3. Pag-abono sa Panahon ng Pagsusuwi at Paglilihi: Ang mga Kwento ni Ryza
HTML-код
- Опубликовано: 4 фев 2025
- Sino ang mas nakakaalam sa wastong nutrisyon para sa palay kung hindi ang palay mismo? Ipinakikilala si Ryza, ang nagsasalitang palay! Siya ang magsasabi sa inyo na ang wastong nutrisyon sa palay ay may kinalaman sa pagbibigay ng tamang sustansiya sa tamang dami at sa tamang oras.
Sundan ang mga kuwento ni Ryza at tuklasin na ang wastong nutrisyon para sa malusog na palay ay kasingdali ng mga letrang ATM.
Sa videong ito, ipapakita ang M sa ATM ng wastong nutrisyon - Mag-abono sa panahon ng pagsusuwi at paglilihi. Makakakuha ka ng impormasyon kung gaanong dami ng sustansiya ang dapat ninyong iabono sa dalawang mahalagang yugto na ito.
Para sa karagdagan impormasyon tungkol sa 'site-specific nutrient management' magtungo sa: www.irri.org/ssnm at • How Philippine rice fa...
Para sa karagdagan impormasyon tungkol sa internet at 'mobile-phone based applications' na nagbibigay ng rekomendasyon sa mga magsasaka para sa kanilang palayan, magtungo sa: www.irri.org/nm...
Para sa karagdagan pang video tungkol sa 'Tales of Ryza the Rice Plant', magtungo sa: • Tales of Ryza the Rice...
Ilang bahagi ng script mula sa video: Sa patuloy na paglaki ng mga batang palay, dadaan ang mga ito sa dalawang mahalagang yugto na magkakaroon ng malaking epekto sa ani. Ang mga yugtong ito ay ang pagsusuwi at paglilihi. Sa loob ng dalawang yugtong ito, mangangailangan ang inyong palay ng nitroheno upang masapatan ang mabilis na paglaki ng mga ito.
Ang mga mahalagang yugto sa paglaki ng palay, kung saan mangangailangan ng karagdagang nitroheno, ay pagsusuwi na tinatayang 24 hanggang 30 araw pagkatapos ng lipat-tanim o sabog-tanim, depende sa inyong barayti, at paglilihi na tinatayang 60 araw bago sumapit ang anihan.
Produced by the International Rice Research Institute (IRRI; irri.org )
through the Irrigated Rice Research Consortium (IRRC; web2.irri.org/o... )
in partnership with the Philippines Department of Agriculture and the Philippine Rice Research Institute (PhilRice)
with support from the
Swiss Agency for Development and Cooperation (SDC)
International Fertilizer Industry Association (IFA)
International Plant Nutrition Institute (IPNI)
International Potash Institute (IPI)
With the assistance and participation of
Ms. Maricar Alberto as the voice of Ryza
Mr. Manuel Marcaida III as the Narrator
Jun Correa
Scriptwriter
Jessieca Narciso
Videographer
Joseph Sandro
Video Editor
Isagani Serrano
Photographer
Holly Torres
Animator
Paul Hilario
Harris Tumawis
Cartoonists
Tess Rola
Script Editor
Isidro Tolentino
Fieldman/Driver
Dr. Roland Buresh
Executive Producer
Sakto po. Mahusay po. Mas kapakipskinabang na kaalaman.
Salamat sa vediong ibinahagi mo boss.god bless.
Informative
Nice great sharing
Very informative☺️
Sir meron po ako tanong..ang gamit ko po na variety ay inbred,, 90 days po pwd na anihin..pwd po ba malaman mula sa inyo expert na kaalaman mula sa pag sabog tanim ilan days po ang palay pra sa top dressing ?or ilan days po ang palay mula sabog tanim hangang sa pag lihi ng palay, upang sakto sa panahon ang pag apply ng abono
Sna po masagot po ninyo,, wla po kasi seminar sa bukid nmn ang mga katutubo na farmers,,
Alamin ilang days ang binhi mo tas ibawas mo ang 60 days ung natira un ang panahon ng paglilihi ng palay mo
Salamat po
Maam ilang araw bago sabugan ang palay mula pagkatanim at anong abuno ang kaylangan
Pag nag-umpisa ng mamunga ano puedng gawin sa subrang taba ng palay hnd kya mgresulta sa maraming ipa ang palay
Sir example po 108 ang maturity at ang edad ng punla ng itinanim.eh 21 days old kelan po ang tamang computation ng paglilihi
How about sa upland rice ?
Paano ang pama raan ng pag aabono po ?
Sir ok lang po ba na foliar red ang pang spray para sa pgsusuhi at pglilihi ng palay
I-aapply ko po ito lahat tapos babalik po ako dito. Salamat po. God bless and more power.
Ilan po ba idial na bag para sa isa hectaryang palayan
❤ maturity days po ng rc222
Ano po ba ang panahon ng pagsapaw?
Magkano po ang budget para sa pagbibinhi at pagpunla ng palay para sa isang hectar
Hello po. Anu po yun pagsapaw? Iba pa po ba yun sa paglilihi at pagsusuwi?
Anong abono ang gamitin sa 2 sa 25 30 days
Mgnda sana pg wala yng batas ni CYTHIA VILLAR na RTL.
Tama po kayo kaibigan.
Mam gud day,,ask ko yung variety RC 160,,kung kailan yung 1st,2nd,3rd ng pagaabono bali transplant po siya,,Many thanks Mam sa reply
ilang buwan po ang aabutin bago ma harvest ang palay
Ano ang dpt gamitin na abono pag naglilihi na ang palay? Urea ba o complete
Both
Sub. Done notif all salamat sa pagbahagi nga kaalaman sa pagsasaka.
Gud morning po,sa 26 po nitong june 30 days na ang palay ko,anu pong pataba ang dft kong ilagay sa 1 ha.
Paano po ba mag start sa business sa fertilizer ng palay
Hello Mai mai
Bakit po advice ng iba na magabono ng 10 to 15 days after ng transplanting? Diba yon an pagpapasusuwi?
Halimbawang ikakalat ko ang dayami ng palay sa 1 ektarya. Ilan kilo ng dayami ang sapat sapat na ilalagay sa 1 ektarya????
Kung gagamit ako ng portable NPK Meter sa 1 ektarya upang dumami ang mga suhi ilan ano ano ang tamang abono at ilan ang maximum NPK ang ilalagay sa lupa??? At gayun din sa panahon ng paglilihi o sa pagagatas nito????
Kulang po sa Details Sir..pati ako nakukulangan..Need po talaga nating ipa-Soil Analysis ang Lupa..Dahil ang paninilaw po ng halaman ay maraming Sanhi..Minsan po Bacteria/Virus like BLB/Tungro) na pala ang aabonohan pa ng UREA which is pwede mamislead mga FARMER at pwedeng mapalaki lalo ang gastusin nila sa pagpapalay...dahil hindi din po nila alam yung Scientific Basis na nakapaloob sa kanilang mga pananim.
Kasama poba Ang bilang Ng pag punla or Yung pag lipat tanim na salamat po
Upo
Ask lang po. Kelan po kailangan ang phosphorus na abono?salamat
ano b ibig sabihin ng pagsapaw
Tanong ko Lang po Kong pwede maglagay ng abono kahit 10 araw pa lng Mula sa pagka transplant
Ilan sako pong urea ang abono ng 1 hectare sa time ng pag susuwi at pag lilihi po?
Anong busan po maganda mag tanim ng palay sa Pilipinas?
112 days diamond X. 60 days dipa naman naglilihi..
ang gandang tanawin po #teamchutee
ask lang po pwede po ba gawin ang nescafé coffee as a liquid fertilizer for rice crop and or hybrid rice varieties like NCICR218, Black rice, at Azire Bigante?
makakatulong ba 'to sa growth?
anong ibig sabihin ng pagsasapaw at kailan po ito?
Ang pagsasapaw po ay "heading" stage ng rice crop. Para po malaman kung kailan ito nagaganap, pde po tayong bumisita sa web page na ito -
www.knowledgebank.irri.org/step-by-step-production/pre-planting/crop-calendar
International Rice Research Institute
@@irrivideosofficial tanong lng po anung klasing abono ang kailangan sa palay at ialng sako kada hektar salamat?
Maam pwede bang iispray ang pottasium pag naglilihi na ang palay or paglumbas na ang bunga
Pwede yun dba parang asin yang potassium
Posible bang umani ng 300 kaban ng palay sa 1 ektarya? Anong mga abono at ilan sako ng 46-0-0, 16-20-0 at 14-14-14 ayon sa growth stage ng palay hangang sa pag ani???
paano poh
Tanong lang po kc mag umpisa palang ako mag farm ano una ilagay na abuno nitrogen po ba o phosphorus thanks u po sana mareplayan nyo salamat po
Sa 1 hectare po ilang sakong 17-0-17 pra sa topdress?thank you po..
Isang sako lng po
Ask ko lang po ano po gagawin sa dayami susunugin po ba tapos isabuy sa palayan?
Hindi po cya susunugin....Hahayaan po cyang mabulok upang magamit ng palay pangdagdag nutrisyon.
After po ng harvest disc plow nyo po agad para malibing po at mabilis mabulok
Sinasabi ninyo Kailangan ang Sapat na abono ang ilalagay sa panahon ng Pagsusuwi at Paglilihi. Ilan kilo ba ng abono ang SAPAT na abono sa 1 ektarya?
anu po ggawin sa dayami para maibalik sa lupa plz po salamat sa sasagut.
Pabubulukin po upang magamit ng halamang palay bilang dagdag nutrisyon
Bkit samin sinusunog ginikan
Nhor Pendi p,
Mam tanong klng poo ilang porsyento ang nkukuha 14 14 14 katorse
Kung RC18, Ilang araw bago mg apply ng side dress pagkalipat tanim?
Pila ka sako kada 1 ektarya
Bag ng abono sa isang hetarya
san po makabili ng aerobic rice
sa gym po
Sinunod ko ang guideline ng 937 lahat lahat simula sa pamumonla pati bilang ng pagpapataba mahina pa rin ani nmin 136/ ha. Nag average 55 / cav. Anu kaya kulang
Soil Analysis
&
Practices:
1. Land Preparation
2. Planting Distance
3. Pest and Control Measure
4. Favorable Environment
5. Water/Irrigation Management
6. Right Amount and Right Nutrients & Timing of Application (Soil Analysis)
7. Variety (Hindi po kasi Lahat ng Variety ng Hybrid ay Favorable po sa Lugar)
8. Laborer (Meron po kasing Tamad ng Laborer at Walang Malasakit sa May-Ari 🙂)
9. Synchronize Planting (Sabayang Pagtatanim)
10. Technical Guidance for Hybrid Company/DA na nagbigay po sa inyo ng Binhi..Hindi po Basta Brochure lang o Napanuod niyo po sa Video..
Hindi po Lahat ng Protocol Hybrid ay Hindi dapat Sundin Lalo na po yung Pagpapalaki at Pag Aalaga ng Inyong mga Pananim..
Iba pa din po yung Actual Experienced kaysa sa Libro..Dahil ang Research po diretso lang po iyan at nababago habang nagtatagal..kung Ano po yung Alam niyong Makakaganda na Practices niyo po Wag niyo Baguhin sa Halip po Dagdagan nalang at mas Iimproved pa lalo..Para po sa mas Masaganang Produksyon o Ani niyo..
Anu Ang pasapaw diko magets
Riza single k pa ba?
🌾🇧🇩🌾Hi, I am speaking from Bangladesh.
A new method of paddy production, I have discovered in 2023. With my new system, I can produce rice 15 tons of hybrid and non-hybrid rice in per hectare.
But Bangladesh government rice scientists are not doing any research on my new technique of rice production and are not giving any approval for it.
But thousands of thousans Rice farmers in Bangladesh are benefiting by cultivating paddy according to my new system of rice production. I am interested in working with you to increase rice production all over the world.
Hello..I am a farmer from the Philippines..i read your comment and i am interested to know how you able to harvest 15tons per hectare..I want to learn your way . Can uou help me. ❤❤❤