Emar Industriya - Morpema (Official Music Video)

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 13 янв 2025

Комментарии • 417

  • @webberson9847
    @webberson9847 5 лет назад +186

    0% Nudity
    0% Sexy models
    0% Drugs
    0% Weed
    0% Animal cruelty
    100% Pure rap, pure lyricism & very excellent hard work.
    Kulba kaayo imong mga punto bay! Solid kaayo. UPRISING! I-apil ko sa imong listahan nga ming idolo nimo.

  • @derickbel7771
    @derickbel7771 5 лет назад +94

    Ang MORPEMA - ay ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan. Bawat salita sa isang wika ay binubuo ng mga pantig na pinagsama-sama. Subalit hindi lahat ng pinagsama-samang mga pantig ay makakabuo ng isang salita. May tatlong uri ng morpema: ang morpemang di-malaya (kilala rin bilang panlapi), ang morpemang malaya (kilala rin bilang salitang ugat), at ang morpemang di-malaya na may kasamang salitang ugat.

    • @leesinkapnooduls1559
      @leesinkapnooduls1559 5 лет назад +2

      deep words kung baga maikling salita pero siksik ng maraming kahulugan

    • @justxedtv4827
      @justxedtv4827 5 лет назад +2

      Derick bel kaya pala masarap magkape sa umaga

    • @lowkey3407
      @lowkey3407 4 года назад +1

      MALALIM ANG IBIG SABIHIN NG MORPEMA KUNG IBABASI MO SA MAKABAGONG PANAHON AT LIPUNAN.

    • @yurilapurga8269
      @yurilapurga8269 Год назад

      paki paliwanag naman po yung pinupunto nang musikang ito

  • @industriyalismo5558
    @industriyalismo5558 4 года назад +75

    Maraming maraming salamat sa lahat ng nagpasa tumesting makinig ng mga trip trip kong gawa hehe
    Grabe kayo nililigaw ko lang kayo eh salamat sa pagintindi ✊✊🙌🙏

    • @donkevinaquino3248
      @donkevinaquino3248 4 года назад

      Earlsweatshirt yr 2015 datingan mo boss emar

    • @syphsyph4787
      @syphsyph4787 4 года назад +1

      masarap maligaw kahit minsan ser emar! haha salamat sa musika mo

    • @royventura2650
      @royventura2650 3 года назад

      Haha
      I like ur humor
      Kahit humor mo
      May lalim pa din

    • @marksynerbautista8362
      @marksynerbautista8362 3 года назад

      nice tol keep it up proud to be your big brother always take care mag pasalamat sa biyaya na dumating sau... ingat lagi bunso

    • @felimonveluz2868
      @felimonveluz2868 6 месяцев назад

      Nice gawa kpa ng iba poetrt sir ang galing

  • @karra.em99
    @karra.em99 5 лет назад +51

    "Mga punong pinutol para sulatan ay bigyan mo naman ng dahilan, kung sa mga kathang walang damdamin na tinutungtungan ang pagmamahal ng kalikasan ay hinding hindi mo masusuklian". !!!!!!!!

  • @ogag.
    @ogag. 11 месяцев назад +3

    1:25 to 1:48
    2:34 to 2:52
    3:10 to 3:33
    3:39 to 3:44
    3:57 to 4:08
    Wooo!❤️👌

  • @individualityhardcore9543
    @individualityhardcore9543 5 лет назад +102

    Kung makikinig kayo ng mga ganitong klasing kanta dapat buksan at palawakin niyo mga imahinasyon niyo.

  • @abrahamvoidelacruz283
    @abrahamvoidelacruz283 5 лет назад +37

    Aklas aka Philip Ching does this type of writing style back in the days, there are similarities on sound and the way they spit 'em words, but yeah unfortunately most of the listeners hated on it. Siguro, mas agresibo lang kasi talaga ang sulat at atake ni aklas. Pero ngayon, nagugustuhan na siya ng mga tao, mabuti 'yon, magandang halimbawa 'yan na tumalino na ang mga taga-pakinig. Pero may ilan-ilan parin namang napako sa kahapon, mga kinulang sa langis ang makinarya sa ulo at ayaw umusad. Yung tipong ayaw ang ginawa mong obra, pipintasan pa. Mga tsong 2019 na, wag ganun.
    Ps
    Props to you Emar Industriya and Uprising for bringing up this type of music again to millenials, prolly a new taste of medicine for them to realize that hiphop music is really broad and wide. Hindi lang puro pa bidahan at drugs and shit. Also anygma, please yung line up niyo sa talksic ways dati sana bumalik at gawa uli kayo ng music! Hahahaha

  • @zaidenrap2044
    @zaidenrap2044 4 месяца назад +3

    Sa pagkaintindi ko sa kanta nito emar pinapaalala nya lang sayo na sundin mo ang ninanais ng iyong sarili, sa kung anong alam mong nakakabubuti sa sarili mot nakararami.
    Pinapaalala na pumasok ka sa iyong sarili ikaw lang ang lagusan para malaman mo at mahubaran mo ang katotohanan na ngyayari sa iyong paligid.

  • @Lowkeyyyy15
    @Lowkeyyyy15 5 лет назад +7

    "Nakikinig ngunit wala ng pag unawa naka kadena ang memorya wala ng paglaya"

  • @shady3661
    @shady3661 5 лет назад +14

    Tropang pala pala here , si emar ang dahilan kung bat nakagawa ako ng ilang kanta , idol kuna siya mula pa nung wala pa siya sa fliptop kase alam ko dati pa na may tira talaga siya , naaalala ko pa nga nung tumambay sila ng tropa niya sa isang bus dito sa garahe tapos pinakita ko sa kani yung ka unaunahang ginawa kong lyrics , yung tropa niya natawa dahil yung content kasi ng lyrics ay pag papaalam sa isang babae dahil sa isang karamdaman , halos umiyak ako nun pero nung narinig ko nang mag salita si emar na buhayan ako ng loob kasi sabi niya ok naman daw pag kakagawa ko , kaya simula nun pinag butihan ko pa hanggang sa nakagawa ako ng kantang masasabi kong maayos , kaya respeto sa isang idolo na nag iisang emar industriya ✊

    • @jirehmadamba2459
      @jirehmadamba2459 Год назад

      Hello po ano po tawag sa rap style nya thanks po gusto ko po gayahin

    • @Benedettor
      @Benedettor 4 месяца назад

      @@jirehmadamba2459 unorthodox po ata

  • @zeng1714
    @zeng1714 4 года назад +17

    [Intro]
    Lumaktaw
    Nilaktawan ko ang tatlong pahina
    Hindi ko alam kung bakit ngunit gusto nitong mauna
    Amoy ko ang nais na iparating ng aking musika
    Na inabuso ng mga balingbing na may huwad na sibika
    Pintig ng puso ko'y pagsusulat at pagbabasa
    Hindi ko na inisip kung sa panlasa mo ako'y papasa
    Kung iiwasan ko kayong lahat ay wala akong maikakasa
    Madaling umiikli ang lapis kung ang tulis ay iaasa sa nagtatasa
    [Verse 1]
    Literal ang pangyayari sasangayon kang pikit mata
    Dinig palakpakan hindi puso ngunit ulo ang unang tumataba
    Silang mga nakalimot at tumingin sa kanan at sa kaliwa
    Silang mga gumagawa na tanging hangad lang ay mapapala
    Kaya ang sakit nitong panahon ay lalong lumalala
    Maraming nakakapit ngunit higit pa sa marami ang na dadala
    Nilulunok na lang nila pagka subo ay di na nginunguya
    Walang talo sa mga gumagawa ang natatalo lang ay ang tumataya
    [Chorus]
    Ang halik ng nakara'y dumalaw sa akin
    Sabik na lunurin upang palinawin
    Ang isang awitin binaklas sa damdamin
    Napag daanan mo na ba ang mga dapat kong tahakin
    Ang halik ng nakaraa'y dumalaw sa akin
    Sabik na lunurin ang mga diwa
    Ang mga diwa
    (Mga diwa)
    Mga diwa
    [Verse 2]
    Makabuluhan ang isang tunog kapag nag iiba ng kahulugan
    Ang salitang pinagsamahan impluwensya ng kapaligiran
    Sa tuntunin na banggit na hinahanap ng ka angkupan
    At dadaluyan ng sanaysay gigil na kinakahunan
    Yung mga inukit sa pandinig ay may ginagampanan
    Mga punong pinutol para sulatan ay bigyan mo naman ng dahilan
    Kung sa mga kathang walang damdamin ay tinutungtingan
    Ang pagmamahal ng kalikasan ay hinding-hindi mo masusuklian
    [Pre-Chorus:]
    Mga nakikinig, nakikinig ngunit hindi nakakaunawa
    Naka kadena ang memorya wala ng gumagapang na paglaya
    Paurong lang ang unang bwelo ng pana para tumama
    Kahulugan at nilalaman hindi sapat ang talimhaga
    Yung salitang tiwala minsan kailangan mo pang nakawain
    Pumuna ka muna sa salamin, bago ka pumuna sa tanawin
    Na ang morpema sa alala at karanasan mo ay aralin
    Hangga't sa makita at malaman mo ang dapat mong hanapin
    [Bridge]
    Makita, malaman, mahanap
    Makita, malaman, mahanap
    Makita, malaman, at mahanap
    Ang morpema
    [Verse 3]
    Walang akong maipagmamalaki ako ay batang lansangan
    Na itinago ang mabahong ugali gumaspang sa gaspangan
    Natural na lang sa akin kung di mo ko pagkakatiwalaan
    Ako'y manipis sa manipis kung ang labanan ay pakapalan
    Ngunit pakinggan, tignan, simutin n'yo ko't mabusog
    Kinakalampag nito mga diwang matagal ng tulog
    Kasinungalingan na nauuna ang kidlat sa kulog
    Katotohanan na mabibigat lang ang may kakayanang lumubog
    Paglilitis ng wika kung sasang-ayon sa kasabihan
    Pormalidad bang katagalugan ang palaman ng kaalamanan
    Imahinasyon kong kayang puntahan ng pinong kahulugan
    Lumalatay sa isip ano man ang aking palatunugan
    Ganyan, ganyan kumatawan ang direksyon ng aking produkto
    Pagkatao ng sumusulat ang tumutuokoy sa dayalekto
    Patungo sa mapanubok na pag sabak sa reyalismo
    Ang pagka letra sa pangalan ng industriyalismo
    [Pre-Chorus]
    Mga nakikinig, nakikinig hindi naman nauunawaan
    Naka kadena ang memorya wala ng gumagapang na kalayaan
    Paurong lang ang unang bwelo tamaan na ang dapat tamaan
    Kahulugan at nilalaman hindi sapat ang mga tugmaan
    [Outro]
    Lumaktaw
    Oo, nilaktawan ko ang unang pahina
    Ngayon alam ko na kung bakit gusto nitong mauna
    Amoy ko ang nais na iparating ng aking musika na inabuso ng balingbing na may huwad na sibika
    Pintig ng puso ko'y pagsusulat at pagbabasa
    Hindi ko na inisip kung sa panlasa mo ako'y papasa
    Kung iiwasan ko kayong lahat ay wala akong maikakasa
    Madaling umiikli ang lapis kung ang tulis ay iaasa mo sa nag tatasa
    Madaling umiikli ang lapis kung ang tulis ay iaasa sa nagtatasa
    Madaling umiikli ang pangungusap kung iaasa mo sa nagbabasa

  • @ogiecorres8539
    @ogiecorres8539 5 лет назад +10

    Mabilis iikli ang lapis kung iaasa mo sa nag tatasa...🔥🔥🔥
    -wag kasi ugaliing umasa sa ibang tao

  • @ajreyes4296
    @ajreyes4296 3 года назад +6

    Sobrang underrated netong work of art na to

  • @Joshua_Elipatutii
    @Joshua_Elipatutii 3 месяца назад +2

    Salamat dito emar industriya. Ito yung mga dyamante na nakatago sa mundo ng hiphop..

  • @bona2112
    @bona2112 5 лет назад +32

    Salute to you. A poet/lyricist i-angat pa natin ang hiphop at OPM!

  • @woahrldstop1043
    @woahrldstop1043 5 лет назад +2

    Tang ina kuya Emar ganto yung kantang gusto kong isulat. Di ko akalain na sayo ko maririnig yung ganitong kanta. Ang lakas! Sa totoo lang, kanina lang kita nasubaybayan nung pinanood ko yung fliptop, yung laban nyo ni Zero Hour; Pero naririnig-rinig ko na yung pangalan mo. Nung pagtapos mo bumanat ng round 2 mo sa laban nyo ni Zero, si-nearch ko yung mga kanta mo at nakita ko to. Grabe ya, ganto yung mga gusto kong awitin. Tumatatak sa isip. Ang lakas makamulat ng isipan. Ang lakas makabuhay ng pagpapahalaga sa sining na musika at tula. Gumawa ka pa ng maraming kanta ya. Mula ngayon aabangan ko na lahat ng kanta mo ya. Isa na ko sa mga tagahanga mo ngayon. At ikaw, ikaw na yung pinaka-una sa inspirasyon ko sa musika ngayon. Gumawa ka pa ya! Suportado ako sayo. Solid! Mamaya pag-uwi ko,(nasa comshop ako ngayon) sisimulan ko na aralin yung ganitong klase ng pagsulat. Malalim at makahulugan. Thumbs Up! Putek sarap ulit-ulitin! Solid!

    • @industriyalismo5558
      @industriyalismo5558 4 года назад +1

      Naalala ko nung pinipilit kong maghanap maghukay ng maghukay ng mga kakaibang kanta sa compshop din mismo tapos magddL ako palihim kahit bawal ng mga beats at music wala kaming internet noon at walang signal palagi sa lugar namin .. hahahahah nirereview ko lang pauwi mga na dL ko hehe at syempre di mawawala ang mga babasahin na naka pinicturan ko lang isa isa para may babasahin ako paguwi.
      Salamat tol ipinaalala mo sakin yun ! Solid gagu hehehehe

  • @TampusChristian-i1z
    @TampusChristian-i1z 19 дней назад

    nakikinig, pero walang umu-unawa, yan ang realidad dito sa mundo. Naging natural nalang sa mga tao yung dapat ay hindi, at ang masaklap pa ayaw ka nilang unuwain kasi nakasarado na sa nakasayan ang utak ng isang tao dahili sa binigay nilang limitasyon kaya sa tingin nila, tayo'y na prapraning na.

  • @dio5500
    @dio5500 5 лет назад +41

    I love your style 🔥
    Unique💯
    Content💯
    Basta Uprising! Solid

  • @bambamsolsona6833
    @bambamsolsona6833 10 месяцев назад +2

    Ito Yung klase Ng tao na malalim Ang pnanaw sa buhay

  • @batcat1212
    @batcat1212 5 лет назад +2

    Para sa ilang nakikinig lang, iisipin nila dark yung kanta. Pero ang pinupunto lang naman ay paglaya tungo sa tunay na sarili

  • @arjaydevera6256
    @arjaydevera6256 5 лет назад +19

    Since 2016 pinapakinggan ko sya Pero hanggang ngayon umaapoy pa rin!!💕💣

  • @mjborja1
    @mjborja1 5 лет назад +1

    nakakabilib...ngayon lng ako nagcomment sa isang vid sa pagkakaalala ko dahil naramdaman ko na kailangan ko...
    salamat emar...

  • @rosjud1388
    @rosjud1388 4 года назад +4

    Lumaktaw, nilaktawan ko nang tatlong pahina,
    'Di ko alam kung bakit ngunit gusto nitong mauna,
    Ako'y itong nais na maiparating aking musika
    Na iniabuso ng balimbing na may huwad na civica.
    Pintig ng puso ay ang pagsusula't pagbabasa
    Hindi ko na iniisip kung sa panlasa mo ako'y papasa,
    Kung iiwasan ko kayong lahat ay wala akong maikakasa
    Madaling umikli ang lapis kung ang tulis ay iaasa mo sa nagtatasa.
    Literal ang pangyayari, sasang-ayon ako, pilikmata
    Dinig ko ang palakpakan, hindi puso ngunit ulo'ng unang tumataba,
    Sila ang mga nakalimot na tumingin sa kanan, kaliwa
    Sila ang gumagawa na ang tanging ang hangad lamang ang mapapala.
    Kaya ang sakit nitong panahon ay lalong lumalala
    Maraming nakakapit ngunit higit pa sa marami ang nadadala,
    Nilulunok na lang nila, pagkasubo ay 'di nalang nginunguya
    Walang tali sa gumagawa, ang natatalo lang ay mga tumataya.

  • @oabeljohnricardog.3421
    @oabeljohnricardog.3421 5 лет назад +1

    Sobrang talino mo emar sana marami pang artist ang kagaya mo at sana umunlad sa pakikinig ang mga tao at mga kahenerasyon ko.

  • @TampusChristian-i1z
    @TampusChristian-i1z 19 дней назад

    Nakikita ng gising yung gising., he's spitting facts behind what we see vs the reality.

  • @dinzcodinera2829
    @dinzcodinera2829 4 года назад +2

    mka ilang beses ko na to mula nung i upload ito sa youtube almost perfect na sana kaya lng may mapanirang chorus pru solid padin talagan mapapaisip k at mamamangha kng panu ito na isip ng gumawa nang kanta...👍👍👍👍💪💪💪🔥🔥🔥🔥

  • @KimJasperMelo-yg5lt
    @KimJasperMelo-yg5lt Год назад +1

    Rame Industry have been awakened even from his previous life. He has the full control of his pineal gland. He has been and allways be the memory of the future who will point his fingers to our path of enlightenment..

    • @Aftersckool
      @Aftersckool 6 месяцев назад

      But yet he still eats meat

  • @thereisalwaysaway6152
    @thereisalwaysaway6152 5 лет назад +2

    Idol nakaka panindig ng balahibo ... Napapa isip tuloy ang aking kaisipan.😎

  • @erispsyche185
    @erispsyche185 5 лет назад +3

    Inirekomenda ito sa akon ng students ko, and I could say that he is damn good!

  • @oweleven.011
    @oweleven.011 5 лет назад +2

    eto yung emcee na dina kailangan manira sa battle kundi imulat yung kalaban.

  • @domingomenes2716
    @domingomenes2716 5 лет назад +16

    “Walang talo sa mga gumagawa ang natatalo lang ay ang mga tumataya” burn!!

    • @ghostemaneutakberde1058
      @ghostemaneutakberde1058 4 года назад

      Bakit Hindi natatalo Ang gumagawa?🤔 Paliwanag mo nga?

    • @blackpages1992
      @blackpages1992 2 года назад

      @@ghostemaneutakberde1058 wala mema nalang yang kupal na yan

  • @anthonytrillana1688
    @anthonytrillana1688 5 лет назад +1

    kung di ka malalim sigurado di ka makakasabay sa paglutang hanggang dyan ka nalang sa kababawan!
    ibang iba sa iba na halos pare pareha.

  • @lyricrismusic2856
    @lyricrismusic2856 2 года назад +1

    Tumindig balahibo ko kagbe sa live performance mo sir dito sa iloilo...saludo sayo at respeto sa musika mo...pasok na pasok saking panlasa..🔥🔥🔥

  • @CLN_444
    @CLN_444 5 лет назад

    best song in the philippines . eto amg diyamante di kaya ng ibang kanta basura

  • @archieknoxville7171
    @archieknoxville7171 8 месяцев назад +1

    napaka angas pala ni emar! lumalagablab. idol!!!

  • @dodongdisarma3458
    @dodongdisarma3458 3 года назад

    maraming salamat at may gumagawa pa ng mga ganitong pahina..

  • @carlosmojica7710
    @carlosmojica7710 5 лет назад +6

    sobrang solid neto kakaibang atake ng rap
    idol to proud caviteño

  • @tanmatthewvelasquezguerrer4193
    @tanmatthewvelasquezguerrer4193 5 лет назад +1

    Salute sayo emar good job tuloy molang yan wala ako sawang makikinig. #uprising

  • @kingsharkee4424
    @kingsharkee4424 5 лет назад +2

    "Pumuna ka muna sa salamin bago ka pumuna sa tanawin" 🗣💯

  • @jayveedavemernado6464
    @jayveedavemernado6464 5 лет назад +2

    "Magkita nalang tayo sa daan ng mga tumakas sa kamangmangan"

  • @chesterjhongatdula9431
    @chesterjhongatdula9431 4 года назад

    Salamat sa Puno na ginawang Lapis at Papel kaya mayroon ganitong obra....

  • @ejarchival829
    @ejarchival829 2 года назад +1

    Madaling umiikli ang pangungusap kung iaasa mo sa nagbabasa🔥

  • @mr_bentesingkoh8317
    @mr_bentesingkoh8317 5 лет назад +2

    mga punong pinutol para lang sulatan bigyan mo naman sana ng kahulugan. solid na linya to 💪💪💪💪💪 double meaning

  • @owwsdingatlaga8633
    @owwsdingatlaga8633 Год назад +1

    sheeeeeshhh.. puro

  • @gamester2154
    @gamester2154 5 лет назад

    Uprising salamat dahil kayo ang naglalagay ng kulay sa rap
    Ipag patuloy nyo lang ang pag taguyod sa hip hop

    • @georgesanchez4758
      @georgesanchez4758 5 лет назад

      pumunta ka sa underground bago ka magsalita ng kung ano

  • @khust2993
    @khust2993 4 года назад +1

    sobrang lupet nito

  • @jorizavicente9815
    @jorizavicente9815 5 лет назад

    Grabe ka emar lupit mo wala nko masabi sayo

  • @haze300
    @haze300 4 года назад +12

    Kaya offbeat, kasi sayang 'yung lyrics kung babawasan ng syllables para masabay sa beat. Pero kahit offbeat, pasok pa rin sa ritmo.

    • @royventura2650
      @royventura2650 3 года назад +2

      Kase may literal na lalim ,,, may malaking puso na kumokontrol Ng daloy Ng kung ano ang ibig sabihin Ng kanta hindi para pahabain ang mensahe kundi para tumatak sa mga puso Ng may alab Ng pagkaunawa

  • @spaghetti3018
    @spaghetti3018 8 месяцев назад

    emar dipakonhanda sa mga ganito, galing mag bukas

  • @paulyne10manuel76
    @paulyne10manuel76 5 лет назад

    Bakit ang daming magagaling na rapper 2 thumbs up ako sir oldskul hiphop

  • @leesinkapnooduls1559
    @leesinkapnooduls1559 5 лет назад

    iilan nalang yung mga gantong rapper sa pinas support! bagong idol nanaman!!

  • @naseriqbal_
    @naseriqbal_ 2 года назад +1

    Naligaw talaga ako lods, nag rereview lang ako ng morpema tas Nakita ko to haha

  • @jeffalmighty4733
    @jeffalmighty4733 5 лет назад +1

    MADALING IIKI ANG LAPIS KUNG ANG TULIS AY IAASA MO SA NAGTATASA.

  • @vandolphporteria7620
    @vandolphporteria7620 3 года назад

    "Madaling umiikli ang lapis kung ang tulis ay iaasa mo sa nagtatasa" 🔥🔥🔥

  • @robertodearros6800
    @robertodearros6800 5 лет назад +4

    Shoutout sa lahat ng mga taga Silangueño. Proud 👌 Ang init Pis Emar. Urg 🔥

  • @tagaputanginamo7574
    @tagaputanginamo7574 5 лет назад +4

    damn that 90's flow @1:50 straight 🔥 🔥 🔥 🔥

  • @charlesedisonomnos
    @charlesedisonomnos 5 лет назад

    Pangilang ulit ko nang pinakikinggan solido parin talaga.

  • @wilbertleyva-yk5sc
    @wilbertleyva-yk5sc Год назад +1

    Solid taas balahibo ko Dito

  • @poy7218
    @poy7218 5 лет назад

    Salamat sa pag gawa ng musika na may kabuluhan....

  • @jimmymaranan8311
    @jimmymaranan8311 5 лет назад

    madaling umiikli ang lapis kung ang tulis ay iaaasa mo sa nagtatasa..madaling umiikli ang pangungusap kung iaasa mo sa nagbabasa💪🎧🎯

  • @attyrustico
    @attyrustico 5 лет назад

    Ang ganda! May pagka Aklas feels rin ito minsan. Good job Uprising!

  • @cjmac4810
    @cjmac4810 3 года назад

    Tangina HALIMAW ka emar industriya!!! Hindi na ko mag tataka kung bakit uprising ka 🔥🔥🔥

  • @rhafbyaherongbata2268
    @rhafbyaherongbata2268 5 лет назад

    Taon ang pag aantay! Nag ka video na din sa wakas 👏 ang lakasssss "Morpema"

  • @hayahaytv1408
    @hayahaytv1408 5 лет назад +1

    magkakaiba tayo ng kinatatayuan,may mga dahilan tayo kung bakit tayo nakakatayo pa

  • @pawloopy754
    @pawloopy754 4 года назад

    pikit mata habang nakikinig, grabe to!

  • @danielbartolo4195
    @danielbartolo4195 3 года назад

    thanks to jay flava.. sya talaga idol ni emar kaya ganyan flow at lyricism nya. credit to jay flava may halong bagsak din ng dongalo obras

    • @onionhead4502
      @onionhead4502 3 года назад

      sinabi ni Emar yan?

    • @danielbartolo4195
      @danielbartolo4195 3 года назад

      @@onionhead4502 hindi mo kilala si jay flava obviously

    • @onionhead4502
      @onionhead4502 3 года назад

      @@danielbartolo4195 kilala ko pre kasi ang tinatanong ko kung yang cinomment mo ay sinabi talaga nj emmar

  • @leefordechavia8711
    @leefordechavia8711 5 лет назад

    Ayos a galing bago sa pandinig ko..... GALING GALING

  • @DoGeatDog670
    @DoGeatDog670 5 лет назад

    Emar im huge hiphop fan pero i like the foreign hiphop scene more than our own. But because of you and other real lyricist im starting to to love our own more! Saludo!

  • @joe-marckbauzon822
    @joe-marckbauzon822 4 года назад

    maKITA, maLAMAN, maHANAP
    Morpemang malaya: KITA, LAMAN at HANAP

  • @jhainsane
    @jhainsane 5 лет назад

    Successful kuys mamar.. Galing mo tlga

  • @johnashbey6561
    @johnashbey6561 4 года назад

    BASTA UPRISING PURO APOY LAGI!!

  • @jayveedavemernado6464
    @jayveedavemernado6464 5 лет назад +1

    "Kahulugan ng mga nilalaman di sapat ang tugmaan" 🔥🔥

  • @akosiomel6561
    @akosiomel6561 11 месяцев назад +1

    Bihira nakikinig nito pero para sakin maganda kaya pinaginga' ko shot out kay emar congrats sa laban nio ni lukas

  • @renvhdungo5332
    @renvhdungo5332 5 лет назад +4

    uprising!! lagi kayong solido!!🔥🔥

  • @jokervisualss
    @jokervisualss 5 лет назад +4

    Waiting mode sa next album. Kudos! 🔥✊

    • @morphlingpar2549
      @morphlingpar2549 4 года назад

      Solid ❤️❤️❤️❤️🔥🔥🔥🔥🔥

  • @codewenn
    @codewenn 3 года назад

    isa sa pinaka solidong sulat

  • @DirtMarkMTB
    @DirtMarkMTB 5 лет назад

    lalim pare buti na reach ko solid ka talaga idol.

  • @renensalillas817
    @renensalillas817 5 лет назад

    Iba talaga pag uprising

  • @gersalia1790
    @gersalia1790 5 лет назад

    tumingin ka muna sa salamin bago ka pumuna sa tanawin!

  • @robertoresuellojraya794
    @robertoresuellojraya794 5 лет назад

    halimaw kana talaga bro emar lakas

  • @syddsydd9970
    @syddsydd9970 5 лет назад

    Dinislike ng mga di nakakaintindi

  • @Hdp13gs
    @Hdp13gs 5 лет назад

    Nakakatindig balahibo man sarap pakinggan

  • @jhepenouzgaming22523
    @jhepenouzgaming22523 5 лет назад

    Parang pamilya dimagiba Ang style, ganyan lng dapat, Sana wag na magbago

  • @laplumasingco3901
    @laplumasingco3901 5 лет назад

    More than a year ko na to pinapakinggan...Maganda din yung huminhingang palamuti at sa gitna ng depression.

  • @miketevestv3464
    @miketevestv3464 5 лет назад

    Uprising sana ma pansin niyo ko isa rin akao sa mga solidong fan ninyu ! More power Uprising

  • @jeremiahtalens5470
    @jeremiahtalens5470 4 года назад

    solid parin! sana ma wish to

  • @paulandaya3828
    @paulandaya3828 5 лет назад +1

    Solid ☝

  • @RANDOM.J_777
    @RANDOM.J_777 2 месяца назад +1

    🔥🔥🔥🔥🔥

  • @KAZUYA_EITNESS
    @KAZUYA_EITNESS 9 месяцев назад +1

    Deep Lyricist Uprising 👊✊

  • @lookingforwardbackintime7008
    @lookingforwardbackintime7008 5 лет назад

    magkita nalang tayo kung saan naipakita nya na panalo tayong lahat uprising ✊✊✊.

  • @wrongsortboyz9243
    @wrongsortboyz9243 3 года назад

    still listening on this masterpiece 👌

  • @gilacosta8909
    @gilacosta8909 5 лет назад

    ako ay manipis sa manipis kung labanan ay pakapalan shiit grabi thumbs up men 👌💪😎

  • @prettyboysalisi
    @prettyboysalisi 4 года назад

    ANG LAKAS NETO!

  • @balanzajofele.4100
    @balanzajofele.4100 5 лет назад

    long wait is over yyyeaaaaaaaaaaah salamat uprising solid

  • @raffygnzls
    @raffygnzls 5 лет назад

    dinala ako sa pinaka ilalim 🔥💜

  • @jmstim5824
    @jmstim5824 5 лет назад

    WALA KONG MASABE! GRABEEEEEEEE

  • @andoyt.2524
    @andoyt.2524 2 года назад +1

    upgraded aklas talaga nakikita ko syo sir

  • @daryltuss7556
    @daryltuss7556 5 лет назад +2

    ang lalalim brooo😮🔥🔥🔥

  • @dopephamine7186
    @dopephamine7186 5 лет назад

    Ang Ganda Sana Ng Laman.. Kaso Dipa Masyadong Magkasondo Ang Lyrics Nya At Ang Beat..

  • @levigoth2550
    @levigoth2550 5 лет назад

    NapakaAngazzzz
    Hanep na lirisismo Yan ✊