Moments of Reflections with God (November 17, 2024 - 33rd Sunday in Ordinary Time)

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 5 фев 2025
  • November 17, 2024
    33rd Sunday in Ordinary Time
    Gospel Reading: Marcos 13:24-32
    Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Sa mga araw na iyon, pagkatapos ng mga napakalaking kapighatian, magdidilim ang araw, hindi magliliwanag ang buwan, malalaglag mula sa langit ang mga bituin, at mayayanig ang mga kapangyarihan sa kalawakan. At makikita ang Anak ng Tao na nasa alapaap, dumarating na may dakilang kapangyarihan at malaking karangalan. Susuguin niya ang kanyang mga anghel sa apat na panig ng daigdig at titipunin nila ang mga hinirang ng Diyos, mula sa lahat ng dako.
    “Unawain ninyo ang aral mula sa puno ng igos: kapag sumisipot na ang mga dahon sa sanga nito, alam ninyong malapit na ang tag-araw. Gayun din naman, kapag nakita ninyong nangyayari na ang mga bagay na ito, malalaman ninyong malapit na ang panahon ng pagparito niya - nagsisimula na. Tandaan ninyo: magaganap ang mga bagay na ito bago mamatay ang mga taong nabubuhay sa ngayon. Mawawala ang langit at ang lupa, ngunit ang mga salita ko’y hindi magkakabula.
    “Ngunit walang nakaaalam ng araw o oras ng pagsapit niyon, kahit ang mga anghel sa langit o ang Anak man - ang Ama lamang ang nakakaalam nito.”
    Handa na ba kayo para sa katapusan?
    Mga kapapanampalataya, tayo po ay nasa ika-tatlumpu't tatlong linggo sa karaniwang panahon. Tayo ay nasa katapusan na ng liturgical calendar ng ating simbahan. Sa susunod na linggo ay ipagdiriwang na natin ang dakilang kapistahan ng Kristong Hari. Ang bawat umpisa ay may nakatakdang wakas. Ito ang bagay na ipinapaalala sa atin ng ating ebanghelyo ngayon araw na ito. Ang lahat ng bagay ay magwawakas din. Tanging si Hesus lang ang hindi kahit kailan ay hindi magwawakas. Ipinaunawa ni Hesus sa ating ebanghelyo ang lahat ng mga bagay na magaganap sa katapusan, pagdidilim ng araw at buwan, pagkahulog ng mga bituin sa langit at ang pagbabalik ng ating Panginoon. Maaaring ito ay mangyari o maaari rin naman hindi ito literal na mangyayari at ito ay isang uri ng figurative language lang. Basta ang mahalaga na maunawaan din natin na ang lahat sa atin ay limitado lang at may hangganan, lalo na ang ating sariling buhay.
    Nakatatakot isipin ang mga bagay na sinabi ni Hesus. Subalit, ito ang realidad na gustong sabihin sa atin na sabi ko nga kanina ay ang lahat ay magtatapos, ang ating buhay ay magtatapos at tayo ay nakatakdang mamatay. Pero ang mga bagay na ito ay hindi natin dapat katakutan. Dahil ito ay bahagi lamang ng natural na proseso.
    Ang pagtatapos na ito ay hindi natin katatakutan kung tayo patuloy na kumakapit sa ating pananampalataya at nagtitiwala tayo sa mga salita at pangako ng ating Panginoon, mga salitang nagpapahayag ng pagmamahal, pagpapatawad at pag-asa sa bawat isa sa atin. Hindi magiging madali ang lahat ng mga bagay na ating pagdaraanan. Subalit ang ating pananampalataya ay nagbibgay sa atin ng pag-asa na ito ay malalampasan natin.
    Harinawa, huwag tayong matakot. Bagkus ay patuloy tayong manalig sa ating Panginoong Hesus. Ibigay natin sa kaniya ang ating buong pusong pagtitiwala at patuloy nating asahan ang mga pangako niya sa atin.
    Panginoon, tanggalin mo po sa aming mga puso ang takot sa mga nakatakdang mangyari sa amin. Tulungan mo po kaming patuloy na umaasa, manalig at kumapit sa inyong mga pangako ng pagmamahal, pagpapatawad at pag-asa. Amen.

Комментарии • 1