AKLAT NG JOSUE

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 9 фев 2021
  • #AklatNgJosua #Josue
    JOSUE 1
    Ang Paghahanda sa Pag-agaw ng Canaan
    1Nang mamatay na si Moises na lingkod ng Panginoon, sinabi ng Panginoon sa kanang-kamay ni Moises na si Josue na anak ni Nun, 2“Patay na ang lingkod kong si Moises. Kaya ngayon, maghanda kayo, ikaw at ang lahat ng Israelita, sa pagtawid sa Ilog ng Jordan papunta sa lupaing ibibigay ko sa inyo. 3Ayon sa ipinangako ko kay Moises, ibibigay ko sa inyo ang lahat ng lupaing mararating ninyo. 4Ito ang magiging teritoryo nʼyo: mula sa disyerto sa timog hanggang sa kabundukan ng Lebanon sa hilaga, at mula sa malaking Ilog ng Eufrates sa silangan, hanggang sa Dagat ng Mediteraneo sa kanluran, at ang lupain ng mga Heteo.
    5“Walang makakatalo sa iyo habang ikaw ay nabubuhay. Sasamahan kita gaya ng pagsama ko kay Moises. Hindi kita iiwan o kayaʼy pababayaan. 6Magpakatatag ka at magpakatapang, dahil ikaw ang mamumuno sa mga taong ito para angkinin ang lupaing ipinangako ko sa mga ninuno nila. 7Bastaʼt magpakatatag ka lang at magpakatapang. Sundin mong mabuti ang lahat ng kautusan na ibinigay sa iyo ng lingkod kong si Moises. Huwag mo itong kalilimutan para magtagumpay ka sa lahat ng ginagawa mo. 8Huwag mong kalimutang basahin ang Aklat ng Kautusan. Pagbulay-bulayan mo ito araw at gabi para malaman mo kung paano mo matutupad nang mabuti ang lahat ng nakasulat dito. Kung gagawin mo ito, uunlad ka at magtatagumpay. 9Alalahanin mo palagi ang bilin ko sa iyo: Magpakatatag ka at magpakatapang. Huwag kang matakot o kayaʼy manghina, dahil ako, ang Panginoon na iyong Dios, ay sasaiyo kahit saan ka pumaroon.”
    10Kaya, inutusan ni Josue ang mga pinuno ng Israel, 11“Libutin ninyo ang kampo at sabihin ninyo sa mga tao na maghanda sila ng mga pagkain nila dahil sa ikatlong araw mula ngayon, tatawid tayo sa Ilog ng Jordan para angkinin ang lupaing ibinigay sa atin ng Panginoon na ating Dios.”
    12At sinabi ni Josue sa mga lahi nina Reuben, Gad at sa kalahating lahi ni Manase, 13“Alalahanin nʼyo ang sinabi sa inyo ni Moises na lingkod ng Panginoon. Sinabi niya na bibigyan kayo ng Panginoon na inyong Dios ng lugar na matitirhan na may kapahingahan. At ito na nga ang lupaing ibinigay niya sa inyo:
    14Ang silangang bahagi ng Ilog ng Jordan. Mananatili rito ang mga asawa, mga anak at mga hayop ninyo. Pero dapat mauna ang mga sundalo sa pagtawid sa Jordan para tulungan ang mga kapatid ninyo, 15hanggang sa masakop nila ang lupaing ibinigay sa kanila ng Panginoon na ating Dios. Pagkatapos, maaari na kayong bumalik dito sa silangang bahagi ng Jordan, para angkinin ang lupaing ito na ibinigay sa inyo ni Moises na lingkod niya.”
    16Sumagot sila kay Josue, “Gagawin namin ang lahat ng sinabi nʼyo, at pupunta kami kahit saan nʼyo kami ipadala. 17Susunod kami sa inyo gaya ng pagsunod namin kay Moises. Samahan nawa kayo ng Panginoon na inyong Dios gaya ng pagsama niya kay Moises. 18Papatayin ang sinumang lalabag sa pamumuno at utos ninyo. Kaya magpakatatag po kayo at magpakatapang!”
    PLEASE SUBSCRIBE MY CHANNEL
    GOD BLESS YOU...

Комментарии • 45

  • @FelixBuenaflor
    @FelixBuenaflor 5 месяцев назад

    Amen🙏🙏🙏

  • @murphydublin
    @murphydublin 4 месяца назад

    Amen 🙏 ❤

  • @jowicanas5717
    @jowicanas5717 3 года назад +5

    Amen po .. salamat po GOD. Napkabuti upo .. Ama ikaw napo bhala skn ..

  • @ellenabe3609
    @ellenabe3609 7 месяцев назад +1

    Thank you Lord Ikaw Lang aming Papupurihan🙏

  • @linodelapacion9607
    @linodelapacion9607 10 месяцев назад +1

    Ikaw lamang ang aming sasambahin Jesukristo na walang katulad,may ari ka sa lahat ng mga bagay Pinakadakila sa Buhay ko magpakailan pa man ...

  • @user-nz4wn8ok9d
    @user-nz4wn8ok9d 9 месяцев назад

    Salamat po Panginoon sa mga Salita Mo na siyang patnubay sa akin sa Araw Araw.Pinupuri kita Panginoon Kong Diyos.Amen

  • @KaliboAklan-un8ug
    @KaliboAklan-un8ug 2 месяца назад

    God bless

  • @joviebolanio6009
    @joviebolanio6009 5 месяцев назад

    ❤❤❤

  • @human_being_101
    @human_being_101 3 месяца назад

  • @josephcaluto3066
    @josephcaluto3066 Год назад +1

    Amen. Thank You O Lord God.

  • @ellenabe3609
    @ellenabe3609 7 месяцев назад

    Glory to God sa mga Salita nya Kasama namin ang Dios ng Israel 🙏🙇‍♀️❤️

  • @erlindaromeopabelico
    @erlindaromeopabelico 10 месяцев назад

    God nagapasalamat ako sayong pagpala Amen

  • @charityfuentes9677
    @charityfuentes9677 2 года назад +1

    yeeeeee GANDA GANDA

  • @almarmacahig
    @almarmacahig 10 месяцев назад

    😊

  • @liliaferguson7573
    @liliaferguson7573 2 года назад +1

    Praise God..

  • @renztapion4643
    @renztapion4643 2 года назад +1

    Amen thankyou lord🙏

  • @ellenabe3609
    @ellenabe3609 3 года назад

    Mahal na Panginoon Jesus help me 🙏

  • @user-nz4wn8ok9d
    @user-nz4wn8ok9d 9 месяцев назад

    I love You Lord

  • @sheryltambong8160
    @sheryltambong8160 Год назад

    Thank you for this 😇 nag lilinis ako na nakikinig 😇 ofw riyadh 😇

    • @megimperial3345
      @megimperial3345 Год назад +1

      Salamat sa nag upload nito kahit nagwowork ka nakakapakinig ka

  • @dahood2963
    @dahood2963 2 года назад

    Salamt sa diyos

  • @jowicanas5717
    @jowicanas5717 3 года назад +2

    Ama hndpo kta nkikta . At hndpo kta nahahawakan ngunit nanaligpo ako syo nahnde mupo ako pababyaan ..

  • @jenmarcelo3464
    @jenmarcelo3464 Год назад

    God bless this channel

  • @boyakzksa7379
    @boyakzksa7379 2 года назад +1

    ♥️♥️♥️♥️♥️

  • @vonbbm-du30-bsj59
    @vonbbm-du30-bsj59 2 года назад

    To GOD Be The Glory!!! 🙏🙏🙏

  • @benedictocantero8302
    @benedictocantero8302 3 года назад +2

    Glory to God Jesus..the Alpha Omega..

  • @aliciaochiai7186
    @aliciaochiai7186 2 года назад +1

    Thank you lord ❤️❤️❤️❤️❤️

  • @thelmasayaman5517
    @thelmasayaman5517 2 года назад

    Kapag inutos ng Dios, dapat sundin, kasi pinakamarunong cia sa lahat walang maitatago sa kanya kapag sumunod kasa Dios pagtatagumpayin ka niya

  • @kathytejada2892
    @kathytejada2892 3 года назад

    Lord help and guide us Amen🙏🙏🙏📖📖📖❤️❤️❤️

  • @ellenabe3609
    @ellenabe3609 3 года назад

    Ikaw Lang aming pag lilingkuran Ikaw ang aming Diyos 🙏🙏🙏

  • @lordelinerussell6947
    @lordelinerussell6947 Год назад

    Thank you lord ❤️❤️❤️❤❤❤

  • @ellenabe3609
    @ellenabe3609 3 года назад

    Lord guide me Yahwe help me marami pong salamat sa Salita mo na bless po ako marami mong Salamat po 🙇‍♀️🙏☝️

  • @mieamado7724
    @mieamado7724 Год назад

    Purihin Ang PANGINOON DIOS AMEN ❤️❤️❤️😇

  • @emeraldfranco1195
    @emeraldfranco1195 3 года назад

    Praise the Lord the Holy Amighty God Please Sending Praying the Faihtful Love we Trust in you Jesus Crisrt Please Save in Bless All of us Glory Hallelujah Amen.

  • @landlady4990
    @landlady4990 3 года назад +1

    Thanks bro.for sharing this word of Our God amen

    • @thelmasayaman5517
      @thelmasayaman5517 2 года назад

      Pinaka dakila ang Dios at pag nagsalita na cia igalang mo atsundin ang sinabi nya sa gipit tutulungan ka nya sya ang gagawa ng paraan at magtatagumpay ka

  • @kylleellky9209
    @kylleellky9209 2 года назад +1

    saan ko po mskikita ung biblikal story ni juda benhur by Lew Wallace, tagalog verson po sana

  • @thegiftedchildmaryjoy2366
    @thegiftedchildmaryjoy2366 2 года назад

    Patatagin natin ang ating Pananampalataya Sapagkat ang Diyos ay Pagibig❤️🙏🙏🙏🙏

  • @juanitacanonce967
    @juanitacanonce967 3 года назад

    .

  • @joshuagarbosa9019
    @joshuagarbosa9019 3 года назад +1

    Thank bro love it.. Amen🙏

  • @ellenabe3609
    @ellenabe3609 3 года назад

    Napaka bute m9 Yahwe ng Israel 🙏

  • @erlindaromeopabelico
    @erlindaromeopabelico 10 месяцев назад

    God nagapasalamat ako sayong pagpala Amen