Paano Nga Ba Maging Masaya |
HTML-код
- Опубликовано: 19 ноя 2024
- “Pano nga ba maging masaya?” 🙃
Simula ng pagka bata natin hanggang sa pagtanda siguradong napakadami nating tanong sa buhay mula nung bata pa tayo kahit ngayon na medyo tumagal ka na kahit papano sa earth pero ang pinaka malupit na katanungan na hanggang ngayon ay wala padin naman talaga definite na pinaka tamang answer/description ay kung pano nga ba, pano nga ba maging masaya? Ikaw ba? Alam mo ba? Pano maging masaya? Kung alam mo eto, pakinggan mo tong kanta namen baka sakaling maging masaya ka… here is PAANO NGA BA MAGING MASAYA ~ 🤟🏻🥺💔✨
Produced by Agsunta & Choi Padilla
Song & Lyrics by Agsunta
Directed By John Selirio
Special thanks to Casa Antonio Glamping and PPL Entertainment Inc.
#TeamAgsunta #AgsuntaOriginals #showsomeppllove #TagMoTropaMongMasaya #TagMoTropaMongIniwanNgJowa #TagMoTropaMongTumatawaMagIsa #TagMoYungTaongNagpapasayaSayo
Someone told me " Piliin mo kung kanino ka sasaya " The saddest part, is I know kung kanino ako sasaya, but that person is not happy to be with me.
then maling tao yun. may mahahanap kang tao na masaya ka kapag sya at masaya sya pag kasama ka nya 🤗
Dont settle for one-sided feelings
@@coodlerloodle4807 ggll
Sabi nga nila kung sino ang dahilan nang kasiyahan mo ay siya djn ang mag bibigay sayo ng matinding kalungkutan
I FEEL YAH BRO!!! I FEEL YAH!!!
For me, let's just appreciate kung anong merun tayo, the little things, if you will look into it napakaraming rason para maging masaya, yung paggising sa umaga, yung kasama mo pamilya mo, may trabaho ka, at ang pinakahuli is gawin mo yung isang bagay na gusto mong gawin. Bless youuuu! Another solid song from my Fav. Band!
Ang sarap sa pakiramdam pag masaya ka kasama ng taong mahal mo. Pero paano kung ikaw lang nakakaramdam ng saya na un dahil mas masaya sya sa piling ng iba?
Para sakin sa ngayon kahit anim na buwan na kaming wala pinipilit kong maging masaya palagi kasi siya nga masaya na sa iba. Wala na sigurong rason para maging malungkot ako ngayon kasi masaya na yung taong dahilan kung bakit ako palaging masaya noon at masaya ako para sa kanya ngayon. Ingat ka palagi ha!!!
"Ang totoong saya kay kristo mo lang madarama" dahil sobrang sarap maglingkod kay kristo. Dahil alam mo sa sarili mong hindi temporary happiness ung nararamdaman mo kundi saya ng puso habang kasama mo sa buhay ang Panginoon. Ung mga tao sa paligid natin or kung ano pa man ung nasa paligid natin na nagpapasaya satin yan ay isang temporary happiness lang dahil ang tunay na saya ng puso sa Diyos lamang makakamtan at sa Diyos lang nagmumula. 😊
💯😇
amen
Amen
Tama
Fax✝️🙏♥️
Ako kasi kahit ano pa naman ang sitwasyon meron ako ngayon eh pinipili ko na lang talaga na maging masaya kasi ang hassle lang pag mag papakain ka lang sa kalungkutan o problema. Kung maraming rason maging malungkot mas maraming rason para maging masaya :))
Eto eto, nagbabasa ako mga comment pero eto yung the best
It has been 2 years and more, but the same question roams around. "Paano nga ba maging masaya?" Never did I noticed, I've been happy with my friends and more than happy with my own company. Little by little, I began to accept that there are people we're bound to meet along the way, but not to stay (for good.)
🥺
"Sanay na walang kasama, everyday babad sa Kdrama"
Wala akong masyadong kaibigan tapos yung iilan pa na bilang sa daliri, hindi ko pa masabihan ng problema kasi madalas nasasabihan akong madrama. Gawain ko lang, manood ng kdrama at kiligin sa love-life ng iba.
"Tamad na tamad sa kama, palaging walang ganap"
Wala rin akong ganap sa buhay. Hindi nagaaral, hindi nagtatrabaho. Wala na akong gana sa lahat ng bagay, walang motibasyon, at gusto ko na lang matulog habambuhay o mawalan na lang ng buhay lol.
"Sinubukan ko nang gumala, lumayo sa nakasanayan"
Gumagala ako minsan para aliwin yung sarili at sirain yung pangit na routine ko. Sinusubukan ko rin namang magpatuloy. Naghahanap ako ng trabaho kahit palaging narereject. Sinubukan kong gisingin yung mga bagay na ginagawa ko dati gaya ng pagsusulat at pagguhit pero lalo lang akong nafufrustrate.
"Sana nga'y merong mag-iba sa puso kong wala nang madama"
Namamanhid na ako haha. Lagi na lang bigo sa lahat ng bagay. Lalo na sa pag-ibig.
"Pa'no nga ba maging masaya? Tanong ko lang naman sa mga tala.
Pa'no nga ba yon? Ito bang nadarama pag nandyan ka?"
Nagkaroon ako ng isang kaibigang babae na nasasabihan ko ng lahat ng bagay. Hindi ko inaasahan na magiging sobrang malapit kami sa isa't isa dahil nung una, naiinis ako sakanya lalo na sa tawa niya. Hanggang sa ngumingiti na ako kapag naririnig ko yung tawa niya. Naku-cute-an na ako kahit parang kambing yung tunog hahaha. Tapos hindi ko na lang namalayan, hinahanap hanap na ng tenga ko yung tawanan namin. Nahulog na pala ako sakanya.
But then, inamin ko sakanya yung nararamdaman ko. As a result, iniiwasan na niya ako HAHAHAHA. Kasalanan ko rin naman kasi nabanggit na niya sakin na ayaw niya yung ganun na nahuhulog sa kaibigan.
In the end, wala ulit akong mapagsabihan ng problema. Balik sa mga sandaling nilalamon ako ng isip ko. Kaya ngayon, dito ako naghahanap ng kasagutan kung "Pa'no nga ba maging masaya?"
Ansakit niyan tol
: (
After 5 years nakamove on ako sa kanya grabe yung tanong na 'pano nga ba maging masaya?' lalo na napakaganda ng pinagsamahan nyo tas biglang boom hays🥺❤️
Yung hardest part about pagpapaalam sa isang tao, sitwasyon at bagay na nakasanayan mona.
Parang natatakot ako na may magbago.
We are not open about the posibilities na may magbago.
Natatakot tayo sa idea na baka pag nagbabye tayo, biglang mawala yung mga nakasanayan natin.
Biglang hindi na ulit sila yung kasama natin. At dumating tayo point na baka pag gising natin isang araw, mag isa nalang tayo.
Kase nagpaalam na tayo dun sa nakasanayan naten.
People really fear yung mga bago sa paligid nila.
Hindi naman mahirap mag say ng GOODBYE.
Alam mo yun?
Madali lang sabihin na “Uy Babye Na, Ingat Ka, At Baka Eto Na Ang Huling Pagkikita Naten". Ay napakadaling lang sabihin, alam mo kung ano yung hindi madali?Yung memories, yung bagay na ginagawa niyo together and yun yung alam mga bagay na nakasanayan mo. Sa tingin mo ba Pano maging masaya kung naiiwan kana?
Pano ngaba Maging masaya?
We don’t have exact answers for it kasi iba iba tayo ng situations, kagaya ko I'm still healing and exactly babad ako sa kdrama lagi din akong mag isa wala ako lagi sa mood , Ngingiti ako pero hindi totoo, every time na iisip ko mga happiness namin naluluha nanaman ako , Halos madaling araw nako natutulog , Kaya tanong ko pano ngaba maging masaya ulit
feels the same
Ganyan na ganyan ako paano nga ba sumaya haysss
Same, babad ako sa kdrama para makalimutan ko na malungkot pala talaga ako haha
"Paano nga ba maging masaya?"
gusto ko sana magbigay nang advise kaso malungkot ako ngayon. 10years and still counting di pa rin ako makaalis sa kalungkutan. minsan nakakapagod na rin magpanggap na masaya ka, na palagi mong pinapatawa/pinapasaya mga tao sa paligid mo, at dahil nasanay silang ganon ka at pag dumating ka sa point na malungkot kana. walang naniniwala sayo. 😅 kaya eto inaaral ko naman pasayahin sarili ko nang mag-isa.
so, paano nga ba maging masaya?
balik ako after a year baka alam kona sagot...
Forgiveness, patawarin ang sarili and Surrender it to God. Hindi madali ang pinagdadaanan ng bawat isa pero keep our faith strong over fear. We need to trust him ☝ Kahit na ito ang gusto natin, ang plano natin, pero kung hindi pa kalooban ng Diyos hindi parin tayo patuloy na sasaya. Laban lang sa buhay, mararanasan din nating sumaya ng walang pagaalinlangan at sa pagdating ng panahon nayun babalikan koto.. 💫
I've been single for a very long time and most of my friends keep asking me if I'm happy being single. I don't know why they thought I'm not happy but I'm really happy. Paano nga ba maging masay? You just need to be contented with what you have and what you receive...I receive tons of love from my friends, family and from myself to the point na hindi na ko naghanap ng love from a partner. Until HE CAME! I met him last year lang and now we are expecting a baby girl. Sabi ng iba ang bilis masyado, but when you love yourself first..you will know your worth so kapag dumating SYA, wala ka ng masyadong tanong kasi alam mo na kung ano yung deserve mo. So wait patiently..mahalin mo muna sarili mo habang hindi pa dumarating yung para sayo.
Its been a month simula nung nag hiwalay kame. For some reasons. Ngayun tanung korin sa sarili ko to papano nga ba maging masaya. Papano nga ba kung yung kasiyahan at kapahingahan mo eh wala. Pero thats life may mga disisyon talaga na pag sisishan natin sa huli. Piliin nalang natin palaging maging masaya sa kabila ng kalungkutan.
Solid kayo agsunta.👌
Yan iyong bagay na halos iyakan ko gabi-gabi, paano nga ba?. I've been through alot of heartaches, pambabalewala, pinagpalit, sinukuan, pagkapagod, panghihina. Im still trying to smile na parang walang nangyri. Until one day, I came back to my old Me.Nagsimula ulit gugulin ang sarili sa church, and i realised, God is my home, my entire life is longing for him kaya pala hindi ko mahanap ung saya. And now, I'm giving up myself and asking him to forgive me once again, at nangangakong mananatili na sa paraisong kinalulugdan nya 💕. Have a Blessed Day, everyone 😇
"The right person never leaves." Eto ang mga salitang binabanggit ko araw-araw habang bumabangon sa kada araw na naaalala ko sya. Kahit papaano nababawasan ng kaunti ang lungkot. Uusad din ako at magiging masaya in the future. ❤️
Ahhhhhhhh napaka bangissss. Wish ko mag trillion views... More opm song mga sir.
Pano nga ba? limang buwan na huling kong naramdaman yung genuine happines, di ko na uli alam kung paano tumawa ng tunay. pero sa ngayon masaya ako dahil nakikitang ko na masaya na sya sa iba, yun naman dasal ko sa araw araw. Cherish every moment nalang.
I never thought pwede pa. Sa dami ng mga sinabi ko sayo, nagsumbatan, nagbatuhan ng mali. Hindi nag usap for so long, until nag email ka. Nagpapaalam sakin na magsisimula ka na ng bago mong work dun sa malayo. Pag alis mo, nag iwan ka ng salita na babalik ka at iaayos ang sarili mo. Assuring me na kaya mo ginagawa yan ay para sa akin rin. Hindi ko inakala, na kung kailan tayo magkalayo, dun mo ko mabibigyan ng peace at assurance na hindi mo nabigay sakin nung nandito kapa. And thank you for keeping your promise, hinawakan ko yung mga salitang iniwan mo sakin bago ka umalis, and here's us. MASAYA.
Naaalala ko Sabi "success is getting what you want, happiness is wanting what you get." Most of us never stop chasing something that's already far ahead or beyond our reach and in the process natetake for granted natin what we currently have. We are so busy looking and running forward that we often forget to enjoy the view around us. Para tayong kabayo sa hiway. Blinded na Tayo sa sides natin. Which is Mali. Even if we slow down, even if we totally stop, ung finish line anjan lang lagi Yan. Madedelay ka lang. Pero ung race track minsan ka lang dadaan jan. Enjoy the view. Feel the air of the moment. Instead of getting sad and stressed for those things that we currently don't have. We have to enjoy and cherish what we already got :) enjoy the journey, celebrate life always. Every moment ❤️❤️❤️❤️❤️❤️ Yun Ang happiness ☺️☺️☺️☺️
Alam naman natin sa mga sarili natin kung paano tayo sasaya. Pero patuloy pa rin nating ikinukulong ang mga sarili natin sa mga ideyang "baka pwede pa". At isa ito sa mga dahilan ng pagkadurog natin. To all the people out there na hopeless romantic, tara shot puno. Hehe. At himayin natin kung bat tayo yung laging hindi pinipili.
I guess nakalimutan ko na maging masaya nung mawala siya. Di ko siya magawang makalimutan. Pano nga ba maging masaya ulet? kung ang dahilan ng saya mo ay wala na. Help me to be happy again totally nakakadepressed feeling ko out of the world ako.
The best talaga ..number one fan here❤
Nanahimik ako ng ilang taon tapos ginulo mo ako. Hindi pala lahat ng effort totoo, yung iba mapanlinlang. Paano sumaya? Focus sa sarili at career. Built your own kingdom.
P.S. Hoy, tahimik ka lang pero nasa loob talaga kulo mo!!!
Paano nga ba maging masaya?, Kung ako na handang mag antay sa kanya sa tamang panahon kahit mag kalayo kami sa isat isa ngunit may nagustuhan siyang mas malapit na may gusto din sa kanya, may gusto sa isat isa. Paano naman akong nag aantay ng tamang panahon? Lugi talaga pag nagkagustuhan silang mas malapit. Stay strong sainyo. Di kona alam paano pa maging masaya.
Yung okay ka naman di ka malungkot, di kadin masaya. Pero nung nakilala mo yung tao na tanging presensya nya lang yung kailangan para pangitiin ka, marinig mo lang yung boses nya buo na araw mo. Pero at the end of the day, alam mong ibang tao talaga yung pinapangiti at pinapasaya nya.🍁
Nung nag hiwalay kame nakita ko yung lungkot sa sarili ko na halos iyak ng iyak 4yrs rs💓 pero nung nagising ako sabe ko this is it eto na yon natutunan ko na sumaya without him😊 the best is nakikilala ko na ulit yung sarili ko ❤️
Simple lang naman maging masaya, just enjoy every moment na kasama mo mahal mo sa buhay. Appreciate everything what you have in life kasi di lahat ng tao kayang makamit kung ano man ang nakamit mo sa buhay, meron ding iba na kahit kapos sila sa buhay nakuha parin nila ngumiti kasi sa mga biyayang di naman nila hinihingi pero dumadating ng kusa. Just do what you wanna do ika nga nila☺️
Siguro sa maliliit at simpleng bagay pwede ka na maging masaya pero pag sobrang naging masaya ang isang tao sure pag katapos ng araw na yun babalik ka ulit sa kalungkutan kaya mahirap din maging masaya kahit minsan pilit nalang yung mga ngiti sa ating mga mukha
Nang galing ako sa paglugmok at tuluyan na akong sumuko at naging peace of mind ko na ang pagsstay sa lugar na yun. Ngunit dumating siya(o sabihin nating bumalik siya kasi may nakaraan na kaso walang label) .
Tinulungan nya akong bumangon ulit, at un nakabangon unti unti ngunit yun lang dahil sa kanya kaya ko nakayang bumangon hindi para sa sarili ko, nagdesisyon akong maging supporta nya sa lahat ng bagay, at unti unti ko na ding nagagawa ng paraan ang pagbangon sa sarili kong paa. Subalit, nung ako'y malapit ng makabangon sa sarili kong paa nawala siya, nagbago siyang bigla oo alam kong busy siya busy talaga dahil doctora kinuha nyang kurso, pero gaano lang ung less than a minute na kausapin ako na di man lang niya ako naisip pero un lang di ko naisip WALA PA RIN PALANG KAMI. Dahil sa panlupaypay ko dumagdag lang ako sa pagkagambala sa kanya na di ko intensyon at di ko na kayang tiisin pa at di pa man siya busy noon nararamdaman ko na malapit na akong dulo ng paglupaypay ko at ayun sa maling oras at pagkakataon ko naipakita ang aking panlupaypay.
At duon nga heto ako ngayon bumalik kung saan niya ako natagpuan mas lumalala pa at hinahanap ko na siya.
Kaya ung pagiging masaya binitawan ko na dahil di ko na ata yun makakamit talaga yun.
Sobrang QUALITY 😘😍tnx AGSUNTA SA PAG PUNTA SA ALITAGTAG BATANGAS😍💞 Ang GAGALING NYO PONG LAHAT SOBRANG GANDA
Pinili ko kung saan ako sasaya, pinili kita. Hanggang ngayon apat na taon. Pero ikaw din ang dahilan ng pag iyak ko gabi-gabi, at ng mga lungkot ko.
Alam mo kung paano kita ipinaglaban sa lahat. Alam kong ganun ka din.
Pero huling laban ko na to sayo 🙂
Pa'no nga ba yon mga idolzxs? Sheeeshhh!!! ❤️❤️❤️
Mga sirs,KAGOME naman 👊💪🔥💯
mahirap sumaya lalo na kung nakatikim tayo ng lungkot na nilubog ang buong pagkatao natin. pero lagi lang natin tatandaan na walang makapagaangat satin kung hindi sarili rin natin, isipin natin lagi na maiksi lang ang buhay, let's live our life to its fullest.
True definition of happiness is when you,find someone who will make you feel special and worth it everyday.
Paano nga ba maging masaya? Madalas tumakbo to sa isip ko eh pero pag nakikita ko ung ngiti ng mga magulang ko masaya na ako. Lagi ko na lang tinitignan ung brighter side ng buhay kahit bombarded ako minsan ng stress. Laban walang titigil.
Masaya kami. . Noon
Hindi ko na Pinilit, Tinanggap ko nalang
Masaya naman ako pag umaga kahit walang kasama, na eenjoy ang pag-iisa pero pag gabi nag iiba na lang biglang ang mood ko, para may kulang - dadalaw ang lungkot at mag-iisip ng kung anu-ano tapos ang saklap pa walang nandyan para sayo.
Simple lang naka dipende naman satin ang lahat nag sisimula sa sarili. Ikaw at ikaw parin ang magiging dahilan ng kasiyahan mo ikaw ang mag sisimula nito
Hindi mo kelangan ng tao or bagay para mapunan ang kasiyahan mo. Kaya matapos man ang malalakas na ulan, lumubog man ang bangka sa pag sagwan tuloy lang may kapalit naman yung kasiyahan. Kaya para sa mga taong nahihirapan hanapin ang kasiyahan pag tuunan mo ang sarili mo para ikaw ay maliwanagan
Ang pagiging masaya ay isa sa masarap na maramdaman habang nabubuhay.
Siguro para sakin, para makuha mo yun kailangan mo yung piliin. Pag pili..
Piliin mo lang na maging masaya kahit na napakaraming dumadating na problema😌
Pipilitin kong maging masaya, kahit alam ko na sumuko at nang iwan kana, maraming maraming salamat sa memories, Salamat din sa 4 years, Gustong gusto ko pa pero talagang mapagbiro ang tadhana, hindi ko na ipipilit ang sarili ko sayo dahil alam kong wala na at hindi na puwede pang ibalik ang dating tayo, Salamat hayaan mo Pipilitin kong maging masaya at kakayanin ko ♥️
appreciate kung anong natira nung may nawala sayo. Hindi lahat ng bagay na dumadating ay para sayo , yung iba either part lang ng buhay mo para maging lesson or yung iba learning . Maging masaya ka kasi dun sya magiging masaya , at wag mong hahayaan na ikaw yung makapag cause sa ibang tao para masaktan o malungkot sila kagaya ng nararamdaman mo nung hinayaan ka nila. Yun langg
lahat tayo gusto maging masaya pero minsan hindi natin nakikita yung mga simpleng bagay sa buhay. nag iiba na yung standard natin sa happiness, madalas kinukumpara natin yung sarili natin sa iba kaya hindi tayo nagiging masaya. Habang tumatanda ako, narerealize ko na hindi ko dapat iasa sa iba yung happiness ko. Don't expect na mag aadjust lahat ng tao para sayo, matuto ka rin mag adjust.
Pano maging totoong masaya? Sobrang nasanay na kong ikaw ang kasama, sa lahat ng hirap at saya. Umasa na tayo pa din sa huli ang magkasama kaso wala na kong makita para makapitan pa. Mahal na mahal kita.
Almost 5 months na simula nung nagbreak kami and the reasoned is naramdaman ko na nagiging hindrance ako sa kanya for her growth at ang pagkakamali ko naging selfish ako kase nakasabay ako sa mga problema nya na dapat ako yung kasama nya sa battles na yon pero mas pinili kong lumayo and now I'm proud na nakikita ko siya na naggogrow na at kaya na nya but andoon yung bagay na sana balang araw pagtagpuin muli tayo ng tadahana at muling pagbigyan at pagdating ng araw na yon handang handa na akong samahan ka sa lahat ng yugto ng buhay.
Ilang buwan na nakakalipas okay ka na ng wala ako, pero eto ako hindi pa din okay. Everyday na iisip pa din kita sana hindi ko na lang tinuloy kung temporary ka lang pala. Mahirap talaga mag papasok ng tao sa buhay mo, lalo na pag siya yung naging source of Happiness mo. What I've learn to this was I don't need anyone to make me Happy. Kailangan bago ako ulit pumasok sa isang relasyon e dapat I know myself and I find true happiness within me. Para hindi ako mag hanap ng kaligayahan sa piling ibang tao.
Minsan mahirap ding maging masaya, kasi sa bawat sandaling sumasaya ka, alam mong bukas o makalawa may mangyayaring hindi mo inaasahan para masaktan at lumuha ka.
Pano nga ba? simula kasi nung umalis ka dami nagbago, to the point na halos di nako kumakain, di nakakatulog, di nakakapag focus sa ibang bagay, madalas tulala. ang hirap sumaya knowing na ikaw ay masaya naman sa piling nya. 3yrs natin na pinagpalit mo lang for someone na nakilala mo sa dating app for a month. sobrang hirap maging masaya uli kasi ikaw yung dahilan ng pag saya ko, tapos umalis kapa kasama iba.
if ever na mabasa mo to. wish ko sana kmstahin mo naman ako minsan (marupok to).
edited.
For me, sa panahon ngayon ang tunay na masaya kapag may peace of mind na nabibigay yung partner mo pagdating sa relasyon. Rare
Hindi kana magtatanong paano maging masaya, kasi nandyan na. Deserve nating lahat sumaya! Fighting ❣️
Tinanong ko na din sarili ko pano ko magiging masaya kung yung dahilan ng pag ngiti ko e may nagpapangiti nang iba. Ilang taong inignatan at pinaglaban, Ako lang to ang pinagpalit sa malapit😔
Everyday, tinatanong ko kay God kung paano ba maging masaya? But, I didn't notice na sumasaya naman pala ako with fam & friends. Minsan kasalanan ko lang din pala bat feel ko di masaya, kase hinahanap hanap ko yung bagay na WALA NA, TAPOS NA.
Paano maging masaya? Well I guess it's up to us how we live our lives to begin with. For me happiness is simply by enjoying the little things and appreciating them for the greater good. Matuto tayo magpasalamat sa araw araw na biyaya na ibinibigay sa atin ng panginoon. Luckily for me, I found happiness in my person. Were almost 2 years together and pinipili namin isa't-isa despite the challenges we are both facing. Our anniversary is on aug 30.❤
Sabi nila expect the unexpected. I was not looking for someone before since broken hearted ako. This someone came unexpectedly in my life. We met August 2021 tapos di ko inexpect na lalalim ung pagkakaibigan namin. Nagstart na nya akong bgyan ng kung ano-ano tas lumalabas na kami til nameet na sya ng fam ko pero as a friends. Sobrang saya ko nun kahit magkaibigan lang kmi at lumalim pa nga, iba na ung saya na narrmdaman ko pra sknya. Nagusap kmi tungkol samin, naging maayos naman pagkatapos ng ilang araw bgla syang naglaho na parang bula. Pero nalaman ko ang tunay na dahilan at yun pla may problema sya at ngayon nagbago na ang lahat. Yung dati kong saya di ko alam kung mapapantayan ng iba. Kasi sakaniya lang talaga ako sasaya.
Palayain mo yung sarili mo sa sakit na nararamdaman mo, piliin mo mahalin at unahin ang sarili mo, tanggapin mo na hindi lahat mag sstay at hindi lahat ikaw ang pipiliin.
binigyang tuldok mo ang mga katanungang paano nga ba maging masaya- dahil simula nang dumating ka nakalimutan ko na ang pakiramdam ng lungkot at mag-isa.
Salamat at dumating ka.
Legit yung saya kapag kasama mo yung taong mahal mo lahat ng pagod sa lahat ng bagay at sitwasyon nawawala kapag kasama mo sya grabe yung saya sa kaloob looban mo pero kapag dina kayo magkasama maiisip mo nanaman yung mga bagay na nakapag papalungkot sayo.
Paano nga ba? Eversince my boyfriend died hindi ko na talaga naranasan paano maging masaya, may kulang parang hindi ako kumpleto. Thank u for the happiest years of my life mahal, paano nga ba ko sasaya ulit ngayon wala ka na? Miss na miss na kita. I love u my angel🤍🕊
Paano nga ba maging masaya kung yung nagpapasaya sayo ang dahilan ng pagiging malungkot mo 💔
I just watched kdrama na "Tomorrow" episode 7, sabi nia,
"The standard of her happiness is her own self."
Dont let society dictates you what makes you happy and dont let anyone ruins whats inside you.
Dont expect someone to bring you the happiness you are looking for.
Its within you, know your self, know your worth, know your purpose and be grateful.
And at the end, its your life. So I hope we can find our own happiness and peace.
ps: Mamema lang. 😂✌️
Masaya sa una ang relasyon, Pero habang patagal ng patagal tila nawawala ang lahat. Ang saya ng araw na naging tayo non. Parehas pa tayo naexcite ng pinuntahan kita sainyo non. Ang saya saya ng pagsasama natin non, kahit pa na puro away bati tayo. Ang sarap isipin ang nakalipas ng magkasama pa tayo, pero mananatili nlng alaala ang lahat. Thanyouuu sa lahat JC. ingat ka dyan palagi.
Pinili ko mag stay kasi alam kung masaya ako, pero kung pa ulit-ulit ipaparamdam sayo na dika worth it, Ouch nalang ang sakit, sobrang sakit 😭😭😭
Sobrang saya namin nung una pero bat ganun habang tumatagal nagbabago lahat 🥺 pinipilit ko maging masaya at maramdaman yung dating pagmamahal nya sakin. Hanggang sa malalaman ko nalang na nakabuntis sya sa mismong kapit bahay nya. Simula nun di ko na alam kung kailangan ko paba mag tiwala sa isang tao at magmahal ng buo.
Minsan may taong mananatili sa puso, pero hindi sa buhay natin. :))
Medyo fresh pa yung pain at heartbreak , and this song explains everything 💔😭 Hanggang kelan ba lahat ng to 😭
paano ba maging masaya? kasi pag naging masaya ka sobran namang bumawi yung lungkot :( konting saya mo lang nandyan nanaman yung lungkot :(
Ang simple lang naman ng gusto natin, ang maging masaya, pero why does it cost us so much? bakit ang hirap? Everyday is a struggle para lumaban at maging masaya pero at the end of the day, wala naman tayong choice kundi i'surive ang bawat araw, masaya man tayo o hindi.
You can only find true happiness in the arms of Jesus. Acceptance and moving on is the key. Learn to appreciate small things, your family and your friends. They are the ones who will truly love you, that will give you happiness. Start loving yourself also. If you have love in your heart you will learn how to be happy.
I am too young but full of emptiness. I am lost. Ang hirap lang kasi maging masaya kahit alam mong okay lang naman ang lahat. "Pano nga ba maging masaya" - how I wish the skies could tell me. I miss myself. I didn't lost someone else but I lost myself.
Ang sarap lang isipin na nagkakilala tayo at nagmahalan kalaunan. Ngunit napakasakit isipin na nagkakilala tayo para rin lang makita kang mahulog at mapunta pa sa iba. Pero kahit ganun, prinsesa pa rin kita kahit di mo na alam. Kahit di mo ako pinili. Pinangarap kitang alagaan at mahalin habang buhay, pero di na yun mangyayari. Ako sana yung kasama mo sa pagtupad ng mga pangarap. Pero sya na yung makakaranas nun. Naiingit ako sa kanya. Gusto kitang ipaglaban pero sukong suko ka na. Kung meron lang sanang isa pang pagkakataon, pero ikaw na yung pumutol ng tuluyan. Kung babalik ka sa akin, tatanggapin pa rin kita ng walang pag aalinlangan. Mahal pa rin kita. Mahal na mahal.
kagabi nakaranas ako ng breakdown, yung bigla na lang talaga mawawalan ng gana. kahit manood ng anime o kdrama, magbasa ng wattpad or libro wala na naman. buti na lang andiyan ka. hindi ko man masabi ng harap harapan o kahit sa chat pero kapag andiyan ka, ok ang lahat tahimik at payapa. salamat sa lahat.
Sarap magkape habang nakikinig ng kanta ng agsunta tapos matitikman mo yung tamis..
Yung tamis ng kahapong di na maibabalik 😅😂😂
pano nga ba maging masaya?
makinig ng songs nilaaa😭❤️
It’s not paano maging masaya, it’s more kelan ulit sasaya”. Agsunta, inuman nga tayo. Nang aano ka e. 😌
Paano nga ba sumaya? Pulutin ang tama itapon ang mali. Malalim man pakinggan pero bawat pag gising ko sa umaga alam kong isang bagay na yun para maging masaya ka, itapon lahat ng mga negatibong bagay, galit at lungkot kase nga maiksi lamang ang buhay...
masaya naman ako ngayon para sa kanya, kase ako alam kong ginawa ko ang lahat bago sumuko, sinubukan kong wag muna humanap ng iba dahil sa pagbabaka sakaling bumalik sya hahaha, kase its really hard to open up to another person, to invest trust then babalik ka sa stage na anong fave color mo? anong fave food mo? kaya pag may nag eend na relationship sinasabi nila na sayang talaga yung taon, kase sayang naman talaga ehh kase uulit kang muli sa simula, ang sarap sanang isipin na parang naging forever mo yung partner mo kaso nag end kayo.
It’s easy to say “choose to be happy”. the problem is, there are times in life when happiness isn’t in the choices.
I agree
HOY FINALLY!!!!!!!!!! ANG GANDAAAAA SANA SA SPOTIFY NA 🥰😍
wala naman kasagutan ang tanung na yun. pero need mo lang siguro i appreciate kung anung meron ka ngyun enjoy mo lang buhay na binigay sayo ni god dun magiging masaya ka 😊
Simula nung mawala ang lola ko 4years ago , diko na naranasan sumaya .. Kase everytime na maalala ko yung memories namin , sobrang sakit 💔 kahit sobrang saya ng memories pag naalala mo at wala na yung taong kasama mong gumawa ng memories na yon , sobra ng sakit . Apat na taon ng nakalipas pero diko parin magawang maging masaya 😔 Imissyousomuch Lola 😭💔 Tsaka lang ako sasaya ulit pag nakasama na kita 😢
Pano nga ba maging masaya?
Mahirap maging msaya kng ung taong nawala ay sobrang mahal mo pa. Maaring mawala ung nara2mdaman pero ung memories na bngay nya sayo kung paano kayo naging masaya hnd na mawawala😢 Hope n sana nsa maayos sya ngayon at sana s muli nmin pagkikita at pwde pa ibalik ang lahat buong buo ko parin syang mamahalin at tatanggapin dhil siya ang dahilan kng bakit ako masaya❤️😢
"Hindi na ako masaya, Wala na ko nararamdaman para sayo"
Ramdam ko pa lahat yung sakit ng binitawan mong mga salita. We've been together for 9 years, pinagpalit mo ako sa malapit. Pinagpalit mo ko sa may oto. Pinagpalit mo ako sa dalawang buwan mo pa lang nakakausap. You are so unfair, sabay tayong nangarap, nag usap tayong sabay nating aabutin yung mga gusto nating makuha together. Pero nung abot kamay na, binitawan mo ako kasi nakahanap ka ng taong mas kayang ibigay yung mga pangarap mo na binuo mo ng ako yung kasama mo. Hindi biro yung 9 years na nasa sistema na tayo ng bawat isa. Mahal kita, sobra. Pero kung sa iba ka magiging masaya, ipapaubaya kita, kahit kapalit non ako ang magdusa. Mamahalin kita palagi. Hindi ko man mahanap ngayon yung dahilan ng saya ko, hangad ko ang pagsaya mo kahit na hindi na ako. Paalam mahalko, mahal pa kita pero kung hindi na ako ang ligaya mo, hindi ko na ipipilit ang sarili ko.
Bakit ko pa pipiliin maging masaya kasama sya, kung sa dulo alam kong ako lang rin ang maiiwan mag isa. 💔
2years na pero hindi koparin alam kung paano yung totoo maging masaya or kung paano ba yung pakiramdam na maging masaya ulet,simula nun umuwi ka dyan sa heaven.ang hirap umusad at magsimula ulet at maging masaya kung araw araw ako dinadalaw ng magaganda natin alala,akala ko okay nako hindi parin pala talaga ako makausad mahal ikaw at ikaw parin ang hinahanp hanap ng puso ko I miss you so much my angel.
Pagod na ko maging malungkot. Di ko na rin alam paano maging masaya dahil sa dami ng iniisip ko ngayon
Happiness is a choice sabi nga nila pero hirap piliing maging masaya kapag sobrang bigat pa, Kaya for the mean time piliin mo munang maging okay 🥺
We keep asking for happiness but it comes around we tend to forget that it is a balance world that at any moment it can be the opposite of everything it's been years yet we still don't know if happiness is the way we smile and understand the situation or is it when we cry when everything is oblivion 🔥
Recently, I felt the happiness na gusto kong maramdaman through the years na single ako.
I just feel relieved, safe and I enjoy her company. When I was bored I could talk to her.
When I don't have anything to work on. I think of her and I talk to her. I got addicted.
Until, we just didn't talk anymore. I always looking for her interest pero wala talaga eh.
I even waits for her messages even if it took an hour long or a day.
I got addicted to the point I couldn't even think of anything but her.
I destroyed myself, my habits that I built for years, my focus, and my peace.
I'm collecting myself piece by piece. and I just hope I could just let go of my feelings.
Kase kung hindi para satin ang tao. We should just choose our self so we can stop hurting.
Maybe, people are just not meant to stay. (maybe) :)
Pag alam nyo na, pasabihan naman ako. Namiss ko na sumaya eh
i think the real question is pano magstay na masaya kasi madali naman maging masaya pero tikim tikim lang, tasting a glimpse of happiness is better than not tasting it at all😊
Paano ba magiging masaya kung alam natin sa isa't isa na mali. Mali na ipagpatuloy ang nararamdaman para sa isa't isa dahil commited ka na sa isang relasyon na di ako ang kasama. Pero di ko magawang sayo dahil alam mo kung gaano kita kamahal. Hanggang sa muli aking sinta.
Paano ngaba maging masaya? Yung pakiramdam na alam mong nandyan para sayo yung taong mahal mo. Yung taong bumuo sayo. Yung tanong pinaramdam nya sayo gaano ka kahalagaaaaa. yung taong lagi nag papasaya sayo. Kaso lahat ng yan napaltan ng lungkot dahil sa bigla syang nawalan ng gana. Napaltan lahat ng lungkot yung dating pakiramdam mong masaya.
-LOVEEEEE 😘💖
1stt
Yung feeling na hindi mo na talaga alam pano maging masaya dahil sa nakaraan. Hindi mo na tuloy alam kung totoong saya ba yung nadarama mo ngayon o isang palabas nalang ulit. Btw, i love this song it reminds me of my love in game hello 'idea' incase na maligaw ka dito HAHAHAHAHAH
may ibang nag papasaya pano na yung unang nag pasaya nawala nalang ng bigla 😢😢😢
Bakit tayo nasasaktan? Kasi lagi tayong umaasa sa mga bagay na walang kasiguraduhan. Naghihintay sa isang nakaraan na hindi na pwedeng balikan at nagmamahal sa taong hindi tayo kayang panindigan.
Paano nga ba maging masaya
Pano maging masaya? Ang dali kasing bawiin e😩
minsan khit di mo inaasahan nagiging masaya ka pero pag ung kgustuhan mo lng sumaya hndi nangyyri ang hirap. 😥 di mo na alam basta go with the flow Kna lng ang hirap dn mag expect kc lalo kang mssaktan 😥 pano ba mging masaya??
ang hirap maging masaya pag nakakulong kaparin sa isang alaala na nakalipas 😔😔😔
YUNG SAYA ANG NAWALA DUN EHH