'(Dis)CONNECTED,' dokumentaryo ni Mav Gonzales | I-Witness

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 12 сен 2024
  • Sa kabila ng patuloy na paglago ng teknolohiya, may isang barangay sa Bulacan ang hanggang ngayo’y hindi pa rin naaabot ng signal ang kanilang mga telepono. Paano kaya namumuhay ang mga taong nakatira rito?
    Samahan si Mav Gonzales at kilalanin ang mga taong tila 'disconnected' pa rin mula sa mundo sa dokumentaryong ito.
    #DisCONNECTED
    #IWitness
    ‘I-Witness’ is GMA Network's longest-running and most awarded documentary program. It is hosted by the country’s top documentarists --- Howie Severino, Kara David, Sandra Aguinaldo, Mav Gonzales, John Consulta, and Atom Araullo. ‘I-Witness’ airs every Saturday, 10:15 PM on GMA Network.
    Subscribe to / gmapublicaffairs for our full episodes.
    GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
    GMA Network upholds ethical standards of fairness, objectivity, accuracy, transparency, balance, and independence.
    Walang Kinikilingan, Walang Pinoprotektahan, Serbisyong totoo lamang. #GMAPublicAffairs #KapusoStream
    Subscribe to the GMA Public Affairs channel: / gmapublicaffairs
    Visit the GMA News and Public Affairs Portal: www.gmanews.tv
    Connect with us on:
    Facebook: / gmapublicaffairs
    Twitter: / gma_pa

Комментарии • 301

  • @EulitoDoinog
    @EulitoDoinog Год назад +27

    I love this huhuuh, "Diskonektado sa mundo , dito mas konektado ang mga tao."

  • @marktanedo4263
    @marktanedo4263 Год назад +14

    Their way of living is very reminiscent of the 90's. Having some time with them feels like an escape from reality. Another great documentary of Ms. Mav Gonzales❤

  • @angelcuala9379
    @angelcuala9379 Год назад +25

    57 years old ako at ang work ko ay related sa Internet. Para sakin, maganda ang purpose at malaki ang naitutulong nito sa ating daily activities. Mas mabilis ang communication, mas maraming paraan para matuto, at mas marami ang pwde magawa nang mas mabilis, lalo na kung emergency or need matapos agad.
    Hindi ako agree na bumalik sa dati kasi imagine, need mo pa ng library card para lang makapag research. Pano kung wala kang pambili ng libro, walang mahiraman, or halos walang available? Pag may gusto ka or need kausapin, long distance na napakamahal ng bayad o kaya susulatan mo at ilang araw pa bago makarating. Higit sa lahat, mas malaya ngayon ang mga tao na sabihin ang gusto nya at iparating ang boses nya kahit saang sulok na may internet.
    Walang problema sa Internet kasi kasama yan sa progreso. Tao ang problema - control, sapat na kaalaman, emosyon, abusado sa kalayaan, at subaybay ng magulang.
    1. Kulang ang control ng mga social media. Pag may nireport kang malaswang content, fake accounts, etc. di agad naaksyunan o minsan di naman daw lumalabag sa rules nila.
    2. Maraming tao ang kulang sa kaaalaman sa paggamit ng internet. Hindi alam ang mga Settings, at kung pano aalagaan ng privacy nila. Yung iba sa Facebook lang umaasa at hindi marunong mag Google.
    3. Maraming tao din ang madaling nadadala sa emosyon, kaya nagiging biktima ng scam at fake news. Dahil din sa emosyon, nagiging judgmental at bash dito, bash doon.
    4. May mga iresponsableng tao at walang pakialam sa iba. Kahit hindi dapat makita ng mga bata, ipo post para lang dumami ang followers at kumita. In short, mga abusado sa kalayaan.
    5. May mga magulang din na wala nang time sa mga anak nila. Puro trabaho, negosyo, at pinapayagang gumamit ng cellphone ang mga bata maghapon imbes na I encourage makipaglaro sa labas gaya nung araw. Kaya maraming bata ngayon, kulang sa socialization.
    Sa ayaw at gusto natin, marami pang developments ang mangyayari sa internet. Mas gumagaling na ang AI (Artificial Intelligence) tools na pwde nang utusang magsulat, gumawa ng story, mag research, mag create ng images, manggaya ng boses, at gumawa ng videos na mukhang totoo.
    Pag hindi na solve ang mga problemang binanggit ko, mas lalong lalaki ang problema at kawawa ang susunod na generation.

    • @airfire1078
      @airfire1078 Год назад +3

      Pg tanda mo simpling buhay ang hahnp hnapin mo mrealize mo lht ng ito ay useless masmgnda tshimik n buhy simply at masaya

    • @angelcuala9379
      @angelcuala9379 Год назад +5

      @@airfire1078 Tingin ko naman medyo matanda na din ako sa edad ko. Simple parin naman ang buhay ko. Sa probinsya nakatira, tahimik, at di nga ako halos nalabas ng bahay. Wala din akong mamahaling gadgets maliban sa kelangan ko. At higit sa lahat, masaya ako sa mga natutunan kong bago. Dagdag bonding moments sa mga anak ko kasi may common denominator kami - Internet.

  • @nemronjacob3411
    @nemronjacob3411 Год назад +21

    Ito ung masarap balikan.. simpleng buhay at hndi toxic dahil sa signal ng social media

    • @tonyodizz1504
      @tonyodizz1504 Год назад

      Lol balik k s bundok... Magtanim k ng kamote🤣🤣🤣

  • @kimkennpabriga7172
    @kimkennpabriga7172 Год назад +6

    Yan ang buhay na gusto kung balikan! Batang 90's ako kaya mas gusto ko ng buhay na tahimik kaysa ngayon. Watching here from Ozamiz City Mindanao!

  • @mikeithappen
    @mikeithappen Год назад +18

    Thank you Mav and GMA for this documentary. Sarap balikan yung time na larong kalye sapat na. Tama kitang kita ang mga ngiti sa mukha nila sa mga dala nyong regalo. ☺️ Saludo po kami sa mga teachers and students sa dedication nyo. ❤

  • @julielogina7084
    @julielogina7084 Год назад +4

    ito ang kinamulatan namin magkakapatid, hindi ka dati obligado na maghanap ng signal, kahit kulang materyales sa paaralan walang research nakapagtapos naman. siguro nasa environment o kung ano ang kinasanayan mo doon mo lang din masisi kung bakit walang ganto o ganyan. Good job po ma'am Mav gonzales and to the team, pinakita mo ulit ang realidad nung wala pang internet at sa ngayong may internet.

    • @analizaperez7332
      @analizaperez7332 Год назад

      Noon 3rd yr or 4th yr highschool nauso na ang internet. Yung copy and paste noon college na kami. Naakyat pa ako sa bubong makasagap lang ng internet o freedata. Tiis2x talaga dati at tiyagaan kaya matitiyaga at mahaba pasensiya ng mga 90's dahil sa naexperience namin. Pero hindi ko nilalahat. Meron naman gen z na matiyaga siguro pa rin, tulad nitong nasa video.

  • @dannynicart2389
    @dannynicart2389 Год назад +6

    I'm Canadian but live and work in New York with my Filipina wife and daughter. Here in NY, there are places, especially in far-flung areas that experience the same situation as that in this featured village.

  • @theylikepink
    @theylikepink Год назад +1

    I really appreciate those people na hindi lang nila ginagawa yung trabaho nila (like puntahan yung lugar, makisalamuha sa iba) but you can truly see that they are engaging with the people in there. Nakakatuwa talaga na mapanood yung mga ganito na nakikipaglaro din sila sa mga bata, dinadanas talaga yung buhay dun - not for content but to show also to others yung buhay nila. Pagbati!

  • @JoeKabayan
    @JoeKabayan Год назад +3

    as someone who is born in 1988, naexperience ko ung panahong wala pang internet.di pa kalakasan ang signal sa Laguna at Cavite. mas gusto ko yung panahon noon. mabagal pero simple.

  • @maesarinoalas
    @maesarinoalas Год назад +8

    Missing the 90's.... life was so simple, so uncomplicated back then...

    • @JoeKabayan
      @JoeKabayan Год назад +1

      sobrang totoo. laidback yet productive life 💯

  • @R3TR0J4N
    @R3TR0J4N Год назад +3

    Mav Gonzalez is promising, happy to see new journalist

  • @valdezeric9592
    @valdezeric9592 Год назад +9

    Same here batang 90's ganito ganito pano ako lumaki nung panahon wala nmn tlgang signal ang mga katulad ko 90's tlga s mga simpleng laro kasama ang mga kaibigan yun ang libangan pgkatpos ng skul diretso n s labas nakikipag n lalo n pg sabado at lingo. Sa umaga kung ano usong laro yun n gawa nmin lumaki ako s laro ng haring tago, patintero, jolen text luksong baka baril barilan tagu taguan at pg natapos n laro manood ng ng mga anime katulad ng power rangers,bioman, ultraman, voltes V, diamos, princess sarah, marcelino, julio at julia, slamdunk.knockout, doraemon,sineskwela, hiraya manawari ska madami mahirap ng isa isahin.pero happy ako at masaya ako s kabataan ko kahit walang signal o din p uso internet s panahon iyon

    • @stormkarding228
      @stormkarding228 Год назад

      oa mo cge nga ano experience mo back jan1,1990?ang 90s kdi hindi born 90s tandaan mo yan

  • @jurysworld2830
    @jurysworld2830 Год назад +65

    pansin ko lang,yung camera man niya mukhang camera man ni ms kara david saka mukhang mentor niya si ms kara,halos pareho ang pag narrative at approach..

    • @Vannn035
      @Vannn035 Год назад +11

      Malamang i-witness eh. Edi naiba ung style kung babaguhin nila. Hahahaha.

    • @mv6303
      @mv6303 Год назад +2

      Kung totoo yan aakyat din sya ng bundok at papasuk sa kweba at minahan. Good luck kay Mam Mav.

    • @joshuarey8335
      @joshuarey8335 Год назад +2

      Dami mo naman nappansin

    • @FallenPriest11
      @FallenPriest11 Год назад

      Malamang mini-mentor yan ni mam kara david kasi ganyan talaga ang tema ng i-weakness este i-witness. 😁😁😁😂😂😂😎😎😎😝😝😝😇😇😇😂😂😂

    • @leexiaoran617
      @leexiaoran617 Год назад +1

      Oo nga, para xang c Kara David mag kwento,pati boses

  • @darkworld3917
    @darkworld3917 Год назад +3

    batang 90's din ako parang bumalik lng ako s nakaraa good job poh i witness❤

  • @jessiemlcdm4936
    @jessiemlcdm4936 Год назад +5

    Namiss ko bigla nung bata ako hehe batang 90's lalo yung mga laro noon. Tho thankful parin dahil may internet na at napadali ang mga gawain. Iba parin ang sayang naidulot nung kapanahunan nating mga millenial. Simple at masayang buhay

    • @Karen_Obim
      @Karen_Obim Год назад +2

      Siguro dahil nasa gitna tayo, nadedevelop pa lang ang high technology naeenjoy na natin, at the same time di parin namamatay ang traditional way of living..

  • @arnoldsiga-nr1ve
    @arnoldsiga-nr1ve Год назад +5

    Natawa ako kay ate. "kaya nga maraming bata dito ma'am e, wlang mapaglilibangan. 😅Tama ka talaga ate😂🤣

  • @matamismahabamasarap6920
    @matamismahabamasarap6920 Год назад +7

    Napapanahon ang documentary nyo, kaya naman the best at maraming awards ang “i witness”

  • @daveargelrobles5056
    @daveargelrobles5056 Год назад +9

    Let us not romanticize na ganito tayo noong 90s. Iba na po ang mundo ngayon. They are really left behind. Hoping that the govt can do something for them.

  • @2nebang60
    @2nebang60 Год назад +1

    Grabe. Nkakamis yung ganitong panahon😭😭,ung walng cellphone pa. Walang kinakaabalahan ang mga tao,matiwasay at tahimik ang pamumuhay.

  • @jesussamson2175
    @jesussamson2175 Год назад +7

    Koordinasyon sa bawat ahensya ng gobyerno ang susi para mapasimulan ng mga telco provider na maitayo ang mga cellsite nila.mabigyan sila ng special permit para sa pagtatayo nila ng kani kanilang cellsite.koordinasyon lamang talaga ang kailangan para maging POSIBLE ANG IMPOSIBLE!Maraming salamat po Ms.Mav Gonzales at sa buong grupo mo sa mga ganitong mga dokumentaryo!Naway mabigyang pansin ito ng aming lokal na pamahalaan!!!

    • @marlo4887
      @marlo4887 Год назад

      E ndi nga nila pag ma may ari ang lupa! It’s a protected area!

    • @jesussamson2175
      @jesussamson2175 Год назад

      @@marlo4887 sinabi na nga po ng DENR na sila ang namamahala o nakakasakop sa bahaging yun di po ba kaya sila ang dapat kausapin..?kaya nga nasabi ko na koordinasyon ang kailangan para maisakatuparan na makapagpatayo ang mga network provider gets nyo po?hindi naman po ako nagmamagaling.pero sa tulong na rin po ng gobyerno magiging posible po yan!

    • @Raiya_ru17
      @Raiya_ru17 Год назад

      Hindi na kelangan yan nowadays. Pinapasok ni Duterte yang Starlink ni Elon Musk for this very purpose. Hassle talaga magpatayo ng cell site sa mga malalayong lugar kaya di nageeffort yang mga telco. Satellite internet na ung solution andyan na nga. So dapat maglaan ang govt ng funds sa kada liblib na barangay na walang signal dyan sa Starlink kit with additional funds for monthly plan, extension for additional boosters, wiring etc. Ang dami na nagamit nyan na mga taga US na nakatira sa disyerto. Andyan na ung sagot, funds na lang na gastusan nila yan kasi need yan for emergency. Wala pa issue if masira ng bagyo yang cell sites kasi backup generator lang need ng Starlink if wala mang kuryente.

    • @johngotek
      @johngotek Год назад +1

      dirin basta papasukin ng telco yan kung malabo ang ROI nila ilang milyon din ang isang cellsite, lgu gagawa ng paraan jan para magkaron sila ng internet lalo na meron ng school, try nila lumapit sa DICT freepublicwifi.gov.ph/

  • @MechelleHidalgo-zq7oz
    @MechelleHidalgo-zq7oz Месяц назад

    Mas maganda ung ganitong panahon walang toxic simpleng buhay lang…batang 90’s din ako nakakamiss 😊

  • @annakarinazapatero1906
    @annakarinazapatero1906 Год назад +7

    Nkakaawa ang mga kababayan natin na pinagdadamutan ng kanilang matuto ng teknolohiya at nkakalungkot ksi in emergency cases they can’t reach people because of Telecommunications signal sana tugunan ng gobyerno ang mga ganito

  • @vanjgonza8823
    @vanjgonza8823 Год назад +3

    Sarap siguro tumira dyan-- simpleng buhay -- preskong paligid at siguro mababait mga tao dyan

  • @marjonhdominicmamhot6793
    @marjonhdominicmamhot6793 Год назад +1

    Signal is important to them education at studying like online classes wala sila sana mapansin ito ng pamahalaan ni PBBm at nga senators mabigyan ng internet connections bawat kabataan nangangailangan makapag aral. For me na. 1 itong dokumentary report ni kapuso mav Gonzales mahahagilap ang ibang pook na lugar na ikokonekta pa sa ating teknolohiya at maging tulad ng normal nating pamumuhay

  • @TabocNaturalFarn
    @TabocNaturalFarn Год назад +1

    Batang 90's here. I love Mav Gonzales

  • @klyfofo
    @klyfofo Месяц назад

    So nice of you and your team to bring something for the kids po. Keep it up!

  • @rhaineconstantino3932
    @rhaineconstantino3932 Год назад +3

    more documentaries to make, deserving ka po talaga maging part ng i-witness ^___^

    • @Loki-t4p
      @Loki-t4p 4 месяца назад

      Ganda tlga ni Mavs sarap pagjakolan

  • @SabanJoelJr.
    @SabanJoelJr. Год назад +1

    Relatable ang Documentary na to for me kasi I used to live in the province na minsan walang signal, minsan meron.
    Ngayong nasa siyudad na ako, yung social life ko parang nag-iba because of studying and technology. Best Docu for me so far❤

  • @cristineprado3240
    @cristineprado3240 Год назад +4

    Nostalgic. A reminder of how simple life back then. How I wish I could go back in time. 🥲

  • @03dookiedoks
    @03dookiedoks Год назад +4

    Lab ko talaga si Madam Mav 😍.. Ganda at sarap mamasyal jan sa Kabayunan sarap akyatin ng Bisikleta 🤗

    • @Rainielonte7008
      @Rainielonte7008 11 месяцев назад +1

      Oo nga e, kaso walang signal at walang internet doon

    • @03dookiedoks
      @03dookiedoks 11 месяцев назад

      @@Rainielonte7008 ok lang Sir sakin wala internet.. Mas pabor nga sakin yan wala net at signal para mas ok ang Bonding ng Tropa..

  • @ricololipay
    @ricololipay Год назад +4

    Ganyan din sa lugar namin dati walang cellphone kc mahirap hagilapin signal tanging dictionary lng gamit namin twing may ire research. Sa ngayon meron na pero sa totoo lng bilang isang magulang nakakabahala din dahil sa social media na nagagamit nila

  • @markanthonytumulak7041
    @markanthonytumulak7041 Год назад +5

    nakakamiss ganyang panahon... de bale ng walang net, at least nakakapag usap kau hehe

  • @joshalvarez737
    @joshalvarez737 Год назад +4

    Very interesting and informative 🎉. Sana ma abot na ng network coverage dyan very soon. Para sa mga mamayan dyan sa DRT.❤

  • @dots6365
    @dots6365 Год назад +3

    hindi masamang maging disconnected mas napapalakas kasi yung connection ng pamilya

  • @odesolomon9582
    @odesolomon9582 Год назад +1

    KEEPSAFE AS ALWAYS EVERYONE GODBLESS SOLID KAPUSO I-WITNESS MA'AM MAV G

  • @totzky2191
    @totzky2191 Год назад +1

    Ganda ni mam mav simpleng simple lng nkakainlov😊

  • @chanixtv7635
    @chanixtv7635 Год назад +2

    sana di magkasignal jan para di talaga mawala ung mga larung 90s...kapag nasignalan yan wala ng maglalaru ng mga larung 90s😢sarap manirahan jan..para kang babalik sa pagkabata kace yan ang panahun noon walang gadgets...

  • @beachheadsforlife2707
    @beachheadsforlife2707 Год назад +1

    18:19 to 18:23 haha
    Hindi ba nagets ni Mav yung Humor ni Ate Cheche😂😅😂😅

  • @christinejoylaureta7626
    @christinejoylaureta7626 Год назад +1

    Ganda ng kwento. Interesting!

  • @marlonhans7122
    @marlonhans7122 Год назад +1

    sana yung mga docu na ganto..may aksyon after..kasi balewala to kung walang pagbabagong mangyayari😢

  • @QuackQuackQuack.Official
    @QuackQuackQuack.Official Год назад +1

    Medyo high-tech na rin ang technology ngayon, pwede sila bumili ng signal booster, tas ikabit nila sa mataas na kawayan/poste.
    Since, may specific lang na lugar lang yung may signal dun na lang iturok, goods yung signal booster.
    Ganun ginawa ko samin dati nung di pa abot yung signal.

  • @kirbybragais3779
    @kirbybragais3779 Год назад +1

    I'm all for living a simple life, it does have benefits especially in this day and age where kids are mosre often that not disconnected from the realities of the world due to being hyperconnected to the internet. However, I am appalled by how long this are was without or very scarce cellular connection, especially the internet. Nowadays, learning is exponentially enhanced by the internet. It would be a shame to let these kids not experience the benefits of the internet. I hope the barangay or the LGU purchase a Starlink and designate an area where people can connect to the internet. This is the best place to use Starlink.

  • @amon7505
    @amon7505 Год назад +1

    Sarap maging bata ulit, kahit saglit lang🤗

  • @nestorbuenvenida5425
    @nestorbuenvenida5425 Год назад +1

    Ang balikan ang nakaraan ,mura mga bilihin ,sariwang hangin at walang gaanong mga krimen ...👏👏👏

  • @agentsixtynine
    @agentsixtynine Год назад +1

    Mas gusto ko nga ganito hahaha. Swerte nila. Di lang nila alam kung gaano sila ka swerte at hindi nila masasaksihan yung toxic na mundo ng internet at social media 🙂

  • @orenz1969
    @orenz1969 Год назад +2

    GOOD JOB MISS MAV ...

  • @catherinescherry
    @catherinescherry Год назад +1

    life without anxiety and stress 👍💯

  • @marjonhdominicmamhot6793
    @marjonhdominicmamhot6793 Год назад +1

    Yes literal this is a place that no comes a signal or without really connected looks at well is bulacan its called disconnected dokumentary by mav Gonzales exoerience wow on the top ng bahay pa ang signal. Now we know this town sana we wish at supports ng govt itong lugar need internet at signal like communications as social media din sila

  • @marneilliroque1633
    @marneilliroque1633 Год назад +1

    excellent po mam mav, Godbless

  • @champorado2131
    @champorado2131 Год назад

    Naalala ko commercial ng isang telco about bringing family together thru technology, pero sa dami ng pwede ngayon ma-access natabunan na pamilya, now it even widens the gap even among immediate family members, busy lahat sa kanya kanyang mundo.

  • @delacruzfaith5266
    @delacruzfaith5266 Год назад +1

    Iloveyou ms. Mav 🥰

  • @batangislagaming5435
    @batangislagaming5435 6 месяцев назад

    Miss Mav❤️❤️

  • @ramonmartizano4964
    @ramonmartizano4964 Год назад +1

    Ganyan din yan dto sa amin sa baranggay bacong tulunan north cotabato,, kung walang piso net walang cgnal ang mga mobile network

  • @adrianfordelon7243
    @adrianfordelon7243 Год назад +2

    Ganyan din sa probinsya namin hirap hanapin ng signal lumalakas lng pagmaulan👍

  • @EstellaDickens025
    @EstellaDickens025 Год назад

    Sarap naman ng ganyan, I'd rather choose that kind of living. Kaso sa panahon ngaun need mo na ng net kase lahat ng access in any forms ay ginagamitan nito.

  • @gilbertmariano7776
    @gilbertmariano7776 Год назад +1

    Starlink is waving.

  • @eugeneinot6463
    @eugeneinot6463 Год назад +2

    Kailangan gumawa nang batas ang pamahalaan para ma force ang mga private companies na tulad nang globe at smart na maglagay nang signal lalo na sa kabukiran...gamitin nang pamahalaan ang power nila sa pamamagitan nana DICT na magmonitor nito para ma enforce ang batas..

  • @marvindeluna4990
    @marvindeluna4990 Год назад +8

    Kaway kaway sa inyong governor…nararamdaman muba ang nararamdaman nila😊

  • @atingsipnayin5518
    @atingsipnayin5518 Год назад +1

    That's my childhood life Batang 90s 🥰

  • @PreciousFew6110
    @PreciousFew6110 Год назад +2

    Parang sitwasyon lang ng lugar namin nung 1999. Hirap sa signal. 15 pesos pa per minute. Smart, Mobiline, Extelcom.

  • @josepharceo1906
    @josepharceo1906 Год назад +1

    cute talaga si mav 😊😊😊

  • @brewedawakening6577
    @brewedawakening6577 Год назад

    Mga teenager ngayon, kahit 3 bars na, nagrereklamo pa din. Meron akong barkada, lasinggero, kahit 1 bar lang makita nya, masaya na sya.

  • @grimmjowwgaming682
    @grimmjowwgaming682 Год назад +1

    Ganda ni maam mav

  • @kuyajaktv1430
    @kuyajaktv1430 Год назад

    Galeng ms. Mav. Next kara david ka in the future

  • @hazeljoyrondina363
    @hazeljoyrondina363 Год назад

    Bundok din kasi talaga ang DRT kaya walang signal. Dito nga din sa lugar na tinitirhan namin hirap din sa signal. May part pa din talaga dito sa bulacan na walang signal o hirap sa signal.

  • @carlojaylaboc2414
    @carlojaylaboc2414 Год назад

    tayong nasa lugar na medyo maganda ang signal nagrereklamo pa mawla lang saglit tapos my mga kababayan pla tayo na ang signal eh isang prebilehiyo napakaswerte pa pla natin

  • @titojay9161
    @titojay9161 11 месяцев назад +1

    Baka kaya mabilis na ang oras ngayon kase masyado na tayong busy sa mga gadgets at internet.

  • @angelinerebuyas4344
    @angelinerebuyas4344 Год назад

    Namimiss ku tuloy.. Mga kapatd ku.. Dati sabay sabay... Kami nakain sa.. Haponan

  • @naturedelmundo
    @naturedelmundo Год назад +1

    I love i witness and eat bulaga!!!❤😊

  • @Mkmhedz
    @Mkmhedz Год назад

    ganito din naman noon 80's nakatapos naman ngayon kasi sobra na rin masyado sa gadgets halos wala na time sa isat isa

  • @MariangPalad-ic6ec
    @MariangPalad-ic6ec Год назад +1

    ang ganda talaga ni miss mav .. may asawa na kaya sya

  • @justeredfrozen9694
    @justeredfrozen9694 Год назад

    Starlink is the key. Kaya Yan share2 kayo 😊

  • @naldy888ace8
    @naldy888ace8 Год назад +1

    Kawawa naman sana pakabitan ng mga cell site kasi yung mga batang nag aaral lalo sa research nila delikado sa bundok pa sila pano kung walang kasama. kung abutan ng dilim sa daan pauwi dimo akalain kahit nasa manila kana meron padin palang di naabutan ng signal. Makikita mo sa bata pursigido sya makatapos mag aral.

  • @byaherongrider2946
    @byaherongrider2946 Год назад +1

    Good jobs guys

  • @jaylabiano5441
    @jaylabiano5441 Год назад

    Ganda mo ms mav

  • @marietambagahan8388
    @marietambagahan8388 Год назад

    Naalala ko pa noon puro laro lang nasa isip , less heartache iwas buntis hahahah ngayon ay nako no comment 😅

  • @yasue5967
    @yasue5967 11 месяцев назад

    Pwede na tayo mag message sa mga magulang ko, na buhay pa ako😭😭😭

  • @josephgipulan6366
    @josephgipulan6366 Год назад

    Pero Mav ha natakot ako dun sa duyan moment na my light bulb hahahaha akala ko anu na hahahahahahaaaa. Great Job MAv and GMA

  • @WellPlayed323
    @WellPlayed323 Год назад

    Ang Cute nung part na napabangon sya para mag Mobile legends haha pero masarap pa din talaga ang buhay probinsya

  • @micapachica388
    @micapachica388 Год назад

    Naalala ko s story n to ang dating panahon mga 90's n wlang social media yun bng napaka simple lng ang lahat gaya nng dati ngaun puro social media n lng

  • @jeremysamot
    @jeremysamot Год назад

    Much better Di malulong ang mga bata ng mobile ng mobile at mging normal ang pamumuhay gaya nun arw pg spt ng dilim tulog n 😅 tuloy nmn ang bhy

  • @eugeneinot6463
    @eugeneinot6463 Год назад +1

    Kasi ang mga kabukiran nalulugi sa kabihasnan at huli na sa pag aaral...minsan yung iba tumutigil na lang kasi di afford kasi ang mga kailangan matutunan nasa internet na may bayad lahat para mka internet lang..lugi talaga ang nasa bukid..😢😢😢

  • @metalzero8190
    @metalzero8190 Год назад

    Nabuhay naman tayu ng walang gadgets dati, at mabilis din tayong natuto nito. Kaya OK lng naman na hindi sila lulong sa gadgets, malayo sa temptation pa ang mga bata..

  • @jandp6742
    @jandp6742 Год назад

    ganda ni Mavs

  • @LuckyAngelicaRamas-vo3in
    @LuckyAngelicaRamas-vo3in Год назад +1

    ang hirap ng sitwasyon nila kawawa naman...😔

  • @LouiesOrtegaOfficial
    @LouiesOrtegaOfficial 2 месяца назад

    perfect para kay starlink mini diyan sa kabayunan!

  • @marloncarranza6927
    @marloncarranza6927 Год назад

    Saludo kay Cathrine at Mav.

  • @ashleyflorendo
    @ashleyflorendo Год назад

    For me good environment sya sa mga bata kasi mas may interaction sila sa real world kaysa gaya ng my signal halos dina makausap kasi panay gadgets nalanf

  • @lzlsanatomy
    @lzlsanatomy Год назад

    Starlink ang sagot. Sana mgprovide ang baranggay khit ambagan.

  • @jesbaldomaro2536
    @jesbaldomaro2536 Год назад

    Dito rin sa province namin. Maraming brgy ang walang signal at isa na ang brgy namin. Nakakapag online lang kami gawa ng Piso wifi.

  • @mathe2281
    @mathe2281 Год назад

    Ganda ni mav simply lang ang beauty

    • @leonkilat9376
      @leonkilat9376 Год назад +1

      C mav ang pinaka maganda jan sa gma

  • @kinnteevee3801
    @kinnteevee3801 Год назад

    i really like watching docu. pero delikado yan pag biglang kumidlat ehh... dapat mapanood ito ng telecompany. .skl

  • @jimmycornelio1778
    @jimmycornelio1778 Год назад

    ..ingat poh lagi lodi...!!!!

  • @manonmission24
    @manonmission24 Год назад +1

    Sa Mindoro Occidental Brgy Sta Cruz 2017 tumira ko walang cignal kahit anong network

  • @ma.beakayebautista9764
    @ma.beakayebautista9764 Год назад

    Sa my ilo ilo din sa my oyaoy need mo isabit yung cp para mag karoon ng signal

  • @miceymolander
    @miceymolander 10 месяцев назад +1

    magawan siguro ng paraan na ma-level-up mga libraries ng malalayong schools, para kahit di umasa sa internet mga estudyante.

  • @ma.neliaoyzontrudavies7977
    @ma.neliaoyzontrudavies7977 Год назад +1

    cute yung background music hehe

  • @SirMarvinHacutina
    @SirMarvinHacutina Год назад

    pwede naman downloaded videos and materials

  • @andongpacis7
    @andongpacis7 Год назад

    Ganyan din sa Amin sa probinsya..sapang mangatarem pangasinan..walang signal Ng cellphone.