PAKIKIHAWIG SA DIYOS

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 12 окт 2024
  • PAKIKIHAWIG SA DIYOS
    Homiliya para sa Miyerkules ng Abo,
    02 Marso 2022, Mateo 6:1-6, 16-18
    Pananalangin, Pag-aayuno, at pagkakawanggawa. Itong tatlong ito ay mga DISIPLINA, mga pagsasanay na espiritwal na ginagawa rin ng mga Hudyo at Muslim, bukod sa ating mga Kristiyano. Itong tatlong ito ang madalas kong tawaging mga paraan ng “spiritual workout”. Kumbaga sa katawan ng tao, ang kaluluwa natin kailangan din ng workout, kung ayaw nating tumamlay, humina at maging sakitin. Mga disiplina ito na napaka-importante para manatiling malakas ang ating buhay espiritwal, malusog at may resistensya sa paglusob o pag-atake ng dimonyo.
    Pero sa araw na ito ng simula ng Panahon ng Kuwaresma, ang importanteng pagnilayan natin ay ang kaugnayan ng tatlong ito sa isa’t isa. Kapag nawalan ng kaugnayan ang pananalangin natin, pag-aayuno at pagkakawanggawa sa isa’t isa, nawawalan ng kahulugan ang mga ito. Ito ang pinaka-punto ng mga pagbasa natin ngayon. Kumbaga sa buhay ng isang punongkahoy, may kaugnayan sa isa’t isa ang pag-usbong, pamumulaklak at pagbubunga ng ating pagkatao, tungo sa ating tunay na pakikihawig sa Diyos.
    Ang paglapit natin sa Diyos ay nagpapabago sa ating pagkatao. Katulad ng pagbabagong nangyari kay Moises ayon sa Bibliya. Kapag umaakyat daw si Moises sa bundok para manalangin, sa pagbaba niya, napapansin daw ng mga Israelita na parang kumikinang ang mukha niya. Naaaninag nila ang ninging ng pagka-Diyos sa pagkatao niya. Naaaninag sa kanya ang hugis at wangis ng Diyos. Sa madaling salita, nakakahawig ang Diyos.
    Ipapaliwanag ko pa nang kaunti, baka kasi magkamali kayo ng intindi. Madalas kasing sakyan ni Satanas ang prosesong ito ng pakikihawig sa Diyos. Minsan, maayos sa simula, pero sa katagalan, naililihis niya. Naililigaw niya tayo tungo sa maling pakikihawig o pakikitulad sa Diyos, katulad ng panunuksong ginawa niya kina Adan at Eba. Inudyok silang sumuway. “Hindi naman totoong mamamatay kayo pag kumain kayo ng bungang iyan,” wika niya. “Magiging katulad kayo ng Diyos!”
    Hindi pakikihawig sa Diyos ang itinuturo sa atin ni Satanas kanila kundi pagbabalatkayo at pagdi-diyosdiyosan. Imbes na mapaganda ang ating pagkatao, pinapapangit niya. Lalo tayong inilalayo sa itsura ng Diyos at inilalapit sa itsura ng dimonyo. Ano ang panlaban dito?
    Pananalangin na may pag-aayuno, pag-aayuno na nagkakawanggawa, at pagkakawanggawa na bumabalik din sa pananalangin. Hindi hiwalay ang tatlo. Nagdudulot lamang ng lakas at sigla sa atin kapag magkakaugnay ang tatlo. Pagnilayan pa natin nang kaunti.
    PANANALANGIN. Ito ay pakikinig sa Diyos. Alam mong naririnig mo ang Diyos kapag naririnig mo na rin ang mga tinig at hinaing ng maraming tumatawag sa sa Diyos. Merong ganyang eksena sa pelikulang TANGING YAMAN. Nasa loob ng simbahan ang lola, kasama ang kanyang apo. Maraming mga tao sa loob ng simbahan, bawat isa may idinarasal din at parang naririnig ng apo. Kaya itatanong niya sa lola, “Lola, hindi ba nalilito ang Diyos sa atin? Sabay-sabay kasi tayong nagdarasal at iba iba ang hinihingi natin. Naririnig po ba niya tayong lahat?”
    Sagot ng lola, “Oo, pati yung hindi natin sinasabi na nasa loob natin naririnig din niya. Parang ikaw, alam kong paglabas natin dito sa simbahan gusto mo ibili kita ng lobo.” Sabi ng apo, “Po? pano nyo nalaman?” Sabi ni lola, “Kasi lab kita. Kahit di mo sabihin alam ko ang nagpapasaya sa iyo. Ganyan din si God. Alam nya. Kasi mahal niya tayo.”
    Ang panalangin ang nagbubukas sa ating kalooban para marinig din natin ang mga hiling ng ating kapwa. Nagpaparamdam sa atin sa nararamdaman ng Diyos. Dito pumapasok ang kaugnayan ng prayer at fasting. Ang pag-aayuno ay kusang-loob na pagsupil sa ating mga hilig at pagnanasa. Ang pinakamabilis kasi nating maramdaman ay ang mga bagay na may kinalaman sa ating sarili, sariling pagkagutom, sariling pagkauhaw, sariling mga hilig. Kung minsan, kailangan nating matutunang supilin ang mga ito para maramdaman din natin ang pagkagutom ng iba, ang mga pagdurusa at hirap na pinagdaraanan ng kapwa.
    Di ba, kahit gaano ka kagutom, kahit anong sarap ng pagkain sa harapan mo, parang hindi mo ito makain at malasap kapag naiiisip mo ang mga walang makain o namamatay ng gutom. Kahit ipikit mo ang mga mata mo, nakikita mo sila. Sa pag-aayuno, imbes na iwasan sila, kailangang harapin sila. Sinusupil muna natin ang ating mga hilig, para maramdaman natin at maranasan ang nararanasan nila. Ito ang bumago kay Moises nang makita niya ang pagdurusa ng mga aliping Hebreo. Bumabalik balik sa kanyang alaala.
    Sa ating first reading, ang sinabi ng propetang Joel ay parang akmang akma sa pinagdaraanan ngayon ng mga Ukrainians. “Mahabag ka Panginoon sa iyong bayan. Huwag mong kaming hayaang malupig at muling pagharian ng mga dayuhan.” Isipin natin na ang nangyayari sa kanila ay pwede ring mangyari sa atin. Di nga ba’t nagsimula na tayong sakupin ng China noon pa?

Комментарии • 30

  • @anitadeocampo8389
    @anitadeocampo8389 2 года назад

    Ang kailangan natin ay ipagdasal na ang kapitbansa natin na kinakamkam ang ating soberanya sa karagatan ay huwag gumaya sa ginawa ng Russia sa Ukraine.

  • @leticiabalitaan5924
    @leticiabalitaan5924 Год назад

    Beautiful and touching homily , ho Bishop David.

  • @erlysantos4946
    @erlysantos4946 2 года назад

    Amen amen amen
    In jesus name
    Amen

  • @anitaenecilla1687
    @anitaenecilla1687 2 года назад

    Belated happy birthday po Bishop Ambo.... TcGB po!

  • @avelinamanamtam967
    @avelinamanamtam967 Год назад

    Amen 🙏🥰

  • @GabrielDelorino-v5u
    @GabrielDelorino-v5u 7 месяцев назад

    ❤ Salamat po Bishop ❤

  • @leticiabalitaan5924
    @leticiabalitaan5924 2 года назад

    God afternoon ho, Bishop David …inspiring and enlightening homily..

  • @coradayag1956
    @coradayag1956 7 месяцев назад

    Thank you Bishop, my favorite storyteller ! God bless you more. !!! ❤

  • @florpascual2694
    @florpascual2694 2 года назад +2

    Opo kasama Ukraine sa prayers and intercession,nakakatouch din po mga bata na nag rorosary...Mama Mary please take care of Ukranians especially the childrens in Jesus name Amen!🙏🙏🙏Thank you po Father God!

  • @tesssorza8239
    @tesssorza8239 2 года назад

    Thank you Bishop God Bless

  • @lovellawagan2961
    @lovellawagan2961 2 года назад

    AMEN 🙏🙏🙏

  • @ophieyaleahsarmiento9374
    @ophieyaleahsarmiento9374 2 года назад

    Amen 🙏. Salamat sa Diyos. 🙏

  • @amandaguiam8962
    @amandaguiam8962 2 года назад

    A very happy birthday Fr Ambo.may you be more blessed 💯💝💞💕😘🥳🎉🎉🎊🎂🍮🥗🍧🥑🍇🍎🍑🍎🍈

  • @josieazcona3040
    @josieazcona3040 2 года назад

    🙏🙏🙏

  • @gregoriakolber7903
    @gregoriakolber7903 2 года назад

    Salamat po, Bishop David, sa maganda nyong homily!
    Tamang-tama po at naliwanagan namin ang ibig sabihin ng fasting, di lang sa pagkain at aliwan kundi ang pagbahagi ng mga tinipid mong pera para sa mga nanganga -
    ilangan! Amen!

  • @annamarie4962
    @annamarie4962 2 года назад

    Birthday blessings Bp Ambo. 🙏

  • @florpascual2694
    @florpascual2694 2 года назад

    Amen po Bishop Ambo,Praise God nakapag papahid na po ng abo today.
    Birthday blessings po and more blessings to come.💝💝💝💝🙏🙏🙏

  • @julietahamoaynazif5203
    @julietahamoaynazif5203 2 года назад

    Thank you Bishop Ambo! Godbless 🙏

  • @melliemedina8801
    @melliemedina8801 2 года назад

    Amen🙏🙏🙏
    Thank you po Bishop Ambo.

    • @soledadabila3715
      @soledadabila3715 2 года назад

      I really cry everytime when i see what is happening in Russia and Ucraine.Let us pray that those poweefull countiries with their respective alliance might have a peacefull agreement. Ang sakit tanggapin na bakit ang mahihirap (kasama ako)ang laging nagdudusa.

  • @emmaicolirio324
    @emmaicolirio324 2 года назад

    Amen 🙏God bless you more healthy long years to celebrate life in fulfilling your mission. Thanks po for very inspiring homily🙏🙏💕

  • @stephaniegonzales9868
    @stephaniegonzales9868 2 года назад +1

    StephanieRaeM.Mendoze34

  • @teresitadanglacruz6852
    @teresitadanglacruz6852 2 года назад

    How can people abroad send our donation ?

  • @nievessalamida7086
    @nievessalamida7086 2 года назад

    how will i send my "Alay Kapwa Program donation "

  • @arielmartinsoliman7413
    @arielmartinsoliman7413 2 года назад

    Gcash po nalang

  • @godwins825
    @godwins825 2 года назад

    Russia is 😊