Ang Kwentong Antipolo Pilgrimage ni Sis. Gloria “Glo” Palanca Harrison mula sa San Pedro, Laguna
HTML-код
- Опубликовано: 9 фев 2025
- Ang Kwentong Antipolo Pilgrimage ni Sis. Gloria “Glo” Palanca Harrison mula sa San Pedro, Laguna.
‘Yung anak ko pumunta ng Amerika, 18 years old s’ya. Hindi na n’ya makita ang tatay nya noon. 12 years silang hindi nagkita. Nagpunta sya ng San Francisco. Pauwi na sya, maggi-give up n asana sya noon kasi hindi nya makita ‘yung apartment ng tatay nya. Nung nasa koste na silang magtiyahin, may kumatok na maitim na babaeng kulot ang buhok. Ang tanong sa kanya, ‘You looking for someone?’ sabi nya ‘Yes, I want to see this apartment, but I cannot find it.’ Ang sabi ng babae ‘Come I will help you.’ So binuksan n’ya yung pinto nung apartment na parang condo, nagtaka yung tyahin n’ya ‘papaano ka nakapasok dito sa lobby at sa apartment namin, may susi?’ ang sabi nung anak ko ‘May matandang maitim ho na nagbukas nung pinto.’ Nung pagturo nya doon sa tyahin nya, wala na yung matanda. Kulot daw ang buhok at maitim.
Si Sis. Gloria ay deboto ng mahal na Birhen ng Antipolo. S’ya’y palaging dinadala ng kanyang ina sa Damdana ng Mahal na Birhen ng Antipolo simula pa noong s’ya’y limang taong gulang pa lamang. Tuwing unang linggo ng buwan ay palagi silang nagsisimba sa Pambansang dambana ng ating Mahal na ina. Ika-apat ng umaga pa lang ay umaalis na sila sa kanilang tahanan sa San Pedro Laguna para makapunta sila ng maaga dito sa Antipolo. Bago mag ikalima ng umaga ay nasa harapan na sila ng simbahan. Kasama ang kanyang ina't dalawang kapatid, namamanata sila sa Birhen ng Antipolo at sa mahal na Ina ng laging saklolo. Tuwing piyesta ng Mayo ay hindi sila nawawala rito sa Antipolo hanggang sa nagkasakit ang kanyang ina kaya silang magkakapatid na ang nagpatuloy sa panata ng kanilang ina.
Ikaw, ano ang kwentong Antipolo Pilgrimage mo?
#KwentongAntipoloPilgrimage
#PrayforProtection
#PrayforHealing
#PrayforEndofCoronaVirus
#PrayforthePhilippines
#PrayfortheWorld
#AntipoloCathedral
#BirhenNgAntipolo
#TayoNaSaAntipoloOnline
This material is copyrighted by the Antipolo Cathedral Social Communications Ministry. All Rights Reserved 2020.
#OLPGV
#AntipoloCathedral
#BirhenNgAntipolo