Bawat isa'y may hirap na pinagdaraanan May mga hirap, mga kalungkutan May nangungulila at namamanglaw At ang pagluha ay hindi mapigilan. May mga hatiinggabing hindi mapaidlip Minsa'y nanghihina, at pagod ang isip Pagtibok ng puso ay tila bumibilis 'Pagkat hindi tiyak, bukas na sasapit Mabuti na lamang at diwa ay napukaw Nang maramdaman ang Iyong pagmamahal Ang mga pangamba ay agad na naibsan, Dahil sa pag-asang, 'di kami iiwan. Chorus: Kami'y magwawagi, kung Iyong sasamahan. At sa aming laban ay laging tutulungan Hindi magagapi, anuman ang magdaan Pag-asa ay mararating, buhay walang hanggan. Aming dalangin nawa'y pagtiisan, Mga pagkukulang at mga kamangmangan Kami ay ibangon, kapag nabubuwal At huwag bayaang sa Iyo'y mapawalay. Salamat oh Hesus, Sa 'Yong pagmamahal Ikaw ang pag-asa't, Ligaya sa buhay.
Kami mag wawagi Kong iyong sasahan
SALAMAT SA DIOS
Salamat po sa Dios , I always play all kinds of songs ni Kuya Daniel , mararamdaman mo it’s meaningful Salamat po sa Dios❤️🫶🙏
❤salamat Po sa Dios
Salamat po sa Dios
My favorite song of all kdr asop music
❤❤❤
Bawat isa'y may hirap na pinagdaraanan
May mga hirap, mga kalungkutan
May nangungulila at namamanglaw
At ang pagluha ay hindi mapigilan.
May mga hatiinggabing hindi mapaidlip
Minsa'y nanghihina, at pagod ang isip
Pagtibok ng puso ay tila bumibilis
'Pagkat hindi tiyak, bukas na sasapit
Mabuti na lamang at diwa ay napukaw
Nang maramdaman ang Iyong pagmamahal
Ang mga pangamba ay agad na naibsan,
Dahil sa pag-asang, 'di kami iiwan.
Chorus:
Kami'y magwawagi, kung Iyong sasamahan.
At sa aming laban ay laging tutulungan
Hindi magagapi, anuman ang magdaan
Pag-asa ay mararating, buhay walang hanggan.
Aming dalangin nawa'y pagtiisan,
Mga pagkukulang at mga kamangmangan
Kami ay ibangon, kapag nabubuwal
At huwag bayaang sa Iyo'y mapawalay.
Salamat oh Hesus, Sa 'Yong pagmamahal
Ikaw ang pag-asa't, Ligaya sa buhay.
Sana may female key din 🙏