Mike Villegas (Rizal Underground) PERFTalk | Bahay ni Pekto

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 14 ноя 2024

Комментарии • 322

  • @PekpektoGuitar
    @PekpektoGuitar Год назад +15

    Grabe, dami ko na napanood na PerfTalk, pero eto yung episode na talagang may nag click sa akin theoretically (dami ko natutunan at napulot nuggets of guitar wisdom sa dalawang master guitarist ng Pilipinas), but more than that, na touch talaga ako emotionally, habang nag uusap kayo, kasi parang nag fa flashback sa ala-ala ko yung mga memorable at sobrang sayang OPM "band scene" na nakalipas. As a 90's kid, sobrang fan ako ng Rivermaya at Rizal Underground (alam ko pa rin gitarahin yung Bilango at Sabado Nights and siempre lahat ng kanta ng Rivermaya👌.. as well as lahat ng banda nun (Eraserheads, Yano, Youth, Wolfgang, Introvoyz, After Image, Rockstar, Color it Red, Alamid, Razorback, Teeth, Siakol, Boss band, etc.). Naririnig ko sa bus yung mga Hit songs nila, dinadayo ko yung mga concert lalo na pag may U.P Fair at kinakapa namin ng mga kaklase ko yung mga songs nila sa gitara tuwing hapon after class using casette tapes nila. (wala pang RUclips, binibili ko talaga yung cassets nyo) Narealize ko eto na sila "tito Perf at tito Mike" ngayon, sobrang big time na, pero very humble pa rin.😊 Narealize ko rin sobrang saya at walang katulad yung nakalipas...at kung pwede lang balikan ay babalikan ko ng sobra, bakit kasi kailangan lumipas ? simple lang buhay nun, sobrang saya kahit walang internet, walang pera at social media. Acoustic guitar lang ayus at kumpleto na. The "Good Old times" is really the best.........oh well, sa sobrang ganda ng Perftalk na to, napa senti at napa emote talaga ako ng todo.🤭😂(sensya na po, may something talaga sa usapan nyo... more of sir Mike please.🙏)
    Salamat Sir Perf and Sir Mike, kayo yung nag inspire sa akin at sa napakaraming kabataang pinoy nung 90's na matuto mag aral ng gitara. hangang ngayon dala pa rin namin yun. We salute you both mga idols.👍Astig!🙋‍♂

  • @tambayannicocoi882
    @tambayannicocoi882 Год назад +12

    Bilang isang alipin ng musika at nagsimulang mag banda sa edad kong 13 noong 1993 sa isang maliit na bayan sa Leyte,nakakataba ng puso na ang dalawang premyadong gitarista Perf at Mike ay kinikilala ang aking kababayan na si Noli Aurelio bilang pinaka magaling na gitarista anak ng Tacloban!! Mabuhay kayo Sir Perf at Sir Mike mabuhay ang mga musikerong Waray,Mike Hanopol,Danny Javier at marami pa!

  • @jcsantiago9373
    @jcsantiago9373 Год назад +1

    1st time ko po magko comment sa isang PERFTalk Video.
    I grew up in a family that loves music and art. Nung buhay pa si Tatay, tinuruan nya kami ng kuya ko na tumugtog. Ako sa drums and si kuya ko sa base guitar and syempre tatay ko sa lead. Bata pa kami ng kuya ko noon (6 yrs old ako nag start mag drums), and everytime na gusto ng tatay ko na ipagyabang kame sa mga kumpare nya, ito yung 2 songs na lage naming tinutugtog (feeling ko inaral talaga ng tatay ko kase gusto namin ni kuya):
    Yan Naman by Rizal Underground
    Princess of Disguise ng Rivermaya (although sadly wala na si Perf sa TRIP album)
    I miss you Tatay😭! Inaalagaan ko pa rin ang 1989 Squier II na gamit mo habang tinutugtog naten yan 2 songs na yan!
    Salamat Mike and Perf! bigla ko nabalikan ang mga precious memories namin ng Tatay ko.

  • @Tulisan777
    @Tulisan777 Год назад +4

    Wow! Dalawang Guitarists of the Year ito ng Rock Awards ah! Mike Villegas, 1995. Perf De Castro, 1998. Mga alamat, saludo ko sa inyo. Batang 90s ito.

  • @liteheavy
    @liteheavy Год назад +34

    Eto yung makukuha mo kapag 2 primyadong guitarista ang nasa harap mo at naguusap at nagbibigayan. Walang ego parehas humble in my opinion. Kasi binibigay nila lahat sa atin para tayo naman ang magpatuloy at magimprove nang kung ano man ang nageexist na. Sobrang golden lahat walang tapon. Mula kwentuhan hangang jamming. Makiikita mo yung respeto nila sa bawat isa di lang sa magkaibigan pero dahil din sa artistry nila. Manonood parin ako kahit ilang part pa yan mga sir. Nakakainspire kayo. More power sa lahat ng Filipino artist at aspiring artist. PADAYON lang at MABUHAY TAYONG LAHAT.

  • @antlou123
    @antlou123 Год назад +2

    I had the privilege of interviewing Mike Villegas years ago in Iloilo City. He and his brother, Angelo, are a very cool and down-to-earth type of guys.

  • @derrickknows7828
    @derrickknows7828 Год назад +9

    The Golden Era of Pinoy Rock n Roll🔥🔥🔥

  • @jeffersonpastorfide9986
    @jeffersonpastorfide9986 Год назад +3

    Sobrang namiss no to! Grabe! Sobrang special ng come back! Salamat Boss Perf!

  • @ericamante
    @ericamante Год назад +3

    Blessed to have met and known these two guys! Mga tunay na Idol !

  • @hdrew_drew
    @hdrew_drew Год назад +2

    I am not a pure-blooded guitarist; I do play drums. but still watching this video is mind-blowing and provides a lot of knowledge that we can apply to music. Thanks to these two great guitarists!

  • @IamCceeLL
    @IamCceeLL Год назад +2

    this video has been on my "watch later" playlist for a while now. nagkaroon din ng oras panoorin haha.
    I'd say, sir Mike Villegas was the most insightful player i have ever seen. kumbaga sa basketball, kung si perf yung star player kind. he is the point guard who secretly facilitates everything and makes everyone look good.
    sobrang humble din na akala mo simple lang pinagagagawa nya.
    bitin to maestro perf.
    this, yung kay sir noel mendes and kay lodi ian umali ang favorite kong perftalks mo so far. 🤘

  • @SavagePoker81
    @SavagePoker81 5 месяцев назад

    Born in 1981 and I just wanna say thank you guys for giving us the best genre of 90’s music! I didn’t know that Bayang Barrios is Mike’s wife.. love her music and the whole band of Joey Ayala when they had a gig in Conspiracy back in day. Mabuhay ang OPM and wish you all the best guys!

    • @JWIAEEY2K_202
      @JWIAEEY2K_202 3 месяца назад

      Ngayon ko lang nalaman yung re bayang barrios 😅

  • @MarviHernandez-s4j
    @MarviHernandez-s4j 2 месяца назад

    you are both an inspiration in my childhood... the way Mike played the ya naman solo and Perf with awit ng kabataan and 214 solos. that made my musical childhood magical. God bless to both of you and more music to come.

  • @wabisabi7399
    @wabisabi7399 Год назад +6

    Grabe si Tito Mike. Kaalternate namin lagi sila ni Aiza sa HRC Makati, acoustic guitar playing pa lang nya, punong puno na ng tunog yung buong venue. Sabay sabay lahat, nag sosolo, nag rrhythm, plus open strings tumutunog lahat. Hanggang ngayon, wala pa ko nakikitang katulad nyang gitarista, foreign o local. Bangis! 🤘

    • @Rosesepth29
      @Rosesepth29 Год назад

      Meron dol dto samin pinagsasabay din lahat sya ung nag pakilala sakin Kay sir mike villegas

    • @manzchristopercadalo106
      @manzchristopercadalo106 15 дней назад

      And he also writes good songs.

  • @drive_MD
    @drive_MD Год назад +2

    This is when 2 Pinoy music /guitar gods step down from the heavens and have tea in the presence of us mortals.. Kudos to Maestro Perf and Maestro Mike for sharing this heavenly experience with us.

  • @lharsdhang771
    @lharsdhang771 Год назад +2

    Ayos buti nalang napanood ko itong dalawang magagaling sa gitara lalo sa pag gamit ng mga chords na sariling style akala ko mali ang style ko na gumamit ng sariling chord style na pasok pa din sa right notes thanks to you dude❤

  • @kimarobo131
    @kimarobo131 3 месяца назад +1

    2011 may event sa Davao MTS Isa din Ako sa na invite Ng mga friends ko sa music event dahil gumagawa Ako Ng kanta. Di ko talaga makalimutan na nag commend sakin si sir mike at binigyan nya Ako Ng pick. Hindi ko pa xa masyadong kilala Kasi Hindi Ako nag ma mind kung sino kaharap ko. Dun sa mesang pinag kainan namin ehh mga bigatin mga Kasama ko at akoy hamak na college student pa lang. Na Fi feel ko na pantay2 lahat. Sabi ni sir mike Ipagpatuloy ko raw mga ginagawa ko na at aapreciate nya Yung mga original Kong kanta. Dahil naging inspirasyon ko Yun pinagpatukoy ko Ang pag susulat Ng kanta hanggang ngayon.

  • @juliuscaguing2649
    @juliuscaguing2649 Год назад +1

    last part nang video na ang paborito ko and made me so happy kasi makikita mo talaga kung gaano sila ka close and respect each other and ang sarap sa tinga ang mga guitar parts nila. salamat sa mga ganitong video sir perf.

  • @greyangel475
    @greyangel475 Год назад +1

    Inuunti-unti ko to ng panood. Dami kong natututunan every small moment

  • @winp0tp0t44
    @winp0tp0t44 8 месяцев назад

    2 great musicians of the 90's era.... sensible talkers tsaka down-to-earth.... mga tunay na lods ng OPM. you guys, rock!!!! 🤘🤘🤘

  • @DarwinAnunciacion
    @DarwinAnunciacion Год назад +3

    Saludo Yung jam sa dulo so smooth, batang 90's here!

  • @tacvalencia5399
    @tacvalencia5399 Год назад +1

    Salamat po sa inyong dalwa. Ang dami kong nalaman sa mga point of views nyo sa instrumentong gitara.

  • @krisb6832
    @krisb6832 Год назад +1

    Breaktime sa ospital, andito sa loob ng oto nanonood . Napapahiyaw sa lupet ng jam nyo Sir Perf at Sir Mike. Much ❤ nanonood dito sa ATL, GA.

  • @Michmusicmore
    @Michmusicmore 9 месяцев назад +1

    Wow galing talaga 2 opm icon!! proud to be batang 90's!!!..thank you for sharing this amazing video sir mike and sir perf!isa kayung inspirasyun sa lahat!!i should practice more and learn the scale..maraming salamat mga idol!

  • @ashdravencrow6328
    @ashdravencrow6328 Год назад +5

    Mike is a badass guitarist. Very humble also.

  • @joniliciousdaddymac6799
    @joniliciousdaddymac6799 Год назад +5

    Naluha ako sa ending. 90s kid here..Panahon na Para sa Album ng BAHAY NI PEKTO JAM.
    MINIMUM 15 MINUTES PER SONG PER GUEST.
    MABUHAY ANG MUSIKERONG PILIPINO.

  • @ericsontan
    @ericsontan 11 месяцев назад

    Grabe to, ibang iba yun na ppicture ko sa mind ko na nakilala ko sa rizal underground tpos ibang tugtugan dito. 🙏🙏🙏 Lodi tlga.

  • @iggypopbowie2073
    @iggypopbowie2073 Год назад +2

    Mike Villegas is the single reason why i learned how to use a Major Scale

  • @devilbats1874
    @devilbats1874 Год назад

    Sabado Nights and Bilanggo my Favorite Rizal Underground music. Lagi ko naririnig sa FM noong bata ako kapag hapon ng Linggo sa segment na Mix of rock😊

  • @slipkcat-pg9fs
    @slipkcat-pg9fs Год назад

    1:30 am na napuyat ako may pasok pa ako bukas ng maaga, pero napaka ganda ng content na to, parang nabuhay ulit dugo ko. thanks perf and mike, mga legends.

  • @leandromarasigan1104
    @leandromarasigan1104 Год назад +1

    Isa sa pinaka d best na perftalk.. salamat mga nyor!

  • @itsmejondeonaldo
    @itsmejondeonaldo Год назад +2

    Grabe nalaglag ang jaw ko sa jamming niyo!!! Idol talaga mga 90's Guitar Masters!!! Mabuhay kayo!!!!!

  • @kennethalunday
    @kennethalunday 8 месяцев назад

    Great show Perf! Nice to hear uplifting and praising each other. Listening to whatever you are discussing is like a time machine

  • @NaenTechTM
    @NaenTechTM 8 месяцев назад

    the best...pwede maging duo wow galing mga lodi handsdown sa inyo at thumbs up! ...madami ako natutunan techniques kahit mahigit isang oras na session lang...sana marami pa kayong ma mashare sa bawat filipino or kahit sinong gitarista jan na gustong matuto. Mabuhay kayo mga lodi..sana may next session pa part 2 hehe

  • @henry44ph
    @henry44ph Год назад +1

    Good morning po Tito Perf and Tito Mike, lol, i'm 50 na po lol, respect lang naman po hehe, i/we have learned a lot from your simple talk, experiences and being you two so humble, walang yabang, sarap makinig ha hehe, salamat po sa pag share ng knowledge nyo po, have a good day.

  • @jeffersonpastorfide9986
    @jeffersonpastorfide9986 Год назад +3

    This is what we mean when we say “PERF TALK”!❤❤❤❤🎉🎉🎉

  • @SusMaryosepI-kh8bn
    @SusMaryosepI-kh8bn Год назад

    Sarap pakinggan yung kwento ni Tito Mike tapos inaalala mo yung mga panahon nung 90s. Nakakamiss yung mga tao, mga moments tapos sila yung mga napapakinggan mo noon…

  • @george-erickilao-manalo1774
    @george-erickilao-manalo1774 5 месяцев назад

    Big respect to this!!! Sir Mike and Sir Perf

  • @mangjuan_tv6789
    @mangjuan_tv6789 8 месяцев назад

    bravo! sarap pakinggan habang lumalaban sa homesick

  • @martysradioshow5979
    @martysradioshow5979 Год назад +1

    Wow thanks Sir Perf sa Guest mo sir Mike Isang mgndang Episode ito mabuhay Po kayo Rakenrol

  • @JIN_1993
    @JIN_1993 Год назад +1

    salamat sir perf. napagbigyan mo kami!!

  • @joniliciousdaddymac6799
    @joniliciousdaddymac6799 Год назад +2

    Napanood ko sya sa Malate. Nakipag kwentuhan pa sa lamesa namin. Pag nag request ka na kakanta ka chord book iaabot sayo Para mamili ng songs. Late 90s na yun or 2000s
    Ganyan ka astig si Tito Mike. Hehe

  • @tjclariza45
    @tjclariza45 Год назад +2

    Sarap makinig. Sa guitar talaga hindi lahat tapping or flashy type.

  • @ojoj1954
    @ojoj1954 Год назад

    Sarap makinig sa jamming ng dalawang fav na guitarist ng 90's. Wala talagang kupas. Last seen Mike Villegas in person was I think 1996. Sobrang idol ko sya kaso nahiya ako lumapit hehehe. R.U. u rock.

  • @cyberjhon21FX
    @cyberjhon21FX Год назад +1

    Sarap ng Jam, pati petlicks, napaka humble pala ni sir Mike.

  • @carlandrewaraneta7826
    @carlandrewaraneta7826 Год назад +2

    wow ang 2 OG's na gitarista na maipagmamalaki natin. salamat sa musika nyo mga idol. 🙏

  • @mervzcitytv1017
    @mervzcitytv1017 Год назад +1

    how i miss these legends...rock en roll mike n' perf!

  • @allencruise6299
    @allencruise6299 Год назад +2

    Nice to see Mike and Perf in one video.
    I remember Mike, Hank Palenzuela and Jet Broas sa line-up ng Color-It-Red. Solid yung Alert Level Album nila with Rizal Underground (pre-mainstream line up), The Breed, and Tropical Depression.

  • @wilbertosiapno7619
    @wilbertosiapno7619 9 месяцев назад

    Ang galing naman... proud to be pinoy... love you both..

  • @derrickknows7828
    @derrickknows7828 Год назад +2

    Yown oh Perfect talk with Sir Mike Villegas sobrang solid.... More Perftalk live Sir Perf🔥🔥🔥

  • @titobasher6110
    @titobasher6110 Год назад +1

    Andami ko po talaga natututunan sa mga content nyo Sir Perf, hindi po ako magaling tumugtog pero I really love music, Kudos po and sana wag po kayo magsawa pag gawa ng mga magagadang content.

  • @RUDYTAGONOS
    @RUDYTAGONOS Год назад

    Mga kuya kung idol ..mga kanta noon talagang ginamitan ng utak at puso..

  • @BisayaAirsoft
    @BisayaAirsoft Год назад +1

    This is how perf talk should be, amazing.

  • @fatbabyparker2438
    @fatbabyparker2438 Год назад +1

    One of the few 👍👍

  • @theloniouscoltrane3778
    @theloniouscoltrane3778 Год назад +5

    These two legends make Marcus Adoro a school boy!
    Mike & Perf = always inspiring 😊

    • @lawrenceadornado9849
      @lawrenceadornado9849 10 месяцев назад

      aminado naman ang eheads na di sila magaling

    • @bastikoy0475
      @bastikoy0475 8 месяцев назад

      ​@@lawrenceadornado9849 pero halimaw sila sa pagsulat ng kanta kahat compositor silang 4 Heads di man ganon kagaling sa instrument pero mabangis naman pagdating sa pagsulat ng kanta.

    • @lawrenceadornado9849
      @lawrenceadornado9849 8 месяцев назад +3

      @@bastikoy0475right sir. never nila inamin na magaling sila tumugtog. Sabi nga ni Raimund "Pwede pala kahit di magaling". Almost lahat sila self taught musician. Si buddy lang tlga yung plakadong plakado sa kanila and that's fine.

  • @christiannolitambio7928
    @christiannolitambio7928 Год назад +1

    Two of the best musicians acknowledging sir noli as the best guitar player means a lot. R.I.P. sir noli

  • @myeyelight23
    @myeyelight23 10 месяцев назад

    Grabeeehh!!! sobrang daming memories ng usapan dito. This is history man! who can forget all of this, Thanks to Perf for bringing this content.

  • @kernelsmokeshot
    @kernelsmokeshot Год назад

    parang backbone dry run ng PAGLISAN ung last part ng video. tumalon ng konti ung puso ko at napaluha ng konti di ko alam kung bakit. Salamat maestro Perf and Mike V.

  • @andoy5526
    @andoy5526 Год назад

    Grabe 2 legends i one frame..napakasolid na episode..Sulit ang panood ko..Mabuhay ang musikang pilipino👌

  • @nonitojrperez7822
    @nonitojrperez7822 11 месяцев назад

    Sobrang enjoy! Napaka sensible and meaningful ng usapan grabe! May bonus pang jamming! Thanks sir mike and sir perf for this❤

  • @withonespast
    @withonespast Год назад +1

    very underrated is Mike. One of the best tlaga. rock on!

  • @Hey_Revolver
    @Hey_Revolver Год назад +1

    Grabe di ko agad na-recognize si sir Mike. Isa sa mga icon ng rock sa Pinas! All hail!!!!!!

  • @rommelsigua8909
    @rommelsigua8909 11 месяцев назад

    I can listen to this forever

  • @charliemack1977
    @charliemack1977 Год назад +1

    Love to hear when their guitar is talking at the end,,❤

  • @eheads3891
    @eheads3891 Год назад +1

    Maraming salamat po sir Perf sa isang napakagandang episode! Napakasarap panoorin at marami akong natutunan. Napakahumble nyo parehas ni sir Mike, thank you po ulit sir Perf!

  • @andrewaharder
    @andrewaharder Год назад +1

    one of the best perftalk episodes.

  • @hamburger29jp
    @hamburger29jp Год назад

    Two of my guitar heroes, very humble. Ilan beses ko din kayo napanood sa Mayrics Espana - Those were the days!!!

  • @ossky3049
    @ossky3049 Год назад +1

    Man this is gold! Salamat mga master!

  • @sonicbong8052
    @sonicbong8052 Год назад +1

    Awesome!!! Happy to see both of you playing

  • @patrickronquillo5093
    @patrickronquillo5093 Год назад

    Ang ganda ng usapan ang galing ng tugtugan, salamat mga maestro

  • @countrylife04
    @countrylife04 Год назад +1

    napakaganda po, salamat ❤

  • @TheNinoReyes
    @TheNinoReyes Год назад +1

    Mike is also a fantastic musical arranger and has done a lot of great work in the advertising industry.

  • @BuhayTate2024
    @BuhayTate2024 Год назад +1

    astig! ang galing!

  • @JoseRamos-jt5pi
    @JoseRamos-jt5pi Год назад

    So proud to be Pilipino...super talented!!!

  • @rigelabanes699
    @rigelabanes699 Год назад

    May pasok pa ako sa trabaho bukas pero ma-sarap ang kwentuhan n'yo ni Mike. A-absent na lang ako🤘

  • @rexelsantua7969
    @rexelsantua7969 Год назад +1

    Patay sindi sa init at lamig nostalgic

  • @findingrays9824
    @findingrays9824 Год назад +2

    Perf mike thank you for this video. Made me love again to caress my guitar which has been hibernatin 4 a period of time !

  • @websteraloner
    @websteraloner Год назад +1

    Grabe, thank you Sir Perf and Sir Mike. Dami ko natutunan dito sa video nyo. Inspiring and motivating. Padayon!

  • @heddychua8288
    @heddychua8288 11 месяцев назад

    my favorite song... bilanggo. hanep ang guitar rhythm.. best tandem with sir perf.. ;-) love it..

  • @CebuShortRides
    @CebuShortRides Год назад +1

    great artists, villegas is one of the best guitarists in the world.

  • @keyespi
    @keyespi Год назад +1

    grabe yung Bell Bottom Blues, pero NY State of Mind ang kinakanta ko sa utak ko hahaha sarap!

  • @elevenfifteen16
    @elevenfifteen16 Год назад +1

    Wow in person interview na ang perftalk!

  • @jhapetpermato8617
    @jhapetpermato8617 Год назад +1

    Saludo po sa inyo sir mike at sir perf!dalawang instutusyon...

  • @djskeedledoo
    @djskeedledoo 9 месяцев назад

    I started from WXB 102 back in the 80s tapos sunod sunod kami sa The Dawn, Identity Crisis, Ethnic Faces, and all local underground bands. Yung sa SM City sa Edsa andoon din ako. We were supposed to perform as a band but it didn't happen. May mga originals kami mostly punk and grunge music noon kaso hindi namin alam sino lalapitan. Naging tropa ko din mga DJs ng DWLA 105.9 "Rock of the World". Kung may lalapitan lang kami noon malamang nakasabay kami sa mga gigs.

  • @kayetorio6733
    @kayetorio6733 11 месяцев назад +1

    Galing solid ng episode na to 👍

  • @LexxiGore
    @LexxiGore 11 месяцев назад

    Dami ko talaga natutunan sa Channel ni Perf bilang Gitarista.. Mabuhay ka 🤘🤘

  • @Axis70
    @Axis70 Год назад

    Very nice,2 of my admired guitarist during the 90's. era.Thank you 🙏

  • @heddychua8288
    @heddychua8288 11 месяцев назад

    LOVE THE TANDEM....thank you sir perf for this endeavor

  • @guitarmotoph
    @guitarmotoph Год назад +1

    Beautiful!

  • @JWIAEEY2K_202
    @JWIAEEY2K_202 3 месяца назад +1

    59:26 sa radio republic ko yan napakinggan. And it is really amazing

  • @danzenimus821
    @danzenimus821 Год назад +1

    I also got mind blown on that specific session with Kevin Roy - Kailanpaman and Tao cover. That acoustic guitar playing is literally fire!!!!

  • @boredom730
    @boredom730 8 месяцев назад

    this is a masterpiece. ang ganda! i learned so much with this one video

  • @knowelljr
    @knowelljr Год назад +1

    i had so much fun watching you guys!!..Really you made me feel I travelled back in time. Kudos for the two guitar hero of my generation. God Bless you guys!

  • @MarkArthur
    @MarkArthur Год назад

    Mike Villegas is ball of energy and positivity, an amazing human being tapos ang lupet pa mag gitara!!

  • @Hanes14
    @Hanes14 Год назад

    Pinaka memorable na Guitar Video ni Mike para sakin is yung Acoustic Version ng Bilango with Kevin Roy, Grabe mag pa tunog parang tatlong Gitara yung naririg ko ang tindi.

  • @sportsfactorychannel8874
    @sportsfactorychannel8874 Год назад

    grabe yong pagtugtog niyo ng paglisan. Vow talaga ako!

  • @daisyonachain
    @daisyonachain Год назад +2

    Di maalis yung ngiti ko while watching this. Ang galing lang. Very inspiring. Easy to relate lessons that you don't intend to teach but really gave away sooo many points. Thank youuuu ❤️

  • @ナザレノニール
    @ナザレノニール Год назад +1

    Solid 'tong episode na ito 🤘

  • @frederickd_bulan5776
    @frederickd_bulan5776 Год назад

    Amazing guitarists...Mabuhay kayo..More power Perf and Mike..

  • @michaelzapanta158
    @michaelzapanta158 Год назад +1

    His radio republic performances are gold ☝️ reminds me of Sancho as well... sana magkaroon din sya perf talk episode with cynthia alexander...