Dakilang Pag-Ibig (Radical Love) | Victory Worship

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 6 сен 2024
  • this is the official music video of dakilang pag-ibig!
    Words and Music by Victor Asuncion, Mico del Mundo, Kit Estrella and Julius Fabregas
    Translated by Charles Bautista and Joahnna Tubalinal
    [Verse 1]
    Ako'y Iyong natagpuan
    Sa gitna ng aking kasawian
    Niligtas sa kamatayan
    Inakay sa liwanag ng 'Yong pagmamahal
    [Verse 2]
    Pinalaya ng Iyong habag
    Sa dilim at sa 'king pagkabulag
    Ngayon, sa 'Yong biyaya at sa lalim ng pag-ibig
    Umaawit
    [Chorus]
    Ang buhay ko'y tanging sa 'Yo
    Laging sa 'Yo iaalay
    Ang puso ko'y tanging sa 'Yo
    Laging sa 'Yo, Panginoon
    [Verse 3]
    Walang ibang kaligtasan
    Sa 'Yo, lubos ang kagalingan
    Hesus, ako'y nabihag sa dakila Mong pag-ibig
    Umaawit
    [Chorus]
    Ang buhay ko'y tanging sa 'Yo
    Laging sa 'Yo iaalay
    Ang puso ko'y tanging sa 'Yo
    Laging sa 'Yo, Panginoon
    Ang buhay ko'y tanging sa 'Yo
    Laging sa 'Yo iaalay
    Ang puso ko'y tanging sa 'Yo
    Laging sa 'Yo, Panginoon
    [Bridge]
    Ibibigay lahat, walang alinlangan
    Dahil sa buhay na Iyong inialay
    Ibibigay lahat, walang alinlangan
    Dahil sa buhay na Iyong inialay
    Sa pagtubos, sa buhay na lubos
    Sa krus na ang dulot ay kalayaan ko
    Sa pagtubos, sa buhay na lubos
    Sa krus na ang dulot ay kalayaan ko
    [Chorus]
    Buhay ko'y tanging sa 'Yo
    Laging sa 'Yo iaalay
    Ang puso ko'y tanging sa 'Yo
    Laging sa 'Yo, Panginoon
    Ang buhay ko'y tanging sa 'Yo
    Laging sa 'Yo iaalay
    Ang puso ko'y tanging sa 'Yo
    Laging sa 'Yo, Panginoon

Комментарии • 260

  • @divinegrace6561
    @divinegrace6561 2 года назад +133

    I was loosing hope when i was in high school, Nawalan ng tiwa ang nga magulang ko saakin hanggang sa mapatigil ako sa pag aaral at nag trabaho. I was mad, i was hurt i lived in a dark place, i hate crowded places, i think about myself that im not worth to love, that i am a virus who's hurting my love one's. And the pandemic came into our lives, this pandemic is a big blessing to me. This is the time na nakilala at nakarinig ako ng patungkol sa pagmamahal mo saakin bilang anak ama. You are amazing you loved sinners ama salamat po sa tunay na pagmamahal. At ngayon patuloy parin ang iyong paggabay saakin you never leave me 😭 Thank you for saving me. Isang napaka laking prebelehiyo ang mamalagi saiyong presensya Yahweh 🖤

  • @jerrsondelara7901
    @jerrsondelara7901 3 года назад +484

    Gusto ko lang pong i-share, kung paano nangusap Si Lord gamit itong kanta, actually first time ko pong mag comment sa youtube.
    Sa oras pong ito na drain ako and then yun nga pumunta ako sa video na ito at napakinggan.
    Isa po ako sa media sa aming church. Active naman po ako sa lahat ng gawain sa aming simbahan pero hindi ko namamalayan na nawala na yung tunay na dahilan kung bakit ako nasa ministry, mas inuna ko ang ministry kesa sa relationship ko Kay Lord. So ayun napunta ako sa puntong ito na, na drain ako ng sobra, sa oras pong ito habang tinatype ko sobrang nakakaiyak, hindi iyak sa emosyon pero longing for the presence of God, inaamin ko po na neglect ko yung first love ko which is Si Lord at sa oras na ito humigi talaga ako ng tawad Kay Lord at maluwag nya akong tinggap. Narealize ko na hindi yung galing at active sa ministry ang gusto Ni Lord, kundi yung pag spend sa kanyang presensya, bonus nalang yung ministry dahil yun ang bunga ng pagmamahal ko sa Kanya.
    Maraming salamat po Victory Worship, sobrang nakakablessed po kayo. Salamat dahil hindi nyo po pinagkait yung mga ganitong kanta, salamat po dahil naging parte kayo ng pagbangon kong muli at bumalik Kay Lord.
    Glory to God po. :)

    • @cathyrinematre3701
      @cathyrinematre3701 3 года назад +2

      God bless you more!🤗

    • @j.s.salosa7453
      @j.s.salosa7453 3 года назад +6

      Thank you for your testimony! Patuloy ka lang sa Panginoon! :))

    • @t.santosvictoria1505
      @t.santosvictoria1505 3 года назад

      💞💞💞

    • @hazelrivera5023
      @hazelrivera5023 3 года назад +1

      Kakakinspire naman po ng kwento nio.. .God bless you po. Patuloy lng po tyo sa Lord! ^_^

    • @jerrsondelara7901
      @jerrsondelara7901 3 года назад +1

      @@hazelrivera5023 Yes po tutuloy lang po tayo Kay Lord. 😊

  • @user-dt1zk8ye7q
    @user-dt1zk8ye7q 4 года назад +274

    Can't wait to worship inside the Church, but until then I'll worship You in every place!

    • @ShaiAdiao
      @ShaiAdiao 4 года назад +9

      Tayo na po ang bagong church 💜

    • @rachelneri4911
      @rachelneri4911 4 года назад +6

      Yes..we are the church

    • @lorenzorosario1093
      @lorenzorosario1093 3 года назад +1

      You mean, you cant wait to be entertained in your church?

    • @samaniegocheche
      @samaniegocheche 3 года назад

      amen

    • @treah4172
      @treah4172 3 года назад +1

      You are the church... I am the church, we're all churches.

  • @anniiing2863
    @anniiing2863 3 года назад +8

    paulit-ulit akong nag f-fail bilang isang anak ng Diyos. As a 14 years old girl, sobrang hirap maging consistent. My family's beliefs are opposite to mine and they are spiritually blind. Most of my friends are also not a follower of Christ. Even myself... Hindi ako karapat-dapat na tawaging anak ng Diyos dahil sa puso ko hindi ko parin natatanggap ng lubusan si Hesus. May the Lord continually help me to live for Him and only for Him. Nakakapagod nang mag-fail ng paulit-ulit...

    • @jssalud849
      @jssalud849 2 года назад +1

      Keep on enduring. God will honor your faith 💕

    • @hellooo.daniiidxb
      @hellooo.daniiidxb 2 месяца назад +1

      Keep on following even sometimes you don't what's the behind plan of God. He knows your heart and desire. God Bless you dear ❤.

    • @RuthJaballas
      @RuthJaballas Месяц назад

      Same but you know let's keep going kahit na mahirap we know na He is working for our good and let's keep asking Him and seek Him and knock Him because He is there willing to help you and give you what you need, He knows your needs and what is the good for you. So let's keep going He is guiding us, and look at the cross always and let's ask Him to restored us the most important things:> God love you sister 🫂😇🙏

  • @jpelo
    @jpelo 4 года назад +42

    Real Love is Following Christ not Following your Heart!

  • @nathanielmanuit495
    @nathanielmanuit495 Год назад +7

    Since bumagsak ako sa board exam ko last year nagsimula akong mawalan ng pag asa sa buhay feeling ko diko maabot mga pangarap ko pero dahil sa kantang ito na 1st time ko marining kanina sa sunday service bigla kong naalala na ibigay ko lang lahat kay lord at siya ang tutupad ng lahat ng pangarap ko. Kaya thank u lord for everything you did ing my life amen😇❤

  • @noemiprestoza6476
    @noemiprestoza6476 4 года назад +83

    He was pierced because of our rebellions and crushed because of our crimes. He bore the punishment that made us whole; by his wounds we are healed.
    Isaiah 53:5 ~

  • @nuquijocelledaradar1350
    @nuquijocelledaradar1350 4 года назад +43

    Solid ng pagmamahal ni Lord. Mula noon hanggang ngayon. Hindi kailanman nagkulang kundi umaapaw. Walang kapantay ang pagmamahal mo, Hesus. 🖤

  • @carmelitabaladad
    @carmelitabaladad Год назад +4

    Mula sa kadiliman tayo ay paulit-ulit na tatawagin ni Hesus. Huwag na tayong tumakbo. Salamat Ama dahil mayroon kaming inaasahan tungo sa tagumpay ng buhay. Malayo sa sakit dulot ng sanlibutan ❤❤❤

  • @johnlaborte6300
    @johnlaborte6300 3 года назад +17

    I just broke up with my girlfriend that lasted 6 years, their wasn't a problem we just wanted to focus on ourselves and God. I wasn't prepared for what was comming we flet that we're too far from God. Cause i thought i was going to be with her forever, cause i was used to always seeing her, i was used to being with her all the time. The broke up happed and i was so broken, i felt hopeless. I didn't know what to do. But then God saw me and i called his name, then i heard this song i felt relief, i felt more strong. I felt God talking to me that every thing is gonna be okay just trust in me. I just wanna say thank you so much for making this song. You don't know how much you help people like me to stand up and be strong again.

  • @beryljoi894
    @beryljoi894 4 года назад +87

    Yes, more Tagalog songs pleeeeease... (our heart-language where our root identity meets the Creator)

  • @glennsevilla4205
    @glennsevilla4205 Год назад +4

    Ako'y Iyong natagpuan
    Sa gitna ng aking kasawian
    Niligtas sa kamatayan
    Inakay sa liwanag ng 'Yong pagmamahal
    Pinalaya ng Iyong habag
    Sa dilim at sa 'king pagkabulag
    Ngayon sa 'Yong biyaya at sa lalim ng pag-ibig
    Umaawit
    Ang buhay ko'y tanging sa 'Yo
    Laging sa 'Yo iaalay
    Ang puso ko'y tanging sa 'Yo
    Laging sa 'Yo, Panginoon
    Walang ibang kaligtasan
    Sa 'Yo lubos ang kagalingan
    Hesus, ako'y nabihag sa dakila Mong pag-ibig
    Umaawit
    Ang buhay ko'y tanging sa 'Yo
    Laging sa 'Yo iaalay
    Ang puso ko'y tanging sa 'Yo
    Laging sa 'Yo, Panginoon
    Ang buhay ko'y tanging sa 'Yo
    Laging sa 'Yo iaalay
    Ang puso ko'y tanging sa 'Yo
    Laging sa 'Yo, Panginoon
    Oh-oh
    Ako'y sa 'Yo Panginoon
    Ako'y sa 'Yo
    Ibibigay lahat, walang alinlangan
    Dahil sa buhay na Iyong inialay
    Ibibigay lahat, walang alinlangan
    Dahil sa buhay na Iyong inialay
    Sa pagtubos, sa buhay na lubos
    Sa krus na ang dulot ay kalayaan ko
    Sa pagtubos, sa buhay na lubos
    Sa krus na ang dulot ay kalayaan ko
    Buhay ko'y tanging sa 'Yo
    Laging sa 'Yo iaalay
    Ang puso ko'y tanging sa 'Yo
    Laging sa 'Yo, Panginoon
    Ang buhay ko'y tanging sa 'Yo
    Laging sa 'Yo iaalay
    Ang puso ko'y tanging sa 'Yo
    Laging sa 'Yo, Panginoon

  • @yourstrulyrain9140
    @yourstrulyrain9140 9 месяцев назад +1

    Ako’y Iyong natagpuan
    Sa gitna ng aking kasawian
    Niligtas sa kamatayan
    Inakay sa liwanag ng ‘Yong pagmamahal
    Verse II:
    Pinalaya ng Iyong habag
    Sa dilim at sa ’king pagkabulag
    Ngayon sa ‘Yong biyaya at sa lalim ng pagibig
    Umaawit
    Chorus:
    Ang buhay ko’y tanging sa ’Yo
    Laging sa ’Yo iaalay
    Ang puso ko’y tanging sa ‘Yo
    Laging sa ‘Yo, Panginoon
    Verse III:
    Walang ibang kaligtasan
    Sa’Yo, lubos ang kagalingan
    Hesus ako’y nabihag
    Sa dakila Mong pagibig
    Umaawit
    Bridge I:
    Ibibigay lahat, walang alinlangan
    Dahil sa buhay na Iyong inialay
    Bridge II:
    Sa pagtubos, sa buhay na lubos
    Sa krus na ang dulot ay kalayaan ko

  • @Edutha
    @Edutha 4 года назад +30

    Yes Lord, "Ang buhay koy tanging sayo laging sayo iaalaya."
    I love you Lord! till the end of my days, I will offer my life to you!

  • @thegreatletterk
    @thegreatletterk 4 года назад +32

    Sir Tim, prayed for me wayback in Alabang. I was really having a tough season, crying during worship. I praise the Lord for this ministers!

  • @nemsvlog3005
    @nemsvlog3005 Месяц назад

    Sobrang gaan ng pakiramdam ko pag napapakinggan ko tong kanta 🤍😇🙌

  • @doctorstrange6054
    @doctorstrange6054 3 года назад +12

    I was totally relate to their song "Lilim". Relate na relate ako kasi para syang theme song ko nong time na nasa quarantine kami. Praise God negative naman hindi lang ako kundi lahat ng nagpa test nong araw na yon. Hallelujah!!

  • @monchingtv3723
    @monchingtv3723 4 года назад +11

    Panginoon ang BUHAY ko ay tanging sayo Tnaging sayo I aalay

  • @khairubio4773
    @khairubio4773 3 года назад +4

    Kapag sukong-suko nako sa life eto pinapakinggan ko.🙌

    • @ranesqueirdo7272
      @ranesqueirdo7272 3 года назад

      Laban lang po ate. Wag mawawalan ng pag-asa and faith sa kanya. Godbless you more and more. 😇👊🔥

  • @arjaystamaria439
    @arjaystamaria439 3 года назад +3

    Jogging while listening to This song reminds me of my Purpose. Ang liit na plano lang pla na yumaman, di masama pero anliit nya compare sa plano ni Lord na gamitin ako to share His word so that His Name will be Glorified..

  • @lheiannejordan3512
    @lheiannejordan3512 2 года назад +7

    Ang puso ko'y laging sayo! Tanging sayo! Panginoon✨

  • @anmie6104
    @anmie6104 4 года назад +13

    Im inlove with the tagalog lyrics 😳😻😭😭 MORE PLS ❤️✨

  • @ljtongol6672
    @ljtongol6672 3 года назад +3

    Eto yung song na hinakit namin nung c.i namen sobrang ganda ng song bago ako matulog eto lagi kong pinapakinggan

  • @yancyroseyanyandagal6789
    @yancyroseyanyandagal6789 3 года назад +2

    Habang pinapakinggan ko yung song na ito 😢naiiyak ako,
    Dahil narin sa pinagdadaanan natin sa panahong to 😢
    Covid-19 tapos ngayon bagyong Ulysses 😢😢 grabe na 😭😭
    Yung gusto kong tumulong pero wala rin ako😢😢😭yung pag charge ng cellphone lang nila yung kaya kong itulong😔😔
    Pero AMA thank you parin po dahil ligtas kami♥️♥️
    At hindi mo po kami pinababayaan♥️♥️♥️
    Always thank GOD for everything..💖💖💖♥️🙏🙏🙏
    Magiging Maayos din ang lahat 🙏🙏
    Magtiwala lang kay AMA🙏♥️♥️💖💖

  • @crisantogarcia563
    @crisantogarcia563 2 года назад +2

    Lahat ng papuri at pasasalamat, sayo lang Panginoon.
    Ang puso at buhay ko ay sayo lang Panginoon. Salamat sa awiting ito.

  • @angelstrong792
    @angelstrong792 2 года назад +2

    Magandang awit, salamat sa pagbahagi, pagpalain ka ng Diyos!

  • @marphestaana6214
    @marphestaana6214 4 года назад +7

    Thank you for this song.
    Praise the Lord.
    "Ang puso koy sa'Yo
    Laging sa' Yo Panginoon"

  • @celestevhondenicko7184
    @celestevhondenicko7184 2 года назад +2

    Ganda ng craftsmanship ng song. Nakaka bless ang galing niyo lahat.

  • @jovandemellites861
    @jovandemellites861 2 года назад +1

    Napaka sarap magpuri sa Panginoong Hesus

  • @bimboycabralez8367
    @bimboycabralez8367 3 года назад +3

    AMEN jesus tanging sayo lamang ang buhay namin.

  • @marvingodinez978
    @marvingodinez978 3 года назад +5

    While listening to this i can't stop praising/ worship God. Nanlambot ang puso ko ng napakinggan ko to ☺️❤️

  • @juliusdecierto3607
    @juliusdecierto3607 4 года назад +5

    I've been waiting for this noon pa para s lola q salamat po

  • @jeantaborete7229
    @jeantaborete7229 Год назад +1

    Overview
    Lyrics
    Listen
    Analysis
    Artists
    Main results
    Ako'y Iyong natagpuan
    Sa gitna ng aking kasawian
    Niligtas sa kamatayan
    Inakay sa liwanag ng 'Yong pagmamahal
    Pinalaya ng Iyong habag
    Sa dilim at sa 'king pagkabulag
    Ngayon sa 'Yong biyaya at sa lalim ng pag-ibig
    Umaawit
    Ang buhay ko'y tanging sa 'Yo
    Laging sa 'Yo iaalay
    Ang puso ko'y tanging sa 'Yo
    Laging sa 'Yo, Panginoon
    Walang ibang kaligtasan
    Sa 'Yo lubos ang kagalingan
    Hesus, ako'y nabihag sa dakila Mong pag-ibig
    Umaawit
    Ang buhay ko'y tanging sa 'Yo
    Laging sa 'Yo iaalay
    Ang puso ko'y tanging sa 'Yo
    Laging sa 'Yo, Panginoon
    Ang buhay ko'y tanging sa 'Yo
    Laging sa 'Yo iaalay
    Ang puso ko'y tanging sa 'Yo
    Laging sa 'Yo, Panginoon
    Oh-oh
    Ako'y sa 'Yo Panginoon
    Ako'y sa 'Yo
    Ibibigay lahat, walang alinlangan
    Dahil sa buhay na Iyong inialay
    Ibibigay lahat, walang alinlangan
    Dahil sa buhay na Iyong inialay
    Sa pagtubos, sa buhay na lubos
    Sa krus na ang dulot ay kalayaan ko
    Sa pagtubos, sa buhay na lubos
    Sa krus na ang dulot ay kalayaan ko
    Buhay ko'y tanging sa 'Yo
    Laging sa 'Yo iaalay
    Ang puso ko'y tanging sa 'Yo
    Laging sa 'Yo, Panginoon
    Ang buhay ko'y tanging sa 'Yo
    Laging sa 'Yo iaalay
    Ang puso ko'y tanging sa 'Yo
    Laging sa 'Yo, Panginoon

  • @johnlouie6521
    @johnlouie6521 4 года назад +10

    Praise God for His radical love

  • @TagalogWorshipSongs
    @TagalogWorshipSongs 2 года назад +3

    I hav nothing more to say but to give thanks for the gift of life sa safety and guidance and most of all the blessings and graces we received throughout .Your my strength in all my undertakings in life ! I love you lord ❤️

  • @ellacaanawan6219
    @ellacaanawan6219 2 года назад +1

    Praise God pa request nga po yung version English ng radical love niyo po parang gusto ko po kasing i pakanta in English version niyo po thank you po God Bless ✨

  • @miho6245
    @miho6245 Год назад

    Good Day everyone....
    Eto nkasakay sa bus, at nakikinig ng workship song 😇

  • @jskillstv3894
    @jskillstv3894 4 года назад +1

    Wala ng language barrier para sa mga simpleng pinoy

  • @RrtoVlog3
    @RrtoVlog3 4 года назад +1

    sa kabila ng aking kahinaan,kawalan ng pag asa puno ng pagdurusa, na para bang hinahatak sa ilalim ng sanglibutan.
    PERO pag nakapakinig ako ng ganitong awitin parang nagkaroon ako ng lakas, salamat oh Dios sa iyong paalala, hindi ko mapigilan na mapaluha sa iyong kabutihan. salamat sa awiting ito.

  • @florlagazo4582
    @florlagazo4582 3 года назад +3

    It was an gift and anointed one Ang gumawa NG lyrics at nag translate into sobra akong bless....and also itong music team...superbbbbb grabe glory to god

  • @sherylcatanghal6938
    @sherylcatanghal6938 3 года назад +2

    Super love💚💚💚💚🙏

  • @channelniligaya7370
    @channelniligaya7370 3 года назад

    Wow gusto KO matutung mag guitar. Para araw2x ko magharanahan ang panginoon.
    Thanks you Lord in every single day
    A single minute
    Every single second..
    Thank you Lord 😍😍😍😍😍😍
    😇😇😇😇😇😇😇

  • @lellanjoybalansag3857
    @lellanjoybalansag3857 2 года назад +3

    It's refreshing and feels blessed the moment you offer this song to the Lord in church.Thank you Lord for giving me such strength and talent in glorifying your name.

  • @RedeemedByJesus143
    @RedeemedByJesus143 4 года назад +6

    😭😭😭❤️❤️❤️ my heart!!! Thank You Jesus!

  • @chestercaceres1307
    @chestercaceres1307 Год назад

    Thank You Po Lord sa Dakila Nyo Pong Pag-ibig sa Amin.Kahit na kami Po ay hindi karapad dapat sa inyong harapan ay ginawa Niyo po kaming karapat-dapat.Sayo lang po lagi ang pinaka mataas na papuri at pagsamba.Nothing compares to You po Lord🙏🙏🙏🙏🙏🙏

  • @ivynaomisolano5130
    @ivynaomisolano5130 3 года назад +1

    aww Amennnn

  • @josedebaylon5662
    @josedebaylon5662 4 года назад +5

    Thanks for this. Brings us back to worship, to remembering God’s great love for us, the undeserving but by His grace ... saved, secure and certain of our present and future.

  • @lloydjhomargalosluangco784
    @lloydjhomargalosluangco784 4 года назад +4

    Salamat sa mga awitin ❤️

  • @Sally-er6cv
    @Sally-er6cv 2 года назад

    Panginoon,slamat pinalaya mko ng iyung habag nakilala kita at tinaggap bilang Panginoon ng aking buhay at tagapagligtas🙏kaya ang buhay at puso k ay tanging sau iaalay🙏🙌

  • @josephespinedachannel302
    @josephespinedachannel302 4 года назад +1

    Praise the Lord keep sharing this video to Glorifying GOD Godbless mga kapatid

  • @ryanchristianconejares8188
    @ryanchristianconejares8188 3 года назад

    dhil syong pag ibig ako'y n buhay s dakilang pag ibig Panginoon Hesus amen

  • @jmcover14
    @jmcover14 3 года назад +3

    I remember the Goodness of God ,
    Ty for this song 😇❣️🙏

  • @marthyriolo4555
    @marthyriolo4555 4 года назад +2

    Waaaahhhhhhh 😭😭😭😭😭😭

  • @princessnicole479
    @princessnicole479 3 года назад +3

    Finally!😭 I found this!!!😭😭😭♥️♥️♥️♥️

  • @christianangelouembalsado8443
    @christianangelouembalsado8443 3 года назад +1

    If we let God used us, then we can serve Him through our struggles and downtimes.

  • @sunkim5081
    @sunkim5081 3 года назад

    God's ONLY Son -- JESUS. Suffered, died and rose again.
    This is surrendering our lives to Jesus! Submitting to Him everything. Because He owns everything even our life. He is master and Lordship of our lives!
    SALAMAT LORD!!♥️❤️❣️

  • @oliverlegarde8966
    @oliverlegarde8966 2 года назад

    Grabe same feeling sa original version ng Radical love napakatindi ng mensahe ng awit n to, tunay na dakila Ka Panginoong Hesus sa aking buhay 🙌☺️

  • @collenangco2924
    @collenangco2924 4 года назад +1

    Hello sa po sa inyo tnx God i found this channel.. ang sarap mag puri sa ating panginoon Godbless.. 😊🙏

  • @syrhyldaquitan6828
    @syrhyldaquitan6828 3 года назад +1

    More WORSHIP SONGS PLEASE ❣️ nakaka Fresh po ng mood araw2 ☝️🙏😇

  • @edzensusettebarayuga7384
    @edzensusettebarayuga7384 2 года назад +1

    Amen po.Praise GOD po😊❤️

  • @RickyGalvan-nw2nf
    @RickyGalvan-nw2nf 5 месяцев назад +1

    🙏🙏🙏

  • @jelwinpaculanang7401
    @jelwinpaculanang7401 4 года назад +1

    Ang ganda ng mensahe at ng pagka tugtog.

  • @dedmagno
    @dedmagno 4 года назад +2

    parang iba lng yung voice ni Ms. Cathy Go dito sa Recording, pero mgnaanda pa dn ng recording nyo VW. Galing! Excited for more albums. God bless you all, praying for protection to all your families. Keep it up guys!

  • @zonapescatvpescatutoriales831
    @zonapescatvpescatutoriales831 3 года назад +1

    Amen para todos aquellos que ahoran le agradecen a dios😇😇🙏 por ayudarlos a salir a delante

  • @donnamayestrella3302
    @donnamayestrella3302 4 года назад +2

    Nakaka Blessed! 😇💕

  • @joelnovia4149
    @joelnovia4149 3 года назад +1

    GOD is so good!
    GOD bless Christians around the Globe.

  • @lynxlainemanio8727
    @lynxlainemanio8727 Год назад

    Dakilang Pag-ibig
    Ako'y Iyong natagpuan
    Sa gitna ng aking kasawian
    Niligtas sa kamatayan
    Inakay sa liwanag ng 'Yong pagmamahal
    Pinalaya ng Iyong habag
    Sa dilim at sa 'king pagkabulag
    Ngayon sa 'Yong biyaya at sa lalim ng pag-ibig
    Umaawit
    Ang buhay ko'y tanging sa 'Yo
    Laging sa 'Yo iaalay
    Ang puso ko'y tanging sa 'Yo
    Laging sa 'Yo, Panginoon
    Walang ibang kaligtasan
    Sa 'Yo lubos ang kagalingan
    Hesus, ako'y nabihag sa dakila Mong pag-ibig
    Umaawit
    Ang buhay ko'y tanging sa 'Yo
    Laging sa 'Yo iaalay
    Ang puso ko'y tanging sa 'Yo
    Laging sa 'Yo, Panginoon
    Ang buhay ko'y tanging sa 'Yo
    Laging sa 'Yo iaalay
    Ang puso ko'y tanging sa 'Yo
    Laging sa 'Yo, Panginoon
    Oh-oh
    Ako'y sa 'Yo Panginoon
    Ako'y sa 'Yo
    Ibibigay lahat, walang alinlangan
    Dahil sa buhay na Iyong inialay
    Ibibigay lahat, walang alinlangan
    Dahil sa buhay na Iyong inialay
    Sa pagtubos, sa buhay na lubos
    Sa krus na ang dulot ay kalayaan ko
    Sa pagtubos, sa buhay na lubos
    Sa krus na ang dulot ay kalayaan ko
    Buhay ko'y tanging sa 'Yo
    Laging sa 'Yo iaalay
    Ang puso ko'y tanging sa 'Yo
    Laging sa 'Yo, Panginoon
    Ang buhay ko'y tanging sa 'Yo
    Laging sa 'Yo iaalay
    Ang puso ko'y tanging sa 'Yo
    Laging sa 'Yo, Panginoon

  • @YeuseffMusic23
    @YeuseffMusic23 3 года назад +1

    Yes Lord! Ibibigay lahat, walang alinlangan, dahil sa buhay na Iyong inialay.

  • @taehyung2832
    @taehyung2832 3 года назад +1

    What a beautiful day! before I review for my exam, just listening to the Worship song muna:) GOD BLESS US ALL!

  • @jinky6101
    @jinky6101 Год назад

    Ang buhay ko'y tanging sayo, laging sayo iaalay...♥️😇

  • @zizirotti1212
    @zizirotti1212 4 года назад +3

    GOD bless us ALL😇❤️

  • @ronillosadia5727
    @ronillosadia5727 2 года назад

    God is impossible 🙏☝️❤️

  • @jayveneracion42
    @jayveneracion42 4 года назад +1

    Panginoon

  • @seanalcantara6484
    @seanalcantara6484 2 года назад

    Binago moko panginoon.

  • @shiefernando0322
    @shiefernando0322 4 года назад +2

    Praise God .. 👏👏👏

  • @RZGuitar
    @RZGuitar 4 года назад +3

    Praise God!

  • @keithsydneycrispe7114
    @keithsydneycrispe7114 2 года назад +1

    Sambahin ka Yahweh, sa pag aawitan at mga tugtugang ito
    By the way kala ko si badjao ng IVOS yung drummer dun sa start nung naka top view

  • @janetotaoquiniquis2837
    @janetotaoquiniquis2837 2 года назад

    Ganda ng song parang kanta

  • @sentavous1825
    @sentavous1825 3 года назад +1

    I've been looking for Filipino worship song to sing. I'm glad God lead the way until I saw ur channel. God will help you in composing more Filipino songs in the future. Sabay nating ialay ang ating buhay at mga awiting likha ng Pilipino! 😄🇵🇭

  • @crishleonvillena4586
    @crishleonvillena4586 3 года назад

    nakaka mang hang awit God bless us

  • @rosalynbutolan7775
    @rosalynbutolan7775 3 года назад

    God bless u all sanay hindi kayo titigil NG pagrecord NG papuri song Para sa ating Panginoon salamat

  • @richiemenil9000
    @richiemenil9000 4 года назад +1

    Ang buhay ko'y tanging sa'Yo 💙

  • @jenelynamil8535
    @jenelynamil8535 4 года назад

    Sobrang ganda po ng Tagalog song talaaga pong makakaconnect ka sa pagsamba sa Panginoon

  • @karenverano9081
    @karenverano9081 3 года назад

    Favourite ko lagi yung mga kanta ninyo 😊😊
    Lagi ko din kinakanta sa Church namin 🙏

  • @rizamaeichon7022
    @rizamaeichon7022 3 года назад +1

    Praise God.God bless po.Keep on singing to the Lord

  • @cazandramagpantay1202
    @cazandramagpantay1202 2 года назад

    Ganda Po ng song yan Po kanta namin sa amimh graduation

  • @merlyngeearrivillaga4891
    @merlyngeearrivillaga4891 3 года назад

    HALA ANG GANDA PEYBORIT WORSHIP KO NA TOH🥰❤️

  • @CarlJustinSalen
    @CarlJustinSalen 7 месяцев назад

    amazing love of god ❤❤❤

  • @yeshuarockmusicvlog1064
    @yeshuarockmusicvlog1064 2 года назад

    amen...

  • @joshuapar2143
    @joshuapar2143 3 года назад +1

    This is amazing! Praise God for your life Victory Worship! Indeed the Lord is working in to your life! Those lyrics are so "sagad sa buto" moments because it was translated to tagalog. Through this I pray na mas maraming Pilipino ang makalaya mula sa kasalanan at maka kilalang lubos sa kay Kristo Jesus! Pagpalain kayong lubos!!! 🙌🏽

  • @apriljoycuarto7807
    @apriljoycuarto7807 2 года назад

    Kpag nrrinig ko itong song na to pumapatk nlng luha ko npakabuti ng ating panginoon❤️

  • @abrahamacademia486
    @abrahamacademia486 4 года назад +1

    Praise God and Amen

  • @evarosepoliverio6385
    @evarosepoliverio6385 3 года назад

    Kahapon ito kinanta namin nakakaiyak at nakaka lambot sa puso

  • @angelschannel1695
    @angelschannel1695 2 года назад

    Ang buhay at puso ko'y tanging sayo, laging sayo Panginoon🥺🧡

  • @ronillosadia5727
    @ronillosadia5727 2 года назад

    Everything change me because GOD!🙏☝️❤️

  • @lhediychannel6576
    @lhediychannel6576 4 года назад +1

    Praise God💕💕🙏🙏😊🤗🤗

  • @milcasarahorejola1262
    @milcasarahorejola1262 2 года назад +1

    God bless Victory Worship🔥😊

  • @jerrickvillaluz7804
    @jerrickvillaluz7804 4 года назад +2

    Amen ☝🏻

  • @brenhubahib7562
    @brenhubahib7562 4 года назад +1

    Thank you for sharing..GOD bless us all

  • @charity729
    @charity729 2 года назад

    Ang good ng song nato nakaka fresh sa puso praise god!