Epopost ko po ung tutorial nyu para malaman ng mga rider na napakahusay nyu mag paliwanag at ditalyadong tutorial .mabuhay po kyu hindi nyu pinag dadamot ang iyung ka alaman sa madlang pilipinong mahihilig sa motor .godbless
boss sana gawa ka sa next video mo kung pano mag-battery oparated ng visar at kung paano mag fullwave.,,at kung ano bang brand or tamang rectifier regulator ang gagamitin. at pa shout out ndn po sa next video mo. salamat at Godbless you.
Subukan po muna na i adjust ang cadena. At kung tama naman ang tightness ng kadena at ganon pa din. Ibig sabihin ay lumuluwag na ang clutch housing assembly. Check clutch plate maaring manipis na, check din ang adjustment ng clutch release.
Sir push rod type po ang clutch lifter mo, yung clutch release po na naka install sa sa crankcase cover ay ay naka set up na. Meron po itong circlip na nagla lock upang ma tanggal ang buong assembly kung nais palitan.
Paps bakit kapag ina adjust ko Yong adjuster kapag nalowagan kona Yong nut nya matikas parin Yong screw nya kaya kapag hinigpitan ko Yong nut nya omi ikot sya kahit kinokontra ko somosunod padin
Yung purpose kase ng screw and nut ay ginagawa lang kapag papalitan o tatanggalin mo ang adjuster screw. So hindi mo na kailangan pihitin sa negative slot ng screw. Sa nut ka lang mag a adjust kagaya ng ginawa ko sa video
Sir nagpa top over haul po ako. Palit clutch clutch lining primary and secondary.. linis ng valve and nagpalit naman po ng piston ring etc. Ang naobserbahan ko po kapag nasa 4th gear na po at naghalfcutch po ako to 3rd gear at binomba, namamatay makina or lost power sa silinyador. Kapag sinumpong na po ng pagpatay... nde na one shot ung pagkick start ko. Antay ako komti ilang segundo. Baka padyakin uli at mag on. San po kaya probpem... sa clutch system po ba or sa carb...?
Pede pa din ba magkaroblem sa carburador kahit ok ang idle kahit malamig makina. Ok din sa pagarangkada from 1st to 4th gear.. ung pagbawas po from 4th gear to 3rd gear na hold ang clutch tpos bomba dun po namamatay. Then kapag naon ko na uli makima. Naghihingalo na din ang silinyador sa 1st gear kailangn kunin ko muna tyempo sa pagsilinyador para umandar.. tpos naghihingalo uli.. hanggang timing na lang uli. gigagawa ko.
Sa ilalim po ng clutch basket assembly nito ay may makikita tayong oil plate component at ang purpose po nito ay para laging babad sa langis ang clutch assembly. Meron po nito ang mga xrm at mga wave style na mc.
Mahalaga po ang pag gamit ng gasket or gasket maker. Para masigurado na walang tagas. Lalo na kapag medyo luma na ang makina. Mahalaga din ang pag pantay pantay ng tisa o higpit ng turnilyo.
Kapag naka stand lang naman yung 4, 3, 2, 1 at neutral pero pag tumatakbo normal ang kambyo. Maliban na lang na nabuksan ang makina mo mo at mali ang settings
Paps my tanong po ako ,gawa po ng ung honda wave 110 cc ko ee kapag nagkambiyo ako kumakadyot bawat kambiyo ko at pag nagbabawas namn ganoo din kumakadyot
Sir nagagawa lamang ang half clutch sa mga motor na manual ang clutch. Pero sa automatic ay napaka igsi ng point na makapag half clutch. Pero kung may nararanasan ka na kakaiba sa iyong clutch, check mo muna yung adjustment ng iyong clutch lifter. Kung sa palagay mo ay ok naman ang clutch lifter, ang next step ay ang pag check ng clutch assembly at ng clutch bell or primary clutch.
Kung palagi po na makakalimot sa pag piga ng clutch lalo na sa low gear, ang maapektuhan po ay ang gear ng clutch hub. At mapapadali pong magasgas ang mga clutch lining at friction disc.
sir ask ko lang po, posible po kayang sa clutch lifter prob ng mc ko, kasi nawala n yung higpit tapos napakalambot n ng shifting at lumalagutok tapos pag magbabawas nag eengine brake agad kahit na nakatapak pa sa shifter at kahit anong gawin kong adjust pahigpit man o paluwag sa clutch adjuster nut eh wala ng epek
Hello po sir Wave125 yong motor ko kapag mabagal ang aking takbo hindi makahatak ng maayos. parang nag dadrag or delay yong takbo niya tapos nag kakadyot rin. Kung mabilis naman ang takbo niya okay naman siya. Pinalitan ko na ng clutch lining pero ganon pa rin
Check mabuti ang procedure. Testingin sa bawat adjust. Kung talagang wala pa rin, check yung clutch lifter plate, check yung alignment ng clutch lifter assembly at check din ang clutch hub assembly.
Rusi wave 125 ang mc mo, may clutch lifter adjuster screw sya sa outside right crankcase cover. Pihit pakanan ay pagluwag sa clutch lifter, pihit pakaliwa ay pagdiin sa clutch lifter. Bawat pihit drive test hanggang sa makuha ang tamang timplada.
boss nagpalit ako ng clutch lining at clutch bell. nang makabit na, may tik-tik-tik na tumutunog kapag naka neutral, pero sa 1,2,3,4 nawawala naman. xrm110 motor ko. ano po kaya diprensya nun?
Sir bakit Kaya yong wave 100 Hindi po ganyan ang itsura ng clutch lifter. Ano po Kaya nangyare kc pangatlo na po akong may Ari ng motor. Tanong ko po kung possible bang napapalitan ng ibang uri ng clutch lifter Ang wave 100?
Boss xrm fi po motor q panalitan q po yong tatlong spring bali tatlong stock tatlong malaki spring spring para malakas ang hatak tapos clucth liver at clucth lifter di nabalik isinara yong crunkcase cover normal lang lalagatak ang tinig ng makina salamat sa inyong sagot
...sir tanong konlang po nagkambiyo ko og clutch lining dol na wala lagi ang revers sa kambiyada sa akong motor,Rv1 ang unit SYM 110,sir😢😢😢😢sana mapansin po,
@@MauricioBarcelon sir nagbaklas na po ba kayo ng magneto sa visar kymco 110 niyo???? Ano pong puller ang gamit niyo..baka kasi magkamali ako ng puller na gagamitin sir.
Sir eto din po ba ang problema kapag sobrang tigas ng clutch mo at ayaw pumasok sa gear pero pag pabawas magkaclutch malambot naman at pumpasok po yung gear
Yes sir ganyan nga. Ang engine model po ng video na yan ay aoutomatic clutch. Sa mga manual clutch po naman ay push rod type. At kung manual clutch po ang sa inyo, check po yung clutch lifter ang push rod assembly
@@MauricioBarcelon pinilit nya kc pinasok yung secondary q kc daw ung washer nahuhulog daw di q naman alam na des align pala ung nataps na tenisting nya un na may narinig na aq na tunog sa mkina q nung pinabuksan q ayun wasak ung gear na manipis na nkakabit sa primary ung nasa dulo po.....kinabit nya ulit hanngang ngayon dihado po ako magpatakbo bka may bumara sa mkina q..wave alpha nga po pala motor q sir...from agusan del norte butuan city poh..
Sir palitan nyo na po yung nawasak na gear dahil magiging maingay po na po yan. Nakaka bili naman kahit single piece lang ng gear nyan. Wag nyo na lang paandarin hanggat walang kapalit para hindi lumala ang sira
Sir matanong ko lng po bkit kumakadyot xrm ko kapag nagkakambya ako,ok nmn po yung clutch adjuster nya hindi name nabali yung dowel nya,ano po kaya dita?
Yes sir naka tread yan. Yung pihit paluwag or pakaliwa ay pagtulak sa clutch at yung pihit pasikip or pakanan at pagluwag da clutch. Timplahin dahan dahan yung pagtulak sa clutch hanggang mawala ang kadyot. At kung wala naman pagbabago ay kailangan i check ang condition ng clutch lifter assembly. Kailangan buksan ang cover para ma check
Sir kung gumaganit po ang takbo, may problema po ang clutch release or ang clutch lifter. Kapag mahina ang batak kahit bago ang lining, kalog po ang clutch housing. Ano po ba ang motorsiklo mo sir.
@@MauricioBarcelon opo sir ok pa naman daw po.. last time na binaklas namen at nagpalit po kmi ng block nag ok naman po takbo kaya bgla nagkapit clutch at ngrelease tas may parang gears na nagbabanggan sa loob po. Tas nung nag adjust kmi ng clutch like ng nasa video nyo po balik ulit sa maganit at mabagal na takbo na parang tricycle.
Sir check muna ang timing chain baka maluwag na, check ang timing and tappet clearance. Ngayon kung hindi naman ito ang mga dahilan at meron pa ring vibration. Check transmission assembly, primary and secondary clutch, yan ang minsan ay nagiging dahilan ng vibration lalo na at naka kambyo ka.
@@MauricioBarcelon okey po salamat. Napalitan ku na clutch basket at clutch bell. Ganun pa din tapos kunting apak ku lang sa kambyu lakas ng vibrate tas may tunog na kalaskas
@@mayorsvlogs7193 sir yun bang pagkaka assemble ay in order, completo po ba ang piyesa? Check lang po mabuti pati yung pagkaka sunod sunod ng bawat piyesa
Hindi po kailangan na mahigpit na magigpit ang tensioner. Kinakapa lang po yan oras na nakakapag shift na kayo ok na yon. Pero kung masyado na mahigpit at mahirap pa din mag shift, check na po ang clutch lifter assembly
Sir check po mabuti yung transmission assembly. Kapag may lagutok, merong kalog. At kung noong bagong bili pa lang ay ganyan na pwede po yan ibalik sa casa dahil may warranty.
Meron pong parts sa engine mo ang medyo maluwag or loose, kadalasan sa mga parts po nag nagro rotate, halimbawa cutch housing, primary clutch or segunyal. Maririnig po ang hagong kapag mataas na ang rpm.
Walang timing marks sir. I set mo lang sa todong pihit pakanan. Bago ka mag adjust ng pihit pakaliwa pakau kaunti hanggang sa makuha mo ang tamang timing. Gaya ng procedure sa video
Ang clutch lining ay may ibat ibang disensyo at pamamaraan ng paglalagay o set up. Meron akong isang video na ang title ay "Bakit ayaw kumagat ang kambyo ng motor". Panoorin mo at baka sakaling makakatulong
@JovanieFrancisco-u4w sir, kapag nag convert ng automatic to manual, kailangan full set ng manual conversion kit ang gagamitin kasama na ang crankcase cover, dahil yun ang nagdadala para paganahin ang mga clutch mechanisms. Kung hindi ay iko convert pa rin ang crankcase na maaring mauwi lang sa malfunctioning.
@@MauricioBarcelon naka manual clutch na motor ko bossing hindi ako naka conversion kit bali conversion lang siya yung tuhog2 tawag nila, ang gusto ko lang malaman is kung paano ang tamang pag adjust ng clutch sa gilid ng crankcase
Boss sym bonus ung motor ko naka tengga lang kakapalit lang ng oil. nagpalit dinkasi ako ng lifter, kaso nung nakabit na lahat kada shift ko ng primera namamatay. Ano kaya problema?
bali bubuksan po ulit at ilalapat ung lifter sa plate pagsarado? pero if ever nakalapat naman ng maayos pero same pa rin po na namamatay kada primera ano po ang problema?@@MauricioBarcelon
@user-lk5vk3jk7r sir meron namang adjustment screw sa labas ng crankcase cover kahit hindi na buksan. Kung gusto namang masiguro ang propper alignment ng lifter, kailangan ding buksan.
Sir anu po kya cra ng motor q,,motor star niccess 110,,kht nakadiin kna s kmbyo tapos kpg nag silinyador k,,umaandar p dn.anu po kya ang problema,,slmat po
Sir kapag naka diin sa kambyo ibig sabihin ay naka engage pa ang shifting gear sa transmission at natural po na aandar. Pero once na nag press ng kambyo kailangan i depressed agad para yung shifting drum ay mag set sa desire shifting speed ng gear. Hindi po dapat manatiling nakadiin sa kambyo habang hinihigit ang selinyador upang hindi magkameron ng masamang epekto sa transmission
Sir yun pong gearshift drum ay connected sa transmission at yung gearshift stopper naman ay yung pumipigil sa gearshift drum upang manatili ang sa desire shifting gear.. makikita nyo po ang ang itsura nito kung ire research sa Lazada ang. "gearshift drum stopper at gearshift drum ng brand ng mc mo.
Sir simulan po ang pag check sa clutch release and push rod kung mamnual clutch, kung automatic clutch naman check ang clutche lifter. At kung ok naman po at ganon pa din i check po ang clutch housing assembly.
sir tanong kulang po . pano po maibalik sa standard ang plug ng tensioner ng wave 100 kc oversize na po drain plug ng tensioner ko paano pa po maibalik sa dati patulong po sir samat🙏
Sir i set mo muna ang adjuster screw sa todong pihit clockwise or pahigpit. Kapag naka set na, ay unti unti mong pihintin sa derection counter clockwise or paluwag at sa bawat pihit ay subukin ang kambyo na naka center stand mula first gear hanggang final gear. Ituloy lang ang proseso hanggang sa makuha ang tamang timing. And then road test.
idol! ano ang sira ng motor pagpahinto na ako bigla lang mamatay ang makina, neutral nalang ang aandar ang primera at 2,3,4, kakadyot lang hindi na tatakbo.
Sir ipa check mo na ang clutch assembly mo yung secondary at primary. May tendecy na magpalit ng clutch lining, check mo na rin ang plates kung pwede pa
Gagana pa din naman. Kaya lang pwede ma damage ang clutch gear sa pag kambyo. Ang purpose kase ng clutch lifter ay para sa smooth operation ng shifting speed
sir panu po kaya yong motor ko, ngpalit lng ako ng clutch lefter,naibalik ko na saya, ayw na tuloy gumana ng kick start tas yong ayaw tumakbo naandar yon makina kaso nga lng ayw tumakbo yong motor panukaya yon boss ng DIY lng ako ako nunboss,gawa kase wlng pambayad da libor, pa notice nmam boss,salamat po
@@MauricioBarcelon cge po boss naikot nman yong gulong pag nka double stand kaso pag nkalapag na sa kalsada ayw tumakbo eh,tas na pansin ko din yong lining nya maluwag sa clutch housing, ok lng kaya yon boss,salamat po
Boos honda wave 100 motor ko pag na kambyo po ako ang lakas po ng damba ano po Kaya sira non? Kada kambyo ko po na damba at pag piga den Pon silinyador na damba salamat po Sana matulungan nyo ako😁
Idol pa advace naman po .. ung suzuki smash ko po kasi pah kinakambyo namamatay .. pero pag tinapakan ko ng matagal nag cluclutch naman .. pag binitawan ko na namamatay ..
Sir pag tukod na tukod na yung adjusting screw at walang pagbabago, check clutch hub assembly gaya ng clutch lifter plate, spring, clutch lining and plate. Pero kung bago naman lahat yan saka ka magpalit ng set ng clutch lifter.
Epopost ko po ung tutorial nyu para malaman ng mga rider na napakahusay nyu mag paliwanag at ditalyadong tutorial .mabuhay po kyu hindi nyu pinag dadamot ang iyung ka alaman sa madlang pilipinong mahihilig sa motor .godbless
Salamat po ng marami.
Thanks Pre, the best ka..BIG help and I have solved my Wave Dash shifting na walang Half Clutch..SALUTE!!!
Malaking tulong iyang video mo, Sir!
Nakatipid ako ng 2K PhP. 😁👍🏼
Salamat po sa mga videos mo kaibigan.. malaking tulong po yang mga video mo
Salamat master napaka linaw Po
This Video was Very Useful sir. Big Help Sir
Salamat po master may natutunan na namsn ako
ganda neto rekta wala ng segway segway actual pa
subcribe ako boss suporta sayo
boss ayos at malinaw nkatulong sakin
Thanks Pre.
Salamat sir malaking tulong Yung ginagawa
Ganan pala yun boss, salamat, pa shout out po
Thank you po....sablay ang gawa ko.hehehe
Galing naman😍
boss sana gawa ka sa next video mo kung pano mag-battery oparated ng visar at kung paano mag fullwave.,,at kung ano bang brand or tamang rectifier regulator ang gagamitin. at pa shout out ndn po sa next video mo. salamat at Godbless you.
Ok po sir. Salamat and God bless
napakalinaw 😊😊😊
Sir pano pag tukod na yung adjusting screw, napapalitan ba yun
Anong tawag ba doon sa nut ng clutch lifter paps kasama Yong tread nya
Sir...ano po ba sira, pagnaghahalfclutch po ako e parang may kadena na tunog pagnaka halfclutch lng po..slamat
Same problem, sana mapansin tayo anong sira nun
Subukan po muna na i adjust ang cadena. At kung tama naman ang tightness ng kadena at ganon pa din. Ibig sabihin ay lumuluwag na ang clutch housing assembly. Check clutch plate maaring manipis na, check din ang adjustment ng clutch release.
Sir paano po pag bearing na ung clutch release ko?
Salamat
Paano mag set ng clutch release yamaha crypton r
Sir push rod type po ang clutch lifter mo, yung clutch release po na naka install sa sa crankcase cover ay ay naka set up na. Meron po itong circlip na nagla lock upang ma tanggal ang buong assembly kung nais palitan.
sir bago ba mag adjust ng clutch, kailangan ba naka neutral?
Wala namang problema kahit naka kambyo basta automatic
boss ano kaya kasukat na washer ng motor na yan. sa primary bell. babalik ko kase sa manual trans. ty boss.
Pang xrm 110 sir
Paps bakit kapag ina adjust ko Yong adjuster kapag nalowagan kona Yong nut nya matikas parin Yong screw nya kaya kapag hinigpitan ko Yong nut nya omi ikot sya kahit kinokontra ko somosunod padin
Matigas kase Yong screw nya kaya diko makontra kapag hinihigpitan ko somosunod parin sya
Yung purpose kase ng screw and nut ay ginagawa lang kapag papalitan o tatanggalin mo ang adjuster screw. So hindi mo na kailangan pihitin sa negative slot ng screw. Sa nut ka lang mag a adjust kagaya ng ginawa ko sa video
Pag pihit paluwag press sa clutch lifter. Pagpihit pahigpit pag depress sa clutch lifter.
Diba po kapag nalowagan na Yong nut nya Diba po maluwag na Yong screw nya sa gitna bakit Yong adjuster NG motor ko paps matigas Yong screw nya
Sir nagpa top over haul po ako. Palit clutch clutch lining primary and secondary.. linis ng valve and nagpalit naman po ng piston ring etc.
Ang naobserbahan ko po kapag nasa 4th gear na po at naghalfcutch po ako to 3rd gear at binomba, namamatay makina or lost power sa silinyador.
Kapag sinumpong na po ng pagpatay... nde na one shot ung pagkick start ko. Antay ako komti ilang segundo. Baka padyakin uli at mag on.
San po kaya probpem... sa clutch system po ba or sa carb...?
Pede pa din ba magkaroblem sa carburador kahit ok ang idle kahit malamig makina. Ok din sa pagarangkada from 1st to 4th gear.. ung pagbawas po from 4th gear to 3rd gear na hold ang clutch tpos bomba dun po namamatay. Then kapag naon ko na uli makima. Naghihingalo na din ang silinyador sa 1st gear kailangn kunin ko muna tyempo sa pagsilinyador para umandar.. tpos naghihingalo uli.. hanggang timing na lang uli. gigagawa ko.
Sir check mo timing
Sir, o ring ba yung nandiyan sa screw na yan, or oil seal?
Kung yun pong bolt/adjuster screw ang tinatanong mo sir, wala pong o ring or oil seal yon.
sadya bang wala talagang oil basin yan sa ilalim ng clutch brod?kc xrm ko meron oil basin.
Sa ilalim po ng clutch basket assembly nito ay may makikita tayong oil plate component at ang purpose po nito ay para laging babad sa langis ang clutch assembly. Meron po nito ang mga xrm at mga wave style na mc.
Sa pgbalik ng cover kailangan paba ng asket?
Mahalaga po ang pag gamit ng gasket or gasket maker. Para masigurado na walang tagas. Lalo na kapag medyo luma na ang makina. Mahalaga din ang pag pantay pantay ng tisa o higpit ng turnilyo.
Paps ano kaya pwedeng clutch lifter NG rusi wave 125 ko
Sir kung magpapalit ka ng clutch lifter check mo lang sa Lazad or shopee. Code name "RW 125 clutch lifter"
Wala paps wala akung makita
Parang kapareho nya Yong pang wave 110 paps
Pwede kaya yon kung sakto
Check lang mabuti
Parehas poba yan sa xrm125 sir..salamat sa sagot.
Parehas lang sir
boss kymco visa din motor ko,, kaso ang kambyo naging couter clockwise 4 3 2 1tapos nutral at hnd anu kaya ang ng yari sa motor ko,,,
Kapag naka stand lang naman yung 4, 3, 2, 1 at neutral pero pag tumatakbo normal ang kambyo. Maliban na lang na nabuksan ang makina mo mo at mali ang settings
@@MauricioBarcelon boss yung motor ko,, ang tigas n ng kambyo nka stand man at nanakbo
Check po yung clutch lifter, check gearshift spindle assembly at paki check na din ang clutch assembly.
sir parehas ba ang clutch bell ng xrm 110 at 125
Magkaiba sir
Sir good pm.po ano Kaya problema Dina kc ma Iko sa 360 Yung adjusting screw pa clock wise
Sir check nyo po yung clutch lifter baka na disconnect na sa adjusting screw.
Paps anong tawag ba Don sa nut ng clutch lifer kasama Yong tread
Clutch lifter adjuster screw
Paps my alog my alog Yong clutch housing NG rusi wave 125 ko kaya siguro kumakadyot Yong segunda
Check mo yung lining at tsaka plate baka tangos na. Pati mga bushing i check mo na din.
Pa check ko nalang sa mekaniko paps
Matagal napo na my alog yon paps pero hindinaman nasisira
Boss yong pong motor q euro 110. kapag po nakambiyo aq my nalagatok po kada kambiyo q.ano pi bang deperencia nun boss.from bicol.
Check po yung clutch shoe ng secondary clutch
Paps my tanong po ako ,gawa po ng ung honda wave 110 cc ko ee kapag nagkambiyo ako kumakadyot bawat kambiyo ko at pag nagbabawas namn ganoo din kumakadyot
Sir check muna ang condition and adjustments ng clutch lifter
Sir, ano po kaya problema kapag walang half clutch? Hindi naman putol yung clutch lifter
Sir nagagawa lamang ang half clutch sa mga motor na manual ang clutch. Pero sa automatic ay napaka igsi ng point na makapag half clutch. Pero kung may nararanasan ka na kakaiba sa iyong clutch, check mo muna yung adjustment ng iyong clutch lifter. Kung sa palagay mo ay ok naman ang clutch lifter, ang next step ay ang pag check ng clutch assembly at ng clutch bell or primary clutch.
VISA R po Motor ko. Wala po soyang free wheel kapag diniin yung kambyo.
Sir kulang sa diin ang clutch lifter adjuster screw, i check n mo na din yung alignment.
Sir pwedi din ba sa clutch lifter ang dahilan kung bakit di timing pag nag gegear pasagot po salamat . naka subsribe nadin po ako💖
Kadalasan po ganon nga.
Ano po ba ang motorsiklo?
@@MauricioBarcelon wave 100r po sir
Yes sir, check clutch lifter component po
@@MauricioBarcelon oki sir salamat💖
@@MauricioBarcelon sir pwedi din ba dahil sa mali ang gear pedal na nabili.?
Gud morning sir tanong quh pushrod motor quh kung minsan kc nkakalimutan quh mgpiga ng clutch pwede poh masira ang motor?slamat poh
Kung palagi po na makakalimot sa pag piga ng clutch lalo na sa low gear, ang maapektuhan po ay ang gear ng clutch hub. At mapapadali pong magasgas ang mga clutch lining at friction disc.
Boss, anung problema sa motor q, pag primera q diretso arangkada motor q
Ano po motor mo sir? Adjust clutch lifter or check push rod.
sir ask ko lang po, posible po kayang sa clutch lifter prob ng mc ko, kasi nawala n yung higpit tapos napakalambot n ng shifting at lumalagutok tapos pag magbabawas nag eengine brake agad kahit na nakatapak pa sa shifter at kahit anong gawin kong adjust pahigpit man o paluwag sa clutch adjuster nut eh wala ng epek
Yes po, kailangan mabuksan para ma check ang clutch lifter assembly
Sir kong sira na po yung clutch lifter okay lang ba kahit sira na?
Magma malfunction na yan. Palitan na yan sir.
Paano pa ang secound gear parang half cloutch
Afjust clutch lifter sir
Boss nabibili po ba yung mismong knot nang clutch lever ? sana masagot
Set po binibenta yan sir
Hello po sir
Wave125 yong motor ko kapag mabagal ang aking takbo hindi makahatak ng maayos. parang nag dadrag or delay yong takbo niya tapos nag kakadyot rin. Kung mabilis naman ang takbo niya okay naman siya. Pinalitan ko na ng clutch lining pero ganon pa rin
Check mo sir yung primary clutch, clutch bell ang clutch shoe.
@@MauricioBarcelon okay lang po ba kung replacement lang kapag pinalitan?
Ok lang sir basta match, pwede rin xrm sir
@@MauricioBarcelon Salamat po
Ung sa rusi poh ser ung clutchlifter half clutch lang pano Gawin salamat po
Ipa check po yung clutch lifter. Maaring tangos or naputol na yung stopper
Ser pano tamang pagbalik nian sa sym 110 ? Tamang pwesto??
Parehas lang po yung nasa video
Kuya patulong nman bakit may tumatagas na oil sa may clutch lifter adjusting screw meron naman oring pa help namn ano po dapat palitan didto?
Yung O ring mismo ang palitan mo sir. Kailangan intact na intact talaga.
Boss bakit ayaw mg clucth ng motor ko automatic clutch po to na adjust ko na ng mabuti ang clutch srew ayaw parin
Check mabuti ang procedure. Testingin sa bawat adjust. Kung talagang wala pa rin, check yung clutch lifter plate, check yung alignment ng clutch lifter assembly at check din ang clutch hub assembly.
@@MauricioBarcelon salamat boss ok na . Ako lng kasi nag ayus para tipid sa bayad sa mikaniko boss
Pano po pala mag adjust paps
Rusi wave 125 ang mc mo, may clutch lifter adjuster screw sya sa outside right crankcase cover. Pihit pakanan ay pagluwag sa clutch lifter, pihit pakaliwa ay pagdiin sa clutch lifter. Bawat pihit drive test hanggang sa makuha ang tamang timplada.
boss nagpalit ako ng clutch lining at clutch bell. nang makabit na, may tik-tik-tik na tumutunog kapag naka neutral, pero sa 1,2,3,4 nawawala naman. xrm110 motor ko. ano po kaya diprensya nun?
Sir check po mabuti yung proper setting ng primary clutch at clutch housing.
@@MauricioBarcelon ok. thanks.
Paps pwede poba yong cluth lifter ng wave 110 sa rusi wave 125 ko
May pagakakaiba po
Paps ano po kaya pwdeng ilagay na lifter
Ano pong xrm 125 poba or 110
Swak bayon paps
Rusi 125 pala sa yo kala ko wave 110. Kaya yung pang wave 125 ang gamitin mo.
My mabibilhan po kaya nang o ring sa clutch adjuster?
Meron sir, most common sa honda at C100. Basta specific lang sa pag order.
Ano po kaya size nang o ring sir, yan ksi prob ko ngayon eh,
Sabihin mo lang kung anong mc mo at mas maganda kung maipapakita mo ang sample ng clutch adjuster
Cge po sir,salamat,
Gusto ko rin sana ipagawa sa yo ung clutch bell ko sir,kaso layo lugar mo,bacolod ksi ako eh
Sir bakit Kaya yong wave 100 Hindi po ganyan ang itsura ng clutch lifter. Ano po Kaya nangyare kc pangatlo na po akong may Ari ng motor. Tanong ko po kung possible bang napapalitan ng ibang uri ng clutch lifter Ang wave 100?
Di ko lang sure pero maaring pang 125 ang napalagay sa iyo. Ganon pa man pwede mong palitan ng kagaya ng nakita mo sa video
Boss xrm fi po motor q panalitan q po yong tatlong spring bali tatlong stock tatlong malaki spring spring para malakas ang hatak tapos clucth liver at clucth lifter di nabalik isinara yong crunkcase cover normal lang lalagatak ang tinig ng makina salamat sa inyong sagot
Hindi po normal ang lagatak check po ang clutch bell maaring na pwersa
@@MauricioBarcelon sir paturo naman o ana sasabihin q sa mikaniko ng motor kng ipapaayos ko ito pa advise po salamat godbless po sir
Saka sir ano pong magandang spring pang clutch spring
Sir, ipa check mo muna yung primary clutch, yun po kase ang pinamumulan ng lagatak. At yung clutch spring dapat pang xrm 125, honda genuine parts
@@MauricioBarcelon ok po sir salamat
...sir tanong konlang po nagkambiyo ko og clutch lining dol na wala lagi ang revers sa kambiyada sa akong motor,Rv1 ang unit SYM 110,sir😢😢😢😢sana mapansin po,
Check lang po mabuti ang setting ng clutch lifter.
pag nag slide ang kick starter maluwag ba tan
Pag nag slide ang kick starter, check muna bendix drive.
Ano ba motorcycle?
sir aandar parin ba ang motor pag walang clutch lever at clutch comp plate?
Aandar pa rin kaya lang mahirap mag kambyo masisira ang clutch assembly pati na rin ang geashift assembly kapag langing naka bypass sa clutch
Ang xrm ko tumatakbo kung naka 1st gear kahit d pinipiga ang trotlle?
Check mo sir yung clutch lifter
@@MauricioBarcelon pwede kaya mabutasan ng drill at lagyan ng bolt pag naputol clutch lifter nya?
@@MauricioBarcelon pwede kaya ang clutch lifter ng xrm 110 za xrm 125?
Magka iba po sir, hindi pwede.
Hindi po tatagal or pwede mag malfunction
Siguro yan ang dahilan kung bakit minsan may tersera minsan kahit tapakan ang tersera hindi kumakagat..
Possible po
@@MauricioBarcelon sir nagbaklas na po ba kayo ng magneto sa visar kymco 110 niyo???? Ano pong puller ang gamit niyo..baka kasi magkamali ako ng puller na gagamitin sir.
@@loretamacud9297sabihin mo lang yung pang honda wave or xrm alam na yun ng tindero
@@MauricioBarcelon salamat po ng marami ...kaibigan
Sir eto din po ba ang problema kapag sobrang tigas ng clutch mo at ayaw pumasok sa gear pero pag pabawas magkaclutch malambot naman at pumpasok po yung gear
Yes sir ganyan nga. Ang engine model po ng video na yan ay aoutomatic clutch. Sa mga manual clutch po naman ay push rod type. At kung manual clutch po ang sa inyo, check po yung clutch lifter ang push rod assembly
Maraming salamat sir sa info kymco visar din po motor ko
Paps ano kaya problem tong segunda NG motor ko rusi mpy 125 posya pag dahan dahan lang na takbo hindi kakadyot pero pag mabilis chaka kakadyot na
I adjust lang muna yung clutch lifter
Ty po
Sir anu dapat gawin sa half clutch gear ko po nwasak ng mekaniko na pinaayos ko....
Sir paki describe po kung ano ang reaction ng motor at kung anong motorsiklo
@@MauricioBarcelon pinilit nya kc pinasok yung secondary q kc daw ung washer nahuhulog daw di q naman alam na des align pala ung nataps na tenisting nya un na may narinig na aq na tunog sa mkina q nung pinabuksan q ayun wasak ung gear na manipis na nkakabit sa primary ung nasa dulo po.....kinabit nya ulit hanngang ngayon dihado po ako magpatakbo bka may bumara sa mkina q..wave alpha nga po pala motor q sir...from agusan del norte butuan city poh..
Sir palitan nyo na po yung nawasak na gear dahil magiging maingay po na po yan. Nakaka bili naman kahit single piece lang ng gear nyan. Wag nyo na lang paandarin hanggat walang kapalit para hindi lumala ang sira
@@MauricioBarcelon ok sir thank you sa advice eh...sir service q poh motor q araw2 sa trbho q sir...
@@willyverpajo4671 medyo sapalaran yan. Try mo lang kahit maingay
Sir matanong ko lng po bkit kumakadyot xrm ko kapag nagkakambya ako,ok nmn po yung clutch adjuster nya hindi name nabali yung dowel nya,ano po kaya dita?
Sir clutch lifter adjustment lang po
Sir yung ba clutch screw adjuster nkatread ba xa mismo sa crunkcase cover?
Yes sir naka tread yan. Yung pihit paluwag or pakaliwa ay pagtulak sa clutch at yung pihit pasikip or pakanan at pagluwag da clutch. Timplahin dahan dahan yung pagtulak sa clutch hanggang mawala ang kadyot. At kung wala naman pagbabago ay kailangan i check ang condition ng clutch lifter assembly. Kailangan buksan ang cover para ma check
Ganun po ba,cge po salamat ng marami nkakatulong k tlga saming mga bagohan,God bless po
Sir, ano reason bakit halos lahat ng issue ng xrm 125 fi is mahirap ipasok from 1st to 2nd gear
Kung ganon, hindi synchronized ang clutch assembly pati clutch lifter. Dahil hindi maka dis engage ng sagad kaya mahirap mag shift.
Ser yung sakin lundag ang kambyo pero ok nman po sa takbo
Clutch lifter or clutch release assembly sir, (adjustment)
Anong Ingay idol pang yan ai ai nasisira.. humihiyaw kc Yung motor ko kapang pinipihit ko Ang silinyador...
Sir clutch lifter adjustment po ito ay problema nito ay sa shifting lang. Yung naririnig mong humihiyaw ay ingay ng clutch assembly
Sir pano po kaya kapag gumaganit ang takbo bago naman po lining.. almost 3x na sya napalitan.. tas low speed na din po
Sir kung gumaganit po ang takbo, may problema po ang clutch release or ang clutch lifter. Kapag mahina ang batak kahit bago ang lining, kalog po ang clutch housing. Ano po ba ang motorsiklo mo sir.
Sir@@MauricioBarcelon wave 100 po pero ok naman housing maganit lang po itakbo at mabagal po sya...
Sir na check na rin ba yung condition ng primary clutch bell at shoe?
@@MauricioBarcelon opo sir ok pa naman daw po.. last time na binaklas namen at nagpalit po kmi ng block nag ok naman po takbo kaya bgla nagkapit clutch at ngrelease tas may parang gears na nagbabanggan sa loob po. Tas nung nag adjust kmi ng clutch like ng nasa video nyo po balik ulit sa maganit at mabagal na takbo na parang tricycle.
Sir primary clutch or clutch bell po ang narinig nyong ingay, check nyo po mabuti
Kuya bakit po mastadong vibrate yung kambyu ku. Xrm 125 carb type. Salamat mo.
Sir check muna ang timing chain baka maluwag na, check ang timing and tappet clearance. Ngayon kung hindi naman ito ang mga dahilan at meron pa ring vibration. Check transmission assembly, primary and secondary clutch, yan ang minsan ay nagiging dahilan ng vibration lalo na at naka kambyo ka.
@@MauricioBarcelon okey po salamat. Napalitan ku na clutch basket at clutch bell. Ganun pa din tapos kunting apak ku lang sa kambyu lakas ng vibrate tas may tunog na kalaskas
@@mayorsvlogs7193 sir yun bang pagkaka assemble ay in order, completo po ba ang piyesa? Check lang po mabuti pati yung pagkaka sunod sunod ng bawat piyesa
Gaano po dapat ka higpit ang bolt sa tensioner?
Hindi po kailangan na mahigpit na magigpit ang tensioner. Kinakapa lang po yan oras na nakakapag shift na kayo ok na yon. Pero kung masyado na mahigpit at mahirap pa din mag shift, check na po ang clutch lifter assembly
@@MauricioBarcelon salamat po. Kaya pla hindi ko na magamit motor ko. Sinagad ko ang higpit eh.
Sir ano po kaya problema sa wave110r ko lumalagutok ang segunda kong ngkakambio ako.
Check clutch assembly po
Kahit nong bagong bili palang ganon na po.
Sir check po mabuti yung transmission assembly. Kapag may lagutok, merong kalog. At kung noong bagong bili pa lang ay ganyan na pwede po yan ibalik sa casa dahil may warranty.
Boss, ano kaya ang dahilan kapag nahagong ang motor, kapag sinasagad ang throttle?
Meron pong parts sa engine mo ang medyo maluwag or loose, kadalasan sa mga parts po nag nagro rotate, halimbawa cutch housing, primary clutch or segunyal. Maririnig po ang hagong kapag mataas na ang rpm.
Cluch lifter boll Bering...Ng xrm 125 mirong bang palatandaan o timing non sir sana masagot sir god bless
Walang timing marks sir. I set mo lang sa todong pihit pakanan. Bago ka mag adjust ng pihit pakaliwa pakau kaunti hanggang sa makuha mo ang tamang timing. Gaya ng procedure sa video
@@MauricioBarcelon salamat sir sa mabilisang sagot..nag subscribe ako sayo sir salamat
Ano po ang Tamang Pag lagay sa mga lining kuya ? Salamat po.
Ang clutch lining ay may ibat ibang disensyo at pamamaraan ng paglalagay o set up. Meron akong isang video na ang title ay "Bakit ayaw kumagat ang kambyo ng motor". Panoorin mo at baka sakaling makakatulong
Paano naman i adjust boss kung naka convert na sa clutch manual?
Bale sa push rod na ang adjustment sir
@MauricioBarcelon same crankcase oang kasi gamit ko yung original sa xrm 125
Paano naman i adjust clutch gaya ng sa ginawa mo?
@JovanieFrancisco-u4w sir, kapag nag convert ng automatic to manual, kailangan full set ng manual conversion kit ang gagamitin kasama na ang crankcase cover, dahil yun ang nagdadala para paganahin ang mga clutch mechanisms. Kung hindi ay iko convert pa rin ang crankcase na maaring mauwi lang sa malfunctioning.
@@MauricioBarcelon naka manual clutch na motor ko bossing hindi ako naka conversion kit bali conversion lang siya yung tuhog2 tawag nila, ang gusto ko lang malaman is kung paano ang tamang pag adjust ng clutch sa gilid ng crankcase
@JovanieFrancisco-u4w pihit pakaliwa pagbabaw ng clutch. Pihit pakanan paglalim ng clutch. Doon sa nut ang pihit gamit ang spanner
Boss sym bonus ung motor ko naka tengga lang kakapalit lang ng oil. nagpalit dinkasi ako ng lifter, kaso nung nakabit na lahat kada shift ko ng primera namamatay. Ano kaya problema?
Sir check mo yung adjustment.
bali bubuksan po ulit at ilalapat ung lifter sa plate pagsarado?
pero if ever nakalapat naman ng maayos pero same pa rin po na namamatay kada primera ano po ang problema?@@MauricioBarcelon
@@MauricioBarcelon nag message po ako sa fb nyo sir
@user-lk5vk3jk7r sir meron namang adjustment screw sa labas ng crankcase cover kahit hindi na buksan. Kung gusto namang masiguro ang propper alignment ng lifter, kailangan ding buksan.
Maraming salamat po, ichecheck ko po bukas.
Paano po kung loss thread sa labas sir"?
Mahirap na i adjust yan kung loss thread, pero dapat ma check mabuti pati yung thread na humahawak sa loob
Sir anu po kya cra ng motor q,,motor star niccess 110,,kht nakadiin kna s kmbyo tapos kpg nag silinyador k,,umaandar p dn.anu po kya ang problema,,slmat po
Sir kapag naka diin sa kambyo ibig sabihin ay naka engage pa ang shifting gear sa transmission at natural po na aandar. Pero once na nag press ng kambyo kailangan i depressed agad para yung shifting drum ay mag set sa desire shifting speed ng gear. Hindi po dapat manatiling nakadiin sa kambyo habang hinihigit ang selinyador upang hindi magkameron ng masamang epekto sa transmission
@@MauricioBarcelon boss Dati nmn po HND gnun,,nalalaro q p ang silinyador habang nakadiin AQ s kambyo,,anu po kya problema dun
Check po yung gearshift drum stopper
@@MauricioBarcelon sir anu po itsura nun,,? San parte po un?
Sir yun pong gearshift drum ay connected sa transmission at yung gearshift stopper naman ay yung pumipigil sa gearshift drum upang manatili ang sa desire shifting gear.. makikita nyo po ang ang itsura nito kung ire research sa Lazada ang. "gearshift drum stopper at gearshift drum ng brand ng mc mo.
Ano po kaya cra ng adjust ng cluct ng wave ko sagad n po xa ano po kaya cra sana msagot nyo katanungan ko,,
Check muna mabuti yung clutch lifter assembly, kung ok pa naman sunod na i check ang clutch basket assembly
@@MauricioBarcelon check ko Muna u. Clucth lifter nya kc d nmn xa maikot stock ba,,
Stock pa never pa nabuksan
General check up na po yung right side, para maagapan agad.
Pagkinambya ko po motor ko nagnakapatay ang makina...hanggang segunda lng po di ko na po mapasok ang 3sera at kwarta sir..anu po kaya problema??
Sir simulan po ang pag check sa clutch release and push rod kung mamnual clutch, kung automatic clutch naman check ang clutche lifter. At kung ok naman po at ganon pa din i check po ang clutch housing assembly.
@@MauricioBarcelon ok na sir slamat ng marami sa video mo..godbless
sir tanong kulang po . pano po maibalik sa standard ang plug ng tensioner ng wave 100 kc oversize na po drain plug ng tensioner ko paano pa po maibalik sa dati patulong po sir samat🙏
Sir for machinist na po yan. Kalimitang ginagawa diyan ay build up tapos re thread. Yun pong mga adhesive na pwedeng gamitin ay pansamantala lamang
bali isasarado ba yung butas sir tapus tsaka bubutasan ulit na may kasamang thread na siya?
@@khalidsabtula4218 kahit hindi isara, basta ma build up lang yung thread ng tig weld tapos re thread, alam na ng machinist kung paano patatamaan
oki po salamat❤️
Boss San nakakabili Ng Isang set Yan balak ko mag lagay sakin
Sir sa lazada at shopee lang ako kadalasan na umo order. Ok naman basta specified lang ang tamang variation
Saakin sir natatanggal Yong clutch lifter Ng motor ko,pano Po ba etatiming?
Sir i set mo muna ang adjuster screw sa todong pihit clockwise or pahigpit. Kapag naka set na, ay unti unti mong pihintin sa derection counter clockwise or paluwag at sa bawat pihit ay subukin ang kambyo na naka center stand mula first gear hanggang final gear. Ituloy lang ang proseso hanggang sa makuha ang tamang timing. And then road test.
idol! ano ang sira ng motor pagpahinto na ako bigla lang mamatay ang makina, neutral nalang ang aandar ang primera at 2,3,4, kakadyot lang hindi na tatakbo.
Sir ipa check mo na ang clutch assembly mo yung secondary at primary. May tendecy na magpalit ng clutch lining, check mo na rin ang plates kung pwede pa
@@MauricioBarcelon bagong palit lang ang primary at secondary clutch ko idol, bakit papalitan ko agad.
@@jesliesabado9790 ganon pala. Adjustment lang ng clutch lifter or push rod sir
Paano kng walang clutch lifter assembly gagana pa ba Ang motor
Gagana pa din naman. Kaya lang pwede ma damage ang clutch gear sa pag kambyo. Ang purpose kase ng clutch lifter ay para sa smooth operation ng shifting speed
@@MauricioBarcelon ok boss salamat
sir panu po kaya yong motor ko, ngpalit lng ako ng clutch lefter,naibalik ko na saya, ayw na tuloy gumana ng kick start tas yong ayaw tumakbo naandar yon makina kaso nga lng ayw tumakbo yong motor panukaya yon boss ng DIY lng ako ako nunboss,gawa kase wlng pambayad da libor, pa notice nmam boss,salamat po
I set up lang mabuti ang clutch lifter tapos adjust ang clearance
@@MauricioBarcelon cge po boss naikot nman yong gulong pag nka double stand kaso pag nkalapag na sa kalsada ayw tumakbo eh,tas na pansin ko din yong lining nya maluwag sa clutch housing, ok lng kaya yon boss,salamat po
Pag maluwag ang lining ay hindi na talaga babatak. Check mo na din yung mga lining at friction plate, baka tangos na
paano po ba ayusin ang hindi na rangrang na motor pag inapakan ko ang kambyo hindi na ma rangrang?
Sir ano po ba ang motor mo, at ano po ibig sabihin ng rangrang? Para po ma figure out ko kung ano nga ang diperensya.
@@MauricioBarcelon ano po kasi pag inapakan ko yung kambyo ng xrm ko ay tatakbo sya. pero dati naman po hindi tumatakbo pag inapakan ang kambyo
Ipa check na po yung clutch lifter, at kung mataas po ang menor ng carburetor ay dapat ding itono.
@@MauricioBarcelon sir saan po pwede kita i pm para po ma explain ko po ng maayos
@@MauricioBarcelon name po
Sakin natanggal mismo idol bakit tumutunog siya nung nabalik kuna mn siya ng tama
Check po yung proper alignment ng clutch lifter
Sir ganyan cguro problma ng motor ko ayaw pumasuk ung kambio...
Check lang mabuti sir.
Boos honda wave 100 motor ko pag na kambyo po ako ang lakas po ng damba ano po Kaya sira non? Kada kambyo ko po na damba at pag piga den Pon silinyador na damba salamat po Sana matulungan nyo ako😁
Sir, yung clutch lifter set ang problema ng motor mo kung naka set ng maayos at wala nang magawang adjustment, maaring may dapat ka nang palitan.
@@MauricioBarcelon salamat po😁 new subscriber nyo po ako😁
Ang ibig sabihen nyo po ang clutch lifter putol na
Hindi naman napuputol yon. Maaring nabibigla na ang pag balik sa position pagtapos mag shift
Salamat po❤️
Boss patulong nadamba xrm 110 ko kada kambyo ..
Clutch lifter timing ang kailangan
Salamat lods new sub.😅
Idol pa advace naman po .. ung suzuki smash ko po kasi pah kinakambyo namamatay .. pero pag tinapakan ko ng matagal nag cluclutch naman .. pag binitawan ko na namamatay ..
Sir ipa check mo yung clutch lifter assembly
😢
Boss ganun din sira motor ko
Ok sir check lang mabuti at baka makatulong yung video
Hindi nman tinuro yong tamang guide