ANG SULAT NI PABLO SA MGA TAGA-FILIPOS

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 29 мар 2020
  • #AngSalitaNgDios
    #ASND
    #TAGA-FILIPOS
    ANG KAGALAKAN NI PABLO NA NAIPAPANGARAL SI CRISTO
    Mga kapatid, nais kong malaman ninyo na ang mga nangyari sa akin ay nakatulong nang malaki sa ikalalaganap ng Magandang Balita. Sapagkat alam na ng lahat ng guwardya sa palasyo at ng iba pang naririto na nabilanggo ako dahil sa pagsunod ko kay Cristo. Dahil din sa pagkakabilanggo ko, lalo pang tumibay ang pananampalataya ng karamihan sa ating mga kapatid sa Panginoon at lalo rin silang tumapang sa pagpapahayag ng Magandang Balita.
    Totoong may ilan diyan na nangangaral lang tungkol kay Cristo dahil naiinggit sila sa akin at gusto nilang ipakita na mas magaling sila kaysa sa akin. Ngunit may ilan din namang tapat ang hangarin sa pangangaral. Nangangaral sila dahil sa pagmamahal, at alam nilang dinala ako rito ng Dios para ipagtanggol ang Magandang Balita. Ang mga taong naiinggit ay hindi tapat sa pangangaral nila tungkol kay Cristo. Ginagawa nila ito dahil sa pansariling hangarin. Inaakala nilang lalo pang madadagdagan ang mga paghihirap ko sa bilangguan dahil sa ginagawa nila.
    Pero walang anuman ang lahat ng iyon sa akin. Nagagalak pa nga ako sa mga pangyayari dahil kahit papaano, naipapangaral si Cristo, tama man o mali ang hangarin nila. At patuloy akong magagalak, dahil alam ko na sa pamamagitan ng mga panalangin nʼyo at sa tulong ng Espiritu ni Jesu-Cristo ay makakalaya ako. Malaki ang hangarin at pag-asa ko na hindi ako mapapahiya, kundi tulad ng dati, magkakaroon ako ng lakas ng loob para sa pamamagitan ng buhay o kamatayan ko ay maparangalan si Cristo.
    Sapagkat para sa akin, ang buhay ko ay para kay Cristo. At kung mamatay man ako, kapakinabangan ito sa akin dahil makakapiling ko na siya. Kung patuloy naman akong mabubuhay, makakagawa pa ako ng mabubuting bagay. Kaya hindi ko alam ngayon kung alin ang pipiliin ko. Nahahati ang isip ko sa dalawa: Ang mabuhay o ang mamatay. Gusto ko na sanang pumanaw para makapiling na si Cristo, dahil ito ang mas mabuti.
    Pero kailangan kong patuloy na mabuhay para sa kapakanan ninyo. Dahil dito, natitiyak kong mabubuhay pa ako at makakasama nʼyo para matulungan kayong lumago at maging maligaya sa pananampalataya. At kapag nakabalik na ako sa inyo, lalo pa kayong magkakaroon ng dahilan para purihin si Cristo.
    MGA GAWA
    • Video
    TAGA-ROMA
    • Video
    1 CORINTO • ANG UNANG SULAT NI PAB...
    2 CORINTO / rcazapamqd7c8
    TAGA-GALACIA
    • ANG SULAT NI PABLO SA ...
    TAGA-EFESO
    • ANG SULAT NI PABLO SA ...
    TAGA-FILIPOS
    • ANG SULAT NI PABLO SA ...
    TAGA-COLOSAS
    • ANG SULAT NI PABLO SA ...
    1 TESALONICA
    • ANG UNANG SULAT NI PAB...
    2 TESALONICA
    • ANG IKALAWANG SULAT NI...
    1 TIMOTEO • ANG UNANG SULAT NI PAB...
    2 TIMOTEO • ANG IKALAWANG SULAT NI...
    KAY TITO
    • ANG SULAT NI PABLO KAY...
    KAY FILEMON
    • ANG SULAT NI PABLO KAY...
    MGA HEBREO
    • ANG SULAT SA MGA HEBREO
    SANTIAGO
    • ANG SULAT NI SANTIAGO
    1 PEDRO • ANG UNANG SULAT NI PEDRO
    2 PEDRO • ANG IKALAWANG SULAT NI...
    1 JUAN • ANG UNANG SULAT NI JUAN
    2 JUAN • ANG IKALAWANG SULAT NI...
    3 JUAN • ANG IKATLONG SULAT NI ...
    JUDAS • ANG SULAT NI JUDAS
    PAHAYAG • AKLAT NG PAHAYAG
    PLEASE SUBSCRIBE MY CHANNEL
    GOD BLESS YOU...

Комментарии • 20