My BALIK LOOB Story | Nurse Even

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 29 дек 2024

Комментарии • 412

  • @catherinecosto3347
    @catherinecosto3347 17 часов назад

    Been searchinh for a video to help me where to start na magbalik loob sa nursing. Graduate of batch 2010, nakakatakot and nakaka worry yung risks specially w the work and pay that I have now. But still praying na 2025 I can finally fulfill ung dream ko naman para sa sarili ko. Thanks for this video nurse Even!

  • @stefhaniepangasian6754
    @stefhaniepangasian6754 4 года назад +47

    Same situation right now Kunars. 2010 graduate ako, right after passing the board nag work na ako sa BPO, 10 yrs na ako dito sa BPO, pero lahat sinet aside ko din Kunars dahil may goal din ako at yun ay mag migrate sa UK kasama ang mag ama ko. Kkapasa ko lang sa OET and next week CBT ko na, after passing CBT, magresign na ako sa BPO and balik loob na ulit. Lumakas ang loob ko dahil sa vlog na to 😁 Salamat Kunars. Nakakatakot man pero Lavarn! See you in UK!

    • @jansimon8417
      @jansimon8417 4 года назад

      Hi sir. 10 yrs diN ako sa BPO. 2020 mgbblik loob na ko. Ask ko lang po mgkano ang need ko to process papers goig to UK? Can u give estimate po para malaman ko kung okay na ung naipon ko sa bpo? Hahaha.

    • @tequilasunrise2037
      @tequilasunrise2037 4 года назад

      Hi mam Stef, derecho na po kayo from BPO to OET and then CBT?

  • @arielaianartemiobelza1463
    @arielaianartemiobelza1463 4 года назад +9

    Hi Nurse Even, naiiyak ako habang pinapanood tong video mo. Relate na relate ako sa experiences mo. Natakot din ako bumalik sa bedside noon. Nung nakabalik na ako sa bed side. Ang dami din situation na kinuwestyon ko sarili ko na tama ba na bumalik ako sa bed side. Pero lagi ko iniisip nun na part to ng process para making magaling na nurse ako. Kaya din ako bumalik sa bed side. Gusto ko yung pakiramdam na naging part ako sa paggaling ng patient at uuwi sila ng maayus. Napaka powerful pag sinasabi nila "Thank you, Nurse Ariel".
    Ngayun asa UK na din ako. Natupad na pangarap ko pero hindi pa din tumitigil ang learnings. Tuloy tuloy lang.
    Keep inspiring other nurses and even other people.
    Papicture pag nagkasalubong tau somewhere sa UK.

  • @jonahbarcial4932
    @jonahbarcial4932 8 месяцев назад +1

    Naiyak po ko habang pina panood ko. 2009 board passer po ko. At napunta ko casino industry for 12 years as casino dealer . Next month po mag start na ko as nurse 1 sa isang kilalang public hospital.malaki sweldo sa casino pero pangarap ko po talaga maging nurse at mag work abroad as nurse . 😊

  • @maebugay2853
    @maebugay2853 4 года назад +2

    Wow! Namomotivate ako tlga ako sayo nurse even, i am 45yrs old, kasabay ko naggraduate last june 2019 ang aking panganay n anak, pero nauna lng sya n pumasa, hehe, pero susubok uli ako this coming may 30-31 magboard exam.Inabutan na ako ng delay ng exam dahil sa pandemic, pero feeling ko may reason si Lord sa akin bakit dinedelay nya exam ko , Tlagang gusto ko n mag UK khit na may kaba ako , at least now paunahin ko si anak haha pra may TIPS ba 😊, ang sarap magkwento pero mala MAALALA MO KAYA haha

  • @the_arewin7310
    @the_arewin7310 4 года назад +3

    Yang takot na yan.. temporary lang yan.. pero yung regrets poreber... Hayyyy... This hit me... 👍🏻👍🏻

  • @lovee1284
    @lovee1284 4 года назад +13

    I'm an IT, pero nageenjoy ako sa mga vlogs mo kahit wala ako maintindihan na related sa nursing 😂 Once na may upload ka, mag stop muna ako sa work para manuod. My point is ganito na yung effect mo sa mga viewers mo. Nakakatuwa ka panuorin and sobrang nkakaproud yung mga achievements mo. More videos nurse even! Godbless you always!

  • @keenabernardo
    @keenabernardo 4 года назад +31

    Totally can relate, Graduated 2009, from 2010-2019 ive been in the BPO industry, now 8months na ako as a staff nurse! ❤️💪

    • @markanthonymadridano955
      @markanthonymadridano955 4 года назад +2

      Hi! Im also planning on returning to nursing this year. Any recommendations on what to do to prepare for re-entry into the profession? Books? Trainings? Thank you and Stay Safe out there

    • @lexyzbee9994
      @lexyzbee9994 4 года назад +1

      Wow naman Maam. Yes po sa.question ano po marecommend nyo

    • @keenabernardo
      @keenabernardo 4 года назад +1

      @@markanthonymadridano955 nanood lang ako sa youtube nung mga procedures na usually gagawin sa hospital. Like iv insertion, ngt insertion, dosage calculations, chaka yung mga normal values ng vs and lab tests! 😊 Google google lang.

    • @keenabernardo
      @keenabernardo 4 года назад

      @@lexyzbee9994 nanood lang ako sa youtube nung mga procedures na usually gagawin sa hospital. Like iv insertion, ngt insertion, dosage calculations, ifc insertion chaka yung mga normal values ng vs and lab tests! 😊 Google google lang.

    • @lexyzbee9994
      @lexyzbee9994 4 года назад

      @@keenabernardo thank you Maam :) batchmate pla tau 09
      God bless

  • @leeyherr
    @leeyherr 4 года назад +1

    Same sinacrifice ko ang work ko for 8 years para sana bumalik sa hospital kaso mejo may takot lalo na’t nag kacovid. Pero nakakainspire din tong video mo.

  • @jessabaldon107
    @jessabaldon107 4 года назад +50

    I can totally relate to this Nurse Even. Same story as yours. After graduating in 2008, BPO na agad ako. Nawalan na ako ng pag asa to take boards. I kinda lost my way but I focused on my goal. Then in 2019, finally took the Boards then I passed. Got a job as Company Nurse then applied sa hospital. Studying Deutsche now to fulfill my European dream. Thank you for this inspiring content Nurse Even.

    • @ivanarce3298
      @ivanarce3298 4 года назад

      wow, goodluck po

    • @leannana
      @leannana 4 года назад +3

      Same here.. Graduated 2007 then BPO after for 11 years. Then, finally, nung 2018, nag balik-loob sa hospital. It's never too late talaga. Age is just a number and you can always relearn everything once you're in the hospital setting na. Goodluck to you! 🥰

    • @jazzamaria9990
      @jazzamaria9990 4 года назад +1

      Good luck po!

    • @jessabaldon107
      @jessabaldon107 4 года назад

      @@ivanarce3298 Thanks po

    • @jessellemolano1313
      @jessellemolano1313 4 года назад +2

      Jessa Baldon same! Batch 2008 and passed the board 2019! God bless!

  • @joygumboc4908
    @joygumboc4908 4 года назад +6

    Very timely for me nurse even. After 10yrs now ko lng maprapractice profession ko. Un nga balik loob kasi ito ung passion ko at ito ang goal ko. Thank you for this video mas lalo akong naispire nurse even. Ung takot napalitan ng excitement and nakakapround na NURSE AKO. 😊❤️

  • @iambrutallyfrank1737
    @iambrutallyfrank1737 3 года назад +2

    Hi Kunars! Am registered nurse and a single mom. Kaya nasa BPO pa din ako since 2012. But dahil sayo, na e encouraged ako mag nurse ulit.

  • @katrinauy7757
    @katrinauy7757 4 года назад +2

    Nurse Even! Gusto ko yung sinabi mo na ung takot at doubts pansamantala lang. Regrets are forever! Kaka inspire ka po Nurse Even. 🥰🥰🥰

  • @ai.beyyyaa
    @ai.beyyyaa 4 года назад +2

    ako din balik loob. almost 9 yrs naman po ako from passing the board til last year lang ako nagapply as nurse nandoon ang struggle at kapa kapa pero i survive.. tama po lakas ng loob lang talaga. at dasal parati sa Diyos na bigyan ka ng talino para ihandle ang pressure. salamat kunars Even!!

  • @buzzingmommybee
    @buzzingmommybee 3 месяца назад

    Batch 2007 here! Kakapanood ko lang nito Nurse Even.
    Nagpaplano din ako mag balik loob nurse. Kaka inspire ito KuNars Even. ❤❤❤

  • @nursecha4253
    @nursecha4253 4 года назад +1

    Hi nurse even!subscribed na and currently doing a marathon ng vlogs mo.
    We have same exp pala, ako naman i graduated 2009 and straight bpo agad. Same din tyo na product trainor na din ang position pero nung nag close yung inhouse sight nung office namin then right across lang ng St Lukes BGC, nag lakas loob lang ako na mag walk in sa st lukes that time. During the interview naging honest lang tlg ako na i dont have anything to brag abt nsg exp, sabi ko just give me a chance. Then boom! HIRED AS NURSE SA DREAM HOSPITAL KO PA ST LUKES, 2017!
    For me, yung bpo exp never ko ikakahiya kasi it gave the extra confidence and ang dami ko natutunan sa industry na yun. And once a nurse ka, babalik at babalik ka tlg kahit anong way.
    Actually dapat paalis na ako 2020 kaso naabutan ng covid but hopefully mag push thru pa din ang career ko sa ibang bansa.
    Keep on vlogging and sharing ur story. Keep safe
    And godbless 😊

  • @jeancamillefernandez5077
    @jeancamillefernandez5077 4 года назад +8

    “Masaya ang Nursing kasi maraming learnings.” very well speak Kunars Even. God bless you always. 😇💪🏼🙏🏻

  • @TheMarracamille
    @TheMarracamille 3 года назад

    No joke Nurse Even. Napaiyak ako sa video mo. I was in the HMO field from 2013-present. Umalis ako kasi sobrang nadiscourage ako sa toxic experiences ko as volunteer RN, lalo nung hindi ako nakuha sa dream hospital ko. Ayun, napatagal ng ilang taon sa HMO industry. Naramdaman ko seven years ago hindi para sa akin ang mag bedside. Pero lately, napapaisip ako, tama ka about sa 'what ifs' - what if seven years ago naghanap ako ng ibang hospital? What if seven years ago di ako nagpadala sa takot ko? Edi sana ngayon kasama na ako ng mga pinsan at friends ko na nasa UK na din.
    Humihingi ako kay Lord ng sign these past few days kung dapat ko na bang ituloy yung pangarap ko, and thank you Nurse Even yung video mo lang pala ang sagot. Salamat 😭❤️

  • @claudevic6515
    @claudevic6515 4 года назад +1

    2008 ako graduate then BPO for 5 yrs, nahihiya din ako magbalik loob, nun ngstart ako sa hospital I was very honest na nakalimutan ko na lahat. USRN na Po ako now. Almost 4 yrs na as nurse dito sa USA. True un goal mo tlaga, you should be willing to give up everything for it. Sobrang worth it na magbalik loob. Promise!

  • @danicahonrado
    @danicahonrado 4 года назад +1

    Magka batch pla tayu nurse even.. na try ko din ang iba2x trabaho before nagbalik loob, after passing the board nag ESL teacher, nag call center, nag area coordinator pra sa DSWD, at nag cashier sa isang foundition. It only proves our versatility kahit saan tayu ilagay we strive just to survive. Thank you for sharing your story.

  • @wendydumandan9936
    @wendydumandan9936 3 года назад +1

    This video made me cry. 😭 Im currently reviewing English test. Batch 2012 I graduated and passed the board exam. Since then I've been in BPO industry. Saved and have investments, business. Nahihiya ako bumalik. Pero I said wala mangyayari if mahihiya ako. I have to pursue my dreams. Sana mameet kita sa UK soon. Kahit makasalubong man lang kita and take a picture together. 🥺😭🙏🏻

  • @jam_tvdramas9492
    @jam_tvdramas9492 3 года назад

    Ung nasa comfortable ka ng buhay mo peo may side pdn sa puso at icp mo na ay,. NURSE ako,. Nalilito ka kung anong ppiliin mo dito kanalang ba sa ganitong part ng buhay mo na ok na eh kaso pag iniicp mo na may kulang pdn,. Then suddenly mapapnuod mo ung vlog na ganito na tlgang nhirap peo worth it,. Ang main goal ko is to help my family financially and ndi ko un magagawa sa present work ko,. Eto lang tlg ang naiicp kong paraan,. Thankyou sayo 😊

  • @Arvees
    @Arvees 3 года назад

    "Regrets are forever" naks. Eto na nga po magbabalik loob na 🙏🇬🇧

  • @mariejoycariaga4568
    @mariejoycariaga4568 4 года назад +5

    I can relate to your story. I've graduated nursing in 2011 then I've pass my board exam in 2017. For 7 years I've work as a researcher about corals and fish. Actually natakot mag apply kasi feeling ko walang tatanggap sa akin kasi ang tagal ko nawala sa nursing field at wala din ako experience but this year 2020 I gather all the courage with the support of my love ones and decided to go back in nursing field and to pursue my dream to be a nurse. Di ko akalain matatanggap ako sa hospital. Yes, it's hard because you Need to relearn everything but it's okay I still enjoy even it's hard kasi pangarap ko ito eh.. Thank you nurse even for sharing your story! Thank you for giving hope and courage.

  • @mariapamelarevita2991
    @mariapamelarevita2991 4 месяца назад

    Hi Nurse Even! Oh diba? Pinanunuod ko ulit to after 4 years. Thanks a lot for this inspiring content. Same pala tayo ng situation. Kinakabahan pero di aatras.

  • @angelaroserimorin6976
    @angelaroserimorin6976 4 года назад

    The best nurse na pinanood ko. Hindi nkakaboring and very inspiring. 😊. Gstong gusto ko na ding mg balik loob as a NURSE. Kaso hndi kasi ako mgaling sa IV insertion 😅. Un lang tlga.

  • @maryaaa8462
    @maryaaa8462 4 года назад +1

    We’re same year graduated, take my board exams but failed.(feel ko nga ang bobo ko na kasi hindi lang isang beses ako nag take.) i’m currently working as ofw pero alam mo yun kahit malaki na yung kinikita ko pero hindi padin matutumbasan ng malaking sahod mo yung kasiyahan mo.. palagi kung iniisip na magtake ng exam ulit kasi hinahanap hanap ko talaga siya.. yung kwento mo nagenlighten sakin..❤️❤️

  • @werwurwe
    @werwurwe 4 года назад +8

    It feels like you're speaking directly to me. Had the same hiatus for 6 years and tried searching for a greener pasture and was a total wreck. Came back to the Phils and wanted to go back to the medical field and voila, currently a post graduate intern. It's never too late to go back to your calling!

  • @jsuhrnrhghs
    @jsuhrnrhghs Год назад

    Salamat Nurse Even! Akala ko ako lang yung ganito. Pabalik palang ulit ako sa Nursing track after 13 years. Yung pakiramdam mo puro mali nlng yung magagawa mo kasi nakalimutan mo na lahat ng dapat mong alam. 😢😢😢

  • @mariacristinaotazu-vq6oc
    @mariacristinaotazu-vq6oc 6 месяцев назад

    Nakakalakas nang loob to. Dahil nagbalik loob din ako this year like galing ako bango pero iniwan ko para sa goal and passion ko 🥹🥹🥹🥹😍😍😍😍

  • @nurseaarai9279
    @nurseaarai9279 4 года назад

    Nakakainspire ka po. 1yr nko dto s hospital sa pinas after mag board exam and nakapasa nag apply na agad ako sa hospital, sana maging nurse din ako sa UK or kahit sa US ❣️😘

  • @gracebanares
    @gracebanares 4 года назад +1

    Nurse Even, ako din nagtake ng Nursing 2005 pero nastop ako 2006, nagbpo 2007. Tinuloy ko nursing 2017 dahil nagbago curriculum back to 0 ako pero nacredit pa rin naman mga minor subjects. Working student ako and talaga namang mahirap kasi mother na rin ako. Hanggang 2019 bigla naman yung department namin nagdecide na magtransfer sa India. May choice naman ako na magstay at lumipat ng ibang department pero I decided na iaccept yung redundancy para makafocus na nga sa school since mag4th year na ko. Ayun mahirap din pag matagal ka ng nagwork kasi nasanay na. Yung pagod dati na ang tulog ko lang ay sa byahe pauwi at papuntang work, parang hinahanap din ng katawan ko yung pagwowork (hehe, lam mo yun?)
    Ang goal ko naman talaga bat ako nagbalik sa nursing eh para sa mga anak ko. Nakakainspire yung mga videos mo. Lalo na sa mga times na napapaisip ako na kung tama ba yung decision kong bumalik at pag nahihirapan na ko. Lagi ko inaabangan mga short vids mo sa FB na sobrang nakakatawa, relate talaga.
    Thank you Nurse Even for inspirig and giving hope to other nurses like me. God bless you always! Lablab 😊

  • @CyeRN83
    @CyeRN83 4 года назад +16

    Super great content and I can really relate...Been out of nursing service for 12 years...2008-2020...been to bpo, to business dev, to mktg...then boom, back to nursing Feb 2020..a month after COVID...still on duty till now @ government hospital...and yes, same reason as you nurse even...to travel with my family and nursing is part of that goal...still adjusting at the moment especially COVID state...😉...go go lang...kahit feeling student ako ulet.."if in doubt, don't be afraid to ask"...bahala kng makukulitan cla skin, bsta i will ask...and yes, we are dealing with life and no room for even a slight mistake...

    • @imiecanoy5865
      @imiecanoy5865 4 года назад

      sana lahat may ganyang courage..same year grad po, the only difference..until now nasa BPO parin ako..

    • @pinoyislander4400
      @pinoyislander4400 4 года назад

      Wala pong masama sa pagtatanong basta wag lang tayo magkamali. Tinawag ako si kulit kasi ako yong palatanong pg di ko alam, bahala na basta matutu lang ako. Now hoping to work in Germany soon.

    • @theresavilla318
      @theresavilla318 4 года назад

      @@imiecanoy5865 tara magbalik loob na tyo .☺️

    • @ylimessitnerp7254
      @ylimessitnerp7254 3 года назад

      Ty for sharing.Grad po kayo ng nursing?

  • @gapayaoleslee
    @gapayaoleslee 3 года назад

    Passed the board 2010. Been working in Public Health/Community since 2012 pero dream ko talaga since I was a kid na mag abroad. Hahahahaha. Sign na taa ituuuuuu,Nurse Eveeeeen! 😂😂😂

  • @kairn6208
    @kairn6208 4 года назад +7

    Yehey! Eto na, kinilig ako paggising ko may notif galing sayo! Di ko pa man napapanood e, thank you for this, nurse Even! Thank you for inspiring us! Keep safe😊
    Edit: ayiieee.. may pag mention pa pala saken, salamat po ulit sa video na ito🥰

  • @maclarissaalvarez1993
    @maclarissaalvarez1993 4 года назад

    Go for the 10k views 😇 chikahan Lang 😊

  • @mawidecastro2363
    @mawidecastro2363 4 года назад +4

    Hi, i can totally relate. And skl fresh grd ako ng May 2019 and nagtake at nakapasa boards ng dec. then work na kaagad ng january. Grabe bilis ng phasing. I’m currently working here sa pinas and nasa med surg ob ward. Super toxic lalo na at covid. Pero because of this video thank you kasi na encourage lalo ako makamit yung goal ko. Ilang months palang ako pero this video gave me motivation to give my best. Syempre hindi naman maiiwasan talaga yung mapapa isip na lang sa sweldo and workload sa hospital. Pero u made me realize walang mabilisan sa success lahat pinag hihirapan. I’ll work harder hanggang sa makamit yung goal ko! See u sa uk 😜 thank you kunars! 👌🏻🤙🏻

  • @abdernasirkadil564
    @abdernasirkadil564 4 года назад

    Proud na proud mga kunars😘😘

  • @lukegabrielcastillo3145
    @lukegabrielcastillo3145 Месяц назад

    Nurse Even, grabe same na same yung experience natin, now ngstart ulit ako s goal ko

  • @ruthfrancisco5393
    @ruthfrancisco5393 Год назад

    Ang ganda nito Nurse Even, i graduated in 2007 and licensed since 2008. For 12 years i was in the bpo industry. Before moving back to Nursing, I was a Unit Manager. Tama ka, walang madaling proseso, lahat nagsimula sa umpisa. :) I'm about to get there, where you are right now. May God Bless us all :)

  • @riamadlangbayan9331
    @riamadlangbayan9331 4 года назад +1

    Mas lalong tumaas ang respeto ko sa mga nurses and frontliners!

  • @portzngrace2365
    @portzngrace2365 4 года назад +2

    same here.. I've been with the corporate world for 11 years at magbabalik loob. Nice content! Ito hinihintay ko, sign na to!

  • @anayahtv
    @anayahtv 10 месяцев назад

    This video deserves more views.. thanks nurse even!

  • @yzalegaspi8146
    @yzalegaspi8146 3 года назад

    super bilib talaga ako sa mga nagbabalik loob swear! , sobrang tapang niyo po , kasi siyempre haharap ka na naman sa hindi mo comfort zone, bago na naman , kailangan na naman matuto etc.

  • @arlenehernandez2912
    @arlenehernandez2912 4 года назад +2

    I'm not a nurse but a RPh ..I' ve known your parents since college days pa...dabarkads kami ika nga..and unril now we are keeping in touch..when your papsie requested to follow your vlogs..I know he is really proud of you...and everytime I watched your vlogs and memes...I feel.also proud ..why? because your parents raised you well...it shows on how you inspires.people by sharing the struggles you had and how you overcome it...conrinue to be a blessings to others...take care always and keep safe...keep up the good work..God bless

  • @candycatcat3376
    @candycatcat3376 4 года назад +12

    This is what I’m looking for. A sign. I’ve been stagnant for more than 2yrs , 6yrs since I passed the board. and for a couple of months I’ve been wanting to go back but I’m always afraid because I don’t have any idea how to become a nurse again. And for days, I’ve been crying because I remember this is what I wanted since college. Kulang ako sa confidence, I’m afraid to make mistake. And this vid, touched me. Really. So thank you. I hope I can find courage to go back and extend my helping hand to those people who needed my care. Gosh, I’m crying. 😭

    • @wendydumandan9936
      @wendydumandan9936 3 года назад +1

      This comment made me cry. 😭 Im currently reviewing English test. Batch 2012 I graduated and passed the board exam. Since then I've been in BPO industry. Saved and have investments, business. Nahihiya ako bumalik. Pero I said wala mangyayari if mahihiya ako. I have to pursue my dreams.

  • @jessellemolano1313
    @jessellemolano1313 4 года назад +3

    Thanks! I needed to hear this!
    Like you, I’m working in a customer service from 2010 hanggang ngayon as Team Lead na.
    After passing the board last Dec2019 (Thank God!)
    Gusto ko narin magbalik-loob kaso nagkaroon ng covid :’( But next year talagang mag balik-loob na ko!
    God bless!🙏🏻

  • @cherriea-e4111
    @cherriea-e4111 2 года назад

    bat ako naiyak dito?? thankyou for your encouragement nurse even ♥️

  • @iambrutallyfrank1737
    @iambrutallyfrank1737 3 года назад

    Yes I agree, Kunars! May kanya kanya tayo timeline.

  • @xxhaibaraxx
    @xxhaibaraxx 4 года назад +3

    From the point ng “what ifs” onward, grabe, it hits the spot!

  • @mariapamelarevita2991
    @mariapamelarevita2991 4 месяца назад

    Apaka perfect ng description ng Med Surg ward! Hahaha! 😂 Mapapa nganga ka talaga sa windang 8:03 hahaha

  • @MishelB-p1j
    @MishelB-p1j Год назад

    hala very timely kunars! IT Manager na ako and ngbbalik loob ako now huhuhu

  • @angelaroserimorin6976
    @angelaroserimorin6976 4 года назад +1

    It's my first time to become addict on a nurse vlogger like you. Very inspiring sir 😊. Godbless.

  • @jyzzachriso.apinado3700
    @jyzzachriso.apinado3700 4 года назад

    Hindi ako nurse pero nakakainspire / entertaining po yung content niyo. Stay safe and God bless!

  • @kaikullanto1629
    @kaikullanto1629 4 года назад

    Ang galing... sa 4yrs ko sa bedside, nakakapagod pero nauplift ako ng vlog mo. “Dedicated to life ka nga “ ☺️ keep it up nurse Even! Stay healthy!

  • @jackieloumunozrivera5240
    @jackieloumunozrivera5240 4 года назад

    Proud Po aqu sa inyo magaling kau magblog at nurse pa

  • @vibeupwithgrace
    @vibeupwithgrace 4 года назад +3

    Great words of wisdom! If it's your calling, it will continue calling you, and if you don't listen to the call, that's the worst regret you could ever have.

  • @bernielslife6726
    @bernielslife6726 4 года назад +2

    I remember when i was admitted for amoebiasis, ang sakit sakit ng antibiotic thru iv, and napansin ng nurse na nsasaktan tlga ako after nun kada i injectan nya ako may dala na sya bote na may yelo para somehow ma lessen ang pain na nararamdam ko ❤️

  • @tequilasunrise2037
    @tequilasunrise2037 4 года назад

    "regrets are forever" totoo ito :(
    TOTOO ITO ANG DAMI KO NA SAYANG NA TAON :(

  • @lexyzbee9994
    @lexyzbee9994 4 года назад

    Oh my G nurse even saktong sakto topic mo.
    Praying that after my delivery sa first baby ko mapractice ko na profession natin since naiba talaga ako ng landas. Well bcos di ako pwede volunteer work s hosp before.
    God bless

  • @shalymUSRN
    @shalymUSRN 4 года назад +1

    Came across with your video...been out of nursing field for 6 years now. I'm inspired again, thanks nurse Even. 🙂

  • @user-pp8pt8ps2d
    @user-pp8pt8ps2d 2 года назад

    Bakit ngayon ko lang napanood tooo 🥲 Nurse Even, add ka po ng inspirational vlogs 🙏🙏🙏

  • @lyyyyyyyyyyyyy068
    @lyyyyyyyyyyyyy068 4 года назад

    nurse even grabe 😭😭 medtech ako pero dama ko to kasi nag babalik loob din ako😭 thank you very much😘😘 take care and stay pretty always 🥰🥰🥰

  • @raquelramirez8377
    @raquelramirez8377 4 года назад +10

    My daughter who is also in UK says super relate siya sa yo, kaya i enjoy watching you. Seems like my storyteller ako ng journey niya thru you. Continue telling your stories. Good luck and God bless always.🙏🙏🙏

  • @dielb3865
    @dielb3865 3 года назад

    I’m from batch 2009 and nagre ready na din akong magbalik loob. Good luck sakin!

  • @kevint4742
    @kevint4742 4 года назад

    I graduated 2011 then nag bpo ako till now. Nag NCLEX ako provided ng company nung 2019. Now I'm working as a nurse reviewer. Hopefully makabalik din at makapag abroad. Natatakot din ako bumalik dahil baka mag mukang shunga lang ako.

  • @hazelglynn9454
    @hazelglynn9454 4 года назад +1

    I'm so proud of you Nurse Even! Itaas ang bandera nating mga nurses.❤️ Continue to inspire our co-nurses, future nurses. Encourage din nating yung mga under board nating BSN. Yung iba kasi nawalan na ng gana or natakot na dahil sa situation dito sa Pinas. God bless you!

  • @ajbarcelona9448
    @ajbarcelona9448 4 года назад

    Very inspiring parng gsto ko na magbalik loob....

  • @heidi5820
    @heidi5820 4 года назад

    Out of nursing since 2009 pero working in a hospital. matagal ko ng gustong magbalik loob pero still no courage to do it. Thank you sa vlog nurse even. Real talk. 👌

  • @cheriezellime9587
    @cheriezellime9587 4 года назад

    Nakakainspire po supper❤
    3rd year here

  • @soulshouter109
    @soulshouter109 3 года назад

    I needed this! Balik loob na ako! Thanks!

  • @tinetvchannel9711
    @tinetvchannel9711 4 года назад

    thank you nice video very inspiring tlga.. haha

  • @tequilasunrise2037
    @tequilasunrise2037 4 года назад

    Salamat nurse even,
    Matic new subbie.. Sa Facebook lang kita nakikita palage eto pinanood ko talaga "balik loob"
    Takot na takot ako mag nurse sobra hina ng loob ko. Wish me luck.. Magbabalik loob na ko this year

  • @muffie9660
    @muffie9660 Год назад

    True po Nurse even watching from riyadh thank you po sa encouragement ako nman msg for good na sa pinas after 17 yrs of working here sa riyadh ang fear ko naman is kung Ano nag aantay sa akin sa pinas still want to practice pero di na sa hospital setting at the same time makasama ko n pamilya ko . So plan ko mag virtual health assistant Sana ma I fit in ko rin ang sarili sa panibagong career na gusto ko .

  • @armiemuena1826
    @armiemuena1826 2 года назад

    thank u sa vlog na to..nkakabawas ng kaba! newly board passer here!

  • @michellestanchev2705
    @michellestanchev2705 4 года назад +1

    So inspiring nurse Even. RN din ako sa atin batch 2007, pero di ko rin napractice. Gusto ko din magbalik sa nursing pero feeling ko wala narin akong alam, takot din na baka I might do more harm than good dahil hindi ako confident 😔. Saludo ako sayo at tinuloy mo at narating ang iyong goal. ❤️ Keep inspiring people.

  • @lorengjk4565
    @lorengjk4565 4 года назад +1

    "masaya ang nursing kasi ang daming learnings, ang daming mo talagang experience na mai'share." -Nurse Even. ❤️❤️❤️
    Nakakapagod na minsan sa duty, pero ang lakas maka lift nitong video. Salamat! God bless nurse Even. ❤️❤️❤️

  • @michellebernardo4187
    @michellebernardo4187 4 года назад

    ouch tinamaan ako.. tagos n tagos besh!

  • @kristinesespene7788
    @kristinesespene7788 4 года назад

    Naalala ko tuloy ung first duty ko sa ospital...mga first experiences sa bedside...i graduated nursing 2007 at 2008 ako agstart magwork sa hospital...nag apply ako sa BPO ng 2007 habang wala pang hiring sa mga hospital.pero di ako ntutuloy sa mga BPO kc naiisip ko di ko mgagamit ung mga natutunan ko at mga skills na mdidiscover ko sa sarili ko...until now nagduduty pa rin ako (covid ward)...masarap kasi talaga ung malaman mo na ngiging instrumento tyong mga nurse pra makatulong sa mga may sakit.

  • @vinacustorio7943
    @vinacustorio7943 4 года назад

    i can totally relate kasi galing akong bpo for 4 yrs then balik loob as nurse.. still working now as NICU nurse.. my co staffs are enjoying your videos.. tuwing breaktime namin videos mo pinapanuod namin.. we love you kunars.. ❤️❤️❤️

  • @ronalourizlopez9927
    @ronalourizlopez9927 4 года назад

    Grabe nakaka-lift ng spirit. As of now parang ang hirap makuha yung goal na magbalik nursing pero lahat ng sinabi mo dito sobrang on point. Maraming salamat!

  • @ernestjrfonbuena38
    @ernestjrfonbuena38 4 года назад

    Sobrang nakakainspire ang kwento mo, napapaisip na ko tuloy magbalik loob. 2006 graduate. Konti pa....

  • @enyahsg5694
    @enyahsg5694 4 года назад +2

    Ughhh- among all the videos I've watch in your channel this really hits me hard. So inspiring! Makapagbalik loob na nga. Hehehe

  • @gladysgrajo7313
    @gladysgrajo7313 2 года назад

    No hospital experience since I graduated 2009 , passed NLE 2012. I worked as a PDN 2012- present but my knowledge and skills are limited. Basic nursing procedures only and basic oral drugs.I dont even know how to do IVs kasi natatakot ako mgkamali. I want to pursue my hospital nurse career pero natatakot ako mahusgahan at mabully. Kayanin ko kaya? 😭 While watching this video, I'm motivated, pero minsan nadidiscourage ako kasi ang limited lang ng knowledge ko. Ngayon, I have hospital na nakaline up for interviews, hiring talaga sila. Sana naman maipasa ko ang interview and exams and hopefully makaya ko ang big adjustment and changes. I need courage and confidence too. 🙏♥️
    Gusto ko rin magkaroon talaga ng self fulfillment, makatulong at matatawag kong "Nurse" talaga ako! ♥️

  • @lualhatilozano5581
    @lualhatilozano5581 4 года назад

    😭😭relate!!!! Balik loob after 10 yrs sumakto pa sa covid... Thank you sa mga Words of wisdom.. stay safe..😊

  • @josephpaulwong2934
    @josephpaulwong2934 4 года назад +1

    Suggestion next topic po. Pnu or anu mga steps how to pass NLE po or any tips po. Thanks nurse even! ☺

  • @GandGCastleFamily
    @GandGCastleFamily 4 года назад

    Thanks nurse even.. Nakaka inspired talaga ang mga ganitong video. By next week orientation ko na sa hospital. Takot ako but now napanood ko to lumakas bigla ang loob ko. Thank you❤

  • @kathrine3864
    @kathrine3864 4 года назад +1

    I do not have the same experience as yours. After graduating, start po agad mag work as staff nurse. 6 years after, nawawalan na ko ng gana to pursue just because of low morale sa workplace, sa naririnig mong pangbabash sa mga frontliners, unappreciated. But today, my passion renewed dahil sa "Hoy! Nurse ka. Just to let tou know!"
    Lahat nang pinagdaanan ko from nursing school up to where i am right now eh nag flashback. Its not the time to give up now, or even ever. Salamat Kunars!
    Pretty check-ed! 😘 see you soon 🇬🇧

  • @edendelacruz9400
    @edendelacruz9400 3 года назад

    Hi mga kunars! I think your video not only applies on nursing proffession. "Pagbabalik loob". Although malayo sa tinapos ko ang work ko ngayon, the bottomline is kung saan ka sasaya, dun ka. Natutuwa ako sa mga videos mo, dami ko napupulot na mga new ideas, beliefs and savings tips. Good luck nurse even.

  • @kristinaodtojan2977
    @kristinaodtojan2977 4 года назад +1

    Hi nurse even.
    Isa din po akong nurse na ngbabalik loob. I’m currently on my 6th month working in a hospital here at my province. It took me 8 years before ako mag hospital. Ng pharmacy assistant ako for 6 months after passing NLE kasi there was no opportunity at the hospital that time. I graduated 2011 and dec 2011 passer. Then late 2012 ng abroad ako, i went to Dubai and stayed there for 7 years working sa isang outpatient clinic. Pero late last year I decided to come back to Philippines para makagain ng experience and go for my UK dream and luckily i found your channel. You really inspire me, and i’m grateful for that.
    Keep on inspiring our fellow nurses!! Keep safe and god bless!!

  • @perlitadeocampo4432
    @perlitadeocampo4432 3 года назад

    Galing mo nurse Even ! Well said ❤️

  • @teamzujevs6944
    @teamzujevs6944 4 года назад

    Saludo ako sayo Kunars Even at sa lahat ng frontliners. Thank you for sharing your story. Nakakatuwa kc kapupulutan ng aral. God bless you!

  • @mycahmartinez1225
    @mycahmartinez1225 7 месяцев назад

    Wohoooooo grabe kayak nmn Yung testimony mo..

  • @katjimenez9750
    @katjimenez9750 4 года назад

    Nakaka good vibes po.. Lalo sa panahon ng pandemic ngayon. At sa mga napanghihinaan na din ng loob minsam like katulad ko here sa abroad. It takes time talaga sa lahat.

  • @rochelleocite5679
    @rochelleocite5679 4 года назад +1

    Nurse Even 😍😍 relate na relate ako. I was a police officer tapos iniwan ko work ko para mag balik luob sa nursing. Para narin ma achieve UK dreams ko. Thank you for this vlog and for the inspiration 😍😍😍

  • @maerayos1145
    @maerayos1145 3 года назад

    So proud of you 👍🏼👏🏼👏🏼

  • @ecmuan1712
    @ecmuan1712 4 года назад

    relate ako ngayon dito, 1 month trainee nako sobra takot ko lalu na ngayon pandemic pero dahil sa goal ko same tayo, sana kayanin ko din.

  • @nesmarcelo
    @nesmarcelo 4 года назад +1

    No short cut to success.. Always may pa words of wisdom Nurse Even 👌🏻

  • @dindi380
    @dindi380 4 года назад

    Thank you nurse Even for the inspiration 🙌 sana maka balik loob din ako sa nursing....

  • @YengSarabi
    @YengSarabi 4 года назад

    Napaka inspiring po.. kung nurse ka, nurse ka! Nasa puso na natin yan saang landas man tayo mapadpad.