First Time? Ganito Po Ang Tamang Pag-inom Ng Pills

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 29 ноя 2020
  • rh-care.info/pills-for-first-... - How to start?
    Paano ang tamang pag-inom ng Oral Contraceptive Pills?
    Kung first time pa lamang kayong iinom ng pills, ipinapayo naming magpa-check up muna kayo sa midwife, nurse, o doktor. Aalamin po ng mga nabanggit na health workers kung maaari ang pills sa kasalukuyang kalusugan ninyo at tuturuan nila kayo kung papaano ang tamang pag-inom ng pills.
    Sa mga pagkakataong walang available na health workers sa inyong lugar, ganito po ang tamang paggamit ng Oral Contraceptive Pills:
    Una, siguraduhing hindi kayo buntis bago uminom ng pills.
    Pangalawa, ang tamang pag-inom ng pills kung first timer po kayo ay sa unang limang araw ng regla ninyo. Safe na kapag nag-umpisa kayo sa mga araw na ito at hindi na kailangang maghintay ng pitong araw bago makipagtalik.
    Pangatlo, maaari rin namang mag-umpisang uminom ng pills kung tapos na ang inyong regla. Kung nag-umpisa po kayong uminom ng pills pagkatapos ng inyong regla, kinakailangang maghintay ng pitong araw bago makipagtalik, o gumamit muna ng condom sa loob ng pitong araw upang maiwasang mabuntis.
    Pang-apat, inumin ang pills araw-araw at sa parehas na oras. Pagkaubos, umpisahan ang susunod na pakete ayon sa instructions para sa klase ng pills na inyong iniinom. Nakasulat po sa instruction leaflet ang tamang pag-inom ng pills.
    Tandaan, kapag hindi tama ang pag-inom ng pills, nababawasan o nawawala ang bisa nito, at malaki na ang chance na mabuntis. Para sa listahan at presyo ng mga pills sa Pilipinas, pumunta sa ating website sa rh-care.info/pills-prices.
    Kung kailangan ninyo ng serbisyo sa pagpaplano ng pamilya, maaari kayong maghanap ng Family Planning Providers na malapit sa iyo sa pamamagitan ng paggamit ng aming Health Facility Locator sa rh-care.info/providers.
    More Content?
    Facebook: / rhcareinfo
    Instagram: / rhcareinfo
    Twitter: / rhcareinfo
    #RHCareInfo #SexEducation #Pills #OralContraceptivePills #ReproductiveHealth #FamilyPlanning #BirthControl

Комментарии • 80

  • @janethasma3418
    @janethasma3418 3 года назад +4

    Thank you for this information.Its really helpful.

  • @relardztv605
    @relardztv605 Год назад +4

    Very thankful dahil sa vlog tutorial MO Maraming knowledge ang nakukuwa ko mula sa inyo about paano ang tamang pag inom ng pills,.

    • @missedpill
      @missedpill  Год назад

      Salamat po. Pakishare po sa inyong family, friends and network. Salamat po. Bisitahin po ang ating website rh-care.info.

    • @alanjayawon2256
      @alanjayawon2256 8 месяцев назад

      Hello po sana ma notice, nagtake po ako ng pills kagabe pero nung umaga nag kemerut po kame ng jusawa ko at pinutok po nya. Mabubuntis po ako non ???

  • @charlottemadison2101
    @charlottemadison2101 2 года назад +1

    Good morming po. Ask ko lng po ilang days po ba natagal ang mens sa 1st timer na uminom g pills. Nagtataka po kse ako 9days na po ang nkalipas pro meron pa rin po ako. Sana po masagot nyo nagwoworry po kse ako. Salamat

  • @JoannalynOjeda
    @JoannalynOjeda 2 месяца назад

    Hello po first time ko po gumamit nang diane pang unang araw ko gab e tapos may nangyari samin possible puba mabuntis ako ?

  • @daisyreyes5082
    @daisyreyes5082 6 месяцев назад

    Nag take po ako ng pill pero parating palang po ng regla ko ngayon nalang po ako mag ttake ng pills after ko sa IUD last last year ok nag PT naman po ako negative bago mag take ng pills ok lang poba uminom na agad habang rereglahin kapalang?

  • @juliejimpellerin4823
    @juliejimpellerin4823 2 месяца назад

    pewde po ba na hindi nag tugma ang oras esample po..unang inom ko nang pils 1,3..tapos 3pm ang oras pag ka next day oo naka inom nako nang pils 5pm..ok lang bayan po pag ka ugma po binalik ko cxa sa 3pm ok po bayan mag 5days palang po ako nag inom

  • @chievilla3168
    @chievilla3168 7 месяцев назад

    Pwedi na po ba ngayon uminom ng pills, kahit d pa reneregla? Alam ko nman po na hindi ako buntis kasi nagpa laboratory test plang po

  • @user-oh1bh8fw3y
    @user-oh1bh8fw3y 4 месяца назад

    Hi po. Pwede po baguhin ang oras ng pag inom ng pills? Sabi kasi ng iba maganda daw pag gabe iniinom ang pills.

  • @angiemaefernandez9805
    @angiemaefernandez9805 8 месяцев назад

    Pakisagot po please, nag do kmi ng partner ko then pagka umaga ay niregla ako. Ano ba dapat gawin inumin ko ba ang pills or mag hintay ako ilng weeks tapos mag pt chaka ako iinom ng pills?

  • @maryrosemartinez5664
    @maryrosemartinez5664 2 года назад

    Ask lang po mga momshie 🙂 nag take na po ako ng pills ng ilang months, then tinigil ko muna, cguro mga 3-4months na din., withdrawal lang kami sa ngayon ng hubby ko., sa ngayon gusto ko ulit nag take ng pills, may regla ak ngayon na pang 4days ko na.. Okay paba na ngayong pang 4days ko na ako mag start ulit? Salamat sa makakasagot 💕😇

  • @63ky001
    @63ky001 9 месяцев назад

    Hi po ask ko lang po. First time ko po mag take ng pills at 6 weeks ko na po itong iniinom pero minsan lang kami mag talik ng asawa ko. Impossible po bang mabuntis pag ganun??

  • @ryansalvador7750
    @ryansalvador7750 3 месяца назад

    pasagot po may chance pobang mabuntis kung 1 week na ang naka lipas o 6 days bago mo ito pinainom ng pills?

  • @greececasador362
    @greececasador362 7 месяцев назад

    Paano po if nag start ako uminom 2 days after regla anong pakite inumin ko yung pangalawa ba or una talaga?

  • @Ge-annNamacpacan
    @Ge-annNamacpacan 3 месяца назад

    Hello po safe parin po ba na nalate ako ng inom ng pills 7pm po dapat inom ko tapos bakalimutan ko naalala ko 10 pm na tapos uminom ako mga 30 mins nag do kami ni mister safe parin po ba un

  • @emshernandezvlog594
    @emshernandezvlog594 27 дней назад

    Hi pang 3 days na ang regla ng kapatid ko pwede naba sya mag start uminom ng pills?

  • @marimarrangel2313
    @marimarrangel2313 6 месяцев назад

    normal lang po ba na maaga reglahin kapag firstime uminom ng pills tapos biglang hininto ? Nagtake po kase ako ng pills nung 2,3,4,5,6 tas nung 7 po hninto kopo tas ngayon pong 17 niregla ako e ang dudate ko dpt po is 26 pa ? Normal lang poba yun?

  • @ricajoymontagot616
    @ricajoymontagot616 6 месяцев назад

    Hi maam paano po pag uminom ako nang pills sa unang araw nang regla ko masama po ba yun sana masagot😢

  • @febramos1305
    @febramos1305 3 месяца назад

    Ask ko lng po firstime kopo sana gumamit ng pills paano po inumin 2times a month lng kami mgkita ng partner ko kc puro kami may trabho, sana may mkasagot po salamt

  • @angielynreyes7387
    @angielynreyes7387 3 года назад +1

    5 yrs n po ako nagpipills lady pills po gamit ko ....pero nitong jan 20 niregla p ako tinigil ko n po pag inom hnd ko na po inubos friday jan 22 hnd po ako uminom ngaun sunday may ngyri po smen pero uminom ako agad ng pills start n po ako ulet sa 1 ... pagkatpos may magyri ...may chance po b ako mabuntis

    • @angielynreyes7387
      @angielynreyes7387 3 года назад

      Khit po unimon ako agad pagkatapos may mangyri smen .....mY chance parin po n mabuo un ?salamat po

  • @rheavillamor2141
    @rheavillamor2141 11 месяцев назад

    Pano po pag di nilabasan ang partner ko po habang nag s*s*x kami mag possibly po ba ma mabuntis parin po akoo?

  • @melaniesolante5766
    @melaniesolante5766 2 месяца назад

    Pwede poba ibahin ang oras ng paginum ng pills

  • @user-no7or9nn1j
    @user-no7or9nn1j 3 месяца назад

    Pwede po nguyahin Ang pills

  • @renedizon7406
    @renedizon7406 Год назад

    First time po ako iinom ng pills. Pangalawa araw na po ng mens ko ngayon sabi po sa center pangatlong araw pede ko na start magtake ng pills. Maghihintay pa po b ako ng 1 week para mkipag do

    • @mariolacero2433
      @mariolacero2433 11 месяцев назад

      Kapag nagsimula po kayong uminom ng pills sa pangatlong araw ng regla niyo, di niyo na kailangang maghintay ng 7 days para makipag do

  • @chenfoxsmoments1739
    @chenfoxsmoments1739 Год назад +1

    Nag take po ako ng pills exact 1 month ago, kagabi po last inom ko ng pills, tapos ngayong araw din po start ng mens ko,
    Tanong ko lang po, since ubos na isang pack ko ng pills, start na din po ba ako uminom ng pills ngayong gabi?

    • @mariolacero2433
      @mariolacero2433 Год назад

      Pag POP or COC pills na may 28 pills per pack ang gamit niyo, eto po ang inyong gagawin: Pagkainom niyo po nung huling pill ng kasalukuyan niyong pakete, kinabukasan ay magsimula na kayo sa panibagong pakete ng pills sa parehong oras, may regla man o wala.

  • @stephaniedomingo9691
    @stephaniedomingo9691 3 года назад

    Pano po pag kagaling sa injectable at gagamit napo ako ngayon dafne pills

    • @mariolacero2433
      @mariolacero2433 Год назад

      Mag-umpisa na po kayong uminom ng pills sa loob ng 1 week bago mag-expire ang depo/dmpa niyo o sa mismong expiration date nito may regla man o wala para tuloy lang ang protection sa pagbubuntis at no need to wait for 7 days na nakainom ng pills bago mag-do
      👉 Kung combined oral contraceptives (COC) ang gamit niyo, maaaring hindi pa kayo reglahin sa loob ng 22-28 inactive pills o sa 7 rest days dahil nag-aadjust pa ang iyong katawan galing injectable. Sundin ang tamang pag inom at schedule ng inom ng pills may regla o wala para maregulate ang iyong cycle. Rereglahin ka rin kapag tumagal na na umiinom ng tama.
      Pero kung mahigit 3 months na kayong gumagamit ng COC at hindi pa rin nireregla, mag-PT po kayo.
      👉 Kung progestin-only pills (POP) naman ang gamit niyo, maaaring maging irregular po ang regla ninyo kalaunan. Mas madalas na wala kayong regla. Minsan naman ay spotting lamang. Hindi kailangang uminom ng kahit ano pang gamot, halaman or gumawa ng kahit ano pang bagay para magkaregla.
      Ang mga side effects na ito ay hindi senyales ng sakit. Ngunit kuang kayo pa rin ay nababahala, magpa-konsulta sa iyong doktor, midwife, o nurse.
      👉 Panoorin dito ang tamang pag-inom ng oral contraceptive pills sa RH-CARE INFO RUclips www.RUclips.com/watch?v=-D0d14Tpa0A
      👉 Ano ang COC at POP? Listahan at Presyo ng Mga Birth Control Pills sa Pilipinas rh-care.info/pills-prices/

  • @yangyangskitchen4446
    @yangyangskitchen4446 3 года назад

    paano po kapag hindi parehas ng oras ang paginom ng pills pero 1 month na po nakainom at nakipagtalik mabubuntis po ba yun?

    • @macyacero5580
      @macyacero5580 2 года назад

      As instructed sa pakete ng pills ninyo, ang pills po ay dapat iniinom araw araw sa parehong oras para ma-maintain ang level ang tamang hormone sa katawan. Hindi po ito parang gamot na iniinom lamang as needed.
      Kung bumaba po ang level ng hormones sa inyong katawan dahil hindi iniinon ang pills as scheduled, nababawasan o nawawala ang bisa ng pills niyo.
      Hindi rin mababawasan ang mga nararamdamang side effects tulad ng pananakit ng ulo, pagkahilo, pagduduwal, spotting, atbp. kung meron man.
      Kapag nasusunod po ng tama ang araw-araw na pag-inom, oras at scedule ng susunod na pakete ng #pills na gamit ninyo, ay PWEDE kayong makipagtalik ng kahit ilang ulit, kahit anong oras, araw-araw, gabi man o araw, may regla man o wala, iputok man sa loob ng ilang ulit. Kung hindi ninyo nasusunod ng tama, mataas ang chance na kayo ay mabubuntis.
      Basahin po dito ang tamang pag-inom ng oral contraceptive pills. rh-care.info/pills-for-first-timers/

  • @maelyncuba1674
    @maelyncuba1674 Год назад +1

    Tanong kulang po kahapon po last menstruation ko tapos nag umpisa ako uminom kagabi tapos ngayon may ng yari smin ng husby kopo may chance ba ako mabuntis huhu

    • @mariolacero2433
      @mariolacero2433 Год назад

      Kung nag-umpisa kayong uminom ng pills sa unang limang araw ng regla ninyo, pwede na po kayo mag-do.
      Kung nag umpisa po kayong uminom ng pills pagkatapos ng limang araw ng regla niyo, dapat maghintay kayo ng 7 days na nakainom ka na ng pills (nainom na ang 8th pill) bago kayo mag-do, or mag condom muna ang partner ninyo kung mag-do sa loob ng pitong araw.
      Kapag hindi po ninyo ito sinunod, ang "chance " ninyong mabuntis ay malaki.

  • @jeanebajo2774
    @jeanebajo2774 2 года назад +1

    Hello po, if first time lng po gumamit ng pills at 1st take ko po is unang araw ng regla tapos 3 days lng yung regla ko ..after ko nakaubos ng 7 pills, nag do kami ng mister ko mabubuntis po ba ako?pasagot naman po🥺

    • @roseaguilar712
      @roseaguilar712 9 месяцев назад

      Safe po kayo agad magdo kung nag umpisa kang uminom ng pills sa unang araw ng regla niyo.

  • @deguilmichille6372
    @deguilmichille6372 Месяц назад

    Hello pag gabi uminom ng pills tapos After 20 nakigpagtalik sa jowa possibly bang mabuntis?

  • @marjelinegabrielrelucio
    @marjelinegabrielrelucio Год назад

    Posible pobang mabuntis pag first time Po umiinom Ng pills tapos nakipag talik napo kahit unang inom palang Po Ng pills pero bago Naman Po umiinom Ng pills katatapos lang Po mag men's pero Hindi namam Po nakipag talik mabununtis poba?

    • @missedpill
      @missedpill  Год назад +1

      Kung first timer sa pills at nag start uminom after ng regla, need ng 7 days munag nakainom ng pills para sa safe. Kapag hindi nasunod, mas mataas ang chance ng pregnancy. Kung nag start naman uminom ng pills during the first 5 days ng regla, safe po.

  • @michellecaneta5924
    @michellecaneta5924 Год назад

    Paano pOH hndi pa naubos Yun brown pills nakinom ako aga 1 yellow

    • @mariolacero2433
      @mariolacero2433 Год назад

      Ok lang po kung hindi niyo ininom yung brown pills at nagsimula kayo agad sa panibagong pakete. Safe pa rin po yun. Pero hindi na nga lang kayo rereglahin.

  • @marchiecimafrancabatingal8825
    @marchiecimafrancabatingal8825 3 года назад

    paano po kung after matake kuna po lahat tapos hindi ako ni regla maari po ba ako mag start uli mag take ng 2nd pills? o mag take parin po ba ako after kuna maubos ang unang pad? nalilito po kasi ako kung kailangan pa po ba ako madatnan bago ako mag take uli ng pills

    • @mariolacero2433
      @mariolacero2433 Год назад

      Pag POP or COC pills na may 28 pills per pack ang gamit niyo, eto po ang inyong gagawin: Pagkainom niyo po nung huling pill ng kasalukuyan niyong pakete, kinabukasan ay magsimula na kayo sa panibagong pakete ng pills sa parehong oras, may regla man o wala.

    • @maryelainrosemanzanares338
      @maryelainrosemanzanares338 Год назад

      okay lang po ba kung sa unang araw ng regla ko ako uminom kahopon po kasi ung unang day ng regla ko for this month first timer po ako uminom saka po safe na po ba makipag talik nun kung 12 days palang ung naiinom ko?

  • @reczelmorenatortalreyes9677
    @reczelmorenatortalreyes9677 3 года назад

    Pasagot Naman po please 😔 inoperahan po ako dahil sa ectopic pregnancy TINANGGAL po ang right tube ko first baby ko po Sana yun😔 Sabi sakin 2-3 yrs daw po ako pwede ulit magbuntis Kase baka daw po maulit uli po tanung ko po pwede po ba ako mag pills yung galing sa center po kaht wala pa po ako baby 30yrs old na po ako

    • @missedpill
      @missedpill  3 года назад

      pwede po

    • @reczelmorenatortalreyes9677
      @reczelmorenatortalreyes9677 3 года назад

      @@missedpill 1months mhigit n po ako na operahan at nag inom n po ako pills bale mag 2weeks n po ako umiinom safe po ba talaga makipagtalik

  • @user-yz6fu7iz6e
    @user-yz6fu7iz6e 8 месяцев назад

    ask lang po mabubuntis po ba kapag nakipag talik ako at di po siya nilabasan tas uminom ako ng pills kinabukasan?

    • @mariolacero2433
      @mariolacero2433 8 месяцев назад

      Hi po. Basta't may pagtatalik na naganap nang walang gamit / ininom na contraceptive, may chance po na kayo ay mabuntis, kahit withdrawal pa po yung ginawa niyo, dahil di naman po ito epektibo

  • @user-ps8uu8vy2o
    @user-ps8uu8vy2o 9 месяцев назад

    Ako Po mag 2months n mula nganganak tapos my nangyari samin n hubby kagabi and kagabi lng din Ako mag simula uminom ng pills. Tama poba? Diko Kasi alam Kong Pano Basta Sabi sakin sa center Kong kilan daw kami mag ano ng Asawa k Saka ko mag simula uminom

    • @mariolacero2433
      @mariolacero2433 9 месяцев назад

      Mali po. Dapat po ay nauna po ang paginom ng pills bago kayo nakipagtalik. Bale ang gawin niyo nalang po ay ituloy niyo lang po yung walang palya na paginom ng pills sa parehong oras. at mag pregnancy test din po kayo. pag negative, ituloy lang po ang tamang paginom. pag positive, huminto kayo sa paginom at kumonsulta agad sa OB para magabayan niya kayo sa mga dapat gawin

  • @izelcasim5140
    @izelcasim5140 9 месяцев назад

    Ok lang po ba na 7.30pm ako nainom tas switch ko sa oras ng 6pm

  • @user-lu7ed8ed3s
    @user-lu7ed8ed3s 10 месяцев назад +4

    Pakisagot naman po please, may nangyare po kase samen ng bf ko, at hanggang ngayon hindi parin po ako nag kakaregla, pero safe naman po yung ginawa namin kse sa labas nya naman po tinapos, gusto kopo sana mag take ng pills first ko lng din po, ayaw kopo kase mabuntis kaya iniisip kopo na kung pwede akong uminom ng pills para maiwasan ang pagbubuntis hnd korin alam kung pregnant po ako, please pakisagot😢

    • @mariolacero2433
      @mariolacero2433 9 месяцев назад

      Pwede namang magsimulang uminom ng pills anytime basta't sigurado kang hindi ka buntis (see pregnancy checklist).
      Pero mas mainam na simulan mo ang paginom ng pills any day sa unang limang araw ng regla mo para safe ka na agad at di mo na kailangan maghintay ng seven days bago mag "do".
      Pwede rin namang mag start uminom ng pills kahit nakalipas na ang unang limang araw ng regla mo, o kahit tapos na ang regla mo. Pero again, dapat sigurado kang hindi ka buntis, at dapat maghintay ka ng 7 days na nakainom ka na ng pills (nainom na ang 8th pill) bago kayo mag "do", o gumamit muna kayo ng condom kung mag "do" sa loob ng seven days.
      Kung di mo 'to susundin, malaki ang "chance" mong mabuntis.
      Inumin mo ang pills araw-araw at sa parehong oras. Pag naubos, simulan agad ang next pack ayon sa instructions para sa type ng pills na iniinom mo.

    • @angiemaefernandez9805
      @angiemaefernandez9805 8 месяцев назад

      ​@@mariolacero2433 pakisagit rin po plss. Nag do kmi ng partner ko then pagka umaga ay dinatnan na ako ng regla. Ngayong tapos na regla ko pwede na ba ako uminom ng pills or kailangan ko muna mag pt bago uminom ng pills?

    • @JeralynBugarin-ph1tn
      @JeralynBugarin-ph1tn 2 месяца назад

      Pano pong araw araw Ang pag inum ng pills kunwary 7 ng umaga tpos 7 ng gavi ganun poba

  • @krist992
    @krist992 Год назад +1

    Good Day po Posible po kaya na mabuntis ako kung kagabe may nangyare samin ng bf ko tas kinabukasan saka lang ako uminom ng pills . Thankyou 1st time ko lang din po gumamit ng pills

    • @RHCareInfo_RachelHernandez
      @RHCareInfo_RachelHernandez Год назад +1

      Malaki pa rin ang chance na mabuntis dahil hindi pa kayo protected sa pagbubuntis nung nakipagtalik kayo.
      Ituloy niyo na lang po ang pag-inom ng pills at wag muna mag-do for 7 days. Mag-PT rin kapag 3 weeks na ang nakalipas magmula ng nakipagtalik kayo para accurate ang result.
      Kung negative ang result, ituloy lang po ang tamang pag-inom ng pills. Kung positive naman, huminto po sa paggamit ng pills at magpa-check up sa OB niyo

    • @joviemanalo4064
      @joviemanalo4064 9 месяцев назад

      Hello po. Update naman po kung hindi po kayp buntis?

    • @krist992
      @krist992 9 месяцев назад

      Hindi po ako nabuntis , safe po pala ko kakatapos lang kase ng mens ko

    • @rhinaalabar1701
      @rhinaalabar1701 7 месяцев назад

      ​@@krist992hello po ano po yung pills na ginamit niyo?

  • @richellefernandez7761
    @richellefernandez7761 Год назад +1

    Ok lng po ba kung ma late po ng 30 minutes ang pag inom Po Ng pills

    • @mariolacero2433
      @mariolacero2433 11 месяцев назад

      Kung 30 minutes lang naman po ang delay, safe pa rin po kayo.

    • @johnreygutierrez7274
      @johnreygutierrez7274 2 месяца назад

      ​@@mariolacero2433pede pobaag tanong..last regla ko po april 19 tapos po nag kamali po ako nh inom.nainom kopo amg pills ng tang hali tapat.tapos po pag ka gabi po hindi napo ako uminom ng pills kasi last pa poyon ng regla ko .tapos po pag ka april 20 po..uminom po ako ng pills po..nag start po ako sa #1 hanggang maubos ko pp lahat amg kulay biege po..safe po bayon amg nagawa kong mali sapag inom nh pills..kasi nainom k ng tanghali at pag ka sunod na araw gabi napo ako nag strt uminom ulit hanggang ma ubos po.

  • @erenyeagar3669
    @erenyeagar3669 Год назад

    Hi po ask lang po ako. Kase nag pa check up po ako for family planning po I chose oral contraceptive pill po ang ni recita saken ng OB ko is althea, first time user po ako. Noong nag pa check up po ako is first day ng mens ko po, pero sabe nga mag start po ako mag take after my mens ko, pero kase po may nababasa po ako na maghintay daw po muna 7 days after makipag doo, pero wala naman sinabe ang OB ko, so nong ika 4th day ko po uminom ng pill ay nakipag doo po ako, maaari po ba akong mabuntis? pls help po sana masagot kase andami ko nakikita online na dapat daw after 7days pa makipag doo if nag start ka uminom after menstruation.

    • @RHCareInfo_RachelHernandez
      @RHCareInfo_RachelHernandez Год назад

      Safe na po makipagtalik kung nag-umpisa kayong uminom ng pills sa ika-4 na araw ng regla niyo

    • @maelyncuba1674
      @maelyncuba1674 Год назад

      Any update po same situation 😢

    • @melaniebindoy5759
      @melaniebindoy5759 10 месяцев назад

      ​@@maelyncuba1674hi asked kolng Kong nabuntis ka Po ba? O hnd nmn Po? TY

  • @jesellelynlapuz9644
    @jesellelynlapuz9644 Год назад

    Paano pag spotting lng Po?

    • @lyrique6884
      @lyrique6884 Год назад

      blessing

    • @missedpill
      @missedpill  Год назад

      Better kung talagang menstruation. Pero pwede naman pong mag start ng contraceptives BASTA SURE na hindi buntis. Salamat po. Bisitahin po ang ating website rh-care.info.

  • @kimpangan6962
    @kimpangan6962 7 месяцев назад

    Gusto kopo sana mg try mag sex,kaso natatakot Ako mabuntis,kaya di Ako pumayag mag pa sex

  • @user-bs7lt4bt8i
    @user-bs7lt4bt8i 9 месяцев назад

    tanong lng po frst tym.user po ng pills po.ngtake po ako sa 1st day ng mens ko po,at sa pangatlong araw po nun ngdo na po kami. safe po ba yun kahit na 3 pills palang nainom ko?slamat po sa makksagot

    • @mariolacero2433
      @mariolacero2433 9 месяцев назад

      kung first time user ka ng pills at sinimulan mo ang paginom sa 1st day ng regla mo, safe ka nang makipag do agadd. di mo na kailangang maghintay ng 7 days

    • @icedkopiii
      @icedkopiii 2 месяца назад

      ​@@mariolacero2433pano po kung di na mahintay yung 7days at ayaw po gumamit ng condom??

  • @charlesryionvillaruelramos8531

    First time user po aq ng pills 4 dqys palang po aq nkaka inom ng pills ininom ko po iyon nung pang 4 days q sa aking regla may nangyari po samin ng asawa q at insde po kami nun posible po ba na mabuntis aq kahit 4 days palang aq nkaka inom ng pills. Tnx po sainyong answr.

    • @missedpill
      @missedpill  Год назад

      Safe po kayo kasi nag start naman kayong uminom ng pills sa 4th day ng regla ninyo. Salamat po.