PAANO NAGSIMULA ANG NINTENDO | Mga Bagay Na Dapat Nyong Malaman Sa Nintendo
HTML-код
- Опубликовано: 4 июл 2024
- Naging pangarap nyo din ba noon yung magkaroon ng Nintendo Family Computer o kaya Game Boy mga kasangkay? Isa ang Nintendo sa mga brand na tumatak na sa puso nating mga batang 80s at 90s. Kaya yan ang pag-uusapan natin sa video na ito mga kasangkay. Aalamin natin ang kasaysayan ng Nintendo at kung paano nito isinalba ang video game industry noong 1980s.
►SUBSCRIBE Na Kayo Mga KaSangkay: bit.ly/Sub2SangkayTV
►DONATE/SUPPORT The Channel: www.paypal.com/cgi-bin/webscr...
Timestamp:
00:00 Intro & Summary
01:03 Ang Simula Ng Nintendo Bilang Card Shop
02:48 Ang Simula Ng Expansion Ng Nintendo
04:20 Si Gunpei Yokoi At Ang Game & Watch
06:30 Ang Pagpasok Ng Nintendo Sa Arcade At Video Games
08:40 Ang Video Game Crash Ng 1983
10:21 Ang Pagsalba Ng Nintendo Sa Video Game Industry
11:59 Iba Pang Bagay Na Dapat Nyong Malaman Sa Nintendo
15:20 End screen and Shoutouts
WATCH MORE mga kasangkay!
►PAANO NAGSIMULA ANG ANDROID | Bakit Binili Ng Google Ang Android?
• PAANO NAGSIMULA ANG AN...
►PAANO NAGSIMULA ANG WENDY'S | Bakit Square Ang Burger Ng Wendy's?
• PAANO NAGSIMULA ANG WE...
►PAANO NAGSIMULA ANG MINUTE BURGER | Ano Ang Nangyari Sa Minute Burger?
• PAANO NAGSIMULA ANG MI...
►PAANO NAGSIMULA ANG MAX'S RESTAURANT | Gaano Na Kalaki Ang Max's Ngayon?
• PAANO NAGSIMULA ANG MA...
References:
www.bbc.co.uk/newsround/48606526
www.businessinsider.com/histo...
kotaku.com/nintendo-probably-...
en.wikipedia.org/wiki/Nintendo
CRASH: The Year Video Games Died: • CRASH: The Year Video ...
World of Nintendo - 1989 Retail Campaign: • World of Nintendo - 19...
==============================
Copyright Disclaimer Under Section 107 of the Copyright Act 1976, allowance is made for "fair use" for purposes such as criticism, comment, news reporting, teaching, scholarship, and research. Fair use is a use permitted by copyright statute that might otherwise be infringing, ALL RIGHTS BELONG TO THEIR RESPECTIVE OWNERS
#Nintendo #Batang90s #SangkayTV
Nostalgic ito lagi namin ito Nilalaro sobrang sikat ang Rockman Super Mario
Naluluha ako habang inaalala ko mga naiwan Kong barkada sa manila...yan Ang isa sa bonding namin at proud ako na batang gamer ako ng 80's!! salamat mga tol, I miss you all🥰🥰✌️✌️✌️🙏🙏🙏
ako din un bata,pa ako napasaya ako sa mga laro ito mga console n ito salamat sa nintendo at, mga nilaro ko
Pa request nman po... mga sikat na (Japan) Anime's 90's ---20's
na sumikat din sa dto sa pinas🤔😊
ido request naman next video kong paano nag simula ang playstation plss❤️🙏
They also behind also famous game franchises such as Super Mario, The Legend of Zelda, (everyone's favorite) Pokémon , Star Fox, Super Smash Brothers, Kirby, Fire Emblem , EarthBound (Mother) , Splatoon, etc.
Metroid And Donkey Kong Too
When I was a kid, I had a pirated Family Computer and a 20 in 1 game that my mom bought from Plaza Fair in Makati. That was the only game I owned. But the 20 in 1 had all of the fun games. Then I shoplifted a Rockman from Plaza Fair, too.
Hahahah
Lupit mo. Isa kang lupin hahaha
@@kenledda8109 hahah magna cumlaude hahah
Shoplifted?
Based af
Roger rabbit, ninja turtles, super mario 2, super mario bro 3, contra. Tapos yung tv na pinapagamit samin yung black and white pa, para daw hindi masira ang colored tv haha.. nakakamiss maging bata :)
Nakakasira nga daw yung mga video games sa TV dati, haha
Sumasakit ang mata ko tuwing naglalaro ako ng Nintendo sa black and white TV pero sa colored TV hindi!.
Meron pa street figther hehehe
@@eugeniofulgenciojr7609 yung streetfighter nalaro ko sya sa sega hehe .. bale mortal kombat, streetfighter, sonic pati nba hehe
@@SangkayTV Wala pa kasing maayos na jack at input ports yung mga TV nun. Naalala ko, tititune lang dun sa may antenna port yung Famicom para lang magkasignal sa TV
I love video games since 1987.
Nintendo, Sega, Sony, NEC (TurboGrafx-16)
SNK (Neo Geo)
🔥🔥❤️❤️💞
Wow another knowledgeable content hay naaalala ko tuloy nung bata pa ako. Infairness sa amin hindi naman sa pagmamayabang nakapag may ari naman kami ng brick game pero ang naaalala ko kasi noong panahon ko sa cd player na ako nakalaro ng super mario, tetris at iba pa.
Gladly hanggang ngayon sa panahon natin na 2022 nakakalaro pa rin ako ng JEWELRY, TETRIS, CONTRA, ADVENTURE ISLAND, MICKEY, SPACE HOSPITAL at marami pang iba.
Ngayon ko lang din nalaman na madami palang super mario series no isa lang kasi ang alam ko.
Salamat muli kasangkay ang dami kong natutuhan sa uulitin muli kasangkay laging nag aabang sa mga content mo salamat muli at God Bless ♥️♥️♥️
Maraming salamat din sa pagshare ng gaming story mo, hehe. God bless sayo kasangkay ♥️♥️♥️
My favorite gaming companies ranked:
1. Sony
2. Nintendo
3. Microsoft
Mas marami akong gustong exclusive games sa Nintendo compared sa Microsoft XBOX. Sony Playstation was able to expand their library of exclusive games from time to time.
Love this topic! Nintendo fan here! :) Sangkay tara G contra 30 life hahaha
Up, up, down, down... hahaha
2xup 2xdown left , right left, right, B, A , start 30 life
Family Computer ang mga game na favorite ko. Arkanoid, Kontra, Mario Bros.
I'm No. 1 Fun of Nintendo Talaga isa ako sa mga nakaranas laruin ang Retro Games ng Nintendo nakakaenjoy talaga hanggang Ngayon may mga Latest na ako mga Nilalaro sa Nintendo Switch mas Upgraded sya ang ganda talaga. Una pangarap ko lang na magkaroon ngayon ko na Natupad ang Lahat ng Nintendo Game Console ❤️❤️❤️
Nice! Thanks for sharing sir 😊👍
kakamiss!!
Salamat KaSangkay
Salamat din kaibigang Mr. Salaysay 😊🙏
Ang Ninentdo ay isang Video Game Company na bahagi ng kasaysayan ng Pamilya Guevarra dahil nakilala sila sa kanilang Family Computer at Game Boy. Ang kuya kong si Christopher Guevarra ang nakagamit ng Game Boy Color, na isa sa mga laro ay ang Super Mario. Maraming Salamat po Sangkay TV sa pagka-upload mo kung paanong nagsimula ang Nintendo at sana maigawa mo kung paanong nagsimula ang Sony na nakilala sila sa kanilang PlayStation
Up ako jan kc curious din ako kung paano nagsimula ang Playstation.
alam ko story ng playstion
Nagkaroon din ako dati ng "Game & Watch" at ilang beses na rin kaming nasiraan nang substandard na "Family Computer" na gawang China na "Disposable Bubble Gum I.C." ang gamit nila na di gaya ng mga Family Computer na gawang Japan na purong "High Class PCB" ang gamit nila kaya matibay👍👍😎
Naglalaro pa kami nun ng Family Computer sa Black & White Television pa umaga hanggang gabi ehe!😁 pero ngayon nalalaro na namin yung mga yan ng madalang nalang dahil busy na sa work sa mga "Smartphone, Laptop, PSP, Desktop Computer" gamit yung "Emulator" bukod sa "Colored" na at madam kang mase-set na "Options/Settings" may mga "Code Breaker/Cheat Code" pa, sa katunayan pa nga hanggang ngayon meron pa ako nung mga "Cartrdge" niyan although nasa bodega na yung mga "Family Computer" namin..😉😉
Doon po sa FCEUX app ako may access mag Nintendo sa Windows 10 Laptop. Nakakapag play din ako as well.
Nintendo talaga nakatatak na satin mga gamers yan! Old is Gold!
From game and watch to Nintendo Switch, nintendo gamer from birth to adulthood.
So much fond memories kasama ang nintendo famicom kasama ang buong pamilya. Til now alive and kicking pa din famicom ko this thing lasts forever
Super Mario Bros, Lunar Ball, Contra, atbp. Nilalaro ko pa Rin until now sa phone, computer at DVD player. Unforgettable memories ko... 💖😄
hayyysss proud batang 90s ako tanda kopa kung pano ako humagulgol ng iyak makapaglaro lng ng family computer
Matindi ang rivalry ng Nintendo at Sega noong 80's at 90's.
Yep pero ang alam ko noong mga early 2000 may colaboration yung sega at nintendo tapos gumawa sila ng laro na kasama ang mga sikat na karakter sa super mario at sonic the hedgehog
Ang Sega u.s. company ba?
@@kenledda8109 Japanese din may ari sa kanila lods
@@kenledda8109 Japanese company yon bro
Tapos nung tumigil ang Sega, Nintendo vs. PlayStation na ang matindi.
Gawa din kayo ng mga video tungkol sa mga sikat na board games like Monopoly, Scrabble, Cluedo, Sorry, Battleship at Taboo.
Nakakamiss maglaro...kaya kuya ko bumili ulit Ng family computer ei😊👍❤️
Megaman series ang isa sa mga favorite games noong kabataan ko. ☺️
Nung una kong nakita yung family computer at yung mga laro neto nagustuhan ko na agad 😊😊😊😊 kahit anu pang nausong laro ngayun tulad ng dota, ml at axie hindi ko ipagpapalit yan hehehe
Very nostalgic tong Nintendo lalo na noon na nauso yung Family Computer, yun ang una kong gaming console. May 56 in1 pa ako na cartridge, nandun lahat ng games kasama na yung Super Mario, Contra, Ice Climber, Tetris, Adventure Island, etc. Pangarap ko rin na magkaroon ng Gameboy noon kaso at the time mahal siya. Sa ngayon, marami na akong gaming consoles ng Nintendo like Switch, Switch Lite, NES at SNES Classic, Game and Watch na Super Mario at Legends of Zelda at 2DS. Nakabili na rin ako ng 2nd hand na Nintendo Game Boy na may kasamang 5 games sa Facebook Marketplace at running pa din sya until ngayon kahit na luma na sya. Nice and informative ang video mo Kasangkay, next time kung hindi mo pa nafeature yung Sony Playstation o Microsoft XBOX naman, salamat.
Maraming salamat kasangkay 😊👍
Noong bata ako, naiingit ako sa mga kalaro ko na may Game Boy Advance. Nagtitiis ako sa emulator ng GBA noon at ng SNES. Iba pa rin talaga ang feeling kapag sa mismong handheld mo nilalaro
Tama, hehe
Tama ka kasangkay as batang 90's nakatatak na satin ang nintendo lalong lalo na ang famicom...im thankful maski ngayon nagkakaedad na tayo buhay pa din ang nintendo kahit sobrang bigatin na ng mga competitors at hindi man ako nagkagameboy nuon pero kahit papaano ay pinalad din ako na magkaroon ng switch ngayon
sa NINTENDO nag simula ang pangarap ko makapag japan! at nag katotoo., nkapag trabaho ako sa japan at nakabili ng NINTENDO SWITCH! salamat sa content nato, sarap maging bata noon.
Nice! Congrats sir, natupad mo pangarap mo 😊👍
Sanaol nakapag Japan. Ako, hanggang ngayon, pahirapan pa din sa pag apply. haha
Bago pa ang WWE 2K, sikat sa Family Computer/NES ang game na Pro Wrestling. Very nice!
Yung paborito kong video game ng Nintendo ay yung, "Super Mario Bros". Lagi kong nilalaro yun sa NES. (Nintendo Entertainment System)
Thank you kasangkay nagkaroon kami ng family computer binili ng dad namin sa halagang 400 pesos tuwang tuwa kami nun kase favorite ng dad ko yun super mario lahat ng series.. kakamis lang.. way back 1998..
Gusto ko rin yung B-Wings, Gradius, Life Force/Salamander, Star Force, Exerion, Macross, Magmax at Twin Bee.
Naalala ko Yung game watch na nilalaro ko Lalo na pag malapit na fiesta sa Amin so nostalgic..
Simple lang kasiyahan Namin noon.
Galing pla ng humble beginnings ng nintendo, ska my lesson din as well...ung pgiging innovative s mga ideas at pgiging entrepreneur pra umangat...🙂
Tama 😊👍
Pinaka favorite ko yung contra, battle city, at twin bee at lalo na yung super mario merong hundreds live's pa .. sarap maging bata ulit at isipin na naglalaro ka lang palagi at hindi puro prublema ngayon ang iniisip! Maraming salamat sa nintendo at lalo na syo ka sangkay..hanggang sa muli...
Welcome kasangkay 😊👍
Naglalaro ako ng Super Mario Bros. noong taong 2010 sa PSP, at noong taong 2012 sa Samsung ng aking tatay. Nga pala, kaarawan ko pala kahapon.
Maligayang kaawaran sayo 🎂🎉
My favorite games to play ay punch-out at double dribble, nakaka-miss itong nintendo family computer at syempre game&watch..
Nagkaroon kami ng Family Computer noon. Paborito kong laruin ang Dream Shop.
Naabutan ko ang nintendo game boy original at SNES nung 1995, kung saan ako pinanganak. Dami ko pong kamaganak nag-nintendo users sila. Nung late 1990s may mga pinsan ko meron at naglare ng game boy, NES at SNES. Ako, kasama un kapatid ko game boy og lng po. Madalas ako hiniram ang iba't ibang game boy consoles, like GBC, NES, NDS ng mga pinsan ko. Nung 2001 sa birthday ko, tumanggap ako ng game boy advance galing HK na gift ko, at madalas ko nagamit yn early 2000s. Ngayon inactive ako sa nintendo dahil ang mahal ngayon.
Napaluha na naman ako sa video na ito.
Sobrang nostalgic.
:-)
Yung paborito ko laro ng Nintendo ay Mario Games and Pokemon Games at lalo na ang Animal Crossing Games.
kaka miss yung game boy...lagi ko yun hinahanap hanggang ngayun kahit na may own pc desktop na ako hehe
from gameboy color to nintendo 3ds.. nahilig ako sa mga pokemon games at kinompleto ko mga collections nya dahil yan ang bumuo ng kasiyahan ko noong elementary at high school ako.. pero ngayon may emulators na sa mga smartphone.
Nintendo 64 ung first console ko. 15 years more than 20 yrs tinagal nun sakin. Memories and Nostalgia 🥰
Family computer talaga ang unang console ko. Mario Brothers at Street Fighter ang lagi kong nilalaro. Brings memories.. nice content Sangkay.TV
Salamat po :)
Lalong nagpapaalala stin s video games 2wing naririnig mga tunog ng bawat games.. lalo pag maganda sound, so much nostalgia ❤️💕💗
Totoo 😊👍
ang ganda siguro ng resulta kung nagsama ang sony at nintendo. maraming salamats a video na ito lods, sana ma feature mo rin si sony sa ssunod
malaman ang content mo Kasangkay - nagbalik na naman mga alaala ng aking kabataan :-) SALAMAT sa patuloy na paglikha ng mga makabuluhan na video - sarap talaga ng 80s at 90s
Maraming salamat sir :)
Salamat KaSangkay
Isa Ang Nintendo sa dahilan kaya ko nahilig sa videogames. Superfamicom Yoshi's Island Yan Ang una ko na game na natapos sa Nintendo console. 😊
Kapag sinabing Nintendo, naalala ko yung late auntie ko. Napamaskuhan ako ng SNES noong 1997 sa Tate. Ibinili niya ako ng GBA noong umuwi siya sa Pinas para sa wedding anniversary ng lolo at lola ko sa father side.
Yung promise niya sa akin na NES naging SNES.
Minsan lang ako makapag laro ng Nintendo nong bata pa ako, pupunta pa ako sa bahay ng pinsan ko para makilaro lang ng Nintendo sa kanilang CD player kasi yung CD player namin walang NES games. Ngayon, na e-enjoy ko parin laruin nyan sa phone gamit ang NES emulator at nasa KB lang ang size per game kaya hindi sya mabigat. Thanks for sharing ka Sangkay. More contents pa po please. I love the way on how you narrate the story in your videos. Always here to support you.
Maraming salamat sa suporta 😊🙏
Gawa din kayo ng content tungkol sa Savory Chicken. Nagustuhan ko kasi yung video niyo about Max's.
Nakakataba ng puso ang video na'to,naalala ko ang kabataan ko..thumbs up po Sir Sangkay👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍❤
Maraming salamat po 🙏
Nung bata pa ako, nahumaling na agad ako sa Nintendo nung pumunta ang pinsan ko dito (kasama ng isa kong Tiyo't Tiyahin ko) sa amin, dala ng kanyang Game Boy Advance. Nagandahan nga ako doon, parang gusto kong magkaroon ng ganoon nung bata pa ako. Not until magkaroon na rin ako ng sarili kong Nintendo pero Nintendo DS iyon, successor ng Game Boy Advance, mas bago kaysa sa predecessor. Bigay pa iyon ng Ate ko nung naging OFW pa siya sa Singapore. Tapos isa lang ang Cartridge nun (o Bala) pero maraming games di gaya nung sa GBA ng Pinsan ko na may dalang 2 - 5 na Cartridge/Bala pa nun. Enjoy na enjoy naman ako doon sa iilang games doon alongside ng mga games na gawa ng Nintendo gaya ng Super Mario 64 DS pati na rin yung Educational Games nila na Brain Age at Brain Academy.
Because of that, mas na-curious pa ako sa iba pang games para sa Nintendo Platform pero dahil wala naman akong kapera-pera upang makakuha ng Second-hand na console na Family Computer at iba pa... Nag-emulator nalang ako which is yung mga programs o apps na pwedeng makalaro ng games sa Nintendo console sa Computer mo lang o sa Phone basta may ROM file o ISO ka lang ng mga games.
Sana nga magka-Nintendo Switch ako at parang plano kong buhayin muli yung DS ko, kailangan lang ng Konting Repair. ❤️
Nice! Thanks for sharing sir 😊👍
Meron ding court hearing na nangyari noong 90's sa pagitan ng Nintendo at Sega. Dahil maraming lumabas na mga violent games tulad ng Night Trap, Lethal Enforcers, Doom at Mortal Kombat. Bago pa nabuo ang Entertainment Software Regulatory Board, may sariling rating system ang Sega.
1. GA
2. MA-13
3. MA-17
Ang tingin ng Nintendo sa mga rating system na yan ay para pagtakpan ang mga violent games na nasa Sega. Maganda ang mga pahayag ng Nintendo samantala hindi maayos ang paliwanag ng Sega sa nasabing hearing.
Ito yung fave topic ko hehe. Ang tagal din ng lasting power ni Hiroshi Yamauchi. From cards, to rice, to taxis, to love hotels until games. Naalala ko naman dati, meron sa labas ng school na tindero na huhulaan mo kung ano ang number sa papel, pero parang naka magic ink. Tapos pagkababad mo sa tubig, lilitaw ang number. Pwede manalo ng gameboy or gameboy cartridges.
Oo nga, meron din samin nun, kaso yung mga bootleg na game and watch lang yung price, haha
My era is Super Famicom ❤
Lagi ko pa ngang nilalaro ang Mario, mickey mouse and donkey kong country 1,2,3
Nkakamiss mga games na ganyan idol bumalik ako sa pagkabata...
yung Mario tsaka Contra yung pinaka memorable na laro na trip ko sa family com
Nagkaroon din kami ng game and watch na Nintendo nung bata pa kami.Nakapaglaro din kami ng Tetris sa game and watch at video game.
Gawa kayo ng video tungkol sa Hasbro. Sila yung gumawa ng mga laruan na Transformers at GI Joe.
Yung kapatid ko naadik nun sa Gameboy katulad ng Pokemon Game Series from Red Version up to Emerald Version. Trivia: Yung Nintendo Switch ay Cross Platform ang games na pwede sa XBox One or PS5 kaya marami din na Game Developers ang gusto ng ganitong compatibility sa kahit anong mga gaming console. Recently, Tinapatan naman ni Valve (Game Developer ng DOTA 2 at CSGO) na isa ding Gaming Console na Steam Deck na halos katulad ng Nintendo Switch.
Salamat sa trivia sir 😊👍
Loyal ako sa Nintendo nung bata ako nakikipaghiramanan pa ako ng bala sa mga kapitbahay na kababata ko at kaklase ko nung 80s hanggang 90s hehe! 😄 Kaso pagkatapos kong magkaron ng Nintendo Super NES eh hindi nako nakatuloy sa pagbili ng iba pang mga consoles ng Nintendo dahil sa budget lalo na nung nag-college ako. 😅
Pag may Nintendo Game Boy k nun.. rich kid kna....
Super Mario, Battle City at Contra Alien War.... kkamiss... batang '90s kaway kaway🤗👍
GAME & WATCH. nanghihiram pa kuya ko nito sa kanyang kaklase tuwing weekend. 4 kasi GAME & WATCH nun.
Naka subok ako sangkay ng Game & watch pati family computer mayaman kana kung meron ka nito
Nakaka Miss ito thank you sangkqy nag throwback ulit sa mga Alala at adventures ng buhay
Welcome sir :)
Batang 90s ako pero di kmi ng karoon ng kahit anung nintendo console,, pero napakasaya ng kabataan ko dahil sa mga arcade n kahit piso lng basta makalaro minsan nalilibre pa,,,,
Masayang laro din ang Bomberman, Warpman, Ice Climber at Circus Charlie.
Contra,Battle City,Super Mario,Twin Bee,Gradius,Adventure Island,Load Runner,Route,Rainbow Island,BomberMan, yan mga namiss ko sa nintendo at grabe adik ko dyan Kakamiss lang talaga maglaro ng games
fav ko super mario 3 contra 1 2 double dragon twin bee rockman..merun din ako nyan ngyon ngdwload ako nilalaro ko s pc ko mga classic nintendo games..slmat master s video
Ang ganda ng content sangkay,😍share ko lang, hehe nagkaroon kami dati ng family computer padala ng tita namin, galing ng Japan, pero di namin nagamit nasira nlng kasi walang transformer 😂😂😂 sayang talaga yun, salamat sangkay tv sa balik tanaw
Welcome, salamat din sa pagshare ng kwentong Nintendo mo, hehe
Family computer nung 90's nagkaroon ako 3 paborito ko yung mario , contra , battle city , galaga , twinbee at 1942 na laro.
Gawa din kayo ng video tungkol sa Mattel. Sila ang gumawa ng Barbie dolls at iba pang action figures.
para ko bumalik sa pagkabata lakas maka reminisce
Remember in the old days when there was an electronics store inside Harrison Plaza simply named Nintendo?
Next po.. Kung paano nagsimula si maria ozawa sa kanyang career
ang pinaka gusto ko ay ang Family Computer noong 80's pero nitong sumunod na taon bumili ako ng family computer na pwedeng salpakan ng cassett at may roon na itong 500 in 1 sa loob ng computer pwede mong pagpilian ng mga games parang bumalik ako sa pagkabata ang saya saya ko lods............💚💚💖💖👍👍..............
😊👍
Sana may mabibili pa ngayon na family computer yun kasi ang gustong gusto ko noong bata ako pero hindi ako nagkaroon kahit may kalumaan na basta maayos pang gumagana bibilhhin ko
Kakamiss yung gameboy haha nag karoon ako ng Super famicon galing US, Family Computer din tapos nintendo gameboy, gameboy color, 3DS XL and ngayon Nintendo Switch, kung natuloy yung partnership with Sony siguro magiging most dominant ang Nintendo-Sony sa consoles. Next naman sana Sony. Salamat Kasangkay.
Welcome kasangkay :)
Nagkaroon kami ng family computer halos araw araw naglalaro kami ng Mario at Kung ano ano pa sobrang saya Ng mga kabataan nun sikat ka na pag may ganun ka
Game n wacth meron kami noon at ng nag katrabaho ako bumili ako ng family computer sa farmers plaza ko pa nabili...bumalik nanaman ang alaala ko..
Salamat sangkay
Welcome boss!
Kaya naging libre ang Tetris sa Game Boy ay para umappeal sa lahat ng ages yung handheld.
Nice nmn dami Kong nqtutunan sau idol salamat..
Welcome. Salamat din sa panonood :)
Si Mario din yung referee sa game na Tennis sa Family Computer/NES.
Ang favorite kong sa family computer un larong supermario.twinbee.contra.battle city.at un Salamander space ship.my contest pag natalo un master ship at makalabas ka sa planet nila ng buhay.
Nung bata ako pangarap ko magka Gameboy. Ngayong nagtra trabaho ako, bumili ako Nintendo Switch hehe
late reply pwede ata magalaro ng gba emulator sa nintendo switch .
Nintendo breakgame at super Mario addict ako nian 😂😂during my childhood
One of the best topics, Kasangkay! Di ko din sure kung orig nun yung game & watch ko, kasi dami tlga nun dati. Sana next video naman yung pinaka "matinik" na karibal nila, ang SEGA... 🙏💯
Salamat :)
Game Boy advance SP una kong naging game console, thanks sa tita kong nasa US nung 2004 na di pa ako aware na pinadalhan ako nun. Dun nadin nagsimula ang pagiging fanatic ko sa Pokemon Games.
panganrap ko nga dati yan eh kaso hindi natulog paano sobrang mahal pa nun dati yung gba sp kaya gameboy advance lang ang binili saakin ng mama ko nun kaso ang problema sa gbc or gba na hugis psp masyadong madilim yung screen eh kahit sa araw ako maglaro kaya lagi ko hinihiram yung gba sp ng kalaro ko nun blue case yun eh pero ok lang may gba emulator na eh😂
pokemon , sonic , super mario bros, land at world ang nalaro ko nun tas dragon balls naalala ko.
May tatlong uri ng Punch Out sa Nintendo Family Computer/Entertainment System.
1. Gold Edition - Final Boss si Super Macho Man. Prize ito ng mga nakakakuha ng magandang score sa Golf.
2. Mike Tyson Edition - Final boss si Tyson. Inilabas ito noong kasikatan niya.
3. Punch Out - Inilabas ito after matalo si Tyson kay Douglas. Si Mr. Dream ang final boss dito.
Request po, Rise and Fall ng Sega, pati na rin ang Sony Playstation.
My childhood memories is priceless
May laro na Pro Wrestling sa Famicom/NES. Ito ang sikat bago yung WWE 2K series.
Hindi parin ito nakakasawang laroin namimiss ko tong Nintendo
Gusto ko talaga ung island city and super mario sir Sangkay. 😊 And if I'm not mistaken eto ata isa sa pinaka makahabang video upload mo sir Sangkay tama ba hehe. Salamat ulet and request naman sir if pwede next mga 90's cartoon like Ghost Figher, Doraemon, Slamdunk etc. 😁🙏
Oo sir Mike, medyo mahaba talaga history ng Nintendo, dami pa nga kulang, haha
@@SangkayTV haha totoo may part 2 ba sir sangkay 🤣
@@mikeithappen Pwede 🤣
@@SangkayTV ayown hahaha 😂
I hate to admit po sir sa Family computer ako nag simula ng pagiging isang gamer. The first games na una kong nai experience ay ang:
*Flying Warriors
*Double Dragon
*Pole Position which is one of my favorites dahil may pagkahilig ako sa car racing.
Thanks for sharing sir!
Sana ma i feature mo rin ang Sega company. Kung paano sila sumikat sa gaming console hamggang sa pagbagsak ng console market nila at nag focus na lang sa game development.
Yes thank you my wish has come true!