Dalit sa Tuwa ng Mahal na Birhen ng Candelaria sa Silang
HTML-код
- Опубликовано: 21 янв 2025
- Dalit ng Tuwa sa Pintakasing Birhen
Isleña kang ibang dikit
Morenikang taga Langit.
Candelariang matangkilik
Tala sa dagat ng hapis.
Di ka pa nagsususmikat
Ang Patriarka’t Propeta
Uamasang nagsitawag
Sa Langit at napahabag,
Silayan mo silang tikis
At aliwin sa pagtangis.
Candelariang matangkilik
Tala sa dagat ng hapis.
Tangi kang mapaghimala
Nang saka-sakang hiwaga
Na sa luklukan nang tuwa
Nagpadilag kang sagana
Sang-impiyerno’y nadulit
Nagsipanginig sag alit.
Candelariang matangkilik
Tala sa dagat ng hapis.
Regiones at bagay-bagay
Hilgaaan at Timugan
Habagata’t Amihan
Nagbunyi nang iyong dangal
At ang pala ming natigis
Walang tilang pinabatis.
Candelariang matangkilik
Tala sa dagat ng hapis.
Aurora kang naghayag
Niyong araw sa pagsikat
Isinugong magwawalat
Nang pinagtapunang hirap
Ang manunuksong mausig
Sa apoy mo ibinulid.
Candelariang matangkilik
Tala sa dagat ng hapis.
Hinangaang pagmamahal
Nang pagsintang walang hanggan
Tunay kang kaliwanagan
Sa tagalog ay tumangahal
Inakay mong magpumilit
Talikdan ang likong isip.
Candelariang matangkilik
Tala sa dagat ng hapis.
Sa gayong bagong hiwaga
Sampung hari nangagsadya
Nagsasayang lipos tuwa
Haing badha nang pag-ibig
Altar, palasiong marikit.
Candelariang matangkilik
Tala sa dagat ng hapis.
Larawan mo’y pinagnilay
Nang Guancheng katagalugan
Dinidiling parang mangmang
Kung hamak kang tao lamang
Katunaya’y nang malirip
Sinamba kang taga Langit.
Candelariang matangkilik
Tala sa dagat ng hapis.
Ilang regio’y nakamalas
Sa piling mong pawing perlas
Nang makalilibong sinag
Balabalaking liwanag
Palibhasa’yiyong nais
Pintakasihin kang tikis.
Candelariang matangkilik
Tala sa dagat ng hapis.
Tenerife ay magdiwang
Huwag mong pinaghilian
Ang Zaragosang Pilar
At gayon din ang larawang
Sa Guadalupe’y kumilik
Yamang doon ka kaparis.
Candelariang matangkilik
Tala sa dagat ng hapis.
Sinong sa iyo’y dumulog
Napaampong lumuluhog
Ang di mo agad kinupkop
Sa biyayang ligos-ligos?
Oh mapamagtang Judith
Awa mo’y huwag ilingid.
Candelariang matangkilik
Tala sa dagat ng hapis.
Kaming lahat mong Devoto
Talisuyong humandog
Sa iyo Patronang irog
Puring galang ay kalahok
At sintang buhat sa dibdib
Ang palamuting malinis.
Candelariang matangkilik
Tala sa dagat ng hapis.
Sa Gloria baying tahimik
Dakhin kami Mariang ibig!
Candelariang matangkilik
Tala sa dagat ng hapis.
Inawit ni Bb. Candelaria Handog saliw sa tugtog ni G. Ferdinand delos Santos
Mula sa proyekto ng Diego Magsanga Catechetical Production ng Cofradia de la Virgen de Candelaria sa Silang, Diyosesis ng Imus.