SABAYANG PAGBIGKAS - "Halimaw sa Kumbento" (Tula tungkol sa Pag-ibig) | Grade 11

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 13 сен 2024
  • Sa isang madilim na kumbento, aking nasilayan.
    Balatkayo ng isang naninirahan.
    Makapal na kolorete, bistidang kaiklian.
    Iyan ang imaheng kanilang kinasusuklaman.
    "Dimonyo!", "Halimaw!" Kanilang isinisigaw,
    Sa kawawang nilalang, takot ay umaapaw.
    Luha, dugo, pawis, ngiting mapanglaw.
    Sakit, paghihinagpis, ang matatanaw.
    Binuhusan ng bendita, dinasalan ng rosaryo,
    Ako ay nagitla nang aking mapagtanto
    Nararapat bang kanya itong pagdaanan?
    Sapagkat hindi siya madre, kundi isang sakristan.
    Ang sarili niya'y paano iibigin,
    ganoong sariling pamilya, sya ay itinatakwil.
    Kanyang mga kakayahan, paano payayabungin,
    kung pati lipunan, siya ay pinipigil.
    Ako ay binigo ng aking mga mata,
    mga luha ay mabilis na naguunahan pababa.
    Dibdib ay sumisikip, sa sarili ay naawa,
    sapagkat ang sakristan at ako ay iisa
    Author: Gian Paul Malate

Комментарии • 1