Paano Maiiwasan ang Pananalanta ng mga Pesteng Insekto Sa Palayan - PalayAralan

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 13 сен 2024
  • RICE DISEASE and RESPONSIBLE INSECT :
    Deadheart/White head(stemborer)
    Hopper Burn/Grass Stunt(Brown Plant Hopper)
    Tungro(GLH)
    Dead/Unfilled Panicle(ricebug)
    Bug Burn(black bug)
    Iwasan ang sobra, mali at wala sa panahon na paggamit ng mga abono.
    Di lang napapagastos nagdudulot pa ng pag-atake ng mga insekto sa palay ang maling paggamit ng mga abono.
    Ang pagpapahinga ng lupa/bukirin sa loob ng 30 araw o higit pa ay kailangang isagawa para marekundisyong muli ang lupa dahil nabubulok pa ang mga dayami, pasyok at damo na nagpapakawala ng mapaminsalang methane gas na nagdudulot din ng pagkakasakit, paghina at pagbagal sa paglaki ng palay.
    Karamihan sa mga insektong peste sa palayan ay umaabot ng isang buwan ang inog ng kanilang buhay. Kapag hinayaang nakatiwangwang ang lupa/bukirin sa loob ng 30 araw o higit pa ay mawawalan ng pagkain at tirahan ang mga peste kaya bumababa ang populasyon ng mga mapanirang peste.
    Ano-ano ang mga Pesteng maaaring mapamahalaan/makontrol sa pamamagitan ng pagpapahinga ng lupa?
    🌾 stem borer o aksip
    🌾 brown plant hopper o kayumangging ngusong kabayo
    🌾 leaffolders
    🌾 ricebug o atangya
    Ang mga sakit nang nakaraang taniman ay maaari ring mawala. Dahil natutuyo o namamatay ang mga palay kaya natutuyo din sa init ng araw ang mga semilya ng mga sakit(mikrobiyo).
    Naiiwasan din ang pagkalat dahil wala nang pananim na lilipatan o mapagkakanlungan.
    Tandaan: Sa sabay sabay na pagpapahinga ng lupa, sabay sabay din ang pagtatanim kaya mas epektibo ang paggamit ng patubig at pamamahala ng halos lahat ng peste.
    Panoorin sa ibaba ang tamang paggamit ng abono...
    Tamang Pamamahala ng Sustansya sa Palayan
    • Tamang Pamamahala ng S...
    Mga Karaniwang Sakit Sa Palayan
    • Mga Karaniwang Sakit n...
    Paano makakaiwas sa mga pesteng Damo
    • Sulosyon sa mga Pesten...
    Paano Maiiwasan Ang Mga Sakit sa Palayan
    • Paano Maiiwasan ang mg...

Комментарии • 10

  • @ndfarm768
    @ndfarm768 Месяц назад +1

    Dati ho akong OFW ang kailangan ho ng mga magsasaka ay mabigyan sila ng jaragdagang kaalaman sa pagsasaka at ang DA o MOA ay wala namang naibibigay o implementation ng protocol/guidelines umiiwas Sila ng additional na trabaho

    • @diylawrencechannel9028
      @diylawrencechannel9028  Месяц назад

      Meron po tayong slide video ng sample protocol na pwede ninyong sundin o pagbasehan ng inyong pag-aabono. 👇
      ruclips.net/video/JgMlt5rTJz8/видео.htmlsi=AgQUuk8tawZB2zuC
      Pero abvisable na magpagawa po kayo ng soil analysis muna para malaman ninyo ang kakulangan ng inyong bukirin.
      Sa soil analysis na ibabase kung anong elemento at dami na kakailanganin ninyo sa pag-aabono.
      Ang mga hybrid variety ay may kasama ng protocol sa loob ng pakete. Sundan na lang po ninyo base sa soil analysis kung meron kayong pinagawa.
      May video din tayo kung anong tamang element, amount at timing(EAT) ang dapat sundin o basehan sa pag-aabono👇
      ruclips.net/video/RNehSVSTcBk/видео.htmlsi=MhmeFOMvSEekMBIV

  • @jinhitentertainment8922
    @jinhitentertainment8922 11 месяцев назад

    Sir. Anong mabisang gamot sa brown hopper , stem borer at green hopper

    • @diylawrencechannel9028
      @diylawrencechannel9028  11 месяцев назад

      Di mapaminsala ang green hopper kung walang tungro sa palayan.
      Sa brown at stem borer ay may kaibigang kulisap tayo na makakapigil sa pagdami nila. Hayaan makapagparami ang mga kaibigang kulisap at di na kailangan pang mag-spray ng pamatay pesteng kulisap.
      Gumamit lang ng pamatay peste kung marami na ang mga pesteng kulisap.
      Magtanong po sa agri supply para sa nararapat na pamatay kulisap depende sa kung anong meron sa palayan para maging mas epektibo at maiwasan ang mapagastos kapag mali ang nagamit

  • @annabellepedro4831
    @annabellepedro4831 6 месяцев назад

    sir baka pwedeng magbigay kayo ng mga pmatay na insectiside na pang stemborer

    • @diylawrencechannel9028
      @diylawrencechannel9028  6 месяцев назад

      Di na ako gumagamit ng insecticides... ilang taon na.
      Magkaroon man ng whiteheads ang palayan namin...mabibilang na lang siya sa daliri.
      Meron kasi tayong mga kaibigang insekto na kasangga natin sa pagkontrol sa kanila gaya ng nasabi diyan sa video.
      Kapag gumamit tayo ng insecticide lalo sa maling panahon...ang mga kaibigang insekto natin na nagpaparami ang unang nadadali.
      Di tulad ng mga pesting insekto na palipat-lipat ng bukid...ang mga kaibigang insekto natin ay pirming nasa bukirin lang natin gaya ng mga gagamba.
      Kapag bumaba ng bumaba ang papulasyon nila at na-immune na ang mga insekto kakagamit natin ng insecticides...malaking suliranin ang kakaharapin natin dahil kaunti o wala na ang mga kaibigang kulisap natin na kokontrol sa kanila.

    • @diylawrencechannel9028
      @diylawrencechannel9028  6 месяцев назад

      May mga natural insecticides na pwedeng gawin na hindi nakakaappekto sa mga kaibigang insekto.
      Panoorin mo ito kasaka👇
      ruclips.net/video/1WwYRFymEB4/видео.htmlsi=jAY_5-Tk2WHqjgYt

  • @ernieguiruela2230
    @ernieguiruela2230 5 месяцев назад +1

    Sir, papano po makaakasali sa mga training pang dagdag kaalaman.