PAANO MAIWASAN ANG PAG-ANGAT NG FLOOR TILES: DRY PACK METHOD, Our Dream House. Episode 45
HTML-код
- Опубликовано: 5 фев 2025
- Dry pack method ang payo ni Architech sa paglalagay ng floor tiles para maiwasan ang pagbaklas nito sa kalaunan. Let us watch how to prepare cement mixture for this method and how to apply it.
Sorry guys, ang sand dapat sa mxture ay 4 lang, hindi 7
5 is to 1 po ay matibay na
Ok na ok po kayo sir,salamat po sa pagtuturo nyo sami,,,
salamat sa video nyo po daddyay natutunan ako
35 years na ako sa masonry works.depende yan sa mga gumagawa.ako sa 1 bag ng semento 2 bags lng ng binistay na buhangin ang hinahalo ko.basain muna ang lugar na paglalagyan ng tiles at walasin lahat ngga alikabok bago simulan ang pagkabit ng tiles.basain ulit at lagyan ng purong semento bago maglagay ng halo para sa tiles.ang granite tiles hindi yan humihigop ng tubig kaya nilalagyan ko ng purong halong semento ang tiyan ng tiles bago ikabit.sa akin lang kahit anong style ng pagkabit ay ok lng nasa gumagawa lng yan.
Boss maski b s 60x60 n tiles ok lng n semento lang gmitin o ok lng n ndi gumamit ng adhesive
Marami na akong narepair na tiles na nag angatan...mayron din akong sariling paraan para dna umangat uli ang tiles.
Jun Katon pwede po bang ibalik uli ang mga tiles na umangat na? umangat kasi ung mga tiles sa mi kitchen namin at sayang naman ung mga tiles kung itatapon lang. i appreciate your response po. Thank you.
@@teacup8095 brod kapag umangat ang tiles, dna pwede ibalik...pero kung kunti lng ang bingkong deskarti nlng yn ng tiles setter....my narepair na akong gnyn..
De
Marami Ng tiles setter ang gumawa Ng ganyan drypack dto sa Palawan na poro kapak.
di ako bilib jan sa dry pack na yan... ang sekreto talaga jan para di umangat ay ung adhesive na gagamitin dapat ung abc tiles adhesive...
@@rikkitv2913 tama sir. Mali kaci procedure nila ng pagtatiles. Pag nag dry pack ka, kahit lagyan pa ng adhesive likod ng tile kakapak parin yan. Ang paggamit ng tile adhesive, ay tile over concrete means yong tuyo na na cemento hindi dry o wet 100% kakapit yan
@@rikkitv2913 correct ABC tile adhesive or Sika....
Mahina yan
Nice info sir...nahatid ko n kape mo sir antay ko syo salamat!
Extreme SeanReel thanks, naisent back ko na rin ang arabica coffee mula sa lugar namin
Suggestion lng..panatiliing meron mixing board cement para always malinis ang paglalagyan ng tiles.
nice boss. ok lng wet pack gamit?
Sa kapal ng dry pack na 3", sigurado na hindi naisama yung bigat nyan sa design pag suspended slab. Ang unit weight ng concrete ay 150 lbs/cu. ft. so for every square ft, 37.5 lbs ang additional load. SO kung 60 sq.m.(20'x20' yung ititiles, 14,800 lbs ( 6712 kgs) yung dadag na bigat . Pero pag slab-on-grade, OK lang.
Mas accurate ang level sa tamsi kesa sa level bar.
Thank you kya pla ung sa cr nmin ay angat na mga tiles nmin
ano pong tiles ginamit nyo sir
Boss pwde ba yung diretso tyles na kahit hindi pa simemtado
Mas concern ako sa linya ng kuryente sa flooring. Kamusta pag may sirang outlet, bungkalan na ito. All utilities are best above ceiling for repair and maintenance purposes. Pero anyways, congrats sa bahay po, sana ako may pampagawa din. hehehe
Kahit nman po sa mga building ang electrical conduit ay nasa loob ng slab ( gumamit lng ng pvc conduit at huwag yung flexible type) pra madaling mghugot ang electrical wires kapag dpat ng palitan dahil luma na..kpag may problema sa wall outlet,yung outlet lng ang pinapalitan at hindi yung wires kya wlang dapat sirain sa slab.
pwede bang lasunin muna ang bawat ilalim ng tiles? at kung pagmamasdan mo, meron mga tiles na bagong bili namay mapapansin kang manipis na powder sa ilalim kaya ayun ang humahadlang sa pagkapit ng semento at adhesive? kahit na imbentro pa yang dry pack na yan e pag lipas ng taon ay natutuklap pa rin ang mga tiles.
Saan po kayo nakabili ng murang tiles.
sir salamat po sa pag share..sakto po nag balak kami mag pa tiles..medyo makaka tipid sa labor..tingin kaya ko na po hehehe..
sir tanung lang po.ung buhangin po pa ay kailangan naka bistay po ba?
Welcome, crushed sand ang ginamit namin kaya hindi na binistay
@@DaddyoldTV maganda yong crush sand Boss yan ang gamit namin sa Abroad
Maganda yong buhangin nga parang panghollow block .kung walang chrused stone
Sir paano po ang mixture ng adhesive at cement sa pag kabit ng wall tiles 60×60?
Na sa paghahalo yan kung matapang oh hindi. pag hindi matapang yung halon bibitak yan.saka dapat walang halong bato kailangan binistay. ok lang sa dry pack pag matapang walang problema hindi Bibitak yan. basta matapang yung halo. dapat may kanal yung cemento bawat layer niyan pag lagay ng tiled. kaya alam ko yan.
Boss ok lng b n 1inch lng ang kapal ng dry pack ?
Pang pakyawan yan mabilisan
Much better sir kung purong cement din na hinalo sa tubig ang gamitin cost less compaired sa adhisive ganyan gamit nmin dto sa uae at quality standard din un resulta nya cement mix un pinaka grout
subok ko na purong semento pang dikit ng tiles walang adhesive okay naman sya basta tama ang timpla
Sir anong cemento ang Gaga Morin kapag daypack method?
Nag diy ako ng tiles sa bahay, wetpak ang gamit ko haha, no kidding basang semento ung timpla ko ung parang mortar ng hollow block pag nag aasintada. Ok nmn hindi nmn bumababa after i set ung tiles, wag lang apakan kasi basa pa
May halong adhesive sir sementong ginamit mo? Kamusta na ngayon sir? Ok naman? Balak ko din kasi Sana hehe
@@cyruscalixlopez6574 walang akong ginamit na advesive sir. Cement at binistay na buhangin lng. Hanggang ngaun ok nmn sya walang kapak.
*Magandang araw sayo Daddy Old, napansin ko lng po.. masyadong rough ung palitada sa walls nyo po, parang magastos sa skimcoat. ask ko lng po. Salamat*
Hi po. Ask ko lng ung dry pack po ba is walang water or meron pero konti lng? Salamat po. New subscriber po
Sa iba ang timpla prang timpla lng sa matibay na hollow blocks.( nauso ang dry pack sa pggawa ng hollow blocks) kya konting tubig lng tlaga. nauso din ang dry pack sa mga building malls , Hospital at sa matataong lugar na kung saan madaling masira ang tiles dahil sa gasgas at kapak. Ginawa yan pra madaling tuklapin ang tiles kasama ang dry pack at mas madaling mgpalit ng tiles ng buong flooring kc nga parang timplang hollow blocks lng ang dry pack.ganun din kung mg repair o replace ng tiles madali lng wlang mahirap tuklapin.
maganda ba ang dry pack motar sa 40x40 ceramic tile?? salamat sa sasagot
sa 60x60 lng po maganda ang dry pack mam/sir
link po sa video ni oliver austria?
Ok yang procedure ng tiles may adhesive sa tiles bago ikabit kapit na kapit yan sa dry pack dahil hindi medyo basa yung halo.
Sir ano pong tile cutter blade ang magandang gamitin?? Ung plain pob o ung my biak ang edge, o ung prang my currugated ang edge?? Salamat po,
Hindi ko napansin ung ginamit ng contractor
gling n mn ni idol manny ng kabit. jje
pwd ang dray pack kong nakapal ang taping pero kong manipis lang ang taping di oubra ang dray pack dapat medyo bangbasa katamtaman nyong basa
Pede po ba ipaghalo ang tile adhesive cement and bistay na buhangin kung Oo ano po ang ratio mag diy lmg ako
Mas mainam n sa tiles ninyo lagyan ng tile adhesive
@@thonyperez2040 ano ratio sand cement and tile adhesive
Ser kamukha nyo ho talaga c quiboloy...
hi Sir, gaano kakapal ang dry pack kung wala naman ilalagay na mga electrical pipes?
Hi, one and one half inches
Good tips po salamat sa mga ideas, , ,pa diket naman po
RL strike done
Paano po ang gagawin kung ang flooring ay may red cement, bago lagyan ng tiles
Magtiktik muna kayo para maging rough yung surface para mas makapit yung sementong paglalagyan ng tiles
dipende yan di naman mababaklas yan kong tama lang ang pagtataping at pagkabit ng tiles nga may adisib para iwas lakapak haha
kahit ganyan ang gawin mo kung hindi maintain ang magandang klima ( iisang klima na hindi masyadong mainit in 24/7 hrs./day )sa loob ng room , magkakapack din ang iba diyan . kaya iyan ang problem ng mga bahay sa pinas kasi magaaircon , tapos papatayin din naman , kaya magiiba na ang room temperature. dapat diyan diretso ang maintain room temperature . kaya lang paano gagawin ang ganyan e ang mahal ng kuryennte sa pinas . magpalit ka na lang kesa magaircon habang buhay.
sir sa large can nyo ba may 6 or 7 na pala?
Ibig mo bang sabihin, ung shovel? Kung un ang tanong mo, di namin nameasure kung ilang pala ang isang container measure namin,
Bkit aq draypak den pero nd aq nagamit ng tiles adicive nd nmn nagapak kgit elan taon pa yn
This type of laying of floor tiles is time consuming and expensive, you guys should watch some videos on how to lay floor tiles in the USA for example which I think they sell the thin set and grout powder on most Wilcon Hardware..,
Dito po sa Australia hindi na yan ginagamit ang drypack Eni screed muna namin ang Floor bago ikabit ang tiles mabilis na malinis pa.
Kc po jn may mga power tools na pangpantay ng flooring, sa America nga pgsimento ng flooring bahagyan tuyo plang ginagamitan na ng power tools na pangpantay pra pgkabit ng tiles eh papahiran lng ng konting tile adhesive yung floor at yung tiles ikakabit na,at halos pantay na konting hagod at pukpok lng sa tiles tapos na.
@@edwinvanderlipe2316 hindi po walang power tools na ginagamit livel bar lng ang gamit dito sa pag screed.
Parang c manny pacquiao yung tile sitter
Extra manny yan
at dipende naman sa magkabit yan e kong basa naman yong halo pwd rin pwd mong hagisan ng puro simento yong taping bago ilagay yong tiles at maga din yong adisib na ilagay sa tiles sa totoo discarte lanh
Ku sa flooring I use jolen
bakit po ganyan hindi pa tapos yung wall at wala pa pintura eh nagtiles na, di maiiwasan na masira or magasgsan yung mga tiles, mabuti kung hindi balasubas yung mga gumagawa eh karamihan after ng magawa ang bahay ay nadisgrasya na ang sahig...
Sir, dry pack method po ang pinapagawa ko sa pagpatiles ko ngaun pero may napapansin medyo may bakante sa ilalim. Ang tanong ko po ano pong mangyayari kalaunan sa tiles n may bakante sa ilalim? Maraming salamat po.
Rodel Delasan kung may napansin ka na ganyan, ipatanggal mo agad para iri-install kasi aangat yan kalaunan o kaya magkacrack pag laging nadadaanan
Tma po si daddy old tv maaari pi cya umangat or mabasag kya klngn po ipatanggl nyo kgad
inject fix a floor.. very effective.. para hindi na mabasag yan tiles mo
5 years na ung tiles na na install ko sa c.d.o at ilang lindol na dumaan,wala nmn umangat🤔🤔🤔dry pack dn gamit ko.😉😉😉😉
Paano halo ginawa po sir
Isa pang rason hindi naglalagay ng POLYTHELYN SHEET bago magbubuhos sa slab.
Late n un electrical wiringkaya 3"
Alam namin yan. Ang mga ganyang deskarte. Matagal na namin ginagawa Yan.
Para saken mas maganda dinaan na lang walls ung electrical papunta ceiling. Taz lagay na lang man hole para if ever mas madali mag troubleshoot
Mali po sir yung sand nila dapat apat na malaking timba per bag nang cement hndi pito po
nakoo sir jan mas lalo kumakapak ang isang tiles kapag nasobrahan sa palo mas ok sir kung rektahan na para mas matibay
Tama drtso na gnyan ako pg ngtiles buhaghag taz drtso lagay n ung proseso n yan luma na....
@@therealnathz7442 oo sir mas matibay tapos kapalan nlang ng konting adhesive at basain ng konti yung drypack
anong pwedeng ibng gwin sir kong di ggmit ng dry pack...tnx
Johnny Quimoyog yung iba, ang ginagamit ay semento o kaya ay tile adhesive lang
@@DaddyoldTV pwede pong ang mixture Lang pong gamit ay yung cemento at adhesive lang sir? Lalo na po sir Kung wala nmang mga nasa ilalim na itatago or what? Pwede po sir?
@@cyruscalixlopez6574 hi, yes pwede
Malabnaw ung templa nyo sir, dpat sa isang sakong cemento 4-5 lng ng buhangin.
Oo, nagkamali daw yung sinabi sa akin, apat daw dapat
@@DaddyoldTV nagkamali daw sir? I comment niyo po yan. Lagyan niyo Note: tapos yung tamang mixture po, para po mabasa din po ng iba 😊 salamat sir! 🙏🏻
Sa ilang sako ng semento ilang sako ng buhangin at yung tubig pwa dry pack
Nasa video
Kung titignan mu ang dry pack ay hindi sya compacted maigi kahit dikdikin mu pa yan para maging solid kasi nga kulang sa tubig hindi kagaya ng malapot na halo ng semento at buhangin magiging solid sya at compacted kapit sya sa concrete flooring and even in tiles na ikakasa mu....ang dry pack madaling tungkabin pag natuyo na sya sa concrete flooring not like dun sa tamang halo na malapot pag tumigas ay solid sya at mahirap tungkabin....kung sa mga civil engineering na tama mixture ng concrete cement ang dry pack ay hindi papasa yan ang strenght nyan ay very poor...kung sa PSI nila na ginagamit sa strenght ng dry pack ay bagsak na ang kalidad nyan....yung nagsasabi nyan sa video ay arkitek lang yan kaya ang strenght ng mortar sa civil engineer ay may computation silang ginagawa....
Di ba ser sa materials engineer nag dedecide hehe
Baliktad ata theory mo sir
Mas prone sa bitak at kapak ang solid ba cement.. Hindi nya kaya tumangap ng vibration.. Kaya drypack.. Not means dry na dry.. Dry look lng pero Dapat basa pag napisil para tumigas.... Hindi sya madaling tuklap in kung maayos preparetion tulad sa sinabe na maglalagay ng grout muna bago drypack.... Matagal na akong tile setter pero never pa kinapakan sa drypack..
Marame narin akong nakikitang mali ang preparation sa drypack method... Kaya kinakapak....
Ayus pero subra po dame ng ratio ng buhangin
May chance po bang ma contact yung contractor, Boss?
Hi, saan ang lugar nyo?
@@DaddyoldTV Taga Zambales ak, Sir.
sir ano ang minimum thickness ng drypack sa pagkabit ng tiles
1,5 inches ayon kay ArchtAustria
Ok lng nmn ang drypack ang purpose nyan sa madaling e repair sa bandang huli.,pru kng sa tibay mas maganda ang wet type bsta tama lng ang pagset.
Bakit kaya nong nagpakabit aq ng tiles sa bahay namin basa maxiado ung semento na ginamit
My kiLL ano ang kinalabasan ng mga tiles?
@@DaddyoldTV sa ngayon wla pa nmang nangyari sir mag dadalawang palang kase bago nakabit di rin kami gumamit ng adhesive di yata marunong sa bagong tiknik ung nakuha qng gumawa
Sir magkano po ung bili nyo sa tile cutter tool??
Hi, sa contractor ko yun, pero ang bili daw nya ay 2,000 plus
@@DaddyoldTV thanks po
Kawawa ang helper
4 lang po dapat sir nd po pito
Nangyari na yan sa dati kong amo omangat ang tiles kasi wala nababad sa tubig
Pag sumisipsip Yung tiles kaylangan talaga basain pero pag Hindi,pwede na kabit agad
@@johnbeetv8756 Paano malalaman Kung sumisipsip yung tile?
@@cyruscalixlopez6574 mga ceramic tiles kadalasang sumisipsip.. madali mapansin yun kasi kulay brown ilalim nila tsaka kapag binabad sa tubig eh bumubula... granites and porcelain tiles di na ata need ibabad kasi di na sumisipsip
Sir Yung halo dapat po talaga kinabukasan pa gagamitin o kahit Hindi Naman po?
Pag dry pack po gaano kakapal dapat ang drypack?
olan reyes at least 1 and 1/2 inches
Sana bago mag install proper lay out muna
dapat lang na ilay-out muna pati level tingnan sa lahat ng parte ng bahay para walang problema sa paglalagay ng mga pintuan later
Not a detailed cement-sand-water mixture!!! Architects are good at presentability, We a civil engineer a better of stability...
beauty is still preferable than stability . pwedeng palitan ang tiles na umangat pero ang pangit na bhay na gawa ng CE pangit na iyan habangbuhay. At iyan ang mahirap pagtiisan
@@ernestoarellano968 ano po yung CE sir?
Try new techniques sa pagta tiles sir. Ok lang po drypack method, pero may mga techniques na madali na matibay ang tiles natin.sa drypack, gumagalaw kac ang lupa, pwedeng kumapit ang tile sa drypack kac nag back butter tayo ng adhesive. Pero between drypack at existing concrete hindi 100% kapit. Kaya pag gumalaw lupa aangat ang tile natin
Pinoy tile setter sa canada thank you
Ser sa lababo na hindi leveledo, pedena adhesive lang gsmitin? O need pa ng halo ng semento buhangin para ma level muna? D ba pede i pang level ko ung adhesive ne me manipis at makapal sng pahid? Salamat po sana masagot po ninyo
@@denzelwashington6222 kung mga 1/4 lang o 1/2 yong uneven nya, pwede na yong tile adhesive. Pero kung mas malalim pa jan I level mo nalang gamit ang semento at buhangin
denzel washington kung di malalim yung di pagpantay ng surface, pwedeng purong tile adhesive, yung ang ginawa dito sa amin
@@DaddyoldTV maraming salamat po boss
Hindi po talaga maganda gamitin Ang dry pack, in the future may tendency po yan na madali kumapak dahil sa Hindi na compress mabuti o Hindi siksik Ang dry pack.
E36 3t
Susme. Sablay pa rin yan. Diro sa bahay ko lahat ng tiles sa kitchen umangat na after 2years.
same sa amin sir bagong gawa bahay tapos nagtaasan ang mga tiles kya nga napunta ako dito sa youtube tinangnan ko kng error ba ng trabahante
Di ako bilib sa dry pack na yan ang resulta honeycomb lng
Parang di proportion ang buhangin sa sobrang dami.
Hindi madali mag halo ng dry pack
Dry pack doesn’t work at all . It is subject to honeycombs
Dry pack yan ang kalimitang nagbabakbakan ang tiles hindi magandang procedure yan
correct ka dyan ksi di nmn siksik yung drypack, ok p din yung level na dry floor at gagamit ng locking tile leveler, basta tama consistency ng tile adhesive kapit yan sa floor kahit hindi binasa ang tiles, mag back butter ka din, kami nga diy lang ok na ok tiles walang angat ang tiles...
@@jomarvalmores711 sir ano po yung back cutter?
@@jomarvalmores711 back butter pala
@@cyruscalixlopez6574 sir yan yung papahiran mo ng tile adhesive yung likod ng tiles para maganda kapit,proven ko na yan matibay kapit lalo na yung malaki tiles na pangwall..
Kalukuhan yn brod puro klng tingin..nakadepende sa gumagawa yn..wala yng bases
Sablay yan, after 2 yrs angat na ung mga ibang tiles. Ganyan na ganyan ang pag gawa sa tiles ng bahay ko
Depende Po yan sa nagkabit at pagtimpla Ng dry pack..
Di ako bilib sa inyo.