Sa libingan ni Yoyoy Villame. Music credits to Yoyoy Villame and management.

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 23 окт 2024
  • SA LIBINGAN NI YOYOY VILLAME ay nag-alay ng awitin, bulaklak at panalangin ang mga miyembro ng Team Gwapita Mañanita, isang grupo ng mga mang-aawit na libreng kumakanta at naghahatid ng kasiyahan sa mga nagdiriwang ng kanilang kaarawan sa Calape, Bohol.
    Bilang pagpugay sa kilalang artista, komedyante at mang-aawit na maituturing na bayani sa larangan ng musika na si Yoyoy Villame na minsan ay naging bahagi rin ng kanilang buhay ay nagkaisa at nagtulungan ang grupo na maglinis sa libingan ni Yoyoy, umawit ng isa sa mga paborito nitong awitin na may pamagat na “Butsikek” at pagkatapos ay masayang nagtipon sa maliit na salu-salo sa ibabaw ng libingan ni Yoyoy.
    Para sa kaalaman ng nakararami at lalung-lalo na sa mga tagahanga ni Yoyoy Villame, na hanggang ngayon ay hindi pa rin nalalaman kung saan nakahimlay ang sikat na mang-aawit, siya ay nandito ngayon sa labas ng sementeryo ng Calape Catholic Cemetery sa gilid ng kalsada sa Brgy. Bonbon, Calape, Bohol. Isang malungkot na katotohanan na ang ating pinakamamahal na si Yoyoy Villame mula ng namatay noong Mayo 18, 2007 o mahigitt labing-apat na taon (14 taon) na ang nakalilipas ay naging biktima ng diskriminasyon sa libingan ng mga patay. Kaya’t ang grupo ng mang-aawit na Team Gwapita Mañanita ay nananawagan sa sinumang responsable na nagbawal na siya ay ilibing sa loob ng sementeryo, na pahintulutan siyang ilipat sa loob ng sementeryo ng Calape Catholic Cemetery sa Calape, Bohol upang mabigyan ng isang maayos at marangal na himlayan na karapat-dapat para sa kanya, bilang pagpugay at pagtanaw ng utang na loob sa lahat ng naiambag nya sa ating bansa sa larangan ng musika.

Комментарии • 105