤓🤓😎🤓🤓🤓🤓🤓🤓😎😎😎😎😎😎😎😎😎😎😎😎😎😎😎😎😎😎😎😎😎😎😎😎😎😎😎😎😎😎😎😎😎😎😎😎😎😎😎😎😎😎😎😎😎😎😎😎😎😎😎😎😎😎😎😎😎😎😎😎😎😎😝😝😎😎😎🤓🤓🤓🤓🤓🤓🤓🤓🤓🤓🤓🤓🤓🤓🤓🤓🤓🤓🤓🤓🤓🤓🤓🤓🤓🤓🤓🤓🤓🤓🤓🤓🤓🤓🤓🤓🤓🤓🤓🤓🤓🤓😎🤓🤓🤓🤓🤓🤓🤓🤓🤓

    • @joanofw29
      @joanofw29 5 лет назад

      oo nga @@moonlightrai8023

    • @glennjohn9987
      @glennjohn9987 5 лет назад

      si sir mark po yun diba yung mag asawa? nag iisponsor sila sa mga mahihirap.

  • @charlenemayoctaviano7961
    @charlenemayoctaviano7961 4 года назад +20

    "Pangarap ko pong maka kain ng manok"
    sobrang durog na durog puso ko habang pina nonood ko ang mga batang to! paano nalang lalo sila sa ganitong crisis 😭💔 yung iba reklamo pa ng reklamo sa ayuda na natatangap nila yung mga taong to hirap na hirap pa makahagilap ng pang bili ng isang paketeng noodles para pagsaluhan nila swerte pa kung may delihensiya nanay nila pag wala matutulog nalang ng gutom. napaka sakit sa puso grabe iyak ko sa awa. 😭😭😭💔💔💔

  • @frenlynmontemayor7819
    @frenlynmontemayor7819 2 года назад +8

    Ang talino ng batang to 😭😭😭, sana makita ito ng gobyerno natin 😭😭😭, makkapagtapos ka bibi girl ng pagaaral , wag kang bbitaw

  • @ludyannsanjuan5580
    @ludyannsanjuan5580 6 лет назад +132

    Napaka swerte ko pala nung bata ako, lagi akong may baon, lagi pa akong naka jolibee. Wala talaga akong karapatan magtanim ng galit sa mga parents ko:( may nagawa man silang isang maling desisyon sa buhay ko, hindi padin yun sapat na dahilan para akoy magalit at magtampo ng mga ilang years. :( This docu help me to realize something important to my life! Because of this docu , i am going to call my parents and ask for forgiveness , i was so rude and i know i disrespect them. :(
    I am living in uk and they are back home, i havent seen them for a while now. I miss them more because of this documentary :(

    • @edtvvlogs8391
      @edtvvlogs8391 5 лет назад +1

      Ludy Ann San Juan (rich)

    • @jrrivera8364
      @jrrivera8364 4 года назад

      Hi

    • @DoloresPROPERTIESforSALE
      @DoloresPROPERTIESforSALE 4 года назад +4

      Mukang di lang Jollibee, mukang litson araw araw eh haha naging kamuka mo na hahaha

    • @selflove428
      @selflove428 4 года назад +2

      Good for you it's not too late

    • @bhembhum4141
      @bhembhum4141 4 года назад

      Good for you ate. How are you and your parents now?

  • @jvmendoza5679
    @jvmendoza5679 3 года назад +96

    Kapag I feel down or sad, I just watch this kinds of docu to talk to my senses and reflect na we're lucky pa to have such a life compared to them. That's why we should always be grateful to the things and life that we have.

    • @anonymousmask6623
      @anonymousmask6623 2 года назад

      Tama po, all ways look as whole hindi lamang ikaw nakakaranas ng problema

    • @maxnyx4777
      @maxnyx4777 11 месяцев назад +3

      You don't have to compare your life to others just to be grateful

    • @mushroom_s0up535
      @mushroom_s0up535 5 месяцев назад +1

      lmao

    • @mikz8694
      @mikz8694 Месяц назад

      drama mo sila kawawa ikaw papansin

  • @bulsojane8845
    @bulsojane8845 4 года назад +191

    Kamusta na Kaya sya si Mary rose? Tagal ko Ng napanuod to inulit ko lng ulit
    2020 sinong na nunuod ngyon

    • @ronron2636
      @ronron2636 4 года назад +6

      Gusto ko din mag abot ng tulong kay mary rose. Pra syang anghel sa eyes ko. Magaan loob ko sa kanya

    • @popoypacara5966
      @popoypacara5966 4 года назад +7

      ruclips.net/video/7Uxe4ZUDbZI/видео.html

    • @biancasevilla4566
      @biancasevilla4566 4 года назад +9

      May bahay na sila. May tumulong sa knila taga ibang bansa

    • @BBREMINDER
      @BBREMINDER 4 года назад +2

      Parehas tayo ..sna nasa mabuti sipang kalagayan ngaun

    • @justlife6324
      @justlife6324 4 года назад +3

      Sana ma palabas upi sya sa tv sa reel time iwant some give help to mary rose at sa kanyang family na touch ako sa strory nya at na inspired ako dahil sa gusto nyang maka tap0s ng ag aaral dahil sa hirap ng kalagayan ng knayang family ask ko lng my na kakalam ba kng san sila ngayon c mery rose and family sana oks na sila lalo c mary rose sana oks na yng healthy nya and here sebling nya at c nanay vina God bless you all always pray to papa God Amen

  • @mysuperjekie
    @mysuperjekie 3 года назад +19

    hanga ako kay Mary Rose at sa nanay nya. Kahit gaano sila kasalat at kahirap, hindi nya nakakalimutan mag "po at opo." Napakagalang at may pangarap. KAmusta na kaya sya ngayon?

    • @yhann_grasya
      @yhann_grasya 3 года назад

      ruclips.net/video/qT-ZGFf2raU/видео.html
      Ito na po cla

  • @timothyjoshalingasa9039
    @timothyjoshalingasa9039 3 года назад +25

    Ang bata ko pa nung napanood ko 'to, Indeed true mother's love is eternal.

    • @hyperband7
      @hyperband7 2 года назад

      🤔 I see mostly selfish dumb parents on here.. if they truly cared about the kids future. They should have closed their fucking legs or swallow!! 😏👎🏼 disgusting parents

    • @Quelly-g4c
      @Quelly-g4c 17 дней назад

      Ibig sabihin matagal na ito, anong taon ng napanood mo ito

  • @ishhaglosolos4736
    @ishhaglosolos4736 5 лет назад +27

    "Minsan po naiisip ko na ako nalang yung pinaampon ni Mama kase po nahihirapan na ako"
    Ang sakit pakinggan 😢😭💔

  • @irishcarezubieta7714
    @irishcarezubieta7714 Год назад +3

    This kind of document the parents should let their children to watch. An eye opening for the children to realized how bless they are rather let the children spend time playing mobile games and exposing too much on social media. Most children are choosy and demanding to the type of food they want to eat rather be satisfied and be thankful for the food they have in the table. This kind of content also will help the children to realized why their parents work so hard so they can provide food shelter and clothing. I, myself is a parent I let my child even ng niece and nephew watch this kind of documents for them to realized that life is not easy. Also, thru this I was able to teach younger generation to strive and also to share. For us, what we have is not a right but a privilage therefor be thankful and greatful

  • @walking2feetsadventures529
    @walking2feetsadventures529 5 лет назад +36

    September 2019, whos watching with me? congratulations sa documentary na ito. Award winning pala ito.👏🏻

  • @sakuragihanamichi1042
    @sakuragihanamichi1042 6 лет назад +66

    The docu that gives our country's 3rd Peabody Awards, Most coveted and highest honors in electronic media and broadcasting. GMA, Truly Philippine's Best Station.

    • @Raegrae13
      @Raegrae13 4 года назад +4

      2020 na abs wala pa din Peabody. Saklap hehe

    • @joypinon9972
      @joypinon9972 4 года назад +7

      I wonder if they give at least something to these people they are featuring. Pinagkakitaan nila sila eh. Sana may inaabot din kaht konting groceries lang.

    • @Raegrae13
      @Raegrae13 4 года назад +3

      @@joypinon9972 of course meron yan. Di naman sila bastos para gamitin ang kwento nila pero walang something in return.

    • @joypinon9972
      @joypinon9972 4 года назад +2

      Oo nga kaya sabi ko i wonder kasi di ko rin alam. Mabuti kung meron. God bless them.

    • @GuadzandJudeBlog
      @GuadzandJudeBlog 4 года назад +2

      @@joypinon9972 meron tlaga yan. may binibigay yan sila

  • @jayprescilla7161
    @jayprescilla7161 5 лет назад +59

    napakasimple lang ng pangarap ng bata makakain ng manok napaka swerte natin

  • @RC-mg1cf
    @RC-mg1cf 3 года назад +17

    Always be grateful what you have in life even the small things. Don’t complain the things you don’t have instead treasure the things you already have.

  • @silentlover5183
    @silentlover5183 5 лет назад +9

    Grabe yung bata mag isip napakamatured compare sa nanay nia.. 😢😢 hay nakakaiyak lng dahil sa sobrang hirap ng buhay danas na danas nia na kasalatan ng buhay 😥😥

  • @lalaineserrano5080
    @lalaineserrano5080 3 года назад +7

    Naawa naiyak ako tlga😢😢😞😞matalinong bata tlga Mary Rose Sana mkatapos sya matupad pangarap nya sa buhay

  • @krizellezirk8492
    @krizellezirk8492 5 лет назад +26

    Saludo ako sa paaralang may mga feeding program para sa kanilang mga estudyante na hirap sa buhay..sana madaming paaralan na may ganitong programa..nakaka awa ang mga bata, nakaka durog ng puso. Namulat sa hirap ng buhay.

  • @fairytale4083
    @fairytale4083 3 года назад +5

    Grabee nakaka iyak 😭😭 yung mga bata na tutrauma na sa palagid nya 😭
    The way she cried aware na aware na sya sa gutom at hirap ng buhay
    Sana priority matulungan yung mga bata na ganito ..

  • @angelikamaegatus5015
    @angelikamaegatus5015 Месяц назад +1

    Sana maisip ng mga nakatataas na ganito literal na kahirap mabuhay lalo na sa ibang tao na hindi nila kapantay. Eto ang mga taong Kailangan tulungan.

  • @graceampoloquio4844
    @graceampoloquio4844 3 года назад +16

    As a mom myself, hinding hindi ko hahayaan na magutoman ang anak ko. As long as kaya kong kumilos ggawin ko lahat para hindi maranasan ng anak ko magutom... So heartbreaking watching this. 💔💔💔

  • @zhazhaO
    @zhazhaO 5 лет назад +50

    Nakakagalit yung ina ng mga bata. anak pa ng marami di naman masuportahan. Tapos pag wala makain anak matutulog na lng??!! Kasi naiintindhan n ng mga anak mo ksi lagi na ganon??!! Di mo mahal mga anak mo kasi hinayaan mo sila mag suffer!! Sabon lang inihihiram pa sa kapitbahay dun palang nakaka awa na ang bata. Papasok sa school na gutom pa.😠

  • @efrenagbisit9818
    @efrenagbisit9818 6 лет назад +112

    gnyan na ganyan aq nung nag aaral.. dlwa kmi ng klsm8 q tnatawag pra kumain ng libre...kmi nmn nhihiya pro depinside natutuwa kmi kc libre kain..sa hrap ng buhay nmin nuon dq akalain na mlalagpasan lht at hito nsa abroad nq sa awa ng diyos...nag wwrk sa isang malaking kumpanya at ang isa kng klasm8 nsa mabuti nrin cya at namamasukan sa magandang kumpanya..at sa ngaun nag kukumztahan nlng kmi...natatawa nga kmi kpg naguusap kmi dhl naalala nmin ang hirap ng buhay

    • @marlynantivo8665
      @marlynantivo8665 5 лет назад

      Matagal n po yan

    • @marksanchez6393
      @marksanchez6393 5 лет назад

      Amen

    • @edtvvlogs8391
      @edtvvlogs8391 5 лет назад

      Ganda NG experience at pagbabago SA buhay nyo ngaun

    • @17kokae
      @17kokae 3 года назад +1

      Saludo po ako sa inyo at sa mga dumadanas ng hirap pero hindi padin tumitigil makipaglaban ng patas. Mabuhay po kayo! Pag napadpad po kayo sa Japan, Imbitahan ko po kayo para makapagusap, gusto ko po kasi ang mga taong makukulay ang buhay na pinagdaanan. Godbless

  • @derdogs7997
    @derdogs7997 3 года назад +14

    2021 still watching 🥺 Ang hirap maging mahirap, Mas mahirap pag Wala kang pangarap. Makaka ahon din ho kayo. May awa po ang diyos❤️

  • @ma.elenagayte6248
    @ma.elenagayte6248 2 года назад +8

    Naiyak ako, kakaawa ng mga bata😢 Kakatakot na magkaroon ng anak sa future lalo na kapag hindi handa maging magulang. Just a realization of mine po, 'wag na lang po mag-aanak kung SOBRANG mahihirapan naman ang bata sa lalabasan niyang mundo😔

  • @EpsVlogs
    @EpsVlogs 3 года назад +3

    10 years old lang si mary rose pero sobrang matured na mag isip. Ganito mga pinapanood ko sa tuwing feeling down din ako para ma inspire ako na mas maswerte parin ako at grateful. Pag sa abroad at halos wala na pahinga at sobrang pagod na ako ay ganito lang mga pinapanood ko para patuloy akong lumaban.

  • @breanalam3679
    @breanalam3679 4 года назад +4

    I was crying while watching this. Lord God, this is what i prayed for please help them, help them more than you help us. Sa lahat po ng mga may kaya please help them. The mother sleeps in the roof para hindi ma sturbo ng mga anak nya? What about the safety of your children? 😢😢
    May isang anak na ako but i swear hindi ko ipapa experience sa kanya to. Kahit mag hugas man ako ng isang milyong pinggan sa karenderia ma pakain ko lang sya 😢😢😢😢😢😢

  • @donna4903
    @donna4903 3 года назад +21

    Grabeh time flies so fast, 2013 ko itong napanood tagos sa puso ang istorya ng buhay ni mary rose this is my favourite docu ever, Sumasalamin talaga sa buhay ng isang tao!!

  • @christinemarieocumen8697
    @christinemarieocumen8697 4 года назад +8

    I'm a nursing student. I came here because our homework is to watch this episode. To be honest, I can't stop crying while watching this. For a ten year old girl, nakikita kong matured sya mag isip. Nakakalungkot lang kasi at her age, she's suppose to be enjoying her childhood. Kamusta ka na Mary Rose? Kung nasan ka man ngayon, don't give up. Life's giving you millions of reasons to cry and give up. But don't. Look for that reason to smile and face tomorrow .

    • @gummybearloml
      @gummybearloml 2 года назад

      may anak na sya ngayon pinopost nya sa Facebook 😀

  • @moneso3085
    @moneso3085 3 года назад +22

    2021 and still watching this. I prayed that they've received the help and blessing that their family needs.

  • @hannaheaselloveKayeCal
    @hannaheaselloveKayeCal 4 года назад +10

    Pag documentaries talaga angat ang GMA lalo na sa mga ganitong issue... galing

  • @eron.717
    @eron.717 2 года назад +3

    I'm crying while watching this documentary, nakakaawa lang sa parte ni Mary Rose na sa murang edad pa lang ay nasasabi niya na 'yong mga words na hindi naman commonly nasasabi ng mga bata and nararanasan niya 'yong mahihirap na parte ng buhay kung saan hindi naman dapat nararanasan ng mga nasa edad 10 pababa. Btw, I discovered this documentary kasi gagawaan ko ito ng reflection paper, kudos sa GMA NETWORK sa efforts na binigay nila para maproduce itong dokumentaryong ito.

  • @kais_iecyx2962
    @kais_iecyx2962 Год назад +11

    2023 and still watching these type of documentaries. Mas napupush niya yung kagustuhan kong maging professional one day to help others lalo na mga nakakaranas ng ganito, kahit hindi malaki basta makatulong. Kakaiyak huhu

  • @melowinsalas2293
    @melowinsalas2293 3 года назад +11

    realized how lucky i am for having loving and responsible parents...😭pwede namang maglabada o di kayay mangalkal ng basura ...hndi puro tambay lang..hindi naman ung pagkain ang kusang pupunta sayo..sad for these children😭

    • @mariannesantos4511
      @mariannesantos4511 3 года назад

      Nkakalungkot isipin n ngpadami cya ng anak tpos d nl maibigay ang mga pangagailangan ng mga ito. Kawawa yong mga bata.

  • @lebertpizonofficial2443
    @lebertpizonofficial2443 4 года назад +3

    Diyos ko lord ito dapat ang binibigyan ng pansin ng gobyerno, ito dapat ang mga tinutulungan yung mga batang walang kinalakihang ama at nagdurusa sa hirap ng buhay. Sana naman may mabubuting tao ang tutulong sa kanila. kung meron lang ako tutulungan ko to at hahanapin, awang awa ako sa mga batang to. Sana naman matulungan sila. saludo ako sayo nanay at gumagawa ka padin ng paraan kahit gaano pa kahirap ang buhay.

  • @Raegrae13
    @Raegrae13 4 года назад +5

    Just because your life is miserable doesn't mean it will be forever. Because there are people somewhere out there, living their lives worse than yours and struggling to survive on daily basis trying to find something to put on their table. So be grateful, be appreciative and be humble all the time. Don't complain. Be thankful. Because what you have now is enough if you know how to appreciate. ❤️

  • @bangzyuchannel8864
    @bangzyuchannel8864 5 лет назад +24

    Ganto ako dati elementary ako, pumapasok ng gusot gusot uniform, wala kc skin nag aasikaso nung bata ako, pag naiisip ko yun dating buhay ko nung bata ako, never kong ipaparanas sa dalwang anak ko ang nangyari skin nung bata.
    Kaya sana mag family planning tayo. Kc ndi magulang ang nkakaawa kundi yun mga bata,

  • @paulinevillanueva7785
    @paulinevillanueva7785 4 года назад +5

    Habang pinapanood ko to narealize ko napaka swerte ko(MARAMING SALAMAT PO PAPA GOD!🙏)
    Sobrang naaawa ako sa kanila 😔.Ang mature magsalita at magisip si mary rose tipong mulat siya sa sitwasyo nila. This video!💔😭

  • @angiebelen3105
    @angiebelen3105 6 лет назад +3

    Sobrang iyak ko dito walang patid. Sobrang nadudurog ang puso ko. Napaka bata nya pa pero ramdam ko ung hirap nya. Sa murang isip nya matured na sya mag icp. Sobrang sakit ng dinaranas nila. Lalo na si Mary Rose. Pero masaya ako sa kasalukuyang buhay nya ngayon. Lahat sila tumaba at maaus na ang buhay. Pinag ppray ko na sna makatapos ka ng pag aaral Mary Rose at matupad mo ang mga pangarap mo na maging isang Doctor. Godbless You and Your Family. And sa mga tumulong sa inyo. Godbless din sa inyo.😊

  • @yvetteschlander-cabasog318
    @yvetteschlander-cabasog318 4 года назад +39

    Lalong humihirap ang buhay nila dahil sa attitude ng nanay. Bulok din yung mind setting niya na wala siyang magagawa para mabuhay ng maayos ang mga anak niya. Dahil ayaw daw niyang mag isip maglilibang nalang siya. Nakakalungkot kasi nag ssuffer ang mga bata.

    • @jerichorosales5110
      @jerichorosales5110 4 года назад +1

      Kaya nga e ang daming basura sa paligid bakit d siya mangalakal para makakain mga anak ny

    • @loowiii_06
      @loowiii_06 Год назад

      Aanak anak tas tamad. Kawawang mga bata sa mga iresponsableng magulang talaga tsktsk

    • @eleazardonayre9543
      @eleazardonayre9543 Год назад

      Pagka ganyan ang estado ng tao di na lang sana sila dapat nag anak ng marami kasi yung mga anak nila mas nahhrapan e..
      Mas matured pa nga mag isip yung bata kesa sa nanay nila e..

  • @chreyanaim3710
    @chreyanaim3710 3 года назад +4

    Di ko alam pero nabubwisit at nanggigigil ko sa mindset nung nanay ng mga bata -_- .. Sa dami ng anak nya masaya na sya sa 40pesos na kinikita nya.. Kakagigil sobra .

  • @eryndecastro5701
    @eryndecastro5701 4 года назад +4

    Ilang beses ko na to napanuod dati. Inulit ko nanaman after 3 yrs. Until now sobrang broken hearted ako kapag pinapanuod ko to. Nung first time ko to mapanuod sa tv. Napaka simple ng pangarap nya na maka kain ng chicken. Any updates regarding sa family nya?

  • @aryana-dj4wr
    @aryana-dj4wr 3 года назад +2

    Yung bata ka plang pero alm muna yung hirap ng buhay . Mg aral kang mabuti bebe ha . Godblessyou. Lumaki kang matalino at masipag . ❤️

  • @positivenegativeten
    @positivenegativeten 3 года назад +7

    Mabuti pa ang bata merong magandang pangarap para sa pamilya

  • @johndalereyes2808
    @johndalereyes2808 4 года назад +7

    Iba po talaga ang mga documentary ng GMA pang world class na kakainspire po kayo sa mga gawa niyo as a student po sobra po akong natututo at naaamaze sa mga docu niyooo ❤

  • @phillipsis4
    @phillipsis4 4 года назад +8

    My heart breaks everytime she speaks 💔

  • @silentlover5183
    @silentlover5183 5 лет назад +5

    Masarap manood ng ganitong documentary 😊😊..tagala nmn sumasalamin sa realidad ng buhay ni juan dela cruz

  • @paulc.411
    @paulc.411 4 года назад +3

    sana walang batang nakakaranas ng ganyan kahirap sa Pilipinas kahit sa buong mundo. makapag aral sila ng maayos at hindi nagugutom sa oras ng klase.

  • @cristinedj1597
    @cristinedj1597 2 года назад +3

    Nagpapasalamat ako sa mga ganitong dokumentaryo na kung saan nabubuksan ang aking isipan sa realidad ng buhay. Hindi man ako okay ngayon emotionally and financially at parang pakiramdam ay pasan na ang buong mundo sa balikat ay meron pa rin natitirang rason kung bakit kailangan natin ipagpatuloy ang buhay. Patuloy na lumaban, patuloy na mangarap. Wari'y pakiramdam nalulunod na sa mga pagsubok problema't at naiisipan pang ang pagtakas sa mundong ibabaw ang tanging solusyon na ating nakikita. Paano pa kaya, kung tayo, ako mismo ang nasa kalagayan nila? Makakaya ko ba ang buhay na araw araw nilang kinakaharap? Anong karapatan kong umayaw sa laban ng buhay kung sila nga kinakaya't tinitiis ang kanilang kalunos lunos na kalagayan?

  • @princesstayag3680
    @princesstayag3680 4 года назад +5

    Mary Rose pagdating ng panahon sana matupad mo lahat ng mga pangarap mo. Basta mag-aral nang mabuti at huwag kang magsawang mangarap.

  • @shanelyntabaco1918
    @shanelyntabaco1918 3 года назад +9

    Hanggang ngayon naiiyak parin ako sa episode nato...sana maayos na buhay mo ngayon mary rose...sana lumaki kang mabait at mabuting tao.🙏🙏🙏

  • @mylestv9308
    @mylestv9308 4 года назад +13

    Feb 1, 2020 still watching here....kakaiyak nman pro i heard this family they are in good situation now coz someone with a good heart helping them😊

    • @popoypacara5966
      @popoypacara5966 4 года назад

      ruclips.net/video/7Uxe4ZUDbZI/видео.html

  • @lorenacaranyagan6555
    @lorenacaranyagan6555 2 года назад +2

    napanood ko din ito sa tv, tagal na nito pero kpg napapanood mu ulit sobrang nakakaiyak,. sna ok na kalagayan nla ngaun.. godbless sa inyu

  • @Tattikat
    @Tattikat 4 года назад +7

    I'm in tears. This is so painful and yet its reality.

  • @mylenefelices4522
    @mylenefelices4522 5 лет назад +1

    Isa akong single parent, my 3 anak maliliit PA sila ng mgka hiwalay kami ama Nila, pero hindi q hinayaan mghirap sila ng ganito, I'm proud to say I'm ofw now, d Bali aq ang mghirap dito basta mga anak maginhawa ng kunti ang buhay, d Kaya makita naghihirap mga anak q,

  • @francorency5048
    @francorency5048 4 года назад +5

    Matagal na to... Pero durog na durog ako dito😭😭 salamat naman naging maayos na buhay nila😔😔 godbless sa pamily nila🙏

  • @rockyviray8795
    @rockyviray8795 Год назад

    I know God will pay you back! thank you so much teachers, nurses and those people who are helping not just mary rose but all the students that less in life......

  • @litacastillo2003
    @litacastillo2003 4 года назад +9

    August 13, 2020 still watching😥 ang Hirap maging mahirap 😥pero makakaahun din kayo sa hirap tiwala lang🙏🙏

  • @longdistanceproposal3463
    @longdistanceproposal3463 2 года назад

    nakakawa talagaang mga bata sunisikip ang dibdib mo makita mo na ganyan ,,kahit hirap na sa buhay gusto pa rin mag aral .. god bless them all Lord jesus christ amen

  • @hazellanuevo8539
    @hazellanuevo8539 3 года назад +5

    This is the only documentary that literally made me cry. 😔

  • @MadonnaZamora-d1z
    @MadonnaZamora-d1z 2 месяца назад

    sobra matured mg-isip ng bata, alam nia kung ano ngyayare s paligid nia at my pngarap sa buhay sayang kung hindi ma22lungan

  • @MaiWanderr
    @MaiWanderr 6 лет назад +20

    Naiintindihan ko naman yung mga ganitong sitwasyon, laki din kami sa hirap dati.. pero tama ba? Tama ba na, bilang isang ina hahayaan mo nalang na hindi kumain ang iyong mga anak, sapat na ba? Sapat na ba iyong mag hapon ka uupo sa pabalatan ng bawang, at ang sahod mong 40 e hating gabi mo na makukuha? Mahirap oo... pero sana konting sipag pa😢 oo alam ko napakahirap, pero sana... humanap ng ibang trabaho.

  • @Xmaxierider
    @Xmaxierider 2 года назад +1

    Sa dami ng reklamo ko sa buhay tapos mapapanood ko to, mapapaluha ka nalang dahil swerte pa pala ako sa kalagayan ko na to. mapapadasal ka nalang sa sana lahat ng tao pantay pantay walang mahirap walang mayaman..

  • @katmanlapig6344
    @katmanlapig6344 6 лет назад +15

    Buti na lang may full episode na tagal ko ng hinahanap to. More documentaries reel time👏, this is an eye opener for everyone.

  • @erikaandit8503
    @erikaandit8503 3 года назад +2

    Naguilty ako after watching this Im so blessed with my life now,

  • @DJCJEntertainment
    @DJCJEntertainment 5 лет назад +6

    Kawawa ung bata.. may pangarap sya.. naiyak ako sa kalagayan nya... kung mayaman ako hindi ako mgddlawang isip n tulungan sya

  • @maryrosedelacruz3958
    @maryrosedelacruz3958 2 года назад +2

    Sana balikan nila ang batang to.. Napanood ko tong episode na to parang 2012 or 2013.. Malaki na tong batang to ngayon.. Sana naging maayos kahit papano ang buhay nya.

  • @kimmynavales1986
    @kimmynavales1986 5 лет назад +14

    isa itong malaking sampal saken.. dami kong iyak! 😢😢😢

  • @nikkamonopollo9639
    @nikkamonopollo9639 4 года назад +2

    Kumusta npo ang batang c marry rose ngaun gusto ko lng malaman ang kniyang kalagayan at ang pamilya God Bless...for the family fighting....

  • @shiieekyojoong5468
    @shiieekyojoong5468 5 лет назад +8

    Yung part na 'to "Sana ako nalang po yung pinaampon ni mama kasi po nahihirapan na rin po ako" nakakadurog ng puso😭

  • @blackmean2844
    @blackmean2844 Год назад

    Grabe ito talaga ang documentaries na pinaka na gustuhan ko , para akong namulat sa totoong mundo ,ilang beses ko na itong napanood siguro mga 6 times na pero hanggang ngayon tagos pa din sa puso ko

  • @WysonValdez
    @WysonValdez 4 года назад +4

    Hay nako, pag yumaman tayo tumulong tayo🙏🏼🙏🏼🙏🏼😇

  • @jeffreylibril6106
    @jeffreylibril6106 4 года назад +1

    napakaganda ng Documentary na to..

  • @accelsebastianverde9731
    @accelsebastianverde9731 5 лет назад +52

    si ateng kapitbahay sya ang tunay na imahe nang tsismosang kapitbahay pero mabait hahahahaha

  • @leverage2010
    @leverage2010 5 лет назад +2

    Akala ko bago. Ako nalang sana ang magadopt sa kanya. I remember my childhood. Hindi ganito Kahirap Dahil nakakakain kami ng tatlong beses araw araw, pero yung pananaw nya sa buhay, akong ako. I grew up providing for my family and they turned out to be OK. God will bless children with this kind of heart because whatever they have in there, they will never lose and dala dala nila hangang paglaki. I'm like that.

  • @ma.angelitaanda9674
    @ma.angelitaanda9674 5 лет назад +20

    Children here in Manila just throw food away because they can't finish it but they don't know how hard it is to get food for the others

  • @purpledream4134
    @purpledream4134 3 года назад +1

    habang pinapanood ko to habang yakap-yakap ko anak ko. jusko di ko kayang makita sa ganyang kalagayan ang anak ko. mamamatay muna ako bago nya maranasan to. 😭😭 at salamat kay LORD dahil ok na sila mary rose ngayon.

  • @mizh93
    @mizh93 2 года назад +6

    hindi nakakasawa panoorin this is my favorite documentary ❤️😇

  • @abhiedelrosario107
    @abhiedelrosario107 5 лет назад

    Oo ito ung matagal.na napnuod ko pa nuon ito nakkaantig ng puso na kung ako lang mayaman ttulong sna ko dto kaso kapos din pero buti nlang at umayos n buhay nla. Salmat sa programng ito at mrmi silang nattulungn tulad nito..

  • @daphnialiciasaquifo7115
    @daphnialiciasaquifo7115 5 лет назад +6

    matalino yung bata 😣😐
    tksssss... grabe ang hirap ng buhay

  • @maeco4650
    @maeco4650 3 года назад +3

    napakasakit sa puso💔 sana ito matutukan ng gobyerno 🥺

  • @lhejein
    @lhejein 4 года назад +83

    Matalino magsalita si Mary Rose. :(

    • @Dutchesspinay
      @Dutchesspinay 4 года назад

      Totoo matalino

    • @9b_b16_yatarjairolance2
      @9b_b16_yatarjairolance2 4 года назад

      oo nga bro eh

    • @Zero-rs8zt
      @Zero-rs8zt 3 года назад

      oo nga may anak na yan ngayon e

    • @guchigeng934
      @guchigeng934 3 года назад

      @@Zero-rs8zt HA?? Eh for sure nasa elem parin sya until now and baka di pa nga sya nag me mens wdym buntis? Pls tell me where did you get that source?

    • @Zero-rs8zt
      @Zero-rs8zt 3 года назад

      @@guchigeng934 inistalk ko fb haha

  • @ardyruiz1443
    @ardyruiz1443 Год назад +1

    Now watching
    April 1,2023
    10:50 pm
    Sana ok na buhay ng bata ngayon.

  • @markjordaneugenio5024
    @markjordaneugenio5024 5 лет назад +9

    Sino pang na bwisit sa nanay ni Mary Rose? Pag ganon ang pamumuhay ate wag kna manglalake. Magtrabajo ka na lang!

  • @cyrilmagtabog7324
    @cyrilmagtabog7324 8 месяцев назад

    Ang dami natin minsan reklamo sa buhay, hindi natin nakikita na mas may nahihirapan sa atin at swerte tayo.
    Noon, bilang bata na nakaranas din na maghirap sa buhay, ginawa kong motivation ang kahirapan para di na maulit yun sa mga mas nakakabata ko pang kapatid. I'm so down right now, pero after ko mapanuod to, Nagpapasalamat ako sa Diyos sa lahat ng Biyaya Nya. Talagang napakabuti Nya sakin at sa pamilya ko.
    Kung pagmulat mo e mahirap na ang buhay, Let's break the chain. Matuto tayo sa pagkakamali ng magulang natin at gawin yon na inspiration para maibalik din sa knila yung paghihirap nila para satin. Yes, mahirap mabuhay pero it's a blessing na maipakita satin ng Panginoon kung gaano kaganda ang mundo. Nasa atin lang din kung ano ang magiging choices natin.
    I'm excited na makita ang batang to magsuceed sa life. Kumusta na kaya sya.

  • @kristinejoysacristan3258
    @kristinejoysacristan3258 4 года назад +3

    August 12, 2020 still watching 😭💔 You broke my heart BABYGIRL MARY ROSE 😭

  • @jovyadonis3080
    @jovyadonis3080 3 года назад +1

    Sobrang sakit sa dibdib Makita na ganito kalagayan ng mga Bata..naalala ko Yung mga panahon na pumapasok kami sa skul na walang Kain..

  • @janexcaturza8488
    @janexcaturza8488 6 лет назад +2

    Nkaka iyak nman😭😭😭ayaw kong maging ganyan ang mga anak ko kaya gagawin ko lahat pra mabuhay at maitaguyod ko cla dalawa kahit single mom lng ako at kahit pa na malayo pa po ako sa kanila titiisin ko yon makamit lng nila ang kanilang matagumpay na kinabukasan at hinde mag hirap pag laki nila dalawa... sila ung nag papalakas sa akin araw2x pra gawin ko lahat ng mga trabaho ko sa buhay mabigat man kayang kaya ko pra sa dalawa kng mga anak😍😍😊 ill really3x love them so much 😍😍😍

  • @anjysabella3244
    @anjysabella3244 3 года назад +1

    Nkapanood ko to.. iba pdin ung atake sakin😔 nkakadurog ng puso 😭 lalo nung umiiyak yung bata nung una 😭😭😭

  • @ShihTzuFamily991
    @ShihTzuFamily991 6 лет назад +3

    need talaga maging nadiskarte k sa buhay..daming pwding gawin

  • @bustoy9909
    @bustoy9909 3 года назад +2

    Panginoon gabayan niyo po mga batang nakakaranas ng kahirapan, amen

  • @christinacortez4608
    @christinacortez4608 2 года назад +3

    Bilang isang nanay, napakasakit marinig yung iyak ni Mary Rose. Parang kinukurot yung puso ko. Parang gusto ko siya yakapin, kargahin. Matagal na pala ito, ngayon ko lang napanuod. Di ko mapigil luha ko. Sana nasa maayos na siyang buhay ngayon.

  • @estrelcasale1615
    @estrelcasale1615 11 месяцев назад

    Ngayon ko lang ito napanuod pero parang diko kayang makitang nahihirapan/nagugutom ang mga bata😭panginoon tanging dasal lamang po kaya kong ibigay para sa kaligtasan at kalusugan sa sarili nila😢Protektahan niyo po lahat sila panginoon🙏🙏🙏