1 HARI - KOMPLETONG KASULATAN
HTML-код
- Опубликовано: 8 фев 2025
- #SalitaNgDios
#GodSword
#ReadScriptures
#1HARI
AKLAT NG UNANG HARI
Panimula
Tulad ng mga aklat ng Samuel, ang dalawang aklat ng Mga Hari ay iisang aklat lamang sa Bibliang Hebreo. Ito ay pagpapatuloy sa mga aklat ng Samuel, sa gayo'y nagbibigay ng magkakasunod na kasay-sayan mula pa sa panahon ng mga Hukom hanggang sa panahon ng pagkabihag, Ngunit ang anyong pampanitikan ng Mga Hari ay iba sa Samuel, kung saan may dalawang pangunahing tradisyon at may kaunting pagbabagong ginawa ang pangkat ng manunulat na Deuteronomiko.
Ang pagsasaayos ng Mga Hari ay halos katulad ng aklat ng Mga Hukom kung saan ang iba't ibang tradisyon ay tinipon at isiningit sa "balangkas" ng mga Deuteronomiko (tingnan ang mga Panimula ng Mga Hukom).
Ang ilan sa mga tradisyong ito ay tulad ng sumusunod:
1) Ang pagwawakas ng matandang Tradisyon ng Samuel (I Hari kabanata 1-2, tingnan angII Samuel 20:22);
2) "Ang Aklat ng Mga Gawa ni Solomon" (1 Hari 11:41);
3) "Ang Aklat ng Mga Cronica ng mga hari ng Israel" (binanggit sa 1 Hari 14:19 at sa labing-animpang lugar);
4) "Ang aklat ng mga Cronica ng mga hari ng Juda" (binanggit sa 1 Hari 14:29 at sa labing-apat
pang lugar; ang mga aklat na ito ay mga opisyal na kasaysayan, na iba sa Aklat ng Mga .Cronica sa Biblia)
5) Ang mga kuwento ng mga hari at mga propeta mula sa Israel at Juda, lalung-lalo na sina Jeroboam I, Ahab, Hezekias, Elias at Eliseo;
6) Mga iniingatang dokumento sa templo, lalung-lalo na mula sa mga panahon nina Solomon at Josias.
Ang kasalukuyang Aklat ng Mga Hari ay isang maingat na paglalahad at makatarungang paghatol sa mga kaganapan sa buhay ng Israel bilang isang kaharian.
Ito ay may dalawang pangunahing bahagi:
Ang unang bahagi ay naisulat bago o pagkatapos na mamatay si Josias, at ang pangalawa naman ay noong kapa-nahunan ng Pagkabihag, Sa unang bahagi, sinikap ng mga may-akda na ipakita ang kahalagahan ng
pagtalima sa alituntunin ng Tipan.
Hinatulan nila ang bawat hari ayon sa kanilang katapatan sa Tipan, kungsaan si Haring David ang pamantayan. Binibigyan ng diin na ang pambansang tagumpay ay nakasalalay sa pagsunod sa pambansang Diyos, tulad ng itinakda sa aklat ng Deuteronomio.
Sa bahaging ito, angmalalaking kasalanan ng Israel ay ang pagsamba sa mga sagradong lugar sa labas ng Jerusalem at ang pagsamba sa mga diyus-diyosan. Bawat hari sa kaharian ng Israel ay nabigong makaabot sa pamantayan, kaya't bumagsak ang kahariang ito dahil sa paghatol ng Diyos sa isinagawa ng mga taga-Asiria.
PLEASE SUBSCRIBE TO OUR CHANNEL...
GOD BLES YOU ALL...