'Otsenta,' dokumentaryo ni Atom Araullo | I-Witness

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 9 сен 2024
  • Aired (March 23, 2024): Walong dekada na ang lumipas mula nang sakupin ng mga Hapon ang Pilipinas. Pero may mga patuloy pa ring lumalaban para makamit ang kanilang inaasam na hustisya para sa mga naranasang kalupitan. Pero sa paglipas ng panahon, unti-unti na silang humihina at nawawala. Makuha pa kaya nila matagal nang inaasam?
    Kilalanin natin ang mga Malaya Lola sa pinakabagong dokumentaryo ni Atom Araullo para sa #IWitness.
    #iBenteSingko
    ‘I-Witness’ is GMA Network's longest-running and most awarded documentary program. It is hosted by the country’s top documentarists- Howie Severino, Kara David, Atom Araullo, Mav Gonzales, and John Consulta. ‘I-Witness’ airs every Saturday, 10:15 PM on GMA Network.
    Subscribe to / gmapublicaffairs for our full episodes.
    GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
    GMA Network upholds ethical standards of fairness, objectivity, accuracy, transparency, balance, and independence.
    Walang Kinikilingan, Walang Pinoprotektahan, Serbisyong totoo lamang. #GMAPublicAffairs #KapusoStream
    Subscribe to the GMA Public Affairs channel: / gmapublicaffairs
    Visit the GMA News and Public Affairs Portal: www.gmanews.tv
    Connect with us on:
    Facebook: / gmapublicaffairs
    Twitter: / gma_pa

Комментарии • 526

  • @JohnMeggySalinas
    @JohnMeggySalinas 4 месяца назад +67

    As an Araling Panlipunan teacher in Junior High at history buff, ini-integrate ko pa rin ang kasaysayan ng ating bansa tulad nang mga ito. Salamat GMA, magagamit ko 'to sa future lessons ko.

    • @brycorpuz
      @brycorpuz 21 день назад +2

      More power po! Kagaya niyo po ang asawa ko. Kagaya niyo po ay gumagamit din siya ng mga ganito sa kaniyang leksyon.

    • @AldrinWaje-vj1jq
      @AldrinWaje-vj1jq 15 дней назад +1

      Salamat sayo sir sa patuloy mong pagtuturo Ng kasaysayan

  • @rosendoymasajr.7166
    @rosendoymasajr.7166 5 месяцев назад +160

    Isang napakahirap na gawin para sa isang reporter na buhayin sa subject niya ang isang malagim na pangtayari.
    Congrats Mr. Atom Araullo

  • @clarklances.custodio6506
    @clarklances.custodio6506 5 месяцев назад +164

    Atty. Suarez is right; the initiatives from the governments of the Philippines and Japan are not enough to get justice for these women. The sad reality is that the Philippine government doesn’t want to file a case for the victims of the war in Japanese court. It’s so ironic that Korea had the courage to defend its people and their nation during the Japanese occupation, but the Philippine government could not.
    Let’s don’t forget the past of our nation, and as an aspiring historian, it is my will to serve and give importance to Philippine history.

    • @ThemChickenIsAshAndImLotion
      @ThemChickenIsAshAndImLotion 5 месяцев назад +14

      Hindi nga tayo kayang ipaglaban ng gobyerno sa Tsina eh hahaha

    • @FREEWHEEZE
      @FREEWHEEZE 5 месяцев назад +7

      +1 yes more than monetary help, an apology from the japanese govt is the most important thing.

    • @marcjeson9272
      @marcjeson9272 5 месяцев назад

      Sobrang laki nang pinagbago ng mga Japanese ngayon at napakaraming ofw don hindi pa ba sapat yon? Yong mga American hindi din ba nang aboso sa atin?

    • @chrisyee4740
      @chrisyee4740 5 месяцев назад +1

      Wala na tlaga ang govt naten magaling lang sa ibang bagay na pagkakaperahan nila hahaha

    • @saratoga4126
      @saratoga4126 3 месяца назад

      ipokrito nagtuturo kang magalit sa mga Hapon pero mga Amerikano na mas malala kumusta?

  • @joshuadimasaka
    @joshuadimasaka 5 месяцев назад +119

    kinilabutan ako sa pag-awit ni lola. napakaganda pero ramdam mo ung sakit sa bawat salita, sa bawat himig, sa bawat tempo.

  • @lhene001
    @lhene001 2 месяца назад +11

    Andito dahil sa pulang araw.. mga ibang kabataan dapat mapanuod 'to, hindi yung tinatawanan nila yung ganitong pangyayari .,yung iba wala ng alam sa kasaysayan ng Pilipinas eh. 🥺

  • @saddieadler2515
    @saddieadler2515 5 месяцев назад +35

    Someone should post about this on Social media and make this a trend

  • @jemsonanob71
    @jemsonanob71 5 месяцев назад +43

    "Echoes of Courage: A Tribute to the Malaya Lolas,"
    In shadows of wartime's grim embrace,
    Malaya Lolas stood with grace.
    Silent witnesses to horror untold,
    Their stories of valor, forever unfold.
    Through fields of chaos, they treaded strong,
    Their resilience, an unsung song.
    Captured innocence, a cruel fate,
    Yet they carried on, defying hate.
    In the depths of darkness, they found light,
    Their spirits, a beacon, shining bright.
    With each tear shed, a tale untold,
    In their courage, history takes hold.
    Though time may pass, their memory lives,
    In every heartbeat, their legacy gives.
    Malaya Lolas, in reverence, we stand,
    Forever etched in our homeland.

  • @mr.peabody008
    @mr.peabody008 5 месяцев назад +57

    It broke my heart knowing this sad tale of our countrymen who greatly suffered in the hand of Japanese oppressors in the past. This shall never be forgotten. I hope this will serve as a mind opener to our youth to foster love for country and treasure the freedom we are enjoying now.

  • @thrivewithgj
    @thrivewithgj 5 месяцев назад +127

    Its so ironic na ang Japan ay well loved country ngayon, hindi naman natin masisisi dahil talagang maganda ang Japan ngayon and sobrang ahead sa technology and grabe ang disiplina. Pero huwag sana makalimutan ang ginawa din ng kanilang mga ninuno sa ating bansa.

    • @reychelleevefernandez
      @reychelleevefernandez 5 месяцев назад +10

      The DepEd even has program for foreign languages including Nihongo which is being teach to our students.

    • @eugenegerman9166
      @eugenegerman9166 5 месяцев назад +4

      Iba kasi ang mindset nila e.

    • @LarDKavila3489
      @LarDKavila3489 5 месяцев назад +10

      Ang pinaka leksyon ay maging marespeto sa buhay ng bawat tao.
      Wala na ang mga ninuno ng mga hapon. Di na nila matututunan ang leksyon ng gyera. Di na sila makakahingi ng tawad. Lesson is be peaceful in all our ways. Never harbor hate.

    • @patsypatootsie
      @patsypatootsie 5 месяцев назад

      HA????????? Ni wala ngang reparations kahit nung buhay pa mga ninuno ng mga yan. The point of them learning that sana in their schools sa bansa nila is para malaman nila ho awfully they treated the countries and people they slayed and enslaved, para di nila ulitin ang mga kasalanan ng mga nauna sa kanila. @@LarDKavila3489

    • @burner2363
      @burner2363 5 месяцев назад +3

      Kulang pa ang dalawang nuclear sa mga Hapon

  • @samanthatingson3167
    @samanthatingson3167 5 месяцев назад +52

    This will never be forgotten. Thank you, Malaya Lolas, for sharing your story

    • @kuyskoko00
      @kuyskoko00 5 месяцев назад

      Thank you for what?

  • @charmainebunnin1078
    @charmainebunnin1078 5 месяцев назад +19

    Kaming mga nakakakaalam at may pakialam ay lagi namin kayong aalalahanin. Kaming mga may kamag anak ng mga nabiktima ng mga hapon sa panahon na iyan ay lagi kaming gagawa ng paraan na mapaalala ang mga paghihirap niyo at sakripisiyo.

  • @tatatips610
    @tatatips610 5 месяцев назад +13

    Kudos sa teacher pinapalagahan at pinapaalam sa mga estudyante ang tungkol sa malaya lolas at tyaka lalo na kay atom.

  • @tisoybisdak7675
    @tisoybisdak7675 5 месяцев назад +14

    My mother is 85 years old,both her parents and younger siblings died from starvation during the war.and its sad how many of our people died and suffered from invasion.I Pray for our country Philippines that There will be No war😢.

  • @letlaidoit1794
    @letlaidoit1794 5 месяцев назад +6

    "Time really can't heal wounds (trauma), time that has passed by just made the person stronger."
    I can feel their pain in every tears. Parang hindi mauubos ang luha nila, parang di matatapos ang grief nila.😢
    Napakasakit na karanasan. 😢

  • @user-gf7qn2cr5v
    @user-gf7qn2cr5v 5 месяцев назад +20

    Ito dapat ang pinapanood sa generasyon ngaun.. kesa ung mga minsan Maivlog lng..

  • @mikasta9881
    @mikasta9881 5 месяцев назад +56

    Kwento sakin nung Lolo ko Yung nabubuhay pa sya Isa syang world war 2 veteran, Isa din sa strategy Ng mga hapon ay sirain Ang mga pag kukunan nila Ng pagkain at Ng malinis na tubig para if mkapag tago man sila ay pwede din silang mamatay sa gutom. Kaya daw Yung Yung Patay nila kasamahan or mga Patay na hapon kinakain daw nila Yung utak, puso , bituka , at atay para mka survive daw sila, at kahit nandidiri Lolo ko daw sinikmura nalang daw nila kumain Ng ganun kesa mamatay sa gutom at no choice na sila for survival😢 Basta daw malinis at pinakuluan at maayos na nailuto mas masarap pa daw sa Karne Ng baboy at mas malasa pa.

  • @brytv26
    @brytv26 5 месяцев назад +16

    Kailangan manatiling nakapreserve ang mga account ng mga lola at lolong nabuhay sa panahon ng gyera. Isa ito sa magiging alaala ng kahapon dahil wala na tayong aasahan sa kabataan ngayon, puro nalang tiktok wala nang pakialam sa mga nakaraan.
    Salute to you sir Atom at sa mga taong nasa likod ng ng mga camera dahil nagagawa ninyo ang mga ganitong proyekto. Nawa'y maipagpatuloy ninyo ang ganitong gawain. Maraming salamat sa inyo

    • @user-sg5ni3gx2p
      @user-sg5ni3gx2p 5 месяцев назад

      Tama wala na silang pake sa gnyan puro ml nalang at pasarap sa buhay ang alam

    • @tatayswift13
      @tatayswift13 5 месяцев назад

      Baka maramdaman ulit ng mga kabataan ngaun ang lupit kong pano sakupin ng mga taga ibang bansa nag uumpisa na nga ang China…

    • @francinev3971
      @francinev3971 5 месяцев назад

      minsan yung ibang matatanda rin ang hindi maaasahan sa mga ganyan. bawat henerasyon, hindi mawawala ang mga ignoranteng pilipino

    • @Madeby3go88
      @Madeby3go88 Месяц назад

      may pake na sila sa hinaharap

  • @Shinshinhwa
    @Shinshinhwa 5 месяцев назад +11

    My grandmom experienced this too, just recently last Christmas nag reminisce sya sa nangyari noong Giyera ng mga Hapon sa Leyte.

  • @Tiger087-o9g
    @Tiger087-o9g 5 месяцев назад +19

    Ramdama na ramdam ang sakit ng nakaraan sa bawat kwento at patak ng luha nila lola 😢

  • @sheerluck2646
    @sheerluck2646 2 месяца назад +5

    What saddens me is that many in the new generation of Japanese are unaware of the extent of the crimes their ancestors committed in the Philippines. I remember taking my Japanese colleague to Intramuros, and he apologized to me, even though he didn't need to. He then asked why I still loved Japan, and that question left me momentarily speechless. Maybe it's me that needs to remember the past and history of their crimes in the Philippines.

  • @irisshin4977
    @irisshin4977 5 месяцев назад +32

    Hanggang ngayon Japan never apologize for they have done. We all moving forward but never forget what happened in our history

    • @theedensio
      @theedensio 5 месяцев назад +6

      Totoo, love na love pa ng mga burgis na Pinoy na mag-turista roon sa Japan. Hay.

    • @AD-ud4lu
      @AD-ud4lu 5 месяцев назад +5

      Tandaan, karma never sleeps kasi ngayon ang kanilang populasyon ay unti-unting bumababa along with their economy.
      Kaya in short, kinakarma na sila ngayon sa kanilang ginawa.

    • @marcjeson9272
      @marcjeson9272 5 месяцев назад

      ​@@AD-ud4lu😂

    • @shadowfiend3547
      @shadowfiend3547 5 месяцев назад +1

      Salamat einstein at oppenheimer sa nuclear ahahaha

  • @jaysonmontanez8727
    @jaysonmontanez8727 5 месяцев назад +23

    I think nabuhay Ako sa ganyang panahon Kase every time Ng makakakita Ng ganitong video naluluha Ako parang may nagpapa alala 😔

    • @noddythefootage
      @noddythefootage 5 месяцев назад +1

      Sniper ka ata dati pre

    • @annengtv3893
      @annengtv3893 5 месяцев назад

      same diko mapigilan luha ko grabe ung kirot

  • @SirMarvinHacutina
    @SirMarvinHacutina 5 месяцев назад +16

    Ang ganda ng presentation sir Atom

  • @ashleylomeda9330
    @ashleylomeda9330 5 месяцев назад +4

    My greatgrandmother also tell us their story during that time. Sabi nya nag tatago sila sa kanal ng tatay (greatgrandfather) dahil nga sa kalupitan ng mga hapon. Nagugutom sila di rin maka labas sa kanal dahil pag nakita sila its either babaralin or gagahasain si nanay. Also walang masyadong tubig dahil nga sa ginawa ng hapon.
    Their experiences really tell us how we should must preserved the history and reflect about it

  • @rheandespi1266
    @rheandespi1266 5 месяцев назад +48

    It's sad how the Malaya Lolas (and other comfort women and all the victims of war) did not receive the justice they deserved, given the fact that South Korea was the only country to receive a reparation fund while our government was not able to prioritize filing a report all the time.

    • @judicator1
      @judicator1 5 месяцев назад +2

      Eto ang malungkot na katotohanan. Hindi lang yung bansa natin pati yung ibang bansa na nasakop ng hapon nung WW2. Korea, Taiwan & China ganyan din naghahanap ng hustisya pero still until now walang nabigay.

  • @wildrabbit5817
    @wildrabbit5817 5 месяцев назад +41

    Nkk lungkot isipin na lumaban tayo para sa kalayaan , pero sa bandang huli tayo na mismo ang gustong mag pa sakop dahil sa kahırapan . Kung alam lang ng mga ninuno natin sana eh nag pa sakop na lang tayo sa mga Kano o Hapon, mas maganda pa malamang ang katayuaan natin.

    • @user-bg9eq9sg9l
      @user-bg9eq9sg9l 5 месяцев назад +1

      Sakop pa din tayo ng Amerika hanggang ngayon. 😉

    • @wildrabbit5817
      @wildrabbit5817 5 месяцев назад +2

      @@user-bg9eq9sg9l sana nga totoo na lang para malaya tayo mk punta ng Tate gaya ng Guam , ang sarap sana .

    • @Arnoldramos-ys3zj
      @Arnoldramos-ys3zj 5 месяцев назад

      Maganda pa nga kaysa nman mga pulitikong ganib sa Pera Ang namumuno sa atin ...maganda Japan nalang

  • @akositong698
    @akositong698 5 месяцев назад +6

    Nung napanuod ko tong documentary na to , bakit hindi ito yung tutukan ng senate hearing natin , itong mga lola na to siyang mas matindi ang pinagdaanan ito yung dapat bigyan ng hustiya hindi lang physical pati mentally na hanggang sa edad nila ngayon ramdam mo yung hinanakit , hinagpit at pait na dinulot ng panahon ng pananakop ng japan 😢 , sana may isa man sa senador natin ang maging daan para sa mga lola natin na to ang inaasam nilang ninanais

  • @lcurtcovers6211
    @lcurtcovers6211 5 месяцев назад +8

    Grabe, tumitindig balahibo ko habang pinapanuod ko ‘to😢. Maraming salamat GMA🤎.

  • @wondervidzvlogz6923
    @wondervidzvlogz6923 5 месяцев назад +10

    Sana mapakita eto, at maihayag sa Pulang Araw soon on GMA Prime, grabe pala pinag daanan ng mga Lolo at Lola's natin noOn😢

  • @owendomondon4248
    @owendomondon4248 Месяц назад +3

    Ibalik ang comfort women statue!! ✊🏽

  • @lesterreyes2577
    @lesterreyes2577 16 дней назад +1

    I remember my HEKASI teacher back in Grade 5 used to tell stories about the experiences of her parents during WW2. Bata pa rin sya nun. Sa isang simbahan sila nagtago kasama ibang lumikas nung binobomba na ng Japanese yung area nila. Akala raw nila safe na yung simbahan pero dun namatay yung iba sa loob kasi trap daw pero nakatakas sila. Even my late grandmother (born 1937) once told us a story how they survived the Japanese Occupation. Di ko alam pero parang dun lalo ako nagkaron ng interest sa History even until now. Di natin masisis yung bagong generation ngayon kasi mas bata na rin yung mga teachers compared nung time namin na halos mga matatanda na yung teachers kaya iba yung experience. Iba yung “aral” noon, not just what were written in textbooks. Sana yung generation ngayon maging thankful sa kung ano nararanasan natin ngayon.

  • @madamma-lchannel2651
    @madamma-lchannel2651 5 месяцев назад +2

    Tunay na hinahangaan ko ang tatag at tapang ng loob ng mga malaya lolas dahil hindi madali ang situasyon na hinarap nila noon bilang comfort women ng mga hapones higit pa dun ay ang pahirapan, saktan at hindi pakainin ang mga kalalakihan, kabataan at maging mga kababaihan. Sana hindi na maulit yung pangyayaring iyon sa ating panahon o sa darating pang mga panahon.

  • @jhea2024
    @jhea2024 5 месяцев назад +14

    Nakakaiyak 😭😭 kelan kaya makakamit nila ang totoong hustisya. Walang pakialam ang gobyerno sa kanila.

    • @kuyskoko00
      @kuyskoko00 5 месяцев назад

      OA

    • @shadowfiend3547
      @shadowfiend3547 5 месяцев назад

      ​@@kuyskoko00sana maiyut din mama mo tas walang hustisya

  • @unknownop6322
    @unknownop6322 5 месяцев назад +7

    Can't imagine what they been through...I'm so sorry mga lola as you experienced this hardships...Mahal po namin kayo ❤❤❤

  • @sirdoctolero
    @sirdoctolero 5 месяцев назад +3

    This is an eye-opening historical fact that I don't remember being part of my Philippine History courses when I was in high school. Thank you for this well-thought and sensitive documentary about our forgotten heroines. Excellent documentary!

  • @itsaameee
    @itsaameee 5 месяцев назад +4

    Paano naman po ang mga boses ng comfort gays noong World War II, sana ay bigyan din sila ng pansin ng ating bayan

  • @EduardoGLegaspi
    @EduardoGLegaspi 5 месяцев назад +38

    tungkol sa bahay na pula,,,,,tanging alaala ng kalupitan ng hapon,,magiging isang memorial mark sana....na makikita ng next generation ang sinapit ng mga inosenteng tao sa kamay ng hapon....sana pahalagahan ng nasasakupang local government...

    • @ricky5030
      @ricky5030 5 месяцев назад +3

      Buti lang kung hapon lang involve dyan noon ang mga Korean sa pag malupit sa mga pilipino.

    • @micaangelmanalo
      @micaangelmanalo Месяц назад

      hala ano meron sa bahay na pula? narinig ko na yon parang babalikan ko nanaman

  • @angelalouiserafanan3282
    @angelalouiserafanan3282 5 месяцев назад +2

    Nakakaiyak naman ito.
    Kudos kay Atom. Isa ito sa mga pinakamaganda mong documentary na nagpapaalala sa mga taong nakalimutan na at hindi nakilala sa kasaysayan pero ang istorya nila ay nandiyan, nangyari.
    Salamat at lumipat ka sa GMA, Atom. Nadagdagan ng ganda ang i-Witness. Sana magstay ka lang sa GMA at ipagpatuloy mo yung galing mo gumawa at sumulat ng mga ganitong dokumentaryo. Magaling ka na nung nasa ABS ka pero with GMA hindi ko akalain na may igagaling ka pa.

  • @tonicruz8590
    @tonicruz8590 5 месяцев назад +19

    Its high time for the Phil govt to act on this and bring this matter to the Japanese govt. Malaya lolas are already on the twilight zone of their life.reparation shld be given to them..

  • @crisjayphilnabas7274
    @crisjayphilnabas7274 5 месяцев назад +5

    Nluha ako sa kwento ni lola. Ramdam ko hirap nila noon

  • @eileenremellite7350
    @eileenremellite7350 5 месяцев назад +15

    Grabe yung pinagdaan nila naiiyak ako habang pinapanood ko 'to. 😢😢💔

    • @tonight7559
      @tonight7559 5 месяцев назад

      sa mga susunod na election siguraduhin na natin na ang mga ilalagay natin sa position ay mga taong kayang matulungan sina lola. tignan mo sa south korea, nabigyan ng hustisiya dahil pinaglaban ng kanilang gobyerno sabi ni atty. sa documentary. kaya malaking bagay talaga kung sino ang nakaluklok sa posisyon na kayang alamin at tulungan ang mga kalagayan ng mga pilipino.

  • @Kayceetrilles
    @Kayceetrilles 5 месяцев назад +9

    Imiss my lola🤧she also have that kind of experience during those times 😭but she past away😭😭😭

  • @raechan.momoring
    @raechan.momoring 5 месяцев назад +2

    Naalala ko kwento ng mommy ko na ang lolo(Apu) namin ay isa sa miyembro ng hukbalahap. Proud akong naging parte ang lolo ko sa mga taong gustong palayain ang sariling bayan kahit walang bayad. Sana magkaron ng hustisya lalo na sa mga nabiktima ng gera.

  • @abegailmedina1056
    @abegailmedina1056 5 месяцев назад +23

    Isa po ako sa mga Pilipinong hindi makakalimot sa inyo 🥺

  • @terneofernando6254
    @terneofernando6254 5 месяцев назад +3

    Grabe..😮😢..Yung Lola ko..naalala ko .at ang mga kwento pananakop ng mga HAPON..memories coming back.😢

  • @valcp894
    @valcp894 5 месяцев назад +4

    Nung kumanta na si Lola, tumulo na luha ko 😢 bakit nila naranasan mga un? 😢 wag na sana maulet sa Pilipinas

  • @apedr4228
    @apedr4228 5 месяцев назад +3

    I remembered my lola( already an angel) sabe nya ginawa syang assistant/ nurse ng mga hapon sa Leyte

  • @juffreycidro5665
    @juffreycidro5665 5 месяцев назад +1

    Mabuhay po kayo mga lola. Grabe yung minsahe ng Kanta ng Isang lola sa huli. Hats off sir Atom

  • @barakobatangueno4858
    @barakobatangueno4858 5 месяцев назад +9

    Yong kanta.❤😢

  • @chrischan8092
    @chrischan8092 5 месяцев назад +1

    I remember when I was in grade 5 Isa sa mga araling namin ang pananakop ng hapon pero di gaano naituro sa Amin ng guro namin pero sa aking interes lola ko ang nagpayaman sa aking kaalaman tungkol sa mga hapon dahil sa kanilang mga naranasan sa panahon ng pananakop ng hapon. Napakarami nyang kwento na higit pa sa nakasulat sa libro. Kaya relate ako sa dokumentaryong ito. ❤

  • @raketeranganna6638
    @raketeranganna6638 5 месяцев назад +1

    nakakaantig ng puso ang mga documentaries na katulad neto.9 yrs old ang mother ko during war.buhay pa sya till now.i love to hear her stories.❤

  • @rubie71cityofsmile65
    @rubie71cityofsmile65 5 месяцев назад +2

    God bless you all mga lola...❤

  • @Jason-qt9iz
    @Jason-qt9iz 5 месяцев назад +3

    Napakaswerte natin at hindi natin dinanas ng mga lolo at lola natin. Ngayon, sobrang balat sibuyas ng mga pilipino

  • @pedrology2010
    @pedrology2010 4 месяца назад +1

    May mga bagay na di binabaon na lang sa limot katulad ng mga aral ng nakaraan at sana hindi lang sa tuwing digmaan nagkakaisa tayong mga Pilipino.

  • @knk2251
    @knk2251 5 месяцев назад +1

    basta tatak i witness the best..npaka impormative lagi ng bawat kwento na ibinabahagi nyo mula noon hanga sa ngayon..

  • @jelynemad
    @jelynemad 5 месяцев назад +1

    napakagandang estorya mula sa nkaraan na dapat mapakinggan ng kasalukuyan, damang dama ko parin sa mga kwento ng mga Lola's ang sakit ng pinagdaanan nila. npakagandang awitin n sanay wag limutin.

  • @jonAmazeing
    @jonAmazeing 23 дня назад +1

    Ang galing din ng Docu na eto ni Atom, napadpad ako sa full version na eto dahil nakita ko ang 5 min video

  • @malougutierrez4076
    @malougutierrez4076 5 месяцев назад +2

    God bless and more power! lalo na sa programa❤

  • @Maru-xg4yu
    @Maru-xg4yu 5 месяцев назад +1

    The documentary was well narrated, pero kailangan kong mag pause at times kasi ang bigat sa feeling,I can't imagine yung hirap, torture at buhay during that time considering na mismong mga totoong kwento from the people na nakaranas ng buhay na yun ang nagku-kwento, kudos GMA for giving us this story, kaya nakaka excite yung gagawin nilang Historical Drama na Pulang Araw kasi alam mong may researchers, experiences ng mga tao talaga ang ipapakita

  • @alfahadasanji
    @alfahadasanji 5 месяцев назад +12

    Reality dapat lang talaga wag mag titiwala sa anumang bansa

  • @michaelagustin5476
    @michaelagustin5476 5 месяцев назад +5

    6:28 Nakakalungkot pag Wala na lahat ng Mga Lolo and Lola's na umabot sa World War 2. 😢😢 Mauuwi na lang lahat sa Alaala ang lahat ❤❤ Napakaswerte natin na sa panahon natin ngayun. Naririnig pa din natin ang kanilang istorya.
    Thank you Iwitness sa ganitong dokumentaryo. 😢😢😢

  • @reyjosephcon-ui9816
    @reyjosephcon-ui9816 5 месяцев назад +2

    I love historical documentary.

  • @jewelynmalagad8124
    @jewelynmalagad8124 5 месяцев назад +4

    "Moving on means getting justice"

  • @Narbized
    @Narbized 5 месяцев назад +2

    This gives me Pulang Araw feels. Watching this enlightening documentary.

  • @maribelnapoles1412
    @maribelnapoles1412 5 месяцев назад

    Laking pasasalamat ko,dahil hindi na tin dinadanas ang hirap, pang aapi at pang aabuso na dinanas nila nuong panahon na yun☺️ at kahit di ko kilala ang malaya Lola's,sobrang proud po ako sa inyo dahil nalampasan nyo ang mga hirap na dinanas nyo nuon.

  • @bluebell-fx7xg
    @bluebell-fx7xg 5 месяцев назад +15

    Sana Dina maulet to kc Ang daming Chinese dito baka magulat na lang Tayo bigla na lang Sila mag bihis Ng mga pang sundalo sasakupin na Pala Tayo. Masyadong pa Naman maluwag gobyerno natin Sa kanila😢😢

    • @saipiang4815
      @saipiang4815 4 дня назад

      Kaya nga.. dapat natuto na sila SA MGA nangyari noon....
      Kita mo tatay ni Hiroshi . Kunwari Nag nenegosyo Lang.. spy na Pala

  • @user-pv2ty6sr5j
    @user-pv2ty6sr5j 5 месяцев назад +1

    Na iiyak ako habang na nununod gustong sabehin ng puso na sana nabuhay ako ng mga panahon na yun gusto ko lumaban para sa INANG BAYAN

  • @rynenchristopherdejesus4997
    @rynenchristopherdejesus4997 5 месяцев назад +1

    Ang ganda ng Episode na to, kailangan wag kalimutan ang ngyari sa nakaraan

  • @mikio0322
    @mikio0322 Месяц назад +2

    Sabi nila history repeat itself daw'maway hindi na sana maulit kawawa yung bata at babae.ramdam na ramdam ko yung sakit sa kwento nila lola nawala nalang yung iba na hindi manlang nagkaroon ng hustisya.😥

  • @Use.ur.noggin
    @Use.ur.noggin 5 месяцев назад +13

    granted these ladies and their families provided their full consent for these interviews , i hope there was a mental health professional provided by the producers of the show at the time ATOM ARAULLO conducted the interviews .

    • @burner2363
      @burner2363 5 месяцев назад

      GMA kuripot yan kaya malabo

  • @josedanielsuarez7002
    @josedanielsuarez7002 5 месяцев назад +1

    justice for the malaya lolas before its too late..God bless you all po..🙏🙏🙏

  • @samuelmapaye5467
    @samuelmapaye5467 5 месяцев назад +1

    ANG GANDA NG STORY THANK YOU PO ❤❤❤

  • @edusoliman8654
    @edusoliman8654 5 месяцев назад +1

    Napakagandang kwento nakakaiyak😢
    Tanda ko pa kwento ng lola ko yung lolo ko umakyat ng bubong para ituro kung san daw nakapwesto mga hapon .. gracepark caloocan

  • @user-ip6kh6kd5g
    @user-ip6kh6kd5g 5 месяцев назад +1

    Malalim ang sugat ni maynila jan marahil tahimik lang ngayon ilan dekada lang ang lilipas maaring magkaroon ulit ng gera kaya sana palagi tayong maging handa sa mga posibilidad na mangyayari. Dahil kung mapayapa ang dagat ngayon biglang may darating na bagyo para magkaalon.

  • @lakawjuan7413
    @lakawjuan7413 5 месяцев назад +1

    Virtual hug to every Malaya Lola 💚

  • @lucymarie813
    @lucymarie813 4 месяца назад

    it must be so hard for them during those times. bearing the effects of war and carrying those traumatic memories throughout their life. you are remembered lolas 🥺❤‍🩹

  • @anarosemahinay5218
    @anarosemahinay5218 5 месяцев назад +2

    Ang tagal mo Po nag documentaryo Sir Atom Ina abangan Po kita😊

  • @smtptest1277
    @smtptest1277 5 месяцев назад +61

    Tanda ko yun ng kwento lola ko grade 2 sila nun pumasok ang hapon pinauwi sila agad ng teacher nila tapos sina lola dali dali pumunta sa bukid kasi una napasok ang maynila bago sinunod yun bicol.

    • @luisitogclaros8386
      @luisitogclaros8386 5 месяцев назад +2

      Ilang taon ng lola mo ngyun😊

    • @arminarlert1953
      @arminarlert1953 5 месяцев назад +11

      Ganyan din kwento ni lola, kumakaen nalang daw sila ng kamoteng kahoy sa gubat. Yung mga kubo daw nila ni hindi nila ma lagyan ng ilaw ng kandila sa gabi dahil sa takot sa mga Japanese. Naitago pa ni lola kung grade card nya nung elementarya sya. Pumanaw na si lola 2yrs ago sa edad na 95 yo😊

    • @balongvillanueva1049
      @balongvillanueva1049 5 месяцев назад +3

      Nuon pag may hapon tago mga babae ngaun pag pay hapon labasan mga babae

    • @deesanti6212
      @deesanti6212 5 месяцев назад +3

      Yung kwento naman ng lola ko, nag tago sila sa ilalim ng tubig. Gumamit ata sila ng parang bamboo(?) not really sure para daw maka hinga habang nasa ilalim ng tubig.

    • @jamesalcantara4217
      @jamesalcantara4217 5 месяцев назад +4

      My grandmother is currently 89 years old. She had the same stories kagaya nila lola dito, the marching of the Japanese army scares them, naalala ko kinwento niya na sila ng great grand mother ko at mga kapatid niya na babae is pinagtago agad sa bukirin sa Bulacan.
      While my great grand father tumakas dala yung baril niya Because he was part of the Hukbalahap.

  • @user-hw5zt6ps5b
    @user-hw5zt6ps5b 5 месяцев назад +5

    Sometimes i felt guilty loving Japan knowing my ancestors suffered a lot during WWW.

    • @elocinmi
      @elocinmi 8 дней назад

      As u should.

  • @ginolontoc2196
    @ginolontoc2196 5 месяцев назад +2

    nakakalungkot ang sinapit ng ating mga ninuno noong panahon ng gera laban sa hapon, Naalala ko ang kwento ng aking lola. sila dw ay nagtatago sa ilalim ng lupa. tunnel siguro ang ibig nyang sabihin. wala dw silang pagkain at inumin. meron din dw hapon na nagbibigay sa kanila ng pagkain. mababait naman dw yung iba pero yung iba dw ay walang puso. pinagsasamasama dw lahat ng lalaki sa isang kwarto at pinapasabugan o d kaya ay sinusunog😢

  • @JayJasperPugao
    @JayJasperPugao 5 месяцев назад +2

    I await these documentaries specially when produced by Kuya Atom or Kuya Howie

  • @twelvemonths_
    @twelvemonths_ 5 месяцев назад +1

    The injustice is shivering.

  • @nina_ecol12
    @nina_ecol12 2 месяца назад

    God bless po sa inyo mga Lola. ❤ Sa next life natin there will be no more pain and sufferings ❤ Justice will be served when we all face God.

  • @fishfillaid
    @fishfillaid 2 месяца назад

    naiyak ako nang kantahin ni lola iyong kanta nila. ramdam ko iyong sakit

  • @asiaxxll
    @asiaxxll 5 месяцев назад

    Hindi ko na pigilan ang luha ko kay lola pilar, tandang tanda ko kwento sa amin ng akin lola. Halos parehas sila ng dinanas sa kamay ng hapon. Btw My granny just passed away last February at the age of 87😢

  • @nrntlp445
    @nrntlp445 5 месяцев назад

    ang importante as a nation, ano ang mapupulot natin aral bilang isang bansa nuong panahon ng gyera.

  • @edwinagulto3148
    @edwinagulto3148 5 месяцев назад

    From Vizal Sto Nino cndaba here mabuhay kyu mga lola

  • @jhundomingo2387
    @jhundomingo2387 5 месяцев назад +5

    Naiiyak ako sa sobrang galit! Ganito nlang ba talaga tayong mga Pilipino alipin ng mga mananakop!
    Noong sinakop tayo ng mga kastila, inalipin tayo sa sarili nating bayan!
    Noong sinakop tayo ng mga amerikno sinakal tayo sa leeg at naging sunod sunuran sa knila!
    Noong sinakop tayo ng mga hapon, minaltrato tayong tila mga hayop!
    At ngayon, nahaharap nanaman tayo sa isang banta ng pananakop, papayag ba ulit tayong alipinin, sakalin at pagasamantalahan ng mga banyaga!? Hindi na dpat tayo pumayag mangyari ulit ang nangyare sa ating kasaysayan. Dapat na tayong maging handa, handang ipagtangol ang ating sarili at higit lalo ang ating bayan! Walang makapagsasabi sa hinaharap kung kailan sila kikilos para sakupin tayo, ngunit malinaw na may isa ng babala at namiminta sa pintuan ng ating bayan. Kung magiging handa tayo, maaaring maging iba na ang storya ng ating kasaysayan sa hinaharap.
    Hindi maisasalba ang bayan at mamamayan sa pag'una sa ating mga sarili, kailangan natin magkaisa at magbuwis ng Dugo, Pawis at Buhay kung kinakailangan para ating Bayan!🇵🇭

  • @zonetoktv2125
    @zonetoktv2125 5 месяцев назад +1

    Kakalungkot lng kc mismo ang gobyerno natin ay walang ginagawa para sa mga malaya lolas o kung meron man ấy hindi sapat.

  • @watingtattoo5952
    @watingtattoo5952 5 месяцев назад +1

    Nk2lungkot sna mgkaron cla ng hustisya..

  • @Iamkeysi31
    @Iamkeysi31 5 месяцев назад +1

    Wag na sanang maulit sa kasalukuyan, Kawawa mga Bata't mga kababaihan.

  • @buttered484
    @buttered484 5 месяцев назад

    Un umiiyak ako habang nanunuod. Ramdam ko sakit 😢

  • @amore2209
    @amore2209 5 месяцев назад

    Grabe bigla ako naiyak sa kanta ni lola.

  • @donabellamojares6028
    @donabellamojares6028 5 месяцев назад +1

    If justice here on earth is not achieved there's still hope because there is Divine justice.

  • @jompermejo5359
    @jompermejo5359 3 месяца назад

    Thank you very much for this documentary, Sir. I have watched another documentary in this channel (if I'm not mistaken) tackling about comfort women during the Japanese occupation. I learned a new perspective on this topic today. I'm really sorry for the Malaya women. Thank you for spreading awareness. I always told my friends here in Japan that it was all in the past, and we moved on from this since the Japanese government has been doing its part up until now to compensate for what happened during WW2 by helping us. And that the important thing is that we learn from it. However, in this case, they have not apologized yet for the sexual violence, injustice, etc., that comfort women experienced -- the legal counsel was right! Moving forward means getting justice. Thank you again, Sir. I'm a fan!! 🙌

  • @Ka-MangyansaAfrica
    @Ka-MangyansaAfrica 5 месяцев назад

    Nakakaiyak.😢

  • @johnvincent9321
    @johnvincent9321 5 месяцев назад +1

    My Grandmother and Grandfather is part of Hukbalahap kwento niya sobra nakaka lungkot nun

  • @rhonbalateria7732
    @rhonbalateria7732 5 месяцев назад

    Na alala ko tuloy kwento ni lola samin. Hayzz kakaiyak yung napagdaanan nila...

  • @theapanerio7697
    @theapanerio7697 5 месяцев назад +1

    Eto dapat yung sinusupport ng government ng Pilipinas eh. Tsk. Inuuna kasi nung ibang officials pano sila yayaman.

  • @Itsmeisaybars
    @Itsmeisaybars 5 месяцев назад +2

    Another masterpiece episode. Kudos to Sir Atom and team documentary, we will never forget those hardships and pains during World War II. 🥹💔