Questions we never asked each other (Mother and son edition)

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 5 окт 2024
  • hi guys..Medyo matagal na din since last kami nagvlog ni David, at ang bilis ng panahon grabe. so ito na request nyong vlog namin together. Spend time wisely =)
    Dont forget to follow me on Kumu:
    link below⬇️⬇️⬇️
    app.kumu.ph/Ga...
    GandangKara #DjKara #KlarizMagboo

Комментарии • 508

  • @raqueldimen9048
    @raqueldimen9048 2 года назад +6

    Napakabait ni David, biniyayaan ka ni Lord ng mabait na anak. God bless you Kara and David love your mommy isa lang ang magulang natin na hanggang pagtanda ay hindi magbabago ang pagmamahal na ipaparamdam sa anak.

  • @sebastianpacantara3841
    @sebastianpacantara3841 Год назад

    Napanuod ko to.. now susulitin ko na bawat araw n mallit pa ang nagiisa kung lalaking anak... My god ayoko din munang lumaki ung anak ko .. napakatalino pa nman n ng bata ngayun... Salamat s vlog n to gk... We love u ❤❤

  • @diyosapoblete1278
    @diyosapoblete1278 2 года назад +72

    Ang sarap pa ding maging nanay si ate kara 🤗 kasi if you really follow her, alam nyo na bata pa sya nagka-anak.. Pero makikita mo yung Puso at pananaw sa buhay na meron si David. Grabe yung Respect, Love and Wisdom ng batang to.. Ang Swerte nyo po sa isa't isa! 🤗 We Energy You both! ❣️

  • @jackielyn4430
    @jackielyn4430 2 года назад +1

    Iam a single mom of four, sa totoo lang hindi ka makakabuild ng ganitong relationship sa anak pagka hindi stable ang invironment nyo(i've been to both)... Finally happy na kami ng mga anak ko. Salamat sa Dios.

  • @donhenceforth7980
    @donhenceforth7980 2 года назад +3

    I remember David sa Pari Ko'y na serye ni Dingdong Dantes... I'm happy he has grown this huge already, napakabait at ang pogi-pogi pa.

  • @kellmarcos4712
    @kellmarcos4712 2 года назад +14

    Sa content nato gk shows ang mommy side nya...na ang mothers job ay walang ending kht mg asawa na ang anak nya nanay pa rin ang isang nanay....and so david shows his love and respect sa mamika nya....nkakaiyak din....love u both and we continue to support sa inyo til the end...

  • @bethzaidareyes4483
    @bethzaidareyes4483 2 года назад

    Pinaka da best talaga yong bestfriend ka ng iyong mga anak ang ralationship ninyo proven ko na yan sa mga anak ko kc maaga din ako na widow single mom ako at 8 ang anak . Napatapos ko silang lahat sa college at successful na ang kanilang buhay.Basta palakihin sila na may takot sa diyos number 1 yan turuan sila spiritually at be a good example to them.

  • @jennyrosereyes5411
    @jennyrosereyes5411 2 года назад +9

    Ang sweet tlga ni david ayaw na ayaw nyang nakikitang nalulungkot at umiiyak ang mommy mika nya😍😍😍

  • @bumblefajardo7408
    @bumblefajardo7408 Год назад

    Ano ba yan...naiiyak din ako.
    Relate na relate...bilang mom and lola na😍

  • @akirahsamanthapepito6058
    @akirahsamanthapepito6058 2 года назад +13

    Hay naku bigla nlng napatulo luha ko... Ang sweet ni david kay mikka nya ❤very respectful

  • @zudotoka
    @zudotoka 2 года назад +1

    Makikita mo tlga kung gaano kabait na bata si David..napalaki tlga sya ng my love sa family..😍😍😍

  • @KimberlyFayeStaMaria
    @KimberlyFayeStaMaria 2 года назад +25

    Naiyak ako nung umiyak si mica, how i wish na meron din akong "mamica". Gusto ko rin ng ganyang relationship with my mom kaso nahihiya ako sabihin sakanya na mahal ko din sha. haha kaiyak.

  • @kristypresto1450
    @kristypresto1450 2 года назад +12

    Nakakaiyak naman yan. Pero ang ganda ng relationship nyo parang barkada lng open kayo sa isa't-isa. At mabait marespeto si david ang ganda ng pagpapalaki mo sa knya mamsh kara❤️❤️❤️

  • @raquelape1294
    @raquelape1294 2 года назад

    Nakkaiyak kau panuorin sobrang relate aq isa lang dn anak ko llaki din ngaun 15years old n sya dna nga nagppayakap tpos kht pagkkain sa labas dina sumasama may sarili n syang mundo kaya nakkamis

  • @bumblefajardo7408
    @bumblefajardo7408 Год назад

    Anak mo pala si David. He's a fine actor. Sinubaybayan ko talaga yung Bolera 👍👏

  • @ningreyes2081
    @ningreyes2081 2 года назад +10

    Npakaheartwarming...youve raised David so well..alam nmin magiging mabuting tao tlga sya dahil npakabuti ng nanay nya..love this vlog!!!

  • @ellainevillapando2584
    @ellainevillapando2584 2 года назад +10

    Nakapa ganda ng samahan niyong dalawa! Loveyouboth!

  • @janinemargaretdin1363
    @janinemargaretdin1363 2 года назад +28

    sobrang sweet, grabe mika kaka proud ka po kasi may isang david na sobrang bait at marespeto, kaya naman tamang ikaw hinahangaan namin. Loveyou both❤️ Thanks sa pag inspire mika, naiyak din ako ay!

  • @camillejuz7347
    @camillejuz7347 2 года назад +17

    ang solid ng relationship nyo mag ina, at ang sweet ni David.. 🧡♥️♥️

  • @jennyrosereyes5411
    @jennyrosereyes5411 2 года назад +12

    Ang sweet tlga nila mag ina para lang silang magkapatid cool mom si ate kara,,we love you both😍😍😍 kami na lang yayakap sau ate kara🙂😍😘

  • @shirlycalagui7838
    @shirlycalagui7838 2 года назад

    Naiyak nmn ako, relate ako kc sobrang hands-on ako sa anak ko nun bata cya,miss ko un lambing nya,tabi kmi lagi, ngayon true ibang iba na cya, may ibang priority na😍

  • @jengmababa4418
    @jengmababa4418 2 года назад +8

    Grabe! Napakagenuine ng samahan ninyo! Naiyak ako sobra!!! Ang ganda ng pagpapalaki ni Mamika sayo David 💖💖💖

  • @annkris15
    @annkris15 2 года назад +1

    Omg grabe iyak ko dito. Lahat ng sinabi mo same na same na experience ko with my son right now younger lang ng 1 year. Same exact sentiments sayo Gk. Ang sakit sakit kaya.. Feeling mo dika na yata needed. 😢 Pero iniintindi nalang alam ko naman mahal na mahal ako ng anak ko kahit minsan eh palasagot na.

  • @bymjuanico8552
    @bymjuanico8552 2 года назад +18

    Oh my goodness I can't stop crying! I love this content. U are both lucky to have its other.

  • @anginyopongatefrance8101
    @anginyopongatefrance8101 2 года назад +1

    Whos here after watching DJ Kara's pregnancy journey 🙋‍♀️🙋‍♂️🙋nakakatuwa makita ang different side mo Ms Kara 💕wish you well and all the best sainyong mag mommy 🥰😍😘

    • @larizahugo3217
      @larizahugo3217 Год назад

      after ko mapanuod ung pregnancy journey ni ate ka . PinanuOd kO to

  • @shesreal8337
    @shesreal8337 2 года назад +12

    I am not a mom.. but i really admire u ms. GK on how u raised David.. napakagenuine ng puso nyo.. sa mga ganyang age ng develepmental growth.. madalang na ung ganyan ka sweet and open na bata esp. Boys sa mom nila.. David is so sweet and loving everytime nakikita ko vlogs nyo.. continue being a family oriented, guide david til the end.. amd david love mika always.. Godbless u both always..hugs🥰🥰

  • @jhengmontiagodo2995
    @jhengmontiagodo2995 2 года назад

    Relate ako sau gandang kara..yung tipong ma pi feel muna malayo na sau ang anak mo..masakit pero ganun talaga..nagkkaron cla ng ibang pananaw sa buhay at nag mamature na cla..

  • @marlynlarcena9662
    @marlynlarcena9662 2 года назад

    ganun talaga gk basta nagma matured na cla..yung dalawa kung boys na 14 and 16yrs old ayaw na rin nila magpayakap..nakaka miss nung time na mayakap mo pa cla..

  • @maritessuizo894
    @maritessuizo894 2 года назад

    I feel you po.. Ganan din mga pamangkin ko na boys ganon din kami dti lagi sila mayakap sakin katabi q matulog kc sakin lumaki.. Pero ng nag binata unti unti na sila na distance.. Kasi inihahanda dw nila ang self nila n d sa lahat ng oras kasama pa nila ko. Kaya ung yakap at mga dating routine d n nila ginagawa... Sad pero need tanggapin.. Na oo nga naman mag cocollege mag h. S sila ano lagi pa din sila nakadikit.. Need din nila mag grown as their own.. Pero same nakaka miss lang.. What more pa pain sau ms. Kara.. E ikaw mommy ako tita lang..

  • @fatimajacinto4936
    @fatimajacinto4936 2 года назад

    pa feel mo lalo ang Love mo sa kanya...at siempre ang anak mo kahit di nakibo may inner feelings mga anak natin alam mo kahit mga adults na 2 ko anak e malalim pa di. sila di sila nakibo pero kahit ganun feel ko o din mga baby ko pa sila..

  • @lettysiman2797
    @lettysiman2797 2 года назад

    Pinaiyak nyo naman ako, ganun talaga iba na pag malaki na mga anak may sariling plano may sariling lakad ang mahalaga napalaki sila ng tama at mapagmahal na anak sa magulang..

  • @myzticalgoddessbratinella820
    @myzticalgoddessbratinella820 2 года назад

    Wala nmn aqng anak GAYA mo GK pero naiyak tlga aq sa vlogs na to. I'm still single at the aged of 41. Puro pamangkin kasama q sa bahay. Malambing din cla GAYA ni David. Thank u for sharing this wonderful videos. God bless you both and we luv u!🥰🥰🥰🙏🙏🙏

  • @joshnecesito5406
    @joshnecesito5406 2 года назад

    So proud of you po tita mika hanggang ngayon di paren sya nag babago kase tama yung pagpapalaki nyo sa kanya ,kahit nung nag punta sya dito sa lobo nung campaign nakasama ko po sya sumayaw non napaka friendly hindi nagbago yung pakikitungo nya sa mga di nya kakilala kahit ako masaya dahil napapanood ko lang po sya sa tv and yung mga vlogs nya di ako makapaniwala na makikita ko sya in person, Tita mika you deserve the love that david gives🌼💕

  • @jenrox5137
    @jenrox5137 2 года назад

    Ganyan na ganyan anak ko minsan masungit na tas na na maxado nag papahawak saka meron na rin xa iniibig,kaya naiyak tuloy ako aa inyong mag ina nakikita ko sarili ko sa inyo😂

  • @singlemotherworkinginpakis6723
    @singlemotherworkinginpakis6723 2 года назад

    Relate much as a single mother lumalaki anak ko Wala ako s tabi nya Kasi need KO mg work as OFW para mabigyan KO Ng mgandang future anak ko alm KO naintindihan Ng anak ko Yun Kaya happy ako sau gandang Kara Kasi kasama mo anak mo nkikita mo Kung paano sya mg grow😍❤️

  • @syrradonmattieu2088
    @syrradonmattieu2088 2 года назад

    Naiiyak AKO sobra relate as a mother Yan talaga problem natin pag mga nag binata at dalaga na mga anak natin Kaya habang bata sila enjoy natin sila. 😢😊

  • @melodydayrit9477
    @melodydayrit9477 2 года назад +15

    Grabe ang sweet nilang tignan para lng silang magkapatid💖💖💖godbless both of you David and Gk🤗💖

  • @mileslabs5604
    @mileslabs5604 2 года назад

    Super sweet nyo naiyak ako sobrang relate ako..

  • @mariaelizajornal2805
    @mariaelizajornal2805 2 года назад

    Same tyo naiisip ko n medyo iba n ang mundo ng mga anak ko ksi lumalaki na sila,lage ako umiiyak naiimagine ko pa lng kapag iba na mas priority nila but in the end ang importante kung saan sila masaya e mas magging msaya ko for them😊

  • @elsamapagu4404
    @elsamapagu4404 Год назад

    Bihira ang super bait na anak ngayon panahon hirap madisiplina lalo mga kabaat dahil siguro sa mga technologies❤️

  • @rogersuarez7566
    @rogersuarez7566 2 года назад +7

    Ganda ng bonding ng mag ina, nakakatouched, naiyak din ako🥰💞

  • @jovylaurentino3674
    @jovylaurentino3674 2 года назад +1

    yong sa last part about "attachment" ate... bigla pumasok sa isip ko ang #MAHMYGZ tandem ( ate mahal and kuya mygz molino )♥️... naalaa ko yung journey nila... nakakapanghinayang talaga... feels sad... 😇🥺naiyak ako
    birthday din kasi today ni kuya mygz, kaya ko rin siguro naalala...

  • @levieraz4000
    @levieraz4000 2 года назад

    🥰😍😍😍😍 Ramdam po kita Gandang Kara.

  • @babyeya4260
    @babyeya4260 2 года назад +1

    sobrang mapagmahal na ina talaga ni GK🥰😘🤍🤍🤍

  • @justjhoy_2188
    @justjhoy_2188 2 года назад +10

    Nakakaiyak naman tong vlog na'to, iba talaga kapag may touch ng family eh, nakakadala. 🥺❤️ Ina-admire ko talaga kung paano yung pagpapalaki ni GK kay David. Swerte nyo po sa isa't isa. 🙂

  • @GIRLABUNDAT1256
    @GIRLABUNDAT1256 2 года назад

    Apaka Swerte Ni David Na May Mika Sa Buhay Nya💜 Ang Sarap Pakinggan Hbang Kinukwento Nyo Yung Donding And True Story's Nyo Together,,, Kz Ako Never Ko Na Feel Yung Mgulang Ko Lalo Na Sa Bonding😔 Kaya David Apaka Swerte Mo💜💚

  • @sharoncallo9660
    @sharoncallo9660 2 года назад

    Grabe na touch din ako being a mother lalo na nasa ibang bansa ako hindi ko kapiling ang anako uuwi ako 15days lang balik na naman very sad pero kailangan tangapin kasi may pangarap tayo para sa anak natin.Thank you for sharing GK.

  • @eamrhicadeguzman3279
    @eamrhicadeguzman3279 2 года назад

    Super naiyak ako habang pinanonood ung video nyo 😭😭 6months old palang baby ko ngaun super sweet and kulit niya like you po single mom din ako at kahit matagal natatakot akong dumating ung time na ndi na niya ako yayakapin 😭😭😭😭😭😭😭 Ndi n siya magging open sakin , iba n PRIORITY niya Nakakakirot sa puso un Momy Ka 😭😭😭

  • @carriesiler7927
    @carriesiler7927 2 года назад +14

    This is one of the most unforgettable bonding moments that you will treasure forever. Opening feelings is important that make mother and son best relationship.

  • @karenalfonso7701
    @karenalfonso7701 2 года назад

    Naiyak den ako..Alam ko kung gaano kamahal si David...Keep safe always...

  • @jcesguerra4211
    @jcesguerra4211 2 года назад

    "Takot ako sa attachment kaya nung pinaganak ko si david, ayoko syang makatabi sa pag tulog nung unang gabi. Kasi naisip ko, in the future iiwan din naman ako..Pero i learned na dika dapat matakot kasi someday in our lives, may mga mawawala namn talga o lalayo sa buhay natin...Pero ang mahalaga wala kang regrets dahil nakapag spend ka ng time with them. Kaya always choose to love and spend time with your loved ones..."
    -Gandang Kara, 2021 🥺❤️

  • @chikayandales9495
    @chikayandales9495 2 года назад

    Mag ina pala sila.. 😮😮😮, ang cute kaya nyan nang bata nyan nakikita kuyan sa GMA net laki na din nya pala! Kaya pala mag ka hawig sila.. Para lang kayo mag kapatid dj kara, love you both godbless

  • @maribethgolias2277
    @maribethgolias2277 2 года назад

    nkakatouch nman kaung mg ina...

  • @bellfactuar872
    @bellfactuar872 2 года назад

    Nkarelate ako Doon sa diko na sya mayakap...iniwan ko kasi anak ko grade 5 sya...nag OFW ako....last year na pa uwi kmi...yun kahit na magkatabi kmi mahiga diko na sya mayakap....saka may sarili na sya Mundo...tulad mo din lagi ipinagdarasal na maging matatag sya....makayanan nya lahat ng rejection...naiyak ako mommy KA...binata na anak mo .. ang bilis talaga...

  • @YssaQuines
    @YssaQuines 2 года назад

    Mag 7yo na daughter ko sa March, at namimiss ko na yung mga panahong ako lang yung kaibigan nya at mundo nya. Ang bittersweet na kailangan natin silang hulmahin para maging prepared sila sa pagbuo ng sarili nilang buhay at suyurin ang mundo dala ang ating pagmamahal at alaalang ipinabaon. 😫

  • @hyzlegascon2347
    @hyzlegascon2347 2 года назад

    Pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak ay walang kapantay 🥰🥰

  • @emilytulio2907
    @emilytulio2907 2 года назад

    Kara relate ako, sobra..the same tayo.mayroong one and only son.11 y.o. p lng siya now.nag pandemic lang mas mataas n din siya s akin.iba n din boses.iba talaga pag single mom.super protective but sweet and loving naman.haaayyy ang hirap talaga pag iniisip natin na one of this days may gf na only son natin.good luck to us hehehe

  • @sansaienriquez543
    @sansaienriquez543 2 года назад +1

    sobra nakakatouch dami kung luha 😭😭i feel you mis GK pag lumaki na dun mo talaga mamimis yung baby pa sila at kung panu mo inaalagaan 😢💖💖💖

  • @edithabernardino4403
    @edithabernardino4403 2 года назад

    Maganda talaga pagpapalake m mica sa anak m kaya sobrang proud aq sau idol sana wagmagbago c david para kau magkapatid lng keepsafe godbless

  • @ahnefloresbantilan3145
    @ahnefloresbantilan3145 2 года назад

    pati po ako napaiyak.kasi po relate ako sau Ms Kara kasi yan din po naramdaman ko sa mga anaknko. nakakamiss pgiging babies nila. they're both in college and may gf and bf na. kakatouch ung yakapin ka ng anak mo while naiyak ka 🥰🥰

  • @gladysmaymangilaya
    @gladysmaymangilaya 2 года назад

    Kaiyak naman. love nyo isat1.

  • @Love-ql4sn
    @Love-ql4sn 2 года назад +4

    Nakakaiyak naman po ang vlog na to🤗para lang po kayong magkapatid!
    Bait naman david🥰😇

  • @veronenriquez3667
    @veronenriquez3667 2 года назад +1

    Grabe nakakaiyak nman pero mararamdaman mo talaga yung love nilang mag ina sa isat isa.maganda talagang magpalaki ng anak ang mama ni Gk kaya ganun din ang pinamulat nya na pagpapalaki kay david.very sweet cla sa isat isa.love u both.God bless ❤️

  • @precyestrella3094
    @precyestrella3094 2 года назад

    Masakit talaga s isang Ina pag lumaki n ung anak m..mag iiba n sila e..parang Hindi n sila malambing...Kasi mga nagbibinata n sila...Kaya relate ako sayo gandang Kara....mga lalaki din anak k...ngyn para n kaming magkaibigan...Ang anak natin Ang nagpapasaya satin...
    🌹🌹🌹💞💞💞

  • @maricelquimio374
    @maricelquimio374 2 года назад

    Grqbe binata na tlga c david...kailan lang cast pa xa ng daig kayo ng lola ko...
    Single parent din ako w/ 2kids....mula ng mghiwalay kmi ng daddy nila wala na ako iniisip kundi palakihin cla ng ayos.
    Sweet tlga ni dj kara parang tropa lang kayo...godblez po both of u.

  • @marialeorinealvarez672
    @marialeorinealvarez672 2 года назад

    Grabe naiiyak ako 😔 may anak ako two boys . 7 and 5 yr old . Grabe totoo to madaming nakakamis lalo na Yung panahon na baby palang sila walang hanap kundi Mama Lang 😭😭😭😭😭😭😭😭💔💔💔💔

  • @aizadelcastillo2457
    @aizadelcastillo2457 2 года назад

    Grabe kakaiyak namn..parang mararanasan ko din yan padalaga na din anak ko..sweet namn ng mag ina..

  • @julieroseperil4862
    @julieroseperil4862 2 года назад

    ..miss ko tuloy si nanay at tatay koh..... Ako ngayon takot akong tumanda mga magulang koh.. ..kasi kung kailan sila patanda ng patanda wala ako sa tabi nila... ..kaya dapat magulang at anak sulitin lahat ng oras... Love u both...

  • @shinedelmo7559
    @shinedelmo7559 2 года назад

    As a mother relate na relate ako sayo nak kara...sa lahat ng anak ko naramdaman ko yan... Yung takot,sobrang pagmamahal at pagpapahalaga sa kanila.. yung tampo pag iba na ang prioridad nila at sobra sobra kong namj miss yung pagiging bata nila na ako palang ang mundo nila😔😢💔 haitz bigla tuloy kumirot ang puso ko..damang dama ko ang damdamin mo bilang isang ina💗💞pinaiyak nyo man akong mag mommy...masaya pa din kayong panuorin kasi dama din namin yung sobrang love nyo sa isat isa..d kinaya ni david na makitang umiiyak ka.. need lang talaga nating tanggapin na di maiiwasang may pagbabago na once ng dalaga o nagbinata na mga anak natin💔💗💞

  • @miezyleighv.2771
    @miezyleighv.2771 2 года назад

    Gandang Kara isipin mo na lang may tao nang kayang kaya ka nang protektahan at yan si David.❤️❤️❤️

  • @rosaliejadulco8019
    @rosaliejadulco8019 2 года назад

    Napakabait ni dj kara naiyak tuloy ako at marespetongbata c david..

  • @alimanvinuya1423
    @alimanvinuya1423 2 года назад

    Oo pag nag bibinata na ayaw na nilang katabi tayo 😅 😊

  • @amaliaventura4753
    @amaliaventura4753 2 года назад

    Ano ba Yan iyak Ako Ng iyak Kara. Relate na relate ako.

  • @wilmacaasi629
    @wilmacaasi629 2 года назад

    gandang kara handa m0na sarili m0 na binata na anak m0 .ang ganda ng pagpalaki kay david m0 magalang may tak0t sa di0s.

  • @lucilagarcia4065
    @lucilagarcia4065 2 года назад

    Naiyak naman ako sa inyong mag ina,iba talaga pag usapang magulang sa anak..nakarelate ako.😢😢😘😘🙏

  • @meryloraa2945
    @meryloraa2945 2 года назад +1

    Waah mamica Ganyan n ganyan din aq last month iyakin hehe gawa ng nagiging matured n cla d n Bata n pwede lambingin ng bongga hehe at priorities Nila mjo ngiiba n din but then gnun tlga,,,pero Naka katuwa Yung closeness nyo po ni David❤️ at Tama Yun mging open lng lage at more Love with our Family's. God bless both of U. ❤️❤️❤️🌼😊

  • @bayona8263
    @bayona8263 2 года назад

    Grabe ang sweet nyo🥺🥺Super close talaga sila ng Mama nya🥺❤❤

  • @joshuadeausen4598
    @joshuadeausen4598 2 года назад

    Naiyak ako. As a child, sobrang relate ako dahil mama ko ay OFW. Nagsimula siyang mag abroad noong grade 1 ako. Every 2 years lang siya umuuwi tapos nakakasama ng 2 weeks. 😭

    • @joshuadeausen4598
      @joshuadeausen4598 2 года назад

      Kung nabasa mo po ito sana pa notice ako or heart man lang. 😭

  • @Prim_77
    @Prim_77 2 года назад

    I can totally relate. They grow up way too fasttttt. Ako nga kahit pamangkin lang I get too emotional seeing them grow. How much more kapag ikaw iyong Nanay. 😊💖

  • @maryannbenaya2008
    @maryannbenaya2008 2 года назад

    super relate ako sa inyo.. same tayo ms. kara meron akong 12 yrs old sobrang nakakapanibago sa lahat attitude d na din sya sweet nahihiya na sya mag kiss.. nakaklungkot pero wala nman tayong choice.. god bless

  • @erlynpaas1515
    @erlynpaas1515 2 года назад

    Grabeh. Ang bilis lumaki ni david... ngbibinata na talaga

  • @ashratapark8794
    @ashratapark8794 2 года назад

    Sobrang nkka touch naman to, pagdating sa inyo magina hindi ko alam BKit aq naiiyak sobra aq namamangha, isang David na sobra mapagmahal Ma respeto at npka bait na bata na lumaki, malawak ang pangunawa sa buhay.. Deserve nyu ang isat isa..loveyouboth🧡💜

  • @hannahg.804
    @hannahg.804 2 года назад

    Nakakaiyak naman sobra kong nararamdaman yung pagmamahal nyong mag ina..

  • @GirlsPowerJPN517
    @GirlsPowerJPN517 2 года назад +9

    Naiyak ako while watching this..ang bilis talaga ng panahon so we must love each other as long as we are together spc our Mother dear..Godbless you both watching from Japan with 💕 love.

  • @ammyferratermiral7628
    @ammyferratermiral7628 2 года назад +1

    Nakakaiyak Naman ang Sweetness nyong mag iina...

  • @rheaplazosrheadelacruz5825
    @rheaplazosrheadelacruz5825 2 года назад

    Dko mapigil ang pagtulo ng luha ko..Sweet niong mag ina it means napalaki ni Gandang kara na isang mabuting anak c David kaya iba ang samahan nila solid tlaga..Sad nga lang kc ang bilis ng panahon ung dating hinehele mupa ngayon hindi na magawa kc ang bilis ng paglaki nila..Godbless you both Gandang Kara and David😘😘😘

  • @remlcn
    @remlcn 2 года назад

    Halatang nagbibinata na si David, di na sya gaanong pilyo sa mga video na to. Pero mas lumabas yung pagiging matured, sincere, at loving nya.

  • @joe-annegaor3736
    @joe-annegaor3736 2 года назад

    Grabe nahawa ako sa inyong dalawa david & dj kara .. Ayaw tumigil ng luha ko 😢😢 ingat kau always 😘

  • @maricriscreado4270
    @maricriscreado4270 2 года назад +1

    ❤❤❤❤😘i salute u gandang kara 👏👏wag kang matakot hindi ka iiwan ni david aakayain ka niya san man siya makarating dahil maganda ang mga itinuro mo sakanya,iminulat mo siya sa hndi marangyang buhay at pinuno mo siya ng pagmamahal at mga salita ng diyos ❤❤❤❤i energy u gk&david😘😘

  • @sarahaltizon7768
    @sarahaltizon7768 2 года назад

    Relate po ako sa inyo Momika, kasi May 4 akong anak isa LNG ang son ko.
    Ganyan din ang bilis nila lumaki. 13 yrs na agad.
    May sarili na din silang mundo pero lovable pa din namn sila kaya LNG bigla na sila lumaki talaga ❤️

  • @GlaisaFaye
    @GlaisaFaye 2 года назад

    Nka relate ako mika😭😭
    Kasi khit anong gawin ntin,may mga time magbabago tlga sila gusto nlng nila sila nlang wala na tayong mga mommy..

  • @salvecarino9296
    @salvecarino9296 2 года назад

    True DJ Kara ang bilis ng panahon. Last year lang ang bata pa ni David ngayon binata na. Putik naiyak talaga ako sa inyong2. Ramdam ko ang takot mo na someday magiging iba na prioreties ni David.

  • @edithameroy5795
    @edithameroy5795 2 года назад

    isa talaga yan s mga katotohan n napakasit, pero kailangan tangapin, masaya nmn ako lalo s napanood ko pero naiyak dn ako🥰💖

  • @ivyjoypolicarpio7786
    @ivyjoypolicarpio7786 2 года назад

    Naiyak ako,,i miz my Son!,OFW feeLs always!!😢😢,,Treasure d' memories!!

  • @Weng_Mendoza
    @Weng_Mendoza 2 года назад

    nkkaiyak 2ng vedeo nto at nkkatuwa kaung mg ina at mgnda ang pgppalaki ni gk ky david❤️❤️god bless sa inyo

  • @maeanthonetteyama5695
    @maeanthonetteyama5695 2 года назад +1

    Naiyak ako, na fefeel ko kong ganitong stage na kami ng anak ko nakakamiss 🥺😍

  • @rochellepiliin1321
    @rochellepiliin1321 2 года назад

    😭😭😭grabe naiiyak tuloy ako naaalala ko papa ko nsa heaven na mas close ksi ako sa kanya slamat gk sa vlog mo khit naiiyak ako nkaka touch kayo ni david more vlog pa pti kayo n papa jackson nkakawala problema💖💖💖

  • @bogsamisari9433
    @bogsamisari9433 2 года назад

    moreee vlogg po with David's❤️

  • @joanrentino3419
    @joanrentino3419 2 года назад

    Guwapo nmn Ni David ....tapos sweet sweet nya pa sa mommy nya

  • @atecathyofwjourney6790
    @atecathyofwjourney6790 2 года назад +1

    Start palang paiiyakin ako neto..... gwapo ni david.

    • @atecathyofwjourney6790
      @atecathyofwjourney6790 2 года назад

      Thanks gk , damang dama ko yan since ofw ako halos dko na nakita lumaki mga anak ko pag babago sobra kada uwi lumalaki sila parang di na nila ako gusto yakapin lagi nag sasabi I love you nay pero iba personal... #salutegk sa pag papalaki ke david