Nag iisang Diyos (original song)
HTML-код
- Опубликовано: 4 фев 2025
- Nag iisang Diyos
Words and Music: Juvinar Santiago
Sa nag-iisang Diyos aking iaalay
Walang hanggang pasasalamat ang ibibigay
Papuri ko ay sa Iyo, maging ang buhay ko
Itataas lagi ang Pangalan mo
Wala na ngang iba pang sa akin ay mahalaga
Kung hindi ikaw lamang oh aking Ama
Ang Pag-ibig Mo ang tanging yaman ko
Nabubuhay ako para lamang sa iYo… Hesus
Chorus
Sambahin ang Banal mong Pangalan
Sa Langit at sa Lupa Ikaw ay papurihan
Tanging sa iYo ang kaluwalhatian
Tanging sa iYo ang kabanalan
Tanging sa iYo ang karangalan
Ngayon at mag pa kailan paman
ALL RIGHTS RESERVED: JLLVCI 2024