MUSIKA | THE JUAN CONCERT | BSU | SHENGTEL PEIN | A PoeTraveler

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 15 сен 2024
  • Marahil kailangan muna nating masaktan
    bago matagpuan ang ating The Juans.
    Parte na lamang tayo ng nakaraan
    isang ISTORYA na hindi na mababalikan
    dahil HINDI TAYO PWEDE
    kahit matagal na tayong MAGKASAMA.
    Oo, marahil naiparamdam natin sa isa't isa
    na minsang naging ATIN ANG MUNDO
    ngunit NASAYANG LANG
    dahil hindi ako ang gusto mo.
    Siguro imahinasyon ko lang lahat ng ito
    madilim at malungkot na PANAGINIP,
    ITUTULOG NALANG sana itong nadarama
    subalit parang hindi ko kaya.
    Naiwan na parang SIRANG PLAKA
    ang sinambit mong MAY MINAMAHAL ka na,
    parang ayoko ng sumikat ang bagong UMAGA
    dahil sa nalaman kong may iba ka na.
    Ito na nga ba ang DULO ng ating kwento?
    Malalim ang pagkakatarak ng BALISONG sa puso ko
    PWEDE ko na sigurong ihinto ang kahibangang ito
    dahil hindi na nasaSABIK sa‘yo t’wing LUMALAPIT ako.
    PAG-IBIG LANG pala ng iba ang hanap mo,
    MANALANGIN man ako sa lahat ng santo
    hinding-hindi ko pa rin makukuha ang panalo
    lalo na’t ‘di nalang ako ang ANGHEL sa buhay mo.
    ‘YAN TAYO, EH pagkatapos mo akong sanayin
    sa mga TARA G! tuwing ako ay aayain
    ‘di ko lubos akalaing masisilayang muli
    sa harap ng SALAMIN ang aking sarili
    sa kung paano hindi pinili.
    Kaya’t sa PANGALAWANG BITAW
    kahit puso’y ikaw at ikaw pa rin ang isinisigaw
    ihaHATID kita nang walang pag-aalinlangan
    kahit na masakit kung iyo namang kaligayahan.
    Tuparin ang mga pangakong iyong binitaJUAN
    hindi man sa akin pero kahit sa kaniya na lang,
    dahil iuukit ko pa rin sa maliwanag na buJUAN
    mga laraJUAN na nakapaloob sa ating kwento
    bago mo pa man ako iJUAN.
    Musika | Tula | Pahinga
    SHENGtel pein ft. painツ
    #TheJuans
    #CCJELSCxTheJuans
    #CBEALSCxTheJuans
    #COELSCxTheJuans
    #COEDLSCxTheJuans
    #BulSUIkot
    #Salubong2024
    #stilllife
    #fypシ
    #foryouシ

Комментарии • 1

  • @elviegaroche7930
    @elviegaroche7930 17 дней назад

    Enjoying the show🎉 watching here 'till the end 😊new friend here po 🥰