SUNDAY MASS TODAY LIVE at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. 30 Jun 2024. 7:00 a.m

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 29 сен 2024
  • Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Sunday Mass Begins
    Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) June 30, 2024
    Pontifical Work of St. Peter the Apostle
    Thirteenth SUNDAY in Ordinary Time
    UNANG PAGBASA
    Karunungan 1, 13-15; 2, 23-24
    Pagbasa mula sa aklat ng Karunungan
    Ang kamatayan ay hindi likha ng Diyos,
    ang pagkamatay ng alinmang may buhay ay hindi niya ikinalulugod.
    Ginawa niya ang bawat nilalang upang magpatuloy,
    at lahat ng nilalang niya ay mabuti at mahusay.
    Wala silang kamandag na nakamamatay.
    Ang kamatayan ay di naghahari sa daigdig na ito,
    sapagkat ang katarungan ng Diyos ay walang kamatayan.
    Pagkat ang tao’y hindi nilikha ng Diyos para mamatay,
    kundi para maging larawan niyang buhay.
    Ngunit dahil sa pakana ng diyablo,
    nakapasok ang kamatayan at ito ang kahihinatnan ng mga napailalim sa kanya.
    SALMONG TUGUNAN
    Salmo 29, 2 at 4. 5-6. 11 at 12a at 13b
    Poong sa aki’y nagligtas,
    ang dangal mo’y aking galak.
    IKALAWANG PAGBASA
    2 Corinto 8, 7. 9. 13-15
    Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto
    Mga kapatid:
    Kayo’y tanyag sa pananampalataya, sa pagpapahayag, sa kaalaman, sa kasipagan, at sa inyong pag-ibig sa amin. Sikapin din ninyong manguna kayo sa pagkakawanggawa.
    Alam ninyo kung gaano kalaki ang pag-ibig ng ating Panginoong Hesukristo na bagamat mayaman ay nagpakadukha upang yumaman kayo sa pamamagitan ng kanyang karukhaan.
    Hindi sa ibig kong magaanan ang iba at mabigatan naman kayo. Masagana naman kayo ngayon; marapat lamang na tulungan ninyo ang mga nangangailangan. Kung kayo naman ang mangailangan at sila’y managana, sila naman ang tutulong sa inyo. Sa gayun, pareho kayong nakatulong sa isa’t isa at naganap sa inyo ang sinabi sa Kasulatan:
    “Ang nagtipon ng marami ay hindi lumabis,
    at ang nagtipon ng kaunti ay hindi naman kinulang.”
    ALELUYA
    2 Timoteo 1, 10
    Aleluya! Aleluya!
    Si Kristo ay nagtagumpay
    nalupig ang kamatayan
    nagningning ang pagkabuhay.
    Aleluya! Aleluya!
    MABUTING BALITA
    Marcos 5, 21-43
    Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos
    Noong panahong iyon, muling tumawid si Hesus sa ibayo ng Lawa ng Galilea, nakasakay sa bangka. Nasa baybay pa siya ng lawa ay pinagkalimpumpunan na siya ng maraming tao. Dumating ang isang lalaking nagngangalang Jairo, isang tagapamahala ng sinagoga. Pagkakita kay Hesus, siya’y nagpatirapa sa kanyang paanan, at ang samo: “Agaw-buhay po ang anak kong dalagita. Kung maaari, sumama kayo sa akin at ipatong ninyo sa kanya ang inyong kamay upang siya’y gumaling at mabuhay!” Sumama naman si Hesus. At sinundan siya ng napakaraming taong nagsisiksikan, anupa’t halos maipit na siya.
    May isang babae roon na labindalawang taon nang dinudugo, at lubhang nahihirapan. Marami nang manggagamot ang tumingin sa kanya, at naubos na sa kapapagamot ang kanyang ari-arian, ngunit hindi siya napabuti kahit kaunti bagkus ay lalong lumubha. Narinig niya ang sinasabi ng mga tao tungkol kay Hesus, kaya’t nakipagsiksikan siya hanggang sa makalapit sa likuran ni Hesus. At hinipo niya ang damit nito. Sapagkat sinabi niya sa sarili, “Mahipo ko lang ang kanyang damit ay gagaling na ako.” Biglang tumigil ang kanyang pagdudugo at naramdaman niyang magaling na siya. Naramdaman naman ni Hesus na may kapangyarihang lumabas sa kanya, kaya’t bumaling siya sa mga tao at nagtanong, “Sino ang humipo sa akin?” Sumagot ang kanyang mga alagad, “Nakikita po ninyong nagsisiksikan ang napakaraming tao, bakit itinatanong ninyo kung sino ang humipo sa inyo?” Subalit patuloy na luminga-linga si Hesus, hinahanap ang humipo sa kanya. Palibhasa’y alam ng babae ang nangyari, siya’y nanginginig sa takot na lumapit kay Hesus, nagpatirapa, at ipinagtapat ang buong katotohanan. Sinabi sa kanya ni Hesus, “Anak pinagaling ka ng iyong pananalig sa akin. Umuwi ka na’t ipanatag mo ang iyong kalooban. Lubusan ka nang magaling sa iyong karamdaman.”
    Samantalang nagsasalita pa si Hesus, may ilang dumating mula sa bahay ni Jairo. “Patay na po ang anak ninyo,” sabi nila. “Bakit pa ninyo aabalahin ang Guro?” Hindi pinansin ni Hesus ang kanilang sinabi, sa halip ay sinabi sa tagapamahala, “Huwag kang mabagabag, manalig ka.” At wala siyang isinama kundi si Pedro at ang magkapatid na Santiago at Juan. Nang dumating sila sa bahay ng tagapamahala, nakita ni Hesus na gulung-gulo ang mga tao; may mga nananangis pa at nananaghoy. Pagpasok niya ay kanyang sinabi, “Bakit kayo nagkakagulo at nananangis? Hindi patay ang bata; natutulog lamang!” Ngunit pinagtawanan siya ng mga tao. Pinalabas niya ang lahat, maliban sa ama’t ina ng bata at sa tatlong alagad, at sila’y pumasok sa kinaroroonan ng bata. Hinawakan niya ito sa kamay at sinabi, “Talita kumi,” na ang ibig sabihi’y “Ineng, sinasabi ko sa iyo, magbangon ka!” Pagdaka’y bumangon ang bata at lumakad. Siya’y labindalawang taon na. At namangha ang lahat. Mahigpit na ipinagbilin ni Hesus na huwag ipaalam ito kaninuman; at iniutos niyang bigyan ng pagkain ang bata.
    Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Комментарии • 22

  • @andresnavarro2423
    @andresnavarro2423 3 месяца назад +1

    Gabay pa yon ang aking mga anak na si ansis

  • @zendichosoalim6380
    @zendichosoalim6380 3 месяца назад

    Maraming salamat po PADRE JESUS NAZARENO VIRGIN MARY PADRE PIO ,NAWAY DINGGIN NYO PO ANG AKING PANALANGIN
    AMEN PO

  • @rosanaromasoc1411
    @rosanaromasoc1411 3 месяца назад

    Mahal naming Padre PIO muli yakapin po ninyo kami ng inyong mapagpalang panalangin at pagmamahal please pray for my whole family keep us safe and healthy bless us to be united and at peace,heal us Dearest Padre PIO through your intercession to our Lord Jesus Christ our Divine Healer and Physician salamat po Amen and Amen ❤️🙏❤️

  • @catalinaderoxas602
    @catalinaderoxas602 3 месяца назад

    Mahalna Santo Padre PIO, Salamat Po sa Pagdinug ninyo sa aming mga PANALANGIN, Nawa Po ay gumaling na Ang nararamdaman ni Andres de Roxas sa kaliwang benti Mula pig_i Hanggang paa, Salamat pong muli sa pangalan Ng Panginoong Jesus🙏🙏🙏

  • @felicitasmanalo8789
    @felicitasmanalo8789 3 месяца назад

    Padre Pio pray for usat pagalingin mo po ang aming mga karamdaman.AMEN.

  • @marinarenosa2474
    @marinarenosa2474 3 месяца назад

    Padre Pio hinihiling ko aking kagalingan. Manombalik na po ang akin normal kalusugan sa akin mga mata..​At aking asawa​ na Eric at anak ko galingan Amin kalusugan po manombalik po..​Sa​ngalan​ mo Padre Pio taga pag pagaling sa my ka Ramadaman Amen..​❤ Patawad.

  • @Kath-u6b
    @Kath-u6b 3 месяца назад

    Padre PIO hinihiling ko po jagalingan ni Mark Alvin Julaton at balikan nga pi c Kathryn Baladad dhil sila nman po talaga ang nagmamahalan at 2 po anak nilan.Amen

  • @prayingtherosaryJM
    @prayingtherosaryJM 3 месяца назад

    With so much evil, and hate in this world all I want to do is do Gods will and help and love on his people

  • @PascualaSantiago-ez7fw
    @PascualaSantiago-ez7fw 3 месяца назад

    praying st pio to have me a good sleeo n avoid acid refluxhiblood

  • @DinaMateo-e1l
    @DinaMateo-e1l 3 месяца назад

    Lord jesus salamat po sa lahst ng grasyang pinagkaloob mo,patawad sa lahat ng aking pag kakasala sa inyo,hinihiling ko lng po aking mahal na panginoon jesus,gabayan at biyayaan mo po kmi ng magandang kalusugan at sapat na pinansyal , ang aking pamilya,at iligtas sa anu mang sakuna sa arw arw na aming pamumuhay ,maraming salamat po mahal na Jesus,AMEN ❤🙏

  • @sergiolibunao2711
    @sergiolibunao2711 3 месяца назад

    Mahal naming Santo Padre Pio pagalingin mo po ang aming karamdaman, Amen 🙏

  • @litta2043
    @litta2043 3 месяца назад

    Magandang umaga pong muli sa inyong lahat mahal na panginoon mahal na ina ng laging saklolo mahal na padre pio lahat ng mga santo at santa narito po akong muli at humihingi ng tawad sa lahat ng aking mga kasalanan at ngayon poay muli kaming nagpapasalamat at kami ay muli ninyong ginising sa umagang ito kaya po walang hanggang pasasalamat namin sa inyong lahat at kami ay muling nagising sa arawaraw at muli po akong humihingi ng gabay at patnubay sa inyong lahat na kami ay gabayan para sa aming maganak lalo po ako na marami ng nararamdamang sakit sa aking buong katawan kaya po hiling ko sa inyong lahat na ako ay haplusin ninyo ng inyong mapaghimalang mga kamay ng sa gayon po ay mapalis ang lahat ng sakit na aking nararamdaman sa tulong po ninyong lahat ay mawala ang lahat ng sakit na aking nararamdaman sa aking buong katawan pati na po itong aking companyo anak manugang apo at lahat ng mahal ko sa buhay at muli po akong humihingi ng gabay at patnubay dito sa dalawa kong anak na sila ay gabayan sa kanilang arawaraw na pagtatrabaho at paglalakbay ng sa gayon po ay makauwi ng ligtas sa kanilang pamilya at ito pong isa ay inihihingi korin ng gabay at patnubay sa inyong lahat na siya ay gabayan ninyo na mapalayo dito sa kanyang masamang bisyo na ipinagbabawal na gamot ito po ay hiling at dalangin ng isang ina na nagsusumo at nagmamakaawa sa inyong lahat na ako ay matulungan ninyo dito sa problemang ito sa aking anak na siya ay mailayo sa kanyang masamang bisyo at mailayo rin sa mga taong siyang naglululong sa kanyang bisyong ito kaya po mahal na ama sa iyo na lang ako humihingi ng awa at naninikluhod na ako ay matulungan mo dito sa problemang ito sa aking anak sana po ay maipagkaloob ninyo itong aking hiling at dalangin sa inyong lahat alam ko po naman nahindi ninyo kami pinababayaan at lagi kayong nasa aming tabi at laging handang tulungan sa orasoras arawaraw kaya po maraming marami pong salamat sa lahat ng tulong na inyong ipinagkakaloob sa amin at wala parin po akong sawang nagaantay ng biyayang ipagkakaloob ninyo sa amin ang biyayang siksik liglig at umaapaw na biyaya

  • @meleniafrondoso2293
    @meleniafrondoso2293 3 месяца назад

    ❤❤❤ Happy Sunday morning All 🥰

  • @AllanCastro-ks9sl
    @AllanCastro-ks9sl 3 месяца назад

    Thank you Lord Amen 🙏🙏🙏

  • @berniesevidal7450
    @berniesevidal7450 3 месяца назад

    SAINT PIO HAVE MERCY ON US AMEN.

  • @andresnavarro2423
    @andresnavarro2423 3 месяца назад

    Thank you lord ❤

  • @RoseLaranjoRosie
    @RoseLaranjoRosie 3 месяца назад +4

    Sr. Padre Pio maawa po keo ky Hannah Alexandra Magura pagalingin mo n po xa iblik mo n po s kanya yong Normal nyang pg iisip maawa Po keo dinggin mo po ang aking khilingan Lord🙏🙏🙏🙏

  • @SallyFuasa
    @SallyFuasa 2 месяца назад

    Amen 🙏

  • @arceliaytona1797
    @arceliaytona1797 3 месяца назад

    Amen

  • @cletobulan2321
    @cletobulan2321 3 месяца назад

    Amen