JAPAN TOURIST VISA: How to Apply + Requirements
HTML-код
- Опубликовано: 15 сен 2024
- Hi G Friends! I’m Asta. Paano na ba ngayon ang proseso para sa pag-apply for Japan visa para sa mga tourists? Ganito, friend!
DISCLAIMER
Ang video na ito ay para sa mga mag-a-apply as a tourist sa Japan. Paalala lang din na ang mga travel requirements ay pabago-bago, so it’s best na i-check niyo mismo sa government ng bansang pupuntahan niyo ang mga travel restrictions at requirements.
Don't forget to subscribe at i-click ang bell icon para ma-notify ka sa mga bagong videos.
Let’s G!
JAPAN VISA REQUIREMENTS:
1. Valid Philippine Passport
2. Accomplished Japan Tourist Visa Application Form
3. Phot ID
4. Original Birth Certificate (if first time)
5. Original Marriage Certificate (if first time and if applicable)
6. Daily Schedule in Japan
Additional requirements if NO guarantor:
7. Original Bank Certificate
8. Income Tax Return/Form 2316
Additional requirements if WITH guarantor:
9. Guarantee Letter
10. Proof of Relationship Between Applicant and Guarantor
11. Guarantor’s Bank Certificate
12. Guarantor’s Income Tax Return/Form 2316
Additional document if applying as a group:
11. Accomplished List of Visa Applicants
RELATED & USEFUL LINKS:
*Japan Visa Application Form: www.ph.emb-jap...
*Reli Tours Sample Authorization Letter: www.relitours....
* Japan Itinerary Format: www.ph.emb-jap...
*List of Visa Applicants: www.ph.emb-jap...
*List of Accredited Travel Agencies for Japan Visa Application: www.ph.emb-jap...
#travel #international #visa #japan #tourist
Very informative po ty
Thank you po 🙏🏼
Thank you super helpful. ❤❤❤
You’re welcome! 😊
Very informative po yung video! Thank you po ☺️
Thank you, Armin! Tomorrow, guide for filling out the application form will be up! 😊
Very informative well done Maam❤🎉
Thank you po. 🙏🏼😊
Salamat ma'am
Walang anuman po. :)
Thank you po for a very informative video 😍❤️ Planning to go to Japan too soon! Btw may I ask po anong editing tool gamit nyo po sa videos nyo? :)
Final Cut po for Mac. 😅
N watch KO po video nio, ☺️ Ask KO LNG po 2ng time KO po mag punta s Japan ung dati is working visa ok LNG po b dalhin KO un?
Dalhin niyo na rin po. Then, sabihin niyo po sa agent na mag-assist sa inyo sa mapipili niyo po na accredited na travel agency. Sila na po magsasabi if may kailangan pa po.
Mas okay din po na tawagan niyo po muna sila sa contact number nila if may additional na reqs pag kagay po ng case niyo para hindi po kayo magpabalik-balik. :)
Thanks 😊
Welcome! :)
Paano Po kung new lang Yung birth certificate ( delayed registration) makakuha parin Po ba ng visa ? Firstime Po mg toris sa japan
Basta po from PSA and nakuha niyo po within a year.
ask ko po kung ibinabalik po ang mga original documents like PSA birth certs na sinubmit ng travel agency sa Japan Embassy together with the Phil passport?
Hindi na po. Passport lang po talaga ang ibabalik na sa inyo.
Mam UNG anak ko NSA Japan caregiver..plan ko mag tourist dun..mas madli po ba ang approval Ng visa?
Depende pa rin po sa ipapasa na documents kaya complete po dapat.
If yung reason niyo po sa short-term visit niyo sa Japan ay for tourism or as a visiting relatives, ang mahalaga po talaga ay ma-accomplish ang mga requirements.
Magkaiba po ang requirements for tourism and yung para sa mga visiting relatives. Itong video po na ‘to ay for tourism.
Kung for visiting relatives, check niyo po sa Japanese Embassy sa Pinas na website nila: www.ph.emb-japan.go.jp/files/100508283.pdf
Mam may work yung kapatid ko, pero January lang sya nag start. Mag apply sana sya sa August. Ok na kaya yun. Dalawa yung job nya isang part time at full time ranging from 40k monthly. Pero walang itr kasi virtual assistant sya, ok kaya na mag submit ako ng letter of guarantor. Since approved na ako. Or no need.
Pwede naman po siya mag-submit ng proof na employed siya ng client niya. Pwede rin isama niya yung proof of payments sa kanya.
Pero if mas confident po kayo na maging guarantor na lang po niya kayo, pwede rin naman po, basta provide niyo lang po ang bank cert niyo at ITR niyo po. :)
Hello pano po kaya kung student pa lang wala pang buss. Pano po un hiniinging requirements na ITR gusto lang mag vacation sa jpn pero meron po sya bank account. Thank you po
Pwede rin po na proof kung saan po nanggagaling ang funds sa bank. Tawag na rin po kayo sa accredited travel agency na balak niyo pag-submit ng mga requirements bago kayo punta para alam niyo nampo agad ang pwede na alternative sa situation niya. Sasabihin naman po yan ng agency,
Pwede na ba magpakita ng 50k sa bank cert kung 7 days sa Japan? Magkano usually ang tinitingnan nila dito para ma-approve for 7 days stay?
Wala po sila definite na amount na nire-require. Basta makita nila na tama po ang lama ng bank niyo sa mga gusto niyo gawin at puntahan sa Japan sa loob ng 7 days.
Hello Maam! Yung ITR ko is yung 1701a (for professional) 2 pages kasi siya, do I need to photocopy it back to back or different na paper/pages po? Thank you
Different pages po.
sa family po na me mag-asawa need po ba na dalawang original na marriage cert ang issubmit, 1 ke wife at 1 ke hubby? then paano po malalaman ng embassy kung lagpas na sa one (1) yr ang birth cert?
Mas okay po na itawag sa balak niyo po na agency na accredited na mag-process visa niyo po. Mas masasagot po nila kasi baka may additional query pa po sa inyo like pareho po ba kayo na gagastos sa biyahe, etc. :)
Meron po ako 2316 from employer pero dineclare ako na di pwede for substituted filing. Pwede po ba yun? Nag file din naman ako ng 1700 using e-BIR online pwede rin po ba yun?
Mas maganda po na itawag niyo na po sa accredited na travel agency na balak niyo po pagpasahan ng requirements niyo para po masigurado. Mas masasagot po nila kayo regarding your concern po.
about sa source of income paano po yun mga subcon sa transport logistics mostly kc tru verbal agreement lng ang systema..parang car rent service relationship lng ...then yun payment tru gcash lng walang kontrata..paano po kaya magagamit yun sa visa application as source of income?
Ayun nga po, mas maganda po kasi talaga kapag documented ang mga transactions for business and even freelance work. Mas okay po if mag-inquire po muna kayo kahit tawag sa isa sa mga accredited travel agencies na nagpo-process ng Japan visa application po. Mas masasagot po nila kayo. :)
thanks po mam
Tanong ko lang po kung saan po located ung visa number po sa upper right po ba o ung issue no. Po THank you po. Sana masagot
Yung nasa upper right po. :)
Thank you po mam. May I ask ano po b nk state sa orig bank cert? Need p po ba ang bank statement? Thank u
Bank certificate lang po need. Sabihin niyo lang po sa bank niyo na for Japan visa, alam na po nila yon.
Hello Ma'am yung sa Itr ba Pag nakakuha na ng Month of January then mag submit pa ng May ok lang ba yun or need latest ng month of May po?
Latest ITR record po ay na-release this February po. Yan po yung for Year 2022 na ITR. Yan po ang latest. Check niyo po yung year na covered. Dapat po 2022.
Hi maam ate totoo po ba need na ng ADB sa bank cert for japan visa? Tulad ng sa korea? If meron how much po kaya need? Advance Thanks for the reply and more power. Mag subscribe po ako sayo. 🎉
Kailangan naman po ng bank certificate if walang gurantor sa kahit anong bank niyo po.
Hello yung seven original bank certificate po ba 1 bank lang or 7 na different bank kapag walang guarantor?Thank you po
Choice niyo po kung more than one po ang bank accounts niyo if isa, dalawa, tatlo, or if marami pa, lahat ng accounts niyo. Ang gastos lang po if lahat kasi usually may bayad ang oaghingi ng bank cert sa bank niyo.
Hello po kung End of march 2024 expected na travel ko mga anong buwan ako pwede mag file po ng Japan Visa ? and yung bank cert ko po ba dapat november 2023 palang po nakakuha na ko ?
Pwede kahit Feb 2024. Yung processing kasi can take ng days to a month. Depende sa visa officer. Usually mga after 5 working days ang earliest na makuha result, latest can go up to a month.
Dapat sa date ng Japan visa application mo, pasok pa sa 3-month validity period yung bank cert mo. If Feb 2024 ka apply for visa, safe kunin ang bank cert as early as December 2023 or as late as a week or even a day before your visa application date.
Paano po kung wala lamg adb bank certificate at bank account ma'am?
Need po ang bank certificate to prove na may capacity ka na gastusan ang trip niyo po sa Japan. Kung wala po, pwede niyo po itanong sa accredited travel agency na nagpo-process ng Japan visa application if ano ang alternatives.
Importante po na mapatunayan niyo na kaya niyo tustusan ang trip niyo sa Japan.
Hello po. Ask ko lng po if may walk through ka ng pag fill out ng letter of guarantee? Medyo nakakalito po kasi. Salamat po
Hello, sorry hindi ko pa kasi personally na-try gumawa ng Letter of Guarantee, pero yung mga accredited travel agencies helpful naman sila sa mga clients nila. Pwede niyo po tawagan para sa mga confusing na part.
Hello po. Ask ko lang po, gang Dec 31 last yr lng kase ako nag work pero now unemployed ako, paano po kaya yun lalo na sa ITR and Bank Cert? Salamat po..
Ang required po nila sa Bank Cert ay at least 3mos and yung ITR naman po ay yung latest po. Check niyo po sa accredited travel agency kung ano po ang pwede gawin. Sumasagot naman po sila sa inquiries/tawag. :)
Hi po! Ask ko lang, what if mother po ng boyfriend ko ang guarantor ko? Ano po kaya ang pwedeng ipakita huhu. Thank you
Check niyo po sa pipiliin niyo po na accredited na travel agency for your Japan Visa po. Depende po kasi sa kanila. Mas madali lang ma-prove pag direkta na kamag-anak po ang guarantor and guarantee.
Hello Mam, ask lang po ako kung ano naman po ang requirements kung ang guarantor ko po is US citizen na nakabase po sa States.. Husband ko po sya and ksama ko po sya sa trip..
Ahhh mas maganda po na tawag po kayo sa isa sa mga accredited na travel agencies na nagpa-process ng visa applications sa Japan. :)
What if my guarantor lives in Australia. Pwede rin ba cya ?
Stronger po ang ties if yung guarantor ay relative or spouse. If wala pong strong proof of relationship with guarantor, medyo mahihirapan po. Mas maganda po na tawagan niyo po yung pinakamalapit na accredited travel agency na nag-aayos po ng Japan visa kasi mas masasagot po nila kayo pati if may added requirements. :)
hello po.. pano po pag ofw mag apply ng tourist visa possible kaya na ma approve yung visa? tapos yung asawa nag tatrabaho sa japan
Yung approval po ay depende po talaga sa visa officer na mag-check ng application niyo at documents. :)
Hello mam. Panonif yung guarantor ko is boss/friend ko? Anong proof need ko dun? Thanks .
Basta sagutin niyo lang po yung section para sa may Guarantor sa form. Hihingin po ang ITR and bank certificate niya. :)
Hi Ma’am, Good evening. Question lang po, Friend ko po yung guarantor ko and approved visa naman po. Di po ba ma offload if 3 months yung vacation sa Japan and unemployed po ako? With returning ticket po. Sorry po out of topic. Thank youuuu :)
Ah, red flag po sa immigration pag ganyan po. Make sure po na may Affidavit of Support kayo na ready kasi hihingin po yan sa immigration. Check niyo rin po ang visa niyo if for 15, 30, or 90 days kayo pinapayagan mag-stay. Iba-iba po kasi yan.
May mga iba pa po na pwede hingin base po sa sagot niyo sa mga itatanong nila.
Pwede rin humingi ng proof ng relationship with your sponsor/guarantor.
Hello po pwde po ba mag apply ng tourist if ex japan employed po nag work po ako sa Japan for 6 months year 2005? May invitation po ako now from my auntie na residence po sa Japan.
@@bernadethgabad9009 If ide-declare niyo po na may invitation from a relative na nasa Japan po, mas maganda po na ang kuhanin ninyo ay Visit Visa kesa po sa Tourist Visa. Magkaiba po ang requirements nila.
tanong ko Lang ma'am kung wala ka ng Income tax return (from 2316)saan pwdi makakauha yan
Sa employer niyo po hinihingi ito. From BIR po ito.
Pano po pag outisde ph like dto po sa taiwan? Pwede po ba pumunta sa embassy ng japan dto? Or consulate?
Ay, ayan po ang di ko sure. 😅 Dito lang po sa Pinas yung alam ko po.
Paano po pag wala pang hotel bookings? Pwede wala muna ilagay na contact sa itenerary?
Yung mismong contact number ng hotel. Yung itinerary naman ay para may idea sila sa activities mo and titignan nila if nagme-make ng sense siya kapag compare din nila sa funds mo.
Kelangan ba ng birthcertificate ng parents kasi invite ako ng ate ko sa Japan ang guarantor ku asawa nya na hapon?
Pag ganyan po, iba po ang requirements if visiting relatives. For tourist lang po yung nasubukan ko. Pwede niyo po check itong link ng Japan embassy: www.ph.emb-japan.go.jp/files/100403663.pdf
Requirements po yan para sa ang mga purpose sa pagpunta ng Japan ay bisitahin ang kamag-anak.
Hello po tanong ko lang po sna kung ano name ng travel agency. Salamat
Yung sa akin po, Reli Tours po ako nag-aaply. Pwede din po sa Attic Tours.
Napakadami naman palang kailngan .Paano kung wala kang tax na binabayaran bawal ka pa din makapasok makapag torurist
Pwede naman po kayo mag-provide ng proof ng source of income niyo po.
Hello po. Pwede po kaya credit card bank bank statement/certificate?
Ano po ba ang bank niyo? Kung ano po ang bank niyo, doon po kayo kuha ng bank certificate.
Good day po, tanong ko lang po kasi first time kopo mag out of the country if ever. Public school teacher po ako since January 2023 palang po. Kasama ko po fiance ko balak namin mag magjapan after wedding . If ever po ba possible na ma approve pag mag apply ako ng visa? Or malabo po? Thankyou 🥺❤
Depende po talaga sa visa officer na magche-check po ng mga requirements and documents niyo po ang approval. Para po sa first time mag-Japan, mas safe po na single-entry po muna ang i-apply niyo po. :)
@@GANITOFRIEND thank you po ❤
Hello po, thank you po sa info! May I ask po yung sa iterinary dates po? Ngayon po ako mag aapply pero sa october pa po ako aalis. Anong date po start na ilalagay ko sa iterinary? Tentative date lang po ba na mula sa pagpasa ko or October na po ang ilalagay ko?
Yung ilalalagay niyo po na date sa itinerary ay yung October na po. Sa form din po kasi, ipapalagay kung ilan ang intended days of stay at yung date of your arrival.
If first time mag-apply and single entry, usually ang validity ng single entry visa ay 3 months from date of issue.
@GANITOFRIEND ayun!! thank you po sa pagsagot. ❤️ First time apply palang po ako e. Yung sa application form po yung sa date of arrival ang ilalagay ko na po dun yung starting date ko po sa iterinary no? Kung anong date po nilagay ko na arrival po sa japan? Thank you po uli sa time!
@@nclwng Yes po. :)
@GANITOFRIEND Thank you po!! ❤️
@@nclwng Welcome! 😊
ASK LANG PO AKO SA SIGNATURE PO IF COMPUTERIZED NEED PO BA ORIGINAL SIGNATURE TALAGA?THANK YOU
Pwede po digital signature, pwede din naman po na yung signature niyo po talaga.
Hi po, pano pag sister ang guarantor. N/A pa rin po ba ang ilalagay
So, wala po kayo ipe-present na sarili niyo po na ITR and bank cert? If sa kanya po na record ng bank cert at ITR, need po ilagay na siya ang guarantor.
pag mga ist week ng november alis..ok lng kayang mag apply ng july?
Check niyo po sa accredited na travel agency kung ano po lead time nila. Sumasagot naman po sa mga tawag sila. :)
So kailangan po magbook nrin po ng hotel para po dun sa itinerary form?
Not necessarily mag-book na po. Research niyo po yung balak niyo na accommodation and pwede yun ang ilagay na address for hotel/accom. Para lang magka-idea sila kung saang area mo balak mag-stay.
Asan po
Link ng visa form?
Ask ko lang Wala akung trabaho o unemployed Ako nag iipon lang Ako Ng Pera para makpaag travel pwede Po ba Yun ?at tska Wala akung ITR paano Po ba Yun ?
Kasama po kasi sa requirements ay ang ITR po ang bank certificate po. I-check niyo rin po sa accredited na travel agency na malapit po sa inyo.
@@GANITOFRIEND mam i also have the same question, kaso self employed ako, business permit lang meron (mayor's permit and dti, wala po itr, since sa pasig po, if below 250k ang yearly income, di po nmen need pay tax sa bir, bale special permit po kme as per office of the mayor. So pede bang business permit n lng i submit w/o itr? Thanks
@@randypabia1584 pwede pa rin po hingin ang ibang proofs ng income niyo po if wala pong ITR. Yung accredited travel agencies naman po for Japan visa ay i-che-check din po naman nila yan. Pwede niyo rin po muna ask sa kanila kung ako pa ang pwedeng alternatives.
how much po ang total nyo nagastos sa pag apply ng visa kasama na ang passport papunta japan?
May passport na po ako talaga. So ang gastos lang ay 950 for processing fee ng accredited travel agency. Depende ang amount ng processing fee per agency. Lagi po ako sa Reli Tours, so yung sa kanila, 950 talaga.
Plus, nag-request din kasi ako for a multiple-entry visa na approved kaya, 500 na dagdag.
All in all, 1450.
Ma'am ilang months po ba yong stay mo sa japan pag tourist visa lang po
Depende po sa ibibigay ng embassy. Minsan hanggang 15 days lang. Minsan naman, pwedeng 30 days. And yung iba, nabibigyan ng hanggang 90 days.
Hi, nagcacrash po yung visa application form. Is there any link we can use po?
Hi! Nag-upload sina ng bagong link. Updated na rin yung sa description box ng video. :)
www.ph.emb-japan.go.jp/files/100475146.pdf
Question...paano ako wala akong ITR kasi unemployed ako? Nag aalaga lang kasi ako sa lolo at lola ko and binibigyan lang nila ako nang allowance so technically, wala akong work talaga. Parang personal caregiver ba. Gusto nila magpunta sa Japan so sasama ako sa kanila. Paano kaya yun?
Magiging guarantor niyo po sila.
@@GANITOFRIEND ok thanks! ganun pala yun friend! haha!
@@jamesarden317 haha yes ganern!
@@GANITOFRIEND Hello po ask ko lng po sana kung Friend po ng ate ko ung mag guarantor po sa akin pde po ba yun?
@@Eyanna0520 mas may stronger proof po pag kamag-anak or asawa po ang guarantor. Mas maganda po na itanong sa accredited na travel agency for Japan visa,
Tita q po kasi ang kukuha saken for tourist
If yung tita niyo po ay ang guarantor niyo po, yung kanya po na bank certificate at ITR ang hihingin.
maam pwede po ba ang SSW visa holder sa japan magiging garrantor po?
Mas maganda po na makausap ang isa sa mga accredited na travel agency na nag-aayos ng Japan visa sa Pinas po. Mas masasagot po nila ito.
Actually kasama cya na mag tour pero sa Australia cya galing at ako ay sa Philippines.
Ayun po, mas okay pa rin na matawagan ang travel agency kasi mas makapagbigay po sila ng advice para sa situation niyo po.
@@GANITOFRIEND thank you so much!
@@milarodriguez4436 You’re welcome. :)
Hello po! Ask ko lang if kailan pwede mag apply ng visa from the travel date?
Usually po kasi na-approve mga 3-7 days. Pero pwede po kasi umabot ng weeks, even a month. Depende po talaga sa nagre-review na visa officer.
Mas safe po na about a month.
@@GANITOFRIEND once issued po ba yung visa, may expiration po ba? can we apply two months before the travel date?
@@wendyvelasquez128 They issue naman po single entry or multiple entry. Walang problem if multiple entry kasi either 5 years or 10 years ang validity. Pag single entry, ang validity ay 3mos PERO once lang pwede magamit within that time frame and usually, up to 15 days lang ang pinakamatagal na stay na.
Pag fiancé po kasama mag travel, okay lang po ba? Siya po mag sponsor
Basta po mapatunayan yung relationship niyo and maka-submit po siya ng requirements for guarantor/sponsor.
Mas madali po kapag married or kamag-anak ang sponsor kasi may document like marriage certificate or birth certificate na mas solid na proof of relationship.
Iche-check naman po yan ng accredited agency na mapipili niyo at sasabihin nila kung may kulang or kung may additional requirements pa. :)
Hello po paano po kung iba po pirma sa passport at id ?
Baka po ma-question. Sobrang ibang-iba po ba? Pwede niyo po itanong sa accredited travel agency na balak niyo po mag-process ng application niyo.
thank you
Hi po...
Pwede po kayang baranggay permit pag walang itr???
Ay iba po ang barangay permit sa ItR. ITR po ay proof na may income po kayo na pagkukuhanan ng funds niyo sa pag-travel.
pano po pag walang itr? meron ba other requirements ipasa?
Pwede po kayo magpasa ng ketter if explanation bakit walang ITR, then other proof of earnings, salary, or business.
Pag galing ba sa US need pa ng visa to Japan as tourists?
Yes po. Kailangan pa rin mag-secure ng visa kasi magkaiba po kasi sila ng foreign and tourism policies.
Hi how about Covid Certificate Requirements
As of April 29, 2023, no more covid protocols needed to enter Japan.
Hello ma'am, okay Po ba 3 weeks mg travel sa Japan sponsor ng boyfriend.
Okay lang naman po basta mapakita at ma-submit lahat ng mga requirements para sa mga may guarantor na katulad niyo po. Pero mas maganda po kasi na related sa inyo or kasal po kayo para mas matibay yung proof ng relationship niyo. As in may papel at documents po. Pag bf pa lang po kasi, wala pong matibay na proof. Pero pwede niyo naman po subukan pa rin. Assess naman po yan ng accredited na travel agency and sila naman din po magsasabi ano pa po ang kailangan. :)
Pwede po ba kme apply for tourist visa as a family? I mean for my mother, my child paano po kaya ang procedure and requirements? Thanks po.
@@cathiegalang9953 Hello! Same lang po dito sa video if yung visa po na apply niyo ay tourist visa. Basta ang main purpose ay for travel or tour, ito pong nasa video. :)
Any idea po how much dapat nasa Bank Statement Ma’am? Tia
Nasa discretion po talaga ng visa officer. Basta dapat po may enough fund to sustain yung number of days sa Japan.
Yung unang multiple-entry visa ko, nakuha ko ng may around 60k lang sa bank.
Yung recent naman, dalawang bank accounts binigay ko, 6 digits yung isa, then yung isa naman ay 5 digits ang laman.
Approve naman pareho.
No need sa bank statement. Bank Certificate lang po hinihingi pag Japan Visa. :)
Maam gusto ko sana mag tourist sa japan at nandyan ang asawa ko paano po ba
Kapag visa to visit a relative, iba po ang requirements. If kaya niyo naman po na kayo ang gagastos sa trip niyo, pwede po itong tourist visa sa inyo. :)
Pano po kung nakapunta kana sa japan. Ganoon parin po ba requirements
Nabanggit ko po siya sa video. May mga requirements na for first time applicants, so if hindi po first time sa Japan, no need na dalhin ang mga yon - birth cert and/or marriage cert.
Hello po! Paano Naman Po kapag Meron na Po aKong visa noon na Hindi ko na Po nirenew actually Yung bigay Po sakin noon is valid for 5years nong 2019 Po nag expire pano Po kaya Yun Hindi Po kaya maapektohan pag nag apply ako Ngayon Ng visa?
Ano po meaning must be issued by your bank within three months? Thanks
Dapat sa loob ng 3 months mo nakuha. Hindi lalagpas sa 3 mos yung date simula ng nakuha mo siya.
@@GANITOFRIEND thank you
@@miccruz9219 welcome!
Hello! For ITR po, kailangan original copy?
Pwede po photocopy. :)
@@GANITOFRIENDhello po. Pano po pag walang ITR? need pa po ba ng explanation letter? Thank you
@@cheskacamillealcantara6286 Yes po. Mas mapapaliwanag niyo kasi reason bakit wala kayong ITR.
Hi po need po Ng bank account
Yes po. Lalo na po at kayo ang gagastos or mag-fund ng trip niyo. Hihingan po kayo ng ITR at bank certificate.
Pwede Rin ba sa mga fresh graduate na kukuha Ng tourist visa?
Pwede naman po basta makumpleto niyo ang requirements.
@@GANITOFRIEND slamat po
@@GANITOFRIEND so gagawa ako Ng guarantee letter po
@@JoelAve Yes po. Need ng guarantee letter and proof of relationship ng guarantor sa applicant (example: birth certificate)
@@GANITOFRIEND pwede din sa Korean visa po?
Pag auntie mo Ang guarantor mo pwede ba?
Pwede naman po
@@GANITOFRIEND slamat po
Paano Kung ofw,
Iba po ang application requirements po. For tourist visa po ito.
@GANITO FRIEND ah ok Punta ako sa travel agency I have US b1b2 but I like to travel Japan..
@@gilbertoparas9388 mas alam po ng travel agency kung ano po ang best step po para sa inyo po and situation niyo po. :)
Is bank certificate necessary ???
Yes, especially if you are funding your own trip.
@@GANITOFRIEND Thks for clarifying dear japan is my dream 🥹❤️ hope i'll visit it one day
@@souadhayek8628 you will! Claim it! 😊
❤️😊
San travel agency Nyo po
Lagi po ako sa Reli Tours. Last time, sa Megamall na branch. Itong latest po ay sa SM Southmall na branch. :)
@@GANITOFRIEND nag DIY po ba kayo ? O mayl agency po kayo sa itinerary Nyo? And ano po nilagay nyo sa airfare and hotel accomodation while waiting pa sa visa approval. Di daw po advisable kumuha airfare pag walang visa approve pa.
@@redangel2301 DIY lang po ako mag-ayos ng requirements ko po pero assist naman po kayo ng accredited agency na pipiliin niyo po.
Hindi rin po ako agad nagbu-book ng flight kasi hindi naman required ng Japan Embassy. Lagay mo lang yung target na date mo gusto mag-tour. And kahit ano naman lagay sa airline company. Ako minsan, Cebu Pacific nilalagay ko, minsan naman PAL, etc. :)
For hotel, decide ka saan kayo balak mag-stay na area, then research lang sa Google yung address nila and phone number. :)
Lahat mayroon ako maliban diyan sa TAX na yan
Isa po kasi ang income tax sa proof na may steady income at pang fund or panggastos po kayo sa pag-travel.
Hi, paano naman po if yung guarantor is yung asawa ko ma taga USA and we are just meeting in Japan?
Hello po. You can call po sa mga accredited na travel agency na nag-process ng visa for Japan dito sa Pinas. Mas masasagot po nila at mas alam po nila ang requirements for your case po. :)
Isasama po ba yung old passport pag nag apply for first timer? nandon kasi mga tatak ko yung bago isa palang.. Thanks po
No need na po. Kahit yung present passport lang po.
@@GANITOFRIEND One more question po ma’am magkano po kaya need na bank account? thanks po
@@celene1001 Wala po talagang definite na amount. Ang mahalaga po ay makikita nila na kaya ng bank account niyo ma-fund yung biyahe niyo based sa itinerary na pinasa niyo po. 😊
@@celene1001 Minsan may na-approve na mga 50-60k laman ng bank, tapos may nade-deny din na may mas mataas pa na amount kesa sa 50k kasi baka hindi realistic yung activities and number of days ng tour niya sa Japan.
@@GANITOFRIEND Thank you so much ma’am new subscriber here 🥰 god bless your channel
yung ITR , applicable ba sa ofw?
Mas sigurado po if check niyo po sa accredited travel agency kung ano pwede po katumbas ng ITR pag OFW po.