Coil Split - Papaano gawin? Tutorial

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 22 дек 2024

Комментарии • 139

  • @paularcilla570
    @paularcilla570 7 дней назад

    At ako'y nagbabalik sir, eto na nga at i momod ko na yung pots ko, nung una nabigla ako 2 lang yung wire ng humbucker ko na dismaya ako akala ko ala na pag asa, buti nalang may hack at napanuod ko na din, ayun nakita ko at same lang dun sa hack na may extra wire sya na tago. maraming salamat sir! inaabangan ko lang dumating yung inorder kong wire at shrink tubes. more power to you sir! salamat ng marami sa mga tutorials mo ang dali intindihin.

  • @oteplang
    @oteplang 2 года назад +1

    andami ko nang pinanuod na video tutorial ng mga sikat na channel ng mga banyaga. ilang buwan na. naikot ko na buong mundo dito sa youtube para sa coil splitting para sa epi LP100 ko.Sa kapwa ko Pinoy pa rin talaga ako makakaintindi ng maayos na paliwanag. Salamat dito sir. Bagong subscriber mo po ako. Keep it up. Kita ko comment section mo salamat sa pagsagot sa mga tanong namin. Godbless po.

    • @oteplang
      @oteplang 2 года назад

      Sakto pa tong video na to kasi hinahanap kp talaga is yung tutorial pano magcoil split ng walang push pull na pot kundi yung toggle switch lang since yung JG45 ko na Fernandez eh bagay lagyan ng switch na kagaya ng sa Jazzmaster.

    • @tixcustomsph
      @tixcustomsph  2 года назад

      Salamat po ng marami sir!

  • @paularcilla570
    @paularcilla570 5 месяцев назад

    maraming salamat sir! balikan ko tong video na to pag i mod ko na yung LP ko. 2 pots lang din yun eh, tig isa Vol and tone. bago lang kasi kaya di ko pa makalikot hehe. mga siguro 1 or 2 months of playing dun ako mag decide if kelangan ko na mag Coil split. galing kasi ako sa stratocaster kaya minsan parang hinahanap ko din yung tunog ng single coil.

    • @tixcustomsph
      @tixcustomsph  5 месяцев назад

      Tama sulitin muna hehe.. Salamat din sa support 😉

  • @ariesjawnz8225
    @ariesjawnz8225 4 месяца назад

    maraming salamat po sir laking tulong sa baguhan na kagaya ko

    • @tixcustomsph
      @tixcustomsph  4 месяца назад

      Maraming salamat din po sa support!

  • @rocknzekwolves3591
    @rocknzekwolves3591 Год назад +1

    Salamat sir malinaw na malinaw

  • @techcowboyPH
    @techcowboyPH 2 года назад

    nice sir TIX... anayways.. yung potentiometer galing sa montances.. the best yun.. saka yung mga ceramic capacitor nila...

    • @tixcustomsph
      @tixcustomsph  2 года назад

      Maaayos ang mga parts sa kanila. Pagkakaalam ko supplied din sila ng guitar pusher.

  • @jhonzkeyextreme6762
    @jhonzkeyextreme6762 4 месяца назад

    salamat idol sa kaalamang natutunan mula sayo..godbless

    • @tixcustomsph
      @tixcustomsph  4 месяца назад

      Salamat din sir sa support 👍☝️

  • @martysradioshow5979
    @martysradioshow5979 2 года назад

    Salamat sir lodi sa tips eto magagamit ko na din un push pull pots ko

  • @DavidPerez-mu3eg
    @DavidPerez-mu3eg 2 года назад +1

    Salamat sa explanation sir! Mabuhay kayo, subbed and liked 👍👍

    • @tixcustomsph
      @tixcustomsph  2 года назад

      Salamat po ng marami!

    • @DavidPerez-mu3eg
      @DavidPerez-mu3eg 2 года назад

      Salamat din sir! Tanong lang po pala, kailangan ng isa pang dpdt kung independently i-split yung humbucker? Bale yung vol at tone pots may dpdt tapos paano wiring nun?

    • @tixcustomsph
      @tixcustomsph  2 года назад

      Tama sir. Ganun na nga sya. Same lang din kung anong original wiring sa volume at tone. Naglagay lang naman ng switch.

    • @DavidPerez-mu3eg
      @DavidPerez-mu3eg 2 года назад

      Ayos ganun lang din pala, salamat sa simple pero malinaw na mga expalanation sir, more power po!

    • @tixcustomsph
      @tixcustomsph  2 года назад

      Maraming salamat!

  • @kennpasia6634
    @kennpasia6634 4 месяца назад

    sir, may tutorial ka ba to use push-pull as pickup selector (to select neck or bridge pickup)? Yung same sa gitara ni george lynch.

    • @tixcustomsph
      @tixcustomsph  4 месяца назад

      Wala po sir pero pwedeng kag message sa fb page natin. Gawan natin ng diagram.

  • @iancoligado7372
    @iancoligado7372 2 года назад

    Salamat po Sir Tix sa paliwanag! God bless po! 🙂

    • @tixcustomsph
      @tixcustomsph  2 года назад

      You're welcome sir at maraming salamat din sa support!

  • @echizengonzalvo2402
    @echizengonzalvo2402 Год назад +1

    Sir sana may vid po kayo kng PANO po kayo mag fret level

    • @tixcustomsph
      @tixcustomsph  Год назад

      Medyo matrabaho pero subukan natin minsan. Thanks!

  • @ekalamergosum1
    @ekalamergosum1 Год назад

    Baka pwede makita po kung pano wiring diagram naman nya sa switch. Kasi may nakita ako ung split wires nya nakakabit din sa switch. Balak ko po kasi sa 5 way switch ikabit ung coil split. Bale humbucker neck, hot rail mid, humbucker bridge. Mas maganda sana boss kung wiring diagram na para mas madali sundan hehehe. Newbie lang po kasi salamat sa vid nyo boss napaka helpful

    • @tixcustomsph
      @tixcustomsph  Год назад

      Check lang sir ng ibanez wirings or sa seymour duncan sites. May diagram sila online.

  • @krisrej
    @krisrej 5 месяцев назад

    Good day Sir! paano naman po ang wiring ng ganyang pots ng switch ng 2 capacitor ibes na mag coil spit eh switch capacitor 2 different capacitor value. Salamat sa tips malinaw na malinaw madaling intindihin!

    • @tixcustomsph
      @tixcustomsph  5 месяцев назад

      Mas maganda kung makakapag visit sa page natin para dun natin ma send ang diagram 👍

  • @echizengonzalvo2402
    @echizengonzalvo2402 Год назад

    Salamat s idea sir

  • @josephlaguiman
    @josephlaguiman Год назад

    Sir baka pwede din po kayo gumawa Ng split coil para sa 2 humbuckers 5 wires pick up to 3 way import switch selector

    • @tixcustomsph
      @tixcustomsph  Год назад +1

      Alam ko may upload na tayo ng coil split 👍

  • @chatian18
    @chatian18 Год назад

    Full support idol tix🍻❤

  • @nevinmarknarciso
    @nevinmarknarciso 2 года назад

    pano po mag treble bleed pag coil split pots, 1 volume & 1tone both coil split humbuckers

    • @tixcustomsph
      @tixcustomsph  2 года назад

      Dun sya ikakabit sa volume pots. Just imagine na wala yung DPDT switch na nasa itaas ay magiging same lang sya ng ordinary potentiometer. For more info sa connections, paki visit lang ng mismong channel. May video tayo about treble bleed. Thanks.

  • @akosirichard9246
    @akosirichard9246 4 месяца назад

    Sir, volume knob Po ba yan Ang may push pull o tone knob? Atsaka ano Po ba Ang selector switch na gagamitin Jan 3way Po ba dapat?Thank you Po sa reply

    • @tixcustomsph
      @tixcustomsph  4 месяца назад

      Pwede sa volume at pwede rin sa tone knob pero usually sa tone nilalagay. Ang normal selector ay depende sa pickup na gamit. Pag 2 pickups ay 3 way at kung 3 pickups naman ay 5 way.

  • @poly503
    @poly503 8 месяцев назад

    Lods pag dalawa ang humbucker
    (H H) pwedeng dalawanh pots ang di push pull para independent yung pag split ng bawat pickup?
    (For 1 volume 2 tone)

    • @tixcustomsph
      @tixcustomsph  8 месяцев назад +1

      Yes pwedeng pwede kahit VVT din 👍

    • @poly503
      @poly503 8 месяцев назад

      ​@@tixcustomsph Salamat lods! So sa pagkakaintindi ko ay sa pickup selector same lang din sa normal?

    • @tixcustomsph
      @tixcustomsph  8 месяцев назад +1

      @poly503 yes same lang din 👍

  • @peterjasonocol594
    @peterjasonocol594 2 месяца назад

    hum cancelling ba yang both humbucker na nak coil split.
    N.S.S.N or S.N.NS, in my understanding kasi kapag parehong ni split coil yan two humbucker (red and white) magkakaroon ng hum

    • @tixcustomsph
      @tixcustomsph  2 месяца назад

      Pag nag split magiging single coil kaya nagkaka hum din. Parallel config ang may single coil output na hum-cancelling pa rin.

    • @peterjasonocol594
      @peterjasonocol594 2 месяца назад

      ​​​what i mean sir kapag parehong naka on both neck amd bridge sa position 2 while naka engage ang coil split kung parehong North finish south finish naka connect sa p/p two humbucker, 1:38
      pwedeng inside, outside para hindi rin magkaroon ng hum while switching position 2
      tama po ba ako, yan po kasi pagkaka understand ko @@tixcustomsph

    • @peterjasonocol594
      @peterjasonocol594 2 месяца назад

      ​@@tixcustomsphmeron rin akong natutunan mostly sa mga narerepair kong prs which is naka partial coilsplit sila which is hum cancelling

  • @gizellerosales9744
    @gizellerosales9744 Год назад

    Goodjob!

  • @carljemuel
    @carljemuel Месяц назад

    Sir, kapag toggle switch ang gagamitin anong type? Dpdt na on/on po?

  • @mackcayabyab6729
    @mackcayabyab6729 Год назад

    boss idol pde po ba lagyan ng coil split yung ltx-2 ng jcraft?

    • @tixcustomsph
      @tixcustomsph  Год назад

      Parang hindi kase sealed ang pickup nya na naka 2 conductors lanv

    • @mackcayabyab6729
      @mackcayabyab6729 Год назад

      so kelangan mag order ng bagong humbuckers na pde i coil split at push pull na potentiometer? dna po ba need palitan ng switch kahit 3 way ok na po?@@tixcustomsph

    • @mackcayabyab6729
      @mackcayabyab6729 Год назад

      pde po bang gamitan ng pinagbabawal na teknik ung stock pickups ng ltx2 para icoil split master?@@tixcustomsph

  • @josephpaladmartinez1777
    @josephpaladmartinez1777 Год назад

    Sir pwede ba gamitin yang push pull pot na yan as coil splitter at the same time master volume na dina gagamit ng ibang pot?

  • @GiovanniAntionioAdonay
    @GiovanniAntionioAdonay Год назад

    tanong lang sir, pwede ba sa les paul dagdagan ng piezo pickup okba mag push pull pot para ma select kung bridge humbucker o piezo, at ma gagana ba volume at tone para sa piezo? thanks.

    • @tixcustomsph
      @tixcustomsph  Год назад +1

      Yes pwedeng lagyan ng piezo kaya kang mahina mangyayari kaya kelangna ng preamp din

  • @gringomiravel4349
    @gringomiravel4349 Год назад

    Sir kung mag wired aq ng hss un push pull eh ilalagay ko sa bridge knob taz mag papalit aq ng volume pot na a500k ilan ang capacitor na gagamitin ko at saan pot un mga capasitor dapat ilagay?

    • @tixcustomsph
      @tixcustomsph  Год назад +1

      Mas maganda sa tone knob ang push pull. Isa capacitor lang sa tone pot.

  • @milesnuneza9886
    @milesnuneza9886 Год назад

    Sir tix pwede ba dalawang knobs lagyan nang coil split? HH yung pickup ng gitara ko tapos gusto ko tig isang pickups may coil split para mas madaming combination magawa like H-H, S-S, H-S or S-H

  • @eddie_sq5
    @eddie_sq5 5 месяцев назад

    Sana magkaroon ka ng tutorial na ginagamit yung toggle switch lamang

    • @tixcustomsph
      @tixcustomsph  5 месяцев назад

      Same lang din ng connections nung 6 na pins.

    • @eddie_sq5
      @eddie_sq5 5 месяцев назад

      @@tixcustomsph any specific product name sir para masunod ko exact lahat2

  • @lalineadeldiablo4827
    @lalineadeldiablo4827 3 месяца назад

    sir san po ba dapat maglagay ng capacitor or treble bleed? sa tone pot po ba or sa vol pot?

    • @tixcustomsph
      @tixcustomsph  3 месяца назад +1

      Pag treb bleed sa volume pot. Meron po tayong upload na treb bleed ang topic 👍

    • @lalineadeldiablo4827
      @lalineadeldiablo4827 3 месяца назад

      @@tixcustomsph thanks po, bale sir, ano po itong nasa tone pot ko ngayon na parang blue ang kulay, pagkabili ko po nitong guitar ay naka install na po ito dati, my guitar po is a solid body with volume and tone knobs lng po

  • @gabrielmudlong8850
    @gabrielmudlong8850 2 года назад

    Thank you sa paliwanag Sir. Ano po value nung push push na potentiometer?

    • @tixcustomsph
      @tixcustomsph  2 года назад

      500K sir. Salamat ng marami!

    • @gabrielmudlong8850
      @gabrielmudlong8850 2 года назад

      Sir may video po ba kayo about sa orange drop capacitor?

    • @tixcustomsph
      @tixcustomsph  2 года назад

      Wala po sir pero same lang din ng function ng ceramic at mylar. Para mag filter.

    • @gabrielmudlong8850
      @gabrielmudlong8850 2 года назад

      @@tixcustomsph Ayun sige Sir Thank you po. Balak ko kasi mag lagay nun.

  • @braedanmendoza9819
    @braedanmendoza9819 2 года назад

    Sir tix pwede po ba gamitin ang neck pickup ng strat as middle pickup?

    • @tixcustomsph
      @tixcustomsph  2 года назад +2

      Pwede naman pero minsan need na mag reverse ng wire para mag match ang phasing ng pickups. Halimbawa ganito, kung napakabit mo na at pag select mo sa 2 at 4 ay manipis, meaning out of phase kaya need mo baligtarin ang wires . Yung dating ground ay syang magiging hot.

    • @braedanmendoza9819
      @braedanmendoza9819 2 года назад

      Maraming salamat po si Tix

    • @tixcustomsph
      @tixcustomsph  2 года назад

      Welcome 👍

  • @tirzomarfa7679
    @tirzomarfa7679 Год назад

    pwede din ba gawing tong config sa bass sir tix?

    • @tixcustomsph
      @tixcustomsph  Год назад

      Pwedeng pwede sir as long as multi conductor ang pickup 👍

  • @lalineadeldiablo4827
    @lalineadeldiablo4827 3 месяца назад

    sir alin po sa pick up ang ma didisable? and naka series connection po b?

    • @tixcustomsph
      @tixcustomsph  3 месяца назад +1

      Yes sir yung naka series ang para sa split.

    • @lalineadeldiablo4827
      @lalineadeldiablo4827 3 месяца назад

      @@tixcustomsph salamat po sir, malaking tulong po itong channel nyo dami kong natutunan sir ❤️

  • @zxcvbnm703
    @zxcvbnm703 Год назад

    sir B500K pa rin po ba gagamitin?

  • @matteyjackson6388
    @matteyjackson6388 2 года назад

    Sir pano pag 3 wire lang yung humbacker?

    • @tixcustomsph
      @tixcustomsph  2 года назад

      May upload tayo sir na "pickup wires explained" at "humbucker pickup hack" baka sakali na nandun ang info na kailangan natin.

    • @matteyjackson6388
      @matteyjackson6388 2 года назад

      @@tixcustomsph ok sir panoorin ko din po, ano nga palang tawag dun sa pots na may push pull ?

    • @tixcustomsph
      @tixcustomsph  2 года назад

      @@matteyjackson6388 yun na mismo.push pull pots.

    • @matteyjackson6388
      @matteyjackson6388 2 года назад

      Ok sir salamat, di pala pwede sa pickup ko 2 lang yung wire nya, hehe

  • @johnmarkparabas2249
    @johnmarkparabas2249 11 месяцев назад

    Pano po yung sa selector po pag nag split coil po? Like Anong position po kaya sya gagana 1-5 pag 5way switch po

    • @tixcustomsph
      @tixcustomsph  11 месяцев назад

      Sa pos 2 and 4 pwedeng ma configure sa split ang 5 way.

    • @johnmarkparabas2249
      @johnmarkparabas2249 11 месяцев назад

      @@tixcustomsph yun salamat Po sir tix😊

  • @koiOwO
    @koiOwO 5 месяцев назад

    Sir pano naman po kapag hindi push pull and 5 yung wires ng humbucker ko. Alnico pickups po. Bago lang po sa pag momod ng guitars hehe

    • @tixcustomsph
      @tixcustomsph  5 месяцев назад

      Isolate lang ng tape or shrink tube yung 2 wires na magkadikit kung di kailangan ng split then straight bucker na sya 👍

    • @koiOwO
      @koiOwO 5 месяцев назад

      @@tixcustomsph maraming salamat po!!!!

    • @tixcustomsph
      @tixcustomsph  5 месяцев назад

      @koiOwO walang anuman 👍

    • @koiOwO
      @koiOwO 4 месяца назад

      ​@@tixcustomsph hello po ulit idol hahaha, napag desisyonan ko na mag coil split at mag push pull. So bale ang tanong ko lang is need paba ng capacitor ng push pull potentiometer kapag gagawin mo din syang tone knob control para sa bridge? And need din po ba i ground ng potentiometer to volume knob control? Thank you in advance idol if mag rereply ka!! ❤️❤️❤️

    • @tixcustomsph
      @tixcustomsph  4 месяца назад

      @koiOwO switch lang talaga ang napadagdag dun sa push pull. Yung nasa ilalim ay same lang din ng ordinary pots kay kung ano ang meron dun ay ganun din ang sistema sa push pull.

  • @veejay3584
    @veejay3584 Месяц назад

    hello po may link po ba kayo sir ng push/pull knob mo sir?

    • @tixcustomsph
      @tixcustomsph  Месяц назад

      Search lang sa Lazada sa musiclily store ☝️

  • @TapangRhianMarkAshleyR
    @TapangRhianMarkAshleyR 10 месяцев назад

    anong value sir ang pwede gamitin?

    • @tixcustomsph
      @tixcustomsph  10 месяцев назад

      Pag sa split gagamitin ay 500K 👍

  • @gringomiravel4349
    @gringomiravel4349 Год назад

    Anong capacitor ang gagamitin idol ok lng ba 022?

  • @BacaniArvinn-kh6dx
    @BacaniArvinn-kh6dx 10 месяцев назад

    May diagram po ba kayo sir kung pano panh isang humbucker lang

    • @tixcustomsph
      @tixcustomsph  10 месяцев назад

      Same lang din ng connection sya. Pwedeng isang side lang ang gamitin or naka jumper para mas solid ang contact.

  • @nowemmarkez1767
    @nowemmarkez1767 Год назад

    Hi sir.. ask na din ako..kapag naglagay k ng coil spliter switch s humbucker pickup.. south ba ang gagana at ung north ay short to ground.. tama ba ako sir? Pakikorek nalang sir if mali ako.. thanks

    • @tixcustomsph
      @tixcustomsph  Год назад +1

      Tama sir, north ang kalimitang shino sa split.

    • @nowemmarkez1767
      @nowemmarkez1767 Год назад

      @@tixcustomsph sir compare s humbuck n nakasplit at single coil config.. let say same ang DCR may pagkakaiba b s tone?

  • @LuisReantaso
    @LuisReantaso 8 месяцев назад

    Pano po mag connect SA input output jack?

    • @tixcustomsph
      @tixcustomsph  8 месяцев назад +1

      Yung center ng jack (sleeve) ang ground at yung isa (tip) ang hot 👍

  • @dontknowy
    @dontknowy 4 месяца назад

    medyo naguluhan lang ako po, kasi alamin ko sana kung ano naging kumbinasyon ng pickup sa end pag push or pull kung ano sa humbucker ang gumagana, at kung bakit naka series yung wirings nung pickup nung na hinang kc akala ko yung limang wires pag hihiwalayin yung dalawang single coil nila sa loob, pano maghihiwalay po yung isang humbucker nun, tapos sa push and pull nyo po yung pull na switch lang ang nilagyan ng ground yung push naka bakante po? sana po makagawa kayo video tutorial netong project wiring ko po,para makapag install ako ng madali, bale me gagawin po ako na stratocaster, lalagyan ng 3 hot trails humbucker, tatlo lang yung pots nya isang volume at dalawang tone, tapos ang gusto kalabasan yung sa push and pull pag switch ng split single lang pagaganahin sa hot trails humbucker, magiging single sa switch ng neck, tas pag switch single din middle, tas pag switch sa bridge magiging single din bridge, at pag click ng push pull sa another switch naman pde na bumalik sa standard functions mga humbucker,.sana po ma gets nyo kahit hirap ako i explain hehe,
    pero eto po ideas sample
    ex. 5 way switch gusto pag pull, magiging single coil set up,
    neck- will be single
    neck mid-will be single,single
    mid- will besingle
    mid-bridge 'will single, single
    bridge-will be single
    push naman magiging
    neck-humbucker
    mid-mid,humbucker,humbucke
    bridge-humbucker
    sana makagawa po kayo video tutorial. thanks po

    • @tixcustomsph
      @tixcustomsph  4 месяца назад

      Kaya pull lang kase yung 2 na wires ang iko connect sa ground. Naka split na yun. 2 pickup lang ang max ka kayang ma split na magkasabay. Kung 3 na hotrails may isang push pull pa na kailangan. Yung magkadikit na wires ang iko connect sa push pull. As simple as nasa vid lang talaga ang gagawin. Pwede ka sir mag message sa fb page natin para mai guide kita. Thanks

  • @alexdonato469
    @alexdonato469 2 года назад

    good day sir,may tanong lang po ako bakit kaya mahirap na ituno itong stratocaster ko mula ng pinalitan ko ng strings?salamat keep safe po

    • @tixcustomsph
      @tixcustomsph  2 года назад

      Posible na ibang gauge ang napakabit.

    • @alexdonato469
      @alexdonato469 2 года назад

      @@tixcustomsph ganun po pala yun sir?hindi ko kasi alam kung anong gauge yung dati kong string.ano po sir,magandang sulosyon dun?

    • @tixcustomsph
      @tixcustomsph  2 года назад

      Gauge 9/42 ang standard gauge ng mga strat style guitars. Either magpalit ka ng strings or mag file dun sa nut.

    • @alexdonato469
      @alexdonato469 2 года назад

      @@tixcustomsph salamat po sir,more power sayo

    • @alexdonato469
      @alexdonato469 2 года назад

      @@tixcustomsph tanong ko din ulit sir,kapagniliha ko yung nut paano ko malalaman na fit na yung string sa nut?

  • @cpag04
    @cpag04 Год назад

    Baka po may tutorial ka po pano connection nya as one

  • @jestercabrieto6526
    @jestercabrieto6526 2 года назад

    Ano difference ng parallel,at coil tap?

    • @tixcustomsph
      @tixcustomsph  2 года назад

      Parallel ay 2 separate coils na pinag combine habang ang coil tap naman ay kumuha ng linya sa loob ng isang coil.

    • @jestercabrieto6526
      @jestercabrieto6526 2 года назад

      @@tixcustomsph What is difference of the sound of parallel and coil tap?

    • @tixcustomsph
      @tixcustomsph  2 года назад +1

      Parallel same output signal as the single coil pero mas bilog tulad din ng ex. middle at bridge na magkasama. Malamang may idea na tayo sa tone nun. Coil tap ay iba sa coil split. Ang tunog ng coil tap ay same din sa single coil. Example ng coil tapping ay tulad sa mga transformer na multi output. Sa isang buong coil ay meron sa pagita. Ang coil split ay 2 separate coils na pinag split.

  • @cpag04
    @cpag04 Год назад

    pa tackle po sana buong push pull potentionmeter

    • @tixcustomsph
      @tixcustomsph  Год назад

      Nadito sya sir vt.tiktok.com/ZSLpPV7Y5/

  • @macsm.8285
    @macsm.8285 Год назад

    sir ano po kaya possible cause, dahil ganitong ganito naman ginawa ko kaso walang audio out at all, pa help naman po salamat

    • @tixcustomsph
      @tixcustomsph  Год назад

      Posibleng may na miss lang din or pwede naman na may hot wire na sumasayad somewhere sa cavity.

  • @vincentvincent8798
    @vincentvincent8798 2 года назад

    Salamat hehe

  • @VanjaSpirin
    @VanjaSpirin Год назад

    Which language is that?