Zelle - Sabihin (Lyrics)

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 26 сен 2022
  • Please LIKE and SUBSCRIBE for more lyrics updates. Thank you!!
    Music Video : • Zelle - Sabihin (Music...
    Zelle - Sabihin Lyrics :
    Bakit wala ka pa
    Kasama ka'y parang nag-iisa
    Pangakong nagmamahal
    Aalis ka rin pala
    Sabihin mo na kung babalik ka pa
    Para di na maghintay
    Sabihin mo na kung aayaw ka na
    Para lang malaman ko oh
    Naririnig mo ba ako
    Sigaw ko ba'y walang tinig
    Nakaya kong walang imik
    Naririnig naman ako
    Sabihin mo na kung babalik ka pa
    Para di na maghintay
    Sabihin mo na kung aayaw ka na
    Para lang malaman ko
    Iiyak na lang
    Iiyak na lang
    Hey yeah
    Bakit wala ka pa
    Naririnig naman ako
    Sabihin mo na kung babalik ka pa
    Para di na maghintay
    Sabihin mo na kung aayaw ka na
    Para lang malaman ko
    #Sabihin #Zelle #SabihinLyrics
  • ВидеоклипыВидеоклипы

Комментарии • 867

  • @kimchingayuntv.1459
    @kimchingayuntv.1459 3 месяца назад +14

    😢😢😢😢😢ang natutunan ko sa kanta na to... ay dpat mahalin mo ang iyong sarili... wag mo ibubuhos lahat s knya... kse para pag I ignored ka nya... d ka masyado ma saktan kse npaka sakit na di pinapansin... tpos sa huli mag papa ramdam din pala... babalik din pala.. masakit lang kse yung tipong natatauhan kana na kakaisip kana, tuluyang lalayo dun sila magpapamdam... 😢😢😢

  • @KdramashortsLovers
    @KdramashortsLovers Год назад +31

    Saturday - APRIL 15 2023
    Time - 12:30 am
    Bawat like sa notification pa pakingan ko ulet. 😂

  • @EriPlays14
    @EriPlays14 2 месяца назад +8

    Grabe itong kantang to naalala ko noong 2nd Year Highschool pa ako habang nag lalaro ng cabal online, masyadong bata pa ako at ang alam ko lng ay maganda tong kantang to, pero ngayon matanda na ako mas naiintindihan ko na ngayon ung totoong message ng kanta. At sobrang sakit pala talaga ng kantang ito.

  • @clemencrisostomo9827
    @clemencrisostomo9827 Год назад +20

    Tuwing na napapangkinggan kotong music nato na alala ko yung manga bawat sandali namen ng ex nabubuhay pa sya then hanggang ngayon dipako maka move basta sabi nya saken lahat aalis pero kahit nasa langit nako palagi kitang babantayan:(

  • @TRENDOPMMUSIC
    @TRENDOPMMUSIC 6 месяцев назад +53

    The more you will hear the song, the more you will fall for it, this song deserves all the love and appreciation!

    • @Ailet909
      @Ailet909 5 месяцев назад +2

      Hdhjeg

    • @madeldivinagracia5597
      @madeldivinagracia5597 2 месяца назад

      THE SECOND ONE SAID MY HEART

    • @RhenalynMacasil
      @RhenalynMacasil 23 дня назад

      ​@@Ailet909rjrjhgennb.nnnnnhnbmkjnhkjh.rbngydjkkxmmkkkhnnyej❤❤😂😢😊

  • @hawkienzeroblin960
    @hawkienzeroblin960 3 месяца назад +4

    grabe itong kanta na ito flash back lahat noong time na sa olongapo ako ito yung totog na narinig ko habang akoy kinakabitanbng bilotas dalawa sa subic ship yard ako nag work that time grabe sa twing naririnig ko ito nalulungkot ako gawa Ng masasayang mga araw sa totog na ito pasensya na po....

  • @benavidezjessa
    @benavidezjessa 14 дней назад +2

    Nkaka sasad nman songs nman too parang break up😢😢😢😢

  • @maryrosesophiasoriano3074
    @maryrosesophiasoriano3074 Год назад +10

    relate sa kantang ito. na'g break kami nung feb 7:D i can't believe na kinaya n'ya na wla ako sa tabi n'ya kinaya n'ya lahat yon good for him. and now ma'y bago na s'yang binubuo habang ako'y nadudurog deep inside. pero i can do both masaya na era outside
    malungkot na era deep inside. I'll wait for him 1 year waiting like nung sinabi ko sakanya. hihintayin ko s'ya kahit alam kong sa huli wla rin ako mapapala sa pa'g hihintay ko. ka'ya ko maghintay para sakanya kahit masaktan pa'ko totoo nga sinabi ko sakanya sa iba s'ya itinadhana and inaccept n'ya ung tadhanang iyon.

  • @user-bz5fz7jo9m
    @user-bz5fz7jo9m 5 месяцев назад +25

    May naaalala ako sa tugtog na'to, yung taong nagsasabi sa'kin dati na hindi ako iiwan at mahal na mahal ako pero siya ang unang bumitaw:

  • @kevincharlestan7654
    @kevincharlestan7654 2 месяца назад +3

    ngayon ko lng napakingan kung lyrics ng kanta, sakit pla sa puso nito, minsan kahit sabihing d n babalik pero kung mahal natin mag aantay p rin tyo...

  • @casseycruz275
    @casseycruz275 28 дней назад +2

    Love of the condor heroes. ❤ Grabe ang tanda kona.

  • @kylematocenioo
    @kylematocenioo Год назад +42

    I still remember my ex with this song, umabot kami ng halos 1 year and 8 month wayback 2019 pa sobrang saya namin and we build up more memories ng magkasama kaso dumating yung time na nag sabi sya saken na hirap daw syang mag focus sa pag aaral kase yung oras daw nya napupunta na saken lahat, sinabihan nya ako na mag break nalang daw kami and start to focus sa pag aaral then pumayag ako para makatapos sya then halos 3 months kaming walang communication, hindi na sya nag rereply sa mga texes ko and wala narin update sakanya until i saw him na nag myday ng picture kasama yung bago nya sobrang nasaktan ako kase umasa lang ako sa wala.

  • @crisjeamssalvador8952
    @crisjeamssalvador8952 Год назад +15

    minsan sa tugtog nato, dimo maiiwasan na may maalalang tao.

  • @MHT_MUSIC_2023
    @MHT_MUSIC_2023 8 месяцев назад +27

    I watched this video comparing the song and the English subtitles. It honestly made me appreciate how poetic and beautiful Tagalog is. The translation just doesn’t have the same emotions. We should be proud of our language💖💖💖

  • @ArgieAntonio-us8rf
    @ArgieAntonio-us8rf Месяц назад +2

    Ako din miss kona aso ko hehehhe😂😂😂

  • @leeann3462
    @leeann3462 Год назад +24

    Kung hindi mo kayang ibalik yung pagmamahal na binibigay niya, better TELL THE TRUTH. You dont know how much pain you are causing that person. Why would you put others in a situation you dont want yourself in? BE A HUMAN. The last thing you could do is apologize to him/her. Wag bobo. Magsabi ka ng totoo, di yun mahirap intindihin kung may brain ka.

    • @hyacinthonly
      @hyacinthonly 7 месяцев назад

      ako na pinagpustahan lang .-.

  • @jamesdesalobre564
    @jamesdesalobre564 Год назад +21

    Thank you kay Lord kase binigay nyako sa tamang Tao❤🙏

  • @pinksvlogsmwuah8208
    @pinksvlogsmwuah8208 Год назад +14

    I thought I would never go through this again, it's painful when you leave the most important person in your life, you can't do anything, you're the only one who's on your own

  • @joshuadolar8069
    @joshuadolar8069 Год назад +32

    Nakita ko lang sa TikTok kaya pinakinggan ko Ng buo Dito💯solid pa din💯🤍

  • @dulaykaila8055
    @dulaykaila8055 Год назад +11

    Sa TikTok ko to narinig Kaya pumunta Ako dtu para marinig full music bat nmn apaka Ganda 😭 💜

  • @staychill6864
    @staychill6864 9 месяцев назад +21

    Im arab and i have alot of frnds from ph

  • @judyheyrosa3270
    @judyheyrosa3270 Год назад +8

    I was remember this song nong sinabi niya na pupunta siya ng korea dahil sa ipapakasal siya ng mommy niya sa anak ng business partners nila and sabi ko nalang na pumayag ka nalang kasi mommy mo yan siya naman ang masusunod eh hindi naman ikaw kahit mag decision kapa na ayaw mo umuwi ng korea kukunin ka parin niya diyo sa pinas kasi kailangan talaga na matuloy kasal niyo papayag naman ako kahit masakit its almost 5 years siya parin hinihintay ko

  • @elisasolano6275
    @elisasolano6275 Год назад +7

    Nice may isang tao lang ako naalala dahil sa kanta nato halos 9months nako naghihintay pero di parin bumabalik sakinHAHAH masaya nasila ng kaibigan ko at proud ako sa kanyan kaya nag start nako kalimutan lahat samen😊

  • @pinksvlogsmwuah8208
    @pinksvlogsmwuah8208 Год назад +8

    Ang akala mo wala lang tas bigla nlng darating yong Suddenly an opportunity will come that you did not expect sakit nung time hindi ko alam pano ako nakabangon As long as I accept it, even if it hurts, I forgive so that my strength can come back, that's all I know how to do..

  • @MusaofMelodix12
    @MusaofMelodix12 Год назад +13

    Ang saya mag MAHAL kaso ang SAKIT MASAKTAN!!! 😭😭😭

    • @RhenielFernandez
      @RhenielFernandez 6 месяцев назад

      Pinili mo Kasi Yung manlloloko kung pinili mo sana Yung seryoso Sayo di ka masaktan tas sasabihin mo lahat ng lalake man loloko

  • @karlsteventipayaguilar9382
    @karlsteventipayaguilar9382 Год назад +28

    Life goes on, i know we all encounter so much pain in our life but mine was so heavy, I've been betrayed by someone who i love the most and even it's been 2 yrs ago still the ache from the pain she give me is still there.

  • @thundercruz8820
    @thundercruz8820 3 месяца назад +3

    Meron talagang tao na makilala mu para lang saktan ka😅😅😅

  • @yayanmielvlogs
    @yayanmielvlogs Год назад +9

    fav. ko to kantahin sa videoke😅🥰🥰🥰

  • @ronnierickdespi5081
    @ronnierickdespi5081 Год назад +13

    Ang ganda talaga pakinggang itong song na to pag katapos kantahin ipa pa sound naman habang natutulog tapos may kunting tumo tulo na luha😭😭😔😔😔

  • @user-nx9ju5bh4f
    @user-nx9ju5bh4f Год назад +1

    I don't know pero kapag naririnig ko ito mix emotion nararamdaman ko.. sobrang sakit ng karanasan ko sa past relationship ko.. i donno why kung bakit sa kabila ng lahat he even tell me to wait pero wala eh lastly kona lng nalaman na yung hinihintay ko nakabuntis na pala ng iba.. but now i'm happy for him its been 5 years na rin nakalipas...See you soon if times na magkita tayo seeing you happy now with your family makes me happy too..... Last year 2022 i found someone na bubukas ulit ng puso ko... To my ex thank you for the years we had..i cheerish it and our memory will still in my heart... I hope your always good don't cry i know iyakin ka😂😂😂..

  • @clarisseacero2880
    @clarisseacero2880 Год назад +24

    "SABIHIN MO NA KUNG BABALIK KAPA , PARA DI NA MAG HINTAY "😭
    This Stanza hit me so much 😓 masakit na alam kung masaya na sya sa iba .. but still i'll wait for him na baka isang araw ma realize nya na kaya kung tiisin lahat 😓 kaya kung intayin 🥺 pero di ibig sabihin nun marupok na ako .. Binabalik ko lang nung akoy Down And His there to love me 😓 di ko lang inasahan na AALIS RIN PALA SYA 😭😭

    • @markranieldamian1682
      @markranieldamian1682 Год назад

      gagi ang lungkot

    • @markranieldamian1682
      @markranieldamian1682 Год назад

      kawawa a

    • @sheriemaysescon4089
      @sheriemaysescon4089 Год назад

      I feel you po grabe 😭

    • @DeovicPlacido-hq1oe
      @DeovicPlacido-hq1oe 2 месяца назад

      Like a story of miyana YUKA the girl who live in human city she loves hakael and hakael loves him .
      Because of a curse hakael chose to break his heart so that she never remember him or waiting for nothing .

  • @danaymamuvlogofw2530
    @danaymamuvlogofw2530 9 месяцев назад +5

    Sobrang nakaka relate sa Lyrics so touching Tagos na tagos sa puso ❤

  • @kangihionko
    @kangihionko 4 месяца назад

    eto ung fav ko sa videokehan eh pang warak tlga HAHAHHA. add pa one bots. umiikot na paningin mo... stumbling along the way sa CR. Broken heart and Wasak na wasak ang sarili. 💔💔💔

  • @ronaldrendorio7537
    @ronaldrendorio7537 10 месяцев назад +1

    Ang Ganda ng kanta.til now di na ako binalikan.sana kinausap man Lang ako Para may closure.

  • @jessacarillocabusao5863
    @jessacarillocabusao5863 Год назад +72

    I'm still into him, it's been 3 years but I can't forget him 😭.

  • @shanleyclaireabad1372
    @shanleyclaireabad1372 Год назад +32

    still into him 4yrs, can't forget him hehe

  • @torresjoeymabansag8424
    @torresjoeymabansag8424 Год назад +4

    Habang nagiinjoy ako pakingan unti unting tumutulo luha ko dahil naalala Ko parin kung gaano sya kahalaga😭😭😭😭

  • @EllenJapitan-wu6zs
    @EllenJapitan-wu6zs 5 месяцев назад

    Pero kahit kailan hindi ko pinagsawaan na pakinggan to dahil ang kantang to ang magdadala sa akin upang maging malakas at palaban❤

  • @EthelmarieBesin
    @EthelmarieBesin 26 дней назад

    Ang Gandang pakinggan ang kanta na zelle band we loved it

  • @user-xb5gh6gh5x
    @user-xb5gh6gh5x 7 месяцев назад +1

    Aalis ka mo na😢😢😢

  • @jeanrepal9750
    @jeanrepal9750 Год назад +15

    The first time i heard this song, diko talaga knows ano meaning eh or diko knows yung lyrics kasi first time ko lang narinig. Ex ko yung nagpa tug² while I'm eating sa carenderia malapit sa school, sinamahan nya ako kumain kasi di pa ako nag eat. Iba na yung treatment nya saakin, when he played this song he's so quiet so i ask him if he's okay ba then he said he's okay kaya i continue to eat. Monthsarry namin nun pero I don't feel any excitement while I'm with him that time kasi parang wala na ako, iniiwan lang sa pag lalakad haha. Friday yun nang yari then sa saturday meron silang ginawang project sa science, kasama sila nung girl na pinagseselosan ko ang I don't like her, they're classmate kasi. Magkasama sila gumawa kahit hindi sila magka group idk why, my ex still updating me what's happening there kahit nasasaktan na ako and nag o-overthink. Pagka sunday night he said pagod na siya saakin kaya gusto na nyang bumitaw pero i refuse because i love him, then when i refuse he changed his mind ayaw na nyang bumitaw pero minute later he give another reason which is his family hindi ko na sasabihin what happened pero masakit. I can't refuse to him because sa reason nya kaya ang nangyari is we broke up. Now it's Wednesday and i badly want to talk to him, just to ask something and to clarify so something, I wanted to say sorry for him too for what i did to him if i hurt him.
    Tubii i miss you but i know we can't be together again. If kita jud mag agad ratas panahon.

  • @Kairooo_101
    @Kairooo_101 Год назад

    hayss everytime i hear this music it always reminds me of him,kaya pag nagpapatugtog mga cm ko sa school walk out nalang ako...... bat ba kasi masyadong broken tong music nato

  • @juliusermita6948
    @juliusermita6948 Год назад +7

    Kung kelan sumagot na ako sayo nang OO..saka ka naging ganyan..
    Hindi ko alam kung babalik ka pa ba..bakit ka pa pumasok sa buhay ko..okay naman ako nung wala k

  • @thekillerenson6410
    @thekillerenson6410 Год назад +1

    lagi n lng ako naiiyak at Maraming alalaala pag naririnig koto napakahirap mag simula mahirap ibalik ung dating saya at lalong mahirap mag simula ng mag isa

  • @evaangeles3275
    @evaangeles3275 Год назад +5

    Sobrang ganda ng song na to lakas maka senti haha saka ung voice ng singer ganda.

  • @Mammondecroissant07
    @Mammondecroissant07 3 месяца назад

    Napagandang song i like this song soooo muchhh ❤❤❤❤

  • @rubenbacolores
    @rubenbacolores Год назад +2

    😢pag yan kanta naalala ko yun ex ko

  • @whatsupdoc28
    @whatsupdoc28 Год назад +2

    Ito yung Moira namin dati 🤘

  • @haraya_manawari
    @haraya_manawari Год назад +81

    hearing this always reminds me of commutes to my college during the late 2000's
    good times

  • @nicaaaaaa689
    @nicaaaaaa689 Год назад +47

    It's been 1year and 4 months since we last talk, he left without even saying goodbye and im still hurting i dont know how to move on. And i still love him, idk why maybe because he's the boy that made me feel what love is i really really love him and I'm still hoping that someday he will explain why did he left me.

    • @EnahMumu.23
      @EnahMumu.23 Год назад +1

      Sending virtual hugs 🥹

    • @kurapikakurta6125
      @kurapikakurta6125 Год назад

      if it didnt work out it aint love.

    • @jeffreymanalastas7399
      @jeffreymanalastas7399 Год назад

      Remember that the government TROOPS and government agencies to the government government dumbness zones government government dumbness handicapped by some of course means to the future dumbness handicapped by some snow 2nd years high shrub which is or what do you

  • @GinoongGhoster
    @GinoongGhoster 2 месяца назад

    ito yung kanta na kahit 2024 na ang catchy parin eto kasi yung isa sa mga kanta na ginawa ng may emosyon hindi tulad ngayon na gumagawa ng kanta para lang sa kasikatan at walang kabuluhan ang mga laman ng mga kantang binibigkas

  • @RichardMaguate
    @RichardMaguate 27 дней назад +1

    Miss Kona Yung Asawa ko sa song NATO iniwan ako kahit buntis nasya

  • @nhorabenito8809
    @nhorabenito8809 3 месяца назад

    Relate aq sa song na to ung ilang years kayo nag sama hnd kayo nag away, tapus at the end iwan ka sa ere at ang masakit pa dun nagkaanak pa kami😢😢.
    Pero as a single mom fight lang para sa anak.

  • @PabloAdoracion-on5vs
    @PabloAdoracion-on5vs Год назад

    Naging biburit ko natong song NATO subrang Ganda ❤❤❤❤

  • @JeanneIrishArceo-iv3hj
    @JeanneIrishArceo-iv3hj 8 месяцев назад +5

    Very relaxing to hear this song❤️

    • @OscarBelisano
      @OscarBelisano 7 месяцев назад

      rhchfgjhgsgdfkhkfggkbfdhkvmgjnjgkbghxfvjvkvmbgfgfhfhgkhjgkg

  • @jamescabagbag8762
    @jamescabagbag8762 Год назад

    Ang powerful ng kanta syett

  • @sydneyljnacario15
    @sydneyljnacario15 Год назад +5

    I love it

  • @ednaparagoso559
    @ednaparagoso559 Месяц назад

    Ang ganda

  • @johnjimianaAtilano
    @johnjimianaAtilano Месяц назад

    Ganda talaga ni ate zelle

  • @jhanewellvillavicencio5341
    @jhanewellvillavicencio5341 Год назад +1

    Kaiyakkkk😭💔

  • @parkminiee1077
    @parkminiee1077 Год назад +20

    I'm tired of waiting, but for you I will

  • @mizukikazuma3303
    @mizukikazuma3303 21 день назад

    Grabe havang binabasa ko lahat ng comment with this song, nasasaktan ako feel ko mangyayari sakin toh kaya hinahanda ko na yung sarili ko

  • @kathaliagraciela5290
    @kathaliagraciela5290 2 месяца назад

    Wow ganda ng tuno ng song ❤😇😇😇😘😘☺☺🤗🤗😻😻😻

  • @_chillBruh
    @_chillBruh Год назад

    inaabanga ko to mag hapon sa radio ee haha

  • @SteveMaquiling-nn3gq
    @SteveMaquiling-nn3gq 2 месяца назад

    Nakaka relate tong kanta na to yung di mo alam kung hihintayin mo pa ba na babalik siya kahit malabo😁💔

  • @ryanlykatv.kawaray1044
    @ryanlykatv.kawaray1044 2 месяца назад

    ❤Nice song.

  • @Lito_Pepito
    @Lito_Pepito 3 месяца назад +1

    Masaya lang sa una lahat naman aalis talaga pero pagdating sa dulo nabali ang sanga.

  • @cherrisesanpedro6472
    @cherrisesanpedro6472 Месяц назад

    Pinakilig lang ng ilang buwan aalis rin pala hahahha. Sinanay lang ako hahahahaha

  • @jenardsidayan2300
    @jenardsidayan2300 5 месяцев назад

    Relate ako sa song NATO,kahit gaano mo Pala ka mahal Ang Isang tao pag nalaman mo niloko ka lang mawawalan ka Ng ganna sa tao mahal mo😢 gusto mo nalang tapusin Kai sa ayusin😢😢

  • @kenjiedejesus697
    @kenjiedejesus697 Год назад +905

    Naalala ko ex ko nung nandito pa sya sobrang saya namin then sabi nya next week ka nalang pumunta and nung umuwi ako nag chat pa kami and kinabukasan ayun wala na wala ng update naisipan ko sya puntahan sa work nya sabi umalis na daw sya tapos nag chat ako di sya nag rereply busy daw sya inintindi ko nalang kasi mahal ko tapos nag my day sya sa iba na pala sya nag wowork sabi nya babalik daw sya pero ilang month's na hindi pa sya bumabalik and until now hinihintay kopa din sya

  • @deejaycabungan1277
    @deejaycabungan1277 Год назад +1

    angas mo talaga zelle i love you

  • @regemdadios9433
    @regemdadios9433 4 месяца назад

    Ang Ganda 👏👏👏👏👏

  • @beverlenbestante
    @beverlenbestante Год назад

    😢❤❤love totoo talaga angganda😊😊

  • @melissadimalanta7462
    @melissadimalanta7462 Год назад +4

    babalik ako dito pag broken nako ahahahah.

  • @Michellemequiz
    @Michellemequiz Год назад +1

    napaka sakit nitong song NATO pramiss😥🥺🥺🥺🥺

  • @grace-oe6uk
    @grace-oe6uk Год назад +3

    this song hit so different.

  • @patriciasunga0330
    @patriciasunga0330 Год назад

    Grabi solid tong kanta nato meron na syang bago ngayon masakit parin umaasa parin akk na babalik parin sya ung mga ngiti nia kase na giangawa ko noon iba na ang gumagawa ng. Ngiti nya ngayon

  • @user-un5tk8pt2x
    @user-un5tk8pt2x Год назад +7

    Move on mga guys, God's Love You.

  • @aozorameko
    @aozorameko Год назад +31

    my favorite song since i was 6 yrs old, even though i don't understand the lyrics back then, ang ganda gand pakinggan.

  • @cjprincillo2719
    @cjprincillo2719 Год назад +5

    SHANE MAHAL KITA ALAM MO YAN PERO TAMA NA, ANSAKIT NA SOBRA

  • @EllenJapitan-wu6zs
    @EllenJapitan-wu6zs 5 месяцев назад

    Ito yung kanta na sobrang dumurog sa akin hanggang ngayun......yung tipong hindi ko alam kung paano nag move on😢😢😢😢 sa bawat oras nanaririnig ko to lahat bumabalik ang memories nanagwa namin in the past...pero isa lang ang tanong ko..bat ang dalidali sa kanya na palitan ako😢😢😢😢😢

  • @michellemahinay8068
    @michellemahinay8068 Год назад +1

    Ang ganda namn ng song nato

  • @ShankyNew
    @ShankyNew 8 месяцев назад +1

    I love this song ❤️

  • @jervinbarot3033
    @jervinbarot3033 Год назад

    Pag naririnig ko tong kantang to napapaluha nalang ako kasi may classmate ako na naging crush ko since grade 6 hanggang nung tumuntong kami ng senior high grade 12 akala ko sya na kasi Pag nakikita ko sya ang gaan ng pakiramdam ko pero hindi pa pala sya yung para sa akin kaya perfect talaga sakin ung kantang to

  • @lesliybahin1376
    @lesliybahin1376 Год назад

    Ang lungkot nito sakit sa heart Hahahahah

  • @pinksvlogsmwuah8208
    @pinksvlogsmwuah8208 Год назад

    Hindi ko ma imagine nung time na mangyare sakin ngayon years na ko nkipaglaban feeling malakas pero wala tau magagawa.

  • @user-kn8pi9qf1k
    @user-kn8pi9qf1k Год назад

    grabe na kanta to napaka ganda naka kaiyak

  • @user-nz8rb7sp9y
    @user-nz8rb7sp9y 7 месяцев назад

  • @nicztv1189
    @nicztv1189 3 месяца назад

    Grabi ganda

  • @ReymonJasareno
    @ReymonJasareno 2 месяца назад

    Napaka sakit ng kantang too
    Ramdam na ramdam Yung sakit na parang tinusok ng karayom Ang puso ko

  • @joelserraon1913
    @joelserraon1913 10 месяцев назад

    mas matanda parin talaga ang lumang kanta, di gaya ng mga bago

  • @gemalynminoza5184
    @gemalynminoza5184 4 месяца назад

    subrang relate KO itong kanta NATO 😢😢😢😢😢

  • @jerlynferrer-zm7gn
    @jerlynferrer-zm7gn Год назад

    nakakaitak naman pala ang music

  • @daieun3985
    @daieun3985 Год назад +2

    Dati nagandahan lang ako sa kantang to, ngun Ang sakit pla ..nd ko kayang mkipaguiwalay kaya ako mismo Ng tulak sa kanya para hiwalayan ako .masakit subrang sakit pla Nung narinig ko😭 ung mga plano nmin na matagal na cguro itutuloy ko nlng magisa😭.5 years kaming msya nd namalayan mirun plang susuko sa amin dalawa 😭 cguro gang dun nlng tlaga kahit wala na tayung dalawa 😭 ikaw parin, sabhin mo na balang Araw tuldukan din natin ito Ng masaya😭 pinalaya ndin kita ung salita na mismo sayu ko narinig pa😭 Ng wakas man tayu Ng Araw Ng pasko 2022" Isa lang sabhin ko walng kang marinig na salitang sorry,paalam ,ingat galing sa akin😭 KC alam Kong balang Araw mka tagpu din tayu Ng taong iingatan tayu at mahalin ng buong buo 😭😭😭

    • @che_islazy8726
      @che_islazy8726 Год назад +1

      Same here. Sad Christmas 2022
      Dati nagandahan Lang melody, ngayon feel ko na. Move on Lang ko

  • @reginedrio6950
    @reginedrio6950 10 месяцев назад +2

    Luh hello sa nagcocomment ngayonnn

  • @AzelusLevino
    @AzelusLevino Год назад +7

    I met her at the lowest point of my life, for two years kami nagkakilala at pareho kami may gusto sa isa't isa but because insecure ako noon kaya sabi ko sakanya na I need time at yong time na yon para i better sarili ko for her physically and mentally because I felt that she deserved more which I succeeded at doing so. A year later Im definitely in a better situation and ready to be her man until recently I found out na nakahanap na sya ng iba. Hindi nalang ako nagparamdam kasi whats the point diba? tapos narinig ko to sa kapitbahay na na sadboy din ata hahaha dama ko yung kinakanta ng babae. Sayang hindi masyadong kilala tong singer kasi indie lang. Anyway ayon gusto ko lang magshare dito tutal naman di nyo naman ako kilala HAHAHA BYEE

  • @user-ez2vv5jt9f
    @user-ez2vv5jt9f 7 месяцев назад

    Nakakaiyak ang song natu❤❤❤

  • @RyanSmith-fs4mo
    @RyanSmith-fs4mo Год назад +2

    emo days🤘🖤

  • @micamjosepholazo534
    @micamjosepholazo534 Год назад +2

    👌👌👌 Pure video, No Ads #PureTuber

  • @dadaa.j
    @dadaa.j 4 месяца назад

    KUNG AYAW MO MASAKTAN SA PAGIBIG HUWAG MONG PAPASUKIN,,DAHIL DITO SA MUNDO MAY PLANO ANG DIYOS PARA SATIN,MINSAN PINAGTAGPO PERO DI NAKATADHANA...HUWAG NATIN HANAPIN ANG PERPECT ANG HANAPIN NATIN YUNG """"THE BEST😂😂😂😂