dicta license - Elias (Official Audio)

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 22 дек 2024

Комментарии • 24

  • @DictaLicense
    @DictaLicense  3 года назад +10

    Lyrics:
    Salubungin mo ang bagong umaga na iniwan
    Pinangarap ni Elias na namahinga sa dalampasigan
    Salubungin mo ang bagong umaga na iniwan
    Bilisan mo at baka mawala pa yan diyan
    Huwag kang masilaw sa liwanag (Na sa iyo)
    Minsan mahirap maniwala (Sa iyo)
    Saluhin ang mga sinag ng liwanag (Na sa iyo)
    Di ba meron pa?
    Halika, Halika
    Balikan ang mga bara
    Binitawan ng konsensiya ni Ibarra
    Upang ‘di mo malimutan mga yamang
    Akda ni Laong Laan, Dimasalang o May Pagasa
    Bago pa man siya isinilang hinatulan na
    Nanggaling sa angkan na isinuka ng lipunan
    Napagbintangan ang Lolo, siya raw ay arsonista
    Napilitan ang lola magputa para lang kumita
    Hanggang sa lumikas ang pamilya ng trahedya
    Palayo sa pagtitig ng mga mapanghusgang mata
    Ngunit ‘di kinaya ng Lolo ang buhay na sinapit
    Sarili’y sinabit, namayani ang galit
    Kanyang tiyo’y naging tulisan
    Madugong katapusan
    Ang lola naman natagpuan na nakabulagta sa daan
    Wala na sigurong mas namuro sa kamalasan
    Paano matatakasan ‘pag nakaraan ang kulungan
    Ha?
    Salubungin mo ang bagong umaga na iniwan
    Huwag kang masilaw sa liwanag (Na sa iyo)
    Minsan mahirap maniwala (Sa iyo)
    Saluhin ang mga sinag ng liwanag (Na sa iyo)
    Di ba meron pa?
    ‘Di man pinalad kumapit parin sa kuko ng liwanag
    Kaloobang umaapaw at handang tumugon sa tawag
    Sabi niya: mas galangin pa natin ang dignidad ng sino man
    Sa halip na patayan, kailangan ng kanlungan
    Unawaan ang konteksto na ating ginagalawan
    Ugat ng kahirapan ay hindi lang katamaran
    Kundi ‘yang kakulangan ng pagserbisyo sa mamamayan
    At pagsuporta sa abusadong sistema ng mga kapangyarihan
    Alam kong merong iilang nakakaraos
    Ngunit ang karamihan nananatiling nakagapos
    Mapang-aping lipunan ay sagadsagaran
    Buksan muli ang Noli ang gabay sa ‘ting isipan
    At..
    Salubungin mo ang bagong umaga na iniwan
    Huwag kang masilaw sa liwanag (Na sa iyo)
    Minsan mahirap maniwala (Sa iyo)
    Saluhin ang mga sinag ng liwanag (Na sa iyo)
    Di ba meron pa?
    Salubungin mo ang bagong umaga na iniwan
    Pinangarap ni Elias na nagpaliyab

  • @TARUGOMAN
    @TARUGOMAN 3 года назад +13

    Unawaan ang konteksto na ating ginagalawan
    Ugat ng kahirapan ay hindi lang katamaran
    Kundi ‘yang kakulangan ng pagserbisyo sa mamamayan
    At pagsuporta sa abusadong sistema ng mga kapangyarihan
    FUUUUUUUUUCK
    Salamat Dicta License. We needed this.

  • @Shasha-kg2cn
    @Shasha-kg2cn Год назад

    Nakilala ko sila dahil sa Sb19❤ ang ganda netooo huhu

  • @trashbaitingkyle8911
    @trashbaitingkyle8911 2 года назад +1

    I HEARD THIS LIVE SA TUMINDIG CHR AND IT MOVED US. THANK YOU ULIT DICTA LICENSE!

  • @stansb37
    @stansb37 3 года назад +3

    Solid ng kanta. Ganda ng pasok ng bass ni Kelly. Favorite song of the album.

  • @poetinhybernation
    @poetinhybernation Год назад

    Tear-jerking lyricism

  • @bend3836
    @bend3836 3 года назад +2

    PAGLINGKURAN ANG SAMBAYANAN! PADAYON DICTA!

  • @perpetuavieanellem.8174
    @perpetuavieanellem.8174 3 года назад

    The lyrics hit hard, I'm so glad being able to discover this song through Stationhead. I'd love to witness you create more masterpiece like this

  • @kahlen223
    @kahlen223 3 года назад +1

    Goosebumps! Hands down dicta license!

  • @pedztriptv2650
    @pedztriptv2650 3 года назад +3

    Ey ! wow ! salamat sa mga ganitong obra na kanta dicta license 😌❤️🙌🏼🌄🌤️

  • @rjtorres1696
    @rjtorres1696 3 года назад +1

    Eto ang tunay na sining ng pagkatha ng awit at musika!

  • @mikocalabia6670
    @mikocalabia6670 3 года назад +1

    Sulit ang paghihintay!

  • @aleorodriguez3338
    @aleorodriguez3338 3 года назад

    habang dinadama ko yung lyrics naluha na lang ako kase gantong ganto yung nangyayare ngayon at noon pa man..

  • @max_payne95
    @max_payne95 3 года назад +2

    Salamat Dicta 👌☝️
    Tuloy tuloy lang!

  • @eljinlaquindanum5029
    @eljinlaquindanum5029 3 года назад

    lupit! salamat sa pagbigkas

  • @dotdotdotdot1174
    @dotdotdotdot1174 3 года назад +1

    galing! :)

  • @ungazcoi
    @ungazcoi 3 года назад +1

    saktong lyrico

  • @jirehalimon4569
    @jirehalimon4569 3 года назад +1

    Freshh...

  • @topherpertots6388
    @topherpertots6388 3 года назад +1

    🔥🔥🔥

  • @b0rgz
    @b0rgz 3 года назад +3

    dicta license + blkd x calix collab when?

  • @randypurisima6232
    @randypurisima6232 3 года назад +4

    mas astig pa to kay ezmil

    • @zappa25
      @zappa25 3 года назад

      totoo, mas deserve nito ang pansin.