Sung by Mark Benzo Manzo | Salmo 144: Pinakakain Mong Tunay Kaming Lahat, O Maykapal.

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 8 сен 2024
  • Psalmist: Mark Benzo Manzo
    Music Played by: Rolly Ocampo 羅利 and Michelle Chen
    Response by: Santinig Choir
    July 28, 2024 @12NN Mass
    with LYRICS & CHORDS: • for 28 July 2024 Mass ...
    INSTRUMENTAL: • [INSTRUMENTAL] for 28 ...
    Original Composition by Rolly Ocampo 羅利
    for July 28, 2024 Mass | Ika-17 na Linggo sa Karaniwang Panahon
    Salmo 144, 10-11. 15-16. 17-18
    SALMONG TUGUNAN: Pinakakain Mong Tunay Kaming Lahat, O Maykapal.
    1. Magpupuring lahat sa iyo, O Poon, ang iyong nilalang;/ lahat mong nilikha ay pupurihin ka’t pasasalamatan./ Babanggitin nilang tunay na dakila ang ’yong kaharian,/ at ibabalitang tunay kang dakila’t makapangyarihan.
    SALMONG TUGUNAN: Pinakakain Mong Tunay Kaming Lahat, O Maykapal.
    2. Tanging Panginoon ang inaasahan ng tanang nabubuhay/ siyang nagdudulot ng pagkain nilang kinakailangan./ Binibigyan sila nang sapat na sapat, hindi nagkukulang;/ anupa’t ang lahat ay may tinatanggap na ikabubuhay.
    SALMONG TUGUNAN: Pinakakain Mong Tunay Kaming Lahat, O Maykapal.
    3. Matuwid ang Diyos sa lahat ng bagay niyang ginagawa;/ kahit anong gawin ay kalakip doon ang habag at awa./ Siya’y nakikinig at handang tumulong sa lahat ng tao/ sa sinumang taong pagtawag sa kanya’y tapat at totoo.
    SALMONG TUGUNAN: Pinakakain Mong Tunay Kaming Lahat, O Maykapal.

Комментарии • 1