Это видео недоступно.
Сожалеем об этом.

PABASA NG PASYON: Awit Ng Debosyon

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 31 мар 2021
  • PAGLILINAW: Ang Dokyumentaryong Pananaliksik na ito ay isinagawa at kinunan noong Mayo 2019.
    Maraming tradisyon sa Mahal na Araw ang binibigyang-buhay. Tradisyon na nakaugat sa kulturang Pilipino at patuloy na nagbibigay-kulay sa kabanalan at kahulugan ng Semana Santa o Kwaresma. Bagamat maraming paraan ng paggunita sa Semana Santa, ang isa sa tradisyon na natatangi at maipagmamalaki ay ang Pabasa ng Pasyon.
    Ayon kay Padre Chirino, isang paring misyonero Heswita, sa kanyang isinulat noong 1603, ang pag-awit ng mga papuri ay isa sa mga bagay na nakaakit sa mga Kastila nang sila’y dumating sa Pilipinas. Ang kaugaliang nabanggit ang maaaring pinagmulan ng Pabasa. Ang unang Pilipinong sumulat ng pasyon sa Tagalog na “Ang Mahal na Pasión ni Jesu Christong Panginoon Natin na Tola” ay si Padre Gaspar Aquilino de Belen, isang katutubo mula sa Rosario, Batangas.
    Ang Pabása ay isang epiko sapagkat ito ay patulang pagsasalaysay sa búhay, kamatayan, at muling-pagkabuhay ni Hesukristo. Sa panahon ng pananakop ng mga Kastila, ito ang nagpatatag sa kamalayang Pilipino. Ang kwento at aral nito ang naging sandigan ng mga Pilipino na tulad ni Hesus, kailangang magbata upang maabot ang inaasam na buhay sa langit. (Ileto,2011)
    Ang Pabása ay isang ritwal ng pag-awit ng Pasyón. Ang tono sa pagbasa ng Pasyon ay tagulaylay o parang nanaghoy na ito ay hango sa ritwal ng babaylan o katutubong manggagamot na karamihan ay mga kababaihan. Ang himig ay ayon rin sa pook o lalawigan, sa ilang bayan sa Laguna, mapapansin na ang pagbasa ng Pasyon ay magkakaiba. May masiglang himig na tinatawag na tres kaida o treskeda na karaniwang gamit ng mga kabataan. Kung minsan naman ay malumbay at mabagal na mga himig. Hindi rin maiwasan na may kabataang ngayong magpasok ng tono ng awiting popular at makabago sa pabasa.
    Sa bayan ng Pangil, iilan na lamang na pamilya o grupo ang nagsasagawa ng tradisyong Pabasa ng Pasyon. Ang kulturang ito ay maaaring mawala ng tuluyan kung hindi maipauunawa ng lubusan ang kahulugan at kahalagahan nito sa pananampalatayang Kristiyano, lalo na sa kabataan.
    May mga barangay sa bayan ng Pangil na nagtatayo ng kubol, naglalagay ng malaking krus na kinapapakuan ni Kristo at doon isinasagawa ang Pabasa. Ang mga bumabasa ng Pasyon ay tinatawag na mambasasa na karaniwang mga matandang babae at lalaki at minsan ay may mga kasama ring kabataan na sinasanay na sila sa pagbasa ng Pasyon bilang bahagi ng pagtupad sa kanilang panata tuwing Mahal na Araw.
    Sa kasalukuyan, ang Pabasa ng Pasyon ay isang tradisyon, panata, pamahiin, pasasalamat sa mga biyayang ipinagkaloob, paggunita at pakikiisa sa mga hirap at pasakit ng Panginoong Hesukristo.
    Ang Pabasa ng Pasyon ay pagpapakita ng malalim na pananampalataya (spiritual) at isang paraan ng pagsasama-sama (social) ng pamilya kung saan nagtutulungan at nagkakaisa ang bawat grupo at sambayanan.
    PAGKILALA: Ang aming taos-pusong pasasalamat sa lahat ng indibidwal at institusyon na naging bahagi ng aming paglalakbay tungo sa pagtuklas ng kamalayang Kultural. Bukas po kami sa karagdagang impormasyon at/o pagwawasto.
    Sanggunian:
    balita.net.ph/2017/04/01/ang-p...
    www.veritas846.ph/pabasa-pama...
    www.flickr.com/photos/nccaoff...
    tl.wikipedia.org/wiki/Pasyon_...)
    tl.wikipedia.org/wiki/Babaylan
    #5SigloKristiyanismo
    #PabasaNgPasyo
    #PasyoNista

Комментарии • 6

  • @MyBarrioMyMundo
    @MyBarrioMyMundo Год назад

    Praises to this work.

  • @MyBarrioMyMundo
    @MyBarrioMyMundo Год назад

    Salamat uli, sana dumami pa tayo na supportive sa tradition na eto.

  • @trevorvillasanta3329
    @trevorvillasanta3329 Год назад

    Ayos po ang tono,,, ahh excellent

  • @MyBarrioMyMundo
    @MyBarrioMyMundo Год назад

    Thank you, James. Gumawa din ako, comparison of various passion forms.

  • @babielynbelamide4389
    @babielynbelamide4389 2 года назад

    hi. :) Your video is very informative. Can I have the permission to get some clips for the video lesson I'm doing and to be uploaded to RUclips as well? Thank you