KALABAWAN sa AGHAM Road | Quezon City Street Food | TIKIM TV

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 21 дек 2022
  • Quezon City Street Food NILAGANG KALABAW sa may Agham Road Quezon city
    Ang kuwento sa likod ng Sarap at Tagumpay ng Pamilyang Paraon, upang maitayong muli
    ang sikat nilang Kalabawan sa Agham na sinasadya at dinudumog ng mga drivers at iba pang nasasarapan sa kakaibang NILAGANG KALABAW at SINIGANG NA ULO NG BABOY.
    Location: Agham Road./ BIR Road corner NBI Road Quezon City
    Open: 530 AM until maubos sa tanghali o gabi.

Комментарии • 670

  • @user-wp4gq5ce4j
    @user-wp4gq5ce4j Год назад +83

    Dapat may award na ang Tikim TV. Di hamak na mas maganda at maayos ang mga docu nila kaysa karamihang napapanood sa malalaking channels. May puso ang kada episode, hindi host ang bida kundi ang bawat Pilipinong naghihirap para mapakain ang mga tao ng masasarap at magaan sa bulsang mga pagkain.

  • @jacobsecurata747
    @jacobsecurata747 Год назад +28

    Napaka galing mag cover ng Tikim TV...less talk sa host...more feature sa paninda at sa mga ginagawa nito...napakahusay...💯

  • @ajames7597
    @ajames7597 Год назад +249

    Ito ang dapat pinanunuod ng mga kabataan ngayon, para mamulat sila sa tunay na realidad ng buhay at para maging mapagpasalamat sa mga bagay na meron sila na hindi nila kaylangan pang paghirapan. dapat itong mga channel na ganto ang yumayaman.

    • @mackthol
      @mackthol Год назад +9

      Korek ka jan brader,Di gaya ng ibang content creator puro payabangan at kalaswaan.

    • @b-macpares3200
      @b-macpares3200 Год назад +1

      Sipsip

    • @Punkrides
      @Punkrides Год назад +6

      Mas gsto ng mga kabataan ngayon mga basura content. Haha

    • @kaMEKANIKOmixtv
      @kaMEKANIKOmixtv Год назад +3

      Mas gusto ng mga kabataan ngaun ung mga malalaswa lalo na s fb naku! ang sasagwa ng content ngunit tignan mo ang views million lalo na sa tiktok?

    • @DEVIL_six6six
      @DEVIL_six6six Год назад +1

      sad.

  • @ronaldquinto4909
    @ronaldquinto4909 Год назад +22

    Sa ganitong mga tao dapat kumukuha ng inspirasyon para lumaban. Ramdam mo yun lungkot at saya ng tagumpay nila. Thank you Tikim TV.

  • @lofitazo
    @lofitazo Год назад +31

    Pinakamabait dyan si Nanay yung matriach netong kalabawan. Halos lahat sila magkakamuka. Isa silang pamilyang nagtutulungan. Naalala ko dati kumakain kami dito lasing galing inuman, biglang dumating yung MMDA, sigawan sila tayo kaming lahat. Kanya-kanyang bitbit ng pagkain. HAHA aliw

  • @viviancandelario4766
    @viviancandelario4766 Год назад +26

    Pinoy resilience is amazing! Bilib ako sa inyo Ate at sa buong pamilya ninyo! God bless and more customers sa inyo!

  • @katherinecandole8995
    @katherinecandole8995 Год назад +47

    Naiyak ako kay ate marilou kht d aq nagttnda. Ramdam ko yung hirap. Experience is the best teacher tlga. Deserve nyo po kung bakit malakas ang negosyo. Keep it up! Thanks tikimtv for another meaningful story❤️

  • @mcnormsss
    @mcnormsss Год назад +21

    Good things come to those who work hard. Laban lang po, Nay. Maraming salamat, TikimTV.

  • @erin-f4543
    @erin-f4543 Год назад +17

    this should be the content creators to follow. They provide contents that are worth your time. inspirational and has substance. And the videography is excellent

  • @rainforce5128
    @rainforce5128 Год назад +9

    Naiyak ako doon sa sinabi ni nanay na ang buhay namin hinantulad ko sa kalabaw.. Nakaka touch.. god is good talaga..

  • @mressen12
    @mressen12 Год назад +27

    Salamat po Tikim tv dahil sa inyo nalalaman namin kung san masarap kumain at kung ano ang kwento sa likod ng mga masasarap na pagkain na kanilang hinahain ❤️ napakaganda.. nakakataba ng puso.

  • @WifeyandRinChicago
    @WifeyandRinChicago Год назад +7

    I've never experienced financial hardship in life and hearing how other people get by, it makes me tear up. So proud of how they had overcome their difficulties. 👏

  • @jaypedaltv8491
    @jaypedaltv8491 Год назад +9

    Proud po aq sa mga tulad nu ma'am. Kaya wag mawalan ng pag asa. Ika nga ni ma'am lahat ng panalangin natin ay sasagutin ng AMA sa tamang panahon❤️

    • @brofisherman
      @brofisherman Год назад +2

      Tama po tiyaga tiyaga lang, just keep on waiting because God's timing is the perfect timing. To God be the Glory.

  • @dhenzvillanueva4509
    @dhenzvillanueva4509 Год назад +5

    Yung unli sabaw at lambot ng kalabaw ang binabalik balikan dito. Sulit ang bayad. Congrats Kuya Gerald!!!!

  • @josephpimatulac9182
    @josephpimatulac9182 Год назад +9

    sana mapanood ng gobyerno to, sana din may gawin sila para sa mga vendor.

  • @mxwonder9802
    @mxwonder9802 Год назад +25

    ang daming masisipag at mahuhusay na food vendor sa streets ng pilipinas. kung sana binibgyan pansin ang yaman ng mga streetfood natin edi sana hindi nahihirapan ng ganito yung mga na fea-feature sa channel na ito. sa Singapore street food rin naman ang turing sa mga hawker center pero ang gaganda at ang lilinis. matatanda na rin at matagal nang family businesses ang mga nasa hawker center. sa pinas hinuhuli at nahihiriapan lng ang mga vendor iilan lng ang mga yumayaman at giniginhawa 😢

    • @polgoso
      @polgoso Год назад +2

      sir,
      mas trip kac ng mambabatas natin eh, paburan yung mga foreign investment, na kung tutuusin mas malaki ang magagawa ng mga small time na kagaya nila...

    • @halfevilhalfgood2206
      @halfevilhalfgood2206 Год назад

      @@polgoso pabigat sa trapiko ang street food kung nasa gilid ng kalsada ang puwesto mo, at karamihan hindi nagbabayad ng tax. Nalulugi mo lang ang ekonomiya sa ganyang paraan

    • @polgoso
      @polgoso Год назад +2

      @@halfevilhalfgood2206 ,totoo nmn un sir, ...........pero lam ko may paraan nmn para lahat ng tao n mabigyan ng tamang opportunity xa pamamagitan ng mga batas nila

    • @nazarenolabordo3943
      @nazarenolabordo3943 Год назад +1

      @@polgoso sir,my purpose po ang batas kung bakit pinagbabawal sila sa streets.
      My mga lugar naman po kung saan pwde sila magtinda.for saftety at convenience po ng lahat yan.hindi ng iilan lang.

    • @mxwonder9802
      @mxwonder9802 Год назад +1

      @@nazarenolabordo3943 oo nga. hindi naman kami nag disagree sa batas. wag mo ilagay sa mismong right of way ang street food. nakakaabala talaga. ang sinasabi namin bigyan ng maayos na pwesto sa 'street' a space that includes the sidewalk and other urban elements. Sa New York City ang mga hot dog vendors street food ang tawag sa kanila pero hindi naman sila nasa gitna ng daan diba? binibigyan sila ng maayos na pwesto ng LGU nila sa sidewalk na hindi nakakaabala. may tinatawag rin na urban planning at urban design kung saan pinaplano ng maigi ang mga elemento ng streets kasama na ang street vendors.

  • @kyshaunmetiam4938
    @kyshaunmetiam4938 Год назад +5

    Lubos pa sanang pagpalain ng panginoon ang inyong negosyo....ang inyong masarap at dekalidad na pagkain ang sagot sa sikmura ng mga ordinaryong Mang-gagawa sainyong kumunidad!salute sainyo!

  • @taluz07
    @taluz07 Год назад +3

    pinag laban nila yung kabuyahayan nila..grabe talagang KALABAWAN. salute! more power po!

    • @Aldiethegreat
      @Aldiethegreat Год назад

      Mali din naman kung yung pwesto kasi ilegal. Pero sana magkaron sila ng mas maayos na pwesto kung maari di umalis sa pwesto nilang to

  • @rolandosulayao7559
    @rolandosulayao7559 Год назад +12

    Solid tong episode na to salamat tikimtv, at saludo sayo ate mabuhay ka laban! ❤️

  • @ArlJun3052
    @ArlJun3052 Год назад +2

    Napakain ako dyan 1 time. Malapit yan sa terminal ng bus papuntang quiapo😊. Masarap kumain dyan. Masikip lang kasi maraming tao.. Sarap bumalik ulit. Buti at na palabas Nyo po. 💪💪

  • @diskartengbaker3603
    @diskartengbaker3603 Год назад +5

    Your such an inspiration po ate...iba talaga ang resulta kapag sama sama at tulong tulong ang pamilya..siguradong maganda ang resulta.kahit anong pagsubok malalampasan basta tulong tulong.

  • @reynaldomalibago5537
    @reynaldomalibago5537 Год назад +3

    Wow kabao, i Love nilaga de lauya, de bufallo de carabao, makapunta nga jan kabayan magdala nangalang ako ng isang kaserola, o kaldero nlang, hayaan mo kabayan , basta manalig kalang sa dios ama, sa mga nanf aagrabyadong mmda, makakarma din abf mga iyan, sa mga taong sakim, ang importante mapakain nyo abg taongbayan, pagpalain po kayo sa dios ama🙏

  • @renpinero3171
    @renpinero3171 Год назад +3

    Pupuntahan ko yan sigurado pag bakasyon ko sa pinas next year!! Gusto ko uling makakain ng kalabaw. I think the last I ate when I was 10 yrs old. Support ko yan!!

    • @geraldterrado02
      @geraldterrado02 Год назад

      ang tagal niyo na palang wala dito sa pinas sir

  • @toniomaximus4376
    @toniomaximus4376 Год назад +9

    ang ganda ng programa at nabigyan ng awareness sa story nila, inspiring and deserving to have support...suportahan natin sila. napaka sarap!

  • @marbymendez8021
    @marbymendez8021 Год назад +1

    WoW : Puntahan Ko Para Bumili !❤✌🤟🥰

  • @rouxyrousell
    @rouxyrousell Год назад +6

    nagutom ako at naiyak at the same time. ngayon ang problema ko walang kalabaw dito sa Dubai nag crave ako 😔🤤

  • @brianbrainard7871
    @brianbrainard7871 Год назад +2

    Yan ang Pinoy, laban ng laban walang sukuan. Basta manampalataya sa DIYOS AMA !!! GOD blesss You and your family ate!!!!!!!!!!!!!!!

  • @madilinsunitreyes5591
    @madilinsunitreyes5591 Год назад +2

    kong marunong ka mag tyaga my nilaga ka tlga.dapat ito ang mapanuod ng mga tambay para namn my silbi sila sa buhay God Bless sa family nato

  • @representmanila1976
    @representmanila1976 Год назад +3

    Kapag pinapanood ko ang tikim tv parang nandun na rin ako mismo sa lugar napaka solid lage ng vlog

  • @mhonelmido2580
    @mhonelmido2580 Год назад +2

    Panalo Ang kwentong tagumpay ni ate. God bless po sa business nyo marami po kayong binusog, pinasaya at naging inspiration po kayo sa maraming natin kababayan at isa n po ako doon. Mabuhay po kayo.🇵🇭🙏💖🍒

  • @matetlacrovlog3448
    @matetlacrovlog3448 Год назад +3

    Napaka galing nyo po mag documents Ng video.
    Godbless and more power sa channel nyo.
    Sana po masilip nyo din Ang asking pausbong na channel..
    Salamat

  • @HermiregildoTV
    @HermiregildoTV Год назад +1

    Native na Native sarap po

  • @vidapdl6854
    @vidapdl6854 Год назад +4

    Never give up, hardwork won't kill you. Someday this hardwork will pay off. Kalabaw is your specialty, you can introduce other recipes out of it. Who knows when opportunity knocks?! Your food looks delicious!

  • @norbsobil744
    @norbsobil744 Год назад +5

    Nakakabilib ang pagka gawa ng vlogs ng Tikim TV. Professional documentary ang dating. Di tulad ng iba na mukha nila pinapakita. Dito ang kwento ng mga tao. You just earned my sub! Kudos!

  • @juliojolotv7612
    @juliojolotv7612 Год назад +4

    Salamat tikim tv sa episode na to.. ang sarap panoorin lalo na cguro pag natikman ko na ung nilagang kalabaw.. tulo laway ko habang nanood ako.🤤🤤🤤 more powers to this channel..🙏

  • @johnericsantos4581
    @johnericsantos4581 Год назад +1

    More power tikim tv ituloy mo lng yang blog mo na street foods na masarap ,,,

  • @janreyfrias7872
    @janreyfrias7872 Год назад +4

    Grabe sila pala yung kinakainan ko parati nung nag coconstruction worker pa ko, ngayon mejo nakakaluwag luwag na ko gusto ko bumalik dahil may sariling pwesto na sila. Sana makabalik ako jan

  • @KTxAshy
    @KTxAshy Год назад +4

    Kudos sa TikimTV sa pagfeature ng maliit na eateries tulad neto. Pinahanap talaga 'to ng nanay ko para mapuntahan namin. Nafeature kagabi sa 24oras pero konti lang ang details kaya di ko mahanap yung exact location. Sana may abutan pa kaming nilagang kalabaw mamaya! 😊 Sa paraon family, keep on persevering po at alagaan nyong mabuti ang recipe. ❤️ Sana po mapalago nyo pa lalo ang business nyo.

    • @Fortis_Adiuvat
      @Fortis_Adiuvat Год назад +1

      Pinuntahan ko to kagabi since malapait lng pala samin, sabi ni ate 24 hrs daw silang bukas saka laging may nilagang kalabaw

  • @redenebueja429
    @redenebueja429 Год назад +1

    Numero uno talaga ang tikim...maraming gumagaya pero di umubra🤔🤔more power sa TIKIM

  • @alextobias1320
    @alextobias1320 Год назад +3

    One of my paboritong Karne kalabaw pag bakasyon ko galing US punta ako dyan kakain

  • @nomeropeniano2412
    @nomeropeniano2412 Год назад +2

    Makakain nga dyan.nakikita ko yan e😊

  • @dunzelcorrea8301
    @dunzelcorrea8301 Год назад

    Sarap ng kalabaw.solid TIKIM TV..more power po..sarap panuorin ng content NYU..

  • @Local_Moto
    @Local_Moto Год назад +2

    Ang galing grabee didi cations ni ate.. Darating talaga ang araw na maririnug ni Ama ang hinaing. Manalig lang talaga at magtiwala

  • @ronalyncani6258
    @ronalyncani6258 Год назад +1

    Nakaka touch at nakakainspired. Godbless po sainyo nanay at sa pamilya nyo po. Prayer is the most powerful tama ka po ate darating ang oras para sayo. ☝️🙏

  • @hvj6397
    @hvj6397 Год назад +2

    Naiyak ako, tahan na ate
    Ayan pinagpapala na kayo ngayon,
    Isang mahigpit na yakap, laban lang

  • @ziero9072
    @ziero9072 Год назад +1

    I'd definitely visit this place for sure! grabe naglaway ako🤤

  • @oliviafouse-ho3of
    @oliviafouse-ho3of Год назад +1

    GOD Bless You and you family sana umonlad ang inyong business name miss ko na yan nilagang kalabaw tsarap

  • @paulosierra1324
    @paulosierra1324 Год назад +1

    bangis talaga ng food documentary ng TikimTv

  • @thefiremerchannel2598
    @thefiremerchannel2598 Год назад

    nice episode many lessons na makuha very inspiring story....

  • @jessgabmiranda9878
    @jessgabmiranda9878 Год назад +1

    saludo kami sayo ate kasama ng pamilya mo na nagtutulong na mamuhay ng marangal. Nakita ng Diyos kung gaano ka nagsisikap sa buhay sa mundo...pagpalain kapa ng marami, mabuhay ka🙂

  • @tintintraverse502
    @tintintraverse502 Год назад

    Ayos. Na feature. Kinakainan ko Ito kapag gusto ko kumain Ng Kalabaw/ Mainit n Sabaw.

  • @jaysongalang1363
    @jaysongalang1363 Год назад +1

    mabuhay kyo mga kapatid.....

  • @jackobias89
    @jackobias89 11 месяцев назад

    Best Food Documentary TIKIM TV..

  • @jhoannecastro7154
    @jhoannecastro7154 Год назад +1

    yung bawat kno content nyo .. gsto ko lgi pnthan ❤️

  • @dummyaccount8148
    @dummyaccount8148 Год назад +1

    Eto talaga solid mag content eh.
    Documentary talaga ng store owner.

  • @roldansongcuan2441
    @roldansongcuan2441 Год назад +1

    Kung n saan ang usok nan doon ang kalabaw . Good job Nanay 👏👏👍

  • @dazuotv
    @dazuotv Год назад +2

    Thanks for a very nice video about Quezon City Street Food 👍

  • @bradernolasco4302
    @bradernolasco4302 Год назад +1

    Saraaaap nian....pasyalan ko yan..👌👌

  • @vincentdominno7680
    @vincentdominno7680 Год назад +1

    Galing talaga ng Tikim TV! Kudos!

  • @timebylandes2921
    @timebylandes2921 Год назад

    Npk ganda ng Storya nyo po! dadyang pag matuwid ka Pagpapalain khit mahirap!Godbless ur kaonan po!

  • @manuelelorde4128
    @manuelelorde4128 Год назад

    good upload mula ngayun dadayuhin kita kc dati sa may pier at divisoria pa ako dumadayo pa kmi.ganito ang dapat panuorin ng mga batang manood may pupulutin pang magandang aral.

  • @emmapalacio9234
    @emmapalacio9234 Год назад

    Grabeehh!! So touching 😢realidad ng buhay..pinaiyak mo ko te pero lam ko po may kapalit lahat yan na Blessings ❤Kase deserve nyo po lahat mgka2patid at buong pamilya❤Harinawa ganito ang mga pinapanood so inspiring!!!🎉at npka makatotohanan❤
    GodBless po sa inyong lahat❤

  • @vhin5769
    @vhin5769 Год назад +1

    Swerte ng mga nakakakain lagi dyan ❤️

  • @RomanoEspinola-js4dd
    @RomanoEspinola-js4dd 4 месяца назад

    Sarap kumain jan..
    Naalala ko yan kalabawan na yan.. Taga jan ako dti

  • @pstvplus
    @pstvplus Год назад

    Salamat sa pag share! Paguwi ko d’yan hahanapin talaga kita! Mabuhay ❤

  • @quimverlysajol4237
    @quimverlysajol4237 Год назад

    as always..tikimTv talaga pinakaidol ko sa lahat ng nag ba vlog about food..grabe ang galing♥️♥️♥️

  • @jbsdhhg8879
    @jbsdhhg8879 Год назад +2

    HINDI MASAMANG MAG HANAP BUHAY SA TAMANG LUGAR..SA NAKITA KO NA SA SIDE WALK NAG LULUTO AY TALAGANG MALI KAYA DAPAT SUNDIN ANG TAMA..GOOD LUCK AND GOD BLESS SA KALABAWAN...

  • @angry_genius
    @angry_genius Год назад +1

    Quality Content KEEP UP THE GOOD WORK TikimTV

  • @carloralen
    @carloralen Год назад

    God bless you po ate, nakakainspire yung storya ng buhay nyo. Laban lang parati💗💪

  • @enennanatv8116
    @enennanatv8116 Год назад

    Naglalaway Ako habang nanood.. yummy 😋

  • @jocelviloria4761
    @jocelviloria4761 Год назад +2

    Solid content plus solid din yung sound(s)!

  • @bobsdellosa7493
    @bobsdellosa7493 Год назад

    Salute sa inyo maam. Godbless filipino like you.

  • @baricrisreyes6336
    @baricrisreyes6336 Год назад +1

    Ang sarap po sa pakiramdam mag kasama kayong mag kapatid sa
    isa't isa hindi katulad ng ibang mag kapatid kanya kanya na tapos ang iba pag wala na mga magulang parang hindi na mag kapatid

  • @gegege11
    @gegege11 Год назад

    Mukha nga syang masarap. Di ako kumakain ng kalabaw pero sa testament ng mga customer, tas dedication ng may ari sa product nila, parang natatakam ako bigla. 💚♥️💚♥️💚

  • @italiansauce4860
    @italiansauce4860 3 месяца назад

    Proud po ako sa inyo...sana lumago pa po negosyo ninyo..godbless po

  • @Greenpower2
    @Greenpower2 Год назад

    Salute to TIKIM TV for a beautiful coverage of trials, hard work, determination, and ultimately, success.

  • @user-hd9eg5ok9k
    @user-hd9eg5ok9k Год назад

    basta huag lang po tau mklimot sa dyos tutulungan nya tau god bless po more power

  • @JohnTAlonzo
    @JohnTAlonzo Год назад +1

    Kudos to you Ate for never giving up. You made me cry

  • @magetankjs
    @magetankjs Год назад +3

    Nung pahinante pa ko ng trucking jusko araw araw kame dyan kumakaen pag tapos namin mag deliver napaka sarap dyan solid sa sabaw 💪❤

  • @dtabujaras8005
    @dtabujaras8005 Год назад

    Idol po talaga yung mga videos niyo. Very realistic

  • @mangbogi8722
    @mangbogi8722 Год назад

    Laban lang kahit anong mangyari papasan ba at aahon dn tau
    Great Job TikimTv

  • @benjiemesias2878
    @benjiemesias2878 Год назад

    Nakakain ako dyan masarap ang lutong kalabaw dyan lalo pag mainit ang sabaw

  • @kristelnadinebibit4592
    @kristelnadinebibit4592 Год назад +3

    Naiyak man ako! Salado ako sayo nanay 🥺

  • @josueeyan2796
    @josueeyan2796 Год назад

    Ayy ito legit to dito ako kumakaen lagi e. The best dito kalawa tska yong sinigang kalahi ng sinigang 70 with rice na. Saraaap dito jan ako naka area sa pag dedel heheheh

  • @lauromadrigalteodosio8640
    @lauromadrigalteodosio8640 10 месяцев назад

    heto ang dapat na binibigyan ng award ang tikim tv, ibang klase po ang inyong content kasi mas pinahahalagahan nyo ang mga buhay na pinagdaraanan ng ating mga maliliit na mga negosyanteng Pilipino, kung pano sila nakarating sa tagumpay na inspite of so many difficulties and hardship s paghahanapbuhay ay nagpapatuloy at hindi umaasa sa iba na dapat na binibigyan ng tulong ng ating pamahalaan Marcos.

  • @aristeotumang5508
    @aristeotumang5508 Год назад

    Nakaka inspired at masarap food.

  • @myrajoy1437
    @myrajoy1437 Год назад

    Marami salamat sa inyong pag-share ng napagkaganda storia

  • @argieortiz2144
    @argieortiz2144 Год назад +1

    The best kalabawan food dyan🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏❤️😍😍😍😍😍

  • @jhunambas7567
    @jhunambas7567 Год назад

    You deserved it po Nanay... more Blessing's to come po sa inyo and sa family nyo... sana makapunta q dyan mukang masarap po talaga ang mga Luto nyo.... Merry christmas po.. tikim tv thanks po sa pag vlog nito bukod sa nakakatakam na mga inspiring stories din yung pinapalabas nyo... God Bless us all😊💖💖💖

  • @MenchRedTV
    @MenchRedTV Год назад

    Pashout out po thanks .ganda po ng documentary,very impormative content ayos..

  • @rustyquilop
    @rustyquilop Год назад

    solid to sana 1 day makakain din ako dito. makikita mo naman video pa lang masarap na pano siguro sa personal. nakaka takam yung sabaw

  • @darwinmanaig3307
    @darwinmanaig3307 Год назад

    Quality content palagi ang Tikim TV!

  • @sarieangge9738
    @sarieangge9738 Год назад

    Nice food.. Wonderful story ❤️

  • @stephencichon951
    @stephencichon951 Год назад +1

    totoo yan pag masaya ka sa ginagawa mo!! sasarap talaga luto mo!

  • @kevindegracia7609
    @kevindegracia7609 Год назад

    Nice documentary , superb production and editing. Congratulations.

  • @patrickcruz9433
    @patrickcruz9433 Год назад

    Netflix feels tlga. Galing sir.
    Ganda Ng story. See you after Xmas kalabawan 💪

  • @eugenemanzanero6148
    @eugenemanzanero6148 Год назад

    Ma sarap talaga ang luto Jan idol dati sa gilid lng sila ng kalsada, jn sa may bir.. 2017 nsa kalsada pa sila.. Ma's maganda na pala pwesto nila Jan.. Sa agham..
    God bless idol.. Salamat. Sa mga videos mo marami kang natutulungan maliliit na negosyo..

  • @bachmannliza7942
    @bachmannliza7942 Год назад

    Wow galing nman

  • @lauromadrigalteodosio8640
    @lauromadrigalteodosio8640 10 месяцев назад

    ang dapat na mga nanonood sa mga ganitong content ng mga mggaling n vlogger ay ang ating gobyerno, para marinig nila ang mga pinagdaraanan ng ating mga kababayan Pilipino na nagsusumikap na maghanapbuhay ng marangal pero pilit na pinipigilan ng ilan sa ating pamahalaan. Kailan mag-iisip ang ating gobyerno na tulungan ng tama ang ating mga kababayan na mga malilit na negosyante.

  • @nelsonsimene8308
    @nelsonsimene8308 Год назад

    Sana maka kain ako jan sa kalabawan..god bless ate..napaluha tuloy ako