SUNDAY MASS TODAY LIVE at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. 23 Jun 2024. 7a.m

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 2 окт 2024
  • Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Sunday Mass Begins
    Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) June 23, 2024
    Twelfth SUNDAY in Ordinary Time
    UNANG PAGBASA
    Job 38, 1. 8-11
    Pagbasa mula sa aklat ni Job
    Sa gitna ng nag-aalimpuyong bagyo, ganito ang sinabi ng Diyos kay Job:
    “Sino ang humarang sa agos ng dagat,
    nang mula sa kalaliman ito’y sumambulat?
    Ang dagat ay tinakpan ko ng makapal na ulap
    kaya ang karimlan doo’y lumaganap.
    Ang tubig ay aking nilagyan ng hangganan,
    upang ito’y manatili sa likod ng mga harang.
    Sinabi kong sila’y hanggang doon na lang,
    huwag nang lalampas ang along naglalakihan.”
    Ang Salita ng Diyos.
    SALMONG TUGUNAN
    Salmo 106, 23-24. 25-26. 28-29. 30-31
    Panginoo’y papurihan
    sa pag-ibig n’ya kailanman.
    o kaya: Aleluya!
    Mayroong naglayag
    na lulan ng barko sa hangad maglakbay,
    Ang tanging layunin
    kaya naglalayag, upang mangalakal.
    Nasaksihan nila
    ang kapangyarihan ng Panginoong Diyos,
    ang kahanga-hangang
    ginawa ng Poon na hindi matarok.
    Panginoo’y papurihan
    sa pag-ibig n’ya kailanman.
    Nang siya’y mag-utos,
    nagngalit ang dagat, hangin ay lumakas,
    lumaki ang alon
    na kung pagmamasdan, ay pagkatataas.
    Ang sasakyan nila
    halos ay ipukol mula sa ibaba,
    kapag naitaas
    Ang sasakyang ito’y babagsak na bigla;
    dahil sa panganib,
    ang pag-asa nila ay halos mawala.
    Panginoo’y papurihan
    sa pag-ibig n’ya kailanman.
    Nang nababagabag,
    sa Panginoong Diyos sila ay tumawag,
    dininig nga sila
    at sa kahirapan, sila’y iniligtas.
    Ang bagyong malakas,
    pinayapa niya’t kanyang pinatigil, pati mga alon,
    na naglalakihan ay tumahimik din.
    Panginoo’y papurihan
    sa pag-ibig n’ya kailanman.
    Nang tumahimik na,
    sila ay natuwa, naghari ang galak,
    at sinapit nila
    yaong pakay nila sa ibayong dagat.
    Kaya’t dapat namang
    sa Panginoong Diyos ay magpasalamat,
    dahil sa pag-ibig
    at kahanga-hangang niyang pagliligtas.
    Panginoo’y papurihan
    sa pag-ibig n’ya kailanman.
    IKALAWANG PAGBASA
    2 Corinto 5, 14-17
    Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto
    Mga kapatid:
    Ang pag-ibig ni Kristo ang nag-uudyok sa akin, ngayong malaman kong siya’y namatay para sa lahat at dahil diyan, ang lahat ay maibibilang nang patay. Namatay siya para sa lahat upang ang mga nabubuhay ngayon ay huwag nang mabuhay para sa sarili, kundi para kay Kristo na namatay at muling nabuhay para sa kanila.
    Kaya ngayon, ang pagtingin namin kaninuman ay hindi na batay sa sukatan ng tao. Noong una’y gayon ang aming pagkakilala kay Kristo, ngunit ngayo’y hindi na. Kaya’t ang sinumang nakipag-isa kay Kristo ay isa nang bagong nilalang. Wala na ang dating pagkatao; siya’y bago na.
    Ang Salita ng Diyos.
    ALELUYA
    Lucas 7, 16
    Aleluya! Aleluya!
    Narito at dumating na
    isang dakilang propeta
    sugo ng D’yos sa bayan n’ya.
    Aleluya! Aleluya!
    MABUTING BALITA
    Marcos 4, 35-41
    Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos
    Noong araw na yaon, habang gumagabi’y sinabi ni Hesus sa mga alagad niya, “Tumawid tayo sa ibayo.” Kaya’t iniwan nila ang mga tao, at sumakay sa bangkang kinalululanan ni Hesus upang itawid siya. May kasabay pa silang ibang mga bangka. Dumating ang malakas na unos. Hinampas ng malalaking alon ang bangka, anupat halos mapuno ito ng tubig. Si Hesus nama’y nakahilig sa unan sa may hulihan ng bangka at natutulog. Ginising siya ng mga alagad. “Guro,” anila, “di ba ninyo alintana? Lulubog na tayo!” Bumangon si Hesus at iniutos sa hangin, “Tigil!” At sinabi sa dagat, “Tumahimik ka!” Tumigil nga ang hangin at tumahimik ang dagat. Pagkatapos, sinabi niya sa mga alagad, “Bakit kayo natatakot? Wala pa ba kayong pananalig?” Sinidlan sila ng matinding takot at panggigilalas, at nagsabi sa isa’t isa, “Sino nga kaya ito, at sinusunod maging ng hangit at ng dagat?”
    Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Комментарии • 36

  • @vanessaaculan2671
    @vanessaaculan2671 3 месяца назад

    Sa pangenoon lang ako mag tetewala sela ang totoo diyos ama salanget diyos anak sa lopa pangenoon Jesus diyos na bohay salopa nag kayawan tao. Sa lopa lalangdiyos espirito santo amen

  • @oscarselda871
    @oscarselda871 3 месяца назад +4

    San Padre pio pagpalain MO kami sa Lahat ng oras lalong Lalo na po ang aming mga pamilya maraming salamat po lord Jesus christ. Amen 🙏💖🙏

  • @leilapena7209
    @leilapena7209 3 месяца назад +2

    Thanks be to God, always be our guide and protection, sto padre Pio, salamat sa lahat ng iyong biyayang kalakasan ng isip at katawan..thru Jesus name i pray Amen ❤🙏😊✋️💞💙🩷💜

  • @leilapena7209
    @leilapena7209 3 месяца назад +1

    Praise to you O Lord Jesus, i trust in You! Salamat sa iyong gabay at patnubay sakin mga anak at apo.. keep them safe from harm , in all this i ask in Jesus name i Pray🙏😊✋️💞Amen🩵💙🩷💜

  • @leilapena7209
    @leilapena7209 3 месяца назад +1

    Thank you God for everything, in making me strong and ready from any trials in Life...Praise and glory to you O' Lord Jesus i trust in You! Amen

  • @KarlEllazar-s4t
    @KarlEllazar-s4t 3 месяца назад

    12Th Sunday 🌞⛪😇📖💚 Of Ordinary Time On June 23,2024 Thank You. Catholic Mass Today Live St. Padre Pio Of Pietrelcina Pray For Us. Study 🙏 Well Blessed 😇 Sunday 🌞 Karl Dominic Faigal Ellazar 😃♿🚶‍♂️ God Bless 😇 You. In Jesus Name Amen.🙏

  • @liliagarcia6604
    @liliagarcia6604 3 месяца назад

    All the praises honor glory and thanksgiving to you our GOD for your UNCONDITIONAL LOVE and blessings us ALL and BE UNITED with the POWER OF YOUR SPIRIT IN TRUTH and LOVE loving serving you LOVING ONE ANOTHER AMEN T Hank you Po for our SACRED FAITH and heals us all dear GOD physically spiritually emotionally socially financially and our families groupschurchAmen Salamat po sa Dios walang hanggang pasasalamat Amen and LOVE MOTHER MARY ANGELS SAINTS AND LOVE if US ALL AMEN ALLELUIA JESUS ALLELUIA THROUGH THE POWER OF THE HOLY SPIRIT AMEN

  • @eduardrivera1851
    @eduardrivera1851 3 месяца назад

    Maraming salamat po mahal naming Panginoon Hesus Cristo Nazareno pinupuri ka po namin at sinasamba holy Mama Mary of Manaoag Mother of God, Saint Padre Pio ipanalangin nyo po kami at ilayu sa kapahamakan at mga sakit at gabayan araw araw at pagpalain nyo po kami Amen 🙏 ❤️ 💛 💛

  • @rolandocalingo1128
    @rolandocalingo1128 3 месяца назад

    Praise be Jesus and Mary, now and forever. St. Padre Pio, prayer of healing to Rolly & Betty Calingo and family. Amen!

  • @Bonnie-sc6cx
    @Bonnie-sc6cx 3 месяца назад

    Dalamat po mahal na Padre Pio at nakarecovery na ang aking asawa.Tuloy tuloy po sana ang kanyang paggaling.Amen

  • @vernonbrowne-3826
    @vernonbrowne-3826 3 месяца назад

    I would like to offer this mass for the intention of a very good friend and person Daniel Gonzales who passed away away June 22,2024.😭😭😭

  • @ImeldaErmita-ed3tg
    @ImeldaErmita-ed3tg 3 месяца назад

    Thank you Padre Pio for the continuous recovery of my sister Ananias Binay & friend Dixie Cayabyab thank you for all the blessings & graces you’re giving to allnif us everyday in Jesus name amen 🙏

  • @dalisaybarnig8371
    @dalisaybarnig8371 3 месяца назад

    Lord God thank you for all the blessings you have given us. Help us Tobe a good christian. Amen.

  • @mjbulan2909
    @mjbulan2909 3 месяца назад

    Lord thank you for everything st Pio pls heal us emotional physical financial amen 🙏🙏🙏❤❤❤

  • @annabellemartinez2730
    @annabellemartinez2730 3 месяца назад

    Sana ibalik yung mga classic song ng katoliko o yung classic na saliw ng awit . Yun yung maganda at makapagdamdamin.

  • @amyg882
    @amyg882 3 месяца назад

    Thank you Our God, Lord, Mama Mary and Holy Spirit🙏❤️

  • @julietsunga7626
    @julietsunga7626 3 месяца назад

    Thank you padre pio for all the blessings & answered prayer.🙏

  • @aileensantos3744
    @aileensantos3744 3 месяца назад

    Thank you lord s lahat ng blessings n binigay mo pp smen...

  • @raymundadame
    @raymundadame 3 месяца назад

    PINUPURI AT PINASASALAMATAN PO NAMEN KAYO MAHAL NA PANGINOONG HESUKRISTO

  • @romela-he7po
    @romela-he7po 3 месяца назад

    We offer this for Mr Medhart complete healing and for our intentions po and for all the family

  • @marinasarvasin3836
    @marinasarvasin3836 3 месяца назад

    Amen Padre pio inaangkin ko po na wish granted na ang hiling ko pra ky Ely

  • @RoniloMagsino
    @RoniloMagsino 3 месяца назад

    Amang Santo Padre Pio , gabayan nyo ang aming anak na si Jerick, sa kanyang mga desisyon.

  • @anchitarivera7632
    @anchitarivera7632 3 месяца назад

    Lord St Padre Pio, heal us, forgive our sins Amen

  • @RenatoGeronimo
    @RenatoGeronimo 3 месяца назад

    Pader pio alis po nyo ang mga sakit ng katawan ng kuya ko amen

  • @voodoo1951voodoo
    @voodoo1951voodoo 3 месяца назад

    Thank you so much St. Padre Pio.

  • @LitaMangahas
    @LitaMangahas 3 месяца назад

    Maraming salamat satumutulung sa amin❤❤❤

  • @leonoramontano5539
    @leonoramontano5539 3 месяца назад

    Lord Jesus Christ please hear us Amen

  • @ElenaMendoza-nu3hy
    @ElenaMendoza-nu3hy 3 месяца назад

    Padre pio ikw n poh bhla sa lht ❤❤❤

  • @berniesevidal7450
    @berniesevidal7450 3 месяца назад

    SAINT PADRE PIO HAVE MERCY ON US AMEN.

  • @thereseortiza3775
    @thereseortiza3775 3 месяца назад

    Salamat po panginoon..

  • @andresnavarro2423
    @andresnavarro2423 3 месяца назад

    Thank you lord ❤

  • @LitaMangahas
    @LitaMangahas 3 месяца назад

    Salamat saklakasan😊😊😊

  • @divinesaldo5916
    @divinesaldo5916 3 месяца назад

    Amen

  • @julietsunga7626
    @julietsunga7626 3 месяца назад

    Thanks!

  • @jianpatricia1926
    @jianpatricia1926 3 месяца назад

    mahal na padre pio pagalingin mo kami amen 🙏🙏🙏🙏🙏♥️♥️♥️♥️♥️♥️😘😘😘😘😘😘