J-Lhutz - Dream Ko (ft. Ynks & Cyp) [Lyric Video]

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 6 фев 2025
  • » Available on Digital Store
    distrokid.com/...
    Produced by: J-Lhutz
    Written by: J-Lhutz, Ynks & Cyp
    Follow J-Lhutz:
    Page: web.facebook.c...
    Spotify: open.spotify.c...
    🟢Rap N' Beats Playlist🟢
    open.spotify.c...
    "Dream Ko Lyrics"
    Marami ng bagyo na dumating
    Pero heto nakatayo parin
    Patuloy lumalaban kahit nahihirapan
    Sa mga pagsubok na 'di mo basta pweding takasan
    'Di nag papadaig dahil meron akong sandalan
    Pamilyang nag bibigay saakin ng kalakasan
    Lagi ko lang na tinatandaan
    Hindi magtatagal pagsubok ay malalampasan
    Araw-araw ko palagi na ginagalingan
    Upang mga balakid madali kong masabayan
    Isagad ng isagad
    Hanggang pangarap natin unti unti nating matupad
    Wag mong hahayaan na tatawagin ka na tamad
    Bumangon ka sa kama at mag umpisang mag banat
    Walang madali rito
    Lahat kilos sa unang proseso
    Walang bwenas kung tamad ka rito
    Kaya dapat kinikilusan ang bawat plano
    Lilipad ako papuntang dream ko
    Isasama ang tunay dito sa lane ko
    Aakyat ng buwan na parang astro
    Maglalakbay tayo sa kalawakan upang ating abutin
    Abutin ang pangarap na matagal nating hiling
    Sumungkit kahit isang pirasong bituin
    Dami man ang mga napurnadang plano,
    Mga laban na hindi parin napapanalo
    Ginagawa padin kung sa sipag 'di malabo
    Dahil gusto ko at swerte kung may mapapala ko
    Hindi ko susukuan, palaging may pintuang,
    Mag bubukas sa tulad kong laging sinusubukan,
    Panahon ang mag sasabi nito kalaunan,
    At yun naman ang dahilang 'di ko kakalimutan,
    Alam ko naman na di madamot ang tandhana, ugh
    Kasi ako din ang bahala,
    Sa sarili ko lang madalas nagtitiwala
    Kahit madami na sila saking naghihinala,
    Na di ko kayang gawin, yun namay 'di mahalaga
    Dahil nga ako padin ang siyang mag dadala
    Kung san makarating, wag ka mag alala,
    'Di kita bibiguin, kapag sumama ka
    Walang madali rito
    Lahat kilos sa unang proseso
    Walang bwenas kung tamad ka rito
    Kaya dapat kinikilusan ang bawat plano
    Lilipad ako papuntang dream ko
    Isasama ang tunay dito sa lane ko
    Aakyat ng buwan na parang astro
    Maglalakbay tayo sa kalawakan upang ating abutin
    Abutin ang pangarap na matagal nating hiling
    Sumungkit kahit isang pirasong bituin
    Dami ng pawis ang ipinatak sa lupa,
    sumugal lang sa pangarap at sa hamon sumagupa
    'Di na alintana ang mga patak na luha
    Kahit ano mang mahirap titiisin ko ng makuha
    Ang tropeya tangan tangan na't hindi na aayaw
    'Di magpapa-apekto sa mga bulyawan at sigaw
    Ng mga walang alam kung di mantapak manlamang
    Tuloy tuloy lang sa abante at sa bawat paghakbang
    Susulitin gantimpala, sa bawat pag-papala
    Nasa taas ko ang gabay kaya palaging nasa tama
    Ano man ang proseso susundin kahit mahaba
    Ang ating paglalakbay kilusan mo kahit mababa
    Balang araw ay masisinigan din lahat
    Giginhawa din ang mga pasaning kay bigat
    Magbubunga din mga pinunla na ugat
    Hanggang lahat ng gusto mo makukuha mo din mo lahat (kasi)
    Walang madali rito
    Lahat kilos sa unang proseso
    Walang bwenas kung tamad ka rito
    Kaya dapat kinikilusan ang bawat plano
    Lilipad ako papuntang dream ko
    Isasama ang tunay dito sa lane ko
    Aakyat ng buwan na parang astro
    Maglalakbay tayo sa kalawakan upang ating abutin
    Abutin ang pangarap na matagal nating hiling
    Sumungkit kahit isang pirasong bituin
    #DreamKo #JLhutz
    Thank you for listening..

Комментарии • 4